FORTY
Padapa akong nakahiga habang pinaparke ang paningin sa picture frame na nasa katabing mesa ng kama. It was during our last acquaintance party with Tori being Harley Quinn. Iyan ang binigay niya sa aking regalo noong birthday ko. I saw the same picture in her pink wallet.
Ramdam ko kung gaano kaikli ang buhay ngayong nawalan ako ng kaibigan. Losing Tori, I didn't just lose a best friend, I lost a sister.
Humalili sa kawalan ang paninisi ko sa sarili. What could have been happened had I not force her to go with me? Hindi pa man kami nagkakausap ni Nolan at ng mga Sanchez, alam kong ako ang isa sa mga sinisisi nila.
Tanggap ko. Inaako ko ang naging partisipasyon ko sa pagkawala niya.
Kung hindi lang responsable si Nolan na iuwi kaming ligtas, marahil siya ay ininom na rin iyon. Ngunit kahit anong gawin naming pag-iingat, we can never defy death. It comes when it's time. We can never do a bargain.
May ilegal na kemikal sa ininom ni Tori nang gabing iyon. Hinahamog man ang alalaa ko dahil nga sa alak, I'm sure I gave her something that aggravated her condition. She wasn't a lone victim.
Ayaw ko pang magsalita noong una dahil sa panghihina at pagluluksa ngunit hindi rin naman mabibigyan ng hustiysa ang pagkawala niya kung hindi ako magpapahayag. Pagkatapos noon, dinistansiya ko ang sarili sa pamilya niya. I don't think they'd like to see me.
Binaon ko ang mukha sa unan at napakuyumos sa kumot nang maalala ang sinabi ni Nolan sa labas ng morge.
"Alam mo ba ang sinabi ng doktor?" nanghahapos na hiningang wika niya.
Ayaw ko siyang tignan. Ayaw kong tignan ang mukha ng mga taong labis na naapektuhan sa ginawa ko. Tono pa lang ni Nolan ay parang binibiyak na ang puso ko, ano pa kaya't makikita ko ang pighati sa mukha niya?
"Ano...?" Isang salita at hirap akong ilabas ito sa naninikip kong dibdib.
Ilang segundong katahimikan ang pinadaan niya at hindi ko pinaghandaan ang sunod niyang sinabi. Ikinahinto ito ng mundo ko.
"She's pregnant." Nabasag ang boses niya.
Matalim na singhap ang ginawa ko. Bumagsak ang luha kasabay ang pagguho sa akin ng pagsisisi. I'm a big part of the blame.
"Two lives, Vin..." Tinago niya ang mukha sa pagitan ng mga tuhod at sabay ang pagpapakawala ng hikbi. Lumakas iyon at naging hagulhol at hindi ko kinayang masabayan siya. Nasasaktan ako para sa kanilang dalawa.
The cost of my selfishness is the death of two lives. God, send me to hell now. Or the forever guilt would be my own version of hell.
"Blame me...kung hindi ko kayo pinilit—"
"Stop," agap niya. "She's dead. Blaming someone can't bring her back to life again. So stop, Vin," iyak niya sa mariing tinig.
Tumango ako at nagpinid ng bibig. Walang mabulaklak na salita ang makakapagpagaan sa pagluluksa namin. Sumiksik ako sa sariling espasyo at niyakap na lang ulit ang hinagpis na agaran akong sinuklian.
"Vin, Kumain ka na..."
Hindi ako nag-angat sa tawag ni Jaxon. Nagbabara man ang ilong ay naamoy ko ang niluto niyang sopas ngunit wala akong gana.
Tatlong araw mula sa ospital ay nagkukulong ako sa bahay, hindi na pumapasok sa tattoo parlor at ni hindi ko kayang pumunta sa lamay ng kaibigan. I don't even want to acknowledge her passing.
Pakiramdam ko wala akong karapatang magsaya. Parang kahapon lang ay doon kami nabubuhay sa kasiyahang iyon, tapos bigla na lang babawiin. Hindi yata ako paborito ng Panginoon upang patagalin ang pananatili ng kaligayahan.
Bahagya kong nilingon ang paglapag ni Jaxon ng umuusok na bowl sa mesa. Inangat niya ang isang tuhod hanggang sa tinabihan na niya ako sa kama at ginaya ang aking padapang posisyon.
Hinawi niya ang basa kong buhok na tumatakip sa aking mukha. Nanglalagkit ako sa pinaghalong luha at sipon ngunit hindi man lang niya iyon pinandirihan.
Hindi ko matiyak pero sa tingin ko ay dito na siya tumitira. Wala akong maalalang umuwi siya dahil kada dilat ko mapaaraw man o gabi ay mukha niya ang nabubungaran ko.
May isang sandali nga na akala ko nanaginip ako na pinagmamasdan niya akong natutulog. I'm not really sure if that was a dream or not. I haven't asked him about it.
Pagod ang mga mata niya ngayon, mukhang inaantok. Anong oras na ba? Tinatamad akong alamin at wala rin naman akong nais gawin kaya bakit ko pa aalamin ang oras?
Tipid siyang ngumiti habang pinailalim ang kanyang kamay sa kamay ko saka niya pinagsalikop. Dinala niya ito sa kanyang bibig upang halikan.
Kung hindi lang ako nagluluksa, marahil ay nagwawala na ang puso ko sa kulungan nito. Ngunit pati kulungan at dibdib ko'y binibiyak at hindi pa naghilom upang makaramdam ng kahit ano. Hinigop na lahat ng kamatayan nang gabing iyon.
What's there to be happy about death? It's vile. It's grim. It may be a beginning for other people, but it's still the end of life.
"Let's eat, Vin," kumunot ang noo niya. "Pupunta ulit ako sa lamay mamaya. I'd be with Charlie, wanna come?"
Mahina akong umiling at binaon muli ang aking mukha sa unan. Bobombahin lang ako ng paratang doon. Hindi ko pa nakausap ang mga magulang ni Tori. I'm buying my time before facing them to say my most heartfelt apology.
"Okay...it's okay. But Vin, they're not blaming you..."
Hinampas ko ang kabilang kamao sa kama at pinadyak ang mga paa. Matalim ko siyang nilingon.
"I'm sure they are secretly blaming me, Jaxon! Kung hindi ko pinilit si Tori, sa tingin mo mangyayari sa kanya iyon? Kung ikaw napilit ko rin na sa totoo lang ay binalak kong gawin, I'm sure you'd be one of those unfortunate victims! Isipin ko pa lang..."
Dumidiin na ang bagsak ng pagsisisi ko! I added that as an afterthought.
Tinanggal na niya ang kamay sa akin at kalahating harap niya ang tinatakpan ang likod ko bilang paraan niya ng pagyakap.
"Walang naghahanap sa akin, 'di ba?" patuloy ko at mapaklang tumawa. "Of course! Dahil alam nilang ako ang isa sa mga dahilan. Hindi nila ako aasahan doon, Jax and I know I will never be welcomed."
Hindi na siya muling nagsalita. Alin lang sa dalawa; Umaayon siya o pinili niyang hayaan akong ilabas ang hinanakit. Naiipit ang umiinit kong mukha dahil nanatili pa rin itong nakabaon sa unan na hindi na yata natutuyo bilang kanlungan ng mga luha ko.
Jaxon tightened his arms around me as I sobbed. Kinatulugan ko ang pag-iyak hanggang sa gumabi.
Wala na si Jaxon nang ako'y magising. Marahil pumunta na sa lamay kasama ni Charlie. Sa pagkahapo ko'y hindi ko na namalayan ang kanyang pag-alis.
Bago pa makapasok sa kusina upang sana'y kumuha ng tubig ay hinablot ang atensyon ko ng ingay mula sa labas. Ingay ng boteng tinatapon sa paso. Tinungo ko ang pinto at binuksan upang mabungaran lang si Nolan.
Amoy ng alak ang umatake sa ilong ko. Pulang pula ang mukha at walang emosyon. Tanging nagmantsa ay ang namumungay niyang mga mata na sigurado akong binabahiran ng panunumbat at galit.
Bumaba ang paningin ko sa hawak niyang bote ng beer bago naibaling sa basag na bote sa gilid ng bahay. Nakuha pang mabasa ng pader doon at marahil nadiligan ng alak ang halaman sa paso.
"Nolan! Lasing ka. Wala ka sa lamay..."ani ko, wala ibang maisip sabihin.
Sa naging determinado at mariin niyang ekspresyon ay pinapakain ang panghihilakbot ko. Sumikip ang hawak ko sa doorknob, walang maisip na paghahanda dahil desedido akong tanggapin ang kung ano mang parusa mula sa kanya.
"You know what? You're right. A part of me is blaming you, Vin..."
Tinungga niya ang bote at marahas na tinapon. Sa isang iglap ay kinagat ng mga kamay niya ang braso ko. Sobrang higpit na tila kinukuyumos na niya ang balat at walang duda na magmamarka ito sa aking braso at maging pasa.
Pinasok niya ako sa bahay at padahas na sinandal sa pader. Napapikit ako sa lakas ng pagkakatama ng aking likod. Ikinasindak ko ang nanlilisik niyang mga mata at pangangatal ng nagbabadyang luha roon.
Tila hayop siyang handa nang wakasan ang buhay ng kanyang kalaban. Mababali na yata ang ngipin niya sa sobrang galit at hindi ko ito maipagkakaila sa bayolente niyang paghinga. Kaya niya akong ipitin hanggang sa magmakaawa ako sa buhay ko.
"I was going to propose to her in Dalaguete that Saturday in front of our family, dammit! Pero pinilit mo siyang sumama sa 'yo. Putangina, Vin! Why didn't you just go alone? Hindi ka na sana nandamay ng iba! Ikaw sana ang nakaratay sa kabaong doon at hindi siya!"
Napapikit ako sa kanyang sigaw kasabay ang pagbati ko sa higanteng kamao na pinipiga ang puso ko. Imbes na saktan ang sarili, nais kong siya ang gumawa nun sa akin upang mailabas ang hinanakit niya.
"I'm sorry..." iyak ko. Alam ko Nolan. Alam ko. Sana ako na lang talaga...
Umiling ako, tinatanggap lahat ng paratang. Tatanggapin ko rin kung ano mang gagawin niya sa akin. I deserve any one's punishment. Kahit iyong hindi ko nagawan ng kasalanan, gusto kong sa akin na nila ibuntong ang galit at paghihiganti nila.
If only this could bring back Tori's life, then I'm all set for one hell of a torture hanggang sa masunog hindi lang katawan ko kung 'di kaluluwa ko mismo.
Humihikbi man, hinahayaan ko siya sa galit niyang mga daing habang hinahalikan niya ako ng walang habas bilang parusa. Tiniis ko ang sakit sa mahigpit niyang kapit sa aking baywang.
Kung sisikmurain niya ako, hindi ako manghihingi ng tulong. Torture me as long as you want. As long as you can!
Dumiin ang kagat ng kamay niya sa aking braso, wala akong ginawa upang magreklamo sa nagsusumigaw na sakit. Dumaing siya nang tumigil, tila ba pinagsisihan ang ginawa niya, hindi niya kaya o galit dahil hindi niya ako magawang saktan.
Humihingal niyang sinandal ang noo sa aking balikat. Halo ang pawis at luha niya na bumasa sa aking balikat. Ang kamay niyang nakatukod sa pader ay naging kamao at pinagsusuntok na ito ngayon.
Napapikit ako bawat hampas. Humugot siya ng hangin at sa pagpapalabas nito'y sumabay ang panginginig ng kanyang balikat hanggang sa marinig ko ang kanyang hikbi.
"I'm sorry...I'm sorry, Nolan..." bulong ko at niyakap siya, binalewala ang ginawa niya sa akin.
Sumuko siya ng iyak at yakap. He held me like a lifeline as I held him back in the same tightness. Pinipiga ang puso ko sa daing at iyak niya na ngayon ko lang natunghayan. From the man who loves as much as he hurts. Both deeply.
Nanatiling lihim sa amin ang gabing ito. It's between two friends who both lost the same special person. It's between the people who both grieved and won't even know how long 'til this pain would dwell in our broken hearts.
Linggo, araw ng libing. Umuulan at karamihan sa natatanaw kong mga dumalo ay nakaputi at itim. Sinisilong nila ang mga sarili sa kani-kanilang mga payong. Isa ang Tesla sa mga nakaparke rito sa sidewalk ng Memorial Park kasama ng iba pang mga sasakyan.
Uminog ako sa namamahinga kong kamay sa aking binti na ngayo'y hinawakan ni Jaxon.
"Let's go?" Halong kakalmahan at pag-aalala ang nasa kanyang tono.
"Mamaya na kapag wala nang mga tao."
May pag-intindi siyang tumango at hinigipitan ang hawak. Binaligtad ko ang kamay ko't pinagsiklop ng sa kanya.
I need this with him. Had it not been for him, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa sarili ko. I would likely self-destruct.
Ilang minuto rin bago isa-isang nagsialisan ang mga humatid sa huling hantungan. Pinunasan ko ang isang butil ng luhang bumagsak, hindi ko pa kayang magpaalam.
Tori, hindi man ako kailanman pumunta sa lamay mo, it doesn't mean that I don't want to. I know you're watching me from wherever you are as I'm drowning myself with guilt for your death. I know you know that you're always be my best friend. You're always be my sister. And I love you. Hindi ko iyan nasabi sa 'yo. But I do, Tori. I do.
How I wish I could have said it when you were still alive, happy and in love with life. We're the yin and yang. The sun and moon. Black and pink. We're the total opposites but it never hindered our strange friendship.
Pinunasan ni Jaxon ang sunod-sunod kong luha habang nililitanya sa isip ko ang nais sabihin sa matalik na kaibigan. Hindi maubos-ubos ang tubig sa mga mata ko sa isang linggo kong puro tulog at iyak.
Kinuha ko ang panyo at ako na ang nagpatuloy. Inaalo niya ako sa likod saka inabot sa akin ang itim kong cardigan mula sa backseat. Unang lumabas si Jaxon dala ang itim na payong at umikot sa side ko.
Sinilong niya kami sa payong habang sinusuot ko ang pananggala ko sa malamig na panahon. Sabay naming tinahak ang basang lawn ng memorial park.
Kinupkop ng bulsa ni Nolan ang mga kamay habang nakayuko siya sa harap ng puntod. Inakbayan siya ng kanyang ina, parang may sinasabi ito. Umiling siya, inabutan ng payong ng ina ngunit umiling ulit ito.
Sandali pa niyang tinignan ang anak, umaasang magsalita ito ngunit hindi na nangyari. Hinayaan na siya ng mga magulang sa pag-intindi na ang mapag-isa ang kagustuhan at kailangan niya.
Huminto sila nang mahagip kami ni Jaxon na papalapit sa kanilang anak. Tinuloy namin ang paglalakad hanggang tumigil kami sa likod ni Nolan at sinilungan siya sa payong.
Saglit siyang lumingon saka tumingala sa amin. His face remained as a blank canvass. Nang magbalik tingin sa puntod ay sumabay na rin ako. Tori's full name carved on the headstone. Pinapalibutan ng mga nababasang bulaklak at nauupos na kandila.
Niluhod ni Nolan ang isang tuhod, 'di alintana ang pagmantsa ng lupa sa kanyang pantalon. Napasinghap ako nang may nilabas siyang pulang velvet box at binuksan ito, tila nagpo-propose sa harap ng puntod.
Panibagong luha ang naglandas sa mga mata ko nang makita iyon. Humigpit ang akbay sa akin ni Jaxon bilang paghahanda sa posibleng pagbi-breakdown ko.
Kung iba lang ang sitwasyon, marahil kasal na sila ngayon. They've been together since Freshmen college. Hindi kailanman nagbago iyon.
Tinititigan niya ang de-diyamanteng singsing sa bukas na velvet box. Binagsak ko ang aking kamay sa basa niyang balikat, tahimik siyang pinapatahan.
Seeing how they fell in love and being into each other, tapos bigla nalang paghihiwalayin ng kamatayan, binabahagian ako ng hiwa ng patalim sa dibdib tila ba binabalatuhan nila ako ng pagmamahal nila sa isa't isa. Napigtas ang lubid ng pag-ibig na iyon. Nawasak rin ako bilang isa sa mga bumubuo sa lubid.
I can't afford seeing my friends feel this kind of pain. Parang pinagkaitan din ako ng pagmamahal na sila ang yumayari.
Pagkatapos titigan ang singsing ay nilapag niya ang velvet box sa harap.
"Baka manakaw, Nolan," sumisinghot kong wika.
Hinahaplos ni Jaxon ang braso ko, naramdaman ang aking panginginig. Pinapasok pa rin ako ng lamig sa kabila ng kapal ng aking cardigan.
Umiling si Nolan. "Hindi ko 'to maibibigay sa iba, Vin. Sa kanya lang 'to. Binili ko ito para sa kanya, " matigas niyang sabi, pilit pinapabuo ang boses upang labanan ang lamig.
Nagpunas ako ng luha. Hindi matigil-tigil. Kapag magsasalita pa siya baka maglupasay na ako rito sa harap ng puntod ni Tori.
Basang-basa na si Nolan bago pa man namin masilungan ng payong kaya siya rin ay nangangatal at tinitiis lang ang kalamigan.
Ilang sandali lang ay nakipag-agawan na sa ulan ang lakas ng kanyang iyak. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang akbayan siya at aluin at hinayaan ang mga sarili naming umiyak.
Death. It's the end for the living. End of the breathing of the actual human body. Pero buhay pa ang mga kaluluwa nila. Is death a punishment? Is it a penalty for the good? Bakit kadalasan hindi nangyayari ang kamatayan sa mga masasamng taong buhay pa ngayon? Why does it mostly have to happen to good people?
I don't consider myself as good. Bakit hindi nangyari ang kamatayan sa akin? Bakit kay Tori pa? Why Tori? Why my best friend? Bakit doon pa sa taong isa sa mga tumanggap kung sino ako? 'Yong hindi ako nagawang husgahan kailanman?
She loves life so much. Why did life seem to abandon her through death?
Kasabay ng mga tahimik kong hinaing ay bumigay si Nolan sa aking mga braso. Palahaw niya'y sinamahan ng suntok ng mga kamao sa lupa. Ang kanyang panginginig ay hindi na sanhi ng lamig kung 'di ang mga hikbi. Sumasali ang pagluha ng kalangitan sa aming pagdalamhati.
In my arms is a broken man. I've never seen him this vulnerable. I caused it. I caused this.
Hindi ko masabi na ayos lang. Okay lang? Hinding-hindi ito ayos lang! This is death we are talking about. Death is never okay!
No matter what philosophical and spiritual statement other people say that death is just the beginning, there's still an end of it. It is still more an end of something rather than the beginning of something new.
This would change everything. Her death would be the metamorphosis of our lives.
Tuluyan na siyang napaupo habang sinasambit ang pangalan ni Tori. His almost fiancee. Isipin ko pa lang ang singsing na ibibigay na sana niya sa kanya ay hindi ko napigilan ang aking hagulhol.
Isipin ko palang ang pagdadalang tao niya na kasabay niyang nawala ang buhay ay lalong bumabaon ang ilang libong punyal sa puso ko. Mahigpit na mahigpit kong niyakap si Nolan sa panggigigil ko sa inis at galit na bakit kinuha itong masaya sanang kinabukasan sa kanila.
I don't know what would be my future. So bakit hindi ako ang kinuha dahil mukha namang wala akong patutunguhan? Tori and Nolan were already planning for their futures.
Now it's gone. It's gone with her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro