Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIVE

Bigo kong hinila ang atm card pagkatapos ko i-inquire ang balance. Pinaypayan ko sa 'king kamay ang namamawis kong mukha saka binalik ang card sa wallet kong walang ibang laman kung 'di ID ko.

Dapat hindi ako ma-dissappoint, ako ang tinutulungan kaya wala akong karapatang mag-reklamo. Kung namulubi man itong benefactor ko, hindi ko na dapat ikagalit iyon. Sobra pa ang nagawa niya sa 'kin simula nang magpadala siya para sa aking pag-aaral.

Utang ko 'to sa kanya lahat. Hindi sapat para sa 'kin na pasalamatan lang siya.

Dumugtong na ako sa pila ng mga estudyante sa university. Nasa kalagitnaan ako ng pila nang tumunog ang bell kaya mabilis kaming umusad.

Natigil lamang iyon nang hinarangan ako ng batuta ng lady guard sa akma kong pagpasok.

"ID mo?" tanong niya.

Nakarinig ako ng reklamo sa likod ko dahil sa pag-hinto ng pila sa 'kin. Aba, hindi ko na kasalanan kung male-late sila!

Binuksan ko ang aking wallet at hinarap sa guard ang aking id. Hinuhuli ko ang reaksyon niya habang ngumunguya ako ng bubblegum.

Kinumpas niya ang kanyang batuta. "Isuot mo 'yan."

Kibit-balikat akong pumasok at walang balak sundin ang sinabi niya. My old habits die hard.

Nagkalat sa entrance grounds ang naka-exhibit na mga artworks naming mga Arts students.  Pero pili lang ang mga idi-display. Ginaganap ito pagkatapos ng exams at bago ang acquaintance party at pagkatapos noon, mananatili sa buong buwan ang top three artworks ng mga estudyante mismo ang bumoto.

Angelov's artworks are always on the top three. Every year. Magaling ang isang iyon. Marami nang nag-offer sa kanyang mga kompanya pero tinanggihan niya lahat. Kung ako iyon, susunggaban ko na.

Kadalasan, kapag may bisita ang eskwelahan ay kinukuha ng interes nila ang mga likha at ino-offeran na agad ng trabaho. Hinintay kong dumating din  sa 'kin ang offer na iyon para pagkatapos kong gumraduate, may patutunguhan na ako. Hindi ko na kailangang mag-hanap ng trabaho.

Minsan kasi, kumukuha sila ng mga empleyado base sa itsura. Ewan ko lang kung may kukuha sa mukhang leader ng kulto katulad ko.

Imbes na pumasok sa klase ay sinuyod ko ang bawat aisle upang suriin ang likha ng mga naka-display. Sinadya kong bagalan ang aking mga hakbang, pandagdag thrill bago ko makita ang aking artwork na isa sa mga naka-display.

Meron namang pumatok sa panlasa ko, meron ding hindi ko feel. Parang kulang sa emosyon. Ginuhit siya para lang may maiguhit at maisali sa exhibit.

Napangiti ako nang makita ang graphic art nina Tori at Nolan an ewan ko kung sinadyang pagtabihin. Matagal na nilang hinangad na mapabilang ang mga gawa nila rito.

Ang sumunod na likha ay nagpahinto sa 'kin. Doon ako nagtagal sa gawa ng palaging nananalo kada taon. He's from another section kaya pangalan lang niya ang alam ko.

We all have insecurities. May pagkakataon na pinupuwersa kong gustuhin ang mga gawa ng taong hindi ako insecure kesa doon sa magandang gawa ng taong kinaiinggitan ko.

Katulad na lang ngayon, mas gusto kong manalo ang gawa ng iba kesa sa gawa niya dahil insecure ako sa kanya kahit art naman talaga niya ang pinakamaganda.

Am I being a bad person because of this distorted perception of mine? Ayokong makaramdam ng ganito o mag-isip ng mga ganitong bagay but I can't help but   put down myself and think that I am not good enough. My capabilities aren't that good enough to compete with the best ones.

Nang nasa last frame na ako ay dinagsa ako ng panghihina. Nabingi ako sa pagbagsak ng kung anong bagay sa 'king dibdib. Parang may kumuyumos sa 'king tiyan at pinakulo ang aking mga tuhod upang manghina at manginit ang aking mga mata.

My artwork's not here. Palagi namang kasali ang gawa ko sa mga display kahit hindi ako nananalo...

What's wrong with my art? Pinaghirapan ko iyon! I invested every emotion and probably, half of me constitutes the whole artwork!

Dinaan ko ang aking frustration sa pag-akyat sa hagdan. Two steps at a time. Inaasar pa ako ng ibang nakasabay ko. Humawi ang grupo ng magbabarkada upang padaanin ako kaakibat ng mga kantyaw nila.

"Andyan na ang kampon ng kadiliman! Ihanda na ang mga sandata niyo!" Sinundan nila iyon ng tawanan.

Umiling ako't napaikot sa aking mga mata. I guess these were freshmen. May salin pa yata sila ng immaturity na hindi nila iniwan sa highschool.

Hingal akong nakaabot sa fourth floor. Ang  paninikip ng dibdib ko ay 'di lang dahil sa pangangapa ko ng hangin kung 'di sa kabiguan ko mismo. I feel like I'm a failure. Umagang-umaga ay naiiyak na ako.

Sandali akong huminto upang pakalmahin ang sarili bago lumiko papunta sa aming classroom. Hindi pa ako nakaapak sa pintuan ay humarang na si Julissa.

Isa rin siya sa mga naiwan ang immaturity noong highschool at siguro dadalhin niya ang immaturity'ng iyon sa kanyang pagtanda. May balak pa yata siyang ipamana iyon sa kanyang mga apo.

Sumandal ang mahaba at manipis niyang braso sa frame ng pintuan habang nasa baywang niya ang isang kamay. Umangat ang isang maarte niyang kilay. Her red painted lips pursed. Nanunuya ang kanyang tingin.

"O, Davina, nakita mo na ba ang gawa mo sa baba? Wala, di ba? Siguro inalay na sa diyos ng kulto niyo noh?"

Naghagikhikan ang mga kaibigan niya sa likod na may hawig niyang red lipstick. I guess nag-share sila, at nagkahawaan sila ng ugali nang dahil sa lipstick na 'yan.

See why I don't have social media? You get judged in real life. In our generation of technology, much worse.

"Oh my God, Julissa. Grow up! We're not in highschool." Rinig kong sabi ni Tori.

Sinilip ko siya, ang sama ng tingin niya kay Julissa. Her right eyebrow is still undone hindi katulad ng kaliwa niyang kilay na may guhit nang eyebrow pencil.

Muntik na akong magpakawala ng tawa sa hindi pagkakapantay ng kilay niya.

I turned the right cheek instead at inignora na lang si Julissa. Habang tinutungo ko ang isa pang pinto ng classroom ay abala sa pagpapalitan ng maaanghang na salita sina Julissa at Tori. Umabot hanggang dito sa labas ang mga boses nila.

"Ayusin mo kasi ang boring mong make-up Julissa nang hindi ka mainggit! She's wearing Mac, girl! Mac! Sa'yo? Cheap glitter!" sigaw ni Tori.

Nang makapasok sa classroom ay naabutan ko ang pagtatahan sa kanya ni Nolan.

"Hush babe, hush..." Inakbayan niya ito at hinahagod ang likod habang may pinapanood na movie sa cellphone.

"Make up is art, she doesn't get it! There's nothing wrong in Vin's make-up," patuloy na pagmamaktol ni Tori habang ginuguhitan na ang kaliwang kilay niya.

"I get your point, now hush...it's pointless to argue with her. She's not worth it." May binulong si Nolan sa nobya upang tuluyan itong huminahon.

Pabagsak akong umupo sa tabi niya sabay sabit ng bag sa likod ng kaharap kong silya. Pakiramdam ko ubos na ubos ako ngayon. Nandito pa rin ang pangingnig ng aking mga tuhod sa gutom at kabiguan.

Bigla akong napangiwi sa malakas at padabog na paghila ng silya sa likod kasabay ang mga pagmumura ni Julissa.

Hindi ko na siya inintindi. I have my mind focused on another thing at hindi na ang panghuhusga nila. I'm used to it.

Hind ko matanggal-tanggal sa kalooban ko ang kabigatan dahil wala sa baba ang aking artwork. I am doubting my capabilities now.

Did I suck? Nawalan na ba ako ng kakayahang gumuhit? Lumikha ng sining? Dahil sa pagkakatanda ko, noong ginawa ko iyon ay confident akong maipanalo ko ito ngayong taon.

Even when I say that I don't want to compete, at the end of the day, gusto kong gawa ko ang pinaka. I can't seem to stop my competitive side na para bang may sarili itong buhay na makipag-kompetensiya.

Hindi ito big deal sa iba pero para sa 'kin, hindi ako nakakatulog kapag naiisip kong  hindi sapat ang mga ginagawa ko.

I hope I'm not alone in unleashing my competitive side without intending to be. Kasi minsan, sa pagiging competitive natin, nakakasakit tayo. Nakakasagasa tayo. We become aggressive.

If I want to hurt, mas gusto kong sinadya ko kesa ang hindi ko sadyain. Sa ganon, may halaga ang paghihingi ko ng tawad.

"Vin?"

Nilingon ko si Tori na mukhang kanina pa ako tinatawag. Nakatingin na rin sa 'kin si Nolan.

Lumingon siya sa likod bago bahagyang nilapit sa 'kin ang kanyang mukha.

"Is it about your artwork..." She trailed off. Mahina ang boses niya, iniiwasang marinig ni Julissa.

Siguro nakita na rin nila. Obviously, dahil mas nauna silang dumating sa school.

Humarap muli ako sa blackboard at bumuntong hininga. I'm happy for my friends na napabilang ang gawa nila sa naka-display. What I'm anxious and upset about all at the same time is my own artwork not being there.

"Itanong mo na lang kay Ms.Guillen sa faculty, Vin. Imposibleng hindi masali ang gawa mo. You're always on the top three," palubang loob ni Nolan.

"Oo nga. Kung hindi lang nag-resign si Ms. De Mesa at pinalitan siya, 'di sana nasa baba ang artwork mo. Fan mo iyon eh," dagdag ni Tori.

Tinignan ko sila. Mapaglaro akong kinindatan ni Nolan saka hinalikan si Tori sa buhok. Iling akong napatawa.

They're the epitome of cheerleader and jock kind of a lovestory. But Tori's not a cheerleader, she's more like the It girl. Si Nolan ang athlete. Volleyball. May pagka Angelov rin na playboy slash badboy ang dating but Nolan's not a playboy, mukha lang.

"Tsk, babe. Stop biting your nails," mahinahong sermon ni Nolan, inis niyang tinanggal ang daliri ni Tori sa bibig nito.

Ngumuso si Tori na hinarap ang nagkalat niyang make-up sa arm rest. "I can't help it. I'm anxious. Hindi ako nag-study."

"I got it covered."

"Really?' humagikhik siya. Hinalikan ni Nolan ang sentido nito.

"Ito isubo mo, huwag iyang daliri mo." Tinanggalan ni Nolan ang wrapper ng lollipop at isinubo kay Tori.

Inabutan rin niya ako ng isa. Kinuha ko iyon at nagtungo sa trash can na nasa likod ng pinto upang iluwa ang bubblegum ko saka ko sinubo ang lollipop.

"Puntahan mo na Vin habang wala pa tayong teacher. Text ka nalang namin," ani ni Nolan.

Tumango ako at lumabas na. Muli kong binakas ang hagdan. Dumaan muna ako sa cr sa third floor upang i-check ang make up ko. Hindi pa naman siya natunaw dahil sa pawis. Waterproof yata 'to.

Binagalan ko ang aking lakad nang madaanan ko ulit ang classroom ni Charlie na nagsimula na sa kanilang lecture. I tend to do a lot of shenanigans when I'm stressed. In this way, pansamantalang nada-divert ang feelings ko from being upset to having fun.

Nang mahagip ako ni Charlie, pinakitaan ko siya ng middle finger. Gumanti siya at nakita iyon ng kanilang lecturer dahilan upang siya'y sitahin at patayuin para sumagot.

Tawang-tawa akong tumakbo palayo sa kanilang classroom at bumaba na sa mezzanine.

Agad kong binakas ang direksiyon papunta sa table ni Ms. Guillen pagkapasok sa faculty room. Siya ang pumalit sa paborito kong si Ms. De Mesa na nangibang bansa na kasama ang pamilya.

Ang nadatnan ko ay ang working scholar na classmate ni Sheila sa accounting. Nahimigan niya ang paparating kong presensya dahilan upang nag-angat siya ng tingin galing sa pagsusulat sa lesson plan.

"Si Ms. Guillen?" tanong ko.

Binalikan niya ang ginagawa. "Hindi pa dumating eh."

Sinuyod ko ang buong faculty. Tatlong teachers lang ang nanatili at naghihintay sa kanilang next class. Dalawang working scholars kabilang na itong nasa mesa sa harap ko.

Sinulyapan niya ang pag-upo ko sa silya sa harap ng mesa. Pinatong ko ang isang paa sa katapat kong silya. Kinunutan ko ng noo ang alikabok sa boots ko saka ko ito hinawi.

Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakakausap si Ms. Guillen. I need her explanation. Kahit estudyante pa lang ako, may karapatan pa rin naman akong mag-demand ng raso. Pinaghirapan ko iyong gawa ko. I worked on it with my passion.

"Anong kailangan mo kay Ms. Guillen?" tanong ng working scholar na 'di nag-aangat ng tingin. Busy siya sa pagre-record ng grades.

"Iyong artwork ko kasi, wala sa exhibit sa baba," ani ko.

"Baka hindi siya nagandahan."

Uminit ang dugo ko sa inis.

"Bakit, nakita mo na ba?" pasinghal kong sabi.

Kung makapanghusga 'to. Ipatanggal ko scholarship niya sa eskwelahan eh.

"Tignan mo sa gilid ng table, nandiyan 'yong mga hindi nakasali." Gamit ng ballpen ay tinuro niya ang ibabang gilid ng table.

Hindi niya pa rin ako tinitignan. Takot lang niya sa make up ko.

Kinuha ko ang nakahilig na mga frames sa gilid ng mesa at nagbalik sa aking silya. Pinatong ko ang mga ito sa aking kandungan at isa-isang sinuri ang mga frames upang hanapin ang aking artwork.

Natagpuan ko ito second to the last. Lalo akong nanlumo. Wala nga yata siyang balak isali ito sa exhibit.

Sinuri ko ang sarili kong gawa, pilit iniintindi kung bakit hindi ito isinali sa display. I'm trying to think and feel on what's wrong with my surreal art.

It's a naked woman with her back facing the viewer's point of view. Yakap niya ang sarili at dumikit ang mga kamay niya sa kanyang likuran kaya kitang-kita ang mahaba at maitim niyang mga kuko. Hanggang baywang ang limit ng katawan sa frame.

She has no head but instead, countless moths came out flying from her neck. Sa pinakaibabaw ay isang lightbulb kung saan papunta roon ang mga moths upang dumugin ang ilaw nito.

The whole thing is hazy and monochromatic. It's surreal, dark and nostalgic. Sa baba may distorted letterings na naka-imprinta.

So I don't see what's wrong? May favoritism ba siya?

"Good Morning, Ms."

Tumayo ako yakap ang aking artwork frame nang marinig ang pagbati ng working scholar. Binalik ko ang mga frames sa pinaglalagyan nito.

Tinagpo ko ang tingin ni Ms. Guillen. Agad nanunuri ang mga mata niya sa 'kin. Mula ulo hanggang boots ko bumiyahe ang kanyang mga mata.

Sinabi sa kanya ni working scholar ang sadya ko. Umupo na si Ms. Guillen sa silya niya at sumunod ako. May mga iniutos pa siya sa scholar bago niya ako hinarap. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa mesa.

Angat ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa yakap kong frame.  "May I see your work?"

Inabot ko sa kanya ang frame. Sandali lang niya itong tinignan at agad siyang nagpakawala ng ismid.

"You're bothered na wala ito sa exhibit sa baba?" hindi makapaniwala niyang tanong, like it's a ridiculous thing for me to bother about this concern of mine.

"Opo. Usually kasali ang mga artworks ko every year," confidenty kong sabi.

Well, I'm trying to be.       

My confidence faltered not long a minute ago and I'm trying to retrieve it back. I need as much confidence to convince people. Kapag confident ka, kapani-paniwala ka. 

Sarkastikong tumawa si Ms. Guillen sabay baba ng frame. Pinatong niya ang mga pinagsiklop niyang kamay sa ibabaw nito. Nainsulto ako na ganon-ganon lang ang trato niya sa frame art ko.

Naka chin-up niya akong binalingan ngayon. She's quite intimidating.

"Well don't be too lordly, Ms. Claravel. Hindi ibig sabihin na kung kasali ka na sa mga exhibit kada taon ay panghabang buhay ka nang magaling. Your work here," may disgusto siyang dumungaw sa aking frame. "This is not art at all. There's some sort of an underlying psychological problem behind this graphic. Tell me, Ms. Claravel, are you taking something? Drugs? Anti-depressant pills...?"

What the fuck? Now she's being a trying hard shrink and is accusing me of taking something?

She doesn't know how to appreciate surreal and dark art.

"This is alarming. Kaya sinadya kong hindi ito isali. This would be a bad influence to the students. Ano na lang ang sasabihin ng mga bisita rito sa eskwelahan kapag nakikita ito?" Patapik niyang tinuro ang frame. "Na may baliw ditong estudyante? Maaapektuhan ang reputasyon ng unibersidad."

"So am I not allowed to express myself, Ms.?" Pinigilan kong mag-histerikal. "This has been my theme eversince  and Ms. De Mesa didn't mind. She liked my works!"

"I don't like it," nanghahamon niyang sabi. "Ewan ko kung saan nag-aral si Ms. De Mesa na sinasali niya ang uri ng kabaliwan na ito sa exhibit."

Napaawang ako. Nabingi ako sa pagtibok ng lahat ng pulso sa aking sistema. Nanginit hindi lang dibdib ko kundi mga braso't binti ko. Pinagpapawisan ako ng inis.

I have enough reverence to teachers pero kung magpapatuloy siya sa ganyang pananalita sa 'kin, ewan ko kung kakayanin ko pang pigilan ang parte ng diwa kong walang respeto sa kanya.

"Did you really graduate in college?"

Pinaningkitan niya ako ng mata. It's her turn to feel the wound of insult.

"You're questioning my degree, Ms. Claravel? Don't think too highly of yourself just because you're always on the top three best artworks at ngayon ka lang hindi nakasali sa display portion pa lang. I have a degree from one of the universities in California. Whereas you, you're still a student. Kaya huwag kang magmagaling."

Hindi ako nagmamagaling! I'm standing up, fighting for what I believe in that my work deserves to be in the exhibit! Sabihin na nilang mayabang ako. Pero iba ang nagyayabang sa tiwala sa sarili. They coincide sometimes but at the end of the day, magkaiba pa rin sila.

I am confident with what I've accomplished dahil alam ko ang kakayahan ko at kung saan dapat mapunta ang pinaghirapan ko!

"Base sa pag-uusap natin, that's not the right way of talking to your student. You're discouraging me, Ms. Guillen. Teachers don't only teach, they inspire and motivate their students. I haven't seen that act from you," mahina kong sabi.

Nararamdaman ko ang mga mata ng ibang mga teachers at working scholars na nandito pero nanatili ang tingin ko kay Ms. Guillen na biglang hindi nakaimik. Seryoso niya akong tinitigan sa mahigpit pagkakatikom ng kanyang bibig.

"Ms. Guillen, with all due respect, I don't care where goddamn school you came from. It's not in the school. It's with your perception that you don't know art at all. Familiar with addiction? Suicide? Abuse, drugs, death, crimes, murder? Well guess what? They exist. My art composes those things. Hindi lang puro good news ang mundo kaya puro makukulay na mga artworks ang pinili mong ma-display sa baba. They have to be aware that there's a black and white world, it's not just limited to your preferred rainbow shit."

"Watch your attitude, Ms. Claravel." May talim ang bawat salita niya, na nagreplika sa titig niya sa 'kin.

"And look at yourself." Ngiwi niya akong pinasidahan. "Anong klaseng ayos ba iyan? Magre-request ako ng ordinansa sa dean na bawal na ang ganyang klaseng kolorete sa mukha. You're scaring us here. Ano, miyembro ka ba ng frat? Paano ka ba pinalaki ng mga magulang mo?"

Fuck. Fuck. Fuck! Gusto kong isigaw lahat ng mga mura sa mundo! Gusto kong sabuyan siya ng laway ko laman ng mga pagmumura ko!

How could she be a parent of her own kids kung ganyan siya magsalita sa  'kin? I'm trying to be respectful, but she's giving me a reason to level down my respect to her.

Bigla kong naisip kung ganito ba siya magsalita sa mga anak niya. If she's insulting her kids like what she's doing to me, well with that, I have a right to question her style of upbringing.

Hindi ko na kaya pang makipag argumento sa kanya. But that doesn't mean I'm giving up. I'm just saving her from my further disrespectful act.

Hinablot ko ang frame mula sa mesa sabay tayo at nagmartsa palabas ng faculty room na hindi siya nililingon. Pinabaon niya sa 'kin bilang agahan ang gawa niyang mga insulto at ang panghihina ng loob.

Ang tahimik na mga hallways sa kada floor ay hudyat na nagsisimula na ang klase. Umiinit ang mga mata ko sa nagbabadyang luha.

Yakap ang pinakamamahal kong frame art, sa isang kamay ay sinilip ko ang aking cellphone at nakita ang text nina Nolan at Tori. May teacher na, ngunit hindi ko ikinabahala ang pagiging late sa klase.

Dumikit ang mga insulto at paratang ni Ms. Guillen sa aking utak na parang mga parasite at pinili ng utak kong manatili ang mga ito roon.

At hindi ko alam kung hanggang kailan bago nila ako lilisanin at hayaan akong makuntento sa kakayahan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro