FIFTY TWO
It's been three days since that night and it left a bruising souvenir. Hindi lang pagbahing ang gumising sa akin kung 'di pati na ang paggitgit ng sakit sa tagiliran. Habang iniipit ng tissue ang ilong ay aking inangat ang dulo ng tank top at sinilip ang pasa. The purple bruise greeted me.
"Miss mo na ako, noh?" kausap ko pa rito. Matagal na rin akong hindi nagkakapasa nang ganito kabrutal tignan. Remembering those times is like missing having a bruise, too.
Ang langitngit ng pinto sa baba at mga yapak sa hagdan ang nagpalisan sa akin sa kama. Tinapon ko ang tissue sa trashcan na tinabi ko lang din sa higaan dahil gabi-gabi akong naggigising sa barado kong ilong. Ininom ko ang tubig na palagi ko ring handa sa bedside.
"Ma'am Vin!" Si Raven at saka siya kumatok.
Tumakbo muna ako sa cr upang maghilamos at mumog bago pinagbuksan si Raven dala ang gamot. Nagkagatla ang noo ko ng wala sa oras pagkakitang nakalagay pa ito sa tray kasama ng baso ng tubig at mug na may kape.
"Gamot lang pinakuha ko," pagod kong sabi sabay singhot. Napangiwi ako sa kakaiba kong boses. I sound like a robot.
Raven grinned at mas nilapit ang tray. Kinuha ko na lang ang gamot, ininom ang tubig, nagpasalamat saka kinuha ang kape. Wala pang alas otso kaya tahimik pa sa baba maliban sa mga boses ng staff at padulas na yapak ng mga sapatos nila.
"May mga stock ba kayo ng coloring pens sa baba?" untag ko at sumimsim ng kape sa mug. I hate that I couldn't even smell it because of my clogged nose.
Tumalbog ang maikling buhok ni Raven nang tumango. "Opo ma'am.Nasa storage katabi lang ng office. Bagong tambak po iyon from last week. Para hindi na kayo mapagod sa pagakyat-baba ay sa office na lang po kayo magtrabaho."
Tumango ako at kinonsidera ang sinabi niya. Mainam nga naman kung ganon. It's not that I don't have the things I need here. Mas accessible lang kung sa baba ako. Mapapalapit pa ako sa espresso machine.
Nakayuko si Raven at pinagmamasdan ang ballerina shoes niyang binabakas ang linya ng baldosa. Ewan ko kung ano ang hinihintay niya at hindi pa siya umaalis. Ginawa kong oportunidad iyon upang mang-usisa.
"Ilang taon ka na Raven?" tanong ko sa likod ng mug.
Nag-angat siya at namilog ang mga mata. "Twenty eight po."
"Ay! Mas matanda ka pa pala sa 'kin. Mukha ka kasing highschool. Huwag mo na akong i-ma'am at i-po."
Humagikhik siya. "Thank you."
Nagtaas ako ng kilay. "Nasiyahan ka naman?"
"Po?"inosente niyang untag.
"Nasiyahan ka namang malaman na mukha kang highschool?"
Mukha siyang napahiya noong una ngunit naglaho rin at nauwi sa hiyang ngiti at kibit balikat. "Slight."
Pabiro ko siyang inirapan at umiling. Napangiti nang kaunti. Binalik ko ang mug sa tray. "Sa baba ko na uubusin iyan. Mainit pa, e."
"Okay po," aniya saka tumalikod.
Hinatid ko pa siya ng tanaw pababa sa hagdan. Sa paraan ng paglalakad niyang sa wari ay tumatalon, ikinabahala kong gugulong siya sa hagdanan. Nang nasa dulo na siya ay saka ko pa sinara ang pinto.
Pagkatapos maligo at magbihis ay dinala ko na ang aking mga kagamitan kabilang na si Woodrow sa baba. Nagsimula nang umingay sa shop karamiha'y mga teenagers.
Pangalawang araw ko pa lang ito sa paggawa ng disenyo sa photo book ni Jaxon. Inuna ko pa ang para sa book jacket. Naisip kong magliwaliw upang makalikom ng mga ideya. I could hardly find inspiration in this colorful and pastel place.
Ang pumipigil lang sa akin ay ang mga naka-line up pang projects. I finished three website designs yesterday, may lima pa akong tatapusin for this week. At masakit sa loob kong tanggihan ang ibang gusto kong disenyuhan dahil sa kaisa-isang deadline na hahabulin ko at the end of this month!
The worst? Hindi pa niya sinend ang mga articles niya. Kahit iyong mga pictures man lang muna ang kanyang unahing i-send. Makikitaan ko pa ang mga iyon ng potensyal upang gawing book jacket. Nasa tungki na ako ng pag-iisip na sinadya niya ito upang pahirapan ako!
I checked my email hoping that something would come up from him. Puro kliyente ko lang dati ang bagong emails asking to add title pages and images sa isang layout ng magazine. I ignore all of them then I closed the Yahoomail window. Binalikan ko ang Adobe Indesign at pinagpatuloy ang pagtapos ng lettering.
"Naging sexiest man ka lang...ganyan ka na!" bubulong bulong ko. Napalakas ang pindot ko sa isang letter sa keyboard. "Kapag ako naging sexiest din...hindi kita papansinin.Hmp!"
Although, I couldn't shake off the memory of the panic on his face nights ago. Kung nag-alala man siya, bakit hindi niya ako tinawagan? Nakita niya naman siguro na natamaan ako. And damn it was helluva painful! Kung hindi lang ako napagod sa kakaiyak ay mananatili akong dilat sa sakit ng balakang ko.
Maybe he was just worried out of guilt. Not because he cared. Wala naman akong maisip na dahilan na ika-guilty niya ngunit iyon mismo ang nakikita ko sa kanyang mukha. He was like saying sorry, and asking me to wait for him until he could cross the street.
Pumasok si Raven dala ulit na tray. Naroon ang mug na inimnan ko kanina. Medyo may pang-amoy na ako dahil nahimasmasan nang makaligo kaya nasamyuhan ko na ang kape.
Nilapag niya ang mug sa tabi ng MacBook ko. It has a wooden cup holder.
"Ang laki siguro ng suweldo mo noh?" wika ko. "Ang bait mo sa 'kin, e. Kung maliit lang kinikita mo rito siguro hindi mo gagawin iyan."
Tumawa siya. "Hindi naman. Ito may cake."
Binalingan ko ang kasunod niyang nilapag. A triangular slice of dessert na may dalawang linya sa gitna. The icing is white.
"Hay salamat, hindi chocolate." I said under my breath sabay click sa mouse.
"Red velvet cheesecake po iyan. Tawag na lang kayo kung may ipabibili kang pagkain."
Tumango ako. "Sige thanks."
Papalabas na siya sa office nang may maalala akong itanong. Sumandal ako sa sandalan ng swivel chair at pinapaikot-ikot ang sarili ko rito.
"Ah Raven," hinintay ko siyang huminto at nilingon ako, "nanood ba kayo ng balita kagabi?"
Kumulubot ang ilong niya at umiling. "Hindi eh. Absent kasi iyong crush ni Irene kaya nilipat niya ang channel."
Hindi ko mapigilang matawa. I made a dismissive motion to her at pinunasan ang dulo ng ilong ko nang may naramdaman akong papalabas mula rito. Buti nalang nagbaon ako ng tissue. Nang mag-angat ay sakto ang pagsara ni Raven ng pinto at tinatakpan ang ingay mula sa labas.
Umayos ako ng upo at sinuot ang aking computer glasses. I wear this kapag alam kong matatagalan ang pagbabad ko sa laptop. Hindi ko agad binalikan ang ginagawa. He's not on last night? Off kaya niya? O may schedule din siya sa morning news? Kung ganunman eh sana alam iyon nina Raven at nabanggit na sa akin.
Kinahapunan ay doon pa lang nag-email si Mr.Montero sa articles at mga documentary pictures niya. May nagawa na rin naman ako sa cover jacket though I'm still open to changes kung may makikita akong mas magandang pang-cover design.
Iyon lang, kulang ang pictures para sa layouts. Hindi pa siya nag-reply sa email kong nanghingi ng karagdagang pictures. Bakit ba ang bagal niyang mag-reply? Does he not check his email often? Sana hiningi ko na lang number niya para mas mapadali ang communicaton namin.
He should have the initiative to give me a much quicker way to contact him if he wants me to complete this project as fast as he want it to be. Pero hindi. Ano bang maaaring pagkakaabalahan niya ngayon maliban sa reporting o pagsusulat tungkol sa mga pangyayari sa paligid?
Unless he's not really busy on work but on some extracurricular things.
Hindi ko mapigilang mapasimangot. Sinandal ko sa backrest ng swivel ang sakit ng likod at batok ko. I could never afford to think about extra things right now dahil sa unti-unting pag-angkin sa akin ng pagod. Five minutes lang then I'll return to work. Five minutes...
Mahinang katok sa pinto ang humila sa aking kamalayan. Nilingon ko ang pagbukas ng pinto sa nanlalabo at inaantok ko pang mga mata.
"Ma'am—"Sumilip ang ulo ni Raven at agad napatakip sa bibig. "Vin, uwi na kami."
Pinanlakihan ako ng mata. "Ha? Anong oras na ba?" Madali kong inabot ang aking phone at binuhay. It's quarter to nine! Namatay bigla ang pagod ko.
Sinapo ko ang aking noo at binalikan ang namamahinga ko ring Mac. Tumunog iyon nang ma-unlock at bumungad ang naiwan kong design kanina.
"Sige, ako na lang ang magsasara sa labas," sabi ko na hindi sila tinitignan. Nagtatawanan na sila sa labas at pinag-uusapan ang nais nilang tambayan. Sabay silang nagpaalam na sinuklian ko ng kaway
Ang five minutes ko kanina ay naging five hours! Ni hindi man lang ako nakakain ng hapunan. I'll settle with a midnight snack then. Nakapag-power nap na rin naman ako so most likely, I'd be alive by midnight.
Mula nang pumasok ako sa office kaninang umaga ay ngayon ko pa lang nakuhang lumabas. Patay na ang ilaw sa mga rooms pati na ang shop sa harap. Ang hallway lang ang nanatiling maliwanag. And the lights aren't even that bright enough!
Binuhay ko ang music sa phone, kinikilabutan ako sa katahimikan ng buong paligid. Dinala ko ito sa storage room. Binuksan ko ang ilaw at hinanap ang kinaroroonan ng mga coloring pens.
The room is filled with tall white shelf cabinets and open and sealed boxes. Marahil nasa isa sa mga sealed na iyon ang hinahanap ko. But I still try to look up on the shelves, though. Ayaw ko naman kasing galawin ang bagong stock ng ganon-ganon lang.
"There you are!" I exclaimed, competing with Halsey's Hold me down.
Nilapag ko ang cellphone sa isa sa mga nakapatong na box at hinila ang silya sa tapat ng pangalawang shelf. Sumugat ito ng ingay sa baldosa.
Nasa pinakatuktok ang stack ng mga coloring pens at hindi ko pa iyon naabot. Ilang beses na akong binigo ng height ko sa kabila ng aking katangkaran.
"Ang taas mo naman!" nababagot kong sabi. Paano nalalagay iyan nina Raven sa pinakatuktok eh ang liit ng babaeng iyon? Nasa 5'1 lang yata siya.
Tumingkayad na ako ay wala pa rin. Mabigat na hangin ang pinakawalan ko saka pumamaywang, nanatiling nakatingala na para bang mahihipnotismo ko ang coloring pens na ako ang babain imbes na ako ang aabot sa kanila.
Naghanap ako ng maaaring apakan. Kaso kung aapak ako ay baka matumba naman ang shelf. Nang sinubukan ko ay umuga ito at humilig sa direksyon ko. Hindi ko na tinuloy bago pa ako madaganan. Napadaing na ako sa inis at muli iyong tiningala.
Pinunasan ko ang namuong pawis saka ako tumalon sabay abot niyon. Tumigil ako sa paggalaw ng silya. Kumapit ako sa shelf habang nanginig ang aking mga binti. Nang makalma ay inulit ko ang ginawa.
Sa pangatlong beses ay tinaasan ko ang talon. Tinakasan ako ng aking kaluluwa nang mawala ako sa balanse kasabay ang paguga ng silya. Hindi ako kumapit sa shelf sa takot na mahila ko ito pahulog.
"Shit!Shit!" bulalas ko kasabay ang pagkawag sa aking mga kamay kahit alam kong wala nang mapagkapitan.
My body's not in line with the chair anymore! Mabilis kong pinihit ang katawan sa sahig upang makuha ko pang matukod ang sarili sa kamay ko. Bago pa iyon mangyari ay nahigit ko ang aking hininga sa pagtama ng gutom kong tiyan sa matigas na balikat. Hindi na ako umabot sa sahig.
Natilihan ako. Pumulupot ang mga braso sa aking binti. I know that perfume.
Wala pa akong kooperasyon sa aking boses ay inisang buhat na niya ako tila isa akong unan. Nga-nga ang gumiba sa aking mukha kahit naramdaman ko na ang sahig.
Sa mahabang binti ay eksperto nitong inakyat ang silya. Saglit niyang tiningala ang tuktok ng shelf saka niya ako nilingon. He's at the top of the chair with arms akimbo. I can't help but trace the crooked lines of veins on his forearms.
"Anong kukunin mo?"
Pinaakyat ng boses niya ang paningin ko sa kanyang mukha. His face and tone is blasé.
I blinked. Matagal bago rumehistro sa akin ang biglaang pagsulpot ni Jaxon. Nakaawang lang ako. Pagtanong ang sana'y una kong gagawin ngunit naunahan niya ako.
"Coloring pens." I pointed stupidly and aimlessly at nothing.
I looked stupid! Habang siya'y pormang-porma sa dark navy Henley shirt at dark jeans na may tupi sa manggas. The hem fold shows the length of his brown Timberland boots. Was he assigned in the field? Wearing that? He doesn't seem like who came from the newsroom.
May lukot pa ang shirt niya sa bahagi ng siko sa pagsubok na iangat ang manggas nito. In that way, it even made his shoulders looked broader. Although, he still isn't as buff as Denver. Just lean enough to be considered a hunk.
Sinuklay ko sa kamay ang magulo kong buhok habang pinapanood siyang inisang abot lang ang coloring pens. Walang kahirap-hirap! While I almost hit my ass on the floor struggling for those damn pens!
Umatras ako nang bumaba siya sabay abot sa akin nito. His height towered over me. Kung matangkad na ako, paano pa kaya siya?
Kinuha ko iyon. "S-salamat..."
Tinitigan ko pa siya, naghahanap ng sagot kung bakit siya nandito. And how the fuck does he know I'm here? Sa pagkakaalam ko...
Wait. Business card ng shop ang naibigay ko sa kanya imbes na iyong calling card ko! Masyado akong kabado ng mga oras na iyon kaya nalamon na nito ang tama kong kaisapan.
Tinaasan niya ako ng kilay. Nakikitaan ko ng paglalaro ng dila niya sa kanyang ngipin sa nakatikom nitong bibig. Mukhang siya pa itong inuutusan ako.
"Bakit ka nandito?" pataray kong tanong para naman matandaan niyang nasa teritoryo ko siya. Kung makatingin kasi siya sa 'kin...
"Mag-uusap tayo ng ganito?" Turo niya sa aming dalawa. Halos magdikit na ang mga dibdib namin sa lapit. "And one more thing, the front door is unlocked. Paano kung ibang tao ang pumasok? And you're wearing that!" marahas niyang turo sa 'kin. Malalim ang gatla sa noo niya sa pinapakitang inis.
I looked at myself. Tinaas ko nang kaunti ang aking sando dahil sa sumisilip na cleavage. Puro naman kasi kami babae kanina kaya walang kaso sa akin. And I didn't expect him to be here.
Umismid na lang ako at tinalikuran siya. Kinuha ko ang cellphone saka lumabas na ng storage. Bakit ko sasagutin ang tanong niya eh hindi pa nga niya sinagot ang tanong ko? I asked first!
Nakabuntot siya sa akin. Sa ingay ng pag-ingit ng pinto ay napatalon si Woodrow galing sa swivel. Buti na lang pala hindi ko ginawa ang trabaho ko sa kwarto. The 'have been's' made me shiver to the bones.
Sinara ni Jaxon ang pinto. Dapat naman talaga niyang isara iyon ngunit bakit parang mali para sa akin na sarado ito at nakakulong kaming dalawa rito sa office? Iniintindi ko pa ang pagsakal sa akin ng tensyon.
"Bakit ka napadpad dito? This is not a newsroom." Pinulot ko si Woodrow upang takasan ang kakaibang nararamdaman.
Hinarap ko siya. I'm petting my cat.
Nakasandal ang likod ni Jax sa pinto at nakahalukiphip. Bumaba ang tingin niya kay Woodrow.
"That's a hairy pussy."
Namilog ang mga mata ko. "Ha?"
His mouth twitched. Nagpipigil ba siya ng tawa? I almost exclaimed the hysterics in my thoughts.
Indeed. Dahil nang binalikan niya ang aking mukha, kitang-kita ko ang kislap ng aliw sa mga mata niya.
"I'm waiting for the design." Tumikhim siya at pumormal ng tayo, mas binaon ang kamay sa bulsa.
"Nag-email ako sa 'yo. I asked for additional pictures."
Nagkagatla ang kanyang noo sa pagtataka. "How about those that I sent you?"
Binaba ko na si Woodrow at hinila ang swivel upang makaupo ako. "Okay naman pero...may hinahanap akong mas angkop, e. 'Tsaka kulang ng pictures para sa layouts."
I've read his article. And as I scan along, may mga naiisip akong mga imahe na tamang ilagay sa layout. The pictures are great, actually. But some of them doesn't seem to connect with the article. Siguro hindi talaga sadya ang mga litratong iyon sa sinulat niya. He did them separately.
I could feel Jaxon move. Rinig ko ang maingat at metikuloso niyang mga yapak papalapit. But it sounds heavy and bass-sounding against the laminated maple floor tiles due to the boots. Sandali akong hindi huminga upang bantayan ang galaw niya.
"Kung gusto mo sumama ka sa akin. I'll do a video documentary in a remote place. Perhaps, you coud find potential shots for the layout."
Inikot ko ang swivel paharap sa kanya. Lalagpas pa sana iyon ng ikot ngunit naawat ng kanyang mga kamay. Marahan ang kanyang pagyuko upang maisagawa iyon. Hindi ako umatras sa kaunting paglapit ng kanyang mukha.
"Saan?" Lumiit ang boses ko.
"Cebu."
His eyes looked sleepy. A far cry from his fresh and clean shaven face. Maayos naman din ang buhok niya. Saan ba kasi siya galing?
"Kailan? Ilang araw?"
"Bukas ang biyahe ko. Three days tayo doon. It's like an immersion."
Tayo. So nasisigurado na niyang kasama ako kahit hindi pa naman ako pumayag. I suppressed my smile. Napansin niya iyon na ikinakunot ng noo niya.
"Kung bukas na pala ang flight—"
"I'll have it ready kung sasama ka." Binunot niya ang cellphone sa bulsa at pinakita sa akin.
Oh, he has an assistant to do the work for him? May assistant ba ang mga reporter? I don't think so. Some of them does the job on their own. Or...maybe he'll ask Kelsey to do it for him. Siya nga ang naghanap ng graphic designer para sa kanya.
Wala sa sarili akong napairap at inikot ang swivel paharap sa desk.
"Pag-iisipan ko."
Do I really have to think it through? Alam ko mismo sa sarili na sasama ako. Bakit pa ako nagpapakipot? Umaasa akong pipilitin niya ako? Ni hindi nga niya kinamusta ang tama ng balakang ko sa kotse. It bruised! And he didn't even come close into indicating that he cared about it!
Out of guilt nga lang talaga iyong nakikita kong pagkakataranta niya.
I made a messy bun of my hair. Dumaan si Jaxon sa gilid ko. His manly scent made a shameless trip to my nose. He settled himself on the black leather chesterfield sofa. Facing me.
Ewan ko kung bakit bigla akong nailang sa presensiya niya. Ilang nakakahalay na mga imahe ang naglalaro sa utak ko habang nakaupo siya diyan. That could fit the both of us actually.
Ugh, Davina! Gutom ka lang!
"Magtatagal ka ba? This doesn't finish overnight,"panimula ko bilang makapamulat ng usapan.
I try really hard not to look at him dahil sa mga kahalayang naiisip ko. I suddenly remember the reclining chair. At kailangan ko pa bang banggitin ang suot ko? Pambahay lang na binubuo ng white sando that fits me like a second skin. Kita pa ang bra kong color violet. And my gray cotton shorts exposed my shaved long legs!
"Kung ano ang natapos mo iyon ang titignan ko. I'm also here to oversee the design and how you work it. Rather you email it to me, I want to see it firsthand para kung may nais akong ipabago, I'm available here."
Oh, really? Bakit parang ayaw kong paniwalaan?
"Galing kang station?" patuloy kong usisa.
"Off ko." His tone is perfunctory.
"Kahapon din ba off mo?"
"Hindi."
Napaismid ako. What's with the curt one-liner answers? Dati rati ay palaging may explanation ang mga sagot niya!
Pakiramdam ko tuloy bored na siya sa akin dahil sa tono niyang walang bahid ng pagiging interesado. Kung si Kelsey nga, kahit hindi naman nagjo-joke ay napapangiti siya.
Kaya hindi na ako nagtanong. Kakatamad namang kausap 'to. Pati yata pakikipag usap niya sa ibang tao ay may day off din.
Well it's been six years. Sa anim na taon na hindi niya ako nasisilayan ay unti-unti na ring nalalagas ang nararamdaman niya sa akin hanggang sa tuluyan na itong pumanaw. So along in the decline of his feelings is also the fall-out of his interest of having a conversation with me. We used to be comfortable in our silences. Now? It's like he's bored.
Kung ako sa kanya umalis na lang siya. Puntahan niya si Kelsey kung doon siya masaya!
Sa inis ko'y may dahas ang pagguhit ko sa coloring pen hanggang sa sinaksak ko na ito sa sketchbook. Nabali. Natanggal ang dulo.Tinapon ko iyon sa sahig at kumuha ng panibagong kulay sa lalagyan. Winaksi ko ang pangit na draft, kinuyumos at hinagis sa pinakamalapit na trash can.
"Okay ka lang?"
Mapait akong ngumiti. Don't ask me that, Jaxon kung hindi mo naman itutuloy hanggang tatlong beses.
"Yeah," matabang kong tugon at inulit ang ginuhit na draft kanina. Nilagay ko ang isang paa sa swivel at pinatong ang baba sa aking tuhod.
Sandali ko siyang sinulyapan. Chill siyang nakaratay sa chesterfield sofa, pinagkrus ang mga paa, and he's petting my cat in his stomache.
Our images in the reclining chair overtook into the forefront of my mind. Imbes na ako ang nakaupo sa tiyan niya, pinalitan ito ng pusa ko.
"May anak ka na ba?" tahimik niyang tanong.
I pushed my chin away from my knee. Hindi niya kita ang pagtataka sa mukha ko. He's busy petting Woodrow, or it's just his way to avoid my eyes.
"Kung may anak ako dinala ko na sana rito."
"Kahit sino pa ang ama nito?" Hindi siya bumitiw sa ginagawa.
"Ano naman sa 'yo kung iba ang ama ng magiging anak ko?" paghahamon kong sabi.
Kahit nakayuko ay kita ko pa rin ang pag-angat ng dulo ng kanyang labi. A sarcastic smirk.
"Like who? Lionel?" dura niya, animo'y lason ito sa kanyang bibig.
I want him to sweat with jealousy. Because if he is, then may pag-asa pa ako. Yet the disdain he's shown disappeared as soon as it came. At ganon rin ang pagbaba ng alon ng pag-asa ko.
Katahimikan ang lumunod sa amin sa mga sumunod na sandali. Sumusugat sa kapayapaan ang ingay ng coloring pens ko sa sketchbook. Gumagawa kasi ako ng draft ng design na gagawin ko rin sa Adobe kapag natapos. Paminsan-minsan ay tumutunog ang cellphone ni Jaxon, nagtitipa siya ng text at tumatanggap ng mga tawag.
"Hindi ako pwede bukas. I'll be in Cebu. I've already informed director Vidal dahil siya mismo ang nag-assign sa akin...No, Paulina did the research but I know how to get there. I can do it on my own." Sinulyapan niya ako pagkatapos sabihin iyon.
Unti-unting humina ang haplos niya kay Woodrow hanggang sa tumigil. Kumunot ang noo niya sa kung ano mang sinabi ng kabilang linya. Wala sa sarili siyang sumandal sa backrest ng sofa. His jean-clad legs spread with confidence.
We could have just stayed like this. Kung naroon pa rin ang dating nararamdaman niya, this scene would have been perfect. I'm working on my designs, while he's answering calls related to work while petting my cat. Woodrow would have been his cat, too! Magiging anak namin siya. I've seen some couples making their pet as their child.
We could have been...
"This is not foreign to me, Lao," nakangiti niyang ani saka bahagyang humalakhak. "I did a quite of travel documentaries in Nepal and Thailand. Correspondents pa tayo noon..."
At nagpatuloy siya sa kanilang usapan. I take it that Lao is a good friend of his in the media. Lumihis ang focus ko sa ginuguhit sa sinabi niya about his travel documentaries. Naipalabas kaya ito sa tv? Or a segment in the news program perhaps?
Marami yata akong pupuluting sagot mula kay Irene. Paniguradong alam niya ang ukol dito.
Wala pang tatlong segundo mula nang natapos ang tawag ay tumunog na naman ang kanyang cellphone. It didn't even reach three rings at sinagot na niya ito.
"Kels?"
I tensed. Tinignan ko siya na siyang unang nagtapon ng tingin sa akin. Sa kawalaang emosyon sa kanyang mukha, hindi ko alam kung para sa akin iyon o sa kausap niyang maigi niyang pinakikinggan.
Umawang ang bibig niya, may nais yatang sabihin sa kanyang BEST FRIEND. Madali kong kinuha ang aking white Beats headphone at inipit sa aking tenga bago ko pa marinig ang sasabihin niya. Ayaw kong langgamin sa lamyos at tamis ng kanilang pag-uusap.
Nilakasan ko ang volume ng kanta at nilulunod ang sarili sa pagguhit. Hindi ko na siya naririnig. But I still watch him shift sitting positions.
"So what if I'm crazy, the best people are..." kanta ko. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang kanyang paglingon. Siguro malakas ang aking boses. At nag-uusap pa rin sila.
"All the best people are crazy..." I swayed my head at mas ginanahan pang mag-drawing. I'm almost finished at ico-consult ko na ito kung okay ba sa kanya ang ganitong design.
Kinuha ng gilid ng aking paningin ang pagsenyas ni Jaxon sa kanyang kamay. Nang nilingon ko ay marahas niyang tinuturo ang kanyang tenga, mukhang may sinasabi ito. Salubong ang kilay niya.
Tinanggal ko ang headphone. "Sorry? What did you say?" inosente kong tanong.
"Pakihinaan ang boses mo," masidhi niyang bulong.
Umirap ako. "Oh, sorry. Naistorbo ko yata kayo ng bestfriend mo."
Ibabalik ko na sana ang headphone sa tenga nang pinaringgan niya ako ng malakas niyang buntong hininga.
"I'm talking to our News Director." His voice has an edge as he spoke that bordered to a whisper. "So please, tone down your voice. Sintunado ka naman."
Inirapan niya ako sabay balik ng phone sa kanyang tenga. Sa pader niya ibinaling ang sarili tila iyon na ang katuldukan ng pagkakastigo niya sa akin.
Bumagsak ang panga ko. Hindi ko alam kung alin ang uunahing intindihin. Ang ma-guilty dahil iba pala ang kausap niya o ang maghimagsik sa sinabi niyang sintunado ako! Sa dalawang iyon ay dinudulutan pa rin ako ng kahihiyan.
Malay ko naman kasi na saglit lang pala silang nag-usap ni Kelsey. Kung ano man iyon siguro hindi na importante o baka isang tanong lang ang itinawag. Pwede ring nangungumusta. Kung ganunman, posibleng hindi sila nagkita kanina.
But I still hate it that they call each other. And the fact that he used to court her. And they still remain friends even after all that.
"Kumain ka na ba?" May akusasyon sa kanyang tinig at kaunting inis.
"Ico-consult ko lang itong design kung okay sa 'yo." I said instead of replying to his question. Binaba ko ang coloring pen at sinandal ang likod sa swivel bilang imbitasyon na maaari na niyang suriin ang gawa ko.
Sinilid niya ang phone sa bulsa saka tumayo. Ang paraan ng paglalakad niya ay wala pa ring pinagbago. Maybe that walk is really meant to bring him to the success he's in right now.
Gamit ng paa ay tinulak ko ang sarili kasama ang swivel chair sa gilid upang bigyan ng espasyo si Jaxon. Kinuha niya ang sketchbook.
The draft is under the mercy of the scrutiny on his eyes. Kumibot ang natural na pink niyang labi. Sobrang unfair dahil mas pink pa kesa sa akin. Mas tumangkad siya sa nakatayo niyang buhok na hindi naka-gel.
"It's fine," he finally said. Buntong hininga niyang binaba ang sketchbook sa desk saka tinukod ang kamay rito. Bahagya siyang nakayukod. Sa ginawa ay umangat ang dulo ng kanyang shirt sa likod kaya sumilip ang garter ng suot niyang boxers or whatever underthing he's wearing. A small portion of his back muscles peeked, too.
He's pouting at my draft. Tinukod ko ang aking siko sa desk at binagsak ang gilid ng ulo sa kamay ko. I crossed my legs.
"But...?" I asked.
Hinila niya ang sarili patayo at humalukiphip, not looking away from my draft. Nakaharap ang katawan niya sa akin.
"The design is okay," aniya. "I just don't like the color. I like gray to pair with the white instead of black."
My nose crinkled as I imagined it.
"It would look boring," walang hiya kong dura. "They're both light colors. Walang contrast ng light at dark."
He finally cut his eyes to mine. One thick brow strictly lifted.
"So para sa 'yo kailangan may standard kung ano ang bagay at hindi bagay? That black suits white and not gray?" Umipit ang pang-aakusa sa kanyang tinig at mukha."Gray ang gusto ko, pero black naman ang ipinagkakanulo mo sa white dahil sila ang sa tingin mo ang mas bagay." He sneered. "You never really changed, Ms. Claravel," mariin niyang usal sa matigas na Ingles.
May pinapahiwatig siya hindi lang sa kanyang tono kung 'di sa kanyang mga sinabi. He knows what weak spots to hit. Alam niyang maiinsulto ako at ayaw kong naiinsulto. I've had enough holding water.
Sa nanunuri at disgusto sa kanyang mga mata na sa akin umasinta, para niyang iniisa-isang pinupulot ang laman ng utak ko. Kahit yata hindi ko sabihin sa kanyang may mga nude pictures ako sa cellphone ay malalaman niya dahil iyon mismo ang iniisip ko. I have to delete those pictures.
"Designing and creativity is your stock-in-trade. I'm sure magagawan mo ng paraan iyan. Play along with the colors and shapes," dagdag niya.
Bumalik siya sa sofa pati na ang pagbabalik ni Woodrow sa tiyan niya.
I strained myself not to get affected by his dismissal. Kung nasugatan man ako sa mga sinabi niya ay mabilis ko rin iyong naagapan. Kinumbinse ko ang sarili na pinapahirapan niya ako ng ganito dahil trabaho ko ito at kailangan kong gawin ang nais niya, hindi dahil sa nangyari sa amin noon.
I conceded. I tear out the draft and made another one in a blank page.
In this field of work, magagawa ko lahat ng gusto pero may limit. I have to consider the rules and principles on contrasting colors so in the end, hindi lahat ng gusto ko ang masusunod. There would be a deliberation on the client's wants, and on what I think that looks good. Kailangan kong ikonsidera ang nais ng mga kliyente, not just purely on how I want it to be.
Thirty minutes ay natapos ako sa revision. I did the letterings in Photoshop then laid them with the revised design and his written articles with the images sa Adobe Indesign. That took longer than an hour.
Malakas kong pinindot ang Enter key bilang emphasis at binagsak ang likod sa sandalan ng swivel. "Done."
Humikab ako at sinilip ang phone kung may message o email notification. Unang bumungad ang higanteng display ng oras. It's almost twelve midnight. Nagtampo na ang tiyan ko at hindi na nagpahiwatig ng gutom.
Lumapit si Jaxon sa likod ng swivel. Pinagtaksilan ako ng aking hininga sa pangingindiyan sa akin nito nang yumukod si Jaxon at tinukod ang isang kamay sa desk. Sumilip ang mukha niya sa gilid ng aking kanang balikat. In that position, he could have easily placed his chin on my shoulders!
Ang isang kamay niya'y pumatong sa kamay kong hawak ang mouse. Sumabit ang hangin sa lalamunan ko. Hindi na ako maka-concentrate sa screen. Mabibiyak na ang dibdib ko sa puso kong bayolente ang kalabog na dinadama ang paghinga niyang inaangkin ang buo kong atensyon.
Hearing him breath in and out is proof that he's within my reach. Na kung lumingon ako ay diretso ang lapat ng labi ko sa pisngi niya.
Unless kung lilingon siya...
Daig ko pa ang may lagnat na sa wari ay sinusunog sa kinauupuan. Inawang ko ang aking bibig upang makahinga ng maayos habang minamando niya ang mouse at click. Sunudsunuran lang ang kamay kong nasa ilalim ng pagkakahawak niya. I tried pulling it away just to test something, ngunit hinigpitan niya lang ang kapit sa mouse at kamay ko. I choose not to defy against it.
Ang mga daliri niya sa bakanteng kamay ay tumatapik-tapik sa desk. Every beat of his fingers on the solid surface unites with the flipping on my stomache.
He sighed deeply. At umabot ang pagpaypay ng hininga sa aking mukha. His breath is minty. Mukhang kakanguya niya lang ng menthol chewing candy.
"See? Pwede naman silang ibagay kung hahanapan lang talaga ng paraan. Hindi iyong sa iisang anggulo mo lang titignan," kaswal niyang ani. But I know better than not. Nagpaparinig siya!
"Namemersonal ka lang talaga, e." bulong ko.
Lumingon siya!
"Ano iyon?" His breath kissed my cheek.
I shook my head stiffly. "Wala."
Mahigpit niyang pinisil ang kamay ko.
"Kumain ka na?" bulong niya sa tenga ko. The fuck?
Bayolente ang pagpilantik ng aking tiyan. I could almost hear the sound of the electric current travelling beween us. Naninikip ang dibdib ko. His within an inch nearness feels like the room is squeezing in on us, trapping us both in its every corner.
"Tapos na." My voice is strained.
"Talaga?" Mukhang hindi siya naniniwala ngunit tumango ako. "Saan ang pinagkainan mo? Kalahati lang ang nabawas sa cake. Kung naligpit na, e 'di sana niligpit na rin itong mug ng coffee." Kinuha niya ang ubos nang mug pagkasabi niyon.
Umayos na siya ng tayo. Hindi ko naitago ang maginhawang paghinga na sigurado akong ikinatawa niya nang palihim.
"May laman pa ang kape nang kumain ako." Tumikhim ako. My trembling voice cracked.
"So kakaubos mo pa lang sa kape?" untag niya na hindi ako sigurado kung may kaseryosohan.
"Oo."
"Bakit mukhang tuyo na?" Humakbang siya sa aking gilid at hinilig ang balakang sa desk. Binaligtad niya ang mug. "No drop. Kung kakaubos mo pa lang, sana may patak pa 'to," eksperto niyang sabi.
E 'di siya na matalino.
"Kelsey talked so highly of you as the best. You need the energy for the who---"
"Wala na akong oras kumain!" Tuluyan ko nang nailabas ang inis sa aking tinig. Hinampas ko ang mouse sa mouse pad. "Marami pa akong tatapusin para sa deadline. You've seen enough. You can go now. Umuwi ka kay Kelsey."
Kelsey na naman! Pumayag siya na ako ang gumawa nito dahil iyon ang gusto ni Kelsey! He'll really do anything for her, huh?
Pinagpapawisan ako sa inis. Puputok na ang dibdib ko sa kalabisan ng paghingal. Lumilipad ang hibla ng buhok kong humaharang sa aking mukha sa pagtama ng marahas na hanging lumalabas sa aking ilong.
"I can leave you with something to eat..." he said gently.
"Wala sa ibabayad mo sa akin ang ibili ako ng pagkain. So no, thank you, Mr. Montero."
Sa bawat patak ng segundong tinititigan niya ako, inutusan ko ang sariling hindi banggain ang mga mata niya at nagkunwaring busy. Ilang sandali siyang nanatili sa gilid bago niya nakuhang lumabas at mahinang sinara ang pinto.
Padahas kong inusog ang swivel sa desk. Pakiramdam ko nag-expand ang kuwarto at lumuwang nang makalabas siya. Not that I don't want him near, his presence just merely make it hard for me to breath. At lalo nang palaging nasisingit si Kelsey sa usapan. How insensitive! Manhid!
Kesa gatungan ang aking inis at maging galit pa sa pag-iisip sa kanila, binugbog ko ang sarili sa trabaho. Hindi ko ito tatapusin hangga't hindi nila nililisan ang utak ko!
Hindi pa yata naka-isang oras mula nang umalis si Jaxon ay bumukas ang pinto. Kinabahan ako at tatayo na sana upang harapin ang salarin ngunit laking gulat ko na si Jaxon muli ang pumasok.
"Bakit ka bumalik?" Buo ang pagtataka ko.
On his right hand is a paperbag from a fastfood chain. Naghalo ang amoy ng car freshener at fried chicken.
Muli akong umupo, sinundan siya ng tingin na lumapit sa desk. Nilapag niya ang paperbag. The whole thing reminds me of something. Kinakatok nito ang bintana ng mga mata ko, tinatawag ang paglabas ng luha. The onslaught of memories and emotions is unruly. Naaalala niya rin kaya? Is he aware of this act of his?
"Hindi ako gutom," sabi ko. Naiinis pa rin ako.
Hindi siya nakinig. Mas inusog pa niya ang paperbag na nagtulak sa sketchbook sa gilid. Nasa harap ko na ito. Tumunog ang aking tiyan sa amoy ng pagkain. Kumapal ang laway sa bibig ko.
Sinunggaban ko na. Itsapuwera ang pride ko!
Nanginginig ang aking mga kamay sa gutom habang nilalabas ang mga pagkain. Una kong binuksan ang may chicken at rice. Lumobo ang aking pisngi sa sunod-sunod kong pagsubo. Sa pagitan nito ay sumusubo rin ako ng fries na sinasawsaw ko sa sundae.
Sumisikip ang aking lalamunan nang lumunok at dinama ang daloy ng pagkain na nagpahapdi sa aking dibdib. Ngunit sinundan ko muli ng paglamon.
Bahagyang inupo ni Jaxon ang pwet sa desk at halukiphip akong pinapanood. Damn, that shirt fitted on him just perfectly. May tatlong butones ito sa collar na hindi niya kinabit. Because it's dark navy, kita ang pagdikit ng puting balahibo ni Woodrow sa bahagi ng tiyan.
Ipit na ipit ang labi niya, parang may pinipigilan. It even pursed momentarily.
Nag-angat siya ng kilay. "Hindi gutom, huh?"
Ngumunguya ko siyang tinignan. "Hindi mo ako tutulungan?Ang dami nito, sayang. Maraming nagugutom ngayon."
"Hindi rin naman sila mabubusog kung uubusin ko iyan," aniya.
Nabulunan ako at napaubo. Humahapdi ang aking tiyan sa biglang pagkain pagkatapos malipasan ng gutom. Pinapalo ko ang naninikip kong dibdib.
Kalmadong nilabas ni Jaxon ang softdrinks mula sa paperbag at sinaksak ang straw na para bang sanay na siya sa ginagawa. Pagkaabot niya nito sa akin ay agad akong uminom.
Sinandal ko ang batok sa headrest. Natingala ko ang hindi umiilaw na fluorescent light dahil ginusto ko. I don't like working with too much light. Masakit sa mata.
I'm so full. At kapag nabusog, susunod na ang antok. Walang hiya akong dumighay. It's Jaxon after all at noon pa man ay hindi ko ikinakahiya ang pagdighay sa harap niya. Although sabi nila nakakadiri raw iyon para sa iba lalo na sa mga aristokratiko. Yet, Jax never minded.
Sayang nga lang talaga ang mga natirang pagkain. Parang hindi pang-isang tao ang dala ni Jaxon kung 'di pangtatlong tao. Is he gonna take home the spare o sa akin na ito lahat?
Napaigtad ako sa mga kamay niyang nasa aking balikat. Aayos na sana ako ng upo ngunit diniin niya ang mga kamay upang ako'y pumirmi. Pagkadilat, sumalubong ang nakabaligtad niyang mukha. Seryoso siyang nakadungaw sa akin.
"What are you doing?" garalgal ang boses kong tanong. "Alam mong mas inaantok ako diyan sa ginagawa mo..."
Iginupo na ako ng antok at sa sarap niyang magmasahe. Medyo madiin na may kaunting kiliti. Hindi ko nga alam kung mamimilipit ako sa sakit o kiliti.
Hindi nagtagal ay pumailanlang ang pag-ungol ko sa kaaliwalasan. Pinapaypayan ako ng paghinga ni Jax. I'm so sleepy, pero ayaw ko siyang tulugan.
Antok akong dumilat. Nanlalabo pa ang paningin ko noong una hanggang sa unti-unting luminaw ang mukha niya. He wore the same serious and guarded expression.
Gumagalaw ang ulo ko, nadadala sa patuloy na pagmasahe niya. He took off my computer glasses at nilapag sa desk. Then he resumed massaging.
"Kahit isang beses man lang Jaxon, ngitian mo ako. Iyong totoo..." mahina kong sabi, not trying to sound for it as a demand but instead, my tone came out full of longing despite myself.
Huminto siya. Natigilan rin ako, inaabangan ang magiging reaksyon niya. Animo'y may inaakyat akong dapat damhin.
Umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin. Binalabal ako ng kawalan nang kanyang inalis ang kamay sa aking balikat. Namali ako ng apak sa aking pag-akyat at bigong bumagsak. Ngumawa ang guwang sa tiyan ko.
Halos ayaw ko nang tagpuin ang mga mata niya sa pagkapahiya ko. Umayos ako ng upo. Nawala ang antok sa pumailanlang na kabiguan.
"Sorry," I muttered under my breath.
Hindi ko na siya nilingon upang alamin ang karagdagan niyang reaksyon. Sinara ko ang sketchbook, binalik ang mga coloring pens sa lalagyan, save ng ginawa ko sa Mac bago sinara ang windows. Bukas ko na lang ipagpapatuloy ito. He has approved of the design anyway.
"Sasama ka ba sa akin bukas? So I can have your itinerary be processed." His tone is reverent and tender, with a little drop of rasp.
Three days in Cebu? With Jaxon? Wala din naman akong tinatanggap na ibang project dahil itong photo book ang priority ko. And in going there, it would still be all about work and nothing else. So why not?
I shut down the Mac at sinara ito saka ako tumayo at hinarap siya.
"Sure," I said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro