Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTY THREE

Unknown:

Wear and bring simple clothes. Flight at ten. Pick you up at seven thirty.

Maliligo pa lang ako ng maga-alas siyete ng umaga ay ito ang bumungad na mensahe sa cellphone together with the other notifications and a text from Lionel. He's in Baguio with his fellow bloggers. I saved Jaxon's number right away saka mabilis nilusob ang banyo.

Inisa-isa ko nang iniisip ang mga dapat dalhin habang naliligo. Simple clothes...so I should bring my plain colored shirts and ripped jeans. I'll exclude my Mac dahil baka mawala pa. Wala akong camera. Jaxon could lend me his camera which I'm sure he owns one.

Nilatag ko na sila sa kama kasama ang aking bagpack pagkatapos maligo. Since three days kami so mga apat sigurong shirts, dalawang jeans, at isang shorts ang dadalhin ko kasama pantulog. With underwear of course. Napaghandaan na naman siguro ni Jaxon ang stay namin doon.

The thought of us together on the trip excites me. Kahit hindi siya magsalita, okay lang. This time, mukhang ako ang magiging madaldal sa aming dalawa.

Ngumiyaw si Woodrow at malanding rumampa. Tumalon siya sa aking kandungan at muling ngumiyaw. He curled himself to sleep.

"Hindi ka kasama. Hindi ka kasya sa bag. Sorry." Hinaplos ko siya.

As if understanding what I said, mabilis siyang umalis at pumasok sa workroom ko.

Noong una ay hindi naman talaga ako mahilig sa hayop. But during rehab, we were told that pets could be a therapy. Three months after being out, nadaanan ko lang ang pet store pagkatapos magkape. I gave it a try and went in. Woodrow caught my attention so I bought him.

Truly, he's been a good company. Kinakausap ko siya kahit alam kong hindi siya sumasagot.

Seven twenty five ay bumaba na ako dala si Woodrow. Ipapaalaga ko muna ito kay Raven. Napapansin kong malapit siya sa mga hayop.

"Wow ma'am—Vin! Ang chicks niyo ngayon, a? Saan punta?" Bumaba ang tingin niya sa pusa ko pagkatapos akong pasidahan.

Inabot ko sa kanya si Woodrow. "Ikaw na bahala. Three days akong mawawala."

Ngiti siyang tumango. Kasama sa inabot ko sa kanya ang catfood.

Sarili akong nag-serve ng kape sa espresso machine. Seven forty ay may bumusina na sa labas. Nangalahati pa lang ako sa kape ko. Kinuha ko ang isa na para kay Jaxon saka bumaba na sa inuupuan kong counter.

"Bye!" paalam ni Raven.

Nilingon ko siya at ningitian sabay tulak ng glass door. Naningkit agad ang mga mata ko sa sinag ng araw. I should have brought my sunnies.

Naglalayag ang aking paningin sa daan at wala namang nakita na bagong dating na private car. Dalawang taxi lang at tatlong motorsiklo ang nakaparke. Hindi ko madukot ang aking phone upang tignan kung tinext ni Jaxon ang pag-aabang niya. I held two tall coffees with me, at nasa bag ang cellphone ko.

Bumukas ang pinto sa backseat part ng isa sa mga taxi. May pamilyar na kamay na kumakaway galing doon. I'm so perceptive when it comes to Jaxon so I know it's his arm.

Nag-taxi siya? Wala siyang driver? Saan kaya siya nakatira ngayon rito sa Manila? I wanted to ask but, it feels wrong to pry on him. Ilang pa nga akong tawagin siya sa kanyang pangalan so I ended up calling him Mr. Montero all the time.

Because this is all we'll ever be as of the moment. A client-designer relationship and nothing else.

Sumilip muna ako sa bintana ng taxi upang makumpirma na siya ang nasa loob. Siya nga. Diretso ang tingin niya sa harap. Napanguso ako. Hindi man lang niya ako binaba o pinagbuksan.

Pinatong ko ang isang kape sa ibabaw ng taxi upang mabuksan ang pinto. Pagkapasok ay inabot ko sa kanya ang isang tall cup na alinlangan pa niyang tinanggap. Lumagapak ang pinto nang sinara ko at lumarga na kami.

The tip of Jaxon's brow kissed as he stared down at the tall styro cup.

"Kung ayaw mo, ibigay mo na lang kay manong," sabi ko at sumimsim sa aking kape.

I kinda' expected for him to do as I say, ngunit ikinasurpresa kong humigop siya rito. I strained my ears just to hear the sound of him sipping the liquid. He sighed, iyong tunog na nare-relax ka pagkatapos makainom ng mainit at masarap.

"Thanks," he murmured.

Tinago ko ang guhit ng ngiti sa likod ng pag-inom ko. Nako, 'thanks' pa lang iyang sinabi mo tumindig na ang balahibo ko. Paano pa kaya kung 'I love you' na?

Pinapagitnaan kami ng maitim niyang rucksack bag. Sa paanan niya ay bag rin na medyo parihaba ang hugis. The boundary was still enough for me to check him out.

His khaki pants is clinging enough to fit on his muscular legs. Naka-brown sandals siya kaya kita ko ang kalinisan ng kanyang kuko. Ang nakatuping manggas sa white shirt niya'y pinapasilip ang nakakahalinang alon ng kanyang upper arm. The curved hem sat right at the deltoid.

Patuloy siya sa paghigop ng kape. Kasabay nito ang background song sa stereo ng taxi. Mukha namang hindi niya ako papansinin kaya nagpatuloy ako.

He's wearing a white cap. His side view profile is giving me the outline of his sharp nose. Pumilantik ang pilikmata niya sa pagsubok labanan ang antok sa namumungay na mga mata. His jaw flexed after swallowing the liquid. My eyes cut to his gliding adam's apple.

"Anong hinahanap mo?"

His voice grumbled waking me up from the trance. Napatalon ako sa kinauupuan.

"Huh?" I asked stupidly.

Marahan niya akong nilingon. Sa pagsasalubong ng kilay niya, at sa lapit namin, ngayon ko lang napansin ang lumagpas na hibla sa kanyang kilay. But it's not even an imperfection. He's a man. They don't trim their eyebrows.

Repeating the question went to a nosedive. We're staring at each other. Pero sa kanya'y walang kahulugan. Umawang ang bibig niya bilang paghahanda sa pag-inom ng kape. Dinala niya ito sa kanyang labi. Pinakinggan ko ang paghigop niya sa likido.

His sleepy eyes narrowed at me at the back of the tall styro cup. Hindi ako nagbitaw ng tingin.

Kalauna'y bumaling rin siya sa harap. We were silent at the remainder of the ride.

I could barely remember leaving Cebu years ago. Ang gumitaw lang sa isip ko ay ang dinalang sketchbook, picture namin ni Tori at ang boots na bigay ni Jaxon. Hindi ko nga maalala kung may dinala akong damit noon.

Nais kong bumisita sa puntod nina Tori, lola at mama. Pag-iisipan ko pa kung paano magagawa iyon nang hindi nalalaman ni Jaxon. I wonder if he knows. Kung alam man niya, siguro wala na siyang pakialam.

Their death has passed by. My own thirty second death, too. So wala nang silbi kung makisimpatiya pa siya sa akin. That tad sympathy won't still make him forgive me. At ayaw kong gamitin iyon sa sitwasyon namin. One can't just forgive someone on account of pity.

Magdadalawang oras ay lumapag na ang eroplano sa Mactan airport. Tinext ko si papa na nasa Cebu ako. He replied that I should have told him beforehand para mapasundo niya kami. I don't think Jaxon woud agree since three days lang kami rito at ang taxi na sinasakyan namin ngayon ay papuntang South Bus Terminal. 

I thought about Charlie and wanted to ambush surprise him. I could never imagine his reaction. Malambot pa naman puso niyon.

"Hindi tayo magko-kotse?" tanong ko kay Jaxon nang nasa bus na kami. I almost ask him about his Tesla. Buhay pa kaya ang kotse niyang iyon?

Tinanggal niya ang cap at ginulo ang buhok saka sinuklay sa daliri at ginulo na naman. Kita ko ang pamumuo ng pawis sa dulong noo nito.

Bago ko pa makuha ang face towel ko ay dinampian na niya ang noo sa sariling panyo. Hinila niya ang shirt sa chest part saka umihip sa loob bago pinaypayan ang sarili nito. Halatang naiinitan na. Maghubad na lang kaya siya diyan.

"We don't want to intimidate these people." Kinuha niya ang mineral water sa bag.

Nanatili akong tahimik habang umiinom siya ng tubig. Batid kong may idudugtong pa siya.

"So as much as possible, don't wear anything ostentatious," aniya at tinakpan ang plastic bottle. "Huwag nating ipakita ang kaangatan natin. Iparamdam natin na pantay tayo sa kanila, hindi ipagduldulan ang agwat sa isa't isa. Because let's face it, we're all aware of their being destitute. Huwag na nating mas idiin pa ang realidad na iyon sa kanila sa pagpangalandakan natin ng ating kayamanan."

Natulala ako sa sinabi niya. Hanggang sa dahan-dahang gumapang ang aking ngiti. I would love to listen to him all day and discuss about anything kahit hindi ako maka-relate.

"That's why the simple clothes," I realized.

Tumango siya at nilingon ko. Humantong ang paningin niya sa tenga ko at bahagya itong tinuro. "Iyang earrings, tanggalin mo."

Utos iyon.

Sinunod ko siya. Nilagay ko ang silver earrings na hugis crescent moon sa maliit na bulsa ng aking coin purse pati na rin ang aking locket.

"Leave the choker. Hindi naman iyan kumikislap," aniya bago ko pa ito magawa.

"Mata ko, kumikislap. Tatanggalin ko?"

Nababasa ko ang pagtatalong nagaganap sa mukha niya kung maiinis ba siya sa akin o matatawa. Pinigilan kong matawa.

"Do you mean because this doesn't look cheap?" Turo ko sa itim kong choker.

"At huwag magsalita ng Ingles sa harap nila," he deadpanned.

"Chinese, puwede?"

He glared at me. Hindi ko na napigilan at natawa na. Bumaling ako sa labas ng bintana at tinatanaw ang mga umaalis at dumadating na mga bus. Ang hirap paamuin nito.

"Paano ba iyan, mukha kang mayaman kahit ano pang isuot mo. 'Tsaka kilala ka nila dahil napapanood ka sa tv." He could still intimidate even when he's naked.

Sinundan ko ng tingin ang lalakeng naglalako ng chicharon at mani na papasok sa bus na sinasakyan namin. Sa katapat na daan ng hamba ng terminal, sinadyang basain iyon ng tubig upang hindi maalikabok. Hindi pa kami humayo dahil hinihintay pang mapuno ang bus.

"Wala silang tv." I didn't expect Jaxon to regard me an anwer. I turned to him. Nakatingala siya, nakasandal ang ulo sa headrest at pikit ang mga mata. "It's a remote place atop the mountain. Huwag kang mag-inarte doon."

Medyo nasugatan ang damdamin ko sa sinabi niya.

"Hindi naman ako maarte." Ngumuso ako. "I've been in their situation before."

Umangat ang isang sulok ng labi niya, like he doesn't believe it. I could feel the incoming accusatory tone.

"You spent six years in New York..."

"At sa tingin mo nagbago ako dahil nakaapak lang sa ibang bansa? Fine, may mga nagbago, but I'm still the old Davina..."

I'm still your bestfriend. I'm hoping that you still regard me in the same way.

Binalikan ko ang view sa labas at hindi na umimik. Hinubad ko ang aking sneakers at nilagay ang paa sa seat upang mayakap ang aking mga binti at pinatong ang baba sa aking tuhod.

Naiintindihan kong hindi na niya ako nakikita sa ganoong paraan dahil mula nang gabing iyon, nagbago na ang pananaw ni Jaxon sa akin. Most of us tend to change our perception to those people who hurt us. To those things that had cut us to the quick. I get that. Ang sa akin lang, he could have just tried to see it through me. Narito pa rin ako. Ako pa rin ang kilala niyang Davina. Mula noon hanggang ngayon.

The slight changes are just in the background. The old me is at the forefront.

Pero kung ilalagay ko ang sarili sa lugar niya, aasa pa ba akong may natira pang dating katangian niya noon? Hindi ko rin masasabi kung baligtad ang sitwasyon.

Wala akong karapatang magtampo. Ngunit hindi ko maawat ang sarili na magsawalang-kibo sa kanya. He offered me food and drink during the ride. I gave him non-verbal answers. Hinayaan kong isipin niya na dahil lang iyon sa pagod ako.

Bumaba kami sa panibagong bus stop. I saw one sari-sari store kung saan nagpahiwatig na nasa Toledo kami. Lakad-takbo kong pinapantayan ang lawak ng mga hakbang ni Jaxon. Kinuha ko ang kanyang kamay at dumungaw sa leather watch niya. Quarter to three in the afternoon.

Kinausap niya ang mga driver ng habal-habal. Nagpapaligsahan sa unang pwesto ang antok at gutom ko. Since I have no means of sleeping here ay tumungo na lang ako sa tindahan at bumili ng biskwit at softdrinks.

Ginawa kong messy bun ang aking buhok bago tinanggap ang aking binili. Umupo ako sa mahabang silyang de-kahoy, kaharap sa kung saan nakikita ko nang mabuti si Jaxon. Nakapamaywang siya habang tumatango sa kausap na lalake. Nasa paanan niya ang isang bag.

Kinamot niya ang kanyang panga at binalik ang kamay sa balakang. Sa ginawa ay mas humapit lamang ang shirt niya sa parte ng dibdib at balikat. Kitang-kita ang kanyang katikasan.

"Ate, magkasama po ba kayo nung gwapo?"

Nilingon ko ang nagtanong na teenager. Anak yata ng tindera. May hawak itong cellphone. Siniko siya ng katabing bakla na tinalo pa ako sa makulay niyang butterfly hair clip sa clean-cut nitong buhok.

" 'Di ba si Jax iyan? Iyong nasa news..." anito at sumilip sa maliit na square na butas na common sa mga tindahan. Hindi kasya ang ulo niya kaya lumabas siya. Tumalon ito at napatili nang mapagtantong tama ang hinala. Sinenyasan niya ang babae na lumapit.

"Ay, oo nga noh?" Nilapitan ako ng dalaga. "Magkasama po kayo?" Namilog ang mga mata niya.

Kalmado akong tumango habang hinihila sa dila ko ang dumikit na pagkain sa aking ngipin. "Boyfriend ko iyan."

Umawang ang bibig niya at agad akong pinasidahan. Mas lalo pa siyang namangha. Ilang sandali pa siyang nakatunghay sa akin bago binalingan ang  bakla at inanunsyo nito ang sinabi ko.

Nagpigil ako ng hagikhik. Wala akong pakialam kung kumalat iyan, hindi na rin naman kami magkikita ulit.

Isang tango pa sa kausap saka nilingon ni Jaxon ang pinanggalingan ko kanina. Nag-isang linya ang kilay niya nang hindi na niya ako makita at mabilis ginala ang paningin sa paligid.

"Baby!" maligaya kong sigaw at tinaas ang kamay na may hawak na biskwit. Sumipsip ako sa straw ng softdrinks na naka-plastic. Walang hindi masarap sa taong gutom!

Natahimik ang magkaibigan sa isinigaw ko. Nabaling ang paningin ng mga tao sa akin kabilang na si Jaxon na kung hindi ako nagkakamali  ay namula ang mukha.

Dahil ba sa init? Naka-cap naman siya.

Hindi pa nga nakakalapit ay kita ko na ang pagsimangot niya halo ang pagtataka. And oh, how could a man still look this hot when frowning?

Dinala niya ang ekspresyon na iyon sa biskwit sa kamay ko at naka-plastic na softdrinks sa kabila. Sumilip siya sa tindahan. Biglang sumilip doon ang nakangising mukha ng bakla na nagpahila kay Jaxon sa ulo nito paatras. Sinabit ko ang tawa sa aking lalamunan.

"May nagtitinda pa ba rito ng pagkain? Iyong may rice?" tanong niya rito.

Napakurap si butterfly boy, mukhang nakaligtaan  na kung paano magsalita.

"O-opo...sa likod. Ihh...pa-picture..." Nangisay siya at sinabayan pa ng kasama niya. Parang mga uod na hindi makaanak.

Pinagbigyan sila ni JAxon habang tinatapos ko ang aking minindal. May laman na rin naman ang tiyan ko kaya sinabi ko sa kanyang hindi na ako kakain. Pinabalot na lang namin ang binili niyang kanin at ulam.

Bumalik kami sa mga habal-habal motorcycles. Sumenyas iyong kausap ni Jaxon kanina kaya umuna akong maglakad papunta roon.

Natanggal ang tali ng sapatos ko. Imbes na itali muli ay siniksik ko na lang sa loob.

"Dito po ma'am," ani ng isang driver. Sumunod ang pang-aasar sa kanya ng kapwa drivers.

Bata pa rin kasi ito, mga nasa pagitan ng bente hanggang trenta anyos. Halata ang pagbabad niya sa araw at maganda rin ang muscles.

Una siyang sumakay. Umapak na ako sa footrest at hinila ang sarili pasakay sa likod ni kuyang driver. Uupo na sana ako nang may mahigpit na humawak sa aking braso at animo'y tuta na inisang buhat ako paalis sa motor at binaba. 

Ilang hakbang ang inatras ko at kamuntikan nang matumba ngunit nasalo ako ng isang matigas na dibdib at braso.

"Ano ba—"

"Ako na lang magda-drive." Buo ang boses ni Jaxon sa likod ko. "Bigyan ko kayo ng ekstrang bayad. Limang daan. Ayos lang ba?"

"Sige bossing!" agad pumayag ang driver at mabilis bumaba sa motor.

Five hundred na iyan, e. Magkano lang ba ang habal-habal?

Nag-ingay ang mga kasama niya at nanghingi ng balato. Hinarap ko si Jaxon. Naabutan ko ang pag-abot sa kanya ng driver sa susi.

Hinubad niya ang bag ko at inabot sa driver kasama ang mga gamit niya.

"Marunong ka mag-motor?" untag ko. "Marunong din ako. Ikaw na lang kaya umangkas? Magaling ka namang umangkas, 'di ba?"

Hindi niya ginalaw ang katawan maliban sa mga mata niyang mabilis akong sinugatan ng tingin na puno ng pinaghalong pag-iingat, kaba at pagkalito.

Ngumuso ako at nagkibit balikat.

"Pero kung sabagay..." Wala sa sarili kong tinadyakan ang maliit na bato. "Dalawang beses kitang inangkasan. Ikaw, ilan?" inosente kong tanong.

Binombahan ng pula ang buong mukha at leeg niya. His face hardened. So I guess kuha niya ang ibig kong sabihin?

Tumikhim siya at iniwas ang mga mata.

"Isa." Halos hindi ito umabot sa aking pandinig. Kung may mas ikapupula pa ang mukha niya, iyon ang nangyari at hindi ko alam kung ano na ang tawag doon. Full-blown blushing?

"Hm, see? Kaya ako ang magmamane—"

Bigla niyang hinawakan ang braso ko at binatak ako palapit sa kanya. The strong pump of his chest could almost throw me backwards. Isang pulgada pang lapit ay mahahalikan na niya ang noo ko.

Yumuko siya upang magpantay ang paningin namin. He stared at me in a hard way evidenced by the clenching of his jaw.

"Mas magaling pa rin akong magmaneho," mariin niyang bulong at makahulugan. Nanliit ang mga mata niya na tila kanyang dinidiin sa akin ang alaalang iyon.

Mukha ko naman ang umapoy. Ngumiti ako. "'E 'di sakyan mo na ang trono mo, Mr. Montero."

Inirapan niya ako at napailing. Tinanggal niya ang cap at isinuot sa aking ulo bago ako tuluyang binitawan at sumakay na sa motor.

Inisang sikad  niya ang pedal starter at nabuhay ang makina. Malutong ang tunog nito at mabango ang tambutso. Inalis niya ang sidestand gamit ang paa at inayos sa pagkakatayo ang motor. I stared at the veins on his forearms as he held the clutch handle and pivoted it down. Mas bumuga pa ng usok ang tambutso.

Nakanganga ko siyang pinanood. Akala ko sa pagmamaneho ng kotse lang siya hot tignan. I never thought...

Why does he have to be so damn—

Tilian sa kabilang side ng daan ang pumutol sa daloy ng aking pagiisip. Naroon iyong bakla na may butterfly hair clip at nakatutok ang cellphone sa amin. O kay Jaxon lang.

Inikot ko ang mga mata pabalik kay Jax. I know right, ladies?

Tipid silang ningitian ni Jaxon at bahagya lamang ang itinaas ng kamay na hawak pa rin ang handle. Binalingan niya ako pagkatapos at ninguso ang likod. Sumakay na ako.

"Wohoo! Bilisan mo pa! Faster!" sigaw ko sabay tawa. Sumabog ang silver at itim kong buhok at nililipad sa hulihan ang hibla nang tinanggal ko ang cap at pabaligtad na ibinalik sa ulo ni Jaxon.

Tumayo ako at tinukod ang mga kamay sa balikat niya. Nakangisi at tumatawa kong sinalubong ang hangin. Gusto ko pa sanang umapak sa upuan o 'di kaya'y umupo paharap sa likod para back to back kami ni Jax.

Nagtatawanan ang dalawang taong nakasakay sa motor sa likod angkas ang mga bag namin. Isa na roon ang may-ari nitong motor.

May sinabi si Jax na hindi ko marinig dahil sa pinagsabay na ingay ng makina at hangin. Yumukod ako at nilapit ang mukha sa pisngi niya.

"Ano iyon?" malakas kong tanong, nakikipagkompetensiya sa ingay.

Marahan siyang lumingon. Halata ang inis sa kanyang mukha.

"Umupo ka nang maayos!" ganti niyang sigaw. "At huwag kang tumuwad diyan! You're wearing damn shorts!"

Umupo ako, tumalima sa sinabi niya. Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang tiyan. Nilapit ko ang bibig sa kanyang tenga saka bumulong, "Faster, baby."

I could feel his whole body tensed. Masidhi siyang suminghap at kahit nasa likod ay nahihimigan ko ang pagpikit niya nang mariin.

"Goddammit!" he drastically swore, at mas diniin pa ang pagmando sa handle na tila doon niya binubunton ang kung ano mang pinipigilan. Napaatras ang katawan ko sa biglaang bilis na pagtakbo ng motor.

I grasped tightly on his shirt, feeling the hard muscles. Umalingawngaw ang halakhak ko sa hangin. While he gasped and uttered some more profanities.

Hindi na namansin si Jaxon mula nang makarating kami. Lihim na lang akong napapangiti dahil alam ko ang dahilan kung bakit.

May naglalaro ng basketball sa gitna habang pumapalibot ang ilang kabayahan. I don't think wala isa sa mga narito ang aming sadya. This place doesn't seem remote to me. Some houses are made of concrete, wala akong nakikitang barong-baro. This is a healthy community with a covered court in the middle. Hindi nga lang gawa sa semento ang apakan kung 'di lupa at mga maliliit na bato.

From my standing point, I sighted the upper wall of a white rock coated with green vegetation on top. Looks like a monolith but I'm not sure. We'll never know until we get there.

Sa paghinto ko upang matitigan ang malaking bato ay hindi ko namalayang nakalayo na si Jax. Inis nga siguro siya sa akin. Hindi na ako hinintay, e.

Sa tabi ng may barbecue grill, ay dalawang palapag na bahay na mukhang apartment. Naroon si Jaxon na kausap ang may-ari yata ng bahay. Lumapit ako at unti-unting naririnig ang usapan nila.

Nang tumabi ako sa kanya ay binalingan ako ng ale habang nagsasalita siya. She eyed my hair before pulling her focus back to Jaxon.

"Malapit na kasi ang bakasyon sir, kaya dagsa rin ang mga foreigners. Apat nga silang umuukopa sa isang kwarto sa kabila."

Umigting ang panga ng katabi ko sa malalim na pag-iisip. Hindi niya namamalayan na naniningkit rin ang mga mata niya kapag malayo na ang nararating ng iniisip niya.

"Wala na pong bakanteng room?" tanong ko sa may-ari. A plump woman in her forties. Mukhang may mga anak na.

"Meron naman ma'am pero isa na lang. Dalawa ang gustong kunin ng nobyo niyo, e."

Nilagnat ang pisngi ko sa sinabi niya. I didn't correct her. Nanahimik rin naman si Jaxon. Baka hindi pa siya tapos mag-isip.

He wore the same expression at kumakapit siya sa strap ng kanyang black rucksack bag. Kumibot ang labi niya.

"Kunin na lang namin ang isa, ate."Ako na ang nagdesisyon. Ang tagal naman kasing maka-plano ni Jaxon!

Namilog ang mga mata ng ale saka tinignan ang katabi ko. I looked at him, too. Lumukot ang mukha niya tanda ng paghihimagsik.

"Bakit? Wala na tayong choice," katwiran ko. "May mahahanap ka pa bang iba na may paupahan dito?" Binalingan ko ang ale. "May extra kutson po ba kayo? Ayaw ako katabi, e."

"LQ, ma'am?" panunukso niya.

Nilalanggam na ngiti lang ang binigay ko.

Kalinisan ng kwarto ang una kong napuna pagkapasok namin. Naglalaro ito sa cream walls at hardwood flooring. May sapat na espasyo sa sahig upang magkasya ang kutson.

Manipis lang ang kutson sa kama at may dalawang unan. Sa laki ng katawan ni Jaxon, I don't think we would fit in the bed kaya mabuti na lang nanghiram ako ng extra mattress.

It's a fanroom. No aircon, at isa lang ang bintana. Not luxurious but I like it. Simple at magaan tulugan.

"Salamat po," mababa ang boses ni Jax nang tinanggap nito ang susi. Umusal na rin ako ng pasalamat kay Ateng may-ari na hindi ko naitanong ang pangalan. Lumabas na siya.

Tinabi ko ang aking bag sa kay Jaxon sa paanan ng kama. Binagsak ko ang sarili rito, nakaapak pa ang mga paa sa sahig. Comfort, warmth and sleep encased me as my back felt the mattress. Walang tingin kong kinuha ang unan sa ulunan ng kama at niyakap. Sa haba ng biniyahe namin, I could sleep just like this.

Narinig ko ang mga kilos ni Jax. He's somewhere at the back, near the window. Inaayos yata ang kutson na hindi muna nilatag upang may espasyo pa kaming madaanan.

"Hindi mo kakainin ang binili ko?" tanong niya. Bumubulong ang kanyang sapatos sa sahig habang naglalakad.

"Maya na..." My voice faded. Hinihila na rin ito ng antok.

Umigting lang ang pagbagsak sa akin ng tulog nang binuhay ni Jaxon ang ceiling fan. Tumatapat ito sa mukha ko.

"You sleep properly."

Hindi ko siya sinagot. I'm so dead tired, Jaxon. I wanted to have more conversation with you but sleep is taking priority right now.

Kumurap ako padilat sa pag-angat ng aking mga paa. I opened my eyes enough for me to peek at Jaxon placing my feet on the bed. Nilagay ko ang unan sa ilalim ng aking ulo saka ako gumulong at padapang humandusay.

I sighed in comfort. Nahanginan ng ceiling fan ang medyo pawisan kong likod nang humantong na ang ikot sa gawi ko. 

Tuluyan na akong dumilat at marahang napapadyak nang maramdaman ang pagkakatanggal ng aking sapatos. Sumilip ako. Bahagya ang pag-upo ni Jaxon sa paanan ng kama, mabagal at maingat niyang hinuhubad ang sapatos ko na para bang ayaw niyang mahuli ko siya.

But I caught him. Huminto siya at nilinga akong nakatitig sa kanya. Surprise evident on both of our faces. Sa tahimik ng kwarto naririnig ko ang tila pagtambol ng mga puso namin.

"Madudumihan ang top sheet," may diin ngunit mahina ang kanyang pagkakasabi.

Mariing tumikom ang bibig niya. Kalauna'y nagbaba siya ng tingin.  I could see the protest in his eyes.

"Sabi mo, e..." I murmured. Nagbalik ako sa posisiyon at tuluyan nang inangkin ng walang kamalayan.

Ingay ng karaoke at amoy ng barbecue mula sa labas ang nagpagising sa akin. Hindi ko masasabi kung gabi na dahil bukas ang ilaw. Nilingon ko ang bintana at nakita ang paghahari  ng itim sa kalangitan at mga iniilawan nang poste.

I could hear Jaxon's baritone laugh from downstairs. Ang bilis naman niyang makalikom ng mga kaibigan eh wala pa nga kaming isang araw dito!

Pinunasan ko ang namamawis kong mukha at tumayo. Naghilamos ako sa banyo at nang makalabas ay kinuha ang biniling pagkain kanina. Hindi pa naman nasira. Nanghiram ako ng plato at kutsara sa baba at kumain na.

Sa ganoong gawain ako naabutan ni Jax. Galing ito sa pagtawa base sa lamay ng ngiti sa kanyang mukha. Nalusaw iyon nang makita ako. Dahan-dahan niyang tinulak ang pinto pasara sa likod niya. Keys and cellphone on hand.

"Kumain ka na?" tanong ko.

Tumango siya at nilapitan ang bag. Kinuha niya ang baon na mineral water at uminom.

Obvious namang nakakain na siya. May mantsa kasi ng sauce ng barbecue sa gilid ng kanyang bibig. Wala yatang tissue sa baba.

"May dala kang camera? Ituro mo sa akin kung paano gamitin para sa pagkuha ko ng pictures bukas."

Hindi siya nagsalita ngunit nilabas niya ang DSLR na nakasilid sa parihabang bag. May isa pang camera doon na may tatak na Canon. So iyon pala laman niyan? It's a camera case. I see.

Habang abala siya sa pagaayos niyon ay niligpit ko na ang pinagkainan. Hinugasan ko ang plato't spoon at sinauli sa baba.

Nakaupo na si Jaxon sa kama hawak ang DSLR pagkabalik ko. May pinipindot-pindot siya roon. Tumabi ako sa kanya.

Nilapit niya sa akin ang camera upang maipakita ang mga functions. Hindi siya masyadong humilig hindi tulad ko na OA sa pagdungaw kahit kita ko naman kung saan pumipindot at tumuturo ang mga daliri niya. Kulang na lang ipahalik ko sa kanya ang buhok ko.

"...then you turn this to zoom in and out." Taka niya akong nilingon. "You're not familiar with this?"

I took a crash course in photography when I was in New York. Ngunit hirap pa rin ako sa functions ng mga buttons. Pag-capture lang talaga sa shot ang alam ko.

Since I'm still in doubt, umiling ako.

Binigay niya sa akin ang camera upang i-familiarize. Wala itong pinagkabia sa DSLR ni Lionel na pinapahiram niya sa akin minsan. It's just that what he has is for a professional photographer.

Sumandal siya sa likod at tinukod ang siko sa kama, pinapanood ang ginagawa ko.

"There, press that to switch it on."

Sinadya kong sa maling button pumindot. "Dito?"

Kinuha niya ang sadyang ligaw na daliri ko at binalik sa tamang button. "There."

"Okay." I pressed it.

Kumuha siya ng toothbrush at toothpaste sa bag at pumasok sa banyo. He started brushing his teeth habang nag-scroll ako ng mga shots niya.

Most of them are his travel shots. He really had been to different places and countries. Sa bagay, noon pa man lakwatsero na talaga si Jaxon. Hindi napipirmi sa sariling bahay. I can't help but think about him meeting various nationalities of women in every country he has set his foot on.

Nakita ko rin dito ang mga sinend niya sa akin sa email para sa layout ng photo book. I scanned backward at kita ang changes niya along the years.

My stomache suddenly dropped. Nalusaw ang ngiti ko nang tumambad ang isang picture. Him and Kelsey. Only. Nang mag-scroll ulit ako ay litrato muli nila. Habang tumatagal ang nakikita kong mga kuha nilang nagsunod-sunod na ay inaangkin ng lamig  ang kalamnan at mga kamay ko.

Jaxon is smiling and laughing in every picture with her. Isang bagay na hindi niya nagagawa kapag kasama ako. They don't seem like just best friends. Heck! They look like lovers! May isang kuha na magkaakbay sila at nakatingin siya kay Kelsey. They were in Disneyland.

May higanteng kamay na lumamukot sa puso ko. I choked on a sob.  Unang gumitaw sa isip ko ay ang pills. Jaxon just wasted them. He's wrong when he said that I don't need them. Fuck it, I do!

Ilang taon na ba silang magkakakilala? Kasi kami ay hindi yata umabot ng taon at may nangyari na. So the length of their companionship is more justifiable to be called as bestfriends or whatever relationshit they have compared to Jax and I. Si Kelsey ang mas may karapatan.

Ilang beses ko nang kinukumbinse ang sarili na hindi ito pagmamahal para kay Jaxon. Yet, I longed for him all these years. I missed him. Kahit abot kamay ko lang siya ay may agwat pa rin. An invisible wall na alam kong ngayon ay siya naman ang nagtayo.

Agad kong pinalis ang naglandas na luha nang bumukas ang pinto ng banyo.

"Saan nga rito iyong off?" maang-maangan ko.

Napatigil siya sa pagpupunas ng towel sa bibig. Nagtagpo ang kilay niya.

"Parehas lang sila, Davina. Hindi ka ba nakinig sa sinabi ko kanina? Madali lang iyon, bakit hindi mo makuha? A five year old can even easily learn that."

Saglit akong natilihan sa paglagas ng inis sa kanyang tono bago nakuhang tumango at nagbaba ng tingin. Nanuyo ang lalamunan ko. Naninikip ang dibdib sa hapdi. Siguro kung si Kelsey ako ay hindi niya ako ganito sagutin. He probably would lace sweetness into his words for her.

Binaba ko na ang camera, nilabas ang toiletries at pumasok sa banyo. Humarap ako sa salamin at pinanood ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Without any effort. They just fell on their own.

Tahimik akong umiiyak habang nagto-toothbrush. Ang mga singhot at hikbi ay natatakpan ng ingay ng pag-gasgas ng brush sa ngipin ko at ragasa ng tubig gripo. Pati sa pagbibihis ng pantulog ay hindi maawat ang mga hikbi. Hinilamos ko ang bakas nito at dinampian ng towel ang mukha.

Nakayuko akong lumabas. Nagawa ko pa ring silipin si Jaxon na nag-angat ng tingin pagkabukas ko pa lang ng pinto. He's in his sando and boxers now. Halukiphip siyang nakasandal sa pader katabi ng mga bag habang nasa isang kamay niya ang camera.

Hindi ko iyon tuluyang na-off. Huminto ito sa litrato nilang dalawa ni Kelsey.

Tuloy tuloy akong lumapit sa bag upang isilid ang mga damit ko. Umikot ako sa kabilang side at kinuha ang kutson. Nilatag ko ito sa sahig saka ako humiga. Side-lying at nakatalikod sa kama.

Nahihinuha ko nang hindi kaagad ako makakatulog dahil kakagising ko pa lang. Nais kong lumabas at maglakad-lakad ngunit hindi naman ako pamilyar sa lugar.

"Bakit ka nandiyan?"

Dahil wala ako roon.

Hindi ko siya inimik. Kung puro talim ng tingin at inis na mga sagot lang ang matatanggap ko mula sa kanya, mas mabuti pang hindi ko nalang siya kakausapin.

I've been trying to make him laugh and smile at me sweetly and genuinely. But upon seeing the way he smiled at that photo with Kelsey, I could barely compete. It's six years ago all over again. Like a torrential rain, drenching me with insecurity and pain.

Naramdaman ko siyang lumapit. I didn't brace myself. Nanatili akong dilat at tinitigan ang blankong pader. Umingit ang kama nang umupo siya. The loud creak of it only shows how heavy he is.

"You can have the bed. Diyan ako."

Wala pa rin akong imik. I could pass as a mute.

Halatang nainip na siya na pinaramdam niya sa pagbuntong hininga. Muling umingit ang kama. I watched his shadow grow and loom over. Natigilan ako nang maramdaman ang paghiga niya sa likod ko.

"Davina..." bumulong ng haplos ang kamay niya sa hantad kong braso.

Dahil sa gulat ay nahila ko ang braso ko palayo sa kanya.

"Ano?" pagalit kong ani.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong hininga na niya ito ngayon. Nilusob ng hangin na mula sa bibig niya ang gubat ng buhok ko't yumakap sa aking batok. Tila diniligan na mga halaman ay nagsitubo ang balahibo ko roon.

"Hindi ko lang alam ang magagawa ko kung katabi kita." His whispering voice sounds strained and tortured.

"E bakit mo ako tinatabihan ngayon?" pagsusuplada ko.

Nanahimik siya. Umaasa akong may maisasagot siya ngunit nahila ang kawalaang imik niyang iyon hanggang sa muli siyang nagsalita at malayo ang kaugnayan sa pauna kong inuntag.

"Does this still hurt?" Nasa balakang ko ang kanyang kamay, the part where my bruise sits in.

Umirap ako sa kawalan. "What do you care?"

Napasinghap ako nang inangat niya ang dulo ng aking sando at hinila nang bahagya ang shorts sapat upang mahantad ang malaking pasa. I heard him utter a cringe-worthy profanity. Matindi ang paggulpi ng puso ko sa aking dibdib. Abnormal na nga siguro ako na nagugustuhan ko ang pagmumura niya.

Inikot ko ang aking ulo at naabutan siyang papaupo. He sat Indian style. My stomache clenched and flipped as his forefinger touched my three day old purple bruise. Inalis niya din iyon at hindi ko masilip kung ano ang ginagawa niya sa lumilikot niyang mga kamay. I heard something being twisted.

Naririnig ko na yata ang lahat ng nagaganap  na proseso sa loob ng katawan ko nang maingat niyang kinalat ang malamig na ointment sa aking pasa, filling every purple spaces and edges. It ended right on my pelvic bone.

Kumakapit ako sa pangyayari na hindi ko maramdaman ang sariling nagpapakawala at nagpapapasok ng hangin. My lungs are so desperate for air, while I'm prioritizing on feeding my heart.

I looked at him. Pero ang tinitignan niya ay ang pagbabalik niya sa takip ng ointment cream.

"Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas," mahina niyang usal. 

His face is calm. At least, that's what I think.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro