FIFTY SIX
Nangatog pa ang mga binti ko nang tumayo. Jaxon's words remained streaming in my veins weakening my bones to function. Hell! The three hundred sixty degree turn floored me! What's with the sudden change of air?
Tumupi ang aking tuhod kahit isang beses pa lang akong nakahakbang. Nasalo ako ni Jax bago pa ako matumba una mukha sa magarbong sahig.
"Okay ka lang, Vin? Masyado bang mabigat si Chandria?" natatawang tanong ni Charlie. Nauna na ito sa kusina at pinapaupo ang anak.
Ngumiti ako at hinayaan na iyon ang isipin niya.
"You're okay?" Jaxon asked under his breath. Dumagdag lang ang pangangatog ko.
Nang tiningala ay kita kong iniipit nito ang mga labi. Halata ang lumulutang na aliw sa kanyang mga mata. Diniin niya ang braso sa aking baywang upang igiya ako tungo sa hapag kainan.
Magkatabi kami ni Jax at katapat namin ang mag-asawa. Chandria sat beside her mother na naglalagay ng ulam sa kanyang plato.
Hindi ko na napigilan at sinunggaban na ang mga pagkain. Napapikit ako at napaungol nang matikman ang niluto ni Brianna. Natigil ang hapag sa ginawa ko.
Tinuro ko ang kutsara kay Bri. "Si Charlie ang masuwerte sa'yo. This is so damn good!" This is the shit! I almost added but changed my mind. May bata sa harap ko.
Sumabay ang mga mata niya nang ngumiti. "Thank you."
"Of course! Asawa ko iyan," proud na bulalas ni Charlie. Nahihiya siyang siniko ni Brianna.
Pinagusapan namin ang mga naging ka-close rin na mga kakilala noon. I mentioned Nolan, too and Margot. Naging maingat pa ako noong una dahil nagkagusto si Charlie kay Tori. I was careful not to mention it infront of his wife so I skipped the details.
Brianna's not that talkative, at hindi rin naman ubod ng tahimik. She responds to the conversation kaya masasabi kong mahusay ang interpersonal skills nito.
Nagtungo siya sa oven habang nagsasalita si Jaxon tungkol sa pinsan nitong si Riley na naging kaklase ni Charlie noong college. Sinundan ko ang kilos ni Brianna na may nilabas na pagkain mula sa oven at dinala sa gitna ng hapag.
My mouth watered at the beautiful sight of lasagna. Buntong hininga kong nilinga si Brianna. "You're the best."
Tumawa ito at namula ang pisngi.
"Oo nga pala, nakita ko si Samara," biglang singit ni Charlie. "May asawa na rin."
Natigil sa ere ang pagkuha ko ng bagong pagkain. I looked at my friend incredulously. "Sigurado ka? She's Angelov's religion."
Nagkibit balikat siya. "May anak na nga, e."
Napaawang ako sa gulat. I couldn't imagine the two of them not being together. Naghihimagsik ang damdamin kong hindi sila ang nagpakasal!
"Huling balita niya ay nilipat daw ng rehabilitation center si Angelov," dagdag niya habang kumukuha ng pagkain at nilapag sa plato. "Siguro sa ibang bansa. Mayaman daw ang angkan, e."
"His father is Spanish." I said like it's the obvious truth.
"He has brothers. Iyon daw ang tumulong sa kanya. And they're helluva rich." Inabot ng kilay niya ang bubong nang sinabi nitong 'helluva'.
"And you got that from..." Sumubo ako sa aking tinidor. Muntik na akong nagpakawala panibagong ungol. Brianna's lasagna is heaven I'm about to propose marriage to the food.
"Samara," sagot ni Charlie.
Napabuntong hininga na lamang ako na inalala ang kaibigan. I was rooting for them. Nanghihinayang talaga ako. She was his sanity as much as his addiction.
Tumulong ako sa paghuhugas ng mga plato. I insisted kahit pinigilan ako ng mag-asawa. Kumakain pa si Chandria sa hapag na hindi pa nangangalahati sa lasagna. Sina Jaxon at Charlie ay nasa portico at umiinom ng canned beer. I could hear their baritone voices from outdoors.
Ipinagtaka ko pa rin talaga ang insta-closeness nila. But knowing Jaxon, winalis ko ang pagtataka. May magnet sa mga tao iyan. He could gain friends in a day without a sweat.
"Ma..."
Inikot ko ang ulo kay Chandria na umaasa ang mga matang tinignan ang ina. Dala ang baso ng juice ay lumapit ito at tumabi sa anak, pinunasan ang mantsa ng sauce sa paligid ng bibig habang malambing na kinakausap.
Naging dahan-dahan ang pagtuyo ko sa aking kamay sa nakasabit na hand towel sa ref. I was looking at them while wondering if my mother had been like that even just once. I tried to compartmentalize my resentment to my longing of her affection. Yet it was nugatory.
The resentment never got past beyond. Or was it really omnipresent? She planted a seed of hate into me. But I never bore her grudge. I never get to put my fingers near that flame of strong emotion.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nangungulila ako sa isang tao na hindi ako pinakitaan ng pagmamahal. Maybe it really doesn't matter how that someone you love treated you. Maybe I'm missing the sole fact that she's my mother, at wala na akong magiging ina sa buong buhay ko kung 'di siya. And I'm missing the 'what could have been's' for us as a family.
Pinutol ang daloy ng pag-iisip ko sa pagkaway ng kamay ni Brianna sa harap ng aking mukha. I blinked and stared at her. Nagtatanong ang mukha niya.
"Okay ka lang?" Her voice etched with utter concern reminded me on how she spoke to her daughter. Ang suwerte ni Charlie. I'll commend him for choosing the perfect woman.
Tumango at ngumiti. "Puntahan ko lang sila."
Kapwa nakaharap ang dalawa sa driveway. Charlie's crossing his arms across his chest while Jaxon's in akimbo, maliban sa isang kamay niyang nakalawit hawak ang canned beer.
I slowed my pace as I'm nearing the screen door until a mention of a name halted my tracks. Pumagilid ako sa pader na nakakabit sa pinto.
"Hindi ba naging kayo noong babae na dinala mo sa kasal ko?"
Kinulong ko ang singhap sa bibig kong tinampal ng aking kamay. I just had a full lunch, and hearing this provoked inching of the contents up to my throat. Nilunok ko ang aking pagdighay na nagpalasap sa akin ng asido. He brought her to Charlie's wedding? What the fucking fuck?
Hindi ko matukoy kung kanino galing ang ingay ng paghigop sa beer.
"Hindi," mahinang usal ni JAxon. Why did he sound so disappointed? Gusto niya ba talagang maging sila?
Niyuyogyog na ako ng sariling kaba. The cold concrete cream wall just added fuel to my hammering heart. Charlie's house, no matter how sunny and beautiful this is now, feels like I'm being estranged to the ambience all of a sudden.
"Paano si Vin?" untag ni Charlie. Ngumangalot ang maliliit na bato sa pag-apak ng mabigat na paa. "Minahal ka rin naman ng kaibigan ko."
"Wala siyang sinabi." His tone remained perfunctory.
I painstakingly breathe in and painfully breathed out. Kinagat ko ang sariling kamao.
"And you're just going to simply rely on that?" Sa paraan ng marahang pagtawa ni Charlie ay nakikita ko siyang umiiling-iling. Muling ngumalot ang mga bato. "She doesn't do well in words, Jax. In fact, you're a better speaker. Hindi niya sinasabi sa iba na magaling siya. Pero kung gagawin na niya, you just have to look at the finish product. You know what I mean?"
Jax didn't speak. Mabigat ang kuryosidad ko sa kung ano ang isinagot niya kay Charlie. Ngunit wala nang nagsalita pa muli sa kanila ilang segundo ang lumipas. Maliban sa tunog ng tapik sa likod o balikat. I don't know who does who.
Pinuno ko ng hangin ang dibdib habang hinuhulma ang ekspresyon ko sa pagharap sa kanila. Sa pagbukas ko ng pinto ay sabay silang lumingon. Jaxon seemed shocked, kalmado lang si Charlie na tinutungga ang huling patak ng beer.
Lumagapak ang pinto sa likod ko nang binitawan ito. "Cha, up and running pa rin ba iyong tattoo parlor?"
Kumunot ang noo niya habang hinihilod ang sariling labi. "Hindi na, e. Wala na kasi kayo ni Angelov. Pero pinapalinisan ko naman iyon dahil may nagpapa-piercing rin kasi minsan. Bakit?"
"Na sa 'yo pa ba ang susi? Gusto ko lang puntahan."
Tumango siya at inangat ang shirt na tumatakip sa nakasabit na mga set ng susi sa kanyang jeans. Nag-alis siya ng isang susi roon.
"Wow, may keychain ka na! Asenso, Cha!" pang-aasar ko.
Nakangisi siyang umamba ng tapon ng susi sa ulo ko bago ito pormal na binigay. Natatawa ko itong kinuha bago sila tinalikuran at tumungo sa tattoo parlor. I'm literally walking back to memory lane.
The tenacious weight of the information that Jaxon brought Kelsey at my friend's wedding is still holding me down. Surely, she was there as his date. Nandoon din ba siya sa binyag?
Far it be from me to complain dahil wala naman kasi ako rito sa mga araw na iyon. I felt offended kahit hindi naman dapat. Pakiramdam ko inaagawan ako ng lugar. If it is wrong to feel this kind of revolution, would that make me bad? I think being bad is crawling to my inner self right now I couldn't put a stop to it.
It's like I'm losing ground at one point. And that one point minus could lead into a set of more minuses the more I find out about him and Kelsey's adventures for the last six years.
Kung ibang tao lang sila, marahil kasal na ang dalawa. That mere thought sent me running at the remainder of my way to the parlor.
Isinubo ko ang susi sa lock at binuksan ang pinto. Umingit ito at sumabay ang kuliling ng chimes na nagkusa sa akin ng nakakapagpagunitang ngiti. It's already past one in the afternoon at sa mga oras na ito noon, kung wala akong customer ay gumagawa ako ng design, pinapanood ang pag-tattoo ni Angelov, o kaya'y natutulog ako sa bench o sa likod ng counter.
The entrance is still the same. Though, this makes me a stranger at the place I used to be accustomed to. To the place that used to be my second home. Sa haba ng mga taon akong nawalay rito, naging pamilyar na lang sa akin ang lugar na dati'y kilala-kilalang ko.
Sinilip ko ang mga workrooms ng dalawa bago ako humantong sa akin. Nandito pa rin ang kurtina ko. Humagikhik ako at parang bata na niyakap ito. Smells like a fabric conditioner. Pati yata ito ay pinalabhan ni Charlie. I owe him a lot big time.
Binuksan ko ang bintana upang pabahain ang liwanag sa loob. Muli'y niyakap ako ng nakaraan. Dito mismo sa bintanang ito tinatanaw ko si Jaxon noong hinanap niya ako. I was avoiding him. I saw him right there, looking at here while I was hiding behind the curtains.
Na-miss ko ang kaingayan dito. Angelov's stereo filling the whole place with his rock song playlist. The customer's stories regarding their tattoos, and of course, ang ugong ng tattoo.
Sinaksak ko ang plug sa extension wire bago pinasak sa outlet at sinubukang paganahin. Ilang beses kong inapakan ang foot pedal na tila clutch ng sasakyan. Parang baliw akong tumatawa.
"Nandito lang pala kayo..."
Napasinghap ako at gulat na hinarap si Jaxon na nakatayo sa hamba, nakalutang ang ulo sa kurtina, the same way he did when I first saw him right here. I didn't even realize that he followed me.
"Iyon ang una kong sinabi noong unang punta ko rin dito." Bumitaw na siya sa kurtina at tuluyan nang pumasok. Sinuyod niya ang paningin sa paligid na parang nagbabalik tanaw rin.
My brows arched. "You still remember?"
"How can I not?" Pinadulas niya ang kamay sa uluhan ng reclining. Mabagal ang mga hakbang niya papunta sa pwesto ko. A reminiscent smile broke his face. "You asked Evan if he was a virgin. Turns out, iba ang ibig mong sabihin."
Marahan kaming nagtawanan. God, the memories.
Gradwal na humina ang katuwaan na unti-unti ring hinahalinhinan ng pagkailang. Pinapaalahanan lang kami nito sa totoong sitwasyon. Medyo nagtatampo pa rin ako na dinala niya si Kelsey sa kasal ni Charlie. Pwede namang pumunta siya mag-isa, bakit kailangan magsama pa ng iba? Kung gusto niya talagang may kasama, he should have brought Denver.
But then, a debonair and a gorgeous man like him would have a complete outfit if he has a beautiful woman beside him, with her slender and elegant arms being anchored to his, as his accessory.
Nilulunod ko ang imahe nila sa panibagong ugong ko ng tattoo gun. I don't need the past to dictate how I should feel and decide. Nandito si Jaxon, abot kamay ko. Bakit ko pa aalahanin ang noon?
"At virgin ka pa rin noon." Kinagat ko ang ibabang labi ko, nagpipigil ng ngiti ngunit may nagmatigas at sumilip.
Binagsak ni Jax ang sarili sa reclining at humiga. He closed his eyes peacefully and I'm stupid not to swoon over his hansome face.
"Yeah, and I lost it here..." he trailed off and sighed.
"Me, too," bulong ko.
He didn't react. Hindi niya ako narinig. Nanatili siyang mapayapa sa pwesto niya. Dala na rin siguro ng kabusugan kaya nais na niyang matulog.
Niligpit ko na ang tattoo gun. Ayos na sa akin malaman na gumagana pa ito. But I won't risk using it with the expired inks.
"Ganyan ba talaga make-up mo?"
Napabuntong hininga ako at nanginig ang mga mata kong pumikit. Paano ko maaalagaan ang tampo kung binabalik niya lahat? Kung pinapahiwatig niya sa akin na wala siyang nakalimutan niisang sandali noong una kaming nagkita?
I exhaled. "Pwede kang umiwas ng tingin kung hindi ka kumportable..."
Narinig ko siyang ngumisi. Muli ko siyang nilingon at nakitang nakapikit pa rin ito. Nagmantsa ang ngiti dala ng ngisi niya. Is he breaking his walls now? Can I invade into him again? Kasi kung hindi pa, bakit siya ganito?
Umangal ang reclining pagkatayo niya. Tumabi siya sa akin at dumulas ang braso sa hantad kong braso. My black sleeveless top exposed my rising hairs in my arms and they probably felt rough against his skin.
Kapwa kami napaigtad at lumayo nang kaunti sa isa't isa, parehong napapatda sa biglang daloy ng kuryente sa sandaling iyon.
May pigil na gulat ang nabasa ko sa mga mata niya nang magkatinginan kami. I am nursing my affected arm while he remained unwavered. Tiningala niya ang mga tattoo designs galing sa mga customers ko na nanirahan sa aking mini bulletin board.
"May kapatid ka?" tahimik niyang tanong.
Dinadama ko pa rin ang epekto ng kuryente. I'm still engulfed by the livewire.
"Only child."
Duda ko siyang nilingon. Ano ba talaga ang ginagawa niya? He's playing push and pull on me. Nitong mga nakaraang araw lang ay nagsusungit siya sa akin, then the next minute he becomes the Jaxon that I used to know, tapos babalik na naman sa ibang version na Jaxon. I don't get him!
Dinaplisan niya ako ng sulyap nang hinila ang sarili paalis. Nakakawit ang paningin ko sa kanya. Umangat ang isa niyang kamay upang hawiin ang kurtina.
"Sigurado ka bang magpapa-tattoo ka?" untag ko. Verbatim.
He tensed. Maingat na dumulas ang kamay niya sa kurtina. Kumuyom iyon at dinala sa muli niyang pagharap.
He schooled his face very well to the exact replica of his expression when he asked, "Bakit? May problema ba?"
Gumugulong ang utak kong alahanin ang binato kong sagot noon. Jaxon looked like he remembered dahil nanliit ang mga mata niya sa kaaliwan. His left brow lifted as a challenged. How unfair.
Bumubundol sa kahit saang pader ang paningin ko sa pagsubok makaalala. Huminto ito sa silya na inupuan niya at ni Denver noon. That corner supplied me the memory.
"Sana gagawin mo 'yan hindi dahil sa gusto mo lang," ani ko.
"Gusto ko."
Inabot ng kilay ko ang kisame. "Gusto mo lang?"
Naglalaban sa paghila-pigil ang ngiti niya at kapagkuwa'y nauwi rin sa buong ngiti, hindi kita ngipin sabay ang pag-iiwas niya ng tingin. Yumugyog ang kanyang balikat. I can't help but join him. Ngayon lang naman ito kaya susunggaban ko na. Baka kasi bukas at sa mga sumunod na araw ay mag-iiba ulit ang ihip ng hangin.
Babad ako sa harap ng laptop mula pa noong dumating kami ng Manila dalawang araw na ang lumipas. Bilang lang ang oras ng tulog ko, and I send daily updates to Jaxon on the designs.
There are some incidental ones that he wants me to tweak, the rest are two thumbs-up. Iyong emoticon kasi ang reply niya kapag sang-ayon siya sa design. Tama nga si Sab the receptionist, strikto siya. Walang pinipili. For old time's sake is definitely not his MO.
I clicked enter send nang ma-attach ko na ang lahat ng nilalaman ng photo book. I have to consult it to him first, and once he give me the greenlight, kokontakin ko na ang magpi-print ng photo book na nirekomenda sa akin ni Raven.
Ramdam ko ang pananakit ng aking likod nang sumandal sa swivel. Inabot ko ang phone at nagtipa ng mensahe.
Ako:
I sent the final designs. Text back kung okay na for printing. Possible for 7 days after makuha. I'll try to ask for a rush delivery.
Kumalabog ang phone pagkalapag ko nito sa desk. Tinanggal ko ang aking computer glasses saka kinusot ang antok sa aking mga mata. I yawned and flexed my arms to the ceiling as far as I could.
Trenta minutos ang lumipas bago ako nakatanggap ng reply. Tinignan ko ang oras sa screen ng laptop. Kakalagpas lang ng lunch time.
Jax:
Good for printing.
Ngumiwi ako. Ang pormal naman nito. Parang sasabog ang cellphone sa oras na magbiro siya sa text. Magdagdag naman sana siya ng smiley emoticon para malagyan man lang ng kulay ang mensahe.
Inasikaso ko agad ang pagpapa-print sa araw na iyon. Nakapag-inquire na ako kung ilang araw ang sampung kopya ng pagpapalimbag sa isang hard bound. Nakatawad ako ng limang araw. Naitext ko na rin ito kay Jaxon at sumang-ayon naman.
Five days passed. Wala pang reply si Jax sa tinext ko na ngayon ko ihahatid ang mga napalimbag nang kopya. I've been giving him a ring several times ngunit walang niisa roon ang sinagot niya.
I thought about contacting Kelsey. Thinking about her just fed my assumptions that they might be together right now. Hapon pa lang kasi at mamayang gabi pa ang shift ni Jaxon. It's not even five in the afternoon yet.
Kahit pinahinaan ko ang aircon ng taxi ay nanlalamig pa rin ako. Binalikan ko iyong mga araw noong nasa Cebu kami. He's been cryptic with his gestures. I was hoping for that tiny spark of change from him to turn into an eternal flame. I thought his walls have already crumbled down. Then we're back in Manila soil just for me to see that he started building them up again.
Parang pinapainit niya lang ang makina ng sasakyan ngunit walang balak ipagmaneho ito. So ano 'to, what happened in Cebu stays in Cebu? Did he leave his feelings there? Ibato niya kaya sa akin ang feelings niya nang hindi siya mabigatan. At nang maramdaman ko naman!
Ibang empleyado ang natatanaw ko sa likod ng tanggapan nang magmartsa kami sa entrance ng station building. Sa gilid ko ay ang isa sa mga bodyguard dala ang kahon ng mga hardbound. Pinasalamatan ko ang guard pagkatapos niya itong ilapag.
Tinignan ko ang nameplate ng employer. "Hey Lena, I'm here for Mr. Jax Montero, is he busy?" I inquired after her greeting sabay padulas ng aking id sa counter.
Tinignan niya ito at itinawag agad sa taas ang aking pagdating. Kapagkuwa'y bumaling siya sa akin at tinakpan ang ibabang bahagi ng telepono. "He's on the newsroom pa po, ma'am. Could you wait for thirty minutes?"
Umiikot pa ang pagtataka sa aking utak habang tumatango. Anong ginagawa niya sa newsroom sa ganitong oras? I expected for him to expect my arrival. Umaasa akong maghihintay siya sa akin sa cafeteria.
Sinuyod ko ang mga mata upang maghanap ng upuan. Kung thirty minutes pa pala akong maghihintay, standing would do no good lalo na't naka-boot heels ako. I found a cream velvet sette near the grand staircase.
Kinuha ko ang aking id nang inabot ni Lena.
"You can take a seat ma'am while waiting for Mr. Montero." Muwestra niya sa upuan na balak ko ngang puntahan. "Hindi talaga siya nagpapaakyat ng mga bisita, e," dagdag pa niya.
I nodded not because of acknowledging what she said. Tumango ako dahil sa naalala at napagtanto. Noong pinagusapan namin ang tungkol sa design ay sa café naganap iyon. Siguro wala siyang office.
"Kahit si Kelsey Marbella?" Naningkit ang mga mata ko.
Tumango si Lena. "Kahit sino po. Except his parents."
Malamang. Sila ang co-owner. Although ang nabasa ko lang sa magazine ay ang basic information. The names of his parents were not mentioned.
"Sige, thanks." Tinapik ko ang kahon. "Dito muna 'to."
"Can I know ma'am kung ano ang laman ng box?" untag niya bago pa ako makalayo sa counter.
"Oh, it's the photo book na pinapagawa niya sa akin."
Natigil siya sa pagtapik ng ballpen kasabay ang pagkukunot noo. "I thought may nakuha na siyang designer..."
Mahina ang pagkakasabi niya niyon, not intending for me to hear. She's talking to her self . Gayunpaman, kinuha pa rin nito ang atensyon ko.
"Come again, miss?" I demanded.
Gulat siyang nag-angat, hindi inasahan ang aking pagtatanong. Ilang beses siyang kumurap bago nagsalita. "May mini-meet po siyang designer na gumagawa po nito para sa kanya. Actually ready to launch na po iyon bukas makalawa para sa anniversary event ng station."
"And how did you know all about this?" Tumakas ang banta sa aking tinig.
Hindi ko makita ang sariling ekspresyon ngunit masasabi ko kung ano na ito ngayon base sa nakikitang tumalilis na kaba kay Lena.
"N-naririnig ko lang pong pinag-uusapan nila dito kasama ng ibang mga newscasters. 'Tsaka..." Pinagmasdan ko kung paano nanginig ang mapuputing kamay niya nang sinara ang logbook. "Pumunta rin po rito iyong designer at hinanap siya. That was last week po."
Hindi pa siya tapos sa pagsasalita ay hinihingal na ako sa iba't ibang kadahilanan. Iritasyon, kahihiyan sa sarili at panlilinlang. Napailing ako, napaawang, kinukumbinse ang sarili na hindi ito magagawa ni Jaxon. Yet that trust for him was wrestling against what I've just heard.
"Are you sure?" Tumaas ang boses ko sa hindi makapaniwalang tinig. I still don't want to believe this!
Kabado siyang tumango. "O-opo."
Binaling ko ang aking ulo sa ibang direksyon sabay pikit nang mariin. Drastiko kong hinampas ang counter, 'di alintana ang resultang hapdi na umaligid sa aking palad. Mas nagpangyari sa akin ang muhi na hindi ko alam kung para kanino.
Gusto kong isigaw palabas kung ano mang pumupuno rito sa dibdib ko. Gusto kong iiyak at pawiin ang panginginit ng mga mata ko!
I'm on a neighborhood of throwing a hissy fit on this whole building. Sumuntok ako ng kamao sa counter na ikinapatda ni Lena.
"Ma'am..."
"Call him," utos ko, sinikap maging buo ang boses sa sumisisid na panginginig nito.
"Pero ma'am—"
Hinampas ko muli ang counter at nilapit sa kanya ang aking mukha. Matigas ko siyang tinitigan. "Tell him it's Davina Claravel. Kung hindi niya ako bababain dito, I'm going to spread some rumors to that golden reporter or journalist of yours!" Marahas akong suminghap at hinila ang sarili palayo. "Sonofabitch!" maligasgas kong bulong sa kawalan.
"O-opo..."
Sinabunot ko ang aking buhok habang nagpalakadlakad sa gitna ng entrance. Umalingawngaw ang lagutok ng heels ko sa bawat lapat nito sa tiles. Ilang beses na akong sinubukang kausapin muli ni Lena but my resolve is unruly. I can't talk to anyone right now without having to tie a rope of spite in my voice.
Naririnig ko siyang tumawag muli sa taas at pababain na si Jaxon. Natataranta ang boses at desperada bago pa ako magwala rito. Sa isang iglap naglaho ang inakala kong simula ng maganda naming samahan sa mga nakaraang tatlong araw. They were all veiled with intense negative emotions right now.
"Vin!"
Pumihit ako sa direksyon ng baritonong boses. Walang anu-ano'y bumalik ang pulso sa tiyan kong mabilis na tumibok sa iritasyon papuntang galit.
Hinihingal kong tinungo sa malalawak na hakbang ang counter at kinuha ang isang kopya roon ng photo book. Sinalubong ko siya sa gitna ng kanyang paglalakad.
Utter confusion and equal irritation were emblazed on his face. Nahalinhan lang iyon ng matinding gulat at singhap nang tinapon ko sa kanya ang photo book sapol sa dibdib niya na kanyang ikinaatras. The hardbound cover made a bass-sounding noise as it dropped on the floor. Bumaligtad ito.
"What the—"
"I give up, Jaxon," agap ko, tinakwil ang init ng atensyon mula sa mga taong nakatuon sa aming gawi. "I'm done! I had hurt you one time. Just one time! Pero ikaw, ilang araw ang hinila mo para iluwa sa akin ang pagkamuhi mo? Idadamay mo pa ang trabaho ko? Where's your professionalism sitting at? Wala namang personalan!"
Nanginginig at namamanhid ang buo kong katawan. Dumoble lang ang bilis ng paghinga ko at naluluha sa matinding galit.
Lumalim ang sisid ng kanyang kalituhan. Ang pananatiling awang ng bibig niya ay indikasyon na hindi pa siya pinalaya ng gulat.
Nilapitan kami ng guard. Inangat ni Jaxon ang kanyang kamay upang pigilan ito na hindi inaalis ang mga mata sa akin. Tumigbas ang mga mata ko sa umatras na manggas ng gray pullover niya sa siko.
Pinulot niya ang photo book at sinuri, pinadaan ang mga daliri sa dulo ng mga pahina na nagpakalat ng bagong print na amoy nito. Kumalma na ang paghingal ko ngunit hindi ang tibok ng puso ko.
Seryoso na ang mga mata niya nang muling mag-angat ng tingin. Subalit may kaunting patak ng digmaan sa kanyang kaisipan.
Nanigas ako nang hinawakan niya ang aking palapulsuhan at bumaling sa paligid. I'm sure we have spectators.
"Let's not talk about this here." At hinila na niya ako patungo sa kung saan.
My boot steps barely matched his wide strides. Alinman sa dalawa, nagmamadali o galit na rin siya dahil sa kahihiyan na binahagi ko sa kanya kanina. Sa loob ng elevator, sinisiksik na rin ako ng panggigigil na ituloy ang paglabas ng galit sa panlilinlang niya sa akin.
Tumunog ang elevator at bago pa ako makapagtanong ay lumabas na kami. May inakyat kaming bakal na hagdan pataas at mula rito, inaanod ang ingay ng pagihip ng hangin.
We came out on the roof top. My hair and the edge of my long dress billowed and danced with current of the wind.
Nakatayo lang ako at siya'y unti-unti akong hinarap. Hawak pa rin niya ang photo book. Bagsak ang balikat niya na tila nabibigatan sa aking akusasyon.
"I don't know what you're talking about, Davina." Malamig ang boses niya. Nakuha kong patungkol ito sa mga sinabi ko sa kanya sa baba.
"Ang babae sa tanggapan. Her name's Lena. She said you contacted another designer all the while still being my client. I don't think that's part of the stipulation, Mr. Montero." Tinuro ko ang hawak niya. "So the ten copies of that would go shit wasted?"
Nanatili ang seryoso niyang tingin. Iyon lang at hindi ko na alam kung ano pa ang maaaring tumatakbo sa utak niya. His lips thinned into a straight line. Bahagyang nanliit ang mga mata niya, at inaanod ang buhok sa muling paglakas ng hangin.
Wala siyang ginawang kilos upang ipahiwatig na magsasalita siya. He just stood there watching me like I am some kind of a lame show he loathed shouting my hysterics to the void. Kung ito pala ang gusto niya, Fine. I'm going to let him hear everything!
Humakbang ako at inisang dinuro ang mala-bakal niyang dibdib. Parang tumupi ang hintuturo ko subalit nagawa siyang paatrasin nito.
"Palibhasa ang itinanim mo lang diyan ay ang galit mo sa akin sa ginawa ko sa 'yo! You're breeding so much hate on me to the point that maybe you wouldn't accept the fact that I had gone through hell more than what you'd been through after I hurt you. I had dealt with a lot of deaths I barely even survived my own death, Jaxon! Sana sapat na iyon upang makaganti ka sa akin."
Tumalikod ako at pinalis ang pamamasa sa ibabang pilikmata. Huminto ako sa dating pwesto malayo sa kanyang kinatatayuan. Pinapasikip ng kasaganahan ng hangin dito sa taas ang daluyan mula ilong patungong baga ko.
"Hindi kita ginagantihan." Kinalma ko ang aking paghingal nang marinig ang papalapit niyang mga yabag. "Ni minsan hindi ko naisip iyon, Davina. Lena must have mistaken you as a new designer. Ang tinutukoy niyang inaarkila ko ay ikaw."
"She saw the designer!" sigaw ko sabay harap sa kanya. "Kung ako ang tinutukoy niya e 'di sana kilala niya ako! I haven't even met her before."
"I contacted another designer for my co-worker. Not for me," he pressed outright. "He wanted you to design the layout of his news article in a media magazine since he has lost his contacts before. Baha ka na sa trabaho para sa photo book ko kaya hindi ako pumayag." Nagtiim-bagang siya. "At gusto kong ako lang ang maging kliyente mo, Davina. Wala nang iba. Ako lang."
Tumalon ang gulat niya kanina at lumapag sa akin. Iniisa-isa ko pang pinupulot ang bawat sinabi niya bago ko nakuhang ibalabad sa utak ko. I'm at a loss for words.
Yumukod siya upang ilapag ang photo book sa konkreto.Walang nagbibitaw ng tingin. Maingat siyang humakbang na tila tigre na handa nang dambahin ang hapunan. I didn't move a muscle. Tinatakpan na ng buhok niya ang kanyang noo.
"You've thought the worst of me, Davina."
Nag-iwas ako sa nahihimigang disappointment sa kanyang tono.
Kinumutan ako ng makapal na kahihiyan. I wanted to apologize for jumping into conclusions but my mouth royally failed me. Pakiramdam ko'y ang kapal ng mukha ko kapag tititigan ko siya ng mata sa mata.
Naigting ako nang hinawakan niya ang aking baba upang iharap ang mukha ko sa kanya. His eyes glazed over, tumutugma sa kanyang tono. I spotted a threataening moist on the edge of his eyes.
"Habang ako'y tinakwil ang akusasyon na gumambala sa akin patungkol sa 'yo. Hindi ko matagpuan ang sariling maniwala. Hindi mo magagawa iyon." patuloy niya, sinasabayan ng iling ang huling salita. "Pero ngayon, tatanungin kita, Davina. Magkano ang halaga ng cheke kapalit ng pagtaboy mo sa akin noon? Was it enough for your six years stay in New York?"
His question gutted me I could feel its blow. Bumundol ang matinding kaba na ikabibiyak ng dibdib ko.
I still don't know what angered him towards me. Kung ito man, matindi ang kanaisan kong isatinig ang determinado kong pagtanggi upang ipagtanggol ang sarili ko. Isa lang ang nag-abot sa akin ng cheke noon. What the heck, Madam Montero?
"Ayaw kong mag-iba ang tingin mo sa sarili mong ina kaya hindi ko sasabihing huwag kang maniwala sa kanya. Pero ito ang totoo, Jaxon, wala akong tinanggap kahit ano galing sa mommy mo. Inalok niya ako, pero hindi ko tinanggap ang cheke. Wala..."
I know my tone lacks conviction dahil nanghihina ako. Wala akong nakikitang kahit kaunting pag-iiba man lang sa pinta ng mukha niya.
"You don't believe me."Napailing ako. "Huwag mong gawing basehan ang ginawa ng isang tao sa 'yo upang ibahin mo rin ang paniniwala sa kanya."
"Paano ka napunta sa New York? How did you end up there?" Nilapatan ng akusasyon ang mukha at boses niya.
Umiling ako at tiningala ang kalangitan, huminga ng malalim, pumikit at nanginig ang mga matang pinaatras ang luha. Bakit ba hindi ko masabi sa kanya? Wala akong maapuhap na mga salita upang mapadali ang pagpapaliwanag.
"You don't regret it, Vin," he added. I bet he's talking about what I did. And he concluded it himself.
Hindi ko siya sinagot. Not because my silence means I agree. I just don't know how to explain that I regret what I said. Not what I did. We can't take back the words. But we can go back as how we used to be. We can.
Isang beses pa niya akong hinakbang habang tinatantiya ako.
"Kahit niisang pagkakataon, Vin, nasabi mo ba sa sarili mong minahal mo ako? O pangangailangan lang talaga?"
Ramdam ko ang alon ng emosyon sa narinig na panginginig ng kanyang boses. Yumuko ako at sinapo ang aking dibdib, kinukuymos ang tela ng aking damit, naghahanap ng mapagkapitang lakas.
Ramdam ko ang lapit niya sa init ng marahas niyang paghinga na umaatake sa mukha ko.
"Iniyakan mo ba ako?" pumiyok ang boses niya. "Kasi ako, Davina. Gabi-gabi." Mariin at desperado.
Tumakas ang luha at nahulog sa kabila ng nakapikit kong mga mata. Lumabas ang hikbi na hindi ko nagawang kontrolin. Bawat subok kong magsalita ay inuunahan ng hikbi.
I took a trembling breath.
"Sabi mo tatanggapin mo lahat ng maibigay ko sa 'yo. Na wala kang hindi tatanggapin...ganon pa rin ba Jaxon?"
Ang namuong luha sa mga mata niya, ay naglandas nang binaling ang mukha sa kabilang direksiyon. Kitang-kita ko kung paano ito dumaan sa kanyang labi. Kinagat niya iyon at hindi binitawan.
No, No...not again. Don't cry infront of me again Jaxon. Baby, please...
"Kahit kailan, wala akong tinapon na mga bagay na mula sa iyo, Davina. Kinimkim ko lahat, kahit pagmamahal ko sa iyo."
Tila hinakot ng mga salita niya ang hangin na natira sa aking baga. Ilang sandali pa akong nangangapa, napangiwi sa sakit sa likod ng boses niya, saka ko binaon ang aking mukha sa kamay ko at humagulhol.
"Why did you do it, Vin?"
Inalis ko ang isang kamay at ginagap siya. Nakapa ko ang kanyang shirt at kumapit doon, hinila ang sarili at binaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Pinulupot ko ang mga braso sa kanyang baywang.
Hindi maitanggi ang hiwa ng sakit sa puso ko na hindi siya umakap pabalik. His hands both stayed hanging on his side. Naging panggatong ito sa mga luha ko.
"Why, Vin..." His voice, pained and tortured.
Hinigpitan ko ang pagyapos bago bumitaw at umiiyak na kinuwadro ang kanyang mukha. I kissed his wet and trembling lips. Dumagdag ang pagguhit ng sugat sa hindi niya pagsukli nito. Nanatili itong nakaawang, tinatanggap ang halik, hindi sinusukilan.
I used to be in his position once. That night, I remember. I did exactly like this to him.
I realized that the tables are turning while I'm on the other side of where he used to be six years ago. Begging. Baring his soul. Stripping his goddamn pride. Breaking his soft-cushioned heart. I am on this side right now.
Bumitaw ako na walang natanggap ni sandaling pagsukli ng halik. Napasinok ako sa ambang pagpapakawala ng hikbi.
"Hindi ba pwedeng paliwanag ang mahal kita? Kahit iyon lang muna ang tanggapin mo sa ngayon, Jaxon...Mahal kita."Nabulunan ako ngunit pilit akong nagsalita at umiiyak. "Mahal kita..."
Hahalik pa sana ako ngunit hinawakan niya ang aking kamay at tinanggal sa kanyang mukha. Ang basa niyang mga mata ay nagtatalo sa determinasyon at kabiguan.
"Your emotions are talking, Vin."
Ang huli niyang salita bago ako tinalikuran sa gitna ng konkreto sa roof top.
Ilang sandali ko itong ikinatulala bago binagsak ang mga tuhod sa semento at gigil na humagulhol.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro