FIFTY SEVEN
Ilang tibok ng puso akong tulala sa isang sulok ng roof top. Naisipan kong tumayo na at umalis sa pagpasok ng mga artista. Siguro may shooting o photoshoot. I saw Kelsey talking to a model actress while bringing a hanger of elegant gowns. Inaanod ng hangin ang maaalon nilang buhok.
Wala akong nahagip niisang senyales ni Jaxon pagkababa ko. Nais ko siyang puntahan sa news room, ngunit nang maalala ang aking itsura ay nagbago ang isip ko. I probably looked like a wet raccoon right now.
Ramdam ko pa ang lagkit ng mascara sa aking pisngi na nakisakay sa agos ng luha ko kanina. Sa elevator, may ngilang nag-aakalang baguhan akong artista na galing sa shooting. I didn't rectify them. Let them think what they want , para sa ikasasalba ng kahihiyan ko.
Ayokong mangwenta kung sino ang mas nasaktan sa amin ni Jaxon. We were both equally hurt that night and it even dragged on through the years. And as he turned the tables, I felt the weight of what I did and how it held him down. I couldn't bring myself to count that as revenge. Wala akong matagpuang galit para sa kanya. Because I understand. I understand him.
Pagkarating sa shop ay nagpahinga ako saglit bago tinawagan si Margot sa Skype. Nakaligtaan kong may photoshoot pala siya ngayon base na rin sa post niyang picture sa Instagram. Bumaba ako at ginamit ang mga oras upang sumubok ng Calligraphy.
The art therapy lifted me up for just a crumb. Tumawag muli ako kinagabihan at saktong bagong gising si Marge. Nagpupunas pa siya ng antok sa mga mata. I smiled.
"You're crying?" umpisa niya. Tumigil siya sa ginagawa at nilapit ang mukha sa screen.
Umusli ang ibabang labi ko at umiling.
"Liar, liar," akusa niya. "What happened? Gusto mo punta kami diyan ni Nolan? We'll fly there, seriously."
Walang kabuhay-buhay ang tawa ko. Pati pusa sa aking kandungan ay dinadamayan ako.
"I'm fine." Hindi ko inasahan ang pagkakapaos ng aking boses.
"You're not. " Her eyes narrowed. "What's wrong, hunny D?"
Imbes na magkuwento sa kanya ay may sariling buhay ang utak ko na nagbalik tanaw kaninang hapon. That did the talking instead of my mouth. Tulala ako sa isang bahagi ng laptop screen. Otomatikong sumilakbo ang alaala sa magdamagan kong paggawa ng design ng layout para sa kanya. Still, they all led me to him.
Bumagsak ang nanghahapdi ko pang mga mata. Medyo nahiya ako kay Margot dahil ako itong tumawag, ngunit hindi naman ako nagsasalita. I just want to hear her cheerful voice. Her positivity influence me most times, baka sakaling bahagian niya ako nito ngayon.
"Hmm...is this about him?" untag niya. Mukhang nilayasan na siya ng antok sa napaghulong paksa ng usapan. "Jaxon, right? You know, I searched his name on the internet but secret lang, ha? Nolan doesn't know."
Ngumiti ako. "I won't breathe a word."
"Good. And my gosh, I didn't expect how he looks like, hunny D! Iyong mga mata niya? So innocent and sexy like...b-bedroom eyes! Holy hell! Kung lalake ako at kamukha ko siya? I'm gonna lock myself in the room and fuck myself!"
Hindi ko napigilang matawa. Umaray ako sa pagkakauntog ng ulo ko sa headrest ng silya nang tumingala. Hinaplos ang naapektuhang parte.
"It's like finding the rarest unicorn!" patuloy niya at humila na sa pagkukuwento tungkol sa photoshoot. I let her be. Gusto ko lang munang makinig sa ngayon at hindi magsalita.
Natapos ang tawag dahil magbi-breakfast pa umano ito. Saglit nagpakita si Nolan at kumaway. Siya ang nagluto ng agahan nila. I waved back at them at nag-end call.
Hindi muna ako tumatanggap ng projects ngayon. It's not that I'm quitting. I'm going to cut myself some slack and do things other than graphic designing. The design thought alone is merely a ticket to remind me of Jaxon and his rejection.
Kaya kinabukasan, sa halip na ang laptop o cellphone ang una kong binati, bumaba ako sa shop at naghanap ng magagawa. First things first, I went to the espresso counter to have my coffee.
Naghahanda pa lang sina Raven sa mga rooms. Kadalasang dinadayo ang shop ng alas diyez ng umaga. Mage-eight pa lang. I did Calligraphy yesterday and enjoyed every seconds of it. Ngayon ay panggagantsilyo naman ang gusto kong subukan.
Tinulak ko ang sarili sa isa sa mga lime monobloc chairs sabay lapag ng kape sa wooden table. Tama lang sa apat katao ang mesa. Pumaraan ang mga mata ko sa nakadikit na mga artworks galing sa nagwo- workshop dito. Kinukuha ni Raven ang crochet kit sa shelving units na nasa adjacent room lang.
"Anong gusto mong igantsilyo?" tanong niya nang makabalik at nilalapag ang mga gamit. Tinitignan ko iyon isa isa.
"Phone case," sabi ko. Bigla ko lang naisip gumawa ng ganoon dahil wala akong case sa aking cellphone. 'Tsaka...mukhang iyon ang madaling gawin.
Kinuha ko ang mga yarn na napili ko. Midnight blue, white at light blue. Unang tinuro sa akin ni Raven ang paggawa ng slip knot at sinuot iyon sa crochet hook. Pabalik-balik ang mga mata ko sa ginagawa niyang chain na ginagaya ko.
That's the easy part. Medyo nahirapan na ako pagdating sa crochet stitches at kung saang loop ipapasok ang hook. Tulad ng inaasahan ko, hindi nga talaga siya madaling gawin. Lalo na't baguhan ako.
Isa lang ang nakagpaalala sa akin sa tuwing nakakakita ng gantsilyo. Matanda. Kaya feeling lola ako ngayon. Kulang nalang umupo ako sa silyang tumba-tumba.
Ganon lang ang ginagawa ko sa magdamag at paminsan-minsa'y sumisimsim sa kape. Tumitigil rin ako kapag nagbabanyo. Nang magtanghali ay nangalahati na ako sa phone case at nagpalit ng kulay puting yarn.
"Ma'am, may ipabibili ka bang pagkain sa labas?" tanong ni Raven sa kalagitnaan ng paggawa ko ng chain sa panibagong kulay.
"Huwag mo nga kasi ako tawaging ma'am. Ibabawas ko iyan sa suweldo mo."
At nakalimutan ko na hindi pala ako ang nagpapasuweldo sa kanya. Nasabayan ko siya nang ito'y tumawa.
Hindi na ako nagpabili dahil nabusog naman ako sa tinapay na panay kong ninanamnam. Iniisip kong gumawa pa ng mas maraming crocheted na mga bagay at lagyan ng kakaibang istilo. I have thought of some that I can display in my room.
Hapon, ay dumami ang mga dumarating. Kung titignan ay ako ang pinakabata rito sa crocheting room. Hindi ko rin naman masabi ang mga edad nila pero pakiramdam ko lang, ako talaga ang pinakabata.
Napalinga ako sa pinto sa malakas nitong pagdulas. Natatarantang Irene ang pumasok at lumapit kay Raven na may tinuturuan sa dulong mesa. Kinabahan ako. Halos mahihimatay na siya. Panay ang paypay niya sa sarili at turo sa labas. Umabot sa pandinig ko ang impit tili niya na tila nanggigigil sa kung ano.
Tumayo ako at nilapitan sila.
"Anong meron?"
Sabay nila akong nilingon. Kalituhan ang rumehistro kay Raven.
"S-si, si Jax. Si Jax nasa labas! Nasa labas! Tulong, Lord! Tulong!" bulalas ni Irene at niyugyog ang manipis na katawan ng kaharap niya.
No other words to describe how I am feeling but thunderstruck. Kung nagpapanic na si Irene, paano naman kaya ako? Binabantaan na ako ng ingay ng pintig ng puso ko.
Hindi ko alam ang iisipin kung bakit siya nandito. Pwede namang hindi ako ang sadya niya. Pero maga-assume na ako, ako ang ipinunta niya rito panigurado.
Bumalik ako sa table at tinatasa ang naudlot na gawain. Kinukutya ko ang sariling kaba na inaalog ako sa sariling upuan. Hindi ako pinapahintulutang makapagpatuloy sa mga tilian sa kabilang room.
Umikot sa kisame ang mga mata ko. Sino pa nga ba ang dahilan?
Padarag na nag-ingay ang mga silya sa pagsitayuan ng mga kasamahan ko rito sa kwarto, sinisilip ang paksa ng tilian sa kabila. Hindi ba naisip ni Jaxon na marami siyang tagahanga at pagkakaguluhan siya?
I kind of imagine him being approached by several talent scouts. Ngayon nga na hindi siya aktor ay kilala siya, paano pa kaya kung artista o 'di kaya'y modelo.
Sa malaking pagbukas ng pinto, all my knowledge took advantage and had a marathon run out the door. Nakalimutan ko na kung saan ba dapat isusuong itong crochet hook.
Sinusundan siya ng mga bumubulon-bulong at mga babaeng sumasabit ang mga tili sa lalamunan. Ay, mapautot pa iyang mga bunganga niyo kaya isigaw niyo na iyan mga teh!
"Gusto ko rito."
Mata ko lang ang gumalaw upang silipin ang anino niya sa gilid. Nahagip ko ang brown Timberland boots niya. Sa likod ko siya nakatayo. Nahawakan niya ang buhok ko nang tinukod niya ang kamay sa aking silya. Dumaloy ang init galing sa hibla papunta sa mukha ko.
Pinaupo siya ni Raven sa katapat kong monobloc chair. May narinig akong hinaing at nais lumipat ng table. Eh ilan lang ba kaming magkakasya rito? Apat? Ilan ba silang lilipat? Sila na lang kaya igantsilyo ko.
Naguguluhan na ako kung paano ko pa ipagpatuloy ang ginagawa dahil sa presensiya niya. Hinihila ng mga mata niyang nakatitig lahat ng natitira kong kaalaman. Ang alam ko na lang gawin ay ang uminom ng kape.
Inaasahan kong magtatagal ng ilang araw bago kami magkita ulit. O hindi na. Kasi 'di ba dapat galit siya sa akin? Did he have some divine intervention or had a come-to-Jesus talk with someone?
Ayaw ko siyang sumbatan sa resulta ng mga nangyari kahapon. What bothered me was his sudden appearance. Ano ang plano niya ngayon? Kasi ako, magpapahinga muna. Relax and shut the rest of the world with these therapies.
"Ano pong igagantsilyo niyo?" Tila iniipit na pusa ang tinig ni Irene sa likod ko.
"Anong ginagawa niya?"
Sinulyapan ko ang bahagyang pagturo sa akin ni Jaxon.
"Ikaw, sir—Ay! Ano, uhm..." Dinig ko ang pagtatanong ni Irene kay Raven na marahil nasa tabi niya. "Po-pon—ay! Ph-phone case raw po."
"Iyon na lang din ang sa 'kin," ani Jaxon.
Ngumuso ako.
"Bakit ka nanggagaya?" akusa ko. "Gawa ka ng ibang design."
Medyo nahiya ako sa naging tono ko. Para akong batang nang-aaway!
Ngumisi si Jaxon na kapagkuwa'y tahimik na tumawa. Narinig ko ang mga pagbuntong hininga ng mga nasa likod. Hindi ko na sinilip, hindi ko rin naman siguro mabilang.
"Sige iba nalang. Beanie. Pwedeng pasukat ng ulo niya?"
Nanlaki ang mga mata ko. Amusement sparked in his eyes. Nagsinghapan ang mga babae sa likod kabilang na si Irene. Ang ilan ay natawa sa sinabi niya.
Humilig si Jax sa mesa at pinatong ang dalawang braso. Matamis niya akong ningitian.
"Anong gusto mong kulay?"
I looked at him incredulously. Nagbaon siguro siya ng hangin galing Cebu. Ganito ang ugali niya noong nandoon kami ng tatlong araw. Hinithit ba niya ang hangin na iyon at bumait siya sa 'kin ng ganito?
Sa hindi pa rin makapaniwalang pakiramdam ay tinuro ko ang midnight blue yarn.
Parehong ngiti ang sinuot niya nang umalis sa pagkakahilig. "Alright." Pinatunog niya ang mga daliri saka inaalog ang mga kamay bilang paghahanda.
Nagsisikuhan sina Irene at Raven kung sino sa kanila ang magtuturo kay Jaxon. Sa huli ay si Raven ang gumawa. Iyon naman pala, para matitigan ng hantaran ni Irene ang crush niya.
I listened to Raven as she teached Jaxon. I listened to Jaxon as he asked questions. Nagmaang-maangan na lang ako at kunwaring alam ang ginagawa ngunit hindi naman maaaring magtagal ako sa ganitong kalbaryo.
Nag-angat ng tingin si Jax nang tumayo ako dala ang ubos ko nang mug jar ng kape. Umawang ang kanyang bibig at nakikitaan ko ng takot ang mga mata. Sa wari ay may dumagan na higanteng bato sa dibdib ko.
Nagkusa ito sa aking magpaliwanag upang pawiin ang kung ano mang ikinapangamba niya.
"Kuha lang ako ng kape." Tamad kong tinuro ang espresso counter.
Tumalon ang bangs ni Raven sa likod sa biglang pag-angat ng tingin sa akin galing sa pagkakayukod. "Ako na lang ma'am—I mean, Vin. Pakuha ka rin ng cake?"
I made a dismissive motion at hinaluan ng iling. "Ako na—"
"Siya na pakuhanin mo, Vin," singit ni Jaxon. Sapat na upang magyelo ako sa kinatatayuan sa hagod na dala ng nangungusap niyang mga mata. "Samahan mo ako."
The words and his voice held too much emotion I couldn't name. Ang natitiyak ko lang ay ang pagsusumamo at lungkot. It gave me flashbacks of yesterday at the same time. Ang luha niya na gumuhit ng sugat sa dibdib ko.
That was my undoing. Yumuko ako at bumalik sa pag-upo. Kinakalikot ko ang yarn at hindi na malaman kung saan napunta ang utak ko. Maybe some food would help to bring it back. Saan na ba kasi iyon naglalakwatsa?
"Iyong frappe na gusto ko, Raven, 'tsaka iyong paborito kong cake." Nanatili akong nakayuko, naiilang na mag-angat ng ulo.
"Ako rin, Raven. Iyong parehong order niya."
Napanguso ako. "Nanggagaya ka na naman," bulong ko.
Lumabas si Raven at gradwal na ang pananahimik ng mga tao. Nagbalik sa kani-kanilang room ang mga kabataan at nagpatuloy sa kanilang mga klase. Ngunit may mangilan ngilan na inaabuso ang dahilan ng pagbabanyo upang masilip si Jaxon.
Ganito rin kaya siya noong highschool at college? Pinagkakaguluhan? Dinadapuan ng hindi lang isang sulyap kung 'di daan-daan at matagalang pagtitig? Ano kaya mga awards niya noon? Most talkative?
Hindi naman siguro. Maybe campus crush, or Mr. Intrams, Prom King. Naging Cum Laude pala siya! And well, naging sexiest lang naman.
"Kumain ka na?"
Agaran ko siyang kinunutan ng noo. "Bakit ba iyan ang palagi mong tinatanong sa tuwing nagkikita tayo? Wala ka ba ibang gustong malaman maliban sa kung nakakain na ako?"
Marahan siyang tumawa. That crispiness in that chuckle na hindi mo mapigilan na mahawa at mapangiti. Hindi lang sumabit ang epekto nito sa dibdib ko. Dumulas pababa sa aking tiyan at kinakalikot ang kung anong pwedeng makalikot ng boses at tawa lang.
Tinitigan ko ang aking ginantsilyo. Hinihila ko pa rin talaga sa utak ko kung paano ko ito nagawa. Binabakas ko ang pagkakahabi ng yarn at kung saan ito lumiliko at sumusuong.
"Pwede pa ba itong maibalik?" untag ni Jaxon.
Lumapag ang paningin ko sa nakahinto niyang mga kamay. He's about to push the crochet hook on the loop.
"Oo naman," wala sa sariling sabi ko.
"Paano kung ayaw bumalik?"
May kung anong meron sa tono niya na nagpakutob sa akin. Tinulak akong bigyan ito ng kahulugan.
Kung ako iyang tinutukoy mo Jaxon aba'y gustong gusto ko nang bumalik. Gibain mo ang pader at lulusubin ko ang kabilang dako na kinabibilangan mo.
"Sinubukan mo ba?" maang-maangan ko.
"Kung susubukan ko, kaya ba? Mangyayari kaya?" ganti niya.
Pumalumbaba ako at pinahalik sa aking palad ang tinatagong ngiti. Ang isang kamay ay pinaglalaruan ang yarn.
"Huwag mo nang itanong. Gawin mo na lang."
"Okay, gagawin ko na." Pinanood ko ang ginagawa niya. Nakagawa na siya ng bilog, kung tatantiyahin ay tuktok na bahagi ito ng beanie. Malakas siyang bumuntong hininga at tila bigat na bigat ang loob na humilig sa mesa. "Bumalik siya, pero hindi yata sa paraang gusto ko. May harang."
Gumagalaw ang nakanguso niyang labi habang tinititigan ang yarn sa kanyang kamay.
"E kasi, hinaharangan mo." Inalis ko ang isang daliri niyang tinatakpan ang dapat pasukan ng hook. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Parang binura lang ang kahapon ay muli siyang ngumiti. Iyong nilalanggam na ngiti na matagal ko nang inaasam na ihandog niya sa akin. Sa hindi ko pagsukli ay dahil ito sa pinigilan ako ng kalituhan.
Did he regret walking out from me yesterday? He has to know that we couldn't put the blame on the resentment we feel to the person that wronged us from the first place. But that smile held so much sweetness and tenderness that caged in the bad yesterdays.
"S-sir...c-coffee..."
Nanginig ang tray na pinaglalagyan ng kape at cake ni Jaxon. Inipit ko ang aking ngisi, sinusubukang huwag ipahiya si Irene. Si Raven sa likod na dala ang pagkain ko ay hindi na napigilan at tinawanan ang kaibigan.
"Thanks," ani Jaxon at ningitian si Irene.
Umingit siya at nanatiling nakatayo sa gilid ko, todo titig kay Jaxon na umiinom lang ng kape. Dinilaan nito ang labi at kinagat, tila nilalasap ang bawat patak na nanatili pa sa labi niya. Hindi nito alintana ang mga nanonood sa kanya.
Parang wala lang na binalikan niya ang panggagantsilyo. Malaking bilog na ang nagawa niya.
Manhid ba siya or what?
"Oh my God..." bulong ni Irene sa gilid ko.
"Magpapa-autograph daw siya sa 'yo, Jaxon." Sumingit ako.
"Sure."
Nanlaki ang mga mata ni Irene sa akin saka bumaling sa idol niya. "Pwedeng pa-picture na rin?"
He chuckled. At sa oras na iyon hindi lang si Irene ang naka-avail sa free meet and greet.
Humila pa ang presensiya ni Jaxon hanggang gabi. Umalis lang ito saglit upang bumili ng pagkain. Hindi na galing fastfood ang binili niya. Nagsalo-salo kami kasama ang mga staff ng shop.
"Kung maka-akto ka diyan para namang ikaw ang ipinunta niya rito!" sermon ni Raven kay Irene na kanina pa parang sinasaniban ng bulate. Hinuhugasan nila sa mini kitchen ang pinagkainan namin.
"Salamat sa food, sir!" wika ng isa sa mga barista. Sumunod ang kaibigan nito na boyfriend pala ni Raven.
Kung hindi ko pa nalaman ang relasyon nila ay iisipin ko talagang natitibo si Raven sa akin. Kinabahan ako sa makailang beses ko na siyang nahuhuling tumititig. I'm not against lesbos, I'm just not open into having a relationship with them.
Alas otso ay tumulong ako sa pag-aayos ng mga silya sa bawat rooms at re-arranged ng mga kagamitan sa shelve units. Kulang na lang matawa ako sa panay na pagbuntot sa akin ni Jaxon. Pansin iyon nina Raven na napapangiti na lang. Kahit sa pagbabanyo, at sa paglabas ko'y nakasandal siya sa pader at inaantabayanan ako.
"Bye Ma'am! Bye, Sir!"
Sabay sabay silang nagpaalam dala ang mga sobrang pagkain kanina. Nasa hamba ako ng shop at kinakawayan sila pabalik. Hawak ko sa kabilang kamay ang patapos kong crocheted phone case.
Humirit pa ng isang pa-picture si Irene at hindi nagpahuli't yumakap ito. Magiging oras ang itatagal ng yakap kung hindi lang siya hinila ni Raven.
Nang isa-isa na silang nawala ay sakto ang pagdaan ni Woodrow sa paanan ko. Kiniskis nito ang balahibo sa aking paa bago lumabas at may inamoy sa sulok.
"Psst, Woodrow. Walang daga diyan," sita ko. Inabot ko siya sa aking paa at inalsa pabalik sa loob.
Namalagi sa kinatatayuan si Jax kaharap ang buhay pang kalsada. Naghanap ako ng nakaparadang sasakyan na nagpapahiwatig na pagmamay-ari niya. A white Navara pick-up caught my attention. That could be his.
"Hindi ka pa uuwi?" tawag pansin ko sa kanya. Ano bang inaabangan niyang makita sa kalsada? White lady?
I noticed the rhythm of his breathing changed. Lagpas regular ang bilis ng pagtataas -baba ng kanyang balikat. Sa ganoong estado siya dahan-dahang pumihit. His face is unreadable.
"I'm waiting for us to be alone. I want to talk to you about something."
Pinapaliit ako ng makapal na tensyon ngayong kami na lang dalawa, at lalo naman sa sinabi niya. Ano pa ba ang pag-uusapan namin? I thought yesterday was the end of everything? It wasn't what I want but it was what I expected.
Habang tinutungo ang isa sa mga rooms ay nilulusob ako ng takot na baka ito na ang huli. Baka ito na ang huling paalam niya sa akin at sabihing wala na. Wala na akong magagawa kahit anong pagpursige ang gawin ko.
I clamped down that out of nowhere fear through breathing as deeply as I could manage. Niyakap ko ang aking katawan upang damayan ang sarili sa nagbabadyang wakas. Sinusuntok ng isa kong kamao ang kaliwang dibdib upang pakalmahin ang gumagasgas na pintig doon.
Pumasok ako sa wide room at muli sanang bubuhayin ang ilaw. Pinigilan ako ng kamay ni Jaxon bago pa ito mangyari. Dikit ang kanyang harap sa likod ko.
"I could still take what you did to me, but it's beyond me on what you did to yourself," bulong niya.
Sumabit ang hininga sa aking lalamunan. Hinarap ko siya at itatanong na sana ang ibig niyan ipagkahulugan.
Kahit nakikihati lang ang kwarto ng ilaw sa labas, masyadong malubha ang ekspresyon ni Jaxon upang masilaw ako. Kailangan ko pang dungawin ang tiyan niya para kumpiramahin kung may nakabaon ba roong kortapluma dahil sa nakarehistrong sakit sa kanyang mukha.
He looked like he's being tortured through burning him alive. Nagbukas sara ang bibig ko ngunit tanging singhap ang tumakas.
Nangatal ang ibabang labi niya habang umiiling. Kinuwadro ng isang kamay niya ang aking pisngi. Sumunod ang isa na galing sa pagpigil sa kamay ko.
"Bakit, Vin? Why did you try ending your life...?"
Nagtagal ang mga mata ko sa kanya bago bumaling sa ibang dako. No, he didn't! He shouldn't!
"Kung iyan ang dahilan kung bakit ka narito. It's done, Jaxon. Buhay ako. Don't guilt yourself over my unsound decision."
Umiling siya, halata sa mukha ang determinadong pagtanggi.
"I can't lose you again, Vin. This is why! I can't lose you again!" he shouted desperately tailed by a choking sob.
Pumikit ako nang binagsak niya ang noo sa aking noo. Ramdam ko ang basa niyang pisngi sa hinalong luha at pawis. Nangapos ako ng hangin sa init ng sakit at sa barado kong ilong.
"I flew back to Cebu yesterday. Ramdam kong may hindi pa sinasabi si Charlie. At may kung ano sa sinabi mo kahapon na kinutuban ako. I went to him." He shook his head as if he's battling against his mind. He took a trembling breath. Humigpit ang mga kamay niya sa mukha ko. "Imagine my pain after hearing what he told me. I got to owe it to that man big time."
Bumaba ang hawak niya sa aking baywang at yumakap. He squeezed me like a lifeline. Like tonight is the last night of our lives.
Suminghot siya at masuyong hinalikan ang aking pisngi. The kiss left a wet vestige on my skin. Hindi ako makagalaw. Isang subok ko ay tila titiklop ako sa harap niya.
"Vin, hinigaan ko pa ang kamang pinaghihimlayan pala ng walang buhay mong katawan. I didn't know! I can't afford to lose you that way, Vin. Bakit mo ginawa iyon? Bakit?" gigil niyang tanong at sinuntok ang pader sa gilid ng aking ulo. Napaigik ako sa gulat at kumapit sa kanyang braso. "Paano kung wala si Charlie? Paano na, Davina?"
Binaon niya ang kanyang mukha sa aking buhok at doon sumuko sa paghagulhol. Namamanhid ang mga kamay kong yumakap sa kanya at hinaplos ang kanyang likod.
I couldn't sob over that fact anymore. I was done with that phase. Ngunit piniga ang puso at mga mata ko na nagpakusa sa mga luhang bumagsak sa narinig na sakit sa mga iyak niyang bumalot sa buong paligid.
It's like he was there and saw my mother being shot. It's like he's at the front seat watching me had a flat line. Tila siya ang pumasan sa lahat ng sakit na dinaramdam ko noon.
Tumingala ako at tinukod ang ulo sa pader na nakabakod sa aking likod. Jaxon's face descended and nuzzled in my neck. His sobs calmed down just a little. Pinagpapawisan ako sa init na dala ng kanyang katawan at mainit na mga luha.
Umakyat ang isang kamay ko at sinusuklay ang kanyang buhok ng aking mga daliri.
"Galit ka sa akin noon, Jax. Kaya hindi ko na inasahan pang bumalik ka. After my mother's death, the world didn't give me any other choice but to give up."
Pasinghap niyang inalis ang mukha sa aking leeg at dinungaw ako. Pinunasan ko ang basa niyang pisngi at ilalim ng mga mata niyang puno ng pangungumbinse.
"You still have me, Vin. Bakit hindi mo naisip iyon?"
Nagbaba ako ng tingin nang binalik ako sa araw sa ospital. That barely draw a wound on me, ngunit ang isipin na kung nakita ako ni Jaxon, kung naunahan ko lang sina Denver at ang mama niya, maybe...Well, just maybe...
Nilunok ko ang alat sa aking lalamunan.
"Pumunta ako ng ospital nang malaman kong wala na si lola." Dinama ko ang hapdi sa labi ko at suminghot. "Nakasalubong ko si Denver at sinabi ang nangyari sa 'yo. Pinagbabawalan ako ng mama mo na makita ka. Even Denver loathed me that day..."
Duda ako kung paano ang pakikitungo namin sa isa't isa sa oras na magkita ulit kami. Lalo na ng mommy ni Jax. Wala akong maisip na aasahan sa pagtatagpo.
Kinuha ni Jax ang mga kamay ko at dinala sa labi niya. "Sorry," bulong niya rito. "I'm sorry..."
Umiling ako at nasira ang mukha sa pagpigil ng hikbi. Binawi ko ang aking mga kamay at lumuhod ako sa harap niya. Tumakas ang hindi makapaniwala niyang tinig nang sinambit ang aking pangalan.
"Patawarin mo ako, Jaxon..." Kasunod ang kusang pagpatak ng luha ko sa sapatos niya.
Asking for an absolution shouldn't be taken for granted. It entails your pride and admittance of wrongdoings. Yet I, never in my whole life, could imagine that it is this emotional. Kaya hindi ko mapigilan ang maluha.
Forgiveness is the deal breaker. Forgive, and his walls would break. O mananatili itong nakatayo at maiiwan ako sa kabilang panig.
Jaxon knelt in one knee, the other stayed bended. Kinulong niya ako sa pagitan niyon kasabay ang paghawla ng mukha ko sa magaspang at mainit niyang mga kamay.
"How can I forgive you if I have never even blamed you for anything?"
Nilamon ako ng hikbi sa sinabi niya. Sinubukan kong takpan ang aking mukha ngunit pilit niya akong pinapatingin sa kanya.
He smiled, but I don't know what for. A single tear sparked and fell from his left eye. Agad sumunod ang patak galing sa kanang mata.
"How can I forgive you if I never even thought, not even for a second bit, that what you did to me was wrong? Sinaktan mo ako, but don't we all hurt? You said it yourself...at dinala ko ang paniniwalang iyon mula sa 'yo."
Tumatango ako habang patuloy ang agos ng tubig sa aking mga mata. I have thought it all wrong and I believe him. Kinain ko ang kakarampot na espasyong namagitan at kinulong ang leeg niya sa mga braso ko.
"You know what I'm angry about? You with another man. The years wasted for us. Iyong ibang lalake ang nakinabang sa kung anong meron sa atin noon. The could have and should have beens for us. Another man carried on the legacy of what I had for you. Of what I still have for you, Vin."
Humigit ang braso ko sa leeg niya sa pagpiyok ng kanyang boses. My erratic hearbeat ignited the cage of my chest as I waited for his next words. Nag-aabang. Nagaantabay. Hindi mapakali. We're being warned on what's ahead by our audible inhales and warm exhales and our heartbeats.
"I'm still in love with you, Davina. Bare-souled, unadulterated, and stone-cold in love..."
Yumanig ang aking balikat at binaon ang mukha sa kanyang leeg. Ang malakas kong hagulhol ay pinagbabawalan akong magsalita. Mahigpit akong kumapit kay Jaxon sa pakiramdam na hinihila ako ng kawalan.
"Anger is the only ticket I know to moving on from you. Umarte akong galit, baka kasi paniwalaan ng puso ko na galit talaga ito sa 'yo. But who am I kidding, right? You can still wrap me around your fingers. You can still have me bending on my knees. You're looking at me with your enchanting doe-eyes as if you still need me. Pinapahina pa rin ako ng mga ngiti at iyak mo. Tell me, Davina, How am I supposed to move on from that?"
Wala akong masabi. And I don't want to speak. I just want to inhale his words and wrap them in my heart. Dumulas ang basa kong braso kaya hinigpitan ko ito sa leeg ni Jax. I held my hands together at his nape to secure my hold on him.
Niyakap niya ang aking baywang at dinala ako sa pag-upo niya sa gilid ng pader. Patagilid niya akong inupo sa kanyang kandungan. Nagpaubaya ako sa pagpulupot niya ng mga kamay ko sa kanyang torso. He kissed my hair after gently laying my head against his chest. Nakakabingi ang lakas at bilis ng tibok ng puso niya roon.
"You know that I feed on your need, Vin. At sa akin ang pangangailangan mo. Iparamdam mo sa akin na ako lang ang nagmamay-ari nito. Ibigay mo sa akin ang sakit na naramdaman mo sa mga panahong wala ako sa tabi mo."
Hindi ko na kailangang pilitin ang sarili na sundin siya. Nagkusa ang mga mata kong sinunod si Jaxon. Sakit man ang inaasahang dahilan ng iyak, ngunit sa pagkakataong ito, alam ko na dahil hindi na kami magkakahiwalay.
We are here for good. Finally.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro