Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTY ONE

I would have been eminently thrilled to dine with the sexiest man alive in one table.

I would have been. Kung hindi lang talim sa mga mata niya ang pinapakain niya sa akin imbes na ang pork steak ko. It's terrifying! Parang pinagbabawalan niya akong kumain. Ang magaspang na tingin ay nagpanais sa aking magtago sa ilalim ng mesa.

Sina Kelsey at Lionel lang ang nag-iingay sa table. I'm not bitter about it. In fact, I prefer it that way. Kesa naman harap-harapan kong makikita ang pagiging sweet ni Jaxon at Kelsey na ipinagpasalamat kong hindi nangyayari. Friends nga lang siguro sila. I hope it stops there.

Paminsan-minsan ay sumasagot si Jax kapag kinakausap siya ni Kelsey. Pansin ko ang pagiging tahimik niya. A far cry from how talkative he was way back. Ano kaya schedule niya sa pagbabalita? It's quarter to eight in the evening so marahil six o'clock. Wait, ilang oras ba ang news? Ito ang problema kapag hindi nanonood ng tv, e.

"Kamusta na pala si Margot? I missed your sister," ani Kelsey. May arte nitong isinubo ang meat sa fork. Her gestures remind me of Gwyneth.

Napaisip ako nang mabuti. Hindi ako mapalagay na friends lamang sila kung may pagkakatulad ang kilos nito sa ex niya. I don't think it's coincidence either. I'm happy that they're just friends pero hindi ako kumbinsido. I think there's more to this whole friendship thing. O baka nago-overthink na naman ako. But overthinking could lead me to the possibilities.

"She's doing great in New York. She found her best friend." Ngiti akong nilingon ni Lionel.

"Wow, really?" mangha akong tinignan ni Kelsey. "You seem to be a silent type and Margot is so bold and extroverted."

"Silent type? Si Davina? Nah..." Umiling si Lionel. "Muntik na kaming makulong sa New York dahil sa kanya."

"Oh, tell me more!" parang batang usal ni Kelsey na naghihintay sa mga susunod na kaganapan.

"Lionel," mahina kong sita. Pinisil ko siya sa braso.

Humalakhak siya. "We were drunk..."

Pinatid ko siya sa paa.

"Aw!" Inabot niya ang kanyang paa. Nahalata kong nasaktan siya sa ginawa ko ngunit nasamahan pa rin niya ng tawa ang pagdama sa sakit. Pinandilatan ko siya na mas lalo pa niyang ikinatuwa.

"We want to hear it, Lionel." Buo at malinaw ang boses ni Jaxon.

Namilog ang mga mata ko sa kanya. Seryoso nitong hinihiwa ang steak, binaba rin pagkatapos ang spoon at pinagkainteresan ang mashed potato.

Bakit bigla siya naging interesado? But his expression told me otherwise. Does he really want to hear it? O naghahanap lang ba siya ng karagdagang panggatong sa poot niya sa akin?

"It was actually Margot's birthday," Lionel started. "At kung magsama ang dalawng 'to, spell trouble."

Humagikhik si Kelsey.

"But she's not allowed to drink beer—"

"Oh, why?" Halata ang kuryosidad sa mukha at tono ni Kelsey. Sandaling nanatili ang tingin niya sa akin upang kumpirmahin ito. I didn't answer despite the question written on her face.

They all looked at me. Lionel's expression is in between an apology for letting it slip and asking for my permission to tell them the reason why. Hindi ako pumayag. Not infront of Jaxon.

Dinaplisan ko siya ng sulyap. Wala ang mga mata niya sa gawi ko subalit nahuhulaan kong nasa akin ang pandinig niya. Kinunutan niya ng noo ang baso ng lemonade na para bang ang laki ng kasalanan nito sa kanya.

Balewala akong kumumpas. "Nakalimutan ko na, e." What a lame excuse. "Ituloy mo na."

Umali-aligid pa ang mga mata ni Lionel sa mukha ko. Ngumiti ako at doon pa lang niya hinarap ang dalawa.

"So, Davina is the only one who's sobriety is intact. What she made us do almost sent us to jail. Mabuti na lang walang mabagal tumakbo sa amin."

"Enough with the thrill, tell us!" maligayang pamimilit ni Kelsey.

Mahinang tumawa si Lionel bago nagpatuloy. "She made us shoplift in a convenience store. Eto kaming mga lasing, sinunod naman ang reyna. Nawala ang kalasingan namin nang hinabol na kami ng store owner. We were hiding in the corner and the NYPD were searching for us."

Hindi kailanman nagsara ang bibig ni Kelsey habang nagsasalita si Lionel. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"How in the world...paanong hindi kayo nahuli?"

Lionel sipped at the straw of his drink then put his glass down. "Davina claimed she saw us. Pero maling daan naman ang tinuro. Nasa gilid lang kami. The thrill almost made us lose our minds! Kahit mga pulis nalinlang niya!"

Tinatakpan ni Kelsey ang bibig nang ito'y tumawa. Umayos siya ng upo kalaunan upang ipagpatuloy ang pag-kain. Looking at her, I could tell that she's a dress kind of woman. Her brown eyebrows is a perfect art. Buttoned nose and rosy cupid's bow lips. Her ethereal make-up triggered a memory of me in my dark make-up days at kung gaano kalaki ang pagkakaiba namin.

She's not as slender as me. But her brown hair is a plain Jane. 'Di katulad ko, buhok ko pa lang, exotic na.

I looked at Jaxon. Pinaikot niya ang darili sa rim ng baso. Nakatusok ang dila niya sa loob ng kanyang pisngi at hindi nakaalpas sa akin ang pigil niyang ngiti. Umalog nang kaunti ang kanyang balikat.

He's fighting it. Come on, Jaxon. I know you find my shenanigans funny. Remember the days?

I find it weird to wonder about the whereabout of his suit. Ang kanyang crisp white button down ay hapit sa katawan lalo na sa chest part. The tautness of them were straining beneath.

Sleeves pushed up to his elbows exposing the strength of his forearms evident by the veins running along. The first two buttons were unfastened to reveal a V of his throat. Nakasabit pa rin doon ang eyeglasses. With that semi-wrinkled cloth, I could still make out the flat stomache underneath.

At iyon. Busog na ako. Sumandal nalang ako sa silya at ininom ang aking four seasons.

Dumami pa ang pumapasok na mga customers. Mostly foreigners. Regardless being a weeknight and not a weekend, puno ang lugar at halos wala nang paglalagyan sa mga paparating pa. The resto is not just a restaurant alone. Nagiging bar ito pagsapit ng alas diyez. Ito na ang pinaguusapan nila Kelsey at Lionel ngayon since she's acquainted with the owner of this resto slash bar. An actor, she said.

"This is Jaxon's favorite place, too! He likes to dine here. Kaya palagi kami rito kumakain."

She used 'kami'. Sino pang kasali sa 'kami' na iyan?

"This place has gained a fan," ani Lionel. "Kakasabi nga lang ni Vin kanina na gusto niya rin dito."

The food tastes really good kung may gana lang talaga ako. But I lose my appetite as soon as negative thoughts sank in my brain. And I'm sure I'm not alone in this ordeal. Panay lang ang inom ni Jaxon ng juice at hindi nabawasan ang steak niya.

I thought you like to dine here, Jaxon? Where did that like go?

"How did you two meet by the way? Friends lang ba talaga kayo? I heard rumors, Kels."

Thank you for asking that, Lionel. I owe you. God, I'm dying to hear it! But at the same time not.

Sumasakit na ang batok ko sa kakayuko. Kamay at mata ko lang yata ang gumagalaw. I'm about to have a stiff neck from avoiding Jaxon's gaze. Yet, I can't seem to stop staring at him. Ginagawa ko na siyang panghimagas.

I strained my ears, kahit katapat ko lang si Kelsey. Lionel on the other hand, ay ang tinis ng pagtama ng kubyertos sa plato ang ingay na ginagawa niya maliban sa tahimik na pagnguya.

Kelsey smiled at Jaxon na parang dati na itong naitanong sa kanila at uulitin na naman ang sagot.

Jaxon's returning smile is guarded. May pag-aalinlangan akong nakikita sa mga mata niya at takot.

"It was three years ago when he courted me."

Mistulang may sumabog sa tenga at dibdib ko. I'm desperate to expel every content of my stomach. Tuluyan na akong nawalan ng gana. I don't want to hear more. Nabibingi na rin ako sa panghihina.

"For real? What happened?" Walang pagkukulang ang pagiging interesado ni Lionel. I want him to stop asking! Tama na ang narinig ko!

Kelsey made a gesture on her hand. Tipid ang ginawa niyang pagsimsim sa inumin.

"I decided that we remain friends. If we choose to be together, oras ang magiging third party namin due to our hectic schedules. He's very in demand, you know."

"So are you, Kels." Mahina at mababa ang boses ni Jaxon.

Oh, so ngayon may palayaw siya sa kanya. And he sounded so sweet when he said it, huh? Pero kung tignan niya ako...

At hindi man lang siya makangiti sa akin! And he courted her! He courted Gwyneth! Ako? Wala akong naalalang niligawan niya ako! Well, if you could call sex as courtship, then...

What if wala ang oras upang maging third party nila? They could have been together by now. At hindi iyon kakayanin ng puso ko. Especially that Kelsey is within Jaxon's type and standard; Feminine, dress and heels kind of woman, mestiza, demure, sweet...everything that I am not!

Does he have an idea that she was the girl I used to be insecure with?

Sa pagkakalunod ko sa mga iniisip ay hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila.

"But a man and a woman don't remain friends for that matter. Jax, pare, you didn't pursue further? Hard to get lang talaga si Kelsey. It just needs a little push," Lionel chuckled.

Traydor ka, Lionel.

Minanduhan ko ang sariling hindi siya muling tadyakan. Naiistorbo ko hindi lang ang aming table dahil sa maingay kong pagsipsip sa straw. Napapatingin ang ilan sa ingay ko, so I stopped. Yuko kong binaba ang baso.

"Nah. I honor her wishes," ani Jaxon. I didn't look at him. "That's what friends are for."

Hinila noon ang aking atensyon. Muling nanayo ang balahibo ko nang magbangga ang aming paningin. His smile is a spine-shivering mix of sarcasm and amusement. Para bang exclusive lang sa akin pinapadala ang nakatagong mensahe sa sinabi niya.

Hindi ko ito dapat ikagalit. He's not provoking me. Pinapatunayan niya lang sa akin na wala na akong puwang sa buhay niya. Na may humalili nang iba sa kung saan ako dapat nakaupo ngayon. At iyon ay ang sa tabi niya.

"Are you okay, Davina? You're shaking."

Nilinga ko si Kelsey na curious ang mga matang nakatitig sa mga kamay ko. Hindi ko ito mamamalayan kung hindi niya napuna. The fork and the knife are also trembling under my grasp.

Napasinghap ako at agad inutusan ang sarling kumalma. But the reflexes are involuntary. The more I force it, lumalala lang ang panginginig. Not now, please. Not infront of him. Nakakahiya ako.

"Here, let me slice the steak for you, sweetheart." Binaba ni Lionel ang mga kubyertos niya at kinuha ang sa akin. Maginhawa akong sumandal at pinanood ang kanyang paghihiwa.

Sinuklay ng kamay ko ang aking buhok at pinaypayan ang sarili. Tipid kong ningitian si Kelsey na hinatiran ako ng concerned na ngiti. I didn't look at the man beside her.

Tinaas ko hanggang siko ang manggas ng sweater dress ko. Bakit ba kasi itim ang sinuot ko?Lalo tuloy uminit.

"Thank you," mahina kong usal kay Lionel. Nilinga niya ako at ningitian. Somehow, that warm smile was able to calm me down. Hindi tulad ng isa diyan na lamig ang hatid sa akin.

"Tss...sweetheart."

My eyes cut to Jaxon. Arogante niyang pinadaan ang dila sa kanyang ngipin habang nakatikom ang bibig.

"Yes, Mr. Montero?" may paghahamon kong tanong. "You're saying something?"

Kinuha niya ang table napkin mula sa kanyang lap at pinunasan ang bibig. Uminom siya ng juice bago ako nakuhang tignan.

"It's a sweet endearment, is all." That was almost a hiss.

Parang wala lang na binalikan ang pagkain na ngayon niya lang mababawasan. Inuna niya kasi ang mashed potato.

I just stared at him. Kahit naiinis ako ay hindi ko pa rin makuhang magalit sa kanya no matter how I willed myself to get mad at his hostility towards me. My love for him is greater than any other feelings.

Of course, love is a general thing. It will always be greater. Pero kahit partikular pa ang pagmamahal, magiging dakila pa rin ito sapat upang lunurin ang isang tao. Love is an ocean. You'll wait for someone to swim with you and survive with its storms and colossal waves. At kung maiiwan ka, wala kang masasandalan. You'll drown, unless you order yourself to be strong enough to survive.

Pinutol ang pagiisip ko ng isang malakas na bagsak ng kubyertos sa plato sapat upang lingunin ulit kami ng nasa kabilang mesa. Kami yata ang pinakaeskandalosong table.

"Sorry," mahinang usal ng paumanhin ni Jaxon na walang pakundangan at paghihirap niyang hiwain ang steak.

Mukhang ang tigas ng karne na naging dahilan ng pagti-tiim bagang niya. The corded muscles at his neck even strained in that effort. Mukha siyang naglalagari ng kahoy.

Tapos nang hiwain ni Lionel ang steak ko. I let out another thank you to him then took a bite of the meat. It's so tender, nagkakasundo sila ng ngipin ko sa lambot ng karne. But Jaxon seems to be having a hard time slicing it. Aabutin siya ng siyam siyam sa paghiwa niyan! Iba siguro ang nagluto ng karne niya.

"You're double-killing the meat, Jax," puna ni Kelsey, halos natawa.

Napangiwi at napaigtad ako sa panibagong pagsabog ng kubyertos sa plato. Ilang table yata ang tumigil sa ginagawa sa ingay na likha niya. Two servers including the manager almost approach us. Sinenyasan ko sila bago pa sila makalapit. Tumango ang babaeng manager ngunit may pag-aalinlangan pa rin.

Napanlakihan ng mata ni Kelsey si Jaxon sa gulat.

He didn't even mind the commotion he just made. Uminom lang siya ng juice, pinunasan ang bibig at tinapon ang table napkin sa plato, halos tumama sa steak. Tinukod niya ang braso sa table at bahagyang nagsalikop ang mga kamay. Muli niyang pinadaan ang dila sa kanyang ngipin as he's staring bullets at Lionel's head.

"You seem to care a lot about Ms. Claravel." His tone is clipped. Tumagilid ang ulo niya at nanliit ang mga mata. "Wanna tell us more about it?"

I don't think that question is meant for Lionel alone. Hinintay ko siyang lingahin ako ngunit nanatili ang mapangahas na mga mata niya sa katabi ko. To poor Lionel. Na walang kamalay-malay.

Nahimigan ko ang kagustuhan ni Lionel na lingunin ako ngunit pinigilan lang ng kahihiyan niya. Mahina siyang tumawa, at tila ayaw niyang pag-usapan. For the sake of conversation, he dishes out.

"I'm not ashamed to say that she rejected my offer."

"Aw...so you courted her, too?" Kelsey's sweet concern and curiosity is piercing my chest.

Lionel shrugged habang kalmadong naghihiwa sa steak. "Sort of. I guess she doesn't do courtship. Nagmakaawa na nga ako, e." He chuckled without sparing me a glance.

Jaxon smirked at me. Anong nakakatawa?

Lionel just probably exaggerated. O siguro pagmamakaawa na iyon para sa kanya at iba lang ang interpretasyon ko. It was last year on Valentine's Day when he knelt infront of me, a bouquet of roses on hand. It was his profession of feelings.

Patuloy siya sa pagsuyo. Hindi ko talaga mamanduhan ang sarili kong umibig ng iba. I could never imagine his reaction once he finds out na kaharap niya lang ang dahilan ng pagtanggi ko sa kanya.

Pumalatak si Kelsey. May panghihinayang na kaakibat sa pagbubuntong hininga niya. Her sweet secnted perfume radiated towards my direction as she moved.

"Men like you and Jaxon, kayo ang dapat hindi pinapakawalan. But girls like us, Davina..." Umiling siya sa akin. "Good men are being served right infront of us at inaayawan pa natin! The irony of it all!" Iling siyang nagbalik sa kanyang pagkain.

At least I have my righteous reason to do it. It may not be rational for other people, ngunit iyon lang ang naisip kong paraan noon. I wasn't in my proper state of mind. I wasn't mentally healthy.

Hindi nila ako maiintindihan. I could hear voices telling me na may ibang paraan. Without having to hurt him that way. Without having to make him beg and rip his soul in front of me.

But I am not other people. Magkaiba tayo ng pamamaraan at diskarte kung paano gawin ang mga bagay. At sa bawat pagkakaiba na iyon, doon din nagkakaiba ang mga kapalaran natin. Kung ibang tao ako, at iba ang ginawa ko, hindi ako hahantong sa sitwasyon na ito. That's how people differ. No one has the same story to tell as the other. We can question each other's life choices, but we can't change how they have turned to be.

"Jaxon begged to you?" nalilitong tanong ni Lionel.

Humagikhik si Kelsey ngunit nauwi rin sa simpatiya pagkabaling kay Jaxon.

"No. But he begged to a girl before." Tuluyan siyang tumawa nang tinaliman siya nito ng tingin. She gently tapped his back. "Don't hate me. Hindi ko ito sinasabi upang ipahiya ka. That's being a man, Jax. Hindi malimit ang mga lalakeng katulad mo."

Bumagsak ang kutsara sa plato. Nilamon ng init ang buo kong mukha at likod.

What the—? So they tell each other secrets now? Men don't usually share their weakness and drama but he was able to share it to her!

Sa napapansin ko, mukhang gagawin ni Jaxon lahat para sa kanya. He didn't even object to everything she says kahit ikapapahiya pa niya ito. Higanteng kamao ang bumutas sa dibdib ko't kinuyumos ang malambot kong puso. Acid and knots formed in the pit of my stomach.

Tumikhim si Jaxon. I could feel his movements at the opposite side of the table. Nanatili ang mga mata ko sa dahon na katabi ng steak.

"That was before, Kels," malamig niyang wika. "I was stupid enough to do that. But let's not talk about that anymore. It's not that important to be discussed anyway."

Nilihim ko ang aking pagsinghap. Tila ginasgasan ang daluyan ko ng hangin nang huminga ako. I could feel the rise of puke in my throat. Nanuyo ang bibig ko. Humahapdi ang aking lalamunan. Hindi ko sila matignan.

"Hmm...sigurado ka?" patuyang ani Kelsey. "Paano pala kapag magkita kayo ulit?"

Oh, great.

Hinila ko na ang plato ko palayo at pabagsak na sumandal sa backrest. This is a trap!

Hinihingal ako sa pagaantabay sa sasabihin ni Jaxon. And I almost went off the deep end by what he said next.

"I don't recycle a damaged good."

Mariin, pino at buo.

My breath hitched. Kumikislap ang dulo ng talim na sinaksak sa dibdib ko. He sliced it all the way to my hollowed stomach. Ibinaling ko na sa kabilang table ang paningin dahil hindi ko na siya kayang tignan. Kirot sa puso is an understatement. Hell! I was floored!

The guilt-trip is making me dizzy. Kinurap ko ang butil ng luhang sumilip sa bintana ng aking mga mata. Kinumbinse ko ang sarili na ang kandila ang dahilan ng pamumuo ng luha ko. But who am I kidding?

"Are you okay, Vinnie?"

Tinaliman ko ng tingin si Lionel. Isang tao lang ang gusto kong tumawag sa akin niyan. And he is in front of him murdering me with his samurai-sharp stare! Wala na akong mata kung nakakahiwa lang ang tingin.

Tinignan ko ang kamay kong hawak ang baso, gumagalaw ang lamang nitong juice sa lantarang panginginig ulit ng kamay ko. I could even barely get my own food! Kailangan ko na yatang ipa-check-up ang motor functions ko. I fear having Parkinson's disease.

"Are you really okay, Davina?" Hindi na naitago ni Kelsey ang labis na pag-aalala.

And goddamn it I hate how good she is! I hate how good she is for Jaxon! I hate how sweet she is! I hate how she's everything that I'm not!

Umambag lang ang pinagiisip ko sa aking pangangatog. Nahihiya na ako sa pinapakita ko. Pero hindi ko naman kasi ito makontrol. I am trembling and sweating! Gusto ko ring sumuka.

"Matutulungan mo ba akong hanapin ang pasensya ko? Pinagtataguan ako, e." ani ko kay Lionel.

He recoiled. Litong-lito ang mukha niya. "What are you saying, Davina?"

Mariin akong pumikit. God! Now I looked paranoid. Hindi ko alam ang pinagsasabi ko. I couldn't keep this emotions for too long. Mababaliw na ako kapag hindi pa ako aalis dito. Binibingi na ako ng pag-uumapaw na emosiyon.

"Can I go to the restroom and take a leak?" Baka kasi nandoon ang pasenysa ko. I can't seem to find it. Damn!

Papatango pa lang si Lionel ay tumayo na ako. Muntik pa akong matumba nang makaisang hakbang nang tumiklop ang aking tuhod. I could feel Lionel stood up to help me ngunit minadali kong ibalanse ang sarili at mabilis nagmartsa habang hinahanp ang restroom. I found it right away near the brickwall.

Sumugod ako sa sink nang makapasok. Naiiyak ako sa galit! Not for Jaxon but for everything! Lumukot ang mukha ko sa nagbabadyang iyak. Mariin kong kinagat ang labi at sinuntok ang repleksyon ko sa salamin ng ilang beses hanggang sa mawalan ako ng lakas.

Tinukod ko ang mga kamay sa gilid ng sink at namahinga saglit, dinadama ang gradwal na paglagas ng galit at pagod. Dapat hindi ako magtagal dito at baka kung ano pang iisipin nila. Ilang sandali ang aking pinadaan saka ko binuksan ang bag ko. I poured everything. I'm looking for the pills like lifeline.

Halos atakihin ako sa puso nang bumukas ang pinto. I felt trapped meeting Jaxon's hard stare as he walked in. Lagitik ng lock ang nagpausbong sa kaba ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang takot na bumubugkos sa akin.

Ninakaw ang aking atensyon ng mantsa sa kanyang white button down. Humiwa ang pagtataka ko sa kabila ng kaba. The stain is from the steak sauce. Nangangamoy pa iyon at humalo sa pabango niya. Paano niya nakuha iyan?

I jumped upon realizing that he's already right infront of me. Isang hakbang at mayayakap ko na siya. Ngunit hindi na siya dumagdag kahit kalahating pag-abante. Although, I could feel the heat of his body. I'm sure anger and frustration are responsible for that. Nothing else.

Napatalon ako nang bigla niyang hinablot mula sa aking kamay ang dilaw na bote ng anti-anxiety pills. Nagmukhang tanga ang mga kamay ko sa ere sa pagkakawalay nila sa bote.

Sobrang lalim ng pagkukunot-noo ni Jaxon habang iniikot ang hawak at hinahanap ang dapat basahin. Umakyat ang tingin ko sa dibdib niya, na habang lantaran ang pagtataas baba nito sa bawat paghinga ay nararamdaman kong para rin akong inuugoy nito. Like I was lying on top of him, trying to hear the fast beating of his heart.

"Ano 'to?" May dahas sa kanyang tono. I shivered.

Tinignan ko ang inaangat niyang bote bago bumalik sa mukha niya. "Ano bang nabasa mo?"

His jaw flexed. Namilog ang mga mata ko nang gigil niyang kinuyumos ang bote at pinapakita pa niya sa akin kung paano niya ito sirain. His knuckles turned rose white. Inabot ko ang hawak niya ngunit mas nilayo niya lang ito. Walang silbi ang katangkaran ko! Mas matangkad pa rin siya! I never thought I could feel so small at being 5'10.

"Akin na iyan—"

"You're about to have a panic attack back there!" sigaw niya na nagpahinto sa akin.

Natigilan ako nang matitigan ang pinagtambal na taranta at galit sa namimilog niyang mga mata. Kapwa kami hinihingal, marahil sa tensyon. Wala sa inaasahan namin pareho na sa ganito kami mahahantong.

Binaba niya ang kamay sabay bagsak ng nangulubot nang bote. The pills spilled like worthless and useless items. Agad akong yumuko upang kunin iyon at ibalik sa dati ngunit pinigilan ako ni Jaxon sa paghawak niya sa magkabila kong braso at marahang tinulak palayo.

Napapakit ako nang maramdaman ang hawak niya. Hindi ko alam kung ano ang nakita niyang ekspresyon sa mga mata ko na mabilis niyang ibinalik ang matalim na tingin. Yet I was not hallucinating. Namungay ang mga mata niya ng ilang sandali. I'm sure of it! Naging panggatong iyon sa apoy ng pag-asa ko.

"Are you okay?" mahina niyang tanong. May nahimigan akong inhibisyon, parang labag sa kanya ang ginagawa. If he's mad at me, bakit pa siya nag-effort magpakita ng malasakit kung ganon?

"Yes."

Binaba na niya ang mga kamay at binaon sa bulsa ng kanyang slacks. Natutukso akong kunin iyon at ibalik sa pagkakahawak sa braso ko.

"Are you sure that you're okay?"

Kinagat ko ang aking labi at pumikit. Nagawa pa ring tumakas ng luha sa kabila nito. Tumango ako at ibinulong ang aking sagot.

I stared at his shoes, then at my wasted pill bottle. Palala nang palala ang arangkada ng puso ko sa antisipasyon sa susunod niyang itatanong.

His shoes shifted. Humakbang ito ng isang beses paatras. The wave of my anticipation remained at the same level.

"If my presence bothers you so much, then hindi ako magpapakita sa 'yo. Just spare this day. I don't want to disappoint Kelsey. She seems fond of you."

Bumagsak lahat ng inaasahan kong umangat. Hindi niya ako tinanong ng tatlong beses. You're supposed to ask me if I'm okay three times, Jaxon! Three times!

Gusto kong isigaw iyon sa kanya! But my want and my body control lacked the team work.

Tinagilid ko ang ulo ko upang itago sa kanya ang pagtakas muli ng tubig. I deserved this. Ako naman ang tinulak siya palayo noon kaya hindi ko siya masisi ngayon.

"You don't bother me...maybe I was the one bothering you."

Bago pa muling may makapagsalita sa amin ay may malakas na kumatok sa pinto. Murmuring voices at the back of that door took over. Narinig ko rin ang pagmamando ng manager na kunin ang susi.

Hindi na ako muling tinignan ni Jaxon bago siya pumihit at tinalikuran ako. Sandali siyang umupo upang kunin ang sinadya niyang tinapon na pill bottle. He opened one of the empty cubicles, pour the pills, at wala siyang itinira miski isa! He shoots the bottle in the trash can before flushing the toilet bowl.

"Hindi mo iyon kailangan." Tahimik niyang sabi saka siya nagmartsa palayo.

Rinig ko ang pagsinghap ng mga nag-aabang sa likod ng pinto nang makita siyang lumabas. Either shocked that he came from a ladies room, or startstrucked because he's a public figure.

I feel empty handed. Mananatili pa sana kong nasa ganoong posisyon kung hindi lang naistorbo sa mga gumagamit ng cr. Binalik ko na ang mga gamit sa bag. Magtataka sila sa depressed kong kaayusan kaya nagre-apply ako ng lipstick at kaunting make-up.

Habang ginagawa iyon ay punong-puno ng mga tanong at pagtataka ang umuukopa sa utak ko. Jaxon's animosity towards me is not a secret, but I still find hope in what he just did a while ago. Kinulangan man ako sa ginawa niya dahil hindi na ito tulad ng dati, that still speaks for something, right?

Nakasalubong ko si Lionel nang pabalik na ako sa table. Paumanhin siyang ngumiti sabay pakita ng cellphone niya.

"A sudden text came up from mom. She wants to Skype. At alam mo naman kung paano mabilis magtampo si mama. Marge and I couldn't get to resist it. Is it okay if I leave you with them? Okay ka na ba?"

Natilihan ako sa sinabi niya. Iiwan niya ako kasama ang dalawang iyon? No way!

"Pwedeng umuwi na lang din ako?" umaasa kong tanong.

Lionel chuckled and held my arm with affection. "Vin, Kelsey doesn't have that much friends and she would be deeply upset kung iiwan natin sila."

Tinitigan ko lang siya. So what if she would be deeply upset? Remembering what Jaxon said, he doesn't want to disappoint Kelsey, too. Ano bang meron sa kanya at labis ang concern nilang hindi siya ma-disappoint? What is so special about her?

From the first place ay dapat kami lang naman talagang dalawa ang kakain at sila Kelsey and Jaxon are in a separate table kung hindi lang sila nagkita ni Lionel. Kaya walang magiging kaso kung iiwan ko sila!

Ngunit wala na akong nagawa nang hinatid ako ni Lionel pabalik sa table saka siya nagpaalam sa dalawa. Iyon lang, iniwanan niya ako ng inorder niyang dessert kaya ito ang ka-bonding ko habang nag-uusap ang dalawa sa tapat. I just listened to them. Mukhang seryoso, e.

"It's in my absolute wonder and amazement why you passed up the offer of being a news director," ani Kelsey. She's not yet done with her steak. Kalahati lang din ang nabawas sa juice niya.

"I'm barely old, Kels. I need at least a decade of experience or two."

"Is five years in the industry not enough? You can have at least three years as a qualification and given your extensive experience in journalism, you're a perfect candidate, Jaxon." Kelsey giggled. "Ayaw mo, you'd be the youngest News director to date. You sure is going to make history."

At tuluyan na kitang hindi mapapantayan diyan, Jaxon.

Kita ko ang paglapag niya sa wala nang laman na baso. I still wonder how he got the stain on his button down. Ang puti pa naman nito.

"I didn't sign up for that recognition, Kels. Pero kung sa tingin ko'y sapat na ang itinagal ko sa industriya, I will most likely accept it."

"Isn't he something?" Nag-angat ako sa pakiramdam na ako ang kausap ni Kelsey. I met her eyes at ngumiti ako. Seeing my regard, binalikan niya si Jaxon. "Then you can kick Vidal's ass off that director chair."

Nagtawanan sila. How lovely. Ano ba ako rito, multo? This is your fault, Lionel!

"You're the best, Kelsey. But stop praising me, I'm not a God."

She's the best. I used to be the best for you. Para bang ipinagmamayabang niya sa akin na hindi na niya ako kailangan. Na may gumagawa na ng mga bagay na ginawa ko noon. Tulad ng pagmamalaki ko sa kanya. I used to be in that position where I idolize him.

Pabirong siniko ni Kelsey si Jaxon. "That's what friends are for."

"Best friends." Jaxon corrected, at sa akin siya nakatingin nang sinabi iyon.

Best friends, huh?

And that's it. Ako ang unang nag-iwas sa titigan namin. Tumayo na ako bago pa ako maglupasay sa kakaiyak sa harap nila. I pull every ounce of composure to regroup myself. Nanginig ang bibig ko pati ang aking pisngi sa pagpasta ko ng palsipikadong ngiti.

"I have to go. Maaga pa ako bukas." Inayos ko ang strap ng bag sa aking balikat.

Tumalbog ang buhok ni Kelsey nang nilingon si Jaxon. "I think we should go, too. Dayshift ka bukas right?"

"Nah. Interview lang with a politician. Ten o'clock."

Hindi nagtagal at napagkasunduan nilang umuwi na rin. Oh God! Kailangan ba talaga naming magsabay? So kung hindi ko sinabing aalis na ako ay hindi rin sila aalis, ganon?

I didn't wait for them at nauna na akong magmartsa palabas. Let them think I'm rude. I'm not in the mood to stay good for the rest of the night.

Dumiin ang kawalaang gana kong maging mabait nang biglang bumuhos ang ulan. Great! Tanging konsolasyon ko ay naka sweater dress ako kaya hindi ko masyadong ramdam ang lamig. And my knee-high socks are protecting my legs against the wet and cold weather, too.

"Vin, sumabay ka na sa amin!"

Kesey's voice sliced the noise of the pouring rain.

Napairap ako sa ere bago sila hinarap. Umiling ako sa kanya at hiniling na sana may bakanteng taxi. Ngayon ko pinagsisihan na hindi sinunod ang mungkahi ni papa na matutong mag-drive!

"Umuulan Vin, sabay ka na!" patuloy niyang pamimilit.

Oh, I'm sure ayaw ng BEST FRIEND mo, Kelsey.

Umiling ulit ako at tipid ngumiti. Kumunot ang noo niya sa pagtakwil ko sa anyaya niya. Si Jaxon sa kanyang tabi ay seryoso lang na nakatitig sa akin habang pinapayungan silang dalawa.

Hah! Painggit kang may payong kayo! E 'di kayo na ang may payong!

Sinipat ko siya saka ako tumalikod. Kung sasabay man ako sa kanila, paniguradong sa backseat lang din ako. The thought made me more bitter.

Nabasa na ako. Kumulog pa na siyang pinakaayaw ko kaya medyo tumili ako at tinakpan ang aking tenga. Mas maraming tao rito kesa sa kabila, marami kaming mag-aagawan ng taxi rito kaya mabilis akong tumawid.

At dahil sa kagustuhan kong makalayo agad ay nawala sa isip ko ang pag-iingat. Nagimbal ako at natilihan sa isang malakas na busina galing sa matulin na takbo ng kotse.

"Vin!"

Hindi ko makontrol ang sarili. I couldn't move. Nasilaw ako sa headlights. Wala akong maramdaman maliban sa lamig at patak ng ulan sa aking mukha. I've been here before. I've been closed to death once. I seduced death myself kaya kung ano mang mangyayari sa akin ay manhid na ako.

Nagawa akong tamaan ng kotse sa tagiliran. Tumili ang gulong nito nang biglang huminto. Hindi ko alam kung saan ako mas nabibingi. Sa lakas ng buhos ng ulan, sa isang malakas na sigaw galing sa kung saan at sa sakit na iniinda ko sa aking tagiliran.

Ilang hakbang ang inatras ko sa impact ng pagkakatama. Bago pa ako bumagsak ay agad kong binalanse ang sarili at humakbang upang subukan ang kakayahan kong makapaglakad.

"Davina!"

Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang binatilyo. "Miss!"

I acknowledge neither of them. Paika-ika akong naglakad, nursing the pain at my side. Binilisan ko ang aking mga hakbang bago pa ako maabutan nang kahit sino sa kanila. I don't want any delays. All I want at this moment is to go home and lie in my bed.

"Davina!"

Nakatawid na ako sa kabilang sidewalk. Bumaligtad ang payong na hawak ni Jaxon kanina at naitsapuwera na sa gilid at halos masagasaan ito ng dumaan na trak. He's all wet now. Inis niyang sinabunot ang basang buhok sa kagustuhang makatawid. Sa dami pang dumadaang sasakyan ay hindi niya magawa.

He remained stuck at the other side of the road. Malabo ang mga imahe sa kabila dahil sa kapal ng buhos ng ulan. Mula rito ay rinig ko ang marahas na pagmumura ni Jaxon nang akma siyang tatawid ngunit napigilan sa biglang pagragasa ng motor.

I could see the surrender in his eyes. Bumagsak ang balikat niya. His wet bangs covered his whole forehead.

"Vinnie..."

Iyon ang nabasa ko sa bibig niya. Hindi ko marinig dahil sa ulan but I'm sure that's what he said.

Sumabay ang patak ng ulan sa pagbagsak ng luha ko. Ilang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan ay hindi siya gumagalaw sa kanyang pwesto. Nanatili ang tingin ko sa kanyang pagmamakaawang hintayin ko ang pagtawid niya. His wet clothes clung to his body. Naningkit ang mga mata niya sa pagtama ng ulan sa kanyang mukha.

The absence of passing cars gave him the all clear. Namilog ang mga mata niyang bumaling sa akin, his eyes are telling me to wait. Luminga siya sa kanan at kaliwa saka sinimulan ang pagtawid.

Ngunit sa paghinto ng taxi sa tapat ko, hindi ako nagdalawang isip na sumakay. Bago pa man ito nakatakbo ay pinakawalan ko na ang kanina ko pa pinipigilang hagulhol.

"Miss, okay lang po kayo?"

Mukha ba akong okay? I'm crying dammit! Why do people ask this dumb question all the time?

Suminghot ako at sinabi ang address ng craft shop. Wala na akong pakialam kung pinapanood ako ni manong. Inabutan niya ako ng tissue box. Kumuha ako ng ilang piraso at mas umiyak pa.

Ginapang ko agad ang kama at humiga in fetal position. Basing-basa ang kama ko sa aking kalagayan. I could have died again. I thought I'm okay but after all these years, I'm not. Maybe ending my unfinished business with Jaxon would be the deal breaker. Baka pagkatapos nun pwede na akong mawala. Wala na akong aalahanin pa.

Mabilis akong nakatulog sa gabing iyon na walang ibang inisip kung 'di ang imahe niya sa ilalim ng ulan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro