FIFTY NINE
Kulang ang gulat upang ilarawan ang reaksyon naming tatlo.
Bumulabog ang musika bilang pagsisimula ng trade launch ngunit ang matinding pagkabog sa dibdib ko ay hindi na dahil doon. My eyes bounced to Jax and to the man he called 'dad', trying to find the resemblance.
Their eyes. Soft brown. The tenderness. I knew that Mr. Vernon reminds me of someone. Palagi ko lang itinatanggi ito noon. Now that the revelation has caged me in, I couldn't escape from it.
Kinaladkad ni Jax ang paningin sa mukha ko galing sa kanyang ama. The confusion and brewing angst in his expression is not a good kind of concoction. Kahit alam kong wala akong kasalanan ay mapagpaumanhin na tingin ang ginanti ko sa kanya kalakip ang dumidikit na kabiglaan.
"I should let the two of you talk first," ani papa. Ako lang ang bumaling sa kanya. He looked at Jaxon who didn't spare him a glance. "Then we'll talk, Son, after your speech."
Jax still didn't give him any regard. Not even a nod. Gusto ko siyang pagalitan sa inasal niya ngunit ang matalim na tingin na sinasaksak niya sa akin ay nais magparamdam sa akin ng takot.
Halos hindi ko mangitian si papa bago niya kami hinayaan ni Jax na mapag-isa.
Buntong hininga akong sumandal sa pader at humalukiphip. What I'd just found out about Gwyneth hasn't even sank down outright. Then this?
Never thought I could have so much for tonight. Ni hindi pa nga kami nakapaghapunan.
Tinitignan ko ang lace boot-heels ko. My lame escape from Jaxon's penetrating stare that didn't only stop digging thoughts in my brain, but it has also stirred a reaction inside my chest, stomach and down to my knees.
Hindi ko alam kung sino sa amin ang unang magsasalita pero kailangan ba talagang may dapat mauna? Kung sino na lang sa amin ang may dapat sabihin at alam kong ako iyon.
Nilunok ko ang pait sa lalamunan ko. Kahit simpleng pagtikhim ay naiilang ako.
"I didn't know..." mahina kong wika.
"Let's not talk about it here," aniya sa mababang boses at saka siya tumalikod.
Without telling me what to do next, inisiyatiba ko na ang nagdikta sa aking sundan siya.
We passed by people who have their eyes busy on the stage. Nagtatanghal na roon ang mga young stars na may bagong show ngayong taon.
Right, along the noise of the music and the cheers, outside the ladies restroom is not a convenient place to talk about something private.
When I looked back at Jaxon ay ang layo na niya sa akin. Isang beses pa akong lumingon sa entablado upang tignan ang humalili sa kanya na mag-host. I quickened my pace.
Tumatama sa bawat sulok ang ingay ng heels ko sa tunog manipis na sahig pagkadaan sa hallway na may malalaking litrato ng mga artista sa puting pader.
Inirapan ko ang sakit sa paa sa pilit siyang mahabol. Jax's quick paces and wide strides are making me feel like I'm competing against a giant's walk! Kailangan ko pang hubarin ang sapatos ko para makalakad nang maayos!
Pumasok siya sa isa sa mga rooms at hinawakan ang pinto upang manatili itong bukas. He eyed the boot heels I hooked with my fingers as I passed by him.
Lalong kumunot ang noo niya nang makitang naka paa na lang ako. He locked the door.
Nilamon ng mga mata ko ang kuwartong pinasukan namin. It's a dressing room. Filled with dresses, of course. Siguro dito siya naghahanda bago siya sumalang sa harap ng camera.
"How come you didn't know? You've been with him in New York, Vin." Wala nang pang-aakusa roon.
Hinarap ko siya. Halukiphip siyang nakasandal sa pinto at seryoso akong tinitigan. His lips twitched at the sight of my bare feet.
I knew it right then the first time I met Papa that I should have asked. I clearly thought about the similarities yet I chose to overpass. It would be too much of a coincidence kung iyon man ang paniniwalaan ko. Assuming that possibility was like believing the dead could rise from their graves! It would seem unreal!
Now we're inside the truth that I was trying to dodge. I could barely wrap this in my head. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag sa kanya. He must have seen the shock wearing me when I heard him say 'dad', kaya huwag niya akong pahirapan dito dahil ngayon ko lang din nalaman!
Umiling ako, like that would be enough as an explanation. Talunan ang mukha ko siyang tinignan. The way he's looking at me is not helping me organize my thoughts.
"He's my benefactor, Jaxon."
Inasahan ko ang gulat niya ngunit hindi iyon nangyari. He just stared at me steadily. Parang may ibang bagay siyang iniisip at labas kabilang tenga lang ang pinahayag ko.
"Are you listening? Please don't look at me like that," mahinahon kong sermon.
Dumulas ang mga mata niya pababa sa dibdib ko, saglit iyong nanatili roon saka muling umakyat sa aking mukha. Frown still in place. He blinked several times.
"I'm listening..."
Tila pinasakan niya ng bagong baterya ang puso ko upang mag-react ito sa ginawa niya. It's hard not to take notice how he looked at my contoured cleavage. If only we're not in a serious situation...
"I didn't know, I swear." I sighed. "We don't...we just didn't talk about it. We didn't live together. He had rare visits, he never stayed. Well he did one time for a month, pero palagi siyang umaalis. Maliban sa pangalan ay ang tanging alam ko tungkol sa kanya ay may pamilya siya at magkaibigan sila ng totoo kong ama. My father saved him in an encounter in Mindanao."
Ama man ang turing ko sa kanya, alam kong labas na ako tungkol sa kanyang pamilya. Asking about them made me feel like I'm invading something private. Para sa akin ay wala akong karapatan dahil benefactor ko lang siya.
I'm content with what I knew from him and should not ask for more, much less about his private life. So I didn't bother dig deep.
He's just helping me. And one of the things I'd never deny is that he's the closest thing to a father I ever have.
"We share one surname, Davina. Unless hind iyon ang ginamit niya nang pinakilala niya ang sarili sa'yo."
Lumapit ako sa mesa na parte ng Hollywood vanity mirror at nilapag doon ang aking heeled boots. Natignan ko ang aking kaayusan sa salamin bago ko inangat ang sarili at umupo sa mesa. Maginhawa akong huminga sa pagkaraos sa pagod at pagpahinga ng aking mga paa.
"Alam ko. But I ignored the possibility when I saw him looking at this picture frame of a cute kid in a denim dungaree and red shirt. Hanggang balikat ang maitim na buhok. It was a girl..."
"It's not a girl! That was my four year old photo!" bulalas niya sa hindi makapaniwalang tinig.
Nagpaangat ito sa kanya mula sa pagkakasandal sa pinto. This, and the expression of his face just doubled the intensity of what he actually is feeling right now.
How the hell would I know, or be familiar with that photo at the least? Hindi ko nga nakita iyon sa bahay nila rati noong nagpunta ako. I even forgot his father's face, isa pang kontribusyon kung bakit hindi ko agad napagtanto ang pagkakahawig.
"Mukha kang babae kaya hindi ko naisip na ikaw iyon. Hindi pa pantay ang bangs mo."
Ngumuso ako at pinagmasdan ang nakalambitin kong mga paa. Namumula na ang gilid nito.
Kumalabog ang pinto nang muli siyang sumandal. Halakhakan sa labas at mga yapak ang nagpapatak ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. I started to worry about a sudden invasion of someone who would be using this room.
"I was scared of haircuts. Kaya hindi ako nagpapagupit noon...," aniya sa nakapagpapagunitang tinig.
Lumobo ang pisngi ko sa subok magpigil ng tawa.
"Don't laugh." Banta iyon.
Umiling ako. "I'm not laughing."
"You're about to."
Matigas ko siyang tinitigan upang ipakita sa kanya na hindi ko iyon gagawin. Ngunit sa huli ay sumuko ang mukha ko at bumulanghit. Mariin siyang pumikit at tumingala, igting ang panga niya nang binagsak ang ulo sa pinto.
"Sorry, hindi ko mapigilan!"
Hindi maitago ng mga kamay ko ang labis na katuwaan. Sino bang mag-aakala na may ganito palang klaseng takot? Malimit na kinatatakutan ng mga bata ay dentista at injection.
But Jaxon, a haircut?
The thought pulled the imagination of him crying over being chased by a barber with scissors. Sinubukan kong hindi palalain ang aking tawa. Hinila ko ang silya palapit sa akin upang mapagkapitan ko. Jaxon groaned in frustration.
Sinuot ko muli ang aking sapatos saka bumaba na sa tukador nang medyo makalma. Nakakulapol pa ang ngiti sa mukha ko habang nilalapitan siya. His unreadable gaze followed me until I reached him.
"Talk to your father, Jax. I may not know everything, but I know he has a lot of things to say to you. Just hear his side. He's a great man. Nagkulang lang siya, but he's a really great man."
Nanatili ang pagmamatigas sa kanyang tindig at mukha. Tila gawa na sa konkreto ang mga mata niyang nagdilim.
"For you, he is. Dahil sa iyo naman siya nagpaka-ama at hindi sa akin."
Sinubukan kong hind masaktan sa sinabi niya. Hindi ko lang alam kung para kanino.
'Di ko akalain na hanggang ngayon ay may puwang pa rin sa kanilang mag-ama. I actually understand his sentiment. Minsan ko na ring hinangad ang atensyon ng ama ko sa kabila ng pag-iisip na wala na siya.
Sa kaso ni Jaxon, his father is still alive and kicking. Very healthy. Their family still has a chance to be whole again. Saving their ties made me feel that I could also save mine. Kaya gagawin ko ang makakaya ko.
Hinawakan ko ang kanyang braso at inalis ang pagkaka-krus ng mga iyon. Dinala ko sila sa aking baywang. I felt him tensed as I close the distance. Hinawla ko ang maanggulo niyang mukha. His tough composure dissolved into tenderness.
"Just talk to him, okay?"
Tila may hinahanap pa siya sa mukha ko bago niya nakuhang tumango. I caved in to his embrace when he kissed the top of my head. Ilang sandali kaming nagtagal sa ganoong ayos bago namin naisipang bumalik sa event.
Hinatid ako ni Jax sa table saka siya bumalik sa entablado. Sinimulan nang pinakilala ang mga personalidad na nakatanggap ng parangal sa ibang bansa. Jax had his speech after. He makes eye contact to everyone at hindi man lang siya yumuko sa bawat pauses.
Nakatulala lang ako sa kanya na hindi ko namalayang tapos na pala siyang magsalita. He's already down the stage being congratulated by the VIP's.
I searched for his mother and found her also being greeted by the big people. A mother's pride for her only son is undeniable.
Sumisikip ang dibdib ko ngunit hindi sa negatibong paraan. This seems déjà vu to me. This barrage of feelings that is so familiar wrapped me like a hurricane. Lumipad ang kamay ko sa kaliwang bahagi at hinagod upang mabawasan ang kung ano mang pumupuno rito. I need more air.
Tumalikod ako at tinungo ang daan palabas ng station building, inalala kung saan kami dumaan kanina. I didn't make eye contact to anyone on my way out. I found a dark corner and willed my feet to bring me there.
Binagsak ko ang aking likod sa pader at pumikit, dinadama ang malamig na hangin at tiningala ang malinaw na kalangitan. It's a full moon tonight. Even with my long sleeves, the cold was being permitted to seep in my skin by my deep neckline.
Tinanggal ko tali sa aking buhok upang maisandal ko nang maayos ang aking ulo. Just when I'm about to slid my back down, footsteps wounded my peace and revealed a serious Jaxon.
Naging kulay blue ang mukha niya dahil sa blue Christmas lights na nakasabit sa palm tree sa tabi. Ngunit kahit ano naman siguro ang kulay ng mukha niya ay guwapo pa rin siya.
"Paano mo ako nahanap?"
He took a half step at patagilid na sumandal sa parehong pader. He's facing me. Kinuha niya ang kamay kong nakalawit sa gilid ng aking katawan.
"I followed you as soon as you went out." He squeezed my hand. "Something's wrong, Vin? Bakit ka lumabas?" The concern in his voice is a feel-good stab to my chest.
I pivoted to face him. Ang bakante kong kamay ay dinala ko sa kanyang pisngi. "I'm proud of you..."
He didn't react. I don't know what's brewing in his mind. Sa tingin ko ay binabasa niya ako.
Kumurap ang namumungay niyang mga mata.
"Something's wrong," malumanay niyang wika.
Ngiti akong umiling. Maybe I was just saving myself from a panic attack. I've never went through it but I had my episodes of almost succumbing into one. I prevented them through talking. Kaya sinabi ko ang nararamdaman ko.
"Hindi ko naman talaga hiniling na yumaman, Jax. Gusto ko simple lang. Enough to buy everything that I need, not what I want. Natutupad ko na sila ngayon. I can afford things that I need...but you. I can't still afford you Jaxon even after all these years..."
"You can have me without a price," magaan ang boses niyang sabi.
That's the problem. There's always a price to everything!
Nagsabay ang buntong hininga at malungkot kong ngiti.
"Magiging pantay lang yata tayo kung hubad tayo pareho. You, without the branded clothes. Me, without my cheap ones." Mahina akong natawa.
"Then let's get naked later." Naglalaro sa buo at bulong ang kanyang tinig. And what he just said stirred a spine-shivering sensation on my lower stomach.
As if he could read my mind and emotions, he squeezed my hand again.
Bumaba ang kamay ko sa leeg niya at pinaglaruan ang collar niya roon. Umiling ako.
"Kung ano man ang iniisip mo ay hindi iyan ang ibig kong sabihin."
"I know. And I didn't think about it—I mean, I do but...I know that's not what you mean. But I've been really thinking about it." Pinadulas niya ang hintuturo sa gitna ng dibdib ko na nahantad dahil sa aking damit. I gasped and shivered. I willed myself not to moan. Damn, Jaxon! "I'm celibate, you know."
Naalog na yata ang utak ko sa kaka-iling. Hindi pa nanlambot ang nanayo kong balahibo. Tinakpan ko ng tawa ang kung ano mang gumising na pakiramdam na hindi dapat nagigising sa ganitong oras at lugar!
"We're not talking about that here, Jaxon," marahan kong sermon.
Marahan siyang tumawa at akma akong hahalikan nang may mga yapak na kumaltas sa kanyang binabalak.
"Jaxon. In my office?"
The heat gathering in my face shamed the cold I felt a while ago. Hindi ako gumawa niisang kilos.
Pumihit si Jax at hinarap ang ama niya. Nagtago ako sa kanyang likod. Ako ang nahihiya kay papa. How long has he been there? How much has he heard of my conversation with his son?
"Is the program on-going yet?" tanong ni Jax.
"Yes. Your mom's there to stay until it finishes."
Sumilip ako mula sa balikat ni Jaxon. Now that I could see it, Mr. Vernon Montero reminds me not just of Jaxon but the entire Montero men. Nagbalik sa isip ko ang mga mukha nila habang tinitignan siya. I am sure there's one thing in common about them. I just couldn't point my finger on it. But I'm really sure there is. Or are.
If I were to have a son or a daughter, I would like them to inherit the Montero gene pool. All.Of.My.Children should.
Tinagpo niya ang paningin ko.
"Davina, ipahahatid kita kay Serge sa shop..."
"Sa condo ko siya uuwi," agap ni Jaxon.
Hinawakan ko siya sa braso upang awatin naman niya ang tono sa kanyang ama. Tumakip ang isang kamay niya sa akin.
Tinignan kaming dalawa ni pa— dad ni Jaxon. His eyes descended on our hands in Jax's arm, and right there I knew that he has concluded something about us. I think doon pa lang sa labas ng ladies restroom ay nakahahalata na siya.
Sa muli niyang pagkurap ay nanliit ang mga mata nito, tila inaadjust pa sa dilim ang nakikita. Gumalaw ang bibig nito upang magpigil ng ngiti. Now, that gesture is so Jaxon! Why the hell did I even deny that similarity before?
"Alright," aniya. "Davina."
"Pa—I mean, sir. " I don't even know what to call him anymore.
"It's alright, Davina. You can still call me papa. Magiging ama mo na rin naman ako, 'di ba, Jaxon?"
"Oo naman," mabilis niyang sabi.
Tumawa si papa at sumaludo sa akin. Uminit ang pisngi ko at kinakapitan pa ng hiya!
"I'll see you in my office, son." Tumalikod na siya na hindi natatanggal ang ngiti sa labi.
Nito ko lang din napansin ngayong nalaman ang totoo. Na hawig ang paraang ng paglalakad nila ni Jaxon. We watched him turned left.
Binigay sa akin ni Jax ang keycard sa kanyang condo nang nasa gilid na kami ng white Navara. Umaandar na ang makina at nasa loob na rin si kuya Serge. Right, they even share the same car! Ito iyong ginamit noong sinundo ako ni papa galing New York.
Sinara ni Jax ang pinto nang makapasok na ako sa front seat. Bumaba ang bintana at sumilip si Jaxon. Nakahawak siya sa bubong. "You know the condo building, Serge."
"Yes, sir," pormal na sabi ni Serge.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Siguro naihatid na ni Serge roon si Jaxon. Pinigilan kong mapailing. I still can't believe this!
Isang beses tumango si Jaxon at tumingin sa akin. Dinampian niya ako ng halik sa labi saka nilabas ang ulo sa bintana. Tatlong beses niyang tinapik ang bubong ng sasakyan saka ito lumarga.
Kita ko sa side mirror ang paghatid niya ng tanaw sa amin hanggang sa lumiko na kami pa-highway.
Hinubad ko agad ang sapatos ko pagkarating at nakapaang umakyat sa kwarto. Kumalabog ang mga ito nang binagsak sila sa sahig saka ko tinapon ang sarili sa kama. I stayed that way while thinking about the night before reaching this moment.
Iniisip ko rin ang mga posibleng nangyayari na ngayon sa pag uusap nina Jax at ng daddy niya. Biglang naging dayuhan sa dila ko ang tawagin siyang papa. It feels like I was lying to him this whole time.
O siguro hiya lang itong nagdidikta sa aking limitahin ang mga kilos ko sa harap nila. I wonder what would be Mrs. Montero's stand on this.
Or...maybe she has known all along. Is this why she doesn't want me for her son? Was she threatened that I might be her husband's other family? Maybe I should talk to her and...see what I can do. Ngunit parang nanghihimasok naman ang dating ko.
Nang hindi na namamalayan kung paano naglakbay sa ibang paksa ang aking isipan ay inangkin na ako ng antok.
Dumilat ako nang may kumiliti sa aking pisngi. It was Jaxon's breath at nakatitig siya sa akin. Parang kanina pa siya sa ganyang posisiyon. He's in side-lying, nakatukod ang siko sa kama at nakasandal ang gilid ng ulo sa kamay niya.
Remembering yesterday morning, pansin kong ganito niya ako hinihintay na maggising.
Bumangon ako at sinuklay ng daliri ang buhok. "Ang aga mo...anong oras kang umuwi?"
"Almost twelve," aniya sa namamalat na boses. Bumangon na rin siya at tumikhim. Upon his movement, his manly scent from last night attacked my nose.
Tinignan ko ang sarili at nahalatang nasa gitna na ako ng kama. Ang naalala ko kagabi ay nakaapak pa ang mga paa ko sa sahig habang humihiga. May kumot na rin ako ngayon. I was probably too exhausted last night na hindi ko nagawang humiga nang maayos.
Sumakay muli ako sa likod ni Jaxon at bumaba na sa dining na iisa lang ang pinaglalagyan ng living room. The smell of breakfast made my stomach growl.
"Kamusta heart to heart niyo ng daddy mo?" tanong ko. Mabagal ang mga hakbang niya sa hagdan. Nabibigatan siguro 'to sa akin ngayon.
"We're good. We're okay now."
Sinilip ko ang mukha niya. He still looks sleepy.
"How okay?"
Sinulyapan niya ako. He's aleady wearing a smirk like my question entertained him.
"We've already filled in the gaps."
Binaba niya ako sa isa sa mga silya. Lumapit si Jax sa shelve ng dalawang appliances doon saka yumukod upang buhayin ang stereo. Sa lalim ng tulog ko ay hindi ko namalayang nakaluto na pala siya. Spam ham, sunny side up and pancakes greeted me on the table. Naglagay na ako ng pagkain sa plato ko.
"Ninong ko pala ang papa mo."
Napalingon ako sa kanya, hindi sigurado sa narinig. "My biological father? Ninong mo?"
Tumango siya habang naglalakad pabalik sa silya. Bumaba ang tingin ko at nakitang white towel lang ang suot niya.
My stomache instantly tensed as I thought that there's nothing underneath that damn towel. Nanuyo ang lalamunan ko.
Gumasgas ang ingay ng paghila niya ng silya saka siya umupo. He poured coffee from the coffee maker to his mug. "When dad told me about him last night, I suddenly remember him. He gave me a microphone toy as a birthday present."
"Talaga?" wala sa sarili kong komento, hindi makapaniwala. I imagined my father carrying Jaxon as a baby. Heck! I imagined him carrying another child and not me!
"I believe your father has something to do with us." Turo niya sa aming dalawa.
Bahagya akong natawa. "Una, naniniwala ka sa sumpa, ngayon iyan naman. Kinikilabutan ako sa 'yo, Jaxon."
Matamis siyang ngumiti. "You love me."
Pagak at sarkastiko akong tumawa. "Wala na akong choice, e."
Napatingala siya sa paghalakhak at iling na naglagay ng ham at eggs sa kanyang plato. Nag-rice siya imbes na iyong pancake.
Hindi agad ako makakain at marahil hindi makakain nang maayos kung topless siya sa harap ko. At malay ba natin na wala pala siyang ibang suot maliban sa tuwalya.
Nakatayo muli ang buhok niyang medyo magulo na tila kakadaan lang ng mga daliri niya roon.
"Kakain ka ng nakaganyan?" Turo ko ng tinidor sa kanya.
Ngumunguya siya at tinignan ang sarili.
"Magdamit ka. Nasa harap tayo ng pagkain," dagdag ko.
Tumigil siya sa pagnguya at lumunok. Bahagya niyang ninguso ang labi. His eyes sparked with mirth.
"Kung ikaw ang kakainin ko, magdadamit pa rin ba ako?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Jaxon Averell!"
Umapoy ang pisngi ko habang tawang-tawa siya sa aking tapat. Mas lalo akong hindi makakain nang maayos!
Jaxon insisted na pareho naming hugasan ang pinagkainan namin ngunit ako na mismo ang tinulak siya papasok sa banyo. Sumuko siya sa pagpupumilit nang binuhay ko ang shower at nabasa siya.
Agad kong binalikan ang dining table at kinuha roon ang kanyang cellphone. Pinakinggan ko muna ang patuloy na ingay ng shower saka ako nagtungo sa contacts. I looked for his mother's name.
Sa totoo lang ay may digmaan pa sa kalooban ko sa gagawin. Pero hindi ako matatahimik hangga't may hidwaan sa amin. Susubukan ko lang naman, we wouldn't really know the outcome unless we try the solution. And confronting her is the only solution I could think of, and what I also think is the right one.
Kung hindi talaga ako matatanggap, sige, hahayaan ko iyon. Pero hindi iyon makakapigil sa aking mahalin si Jaxon. She can't make me stay away from her son again.
Nang ma-send ko ang numero sa aking phone, binura ko agad ang mensahe sa cellphone ni Jax. Nagtipa ako ng mensahe kay Mrs. Montero.
Habang naghuhugas ng plato ay iyon lang ang laman ng isip ko. Natapos na lang ako sa gawain ay wala pa akong natanggap na reply. Bumagsak ang tiyan ko at nanghina. But still, pupunta pa rin ako at hihintayin siya sa pagkikitaan namin.
"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Jaxon habang pinapanood siyang may kinakalikot sa kanyang video camera. He's just in his white shirt and dark jeans. Nagsusuot naman ako ng sapatos ngayon.
"Camp Crame," aniya, mas pinagtutuunan ng pansin ang video. "I'd be doing a live coverage."
Hindi talaga ako updated sa mga pangyayari kaya hindi ko alam kung anong meron sa Crame na kailangan niyang mag-report doon.
"Hindi ka assign sa newsroom?" muli kong tanong.
"Doon ako didiretso pagkatapos."
Umalis na kami. Hinatid niya ako sa café kung saan ko hihintayin ang mommy niya. I kinda lied and told him I'd be meeting a client. Kaya pakiramdam ko pinagtataksilan ko siya.
Pero aaminin ko naman mamaya na mommy niya ang ka-meet up ko. However the talk would turn out, I'll tell him.
Hindi ako nag-order ng kape at mas lalo lang akong kinakabahan. I settled with a calming tea instead but it didn't even help. Nakaantabay na ang mga mata ko sa entrance ng café. I've been waiting here for fifteen minutes. Plano kong maghintay ng isang oras.
Sinuri ko ang sarili. What I have is a black midi tank dress and white sneakers. Pinagdedebatehan ko pa kung angkop ba itong suotin sa harap niya but then, I am here to make amends. I don't want to worry myself over dressing in accordance to any one's standards.
Hindi ako makagalaw sa upuan ko nang makita na siyang pumasok. Her driver held the glass door for her as she walked in. Even without too much make up like how she looked in the event last night, Mrs. Montero's regal beauty is timeless. Her high cheekbones could be a standard to everyone who's dying to have the same face shape as hers. She has maintained her tan skin.
Siguro kung nagkaanak lang sila ng babae ay magiging kamukha niya. Jaxon would have had a beautiful sister.
She knocked the words out of me nang nasa harap ko na siya. Six years barely did something to her. She still looks as though six years ago only happened yesterday.
"Ma'am..." I stood up and acknowledged her.
She did a light dip of her head in assent before she settled on her seat infront of me. Nilapag niya ang mamahaling bag sa katabing upuan saka niya pinagsiklop ang mga kamay sa mesa.
Ang ikinagaan ng loob ko ay hindi siya mukhang galit ngayon.
Simple siyang umiling nang nilapitan siya ng server upang maka-order. I guess she wants this to be straightly done so she can get rid of me. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy.
"Kung ano man po ang nangyari noon sana po ay kalimutan na natin iyon. Jaxon and his father have already reconciled. I hope you find it in your heart to make peace with him, too."
"I know everything, Davina," she prompted in her full cold tone. "I don't meddle with my husband's charity works for you."
I knew it. She had already known about me bago pa man kami magkakilala ni Jaxon.
"What alarmed me is your involvement with my son," she added.
Naalarma na rin ako sa sinabi niya. Does she hate me solely because of my involvement with Jax or are there any other reasons?
Bago pa siya makapagsalita muli ay inunahan ko na siya at pinaliwanag ang panig ko. In the hopes that she'd understand.
"I could have dated just any rick kids in New York but I never bothered, Mrs. Montero. Because I was still hoping for me and your son. At hanggang ngayon walang nagbago sa amin. Tulad ng sabi niyo aayusin ko muna ang sarili ko bago ko hangarin ang anak niyo. Am I now enough, Mrs. Montero? Pero kahit hindi pa rin ako magiging sapat sa kanya, I'm sorry but I won't let him go, Madam."
Numipis ang labi nito. Mahirap basahin ang ekspresyon niya sa pagpapanatili sa kanyang kakalmahan. That cold combined with calm composure when thinking surely was what Jaxon inherited from his mother.
"I know," mahinahon niyang sabi. Though, there's a slight edge to it. "But here's another thing, Ms. Claravel. I'm taking issue with my husband's way of having a responsibility to another person. Kami ang pamilya niya, pero sa iba siya nagpapaka-ama? Jaxon is the best son I ever have, and he doesn't deserve the negligence his father let him tolerate!
Then here comes you...what's so special about you, Davina? Ang pagiging ulila mo? Kailangan bang maulila ang isang tao upang ambunan ng pagmamahal at atensyon? I love my family dearly, pero natatakwil lang ako dahil sa 'yo!"
Hindi agad ako nakaimik sa gulat. Have I just interpreted that as insecurity? Umiling ako dahil alam kong hindi iyan totoo. I don't think Jaxon would make his mother feel abandoned.
"Jaxon won't do that to you. Mahal ka ng anak mo. He did everything to reach this point of his life to make you proud of him."
"Pero kukunin mo siya sa 'kin, Davina." Pinipiga ang puso ko sa desperasyon niya. "Nawalan ka na ng magulang, kaya maiintindihan mo ako. Huwag mong iparanas sa akin na kailangan ko ring mawalan ng anak."
Tila sinuntok ako ng mga salita niya na nagpaatras sa akin. Nanghina akong makita ang pamumuo ng kanyang luha. Ikinalito ko ito ngunit hindi ko mapigilang masaktan para sa kanya. Bakit niya naisip na kukunin ko sa kanya si Jaxon?
Humila ang gulat ko at mas lumala pa ito nang kinuha niya ang aking kamay. This woman used to hate me and it's in my absolute surprise to see her desperate like this. Her slim hands trembled as she held me. The vulnerability of it all.
Naitanong ko sa sarili kung bakit hindi siya ganito nagmakaawa sa akin noon upang layuan si Jaxon. Maybe she has judged me wrongly and thought I could be bought by money.
"I thought I would lose my son when I saw him unconscious in the hospital. And I'm sure those boys who hurt him had something to do with you."
Sa sobrang tagal na noong nangyari ay hindi ako nagawang pasukin ng guilt. I think Jaxon has already forgotten about it too dahil ni minsan hindi niya binanggit iyon. He has never emplaced the blame to me.
"Walang kompetisyon dito, Mrs. Montero. Jaxon loves you as how a son should love his mother. He loves me as how a man loves his woman. And I love your son as how a woman loves her man."
Tinakip ko ang bakanteng kamay sa kamay niyang nakahawak pa rin sa akin.
"He honored the family he has kahit dalawa lang kayo. He has already reconciled with his father, might as well forgive your husband, too. Hindi na niya kayo iiwan. Mananatili ang pamilya niyo. He's done being responsible to me."
Nakatitig lang siya sa akin, pilit pinapatigas ang kanyang mukha but her quivering lips and the waterworks failed her. Pinatatag ko ang aking ekspresyon upang makumbinse siya.
"Hindi ko man maibigay kay Jaxon ang buong mundo dahil hindi ako kasing rangya tulad ng pamilya niyo, pero nasisigurado kong mabibigay ko ang buhay ko sa kanya." Pumatak ang luha ko at dumaan sa aking bibig. "I would definitely kill for your son and would die for him. Please, hayaan niyo na po kami."
Inipit ko ang nangangatal kong mga labi at pinagpasalamat na nakapagsalita ako na buo ang boses. Nagbaba siya ng tingin at humigpit ang hawak sa kamay ko. Her nails were already digging into my skin.
For a moment, I thought of her anger for what I just said. Ngunit nang siya'y tumango at nagpakawala ng hikbi, mga luha ko na ang nagsalita kung gaano ako kasaya.
Nalaglag ang luha niya sa mga kamay namin. Mas lalong umagos ang tubig sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang sarili kung tumatawa ba ako o humihikbi.
I could feel a piece of her pride radiating that instead of looking at me in the eyes, she looked at her perfectly manicured hands on mine.
"I'm giving you my blessing. Give my son the love he deserves."
Naluluha akong ngumiti at pahikbing tumango. "I will. I will, Mrs. Montero."
Umalis na agad siya pagkatapos at hinayaan ang sariling damhin nang paulit-ulit ang huli niyang sinabi. Nagmamadali ang mga hakbang nitong lumabas at nagpupunas ng luha. I couldn't say that she has fully accepted me, ngunit sa mga sinabi niya ay alam kong papunta na siya roon.
Pakiramdam ko'y lumulutang ako sa gaan ng loob ko. Still, hindi ko pa rin maiwasan ang maluha. I couldn't even feel my own weight!
Sa sobrang saya ko ay gusto kong may mapagsabihan nito. So I called Jaxon without even thinking that he's probably busy right now. Sumisinghot pa ako habang hinihintay siyang sumagot.
"Hello, baby?" ani ko nang sumagot siya sa isang ring lamang! Maybe he's not that busy after all.
Pinatungan ng pagtataka ang ngiti ko sa pagdaan ng katahimikan. Sa sobrang tagal ay naisip kong hindi niya narinig.
Ngunit giniba rin iyon ng isang malutong na tawa. "What did you just call me?"
Humagikhik ako. "Saan ka?"
Mga busina ng sasakyan ang narinig ko sa kabilang linya at ingay ng construction. Ganyan ba ang Camp Crame? Ang inasahan kong marinig ay mga sundalong sabay nagmamartsa.
"Kakapasok ko lang sa kampo..." Rinig ko ang boses ng lalake na hinihingi ang id ni Jaxon. "Reporter," aniya at sinunod ang pangalan ng station. "H-hello, Vin? Still there?" aniya at sumunod ang ugong ng sasakyan.
"Yep, uuwi na rin ako sa condo maya-maya. I'll wait for you, baby."
"You have to stop that, Vinnie," natatawa niyang sabi. "Baka masanay ako."
"Then get used to it."
Muli siyang humalakhak. Parang baliw akong ngumingiti rito mag isa na sinulyapan nga ako ng isang server at kinunutan ng noo. Eh, kani-kanina lang umiiyak ako.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumagapak nang sinara. Nakikita ko siya sa aking isip na nakasandal sa pinto at dinidikit ang cellphone sa tenga. Inaanod ng hangin ang kanyang buhok at ngumingiti siya sa kawalan.
"May ginawa ka ba? Tell me, lalake ba iyang kinatagpo mo?" May narinig akong ngiti sa kanyang tono.
"Oo, natagalan nga iyong meeting namin, e. He kinda' looks like James Reid, that's why."
"Oh, fuck me." Sumipol siya. "Is that so?"
Humagikhik lang ako sa palsipikado niyang paghihisterikal. Narinig ko siyang ngumisi at hindi na nagsalita pa. Muli kong pinagtaka ang katahimikan hanggang sa giniba ito ng kanyang buntong hininga.
" Do you know that I have insecurities, too, Vin? Hindi miminsan kong inisip na magrebelde rin. You've been around the bad guys. You had a rapist as an ex-boyfriend, or fling for that matter. You used to have a crush on an addict. Ako. Golden boy? The good son? The achiever? Heck! I had almost tried smoking! Kasi ang mga tulad nila ang tipo mo."
Sinamahan niya ito ng bahagyang tawa, at kapag ganito ang tono niya'y sigurado akong may iling rin ito. I have never really thought about his insecurities. I know each one of us has, but I could never put insecurity and Jaxon in one sentence.
"I risked myself having a tattoo and pretend that it didn't hurt. Tiniis ko lang ang karayom, e. Because to be honest, Davina? It hurts like a son of a bitch," marahas niyang sabi at tila gigil na gigil.
Tinakpan ko ng kamay ang tawa na nais kong ipangalandakan. Say what? At ang buong akala ko'y makapal lang ang balat niya at mataas ang pain tolerance!
"Well, I never loved a bad boy, Jaxon," I said. "I only like them as my friends. And you know, I don't want you to be just my friend. I don't want to just 'like' you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro