FIFTY FOUR
Yakap ko ang aking mga binti at nakasandal ang likod sa malamig na pader. Nakakabit ang paningin ko kay Jaxon na umupo sa dulo ng kama. His bare and rippled sexy back is facing me. May mga nakatuping damit sa gilid niya at tuwalyang nakasabit sa kanyang balikat.
Ilang minuto pa lang ang lumipas mula nang ginising niya ako. Wala akong matandaan kung lumipat ba siya sa kama kagabi o nakatulog sa tabi ko.
"Ikaw na maunang maligo," aniya na tila nakikita ang aking paghihirain.Pumasok siya sa banyo kanina ngunit lumabas din naman agad.
" 'Di ba kaya ka maaga gumising para maunahan mo akong maligo?" Humikab ako habang nagsasalita. Sinuklay ko ang humarang na hibla ng buhok sa aking mukha.
"Mauna ka na," pag-uulit niya, sinamahan nang kaunting pamimilit.
Muli akong humikab at kinamot ang nangangati kong binti. Nakatunganga ako nang mahigit isang minuto, nahuhulog pa ang mga mata ko at mabigat ang katawan upang tumayo. Ilang beses akong humihikab.
Wala pa yatang alas siyete. Maingay ang tilaok ng manok sa labas at rinig ko ang pagligo ng mga nangungupahan sa kabilang kwarto at kalansing ng mga kubyertos sa ilang kabayahan.
I wonder about his daily life and if he wakes up early in the morning like this. Sa tagal ng pagkakawalay ay tila ibang tao na siya. But I know he's still Jaxon. May mga nadagdag lang na katangian na dayuhan pa sa akin.
Kalauna'y kinuha ko na ang susuotin sa bag at mga toiletries. Pumasok ako sa banyo. Nasa balde at tabo ang mga mata ko nang may mahagip. It took me longer to realize before a sly smile wounded my face.
Sinilip ko si Jaxon na nakaupo pa rin sa kama. Buka ang mga binti at nakatusok doon ang mga siko. Tinatakpan niya ang mukha sa wari taimtim na nagdadasal. If I didn't know better, I would have thought he was dozing off in that position.
Hinubad ko ang aking tsinelas at inisang lagapak ang ipis sa tile floor. Hinawakan ko ang antenna nito at hinagis ang buong insekto sa labas.
"Wala nang ipis, maligo ka na!" anunsyo ko habang naghuhugas ng kamay sa sink.
Lumabas ako at tinagpo ang inosente niyang tingin. His eyes are still sleepy kaya mas lalo iyong namungay.
"Maligo ka na..." udyok ko.
Nag-aatubili pa siya bago nakuhang tumayo at hinawakan ang tuwalya sa balikat tila ba mahuhulog ito. Nang makapasok at padarag na sinara ang pinto, binagsak ko ang sarili sa kama at pagulong-gulong na tumatawa. Jaxon exclaimed an oath kasabay ang pagbuhos niya ng tubig sa sarili.
Definitely, there are still some things that have never changed.
Nakalatag pa ako sa kama nang lumabas siya ng banyo. Tuwalya sa baywang lang ang bumabalot sa kanya. Nilayasan ako ng hiya ko sa masagwa kong pagsuri sa kanya. Drops of water dripping on his toned body. Kinukusot niya ang basang buhok sabay pilig ng ulo kaya tumalsik ang ilan sa direksyon ko.
I didn't move an inch. I'm taking my time inhaling the whole image and the scent of his showergel.
Nang kinuha ang nakatupi niyang boxers at sinuot ay doon na ako nagising at agad tinakbo ang banyo. I don't know why I even locked it. Kami lang naman dito. Yeah. Kami lang.
As if naman walang nangyari sa amin noon. Duh?
Tila binombahan niya ng kanyang sabon ang buong banyo dahil sa panlalaki nitong samyo. Hindi ko na nga yata kailangang maligo. Manatili lang ako rito ng isang oras at didikit na ang bango sa katawan ko. It's like having a scented sauna if ever that thing existed.
I still did otherwise. Habang sinasabunan ang katawan ay iniisip ko ang mga posibilidad naming dalawa. This trip made me think a lot about us. What if we live like this? Gigisingin niya ako sa umaga, tapos mauuna siyang maliligo at susunod ako habang nagbibihis siya. Pwede ring sabay kami.
Then he cooks our breakfast while I make our coffee. At since pwede naman akong sa bahay lang magtrabaho ay ako ang maghihintay sa pagdating niya. Sasalubungin ko siya sa pinto at tatalon upang mayakap siya. My legs wrapped on his waist, his arms desperately gripping me like he's been waiting for his shift to end just to be with me, then he kisses my hair and nuzzles his face on my neck...
O di kaya'y aabutan niya ako sa sofa, tapos nakangiti niyang itataas ang paperbag ng fastfood na parang alam niyang ito ang makakapagpasaya sa akin. At sa kabilang kamay ay ang catfood para kay Woodrow.
Sa tagal kong nag-imagine ay natuyo na ang sabon sa katawan ko kaya dali kong binusan ang sarili kasama na ang aking imahinasyon. Nakakabuntong-hininga na hanggang sa isipan ko na lang iyon at hindi na mailalabas bilang realidad.
You know how it feels everytime we think of...'We could have been like that'.
We had our heavy breakfast. Angkop lang dahil sa mga sumunod na minuto ay naglakad na kami sa ilalim ng matinding sikat ng araw pataas ng bundok. Wala naman akong arte sa katawan ngunit sa mag-iisang oras mahigit namin sa paglusob sa walang katapusan na damuhan at magaan na kakahuyan, ngayon yata lalabas ang kaartehan ko. Nais ko ng kalagan ang aking hinakdal!
Sa unahan ay si Enie, ang guide namin na maghahatid sa amin sa sadya ni Jaxon. Kausap niya ito habang kumukuha siya ng video. Nasa hulihan ako, and to my advantage, I could see Jaxon's back muscles, especially his shoulder blades, flexed everytime he migrated his video camera from one side and back.
He's wearing slippers. Pero bakit ako pa itong nahihiya na naka-sapatos? I feel out of place. At akala ko ba hindi kami magpapakita ng yaman? E pinapangalandakan naman niya ang kayamanan ng kanyang biceps! His white muscle shirt exposes the display of his wealthy physical masculinity. Unfair.
At buti pa siya may cap. Samantalang nangangati na ang anit ko sa init. Dumidikit na ang shirt ko sa pawisan kong katawan.
Inabot ni Jax ang paa upang kamutin dahil sa sumasaksak na mga damo. Ngunit niisang beses ay wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Kahit sa kanyang mukha ay wala akong nakikitaang protesta. His dedication in his job is just admirable. Siya pa itong nauunang makihalubilo. His aura is meant for the public.
Nagprisinta akong dalhin ang tripod niya na kinakailangan para sa video cam mamaya. Nakasabit naman sa leeg ko ang DSLR na wala akong balak buksan hangga't hindi ko pa gagamitin. I don't want to tempt myself into looking at the photos of him and Kelsey.
Hindi nagtagal ay natatanaw na namin ang bahay sa sulok ng kapunuan. Gawa sa kahoy at manipis na kawayan. There's nothing concrete in it na masasabi kong maiisang ihip lang ito ng bagyo. Ang tanging palamuti rito ay ang kaunting tanim na mga bulaklak sa isang gilid at ang iba't ibang kulay ng mga damit na nakasampay.
May mga batang naghahabulan sa labas. Dalawa sila at magkamukha. Those kids seem to be on the right age to go to school. A boy in the corner at around seven was carrying a baby at pinapanood ang naglalarong kambal.
Nang mahagip kami ng lalakeng kambal ay tumalon-talon ito habang tumuturo sa amin. He ran inside the house, siguro tinatawag ang mama niya. sa kanyang pagbalik ay saktong nakalapit na kami.
Binaba ni Jaxon ang video camera at itinutok sa kanila kasabay ang pagkaway niya sa mga bata. The kids waved back. Ang batang babae ay wala sa sariling kumakaway habang nakatulala kay Jaxon.
Hinanap ng tenga ko ang ingay ng bell ng ice cream nang ito'y kumililing. Hindi ko mapigilan ang bungisngis nang makita ang baby cow na may nakasabit na bell sa leeg. Tumutunog ito sa bawat galaw niya.
A woman in her tattered clothes went out from the delicate house. Pinapahid nito ang kamay sa mahabang palda bago iniabot kay Jax. Gulat noong una ang lumutang na reaksyon na humantong sa nahihiyang ngiti. Hindi pa nga raw kasi siya nakapaglinis ng bahay at inuna ang paglalaba. Jaxon didn't mind.
I have the camera readied. The mother of four briefed Jaxon on the life here in general. I listened to them as I captured. Indeed, remote nga ito at isolated. The provision of electricity is not likely at tanging pagsasaka ang trabahong nag-aangat sa kanila. Transportation is a consequential issue, too.
Nilingon ako ni Jaxon na akala ko'y may sasabihin. But he just stared at me, not giving me any idea if I should say something or what. Naglakbay pa ang mga mata niya sa ibang parte ng mukha ko. His eyes halted at my forehead.
"Papasok ako," aniya, saglit tinuro ng hinlalaki ang loob ng bahay. "Maikling interview lang tapos magsisimula na ako sa video."
I nodded, though not understanding why he has to inform me that.
"Sa labas lang ako," wika ko.
Saglit pa siyang tumitig bago tipid na tumango at kinuha mula sa hawak ko ang tripod at binaba sa paanan niya. May binunot siya sa bulsa ng kanyang black cargo shorts at ipinagtaka ko ang pag-abot niya sa akin ng puting panyo.
"Punasan mo ang pawis mo."
Kinunutan ko siya ng noo sabay angat ng tingin. "Naggamit mo na iyan."
Kahit hindi ko naman talaga siya nakitang gumamit. At sobrang linis pa ng panyo.
Bumuntong hininga siya at bumungkal muli sa kanyang bulsa. He showed me a cotton plaid hanky this time.
"Dalawa ang dala mo?"
Hindi niya ako pinansin at basta na lang dinampi ang panyo sa aking noo, sentido at pababa sa aking leeg. Nakatutok ang mga mata niya sa ginagawa. There's no conflicted look from him. He's doing it like he's obliged to do so.
My eyes rounded like dish plates. Naeestatwa ako't nagmukhang tanga na nakatayo sa harap niya. Weakness found its footing on my knees despite myself.
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang puting panyo saka walang salita na sinundan ang ale sa loob ng bahay.
I was in awe for a moment. Kung hindi lang dahil sa nagtatakbuhang mga bata na dumaan sa gilid ko ay matatagalan pa bago ko matagpuan ang sarili. Inangkin ako ng pakiramdam na nagtatanong ako ngunit hindi ko alam kung anong mga salita na bumubuo sa tanong. I could just sum them with 'What did just happen?'
Umupo ako sa malaking bato na nasa lilim ng puno. The smell of laundry soap and the morning rush of air is evocative of my life before my mother's vices. Sanay ako sa siyudad kaya nakakapanibago ang katahimikan dito.
Umikot ang ulo ko sa bahay sa paglabas ni Jax. Sinusundan ko siya ng tingin na papalapit. Video still on hand, may siya kinakalikot sa functions. His headphones are hanging on his neck. Nakakabit ang plug nito sa video cam pati na ang shotgun mic sa ibabaw.
His concentration is just too much that he wouldn't even notice if I'm gone.
"Ang ganda niyo po, ate."
Nilinga ko ang batang nakatulala kay Jaxon kanina. She smiled at me sweetly and shyly like I'm some superhero she admires. Tinukod nito ang kamay sa aking binti habang tinatabihan ako. I smiled back.
"Salamat. Anong pangalan mo?" Hinaplos ko ang medyo dry niyang buhok. I could smell from her the laundry soap that her mother is using.
"Sofia. Iyon po si Samuel." Tinuro niya ang kambal na humahagikhik habang nagpapahabol sa aso.
Binaltak ko ang mga mata sa papalapit nang si Jaxon. Pwede na akong magbuo ng tulay sa pag-iisang linya ng kilay niya. Iniwas niya agad ang paningin at binalik sa video camera. His lips pursed. Pumaraan ang pagkalito sa kanyang mukha.
What's his fucking problem? Hindi siya sang-ayon na maganda ako? Fine. Hindi ko naman siya pinipilit maniwala.
I'm being reeled back to Sofia's distance to me. I'm trying to figure out how children get this friendly being young. I couldn't remember a time being friendly when I was this kid's age.
Ipagpalagay nating kinakaibigan ko lahat ng tao noong bata pa ako. Nang magkamulat ay namimili na ako ng pinapapasok sa buhay ko. Probably the friendliness has something to do solely with the nature of innocence. Simple as that.
Nakatayo na sa gilid ko si Jax. Sumasali ang mga mata nito sa pagngiti sa batang nakayakap sa binti niya. Kay Samuel. Inaabot nito ang lens at may pagtatanong sa inosente niyang mukha. He's about four or five years old.
"Tapos na interview?" untag k okay Jax.
Umiling siya, ginugulo ang buhok ng bata. "Tatapusin pa niya ang paglalaba."
Tumango ako. Kung sabagay, hindi rin naman kami nagmamadali. We still have tomorrow morning if the interview won't be possible today.
In the meantime, Jax used the minutes talking to the kids. Doon na lumabas ang pagkamadaldal niya. The kids' oldest sibling is a sophomore in highschool at siya lang ang nag-aaral sa kanila. Ang ama'y isa sa mga namamasada ng habal-habal.
Tumayo ako at pinaupo si Jaxon habang nakikipag-usap sa kanila. I took several shots of the scene. Maganda itong gawing black and white sa layout. Kinunan ko rin ang bahay kasama na ang batang lalake na nakaupo lang sa de-kawayan na silya roon. Hindi niya kami sinalubong kanina kaya pinagpalagay ko na ilap siya sa ibang tao.
"He's disabled. Aksidente sa motor noong isang taon lang. Wala silang pera upang mapasuri ang kalagayan niya," ani Jaxon na tila nababasa ang pagtataka sa aking mukha. Nahalinhinan ito ng awa pagkatapos kong marinig ang kanyang pahayag.
My sensitive heart reacted to this information. Hindi maawat ang pamumuo ng luha ko nang mag-angat ng tingin ang bata at ningitian ako. Pinapatulog nito ang sanggol pa niyang kapatid.
Tinapik ako ni Jaxon sa balikat at mahinang nagsalita sa tenga ko, "Pity will do nothing. Maginhawang pamumuhay ang kailangan nila at seguridad sa kinabukasan ng pamilya, hindi awa."
Suminghap ako't inayos ang aking kahinahunan. Tumango ako na tila ngayon ko lang ito napagtanto. He's right.
Nilinga ko siya. "Mamimigay ba tayo ng tsinelas?"
Humor flashed in his eyes. Agad din niya itong winaglit at naging seryoso.
"Hindi lang tsinelas ang ipamimigay sa kanila. Look around. Ano ba sa tingin mo ang kailangan nila?" Nagtaas siya ng kilay sa paghahamon. Now he's intimidating me.
Sinunod ko ang sinabi niya at mas minulat pa ang inisiyatiba. Tama, hindi nga lang tsinelas ang dapat ipamigay.
"After showing this video to the public, they're going to be aware of the situation on this part of the region," dagdag niya. "Our lives just really revolve around the city. This part here is so isolated. This isn't even their land."
Pumihit ako at hinarap siya.
"Is this why you're into this job, Jaxon? For awareness? We can't know everything. Diyos lang ang may alam sa lahat."
"Alam ko. But as much as possible, I want to know everything there is to know. Kung ano ang mayroon na dapat alamin, iyon ang bubusisiin ko. Then I'll capture a story from it. You just have to have a broader mindset. Not a one-track mind," aniya at nagbalik na sa batong upuan na para bang doon na dapat tuldukan ang usapan.
Sandali ako nitong pinapaisip. That may be the truth for him becase he's entitled to his statement. But only with the same outlook as him could understand. I'm still impressed, Mr. Montero. Very impressed.
Lumawak ang ngiti ko nang makitang nakakandong na ang batang babae kay Jaxon. Sinasabayan niya ito sa pagsabi ng 'he loves me, he loves me not' sa bawat tanggal ng petal sa dilaw na bulaklak. I quickly took a stolen shot of it.
"He loves me!" masiglang sigaw ni Sofia at sinaboy ang mga petals na nakasalo sa mga palad ni Jaxon.
Tila mga confetti na nagsihulugan ang mga petals sa mga ulunan nila. I pressed the shot button several times. Tinignan ko ang mga kuha at nangiti sa resulta.
Nang mag-angat ay hindi ko sinadyag mabangga ang paningin kay Jaxon habang naglilikot pa rin si Sofia sa kandungan niya. Hinayaan ko ang sariling makulong sa mga matang iyon.The soft browns that I'll always adore. The daylight made those brown pools look like golden orbs, warming my heart and soul with its powerful but gentle caress.
And as if I was touched by Midas, ay ginintuan ang nararamdaman ko. Especially when...
"He loves you..." he whispered. Nanatili ang mga mata sa akin.
Walang nagawa ang anino ng puno upang takpan ako sa init. What Jaxon just said already did the work for the sun. Simple words but so powerful it could burn you. Namuo ang pawis sa aking mukha at likod. Inuugoy ako ng bayolenteng pagpalo ng puso sa dibdib ko.
Binaon ko ang pakiramdam sa mga minutong lumipas ng paghihintay namin saka sinimulan ni Jaxon ang actual interview. I watched him as he sets up the camera and put it in the tripod. It looks harder than I thought. I want to help him pero mukhang makakagulo lang ako.
We would always be in awe of someone we love, kahit gaano pa kaliit ang mga bagay na ginagawa nila; A simple blink of their eyes, bite on their lips, hold back a smile, rake the fingers on their hair. Hindi ko aakalain na mamamangha ako sa isang taong nagseset-up lang ng video camera. I could see his focus and drive and determination na magawa ang nais niya sa oras na matapos siya diyan.
Ang mga bata sa tabi ko ay pinapanood din siya. Dalawa lang iyan, curious sila, namamangha or both.
The whole time the video interview was running ay kinukuhanan ko rin sila ng shot. Hindi ako lumabas. If ever Jax needs anything, senyasahan niya lang ako tutal hindi naman siya nakikita sa video.
Halos tumakas ang aking ngiti nang kumatok sa utak ko na pwede akong magsideline bilang assistant niya.
"Aakyatin mo iyan? Jaxon ang taas niyan!" mariin ang aking paghihisteriya.
Jaxon is already in his helmet, harness, ropes at kung anu-ano pang nakakabit sa kanya na hindi ko alam ang tawag. He's all geared up for rock climbing. At may gana pa siyang magpalit ng sando para lang dito! Mukhang hindi lang pagdodokumentaryo ang ipinunta niya rito.
The enormous white limestone wall of the crag is dwarfing us. Nadaanan namin ito kanina. Dahil iisa lang ang ruta pabalik sa komunidad ay dito ulit kami hinatid ng dirt trail. Matiyagang naghintay sa amin si Enie na isa rin sa mga masugid na umaakyat dito sa higanteng bato.
Hiwa-hiwalay ang grupo ng mga damo sa paanan ng crag. Ngunit sa likuran namin ay puno na ng mga berdeng damo at niyugan. Due to the crag's height, natatakpan kami ng sinag mula sa araw na nilalamon na ng makulimlim na kalangitan. Ang init-init pa nga kanina tapos ngayon biglang dumilim.
A few foreigners flocked the place to climb. There are locals, too at mga dayo galing sa ibang siyudad. May nag-set up pa ng picnic sa baba. I'm agitated not just because of Jaxon's determination to climb the crag, inaatake na rin kasi ng malalaking langgam ang paa ko!
"I had climbed hundreds of rocks, Ms Claravel. I signed up for this life." Humawak siya sa kanyang belay saka pumamaywang. Tiningala niya si Enie. He led the climb to set up the rope on top.
So I'm back into Ms. Claravel now?
"Uulan, Jaxon..."
Bitbit niya ang striktong tingin nang nilingon niya ako. Agad kong pinagsisihan ang pagbanggit sa kanyang pangalan. I feel like it's wrong to call him by his name in lieu of Mr. Montero.
He looked up at the one and only evidence of an overcasted weather. He remained unperturbed. Habang ako'y desperada nang awatin siya. Who knows what would happen? Hindi man ako nanonood ng tv pero nagbabasa naman ako ng peryodiko.I've read articles regarding climbing accidents. And mind you, mga professional climbers pa ang nadidisgrasya. Jaxon is not excused!
Sumigaw si Enie mula sa tuktok. Naikabit na nito ang dulo ng lubid. Sumenyas si JAxon at nag-thumbs up sa kanya. Lumala ang pamumulaklak ng kaba ko kasabay ang kalansing ng mga kingsnaps ni Jax nang ito'y humakbang.
Tinapak na niya ang mga paa at mga kamay sa bato. Sinubukan niyang angatin ang sarili at ngumisi na para bang madali lang ito sa kanya. Pinagpag niya ang mga kamay saka muling tumingala, inaabangan ang senyas ni Enie.
Sure, there are quite a number of handholds and footholds on the crag. Jaxon is not a rookie for climbing so this should be easy for him. But being a concerned citizen, natatakot ako. He may have all the safety harnesess in the world being tethered to him, death has no excuses.
Deaths from love ones has been traumatizing me for years. Kinukulong pa rin ako nito hanggang ngayon. From Tori's trembling body while fighting for her life, to my lola's closed eyes up to my mother's bloody head. The turn of events had even made me plot my own demise.
My chest thundered brought by those flashbacks. Singhap kong tiningala si JAxon na nakaakyat na sapat upang talunin niya ang lupa upang makababa. He went beyond my arm's length.
"Jaxon!"
Nagawa ng sigaw na itago ang panginginig ng boses ko. Namamawis ang aking mga palad habang nilalabanan ang kaba at takot. The hell I care about what these people think of me right now. I just want Jaxon to jump back here on the land!
Inangat niya ang sarili nang hawakan muli ang isang nakausling bahagi ng bato. Gusto kong yugyugin ito kung posible man para lang makababa siya!
Pumapadyak na ako. Hindi na ako mapakali at habang tumatagal ay umaangat siya. If my instincts would prove me wrong, at least I was still able to save him of the other fifty percent possibility. Kasi sa nakaraan, naging kumpyiansa ako. Wala niisa sa mga nawala sa buhay ko ang nasagip ko. And the guilt that I was the one being saved instead stung and infuriated me like a bitch.
"Jaxon! Bumaba ka na!" malalim na ang hinuhugutan ko ng sigaw. That made him stop and looked down.
Habang ang iba'y sumasalungat sa gusto ko. They cheered for him to climb up and aim for the kiss the wall moment.
Nagbago ang anyo niya nang makita ang pagmamakaawa sa mukha ko. The irritation in his eyes quickly melted into concern with bordered confusion. Despite myself, I was able to look at him in desperate plead and exhaustion.
"Please..." I implored. Sa hinahon ng aking boses, rinig ko ang nakakabingi kong kaba.
Matagal siyang tumitig bago tiningala si Enie. May isinigaw siya rito saka may kinakalikot sa belay upang siya'y makababa. The sweat on his toned arms glistened under the half-morning light.
His audience can't help their protest. Sinabihan pa akong kill joy. Si Jax ang maki-kill kung hindi ko siya pinigilan! Ano bang alam natin sa mga mangyayari? Pumapatak na ang ambon at siguradong madulas ang bato kung magpapatuloy pa siya.
Nang makitang bumababa na si Jaxon ay kinuha ko ang camera case niya at nauna nang maglakad. I'm sure hindi niya ako kakausapin sa pagpigil ko sa kanya. I won't expect him to be gentle to me, anyway.
At iyon nga ang nangyari nang marinig ang nakabuntot niyang mga yapak. Hindi ko alam kung anong klaseng bilis ang inangkin niya na agad siyang nakasunod sa akin sa ilang segundo lang.
The grassland seemed to anger his feet that he steps on them with passionate rage. Binilisan ko ang aking mga hakbang ngunit mas mabilis siya at nagawa akong hilain at iikot paharap sa kanya. I dropped the videocam case. Napangiwi ako sa marahas niyang pagsandal sa akin sa katawan ng puno.
His breath filled with flaming anger could almost burn my face. Sa lakas nito ay nahahawi ang buhok kong tumatakip sa aking mukha. Hindi ko tinagpo ang mga mata niyang nagreplika sa kanyang mga kilos. Sa mabibigat niyang paghinga ay tumatama ang kanyang dibdib sa akin.
He growled.Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya mailabas dahil sa sigaw lang ito hahantong.
"I'm sorry. Natatakot lang ako, Jax." Napakurap ako sa pagtama ng ambon sa aking mga mata. "It's going to rain at paniguradong madulas ang bato..."
Masyadong mababaw ang aking rason kumpara sa kung anong totoong dahilan.
"May nakita ka na bang namatay doon?" nanginig sa galit ang boses niya. "Nabalitaan? Wala, Davina!"
"Then don't take the risk dying right there!"
Tinignan ko na siya. And sure the unadulterated ire is so evident it could stab me in the gut. Alam kong hindi na iyan dahil sa pag-awat ko sa kanyang umakyat. Para iyan sa lahat na iisipin kong pati problema sa bansa ay sa akin niya binibintang.
Lalong pumutok ang dibdib niya sa matinding paghingal. Nanginig na ang kilay niya sa pagdoble ng galit.
"I'm not going to die! Ano bang problema mo?" gigil niyang sigaw na ikinapikit ko.
I eyed his videocam case that I dropped on the ground. Ang kunin iyon ay nais kong gawing dahilan upang makatakas sa pagkakakulong sa kanya. But I think he won't let me.
"Sige, umakyat ka kung gusto mo..." Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan ng pananakit ng aking katawan sa aking pagsuko. As my eyes started to heat up for threatening tears, my head followed suit for a headache.
Mauuna na lang ako sa fanroom. Ayokong manatili at hintaying atakihin sa puso kapag may nangyari sa kanyang masama.
An emphatic and desperate growl escaped from his throat. Mariin siyang pumikit at pinatalon ako ng paghampas niya sa puno sa parteng ibabaw ng aking ulo. Lumipad ang nangatal kong kamay sa aking bibig, hindi malaman kung bakit bigla kong ikinahikbi itong pagpapakita niya ng galit.
Tumalikod siya at may puwersang sinabunot ang buhok. His sando showed his muscles flexed indicating just how angry he is. His fists are trembling, na parang pinipigilan nitong manakit ng tao but I wasn't even troubled by it. He doesn't hurt people.
Ilang beses siyang tumadyak sa hangin at pinagsusuntok ito kasabay ang buong lakas na sigaw na hindi ko matukoy kung para saan. Sa akin ba o sa kanya. And I don't know what the outcry is for. If it's for his anger, frustration or pain.
Humihingal siyang nagbalik sa harap ko. The drops of drizzle looked like tiny diamond pieces that scattered on his jet-black hair. Sinundan ko ang patak ng pawis sa kanyang sentido na naglandas pababa sa kanyang panga at nakiisa sa pamamasa ng kanyang namumulang dibdib.
We were in our own world, living with our own defense mechanisms for a short minute. Binabalewala ang mga hiyaw at katuwaan sa mga nakaakyat sa bato. I breathed in Jaxon's anger. He breathed in my fear and hopefulness.
Desperadong pagtatanong at kalituhan na ang rumehistro sa kanyang mukha. Like his life is depending on my answers without even knowing the questions. Ngunit nakikitaan ko pa rin ng lamay ng galit niya na kanyang ibinunton sa pananakit sa kawalan.
Suminghap siya, nais nitong ilabas ang mga salita ngunit marahan niyang kinagat ang labi upang pigilan ito.
Nagbaba ako ng tingin at napaluha.
"I just don't want to lose another best friend again, Jaxon..."
My lower lip quivered halfway through my words. Kinagat ko ito bilang pag-awat na paakyatin ang hikbi na kumakapit na sa aking lalamunan. Ngunit nagmatigas ang mga tubig sa aking mga mata na may sariling buhay at pumatak.
Naaapuhap ko ang sakit at paghihirap nang magpakawala siya ng hangin. Dahan-dahan ang kanyang pagsingahp na sinabay sa pagbagsak niya ng kanyang noo sa akin at pagbaon ng mga daliri sa aking batok paakyat sa buhok ko.
Pumikit ako. I allowed him. Of course I allowed him to touch me like this and feel my own pain and reason. Dahil naroon siya nang magluksa ako. Hindi na niya kailangang malaman pa ang mga kamatayang naganap kasunod niyon.
Sa aking pagdilat ay tinutukan ko ang pagpadaan ng dila niya sa kanyang labi. He seems contemplating on something. I let him take his time.
I slightly rubbed my nose on his sharp one. Magiging ipokrita ako kung hindi ko aaminin na gusto kong abusuhin ang lapit ng distansiya namin at abutin ang labi niya. But it would seem wrong, wouldn't it? Kahit saglit na yakap lang ay gusto kong gawin ngunit baka bumitaw naman siya agad. God, I'm just so desperate.
Napapikit ako nang muli siyang bumuntong hininga. Minamasahe niya ang ulo ko habang nakabaon pa rin ang mga daliri sa aking batok.
"Bumalik na tayo, " mahinahon niyang bulong.
Wala kaming imikan sa buong biyahe pabalik sa fanroom. Kahit sa pag kain ay gumagawa kami ng rason upang hindi magkasabay. Puro tanong at maiikling sagot ang tanging laman ng mga natitirang oras bago kami bumalik sa Manila. Naisip ko nga na magpaiwan dito sa Cebu tutal dito rin naman ang pinanggalingan ko.
Pinaglalaruan ko ang dulo ng aking buhok habang nakatayo kami sa terminal upang mag-abang ng bus. May V-hire naman pero bus talaga ang gusto ni Jax at hindi ko alam kung bakit.
He's talking to the habal-habal drivers. Sa dalawang beses pa lang na encounter ay mukhang ang tagal na nilang magkakakilala. Tahimik lamang akong nakikinig. Hindi na kinaya ni Jaxon ang pagiging tahimik kaya super daldal niya ngayon sa kanila. But I remember what I've read from a magazine. He likes talking to people.
Pinara ko ang paparating na bus. Natahimik si Jaxon, nakita yata ang ginawa ko kaya nagpaalam na siya sa kanyang mga new friends. Tipid ko silang ningitian nang magpaalam din sila sa akin bago ako pumanhik.
"Wala nang upuan!" anunsiyo ng driver.
Muli akong bumaba nang sinabi niya ito.
"Tatayo na lang kami, manong," ani Jaxon na nasa likod ko. "May bababa naman po siguro na hindi aabot sa siyudad."
Kumunot ang noo ko. Kung iyong v-hire na lang kasi ang sakyan namin. Bakit ba gusto niya sa bus? At saka pwede pa naman kaming mag-abang pa na may bakanteng upuan.
Tumango lang ang rugged na mama at pinaakyat na kami. Pumilantik ang tiyan ko nang bahagyang hinawakan ni Jax ang ibaba ng aking likod upang tulungan akong makapanhik.
Ang bag kong paharap kong sinusuot ay aking inalis at nilapag sa paanan ng silya katabi ng mga dalang bag ni Jaxon.
Hindi lang kami ang nakatayo sa biyahe. Mga isa o dalawang tao kasama na ang konduktor ang kumakapit sa pole sa harap. At dahil ako lang ang babaeng nakatayo, nagmagandang loob ang isang lalake na paupuin ako sa silya niya ngunit hindi ako pumayag.
He's not obliged to be a gentleman to me. Dahil ba sa babae ako? But I'm a healthy woman, at kaya ko naman ang sarili ko. Kasi kung ako lang, hind naman ako mago-offer ng silya sa lalakeng nakatayo sa bus. This is an inequality. Pwera na lang kung may disabled, iyon ang dapat alukan ng upuan.
Sa lalim ng pagbaon ng isip ko'y muntik na akong matapon sa harap sa biglaang paghinto ng bus. Jaxon quickly held me and put me into place. Sinigawan ng driver ang mga nagtawirang mga kabataan na muntik na naming ikinadisgrasya.
"Kumapit kang mabuti."
Jaxon seemed to be speaking right on my hair. Nakikiliti ang anit ko.
Nilingon ko siya. "Huh?"
Galing sa gilid, humila ang mga mata niya sa akin na mga sampung oras kong hindi natitigan. His stare sent a voltage of electricity. Maybe it's in the way he stared. May emosyon na pinupuno ako ng labis na galak. It's like the anger and tension yesterday happened eons ago and was long since forgotten.
Nakahawak pa rin siya sa aking baywang. "Sa akin, kumapit kang mabuti sa akin."
Pinagmasdan ko ang paggalaw ng labi niya habang sinasabi niya iyon. Napalunok ako sa pinagpalagay na kahulugan nito. O ako lang ba?
"Paano kung hindi ako kakapit?" Halos hindi ko mahila ang mga salita palabas. Nagsimula nang bumilis ang takbo ng pulso ko.
Isang kasalungatan ang pag-angat ng kilay niya sa kabila ng pamumungay ng kanyang mga mata.
"Mahuhulog ka. Walang ibang sasagip sa iyo kung 'di ako."
His words squeezed my heart dearly. But instead of hurting, nagpamando ito ng ngiti at pag-asa sa aking mukha.
"Paano ba?" pigil-ngiti kong tanong.
"Face me."
Tinutulungan niya akong mabalanse habang dahan-dahan akong pumihit upang maharap siya. Sumalubong ang matitipunong dibdib ni Jax na kinakapitan ng kanyang white V-neck. His large hands remained connected to my waist.
May pag-aatubili kong nilapat ang aking mga palad sa walang hiyang nagtataas-baba niyang dibdib. I stared at my hands and how it was carried away by the current of his breathing.
"Hold on tight to me, Davina," mahina niyang usal sa garalgal niyang tinig.
Nilihim ko ang aking pagsinghap.
"I already do." Ngumuso ako.
Sumilip ang kaunting ngiti sa kanyang labi. Hindi ko masiguro kung ngiti ba iyon. Basta may bahagyang pag-angat sa isang sulok nito.
But he can never hide it in his expressive eyes. Kumikislap iyon sa tuwing nakakadama siya ng positibong emosyon. When will he ever realize that when his mouth shuts, his eyes speak?
Nag-iwas ako at kung may pagtataguan lang, kanina ko pa iyon pinuntahan at magtititili ako hanggang sa mapaos. Kinagat ko ang aking labi upang sarilinin ang aking ngiti.
Binagsak ko ang aking noo sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang panginginig nito at narinig ang mahina niyang halakhak. I don't understand what's happening. Isa lang ang sigurado ako. Mabibiyak na ang dibdib ko sa matinding kalabog nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro