Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTY FIVE

Hindi ako mapalagay nang nasa siyudad na kami lulan ng taxi. Panay ang sulyap ko kay Jaxon. I wonder if he noticed, or he just decided to turn a blind eye. Abala naman kasi siya sa paglilinis ng kanyang DSLR at video camera.

"Jax...?" Tumikhim ako. "I mean...Mr. Mon—"

"What is it?" Inihipan niya ang lens ng camera. Nagkamot siya ng tenga bago nilinisan ang lens gamit ang maliit na brush.

I don't know why I still need the pluck up courage to ask his permission. Para naman kasing ama ang dating niya sa akin at ako itong anak na hinihingi ang permiso niya na gumala mamayang gabi. Or the worst, date the man that would make him get his machine gun.

"Pwedeng mauna ka na lang sa Manila? May pupuntahan lang ako, baka matagalan. Mahuli ka pa sa flight." Subok kong maging buo ang aking boses.

I don't want to make him feel that he's more superior. At kumbaga respeto na rin sa kanya dahil siya ang kasama ko.

Natigil siya sa pag-scan ng mga pictures. His face is showing an abundance of forethought.

Bakit kailangan pa niyang pag-isipan nang maigi? It's just a yes and a no! And it's not that I can't fly back under my own steam. Ako pa ang magbabayad ng ticket ko.

Kumurap siya at bumuntong hininga sabay sandal ng likod sa seat. Tamad siyang nagbalik scan sa mga litrato.

"It's optimal that we go back there together. Ako ang nagdala sa 'yo rito, ako rin ang mag-uuwi sa 'yo," mariin niyang ani. Determinado.

Sandali akong natilihan. There's something about what he said that made me almost lose my grip with my resolve.

"You don't have to feel responsible for me, Mr. Montero. It's okay," mahinahon kong paniniyak, not meaning to offend him o kung ano mang magiging laman para sa kanya ng sinabi ko.

"I'll go with you. Ano ba ang pupuntahan mo?" Parang wala lang sa kanya ang sinabi ko sa paraan ng pananalita niya. He's just so adamant!

"Jax..."

The plead in my tone freed his attention from the camera. Sa pakidlap-kidlap na liwanag dahil sa naghaharangang mga gusali, tila nagpapatay-sindi ang kulay-kape niyang mga mata. Sa marahang panliliit nito, I know he's reckoning with it. Sinikop ko ang umaalsang pakiramdam sa nagbabadyang pagpayag niya.

"Kung iiwan kita rito, kailan ka babalik?"

Kinapitan ako ng panghihina sa nahimigan na pangungulila sa kanyang tinig. Hinanda ko muna ang sasabihin bago ko pa matagpuan ang sariling mautal.

"Mamaya siguro o bukas..." mahina kong wika, hindi sigurado. I haven't even checked the available flights.

"Where will you stay?" muli niyang untag. I could see the wheels turning in his head by the way he stares.

"Kina Charlie." O kay papa. Sa isip ko na lang pinanatili iyon.

Matagal pa siyang tumitig, tinatantiya kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang desisiyon ko. It seems overreacting. I'm a twenty seven year old woman but the way he's ruminating on the implication of my decisions, he made me feel like I'm sixteen!

Tila lumuwang ang lubid na binugkos niya sa akin nang magbitaw siya ng titig at hinila ang walang kaemo-emosyon niyang mukha sa harap. Mata niya lang talaga ang may buhay.

"Pakihinto roon," turo niya sa malinaw na sidewalk hindi kalayuan sa kapal ng mga taong naghihintay ng bakanteng jeep. May ilang tumatawid pa galing at papuntang SM. Malimit na okupado ang mga taxi sa dako roon. Magji-jeep na lang din siguro ako.

Malawak ang ngiting gumuhit sa aking labi ko. Muntik ko nang mayakap si Jaxon kung hindi lang siya mukhang galit. Sinuot ko na ang straps ng aking knapsack.

"Leave your bag. Ako na ang maghahatid niyan sa bahay mo sa shop."

I stopped and stared at him. What?

"Just make sure you have what you need with you on the way back," he added. "Money and id's." Bumaba ang tingin niya sa aking sling bag, like he could actually look through my valuables inside.

"Uhm, sige...," halos pautal kong ani. Kalituhan ang nakapinta sa ekspresyon ko. Tinanggal ko sa akin ang strap na parang takot akong mapahiwalay sa bag. "Thanks. Diretso ka na sa airport?"

Tumango siya, hindi ako nilingon.

Okay. Gusto ko pa sanang magpaalam, pero magkikita naman kami pabalik sa Manila. Saying goodbye would look stupid kaya bumaba na ako. Hindi umaalis ang taxi hangga't hindi ako nakasakay ng jeep.

Una akong nagpunta sa memorial park na pinaghihimlayan ng puntod ni Tori. Images of a broken Nolan surfaced like a hologram infront of me. Pinalooban ko ng hangin ang humahapding dibdib nang maalala iyon.

"Toreng...kamusta ang sales mo diyan sa langit?" marahan akong natawa habang nilapag ang mga pink na rosas. Nagsindi ako ng kandila katabi ng mga naupos na. "Sold out siguro ang mga lipstick mo diyan, ano?"

Nai-imagine ko ang isasagot niya sa akin dahilan upang matawa muli ako. People might think I've gone crazy.

Mga kinse minutos ang tinagal ko 'tsaka umalis at tumungo naman kina mama at lola sa ibang memorial park. Magkatabi ang mga puntod nilang dalawa. Hindi pa ako nakakalapit ay tanaw ko na ang dalawang basket ng white lilies sa harap ng kanilang mga nitso. Must be from my tita's and uncle.

Umupo ako sa harap at pagitan ng dalawang puntod pagkatapos isindi ang mga kandila at ilapag ang mga bulaklak. It could have been the three of us right there had it not only been for Charlie. Kaya siya ang susunod kong pupuntahan. Sana hindi siya lumipat ng tirahan.

Sa aking pagtunganga ay magaan ang mga mata kong nahila sa nitso ni mama. Binalikan ko ang huling sinabi niya sa akin bago ang putok ng baril. Like a scene in a movie, I watched everything unfold. I jerked by the sound of the gunshot. Naamoy ko pa ang usok na nagmula sa bibig ng baril. And I could hear my loud, afflicted and sorrowful cries.

Regardless of my unhealthy relationship with her, I cried for her loss. I cried for our lost chance to reconcile and be a family again.

Ang isipin ang mga kasayangan ay nagpahila ng iyak sa mga mata ko. Inangat ko ang paningin sa mga nagpi-picnic na magkapamilya sa harap ng puntod ng mahal nila sa buhay. I wonder kung naging ganyan din kami noong buhay pa ang totoo kong ama.

Ilang sandali pa ang aking pinalipas saka ako tumayo. Pinagpag ko ang dumikit na damo sa aking likod at pumihit na upang makaalis. Hindi ko inasahan kung sino ang nag-aabang sa likod sa buong magdamag na nandito ako.

Pinaghalong gulat at pagsisisi ang gumiba sa mukhani Jaxon habang nakatitig sa dalawang puntod. Tinikom niya ang nakaawang na bibig upang lumunok saka muling umawang. His breathing is rapid it reached my ears from where I stood.

Why is he here? Base sa anggulo ng araw masasabi kong magtatanghali na. The flight is at twelve thirty so he should be in the airport by now!

Hinila niya ang nakadikit na ekspresyon at binangga sa aking paningin. Dumagdag doon ang panghihingi niya ng paliwanag. Do I really have to? My being here is an indication enough. They're dead. At sa kinatatayuan niya, I'm sure aabot sa kanyang tanaw ang petsa ng kamatayan nila. Ano pa'ng dapat ipaliwanag ko roon?

Yumuko ako at tinuloy ang pag-alis. Pinigilan ako ng pagdakip niya sa aking braso.

"Why?" he breathed. Hindi ko maintindihan ang kalakip na sakit sa tinig niya. Like breathing is painful for him. Nagtatamo ito ng sugat sa dibdib ko.

"Why, Vin...?" Dumiin ang emosyon sa kanyang boses kasabay ng higpit na pagbaon ng kanyang kamay sa aking balat.

Umiling ako, hinihingi ang ibig sabihin sa kanyang tanong.

"Who was with you? Why didn't you tell me?" He hissed while tugging on my arm until he finally made me turn to face him.

Napakagat ako sa aking labi habang pinag-iisipan ang sasabihin. He won't let go of me until I say something that would feed his questions.

"Nasa ospital ka ng mga araw na iyan. And after what happened, I didn't think you would like to talk to me. Maybe you would have told me to get lost after what I did to you." I paused. Huminga ako ng malalim. "To us..."

He laughed incredulously. "Iyan ba ang inisip mo? That what happened to you was karma for what you did? That's a shallow logic, Davina. I wouldn't say that to you, ever! You Should.Have.Called. Me." Nanginig ang tinig niya sa gigil na pagbanggit ng bawat salita na tila ito ang may kasalanan ng lahat.

The hot breath of his accusation inflamed a bit of anger from me. Hindi niya ako masisi sa mga pinag-iisip ko noon! Reproaching me for my decisions would just bring us further into the void. Game after game of blaming would only result to a standstill.

Nilunok ko ang umakyat na galit upang hindi mabugkos sa mga salita ko. I don't want to fight him about what I should have done.

"Tapos na iyon. Being angry to me right now won't bring them back," I said, hoping that's enough to prove a point.

His jaw clenched as he contemplated on my simple statement that doesn't even need a tad consideration. Dikit pa rin ang hindi makapaniwalang reaksyon sa kanyang mga mata. Sana sasang-ayon na lang siya at hayaang iyon na ang katuldukan ng usapan. I'm not here to bring up some issues from the past. I hope he does think so, too.

"Where do you want to go?" he conceded. "Samahan kita."

Tiningala ko siya. Malaki ang pagkakasalungat ng seryoso niyang tingin at sa lambing ng kanyang tono.

"Bakit?" pagtataka ko.

"Saan, Davina?"

Inikutan ko siya ng mata. Nanggigigil akong sapakin siya at yakapin siya at the same time! Kailan pa siya natutuong sumagot ng tanong sa isang tanong? You're really something, Mr. Montero. And he calls me Davina now, huh? Should I stop addressing him as Mr. Montero?

"Kina Charlie."

Tumango siya. "Let's go."

Dumulas ang kamay niya galing sa aking braso pababa sa kamay ko. Hindi ko naitago ang panlalaki ng aking mga mata. I stared at our entwined hands momentarily, shocked and amazed, as he pulled me to a walk along the lawn before looking up at his serious face. Diretso siyang nakatitig sa harap.

Tinantiya ko pa kung gaano kahigpit ang kapit niya sa kamay ko. They're warm and case-hardened. Hindi ito lumuluwang kahit lumalayo ang agwat namin kaya panay ang habol ko sa malalawak niyang mga hakbang.

Nilanghap ko ang hangin, baka nag-iba ang amoy dahil bigla na lang nag-iba ang ihip nito. Sumasakit lang ang ilong ko sa ginawa kaya hinayaan ko na. This is what I want. This is a step closer. Ngunit hindi ko rin mapigilang isipin na nagkakaganito siya dahil sa nalaman kani-kanina lamang.

The regret in his eyes, I don't know what was that for but it shouldn't be there. Wala siyang dapat pagsisihan. I'm not blaming him for anything either so he shouldn't guilt himself over my situation years ago.

Ang taxi na sinakyan namin kanina ay iyon din ang ginamit sa pagpunta kina Charlie. Sinundan talaga niya ako? Napangiti ako sa katotohanan na hindi niya makikita o mararamdaman ang epekto nito sa akin lalo na sa weirdong kiliti sa aking tiyan.

Wala akong nakikitang pinagbago sa subdivision maliban sa halata na ang kalumaan nito. Ang dating malinis na gold signage ay ngayo'y naging brown na sa katandaan sa paglipas ng mga taon.

Nagbago rin ang bahay nina Charlie. Still a two storey house pero ngayo'y mas naging makulay na. Napapaligiran na ng mga bulaklak. Siguro senyales na iyon na maganda na ang samahan niya sa pangalawang asawa at mga anak ng kanyang ama.

Ingay ng palabas sa tv at ng mga kubyertos ang naririnig ko mula sa loob. Nang pinindot ang doorbell ay nagitla ako sa tahol ng aso sabay ng karipas ng takbo nito sa harap. Mukhang ito pa yata ang magbubukas ng pinto.

Lukot ang ilong akong lumingon kay Jaxon na nasa likod ko. Nanatiling tuwid na tila hari ang tindig niya habang kalmado akong tinignan pabalik.

"Amoy beefsteak," ani ko at mas umamoy pa. Nag-react ang tiyan ko.

Ngiti lang ang iginawad niya.

Bumukas ang pinto. Charlie didn't see us right away. Nakayukod pa ito upang paalisin ang aso sa harap niya na kinakagat ang lumuluwang niyang necktie.

"Ano ba—hey Cassie! Not my tie, doggie." Pilit niyang hinihila ang kanyang tie habang hawak ng isang kamay ang doorknob.

Naghagikhikan kami ni Jaxon.

"That's something new on how to greet a guest, Charliemagno," sabi ko.

Harap-harapan ko siyang natunghayan na nanigas. Bilog na ang mga mata niya nang mag-angat at mas lalo pang namilog nang makita ako. Dahan-dahan ang pagbagsak ng panga niya tila nakakita ng multo.

"Davina?" Surprise is apparent in his face and tone.

May sumitsit na babae sa loob na nagpabitaw sa aso kay Charlie. Tumuwid siya ng tayo nang mapalaya at inunahan ko agad ng yakap. Matagal bago bumugkos ang braso nito sa akin na mahigpit ang pagyakap pabalik.

Nagpakawala siya ng hininga na 'di ko alam kung tumatawa o humihikbi. I pulled away to find out. Pinunasan nito ang gilid ng mga mata bago tinakpan.

"Aww...Charlie boy..." Kinuwadro ko ang pisngi niya at naluha na rin.

Suminghot siya habang natatawa o nahihikbi, nakatakip pa rin ang kamay sa mata habang ang isa'y nakayakp sa akin. People around us might not understand why are we this emotional. Kami lang ang nakakaintindi. They might think that it was just two people with undeniable friendship. That's a fact. But it's also way more than that. This man saved me and I don't even know how to thank him.

Mahigpit akong yumakap pabalik at tinuyo ang basa kong mga mata sa white polo niya.

"I missed you,Charlie boy..."

"Alam ba niya?" mahina niyang tanong.

Bumitaw ako at inilingan siya. Alam ko ang ibig niyang sabihin.

May pagintindi siyang tumitig bago tumango.Nag-angat siya at tinutuyo pa ang mga mata na ningitian ang nananahimik sa likod ko.

"Jax, pare," Suminghot siya sabay hila sa akin papasok. "Pasok kayo. Saan kayo galing? Bakit ang dami niyong dala?" Nagbalik sigla ang kanyang boses.

"Anong madami? Tatlo lang iyan. At 'tsaka makikitira kami rito. Okay lang ba?" Maang-maangan ko siyang tiningala. Humahabol ang tangkad niya sa katangkaran ni Jaxon.

"Ha?"

"Gino-goodtime ka lang niyan," sabat ni Jaxon sa likod.

Mas pinansin ko ang pagtataka ni Charlie kesa sa namumula at basa niyang mga mata.

"Kayo na ulit?" usisa niya, palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Jax.

Hindi na kami nabigyan ng pagkakataong sumagot dahil sa magandang babae na lumitaw sa likod ni Charlie. Her smile is vibrant, hindi man mestisahin ay makinis ang mukha nito. She competes with those beauties in dystopian movies. She has a healthy and fair skin, halatang naaalagaan. An epitome of demureness and feminity. Sa aming apat, magmumukha siyang bunso dahil puro kami matatangkad. But she's the sunshine, anyway.

"Love, remember the photo album? You asked me if she's a model. Davina here, and...of course you know Jaxon." Sumenyas si Charlie at inakbayan ang babae. "Brianna, wife ko."

Hindi ko napigilan ang paghila ng malaking ngiti. Feel ko nag-stretch ito hanggang sa aking tenga. Lumala lang iyon nang mamula ang mukha ni Charlie.

"Hi," nakangiting ani Brianna at nilahad ang kamay.

Inabot ko ito at ngumiti pabalik. Dinagdagan ko ng pagtataka nang humantong kay Charlie. "Anong photo album?"

"Iyong sa acquaintance party."

"Ah! Iyong embalsamador ka ni Angelov?" panunukso ko.

Naghalakhakan kami. Nilapag namin ang mga gamit sa gilid ng kanilang sette at naupo. Si Charlie ay nasa one seater sa harap namin.

"Brianna? Siguro ikaw ang nanligaw kay Charlie, noh? Torpe kasi iyan, e."

Kunwari siyang nag-isip at tumango. "Parang ganon na nga."

"I knew it!" Humiyaw ako at tumawa at parang bully na tinuro si Charlie na pulang-pula. Tinawanan siya ng asawa habang pinahinaan ang volume ng tv 'tsaka tumungo sa kusina.

"Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta kayo rito."

"Makikikain lang kami ng tanghalian kaya huwag ka na masyadong maghanda," biro ko, saglit sinundan ng tingin ang gumagala nilang aso. " 'Tsaka hindi naman ako nag-expect ng banda at red carpet kaya okay lang din."

Tumawa siya. "Ang kapal pa rin talaga ng mukha mo. Hindi ka pa nga nakabayad doon sa binili mong pizza."

" Hala, Charlie! Ilang taon na ang nagdaan! 'Tsaka akala ko ba libre iyon?"

"Walang libre sa isang businessman, Davina." Tinuro niya ang sarili.

So I've heard. Chef ang asawa nito, si Brianna, sa restaurant business niya. It's been successfully up and running for four years at rinig kong maganda ang mga reviews nito. Ani pa niya ay mage-expand sila ng branch sa Manila, CDO at Davao.

"Ang ganda ng asawa mo, a? Sabagay, guwapo ka rin naman kaya bagay kayo." Tinitignan ko si Brianna na naglalapag ng panibagong mga plato at kubyertos sa hapag. Isang archway ang naghihiwalay nito sa sala nila.

I've been here a couple of times at walang pinagbago maliban sa ambience. Maybe it has something to do with having a vibrant wife. Suplada kasi ang stepmother ni Charlie kaya madilim tignan 'tong bahay nila rati. Parang dala niya palagi ang makulimlim na ulap.

"Eh kayo, kailan?" Tango ni Charlie kay Jaxon.

Tumikhimang lalake sa tabi ko. The settee complained as he adjusted himself.

Pinandilatan ko si Charlie. "Magtigil ka."

He chuckled. " Oy, may isa pa palaakong ipakikilala sa 'yo." Luminga siya sa kusina. "Love, gising ba si Chandria?"

Napapangiti talaga ako sa tawagan nila. Never thought Charlie could be this sweet. I mean, he always has a soft heart. I just didn't expect this from him. Pakiramdam ko nilalanggam na ako.

Nilingon ko ang mga yabag. Nakaabang ang mga mata ko sa hagdan nila at ilang segundo lang ay may bumabang bata na nagkakamot ng antok sa mga mata. She's in her white Hello Kitty sando and diapersna. Kasing itim ang buhok nito na naka messy ponytail ang buhok kay Charlie. She got her father's eyes and her mother's complexion.

Gulat akong napabaling kay Charlie. "May anak ka na? Akala ko kinasal ka lang?"

Lumapit sa kanya ang anak at kumandong. Antok itong humilig sa kanyang dibdib. Charlie's protective arms encircled around his daughter's stomache. Inalis nito ang tali sa buhok at sinusuklay-suklay.

"That was three years ago, Vin," aniya. "'Tsaka...nauna ang baby, noh."

Humalakhak ako at hindi napigilang hampasin si Jaxon sa braso. Aliw niya akong nilingon kaya medyo nag-behave ako.

"Kuhang-kuha ang mala-walis mong pilikmata, Cha," puna ko habang tinitigan ang cute niyang anak. Ang taba ng pisngi! Ganon yata siguro kapag bata.Ganyan din kaya kataba pisngi ko noon?

Hinalikan niya ang buhok ng anak. "Kaya nga palagi itong nakapikit, e. Nabibigatan sa pilikmata niya."

Tumawa ako. "Isa lang ba? Hindi kayo bumuo ulit?"

Umakyat ang pula sa buong mukha ng kaibigan ko. Ngumungusong nag-alis ng tingin sa akin. "Tsk, Davina naman..."

"Bakit?" Humagalpak ako. "Pati ba naman sa mga bagay na iyan Charlie natotorpe ka? Come on! May isang anak na nga kayo. E, paano pala siya nabuo?"

Rinig ko ang tawa ni Brianna mula sa kusina. Si Jaxon sa tabi ko ay tahimik ngumingisi. Awang-awa ako kay Charlie na mahihimatay na yata sa pang-aasar ko. My mind suddenly took meto the days when me and Angelov used to tease him.Kami ang mga bully at siya ang inaapi namin.

"Saan na pala papa mo?" bukas ko ng panibagong usapan.

"Nag-migrate na sa Singapore. Binigay sa amin 'tong bahay."

Napatango ako. That's why the flowerbeds outside. His stepmother doesn't like them dahil wala ang mga iyan noon.

Tumayo si Charlie at dinala ang anak niya sa akin. Inupo ko ito sa mga hita ko. She didn't even cry. Inaantok pa nga talaga ito upang balewalain ang mga estrangherong kumakarga sa kanya. The kid smells like lavender powder and strawberry shampoo kaya hindi ko mapigilan ang sariling singhutin siya.

"Chandria, meet your ninang..."

Ngiti kong sinuklian ang inosentang tingin sa akin ng bata. She's not looking at me curiously, mukhang kinikilatis pa niya ako sa bilugan niyang mga mata.One look, walang duda na kay Charlie talaga.

"Sinong nagrepresent sa akin bilang ninang sa binyag?"

Nagpigil ng ngiti si Charlie sabay lihis ng mga mata sa katabi ko. Nakuha ko agad ang tingin na iyon. Gulat kong nilinga si Jaxon na namahinga ang isang braso sa likod ko. Kaya ang dating ay nakaakbay siya sa akin. His other hand rested on his static thigh. Gumagalaw naman ang kabilang hita niya.

"Nasa binyag ka?" Mukhang tanga ko siyang tinanong.

Pinalagutok niya ang kanyang panga. "Sa kasal din."

Nagsalubong ang kilay ko. Kailan pa sila naging close? I feel betrayed.

Naghagikhikan ang dalawa sa naging reaksyon ko. I feel like there's some conspiracy going on within my six years of being away. Duda kong tinitigan ang dalawa na tikom ang mga bibig habang yumuyugyog ang mga balikat. Umigting lang ang pagdududa ko. What's going on?

Nang wala akong makuhang sagot ay pinagmasdan ko na lang si Chandria na curious ang mga kamay sa lace tattoo ko na sumisilip sa aking tattered denim shorts.

"Bagay sa 'yo," ani Jaxon.

Kinuha niya ang isang kamay ni Chandria at pinaglaruan. May lambing niya itong tinawag at nilalanggam na ngiti ang binigay sa bata nang nilingon siya nito.

I missed that smile being regarded to me. Ipagpapalagy ko na lang na para sa akin ang ngiting iyan. Na ako ang dahilan ng katamisan na iyan.

Inusog ko pa si Chandria sa akin. Talagang bagay sa akin ang ganito, Jaxon, kung ikaw ang ama!

"Talaga?"

Napaso sa init ang tila sinusunog kong mukha. Sa kaliit-liitang mga balahibo na hindi pa yata tumutubo, ay ramdam ko ang kanilang paninindig. Binaon ko ang aking mukha sa buhok ni Chandria sa kahihiyan.

Shit! Narinig niya iyon?

Rinig ko ang tawa niya sa gilid ko. Papalapit na tawa.Mariin akong napapikit at hiniling na mawala muna ako ng ilang araw. Sweat began to impregnate due to my absolute embarassement!

Nakikipagkarera na ako sa pagtigidig ng puso ko nang umangal ang sofa sa kanyang paglapit. Halos sukuan na ako ng baga ko sa pagihip ng mainit niyang hininga sa aking tenga.

"Ako rin, " bulong niya. Shivers ran down my spine. "Bagay sa akin kung ikaw ang ina..."

Tang-ina. I can't breath!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro