FIFTY EIGHT
Hinila ako ng kamalayan sa naramdamang mga pagdampi sa labi ko. Magaan, malambot at paulit-ulit. Binilang ko ang agwat kung kailan ito dumadampi ulit. One, two, three seconds, then he kisses again and repeats.
Hinawi niya ang tumatakip na mga hibla ng buhok sa aking mukha. Muli siya humalik at pinatagal. He slightly bit my lower lip before nibbling it like a chewing candy.
Nagtataka akong nagmulat. Kinurap ko ang mga mata upang alisin ang panlalabo hanggang sa luminaw sa paningin ko si Jaxon.
Antok siyang ngumiti. "You're alive."
I was slightly confused seeing how his face morphed into relief. Para bang kanina pa siya nagaantabay na maggising ako. Dinamdam pa yata niya ang mga nalaman. I couldn't blame him. It even took almost a year before it sank in to me that I was within an inch of my own life.
I noticed he's sans shirt and only in his boxers. Nagmukha akong manyak na walang hiyang pinasidahan ang kabuuan niya. He looks better without clothes. Naku Davina, umagang-umaga!
Kinamot niya ang kanyang dibdib at nakita ko ang pamumula niyon. His face descended, pushing himself for another kiss. Mabilis kong inatras ang aking ulo at tinakpan ang bibig. Umiling ako.
"What?" Mukha siyang nairita.
Muli akong umiling. Dali kong nilisan ang kama at tinakbo ang banyo upang makapaghilamos at sipilyo. I could never imagine the horror of my morning breath! Si Woodrow nga ay hindi ako nilalapitan.
Pinagimpake ako ni Jax kagabi at dito ako dinala sa condo niya. Kaunti lang ang dinala ko. Just toiletries, some clothes at ang laptop. Bawal ang pets kaya naiwan si Woodrow sa shop.
Hindi ko masabi kung ilang araw akong mananatili. Gusto niya raw kasing ako ang madadatnan niya sa kanyang pag-uwi. Nairapan ko siya nang sinabi niya iyon, yet deep inside, ginusto ko rin iyon.
Humiga siya nang maayos nang bumalik ako sa kama. Gumapang ako sa ibabaw niya at doon pinagpatuloy ang pagtulog ko. He felt so warm and comfortable against me I might consider his body as my new bed.
"I have plans of locking us up in my room for the entire lifetime," garalgal ang boses niyang sabi.
Sinuot niya ang kamay sa ilalim ng tank top ko at hinaplos ang aking likod. My stomach clenched at his whispery kind of touch. He kissed the top of my head.
Pinagpatong ko ang mga kamay sa kanyang dibdib at nilagay roon ang aking baba. Tinignan ko siya. "Anong gagawin natin?"
Dinungaw niya ako. Makahulugan siyang ngumisi. "Tinatanong pa ba iyan, Vin?"
Hinampas ko siya sa braso. Naanod ako sa pagtaas baba ng dibdib niya habang humahalakhak.
"We both have a job, Jaxon," namomroblema kong sabi. "We got bills to pay. Kung hindi tayo lalabas dito at magtrabaho upang magkapera, ano na lang ang ipapakain ko sa mga anak natin?"
Naging panggatong ang sinabi ko sa kanyang kaaliwan. He cradled my head in one arm ang bury it in his chest. Dumikit pa rin doon ang pabango niya na mula pa kahapon.
Ang pagbibiro ko sa mga ganitong bagay ay iyon pa mimso ang nagtulak sa aking tanawin ang hinaharap. Me with babies, and Jaxon as the father. Parang ang hirap paniwalaan. I couldn't at the least foresee myself as a mother maybe because of what I'd been through with my own. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi ko na iyon gugustuhin. Siguro lang, hindi ako magiging handa. But aren't we all not prepared for these kind of things?
If that time would come, I don't want to swear but I'll do my best as I could to be a good mother. Ano pa't naging si Jaxon ang ama kung hindi rin ako magiging katulad niyang ehemplo? I know Jax would be a good example as a father. So I should be a good example as a mother, even when I wasn't being a good example as a child.
"We should be ready by five thirty. May isusuot ka na ba para mamaya?"
Tinapos ng tanong niya ang pagmumuni-muni ko.
"Anong meron mamaya?" tanong ko.
Hindi ko napigilan ang sarili't hinalikan ang baba niya. Sandali niyang nilagay ang kamay sa likod ng aking ulo bago binalik sa aking likod.
His sleepy eyes morphed into confusion. "Anniversary ng station. Mamayang gabi na iyon," aniya sa tonong tila sinabi na niya ito sa akin noon.
Luminga ako sa ibang direksyon at inalala kung kailan iyon. I couldn't pinpoint exactly when but I was able to remember how he mentioned it.
"I'd be hosting the event," he added, as if saying it was enough to convince me to make up my mind and go with him. "The event tonight would not be just about the commemoration of the freedom of the press. There would be a trade launch , too."
Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. The meaning of the words was too distant to me. That's because I was too focused on his articulation. The way he pronounced the English words was like he was born and raised in the USA.
"Sinong dinala mo sa mga nakaraang taon?" tanong ko pa.
Sa ganitong paraan ay binibigyan ko ng minuto ang sariling magdesisiyon. Si Jaxon lang naman kasi ang kakilala ko roon. He's going to be around with everyone a lot so he would attend to me less. I suck at social functions and I've never been into one.
"I went alone once." Umupo siya at sinandal ang likod sa headboard. He put my arms around his neck and made me straddle him. "That was my first year in the station. The rest, hindi na ako pumunta."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Get out of here, Jaxon. I don't believe you."
"I swear!" natatawa niyang tanggi.
Humigpit ang pulupot ng braso niya sa baywang ko upang ilapit pa ako sa kanya. God! did I just feel his morning wood? Kung gaano man ako kagulat na maramdaman ulit iyon ay hindi ko na pinahalata. But the heat and blush on my cheeks are a dead giveaway.
Humalik siya sa baba ko at pinaglakbay paakyat hanggang narating ang aking labi. "Go with me. Be my date." He said against my lips.
Matindi akong kumapit sa pagpipigil upang huwag ipahalata ang epekto niyon sa akin. Walang emosyon ko siyang tinignan. "Si Kelsey?"
Suminghap ako at muntik nang tumalon paalis sa kandungan niya nang kinapa niya ang aking pwet!
Pinandilatan ko siya at hinampas sa dibdib. "Ilang oras pa lang tayong nagkaayos nangangapa ka na ng pwet!"
His eyes crinkled as he chuckled. Umayon ang ngisi niya sa magulo niyang buhok. Nakaangat ang bangs nang hindi sadya. It looks funny, actually. Mukhang kumakaway ang buhok niya sa akin.
"I'm just checking kung may suot kang napkin. Malayo pa naman ang menstruation week mo but you seem to about lose your temper."
"Si Kelsey, kailan ang menstruation week niya?"
"Oh my God!" Binagsak niya ang noo sa aking balikat. Umiiling siya at nanginig ang balikat. "Seriously? She's not even my ex!" hindi makapaniwala niyang bulalas.
"She's your best friend. I used to be your best friend."
Nag-angat siya at seryoso akong tinignan. "You still are. Hindi ba ako pwedeng magkaroon ng isa pang best friend maliban sa 'yo?"
"Hindi."
Kumulubot ang ilong niyang ngumisi. "Tapos ikaw pwede? Angelov, Charlie...dalawa nga sila, Vin."
"Si Tori lang best friend ko. Babae siya. Charlie and Angelov are my brothers. Not by blood, though. Ikaw, sinong best friend mong lalake? Wala."
He didn't respond. Bahagyang gumalaw ang kanyang kilay, tila nagdadalawang isip na magdikit. He's as if checking the changes that my face has gone through over the years.
"At dinala mo pa siya sa kasal ni Charlie. Sa binyag din ba? Do you have pictures together holding baby Chandria? How sweet," sarkastiko kong sabi sabay irap. An obvious contrast against how I anchored my arms around his neck.
He just regarded me a look without revealing a single thought. Doon ko pa namalayan na nadulas ako. But his no reaction didn't allow for the panic to come about. Hindi man lang kasi siya nagulat na alam ko ang tungkol sa bagay na iyon.
Inalsa niya ako paalis sa kandungan niya at tumayo. He walked towards the large cabinet where he keeps his clothes. Umingit iyon nang binuksan niya. May narinig akong pagbubukas ng zipper at paghahalughog.
I got the free pass into checking out his bare back muscles. Ngayong wala siyang damit ay nakikita ko ang pagbabago sa kulay ng kanyang balat. He used to be lighter before than his skin complexionnow. Siguro dahil malimit siyang nasa field sa mga documentaries niya at mga paglalakwatsa. He's a bit tan now and more toned. Mas lumaki ang kanyang katawan.
Seeing him naked would probably be the death of me.
Muling umingit ang hardwood cabinet at mahinang kumalabog pagkasara. Naglakad pabalik si Jaxon sa kama dala ang DSLR.
Isang braso lang ang inikid niya sa baywang ko't pinaupo ako patalikod sa gitna ng mga hita niya. Ganon na ba talaga ako kagaan o sadyang malakas lang talaga siya?
Sumuong ang mga kamay niya sa pagitan ng baywang at braso ko. Sa harap namin, binuhay niya ang camera at nag-scroll. Huminto ito sa mga litrato nina Kelsey. Pinakita niya sa akin ang pag-delete niya sa mga pictures nila.
I don't know what to feel as I watched him pressed 'ok' to delete. He made me scroll the pictures again to see na wala nang natira niisang picture nilang dalawa.
Binaba ko ang camera at ngumuso.
"Kung hindi ko pa nalaman hindi mo naman iyan ide-delete, e."
Halos pagtawanan ko ang saril sa parang bata kong asal.
He didn't do so much as chuckle. Binaba niya ang strap ng tank top ko at hinalikan ang aking balikat. Wala akong nagawa upang pababain ang pagtindig ng aking balahibo.
" 'Tsaka malay ko ba, baka may kopya ka pala ng mga pictures niyo sa laptop mo o sa usb," patuloy ko.
Humigpit ang yakap niya at inuugoy kami. Sa sobrang piga ng yakap ay naiipit na ang boobs ko ng braso niya. Balewala ang sakit kung leeg ko na ang hinahalikan. I felt the tip of his tongue tickled my skin.
"You don't kiss your best friend in the neck." I'm such a hypocrite saying that. Inanggulo ko ang aking ulo sa kabilang direksyon upang bigyan pa ng espasyo ang kanyang mukha.
"You had let other guys kiss you here..." he whispered, and did it again with an open mouth kiss. His nose painstakingly traced its way up to my ears and tugged it with his tongue before a slight bite with his teeth.
Sinuntok ako ng panginginig sa kalamnan sa ginawa niya. I released a pent-up breath. Kumapit akong mabuti sa kanyang mga kamay.
"You're not an 'other guy', Jaxon." It took a lot of air for me to speak.
"Then let me be an 'other guy'. Forget I'm Jaxon. I'm going to be your stranger tonight. Be my date, Ms. Claravel."
His hand is now tugging at his favorite toy. My belly piercing. Inaamoy niya ang leeg ko at dinadampian ng halik, pabalik-balik roon at sa aking balikat.
Bumuntong hininga muli ako at nilunod ang sarili sa kanya.
"Anong iisipin ng mga tao na ako ang dinala mo?" satinig ko sa iniisip. At kailangan ba talaga may date? I don't think so. He could go alone.
"Who cares what they think? Hindi naman ako artista para pagkaguluhan nila."
"Pero sikat ka."
Ang pagsasalita ay dinaan niya sa pagdikit pa ng likod ko sa harap niya. His morning wood is really distracting me. Sa tingin ko'y alam niyang nahahalata ko na.
"I don't really think about it, Vin," he said while playing with my piercing. "I'm not signing up my life for fame. So I don't let the attention get into my head. 'Tsaka, iisipin ko pa bang sikat ako kung pinupuno mo naman ang isip ko? Wala ng lugar sa utak ko upang magisip pa ng iba bagay kung 'di ikaw lang, Davina."
Walang hiya akong tumawa at napatingala. Sinamantala iyon ni Jaxon upang mas humalik pa sa aking leeg at doon tumawa.
Hirap akong huminga sa higpit ng mga braso niya sa aking tiyan kaya bumitaw ako at tumayo.
"Bwiset ka, Jaxon. Isang hirit mo pa, pakakasalan na kita," sabi ko habang lumalayo sa kama.
Tumili ako nang bigla niya akong hinila pahiga at pinagkikiliti. I squirmed and kicked my legs ngunit ako ang nakapagitna sa kanyang mga hita kaya hindi ko siya matamaan. He buried his face into my neck and laugh right there again. Humahalik siya roon habang humahalakhak.
Inangat niya ang tank top ko at bumaba roon ang kanyang mukha. He made a farting noise on my stomach kaya mas lalo akong nakiliti at halos kapusin na nang hangin sa pagtawa.
"Jaxon!" sigaw at tawa ko. Hinihila ko ang ulo niya paalis. I tried not to kick too violently to avoid hurting him.
Napansin na niya ang pamumula ko kaya huminto siya. He crawled and nuzzled his face into my neck again. Naramdaman ko ang pawis niya sa mukha. Pati ako'y pinagpapawisan na rin. Kapwa kami hinihingal.
Tumunog ang aking cellphone na nasa bedside table. Si Jax ang kumuha at binigay sa akin saka siya bumalik sa kanyang posisiyon.
"It's Charlie," he murmured.
Pinindot ko ang loudspeaker since pinindot na ni Jax ang accept call. Nilapit ko ang phone sa aking bibig.
"Charliemagno," bungad ko. Pinunasan ko ang kumiliting pawis sa aking sentido.
"Davina! Nasan na ang iyong susi sa tattoo parlor?" He sounded stressed. Tahol ng aso nila ang ingay sa background at tawa ni Chandria.
Napairap ako sa hangin at bahagyang natawa. "Nasa panty mo, Cha! Ano ba naman...hanggang ngayon makakalimutin ka pa rin? Anak pa ang meron ka Charlie, wala ka pang apo."
Gumapang ang kamay ni Jaxon at pinisil ang boobs ko. Agad kong inalis iyon. Humahagikhik siya sa aking leeg.
"Saan ko ba nilagay iyon..." Charlie's talking to himself.
"Anong jeans sinuot mo noong nagpunta kami diyan? Naalala kong binulsa mo lang ang susi pagkabalik ko niyon sa 'yo."
Napaigtad ako nang muling pinisil ni Jaxon ang aking dibdib. Tighter this time! Kinuha ko ang kamay niya at kinagat. His hand needs a lesson!
"Aray!" Napalakas ang boses niya.
Kanyang tinukod ang sarili sa isang braso upang madungaw ako. He looked at his bitten hand like I've just chopped it then back to my face. Hindi ko alam kung naiinis siya o natatawa.
Hinila ko ang aking ulo at hinalikan siya sa labi. Lumambot ang kanyang ekspresyon.
"Sige, iche-check ko sa jeans ko. Sorry sa abala," ani Charlie.
Bago pa ako makasagot ay natapos na ang tawag.
Hindi agad ako bumangon. Tinitignan ko pa ang mga emails ko at binasa. Nakaupo na si Jaxon sa dulo ng kama at tinitignan rin marahil ang mga mensahe niya sa phone. Narinig ko kasing tumunog iyon kanina nang kausap ko si Charlie.
Nang makitang nilapag na niya ito pabalik sa mesa ay bumangon ako at sumakay sa likod niya. Tumawa siya at hinawakan ang aking mga binti upang ipirmi sa kanyang baywang. I piggyback ride on him on our way down to the dining kung saan may nakahanda ng agahan.
Umalis si Jaxon ng tanghali. He's out supervising the last minute preparations for tonight's event in the station building. Sa condo ako buong magdamag at tinatapos ang mga naiwang trabaho. Tumatanggap na ulit ako ng mga projects. This goes to say that I'd be quite busy for the whole month.
I wonder if I'll meet his mother tonight. We left a not so good impression in each other's books the last time we met. Tatanggapin na kaya niya ako para sa anak niya? Magiging sapat na kaya itong nakamit ko para sa naabot ni Jax o kailangan ko pa bang pantayan?
Yet, no matter what the verdict is, I won't let the disapproval get in the way anymore. I had let that pass through my weak and thin defenses just one time. Isa o dalawa lang naman siguro silang aayaw sa amin. Ilan ba kaming pabor? Hindi lang ako at si Jaxon.
I picked the midnight blue bodycon dress that cuts above the knee as five thirty striked. Ito lang ang nadala kong angkop sa mga ganitong events. Hindi ko lang alam kung papabor rito si Jaxon dahil sa napaka-deep nitong neckline. Although long sleeves naman siya so I think he would give this a nod.
Saktong dumating siya at nadatnan akong kinukurba ang labi ko ng matte lipstick sa harap ng salamin. He stepped backwards as if seeing me knocked the air out of him. His brows met in utter disapproval.
"Can you wear a tube?"
Sumulyap siya sa aking dibdib saka binalik muli sa aking mukha. Parang ang dami na niyang iniutos sa akin sa paraan ng pagkakatitig niya at sa pagtitiim ng kanyang bagang.
Inikutan ko siya ng mata at inipit ang labi. I released them with a pop.
"That would defeat the whole purpose of the dress, Jaxon. Parang sinasabi ko na rin sa 'yo na huwag magsuot ng button down shirt sa ilalim ng vest suit at necktie mo."
That would make him stride in the grounds of the station building in just his slacks, neck tie, and nothing more.
Suko siyang bumuntong hininga at kinalaykay ng mga daliri ang buhok. Lumundag siya sa kama nang maupo. He looked so defeated.
Pikit siyang umiling. Nang dumilat ay mukha siyang problemado.
"Can you at least cover...your..." Bahagya niya akong tinuro. Why can't he complete his sentence properly? Cover my what?
Sinapo ko ang aking dibdib at hinarap siya. "This isn't even that big, Jaxon, kaya walang maa-attract sa dibdib ko."
"But I still have to be near around you all the time. Mahirap na. I just found out that this popular actor is going to attend the event tonight. Alone." He almost gritted his teeth as if he loathed that actor's attendance.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "My God! You're the sexiest man alive! Bakit pa ako sasama sa iba?"
Sa bigat ng tawa niya ay hiniga siya nito sa kama. Tinatakpan niya ang namumulang mukha. Hindi ko alam kung ilang minuto iyon nagtagal at hinayaan ko lang siya. Ilang sandali ang lumipas saka siya kumilos at nagbihis na.
Binuksan niya ang isang pinto ng cabinet na hindi kinabitan ng salamin. May kinuha siya roong itim na paperbag na may mamahaling tatak. He pulled out a large black box and opened it.
I wasn't at all surprised but I was worried instead. Two teardrop shaped diamond earrings winked at me. Umawang ang bibig kong tinitigan ang mga iyon.
Siya na mismo ang nagkabit at wala akong imik sa buong magdamag. I couldn't utter a single thank you because I think I should say something more than a simple gratitude.
Hinawakan niya ang mga balikat ko at dinala ako sa harap ng salamin. Nasa likod ko siya at nakangiti akong tinitignan. Without minding the worry on my face.
"Jaxon...I might lose them. They're expensive—"
"Shh...I bought them for you, Vinnie. Bawal tanggihan." Nilagay niya ang buntot kong buhok sa isang bahagi ng aking balikat. Bumagay lang ang high ponytail sa suot ko at lalo na ang mga hikaw.
"Thank you..." bulong ko. It's not that I find it hard to say this, I just couldn't breathe properly enough to be able to say something.
Sinubukan niyang takpan ang dibdib ko sa pagdikit ng dalawang dulo ng neckline.
"Hindi nga natatakpan iyan!" Natatawa kong tinampal ang kamay niya. "That's for their eyes only."
His hands snaked down on my waist. He gripped on them possessively earning a gasp from me.
"But not for MY eyes only." He winked.
Nanlalamig ang mga kamay ko nang bumagal ang sasakyan sa harap ng station building. Maliwanag ang grounds and that was being highlighted by the Chandelier and the lights encircled on the hand rails of the grand staircase. Sa tingin ko'y malalaking tao ang mga natatanaw ko ngayon dito. The executives, for sure.
"Sinong pumalit sa 'yo sa night shift reporting?" tanong ko kay JAxon, sinusubukang pawiin ang kaba sa pakikipag-usap. Ewan ko kung saan galing itong kaba. I won't even have to do anything but stand beside Jaxon and be his accessory.
"A friend of mine. He's the one who always attends while I do the live news. I ask for a trade this year."
"Bakit?"
Makahulugan siyang ngumiti sa akin. "Dahil may date na ako."
Mahina ko siyang hinampas sa braso. Pagkababa namin ay mahigpit ang kapit ko sa kanya na tila bibitayin na ako mamaya. He put an assured hand on top of my hand that held him tight. With that, I'm relieved and I smiled at the cameras with him.
The ballroom hall is elegantly dark filled with round tables draped with white cloth. The illuminted swan figure centerpiece made the tables look pink. May malaking espasyo sa gitna para siguro sa mga pagtatanghal mamaya. Sa taas nito ay ang engrandeng chandelier. Habang ang maliit na entablado ay para sa mga tatanggap ng award at speeches.
Natatanaw ko roon ang ilang kopya ng kanyang photo book. Kasama nito ang ilang mga libro na akda ang mga kasamahan niya na nais ring maibahagi ang kasulatan sa gabing ito.
"Finally, Jax!"
Sabay naming nilingon ang masiglang bumati kay Jaxon. A man in...I don't know what color his polo exudes dahil sa medyo madilim. I take it that it's close to dark red.
"Hey, Sweet." Jax shook his hand. Is that his name, or...did they have a past or something? Parang ayaw kong isipin.
Tumalbog ang tanging kulay blonde niyang buhok habang kinakamayan si Jaxon. The rest of his hair is black. Nang bumaling sa akin ay pumailanlan ang supresa sa kanya sabay pasida sa akin. His clean jaw dropped to the floor.
Gulat niyang nilingon si Jaxon pabalik. "Wala na kayo ni Kelsey?"
Biningi ako ng kaba pagkatapos niyang itanong ito. Mas lalo lang akong nanlamig.
Humigpit ang hawak ni JAx sa kamay ko kasabay ang mahina niyang tawa. "Me and Kelsey were never an item, Sweet. She's just a good friend of mine. Who I have right here..." nilingon niya ako, "is my girlfriend."
Hinakot na ni Sweet ang lahat ng hangin sa eksaherado niyang pagsinghap. Nasabayan ko na sana siya kung hindi ko lang nilihim ang sariling reaksyon ng surpresa. But damn it! I was outright surprised, too!
"O-oh I'm so sorry for the write-ups I wrote about the two of you." Nanginig ang boses niya. Sweet looked at me apologetically. "But nice meeting you..."
"Davina Claravel," sabi ko.
"Oh, Davina." He looked at Jaxon again. "Pang-model ang pangalan. Wala ka man lang sinabi, Jax. Pwede natin siyang ipasok sa showbz. May pa-audition ngayon sa isang bagong teleserye. Or perhaps, she can do commercials." Mapanuri niya pa akong pinasidahan. "A beer commercial. I bet all my money na papasa siya sa screening pa lang. Kita mo naman, ang liit ng baywang. That looks 24 to me."
Oh my God. Inawat ko ang sariling mag-face palm sa harap niya habang sinusukat niya ang baywang ko sa kanyang mga mata lang!
"Men fantasizing about my woman doesn't sit well to me, Sweet. So no, I'm sorry," ani Jaxon.
Sweet's face dissolved into disappointment. May kaunting pag-intindi rin doon.
"Hmm...Fine. But if you change your mind, just give me a ring. I have a lot of connections. Ang mga tulad niya ang masarap gawing artista. Hindi retokada."
Ayaw ko mang isipin ngunit mukhang nagpaparinig siya sa ibang mga narito dahilan upang lingunin kami ng mga nakarinig sa kanya. Pisngi ko ang uminit sa mga matang nakatuon sa amin.
Umalis na si Sweet at may iinterviewhin pa raw itong artista. Nagtinginan kami ni Jaxon at nagtawanan. That was really unexpected.
Jaxon introduced me to more personalities at sa mga kasamahan niya sa media na kasama namin sa iisang table ngayon. Not being involved in a serious relationship for the longest time, being called a girlfriend still sounds foreign to me. Tila kanta ito na matagal ko nang hindi naririnig at sa muling pagdaan ng tono sa tenga ko, ay alam kong nagustuhan ko ito noon at muling nagugustuhan ngayon.
Luminga pa ako upang tignan ang ilang mga nandito nang may mahagip na pamilyar. It's Jaxon's mother. She's sharing a laugh to one of the big bosses of the station.
Nilapit ko ang bibig kay Jaxon at nagtanong, "Does you mother know I'm here?"
Sandali niya akong tinitigan bago ako sinagot. "We've talked. She owned up to her mistake."
Maginhawa akong huminga. That should be enough for now. Acceptance takes a while and shouldn't be demanded by the one who needs it. Gusto kong matanggap ako ng buo ang loob at hindi napipilitan lang.
Thirty minutes and the event started. Jaxon's on stage hosting the event and introduced his mother na magbibigay umano ng opening remarks. Sumali ako sa palakpakan. I still have my respect to the woman in spite of what happened in the past.
Mrs. Montero mentioned about the station's success over the years under the reign of the new administration. Nalaman kong apat na taon na siyang nanungkulan bilang vice-president ng kompanya. Ang sumunod na nagbigay ng talumpati ay ang pinakamay-ari ng station.
Pagkatapos ng masigarbong palakpakan ay ang pag-anunsiyo ng dinner. People started gathering around for the food. Nakikipagtawanan si Jax sa mga kakilalang celebrities na dumalo ngayon. I even took a picture of him and this handsome actor who could equally compete to a Grecian god! I love Jaxon but, ang hirap hindi mahumaling sa isang 'to.
"I hope he's not gay," komento ko nang makaalis siya at tinungo ang isa sa mga big bosses. I could see from here that he's a favorite. Pinagkaguluhan siya ng mga VIP's doon.
Tumawa si Jaxon sa tenga ko. "He's a good friend of mine so I swear, he's not."
May nag-flash na camera sa amin ni JAxon. I don't have to wonder if that intimate position of us was being captured.
May mga babaeng artista rin nagpa-picture kay Jax. Ang isa'y nagtawag pa ng mga kaibigan. Sa tingin ko nga ay ginusto niya rin dahil ang laki ng ngiti, e. The actress is beautiful as well as sexy. Hindi na kailangan i-contour ang dibdib.
Now I wonder kung isa rin ba siya sa mga pinariringgan ni Sweet kanina na retokada.
"Kuha lang ako ng drinks," ani ko nang makabalik na kami sa table. Hawig ang mga putahe na nilagay ni Jax sa mga plato namin.
I went to the cocktail area. Nasa likod ako ng isang teen star at hinihintay siyang kumuha ng drinks saka ako sumunod. Kausap niya ang kaibigang artista rin na ayaw kumuha ng softdrinks dahil nagda-diet ito.
Isang beses kong sinalinan ang aking baso at uminom bago nagsalin muli upang dalhin sa aming table.
"Your first time in Manila?"
That familiar voice that drips sarcasm and loath put a frown in my face. Humulma na ang pagtataka sa mukha ko bago ko pa siya nilingon.
It's quite a surprise to see Gwyneth. She did less damage to me but she's one of those people who undeniably affected me.
Her hair's styled in short bob which compliments her small heart-shaped face and sharpened her already high cheekbones. A white strapless sweetheart neckline made me noticed the changes. She slenderized with a vengeance making me secretely admit that she belonged to the clique of these beautiful actresses and models here.
Her shameless collar bones didn't quite make her freckles an embarrasement. She made them look like an asset.
She still has that loath in her eyes everytime they cut into mine. Hanggang ngayon hindi pa pala tapos ang inis niya sa akin? What did I even do to her besides throw a rock on her car?
Her loath begets loath. Kaya gustuhin ko mang magpakabait ngayong gabi, if she's going to pull the trigger then I have no choice but to fire back. She had the last laugh years ago. I'll make sure this time that it's going to be mine.
"I've been in New York so...yeah, it's my first in Manila." Matamis ko siyang ningitian.
Her smirk instantly dropped. "What?"
"You heard me. Nabingi ka na rin ba ngayon, Gwyneth?"
Malaki ang awang ng kanyang bibig. Nagpakawala siya ng hindi makapaniwalang tawa.
"You're trolling me, right? Hanggang ngayon ba naman social climber ka pa rin? Nagbibihis mayaman para lang makahalubilo ang mga tulad namin?"
"Bakit pa ako magbibihis mayaman kung mukha naman akong mayaman?" I quipped.
Kulang na lang umusok ang ilong niya sa tindi ng galit na pinapakita niya sa akin. Why is this woman so bitter about me? Kasi ako, wala na akong maramdamang kahit ano laban sa kanya. Kahit inis.
I guess six years was enough for whatever negative feeling that used to breed within heal like it's never been there. Gusto ko na lang siyang pagtawanan ngayon at paglaruan ang galit niya na hindi lang nagbunga kung 'di nanganak na rin yata ng buto diyan sa damdamin niya.
God! She could build a garden in her backyard and grow flowers that she would name after her. 'Gwyneth', a flower that symbolizes passionate hate.
"Tita has already warned you before. Stay.Away.From. Jaxon." She tightly pressed every single word.
Binalikan ko ang pagsalin ng cocktail juice.
"I'm his date tonight." Nagkibit ako at "Just saying."
Wala na akong kailangan pang sabihin sa kanya. All this time, akala ko magbabago siya so I expected a reconciliation between us.
Umalis na ako dala ang mga baso ngunit hindi pa ako nakakalayo ay marahas na niyang pinigilan ang aking braso. Muntik ko pang masabuyan ang dumaang personalidad.
Inangat niya ang kamay at pinakita ang kumikislap na diamond ring. "See this?"
Jaxon has never mentioned Gwyneth to me so I was thinking that she was completely being kicked out in his life. Though I am confused regarding her presence tonight. Nurse pa ba siya hanggang ngayon?
I didn't allow the deep confusion to drown me by thinking about her in Jax's life. Kung may sila pa, sasabihin sa akin ni Jaxon. Ipapaalam niya sa akin kahit anupaman basta't tungkol sa kanila.
But he didn't. He never even breathe a word of her name! He's still stone-cold in love with me and I believe him as much as he does believe me. He never cheats.
So Gwyneth, what a load of bullcrap. Ewan ko kung saang pawnshop niya kinuha ang singsing na iyan. It's a real diamond yes, but I don't think that's from Jaxon. Kung may ibibigay man siya kay Gwyn, aba'y hindi singsing iyon!
"Yeah, I see that," I regarded perfunctorily. "So? Hindi naman ako maiinggit sa isang singsing lang. I have my own set of diamond studs and piercings, my friend."
Tinapik ko ang aking stud sa ilong. Hinawakan ko ang nakasabit na hikaw na sinuot sa akin ni JAxon.
Dumoble lang ang galit niya sa pinakita ko. Luminga ako sa aming table at nakitang naroon na si JAxon at nakatanaw rito, tila inaalam pa kung sino ang aking kausap.
Attention's not on us yet. Ewan ko na lang mamaya.
"We bring the best out of each other. I am for him, and he is for me!" Mariin ang determinasyon sa tinig niya.
"How about the worst, Gwyneth? Kung dumating man ang panahon na hindi na si Jaxon ang klase ng lalakeng pinapangarap mo, kung wala na sa kanya lahat ng gusto mo sa isang lalake. Will you still accept him when he's not the best anymore?"
My question knocked the air out of her. Hindi siya agad nakasagot. Nalusaw ang galit at pumailanlang ang gulat. My words did a strike to her, I see.
She quickly schooled her face back to her imperious composure. Ningitian niya ang dumaang babae na nakita ko sa isang tv commercial bago muling binaling sa akin ang mapagmataas niyang mukha.
"Naaawa lang siya sa 'yo, Davina."
I guess wala na siyang ibang masabi so this statement didn't do so much as perturbed me. Is that all you got Gwyneth?
"He shouldn't have ended things with you kung awa lang ang naramdaman niya sa akin. Hindi lang isang taon ang lumipas, Gywn. But still, here we are. We're back together. Ikaw? Naghahabol ka pa rin? Don't you think you're being pathetic? Don't you care about your reputation anymore?"
"I'm sure nilandi mo siya!" bulalas niya na nagpaani na nang attention. "And he's a man kaya nadala siya sa panlalandi mo!"
Patuya ko siyang ningisihan. "No. That's not the case, Gwyn. Nilandi namin ang isa't isa."
Lamig ang bumalot sa pagsaboy ni Gwyneth ng juice sa aking dibdib. My skin quivered as the cold liquid with ice cubes travelled down to my stomache. Natigil ang ilan sa nakasaksi.
Umigting ang panga ko. Lamig rin ang ginawad kong reaksyon sa kanya.
"Very mature, Gwyneth. Very mature..." tumatango tango kong sabi. "Sa tingin mo ako ang mapapahiya sa ginawa mo?"
"Vin!"
Bago pa ako makalingon ay napulupot na ni Jax ang braso niya sa aking baywang. His angry face instantly directed at Gwyn, then down to the glass she's holding and to my dress.
Hindi ako nagkakamali sa nakikitang pamimilipit ni Gwyneth sa kung paano siya tignan Jaxon. Weird. It's his ex that used to pursue her for four consistent years and is now looking at her with dark disdain and sheer hatred.
"Please leave the venue before I drag you out myself. I fucking swear to God, Gwyneth."
Pati ako'y kinabahan sa tono ni Jaxon. Hinawakan ko ang braso niya sa pagsubok na pigilan siya sa maaaring gawin. His deep voice is omen.
"Jax—"
" Just leave Gwyn." He cut her off in the same cold and dark tone. "I'm not gonna say please. I'm ordering you to leave."
Natigil ang masayang musika at pinalitan ng bulungan ng mga tao. I could see Jaxon's mother approaching our direction. Nagtataka na ito sa nangyari.
"What's happening?" She looked at her son then at me. Agad bumaba ang mga mata niya sa basa kong dibdib saka binalingan si Gwyneth at ang baso niyang sumasama sa panginginig ng kanyang kamay.
"Gwyneth?"
A formal looking man with smart eyes and very neat hair styled in back swept quiff placed himself beside her. I noticed the way he held Gwyn's waist. Confusion ate me.
"Mr. Bojorquez," ani Jaxon. "Please assist your wife on her way out of the venue premises."
Hindi ko naitago ang singhap. Wife? She's married? That's why the diamond ring!
"Jaxon..."
Papahikbi na si Gwyneth sa harap namin at katabi pa ang asawa niya. I could see the regret, longing and sadness as she looked at Jaxon. Nanginig ang basa na nitong bibig sa pagpatak ng kanyang luha. Her mascara stained her cheeks. The veneer composure that I secretely admired from her has cracked.
Totoong mahal nito si Jaxon kaya galit siya sa akin. But why did she marry another man?
Hinila na siya ng lalake at bago ko pa makita ang kanilang pag-alis ay hinila na rin ako ni Jax. Nahawi ang mga taong naguumpukan nang dumaan kami.
Pinasok niya ako sa ladies' restroom at sinandal sa pinto pagkatapos itong i-lock. Humila siya ng ilang piraso ng tissue sa gilid at pinunas sa nabasa kong damit at dibdib.
"Tunaw na ang contour ko," ani ko habang pinupunasan niya ito. "Kung nag-tube pa ako, e 'di namantsa na iyon. See? May naitulong ang deep neckline."
Tipid siyang ngumiti at agad ring nawaglit. His face is unreadable now and I don't see what's the problem.
"Why does she still hate me, Jax? And...she's married?" Hindi pa rin ako makapaniwala. The hate she showed towards me never made me assume about it. Even the ring didn't clue me in.
Dinala niya ako sa sink at binasa roon ang tissue. Piniga niya ito at ipinahid sa nabasang bahagi ng aking damit. The stain is hard to decipher against the dark color of my dress kaya hindi ito kahiya-hiyang tignan.
"She's still entrenched into maintaining her reputation and image as a good daughter. So she allowed herself to get involved in an arranged marriage to the actor slash young politician." Nag-angat siya ng tingin habang pinapahiran pa rin ang aking damit. "The man you just saw earlier."
Tumango ako habang inalala ang lalake kanina. Mr. Bojorquez, is it?
"But what did I do to deserve her hate? Hindi naman ako ang nag-arrange ng kasal nila."
Tumawa si Jaxon doon. "She hates you because she's not in your position."
"My position?"
Tumigil siya sa ginagawa at tinitigan ako. "Your position of being mine."
Whoah. I didn't expect him to say that.
"So, she still wants you," I concluded.
Nagkibit balikat siya at tinapon na ang mga nagamit na tissue sa trash can na nasa gilid ng sink. Naghugas siya ng kamay habang nakatingin sa akin sa salamin. Sa nakataas niyang buhok ay may nalaglag na hibla sa kanyang noo.
Sa tagal ng titigan namin ay may mga naiisip akong tanong.
"Bakit hindi mo ako niligawan, Jaxon?"
Umingit ang gripo nang pinatay niya ito pagkatapos maghugas. Tinapat niya ang kamay sa hand dryer. Tumunog iyon. Ilang sandali siyang hindi nagsalita.
"I courted girls but they didn't even end up with me. Parang may sumpa kasi. You know what I mean?" Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay.
Umiling ako.
Kapwa kami nakasandal sa sink. Hinawakan niya ako sa baywang at hinila palapit sa kanya. Sa init ni Jaxon, mabilis natuyo ang damit ko.
"Wala akong minahal sa mga babaeng niligawan ko. I didn't court you, but you're the one who remained constant to me. At kung liligawan kita...I was just thinking na matutulad ka sa kanila. Mga nauwi lang sa pagkakagusto." Kumislap ang mga mata niya sa paraang ikinakabog ng husto ng puso ko. I drowned into him. "I don't want to just 'like' you, Vinnie."
Tumawa ako. "Naniniwala ka sa sumpa, Jax?"
"No...but—I mean, I just don't want to take the risk. Kaya hindi kita liligawan, no. You're mine from the first place." Nagtaas baba siya ng kilay at matamis na ngumiti.
Muli akong tumawa at binaon ang ulo ko sa dibdib niya. I just find it ridiculous to hear such sweet words in an unromantic place like the ladies restroom. How unconventional.
Kinuha na niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Sa pagbukas ni Jax ng pinto ay nasurpresa akong makita si papa na nakaabang sa labas.
"Papa!"
"Dad?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro