FIFTY
"A week? And a thirty-page photo book with articles on it? Huwag mo na lang siyang pagbayarin diyan, Vin! Ang paghihirap mong gawin iyan sa isang linggo lang ay sapat ng kabayaran kung ano mang atraso mo sa kanya!"
Magulo ang buhok ni Margot sa screen habang nagtatanggal ng make-up. I video-called her pagkarating ko galing sa meeting ko kay Jaxon. Or shall I address him as Mr. Montero now.
I'm waiting for his follow-up email. The last one was an hour ago at tungkol lang sa possible pages ng photo book na didisenyuhan ko. Halos mabaliw ako nang mabasa ang laman ng email. Thirty pages? And that's still tentative! It could alter to more or less than the said number. Kung end of the month niya nais matapos ang design, he better should send his documents within today.
"Kung ganon lang talaga kadali iyon, Marge. Pero...sa lahat ng bagay, pagpapatawad ang mahirap anihin sa isang taong malalim ang inabot ng ugat ng galit," wika ko, tinatanggal ang tali ng aking buhok at pinilig ang ulo ko sabay suklay.
Sandali siyang walang imik. Bumagal ang padaan niya ng bulak sa mestisahin niyang mukha at malalim ang iniisip. Her still lip-glossed lips are shiny and plumpy.
"What are the parts of the Earth?" she asked dumbly. "Nasa pinaka-core na nang mundo ang ugat ng galit niyan, Vin. Magsisimula ng tectonic plate. Gosh! No wonder kung bakit dumadalas na ang lindol!"
Natawa ako sa kaseryosohan ng tono niya at ekspresyon.
Pinatong ko ang aking paa sa L-shaped desk katabi ng Mac at sinandal ang ulo sa pinagsiklop kong kamay. "I can handle."
Nanlaki ang naka-mascara pa niyang mga mata, hindi makapaniwalang umiiling. "But you don't deserve it, hunny D."
"I think I do. Kakayanin ko naman, e. Tatapatan ko ng humor ang galit niya. I'm winning him back, remember? Pero ayaw na yata talaga niya sa 'kin."
The untold emotions locked up behind those eyes, I could somewhat summarize what happened by those expressive eyes alone. That thing never changes. Kaya pa ring makipag-usap ng mga mata niya.
"Sino bang lalakeng tatanggihan ka? Damn! My brother's all set to build an altar for you! Saint Davina Roux of Philippines, pray for us."
Walang buhay akong tumawa. Pinipiga ng utak at emosyon ko ang mga nangyari kanina.
Nilingon ko si Woodrow na hinahabol ang yarn na bigay ni Raven. Inalis ko agad ang mga mata sa kalat na ginawa niya at hinila pabalik sa screen. I feel agitated to talk to someone. Good thing available si Margot.
Naglalagay na siya ng moisturizer. Alam kong pipino sa mata na ang kasunod niyan.
"Wala siyang girlfriend?"
Mas na-depress ako sa kanyang tanong. I thought about Kelsey and his relationship with him. I-search ko kaya sa internet? Jaxon is a public figure now so siguro may mga chismis tungkol sa kanya. Do I have to ask about his popularity status? That would be a rhetorical question.
Pinangunahan ko ng pagkibit ang aking sagot. "Sana wala."
"Hoy! Alamin mo kaya muna!" bulalas ni Margot. "At paano na brother ko? I think he's in love with you," nanghihinayang na wika niya.
Napatingin ako sa cellphone ko. Nag-text siya kanina, nag-aya ng dinner. Hindi ko alam ang ire-reply. Pakiramdam ko bawal na akong magkaroon ng social life dahil sa ultimatum ng pinapagawa ni Mr. Montero. Insert sarcasm here.
"We talked and...I told him na friendship lang. Kung babalik man siyang New York, hindi na ako kasama."
"Hmm...that's why I saw him with a Brazilian model. Naka-tag kasi siya sa Instagram. Patpatin nga lang, hindi kasing ganda at haba ang legs kung ikukumpara sa legs mong kasing haba ng road to forever. But I can't blame him. Maybe he's trying to forget you."
I smirked. "Aren't we all like that? Date somebody to forget someone?"
"Except you!" Dinutdot niya ang screen. "Ikaw na yata ang Mother of Women's Loyalty Club!"
Tumatawa akong tumayo upang pulutin si Woodrow na frustrated nang inaalis ang yarn na bumubugkos sa katawan niya. Dinala ko siya pabalik sa silya habang patuloy sa pagtatalak si Margot.
"...And I'm the Dry Hump Queen. Nolan's the Missionary King..."
Nilapit ko ang mukha ng pusa sa screen na nagpagimbal sa kanya. "You're supposed to be my voice of reason, Margot."
"Nolan is our voice of reason!" Her eyes shot heavenward. "I told you, mas matino pa iyon kesa sa akin."
Tumunog ang cellphone ko sa isang bagong notification. Buti na lang pinalagyan ni papa ang shop ng malakas na wifi connection. It's not that I can't live without it. In fact, I can survive without internet. Kailangan lang talaga sa trabaho.
Lumukso ang puso ko at matagal tinitigan ang screen. I still can't believe that he's a public figure now and...he's emailing me! It feels surreal. Hindi naman ako ganito kapag nakakakita ng artista, and Jaxon's not even an actor! My feelings for him for sure has something to do with this.
"O, nag-email na siya.Magwo-werk werk na ako," sabi ko sabay binaba ang phone.
Lumaki ang ngisi ni Margot. Heck! It could even fill the whole screen. Ipinagtaka ko ang hawak niyang perfume bottle.
"Goodluck. Pagpalain ka ng Diyos, Davina." Natawa ako nang umakto siyang binibendisyunan ako. The craziness of this woman! "Buti na lang pala naging reporter siya noh?"
Pigil ngiti akong nagkunot-noo. "Bakit?"
"So he only breaks news, not hearts!" Sinundan niya ito ng hagalpak na hindi ko napigilang sabayan.
Tumatawa pa rin ako kahit tapos na ang video call. Nauwi din iyon sa pagngiti. Buti na lang talaga ako lang mag-isa rito at pusa lang ang kasama ko. Cats don't judge. Kaya walang magkakamaling pagkamalan akong baliw. Sarili ko lang.
Hindi agad ako nagsimula sa design. Mabilis lang naman ang gagawin kong revamping ng website ng isang fashion boutique mamaya, so it would give me time to research and think of an appropriate design for a photo book.
I went to Google and typed Jaxon's full name. Konektado pa rin naman ito sa trabaho ko. Of course kasi, I have to know about my client so I'm gathering facts about him. Maraming lumalabas na articles and I found out that he's under the name Jax Montero.
Pinakauna ang Wikipedia. But I heard that's not mostly a reliable source kaya nag-scroll down pa ako.
And I can't believe what I saw in one of the headline articles.
"What? Sexiest man!" bulalas ko, hindi naitago ang labis na pagkagulat. Umabot yata hanggang kabilang building ang boses ko.
Inignora ko ang pusa kong tumalon paalis sa aking kandungan. I'm too focused on what's written infront of me. Hindi na ako nag-scroll down pa at pinindot agad ang sexiest man article. My curiosity is taking priority among all things.
Hindi ako mapakali habang naglo-load ang screen. Pinagtatalunan ko pa kung magbabanyo ba muna ako at baka mapa-ihi ako nang wala sa oras sa upuan. Ang ganda pa naman ng carpet ko.
Dumaan ang kuryente sa buo kong katawan. And my heart stopped beating for a second nang magpakita na in all bold capital letters ang headline ng article.
First media member to grace the top spot of this year's sexiest man alive.
Holy shit!
Literal na nalaglag ang panga ko. Nagyelo ako sa kinauupuan habang nakapirmi ang paningin sa litrato niya. I was disappointed na hindi siya naka-topless.
Instead, he's gracing a formal and classy navy suit na pinalooban ng crisp white button down with a dark tie, fitting him in all the right places. The slacks clung to his muscular long legs.
He's not facing the camera. Kaya sa tingin ko hindi talaga siya nag-pose para rito. This is like a stolen shot, at mahal siya ng camera kaya maganda ang kanyang anggulo. He's sitting in a wooden barstool. Nakabuka ang binti niya at nasa footrest ang mga paa, wearing brown Italian shoes. Nasa binti ang kanyang siko at magkasalikop ang mga kamay.
Hair up, with clean cut sides and slicked back top. Nagpaaliwalas ito sa kanyang mukha, accentuating his manly features and the angle of his face. That line of his jaw is shameless! And he's in his black square-rimmed eyeglasses. Seryoso ang mga mata niya sa likod nito na tila ba tinutugis ang katotohanan sa kung sino mang tinitignan niya.
What a debonair he has become.
The write ups about him is not that long. Pangalan lang niya, some descriptions about him at ang dahilan kung bakit siya ang hinirang na numero uno, at kung saan siya makikita which is pangalan ng News program na kinabibilangan niya and other program appearances especially documentaries.
The next image is of a topless actor na sikat din at huminto ang countdown hanggang sa number ten. You have to own a copy to see the full list and the description of each one of them.
"Kailangan ko ang magazine na ito!"
Nag-scroll up ulit ako upang tignan ang date. The article was dated October last year. And the first thing that runs in my mind is to search every magazine stores.
Bumalik ako sa unang araw ko rito. I'm sure may nahagip akong name ng magazine somewhere sa baba. Ewan ko lang kung last year iyon. One way to find out.
Nakasalubong ko si Raven na puro pintura ang mga kamay nang bumaba ako. Ningitian ko siya na hindi humihinto sa paglalakad tungo sa magazine stacks nila na nasa pinakamalaking room.
Sa pagmamadali ko ay napalakas ang pagsara ko sa sliding door. Tumakbo ako sa harap ng magazine stacks at agad umupo sa sahig.
"Last year...last year..." wika ko sa sarili at inisa-isang tinignan ang mga magazines. Binaba ko sa gilid ang maling issue. Wala ako masyadong ginagawa ngunit hindi ko maintindihan kung bakit pinagpapawisan ako.
Inignora ko ang muling pagbukas ng sliding door. Nalamon ang ingay mula sa labas nang magsara ito.
"Anong hinahanap niyo ma'am?"
Hindi ko nilingon si Raven na nakatayo na sa likod ko. I could smell hand sanitizer from her. Siguro naghugas na siya ng kamay.
"Iyong magazine last year, iyong may sexiest something..."
"Ah! Wala diyan. Na kay Irene! Katabi niya yata matulog iyon gabi-gabi. Wait, tawagin ko lang."
Nilingon ko ang paglabas niya. Lumagapak ang sandals sa makintab na maple flooring. Hindi niya sinara ang sliding door since hindi naman binuhay ang aircon. This room is the widest among the rest of the rooms. Dito ginaganap ang mga classes and activities. The rest are for the workshops.
Binalik ko nalang sa shelves ang mga kinalat kong magazine. Ilang sandali pa ay dalawa na silang pumasok. Kinunutan ko ng noo ang inabot nilang magazine.
"Dala mo ito palagi?" tanong ko kay Irene. She's older looking than Raven. Tantiya ko ka-edad ko lang din siya.
Namula ang kanyang mukha at nahihiyang ngumiti. Patagilid siyang tinulak ni Raven sa baywang. Humagikhik siya at sinapak ang kaibigan saka ako sinagot. "Opo ma'am. Nagbabakasakaling makita ko si Jax sa daan at magpapa-autograph ako."
Natawa ako. Nako ineng, sabihin mo lang sa akin at dadalhin ko siya rito!
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at binuksan ko sa pahinang kinabibilangan na article tungkol sa kanya. It's a three-page article with three pictures of him. Dalawang maliit na kuha galing sa documentary niya at isang formal event. Maybe a media function. Ang isa ay malaki, and it filled the whole one page.
Again, he's formal and classy here. Nakadekwatro sa isang white and gold throne chair. The background is an ethereal-looking floor to ceiling French windows with Victorian-inspired curtains. He's not into modelling kaya hindi siya masyadong nag-effort sa kanyang come-hither look.
But damn it all to hell. The title says it all!
Hindi niya kailangang mag-topless upang mapatunayang sexy siya. I could see what's beneath that formal suit even when he's all covered up. You could trace it by how his clothes fitted perfectly on his lean body. And of course, intelligence is sexy.
"May karibal ka na sa crush mong reporter," rinig kong bulong ni Raven na sinundan ng hagikhik ni Irene.
"Hindi ko siya crush," agap ko. Binalingan ko ang kanilang pananahimik. Tinitigan lang nila ako, tila naghihintay ng kasunod. "Kliyente ko siya."
Hindi ko alam kung matatawa ako nang sabay nalaglag ang kanilang panga. Parang mga isdang naghahanap ng tubig.
Binasa ko ang mga nakalathala. Talagang tinalo pa niya ang ibang artista para sa titulong ito. I knew it's possible pero hirap pa rin akong paniwalaan. Parang ako ang nagluwal sa kanya at ganito ako ka-proud!
"Kita mo iyong picture nila ni papa P sa Instagram? Hindi ko alam kung sino sa kanila ang pipiliin ko."
Hindi ako makaconcentrate sa binabasa dahil sa boses ni Irene. Can I read with privacy? Parang gusto kong angkinin ang oras na ito na ako lang at ang magazine alone in one room. But it would be rude for me to send them out.
"Sino ba nagpa-picture sa kanila?" tanong ni Raven.
"Malamang, baka si papa P."
"Ano ka ba! Baka ininterview lang ni Jax si papa P. Masyado kang judgmental."
Hinayaan ko silang magtsismisan. Nilapit ko ang mukha nang nakuha ng buong focus ko ang binabasa. He's the son of the co-owner of the TV station. At vice president ang kanyang ina sa sa station mismo.
I'm not surprised that I didn't know about this. Alam ko na noon pa na mayaman sila. But I didn't bother ask about his family's business. Ayoko naman kasing isipin niya na interesado ako. I mean, I'm interested dahil nais kong mas kilalanin pa siya, hindi dahil interested ako sa yaman ng pamilya niya.
He was asked about his chosen field. Dahil hindi naman kalimitan ang isang media member na hirangin bilang numero uno sa ganitong kategorya.
"I love talking to people, know their stories. It's like delving into the secrets in the minds of visionaries, innovators, people who are passionate with what they do. And those who can be an inspiration. There is this rush of excitement in learning new things and meeting new people..."
At tinapos ko hanggang huli ang buong interview sa kanya. Ewan ko kung bakit bigla na lang gumitaw sa isip ko ang imahe namin sa Baywalk. Hindi nito naibaon ng anim na taon na tila kahapon lang nangyari; His voice that said something to motivate me, him saying that I can be the best. At nagsunod-sunod na lahat...
"Uy, ngumingiti si ma'am..."
I quickly schooled my face into a serious one. Ikinahagikhik iyon ng dalawa. Nagmaang-maangan ako at bumalik sa page kung saan naroon ang picture niya. Ang sarap nitong pilasin at idikit sa pader.
May umiiyak na bata sa kabila kaya agad lumabas si Raven at pinuntahan ang katabing room. Nanatili si Irene, hinihintay yata ang magazine niya.
"Co-owner pala ang parents niya sa station?" maang-maangan ko. The article didn't tell that much kaya kailangan ko pa ng ilang sources. I can just ask him but, I'd probably be the last person he wants to have a lovely conversation with.
Maiging tumango si Irene. "Marami pang nagdududa noon na kaya siya inalok na maging News Director ay dahil sa posisyon ng pamilya niya. Pero magaling naman talaga siya kahit noong correspondent pa. New York na mismo ang naka-recognize. Marami na naman siyang nagawang documentaries. Nanalo din iyong iba dito sa bansa. Pero iyong latest ang pumatok."
Wala sa sarili kong tinitigan ang pinakamalaking picture niya habang nakikinig kay Irene. Kahit sinong hihinto ang paningin dito ay paniguradong maaakit. It's just so effortless and...damn it.
Wala akong maipuntong adjective. Overqualified siya sa lahat na naiisip kong pang-uri.
"Anong tungkol sa napanalunan niyang documentary?"untag ko.
"Mga taong nalihis ang landas."
Huminto ako sa paglipat ng pahina. Tila may umikot sa tiyan ko. Sinadya kong hindi huminga upang mas marinig ang sinasabi ni Irene.
"...iyong walang magulang, may masamang bisyo, iyong mga pariwara pero may ilan sa kanila na nagsisikap at naiahon ang sarili. Gusto niyong panoorin ma'am? May download ako!"
Umiling ako at piniling balewalain ang narinig. It's just plausibly coincidental na iyon ang concept. Maybe it was just assigned to him. Subalit nanatili pa rin ang pagbagabag at ang dinidikta sa aking posibildad.
Ganito na lang yata ako ngayon tungkol kay Jaxon. I'm just going to rely on the possibilities no matter how remote they would seem to be from being possible.
"Kilala mo si Kelsey Marbella?" patuloy kong usisa. Humigpit ang tiyan ko sa paghahanda sa maririnig na sagot.
Humakbang si Irene at sumandal sa pader paharap sa akin. Sumimangot ang bibig niya na parang ayaw niya itong pag-usapan. Naimpluwensyahan na rin ako ng kagustuhan niya.
"Stylist siya ng mga sikat na artista."
Stylist? I thought parehas kami ng kinuhang kurso noon? O siguro lumihis siya ng career at binalewala ang natapos niya. Anyway, she still ended up doing something connected to designing.
"Na-link na rin sila ni Jax pero hanggang doon lang. Wala namang confirmation na sila. So siguro wala, o baka tinatanggi lang nila." Nagkibit balikat siya.
Tumango ako at malugod na tinanggap ang paliwanag. Maliit na bagay lang iyon upang ipagdiwang ng kalooban ko but I still half-celebrated.
Because sometimes, we just have to rely on the uncertainties.
Tipid ang aking ngiti nang binalik na ang magazine kay Irene. Mahina akong nagpasalamat. Lumapad ang ngiti niya na nahawakan ulit ito at niyakap pa sa kanya. Sumang-ayon tuloy ako sa palagay ni Raven na katabi niya iyan matulog.
Bumalik ako sa kuwarto sa taas at balak simulan ang pagdidisenyo. Ngunit wala akong mahila na lakas upang magtrabaho. Binagsak ko ang sarili sa kama at tiningala ang ceiling medallion na nagdadala sa droplets sphere chandelier na katapat lang ng mukha ko.
Tinaas ko ang isang kamay, sinubukang abutin ito habang nakahiga. Nilulubog naman ako ng kalambutan ng kama. It's like I'm being devoured by this bed, and I'm trying to reach up to the light.
Matayog ka pa rin talaga, Jaxon. Kahit ano yatang pagpupursigeng gawin ko ay hindi pa rin kita mapapantayan. Palagi kang lamang. Kahit yata mas tumangkad ako kesa sa 'yo ay mas angat ka pa rin. Hindi pa rin kita maaabot.
At mas lalong hindi ngayong humaharang ang galit mo.
Bigla akong nanghina. Meeting him and knowing about some information about him drained me for the whole day. They bridge a gap of our further differences; Career, status standing, accomplishements...at kahit anong isaksak kong positive thinking ay nauuwi sa kawalaan ng pag-asa. Bumabagsak pa rin ako.
Now I understand the importance of forgiveness. You'd get to appreciate it more if you're the one asking for it. Kung ikaw ang nagkakait nito sa iba, you feel dominant. Siyempre dahil ikaw ang hinihingan. Ikaw ang kinakailangan. You have the upper hand.
Ako muli ang nangangailangan ngayon. At sa kanya ulit.
Nag-reply ako kay Lionel. I need to get out bago ko simulan ang disenyo para kay Mr. Montero. I think I have to be wary on how to address him. Kasi hindi na siya ang Jaxon ko noon. How could something soft turned so cold?
Natawa ako sa sarili. Kailangan pa bang itanong iyon, Davina? You made him like that!
Lionel:
I'll pick you up.
Malapit lang ang restaurant sa hotel na pinag-stay-han nila. It would be a bother for him to pick me eh ang layo nitong shop. Alam kong wala lang sa kanya ito but I don't want to further lead him on through accepting his offer.
Ako:
Hindi na. Nakasakay na ako.
Tumatawa akong mag-isa dito sa kwarto. Magbibihis pa lang naman ako! Medyo na-guilty tuloy ako sa nireply sa kanya.
I'll make it quick, though. Nagpalit lang ako ng black sweater dress, re-apply ng dark maroon lipstick at hinayaang nakalugay ang buhok ko. It's wavy now. Nagsuot ako ng black knee-high socks at ang boots na bigay ni Jax noon.
Hindi pa ako nakakalayo sa biyahe ay nag-text ulit si Lionel. Hindi ako pamilyar sa kainan na tinext niya kaya tinanong ko ang taxi driver. Buti nalang alam niya. Ngunit nag-aalinlangan pa ako, baka ililigaw ako ni kuya at saan pa dalhin.
Nawaksi ang ligalig nang bumagal ang sasakyan sa harap ng brick construct na warehouse. It looks urban dahil sa mga graffiti art. Seems like some gang territory to me in the corner streets of New York. No one would have thought of it as a restaurant kaya duda akong ito iyong tinutukoy ni Lionel. Nagsimula na akong kabahan.
Magsasalita na sana ako nang makita si Lionel na nakatayo sa gilid ng entrance. Tinatakpan niya ang bintana mismo na gawa sa black frames. Nasisilip ko pa rin naman ang mga tao sa loob, and a sneak peek of the interior.
He's seriously looking at his phone at doon lang nag-angat nang marinig ang lagapak ng pinto ng taxi na sinakyan ko. Ngumiti siya at ako'y pinasidahan sabay silid ng phone sa bulsa.
"Bakit dito? Medyo malayo ito sa hotel, a?"bungad ko nang nilapitan siya. My boots made a noise at my every step on the concrete. May naapakan pa akong wrapper ng candy na sumugat ng ingay sa gabi.
Mahinang tumawa si Lionel. Nilapat niya ang kamay sa likod ng aking baywang. "I know you don't like to dine in expensive-looking places. Hipster ka, e."
Pabiro ko siyang inirapan at tinulak sa balikat. Pumasok na kami sa wooden French door. Naaayon pa rin naman ito sa rustic vibe ng restaurant at mas napatunayan pa sa loob.
The interior is exposing brickwork. Pendant lights emitting gold lightings are lined up on the ceiling looking down on every table. The ornaments are minimal; Vintage paintings, one to three Venetian masks at framed keychain collection. Pakiramdam ko nag-constrict ang mga mata ko sa change of environment from the bright and colorful crafting shop to this.
People are being themselves; Maingay, naghahalakhakan, having their own weird fun. Hindi tulad sa ibang restaurants na kailangan mong magpaka-demure para masabing nabibilang ka sa pangkat na mga alta. Here, you can be yourself. No pretending.
Tinuro ko ang pinakagilid na pwesto kung saan nakahilig ang itim na sofa. Gusto ko kasi makakita ng mga taong kumikilos at hindi pader ang kaharap ko. And I prefer to be at the side of the wall. The furnitures are made of dark hardwood, adding to the charm of the rustic premise.
"Gusto ko na rito," pahayag ko sabay upo. There's a black glass candle holder on the table with snowflakes design on it.
"Wait 'til you taste their food." Lionel's stubble stretched as he smiled like a kid.
"You've been here?"
Umiling siya. "A blog reader recommended this place. Balak kong ilagay 'to sa blog."
Nilapitan kami ng server. Even the services are good at magaan sa pakiramdam ang pakikitungo ng mga empleyado. He suggested the best seller kaya iyon na lang din ang order ko.
May mga additional pang inorder is Lionel like dessert while I'm answering a text from papa regarding Charlie receiving my wedding gift. Naluha raw ang loko nang malamang buhay ako. Mahina akong natawa.
"Lionel?"
Nag-angat ako pagkarinig ng pamilyar na boses. Kelsey's pretty face illuminated against the golden pendant lights. Namulaklak ang kaba kong makita siya.
Saktong umalis na ang server at nilingon ni Lionel si Kelsey. Halata ang gulat niyang makita ito. What? They know each other?
"Hey, Kelsey. Nice to see you here." Tumayo siya at hinalikan ito sa pisngi. "Are you alone? You can join us."
"I'm with a friend." She turned her pretty head in my direction. Umawang ang bibig niya kasabay ang pamimilog ng mga mata. "Ms. Claravel! What a surprise."
Tipid ko siyang ningitian. I don't know why I can't seem to smile at her properly. Mukha naman siyang mabait. Such a sweet voice. A ray of sunshine. The kind who doesn't remind me of myself. But then, several circumstances have already proven to me how the physical appearance could be so deceitful. Devils in disguise are all over the place. But I'll give her the benefit of the doubt.
"You know each other?" namamanghang tanong ni Lionel, palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Kelsey.
That's what I would have asked him, too. Do they know each other? Paano?
Ngiting tumingin si Kelsey sa akin at bumaling muli kay Lionel. "I sort of hired her as a graphic designer for my friend's photo book."
Umangat ang dalawang kilay ko. Friend? Sila ni Jaxon? Friends lang ba talaga? Why were they being linked to each other then? Who is she to him besides being a friend? Stylist din ba? Manager? Personal assistant?
O baka nililigawan na naman niya ito. Is she going to be Gwyneth number two?
"Oh, first day in Manila at may raket ka na agad!" Tumawa si Lionel at lumipat ng upuan. I let him sit beside me.
Umalis saglit si Kelsey upag tawagin ang kaibigan nito na nakahanap na yata ng upuan. I turned to Lionel. Relax lang siyang nagtatapik ng daliri sa mesa at naghe-headbang sa lumulutang na malamlam na music sa buong resto.
He's chill like that. Habang ako'y agitated na rito sa kinauupuan ko. Thank God I brought my anti-anxiety pills with me.
"Paano kayo nagkakilala?" tanong ko sa kanya, not trying to sound very interested.
Tumigil siya sa pagtatambol at nilinga ako.
"We're distant relatives. Second degree cousins, I guess." Naningkit ang mga mata niya. There's no danger to it, though. "Why?"
Umiling ako. "I'm just curious, is all."
I could hardly grasp the coincidence. Parang sinasadya itong iniayon ng pagkakataon. Somehow it reminded me of this article I've read about 'small world phenomenon.' Kinikilabutan ako sa iniisip. It just seems supernatural to me.
Hindi naman mainit dito sa loob pero pinagpapawisan ako. Hinahalungkat ko sa utak kung may dala ba akong pampusod. Sa natatandaan ko, nilagay ko iyon sa dresser at hindi na sinilid sa bag. I never thought a time would come that I'd be in desperate need of a hair tie.
"Are you okay, Vin? When you're moving your knees like that, alam kong kinakabahan ka. What's wrong?" Buo ang pag-aalala sa tinig ni Lionel.
Nakatitig lang ako sa glass candle holder. I'm trying to search for calmness on the lit candle ngunit sa nakikita kong apoy, mas lalo lang naglagablab ang pangamba ko.
"I think I need to take my pills," mahina kong sabi, more on like sa sarili ko ako nakikipagusap.
Marahas suminghap si Lionel. Inikot na niya ang katawan upang maharap ako, maingat na hindi magalaw ang mesa. Hinahawi niya ang nag ala-kurtina kong buhok na tumatakip sa aking mukha at sinabit sa likod ng aking tenga.
"Vin, no," malamlam niyang sita at may kasamang diin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Sanayin mo ang sarili na hindi iyon ang ginagawang solusyon sa tuwing nagkakaganyan ka. It's not good when you take it long-term."
"But it has a prescription!" pabulong kong angil. Now I'm irritated! At ayaw kong ibuntong sa nagmamalasakit lang na si Lionel.
"Kahit na." Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. "You could get addicted to it. You don't want to go to rehab again, do you?"
Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa magkabilag gilid ng candle holder. Inuupos ko ang nagbabadyang luha. Matagal bago ko nakuhang umiling. No. I don't wanna go back there. I made some friends but I don't wanna go back.
"Hey guys! My friend Jax here. I don't think I have to introduce you to each other since nag-usap na kayo kanina."
Oh, God.
Kelsey's slender arm anchored at Jaxon's strong one. Ganoon pa rin ang suot niya kanina minus the charcoal-gray suit. And he's already staring at me. The kind of stare that rendered me motionless.
Lumipat ito kay Lionel na hindi ko alam kung ano ang ginawa upang mas maningkit pa ang mga mata ni Jaxon. Dahan-dahang tumalunton ang paningin niya pababa hanggang humantong sa kamay kong hawak pa rin ni Lionel.
His jaw clenched. Pumaraan sa mga mata niya ang hindi ko mabasang reaksyon. The look made me sick to my stomache, though.Nanayo ang balahibo ko sa batok at braso.
Una kong ginawa ay ang alisin ang kamay ko sa mesa. But I know it's too late. Umakyat ang mga mata niya sa akin.
He smirked. A sarcastic one.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro