Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTEEN

Wala nang araw na hindi kami nagkikita ni Jaxon simula noong gabi ng highschool reunion nina Nolan. Palagi siya sa school para puntahan o sunduin si Gwyneth kaya hindi man kami nagkakausap, nagkikita pa rin kami.

Though his texts are incessant. He's always sending me quotes in the morning. Ewan ko kung ano ang purpose niya roon basta walang mintis ang mga quotes na pinapadala niya. Minsan ay kinukulit akong pakinggan siya sa radyo. He always plays the songs I requested kahit hindi sikat ang mga kanta na nire-request ko.

Me:

Ano na naman 'to? Group message?

Iyon ang reply ko sa panibago niyang quote of the day.

Jax:

Sa'yo ko lang sinend yan.

Me:

For what?

Tumunog ang chimes sa entrance door kasabay ang pagpasok ni Angelov. May nakasunod sa kanyang magandang babae na naka-high waist shorts. 

"Angelov! Uy, sino 'yan, Lov?" tanong ni Charlie mula sa workroom niya, may tina-tattoo na customer.

Huminto si Angelov at nilingon ang babae. Her eyes are sort of seductive against her soft features. Maalon ang buhok niyang may kakaibang kulay. Sa tingin ko ay magkasing edad lang kami.

"Samara..." ani ng babae.

Nagkibit balikat si Angelov saka umikot sa counter. Kinuha niya ang kanyang phone sa drawer.

Sinilid ko na ang phone sa aking bulsa. Mukhang hindi na rin naman nagreply si Jax dahil hindi nag-vibrate ang cellphone. Sunday ngayon so hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Maybe Gwyneth.

"Umupo ka. Magpapa-tattoo ka ba?" tanong ko.

Biglang tumawa si Angelov na siyang ipinagtaka ko. Ngisi siyang lumapit sa akin at may ibinulong.

"She's so weird. Kita niya ang drawing ko, binigay ko sa kanya, tinanggap niya. Then she saw the tattoo in my arm, told her something about it, tumawa na lang siya bigla. Then she followed me here."

Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak ng babae. That must be Angelov's drawing. Tumawa na rin ako.

Hindi naman siya mukhang weird, pero hindi naman nasasabi sa mukha ang ugali ng isang tao.

"May naghihintay pala sa iyo. Ipapatapos daw 'yong tattoo mo sa kanya," pahayag ko.

"Ah, si Ruez." Malakas na sinara ni Angelov ang drawer pagkatapos basahin ang mensahe sa phone niya. Pumasok na siya sa kanyang workroom at nag-usap sila ng customer.

Binalikan ko si Samara na tinitignan ang mga posters sa pader. Masyado siyang maganda para matawag na weird. Mukha siyang citygirl. Kita ang pusod niya at liit ng kanyang baywang  sa suot na crop top. May sense of fashion, I could say.

"Magpapa-tattoo ka? O piercing?" tanong ko.

Nilingon niya ako at nagtagal ang tingin sa kin. Parang hinahanapan ako ng nunal sa mukha hanggang sa kumunot ang noo niya. Umiling siya.

"Pwedeng tumambay?"

The tone in her voice is giving me a snippet of her innocence. Pinigilan kong matawa. Mukhang bago pa nga lang siya rito dahil ngayon ko lang siya nakita. She also seems awkward. Para rin siyang naliligaw na bata sa gitna ng mall.

Nilingon ko si Angelov na bigla na lang nanahimik. Seryoso niyang tinitigan si Samara habang tinatanggal sa pagkakabuhol ang wire ng kanyang tattoo gun. Angelov doesn't conventionally stare at girls like that.

Naramdaman niyang tinitignan ko siya kaya tinagpo niya ang tingin ko na agad naman niyang iniwas. He winced and shook his head, like he was chastising himself.

Binalingan ko muli si Samara na matiyagang hinihintay ang hatol ko.

"Sige, tumambay ka, " sabi ko. " Hindi ka talaga magpapa-tattoo? Kahit piercing lang? Affordable lang naman."

"Wala akong pera," walang emosyon niyang sabi saka umupo sa bench.

Mahina akong tumawa.  She reminds me of myself noong unang beses akong nagpa-tattoo. One thing I noticed about her is she's cold. Really cold and mysterious. Her seductive eyes are empty, too.

Kung tumawa man siya tulad nang sinabi ni Angelov kanina, then maybe she was just trying to be happy. I do that all the time. That's one of my immortal habits.

Sa magdamag niyang pananataili sa tattoo parlor ay kinaibigan siya ni Charlemagne. He's obviously been flirting with her but all he's received are cold stares and cryptic answers.

Pero sa tuwing dumadapo ang paningin niya kay Angelov, lumiliwanag ang mga mata niya. Clearly, she likes him. Of course! Angelov get that a lot.

"Maghanap ka nalang ng iba, mukhang may gusto iyan sa kaibigan natin," bulong ko kay Charlie nang magtungo ako sa counter. Kakatapos ko lang sa pag-tattoo ng dati ko nang customer.

Pumalatak si Charlie habang nagsusulat sa logbook. "Palagi naman, e. Lahat na lang ng babae kay Angelov napupunta. Maglakad lang iyan nakakakuha na nang atensiyon.  Magpapaka-badboy na talaga ako."

"Si Miranda nga may gusto iyon sa 'yo!" sabi ko.

Ngumiwi siya habang pinisil ang dulo ng ballpen saka inipit sa logbook bago sinara. "Tinakbuhan nga ako nun noong acquaintance party."

Tumawa na lang ako at wala nang sinabi. I want to help my friends with whatever they've been going through pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I'm not even good in giving advices so spouting an advice to them would be inane.

Sinama nila ako sa pagba-bar kinagabihan kasama ang mga miyembro ni Lemuel sa frat. Panandalian kong nakalimutan na Lunes pala bukas sa dami ng ininom ko. They did some body shots with random girls. Nanood lamang ako at nakihiyaw.

Tumatawa akong mag-isa sa table habang pinapanood ang pag-alis nila Angelov at Charlie kasama ang isang foreigner na babae. Namumungay na ang mga mata ko at bahagyang nahihilo sa panay na pagkidlap ng mga ilaw na tina-timing sa beat ng music. Pansin ko na mas maraming mga Koreans dito kesa Caucasians.

Unti-unti nang nahuhulog ang aking mga mata. The music is slowly fading, My thoughts turned incoherent until it shut down. Nanghihina na rin ang aking mga kamay at binti na halos hindi ko na sila kayang iangat at galawin.

Inubos ko ang 'di ko alam kung pang-ilang shot na nang tequila bago ko binagsak ang aking ulo sa table. This is the way to forget...

So from there onwards, I couldn't remember a thing on what happened next.

Pakiramdam ko nanginginig ako.

Hindi...may yumuyugyog sa akin.

Bumagsak sa ulo ko ang hilo at pananamlay ng katawan. I don't think makakapasok ako ngayon. Ang sama ng pakiramdam ko. May kaunting pawis pa akong naramdaman sa aking likod at batok.

My eyes sting, palatandaan na hindi ko pa natatanggal ang aking make-up.

And the bitter taste of my mouth. Mukhang mahihimatay ang bubugahan kong insekto sa kakaiba kong hininga.

I believe I'm home dahil sa amoy ng aking kama pero hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Mukha ngang hindi ako nakapagpalit ng damit dahil amoy ko pa ang baho ng sigarilyo mula rito.

"Vinnie..."

Nagsalita na ang yumuyugyog sa akin. And he calls me...

Bumalikwas ako at hinarap ang kung sino mang tao na 'to. Napangiwi ako sa matinding sakit ng ulo dahil sa biglaan kong pag-upo. Sandali pa akong pumikit upang pakalmahin ang pintig ng sakit bago ko dinilat ang aking mga mata.

Ilang beses pa akong kumurap hanggang sa naging malinaw ang bulto sa harap ko. I don't want to believe this!

I see Jaxon lying in my bed. He looks casual and fresh so I don't think siya ang nag-uwi sa akin galing sa bar. Nakatukod ang siko sa kama habang nasa kamay niya ang kanyang ulo.

Ang isang kamay niya'y kinakamot o pinaglalaruan ang kanyang labi. Hindi ko mabasa ang tingin na ginagawad niya sa akin.

Kita niya ang pagtataka sa mukha ko ngunit wala siyang sinabing kahit ano upang bigyan ako ng impormasyon sa pagpunta niya rito.

"Monday ngayon," simple niyang panimula.

"Oo..." basag ang aking boses kaya tumikhim ako. "Tapos bukas Tuesday. Salamat sa paalala." Binagsak ko ang sarili pabalik sa pagkakahiga.

Tumawa siya, gumaan ang higaan nang siya'y tumayo. Pino ang kanyang bawat yapak sa de-kahoy naming sahig. Umikot siya at humantong sa gilid ng kama, sa tapat ko ng aking paningin.

Sinuyod niya ang paningin sa buong kwarto, nasa likod niya ang kanyang mga kamay. Para bang kanyang ini-evaluate ang environment ng lugar at hinahanapan ng qualification para ma-accredit.

My room is in disarray. Kaya nakakahiya na nakikita niya ito ngayon. Puno ang basket hamper ko ng mga labahan. Maraming posters at sketches ang nakadkit sa bawat pader ng kwarto na naglalaro ang kulay sa dirty at white.

May mga nagkalat pang mga coloring pencils sa sahig at ang kaisa-isa kong boots ay animo'y mga guwardiyang nakabulagta na humaharang sa pintuan.

Hula ko mas malinis pa ang kwarto niya kesa rito.

Ngumiti si Jaxon nang dumapo ang pagsuri sa tukador ko kung nasaan ang mga make-up kong nakipag-buno yata sa bagyo.

Sa tapat ng sapatos niya nakahimlay ang suot kong jeans kahapon...

Jeans ko kahapon?

Kabado kong tinignan ang aking pang-ibaba. Wala akong suot na jeans. I'm in my panties!

"Shit!" Agad kong hinablot ang kumot at tinakpan ang sarili.

Humakbang si Jaxon paatras nang kinuha ko ang aking jeans sa tapat ng sapatos niya at tinapon sa basket hamper. Hindi ko na-shoot, kumawala siya sa kumpol at kawawang bumagsak sa sahig.

Humalakhak si Jax sabay sukong tinaas ang mga kamay.

"I've seen girls in their panties and bikinis so...no big deal, Davina."

Inirapan ko siya at inayos ang kumot sa aking baywang pababa.

"How do you sleep? Naked?" Nahimigan ko ang kanyang pag-ngisi.

Ewan ko kung maiinis ako o mahihiya but basing from the series of events, mas nanaig ang aking kahihiyan.

"Sando at panty." Uminit ang pisngi ko.

At nakangisi nga talaga siya, na para bang alam na niya ang tungkol dito. There's a capital 'I KNEW IT' written all over his gorgeous face.

"Figures. So that only means na hindi kita hinubaran. I'm not guilty." Taas kilay siyang nag-iwas ng tingin saka ngumuso. "Cute panty, though."

Cute? Skull heads ang design ng panty ko. That's cute for him?

Tinapunan ko siya ng unan. Hindi ito tumama sa mukha niya dahil eksperto niya itong sinalo. Natatawa niya itong binalik sa kama ko. His laugh is infectious.

Pero hindi pa rin ako sigurado kung paano ako nakauwi.

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko nang kumalma na siya. Umupo siya sa silya na pinagkakabitan ko ng aking tuwalya.

Sinulyapan niya pa ang tuwalya ko bago dahan-dahan na sumandal at humalukiphip. High-maintenance talaga. Dumekwatro pa.

Umangat ang manggas ng itim niyang chino pants na nagpapa-highlight sa haba ng kanyang binti. Sumilip ang kawalan niya ng medyas. Sa kanyang white shirt na may sadyang tupi sa manggas ay may black and white print ng siyudad ng Los Angeles. His casual white shoes compliment his outfit.

"Sinusundo ka at ihahatid sa school. Nauna na sina Charlie. They've been calling you pero naka-silent yata ang phone mo. They gave me a buzz instead."

They? Charlie and who? Malamang si Angelov. At paano sila nagkaroon ng contact kay Jaxon?

"Hindi mo ako girlfriend. Si Gwyneth ang sunduin mo," sabi ko.

"She's not my girlfriend. Yet. Isa pa maaga siya ngayon sa duty."

"Kaya nangto-two time ka ngayon?" pang-aakusa ko.

Suko niya akong inirapan saka siya tumayo. Sumenyas siya sa kanyang kamay. "Just get up there, Davina..."

Tatlong beses kong hinampas ang unan bago binaon ang aking mukha rito. "Hindi ako papasok."

The alcohol from last night drained my energy. Sa pagkakaalala ko hindi naman ako sumayaw. Uminom lang ako, that's all.  Napuyat ako dahil madaling araw na kami nakauwi. O baka nga umaga na.

Napasinghap ako nang maramdaman ang aking pag-angat sa kama. Kaagad akong kumapit sa leeg ni Jaxon at sunod kong namalayan ang sahig ng banyo at ang buhos ng tubig.

"Jaxon!" sigaw ko.

Niyakap ko ang sarili sa lamig. Tumawa lang si Jaxon, hawak pa rin ang tabo. Nagsalin siya ng tubig sa balde saka ako muling binuhusan. Dumaing ako sa pinaghalong  lamig at inis.

Hindi na ako makapagsalita sa pangangatal ng aking bibig. My teeth are chattering! Naninigas na rin ang aking katawan. Biglang nawala ang aking antok. Gusto ko na lang ay manatili sa ganitong posisyon hanggang sa kumawala ang lamig sa aking katawan.

"Kailangan mo iyan.Papasok ka pa sa klase mo. May quiz kayo." Muli niya akong binuhusan. Hinigpitan ko ang pagyakap sa aking tuhod.

Hindi man lang ako pinaghubad at diretso na lang na pinaliguan!

Inis kong hinawi ang tubig sa aking mukha. "Bakit? Ikaw ba teacher ko?!"

Binalik niya ang tabo sa balde. Nakapamaywang niya akong dinungaw.

"Maligo ka na. Amoy sigarilyo ka. Kitang kita pa ang tatak sa 'yo ng bar." Tinuro niya ang tatak sa palapulsuhan ko. Tatlo ang tatak dahil hindi lang naman isang bar ang pinuntahan namin.

Hindi ako gumalaw. Ang lamig talaga. Pakiramdam ko wala pang alas siyete.

Nanatili akong nakayakap sa aking tuhod. Wala na akong pakialam na nakikita ako ni Jaxon ngayon na naka-shirt at panty lang. He has seen me so...ano pang itatago ko?

Nakatayo lang siya sa aking gilid, hinihintay akong kumilos pero ni ang i-adjust ang aking sarili ay hindi ko ginawa. I just hibernate in my own body.

"Hindi ka talaga maliligo?" Pinaghalo ang banta at panunudyo sa tono niya.

"Pinaliguan mo na ako. Magbibihis ako pagkatapos..."

"You still stink, Vin." Tumungo siya sa may sink at inabot ang shelf na nakapako sa ibabaw nito. Kinuha niya ang sachet ng shampoo at binuksan gamit ng kanyang ngipin.

Nagbuhos siya sa kanyang palad at kinusot sa aking buhok habang paunti-unting nagbubuhos ng tubig rito upang bumula.  Gumagalaw ng ulo ko, sumasabay sa kumpas ng kanyang kamay sa pagkalat ng bula sa aking buhok.

Hindi ko napigilang matawa. Hindi ko matignan si Jaxon dahil sa bulang lumandas sa aking mga mata pero naririnig ko na rin ang tawa niya.

"Ako na nga! Maliligo na ako." Inagaw ko ang tabo mula sa kanya.

Natatawa pa rin siya nang lumayo. Hinugasan niya ang mga kamay niya sa sink. Winisikan pa niya ang mukha ko bago siya tuluyang lumabas. Nag-iwan ng print ang sapatos niya sa basang sahig ng banyo.

"Tang'na, nakapasa ka pa rin? Magdamag tayo sa J. Avenue, a?"  Inamoy ni Angelov ang buhok ko. "Amoy usok ka pa. Naligo ka ba?"

Lumapit pa talaga siya rito sa upuan ko upang ikumpara ang mga scores namin sa quiz at pagdudahan ang pagligo ko.

Tulad nang sinabi ni Jaxon ay hinatid nga niya ako. Sa mga sandaling nasa biyahe kami, I've learned more things about him. He's a talker, kaya hinding-hindi ako natatahimik. His words always warrant my words.

Palagi rin siyang may nasasabi sa mga salita ko. I can't say he's talkative. He's just really a talker at may sense ang mga sinasabi niya.

At ang galing niyang magsalita ng english. It's like I'm talking to a foreigner. May accent. Kaunting slang.  May silbi ang kinuha niyang kurso.

"Ba't niyo tinawagan si Jaxon?" Sinimangutan ko si Angelov.

Umupo siya sa armrest ng aking upuan sabay sauli sa papel ko.

"Siya ang naisip naming makapagpahila sa 'yo rito. Dinaan na namin sa dahas!" Humalakhak siya.

"Inabala niyo pa iyong tao."

Tumingin ako sa harap at nakita ang pagpasok nila Julissa at nang isa sa kanyang mga apostoles. Galing yata silang cr at nag-reapply sa pinaghatian nilang red lipstick.

"Kung abala siya, ba't ka niya pinuntahan?" May ibig ipagkahulugan si Angelov sa sinabi niya.

"Malay. Baka pinilit niyo," sabi ko.

Bumuntong hininga siya at inakbayan ako.  "Isang tawag lang namin Vin, 'sure' ang sagot niya. Hindi naman kami namimilit, siya ang nag-kusa."

Tinapik niya ang likod ko saka siya umalis at bumalik sa kanyang upuan. His words are like a conclusion.

He's a friend. Of course, gagawin ni Jaxon iyon dahil magkaibigan kami. No need to assume for something beyond that, Davina. He likes someone else.

"Tori, ito na iyong bayad ko sa binili na eyeshadow."

Nilingon ko ang kaklase kong si Mitchie na ilang beses nang bumibili sa mga imported na make-up ni Tori.

Tinanggap ni Tori ang pera saka humalughog ng sukli sa kanyang makapal na pink wallet. "May bagong stock ako ng matte. Order ka?"

Agad tumango si Mitchie. "Patingin muna ako ng mga kulay."

Bumalik siya sa kanyang mga kaibigan pagkatapos tanggapin ang sukli. Nilabas ni Tori ang catalogue ng mga lipstick ng isang imported na brand.

"Ba't sa kanila binibenta mo? Sa akin binibigay mo lang," sabi ko.

Nagkibit balikat siya. "Kasi bestfriend kita. Bias ako, e."

Tumayo na siya at pinuntahan si Mitchie sa kanyang upuan na nasa tabi ng bintana. Agad siyang nagsales talk sa kanya.  Tinuturo pa ang labi niyang may pulang matte lipstick.

Inipit ko sa aking sketchbook ang pasang-awa kong testpaper at nilipat sa sketch na last week ko lang sinimulan. It's going to be Jaxon. Nasa buhok pa lang naman niya ako kaya hindi siya makikilala agad. 

"Alam niyo bang panalo ulit ang gawa ni Kelsey?"

Napahinto ako sa pag-shade nang marinig ito mula kay Julissa.

"Really paano mo nalaman?" tanong ng isa sa mga apostoles niya.

"Pumunta ako sa office ng student's affairs kanina. Nandoon si Kelsey, binabati ng mga members," pahayag ni Julissa.

Kelsey? Akala ko lalake siya dahil Kel lang ang nakalagay sa ibaba ng kanyang mga art. Turns out, she's a girl. I haven't met her, all I know is she always wins the art contests.

"Every year siyang nananalo noh?"

"Yeah..." maarte ang pagkakasabi ni Julissa. "Ganyan talaga kapag magaling. Consistent. Sayang iyong iba, lalo na iyong pinaglaban ang art para lang masali sa display tapos hindi rin pala mananalo? Kahit sa top three wala. Kawawa talaga..."

Hindi ko pinahalatang apektado ako sa sinabi niya. Malay ko ba kung ako ang pinaparinggan niya o sadyang malakas lang talaga ang kanyang boses.

But I know better. Pero paano niya nalamang iyon ang ginawa ko?

"Ikaw, nasali ka?" tanong ng kaibigan niya.

Naiintriga na ako sa kanilang usapan dahilan upang humina ang pagdaan ng sketch pencil ko sa magiging buhok ni Jaxon. Nanghina bigla ang mga kamay ko.

"Top two. Hindi ko nga in-expect. Akala ko hindi masasali," pagmamayabang niya.

"Effortless, a?"

"Ganon nga. Effortless..."

Nagtawanan sila at mukha pang nag-high five dahil sa narinig kong lapat ng mga palad. Hindi man ako lumingon, alam kong sa akin ang kanilang mga mata. Mukha kasing nag-send ng signal ang likod ko sa aking utak upang ipahayag iyon.

Binalikan ko ang pag-skecth nang manahimik sila. But I could hear their hushed whispers. Alam mo iyong minsan pakiramdam mo pinag-uusapan ka ng mga tao kahit wala kang pruweba? Nararamdaman mo lang. Not to sound paranoid but that's what I really feel right now. 

"May nakakita rin sa kanya last week na kasayawan 'yong guy na may nililigawan daw sa nursing. Desperadang babae—"

Hiniwa ng singhap ni Julissa ang sanay sasabihin niya kasabay ang padarag na ingay ng upuan. Lumingon ako upang tunghayan ang dahilan ng ingay.

Nakatayo na sila Julissa at nakaharap kay Angelov na tamad ang pagkakaupo sa armchair niya. Nakalambitin ang isa niyang earpiece at mukha siyang galit sa ginuguhit.

"Anong problema mo, Angelov?" inis na tanong ni Julissa.

"Ang iingay niyo, nakakabasag ng tenga," malamig na sabi ng kaibigan ko.

"Hindi lang naman kami ang maingay—"

"Just shut the fuck up, Julissa! Bakit hindi ang sarili mo ang siraan mo? 'Di ba malandi ka naman?"

Marahas. Matalim. Ganoon ang pagkakasabi ni Angelov.

Sobrang igting ng panga niya. Parang doon pilit kumakawala ang kanyang galit at talagang masasaktan niya si Julissa kung hindi pa ito tumahimik.

He's an innate hot-tempered person, kaya kapag ganyan na siya kagalit, tumatahimik na kami. Sa aming tatlo kasi, Charlie's the mediator. Me, I'm Angelov's girl version. Parang iisa lang ang mga utak namin na pinaghiwalay ng sisidlan na ulo.

Lamikmik ang buong classroom. Ang mga nasa labas ay bigla na lang nagsipasukan upang tunghayan ang pangyayari. They heard Angelov's sharp as a knife words.

Tinakpan ni Julissa ang kanyang bibig at  lumabas ng classroom. Tumakas ang kanyang hikbi. Agad siyang sinundan ng mga kaibigan niya. Samantala, binalik ni Angelov ang nalaglag na earpiece sa kanyang tenga at nagbalik sa pagguhit na parang walang nangyari.

Siniko siya ng katabi niyang minsan na ring kasabay nilang kumain ni Charlie. Tinaasan lang siya ng kilay ni Angelov at hindi nagsalita.

I was down in the dumps the rest of the day. Hindi ako makausap ng maayos. Pansin iyon nina Tori at alam nilang hindi ang ganitong klase ng mood ko na dapat silang manghimasok. 

I can't talk about it to them. Masyadong mababaw ang mga dahilan ko upang problemahin din nila kaya hindi ko sila sinasali sa mga issues ko.

"Bye, Dabeng..." hinalikan ako ni Tori sa pisngi. Tumango ako at tinapik siya sa braso. Tahimik pa rin ako hanggang na-dismiss na lang kami sa klase.

Tinanguan ako ni Nolan. Kinawayan ko silang dalawa bago sila pumasok sa kotse ni Nolan.

Hindi kami magkakasabay nila Charlie at Angelov sa pag-uwi dahil dumidiretso sila kay Lemuel. Minsan sinasama nila ako sa mga lakad nila pero sa nangyari ngayon, alam nilang hindi ako sasama.

Hindi pa rin ako makawala sa sinabi ni Julissa kanina. I've been working so hard on my artworks for four years to win. Ano ba kasi ang dapat kong gawin upang manalo? Then this year, hindi pa nasali sa top three.  Am I that bad?

What's with Kelsey's art na palagi siya ang nananalo? Hiniling ko tuloy na sana may backer siya sa admin at kapag nalaman iyon ng lahat ay madi-disqualify siya.

Umakyat ang aking kaluluwa sa gulat sa malakas na busina galing sa puting Tesla na pumarada sa tapat ko. Doon ko lang  namalayan na kanina pa pala ako nakatunganga rito sa harap ng pharmacy.

Bumaba ang bintana at sumilip ang kalmadong mukha ni Jaxon. Ganon pa rin ang ayos niya.  Siguro kaka-out pa lang sa radio station. Maga-alas siyete na rin kasi ng gabi.

"Bakit ka nandito? Sabi mo duty sila Gwyneth," pagtataka ko.

Kumunot ang noo ko sa pag-angat ng bintana hanggang sa ito'y sumara. Sumunod naman ang click ng lock at pagbukas niya ng pinto.

"Dito ako dinala ng kotse ko..." aniya.

Matagal kaming nagtitigan. Parang may namagitan na usapan sa aming mga mata. Hindi malinaw sa akin ang kanyang ekspresyon dahil natatabunan ng anino ng mga establishments. But his expressive eyes are telling me something...No. It's summoning me. Inviting...

Sa unang pagkakataon, sumakay ako sa kotse niya nang hindi niya ako pinipilit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro