Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ELEVEN

Nag-insist akong mag-commute na lang sa pag-uwi para hindi na makaabala kay Jaxon. Alanganin kung pabalik-balik siya to think na malapit lang pala ang station sa Plaza.

Jaxon didn't listen to my plea. Diretso niya akong hinatid sa tattoo parlor.

"Here, lunch mo."

Hindi ko agad tinanggap ang nilahad niyang paperbag laman ang sobra na mga pagkain namin kanina. Hindi naman pwedeng tanggap lang ako nang tanggap nito. I haven't even given him something.

Marahil nabasa niya ang nasa isip ko na nagsanhi ng kanyang buntong hininga. Kinuha niya ang aking kamay upang hawakan ang paperbag.

"This is not to make you a charity case, Vin. We're friends. We care for each other, right?" Bahagya siyang nakayuko habang tinataasan ako ng isang kilay.

Hinawakan ko sa isa kong kamay ang bag at inalis ang isa na binabalot ng kamay niya. "Salamat."

Bubuksan ko n asana ang pinto upang makababa nang pigilan ako ng salita niya.

"Oh, wait. Number mo ba iyong ginamit mo noong nagtext ka sa 'kin the day I played your request?"

Bigla akong inatake ng ilang sa naging tanong niya. I wonder kung ano ang naramdaman niya noong tinext ko iyon. Dapat ba talaga iyong ikailang?

Just imagine if I don't like him. Siguro hindi ako makakaramdam nang ganito. Awkwardness would just be a flying bird that didn't hang out in my head, imbes ay lalagpasan lang ako nito.

"Oo..." kunwaring confident kong sabi.

Kinuha niya ang kanyang phone malapit sa gear at nakangiting pinakita sa 'kin. "I already saved it."

Of course you do, Jaxon.

"Salamat sa paghatid," mahina kong sabi. May kaunting hiya pang kasama iyon.

"Anytime..."

Lihim akong napangiti habang binubuksan ang pinto at lumabas. Pumagilid ako at pinanood ang pag-alis niya. Tatlong beses siyang bumusina bago tuluyang sumibad.

Somehow, gumaan ang pakiramdam ko sa kabila ng nangyari kaninang umaga. Jaxon's company kept me at ease. Maybe that would be one convenience of having this friendship with him.

Dinungaw ko ang aking relo at natunghayan lamang na hindi na ito gumagana. Tatlong beses ko itong tinapik pero wala na talaga. Matatagalan pa bago ako makabili ng bagong relo.

Sa cellphone ko na lang tinignan ang oras. Lagpas alas dose na. Alas dos ang pasok ni Jaxon sa station. Sana hindi siya ma-late.

Tinext ko si Charlie na nagbukas ako ng tattoo parlor. May kanya-kanya naman kaming susi dahil minsan makakalimutin si Charlie. Ilang beses na niyang name-misplace ang mga susi ng tattoo parlor kaya naisipan ni Angelov na pagawan kami ng susi isa-isa.

Nagtungo ako sa counter at nilapag ang aking bag. Binuksan ko ang tanging computer doon. Maliban sa trabaho, ginagamit ko ito sa paggawa ng designs at mga assignments ko dahil wala akong sariling computer. Makakalibre pa ako rito.

Kinain ko ang binigay na lunch ni Jaxon habang gumagawa ng design para sa isang website. Just to pass the time, ganito ang ginagawa ko kapag hindi ko feel mag-sketch.

Dinungaw ko ang 'Ok' reply ni Charlie sa phone saka ko binalikan ang design. Nang matapos ay binisita ko ang social media account ng tattoo parlor since wala akong sariling account. Minsan ako ang nagrereply sa mga inquiries at ilang mga mensahe na karamihan ay galing sa mga babaeng hinihingi ang number ni Angelov.

Pero number ni Charlie ang binibigay ko, kaya kadalasan siyang naiinis dahil binabaha ang kanyang inbox. Para na rin maka-move on na siya sa ancient na pag-ibig niya kay Tori. Wala na siyang pag-asa sa kanya!

"Ano ba kasing kailangan nila, Lov? Hindi tayo miyembro ng kalaban nila kung makapaghamon naman sila ng away."

Nagising ako sa iritadong boses ni Charlie sabay sara ng pinto at ingay ng chimes. Nito ko lang namalayan na nakatulog pala ako pagkatapos kong kumain at mag-internet.

Umikot ang iritado ring si Angelov sa counter at sinilid ang bag sa ilalim ng drawer. Napaayos ako ng upo at nilisan ang antok, naging interesado bigla sa usapan nila.

"Kita kasi nila tayong kasa-kasama nina Lemuel. Eh kaaway nila iyon! Nasipyatan tayo kaya tayo ang tinitira. Pambihira," iling niyang sabi, ginugulo ang kanyang buhok.

Umupo si Charlie sa bench. Kung mag-usap sila ay parang wala ako rito, hindi man lang ako pinansin.

"Ipaalam mo kay Lemuel. Hindi naman pwedeng madamay tayo sa away nila. Tayo pa mapuruhan diyan," ani ni Charlie.

Humilig si Angelov sa counter saka binaon ang ulo sa kanyang mga kamay, mukhang problemado.

"Sa motor kasi iyan eh. Gago ng mga miyembro nila ayaw tumanggap ng pagkatalo. Pag sila nanalo hindi na maghahamon iyan."

"Edi magpatalo sila."

Tinaliman ng tingin ni Angelov si Charlie."Kilala mo si Lemuel. Papatay iyon para lang manalo."

Kinabahan ako sa pag-uusap nila lalo na sa malamig at may bantang tono ni Angelov kaya sumingit na ako.

"Ano ba iyang pinag-uusapan niyo?" pagod kong tanong. Inalala kong huwag hawakan ang apektado kong pisngi. Pinunasan ko sa aking shirt ang kabilang pisngi kong namamawis.

Doon pa lamang nila ako nilingon. Nice! Sana pala kanina pa ako nagsalita!

Iling na nag-iwas tingin si Angelov. "Inatake kami ng kaaway nila Lemuel kanina sa gang. May race ulit mamaya sa bridge." Muli niya akong nilingon. "Sama ka?"

"Anong oras?"

"Eleven thirty raw..." kumunot ang noo niya nang dumapo ang paningin sa 'king pisngi.

Shit. Nakalimutan kong mag-reapply ng foundation!

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong niya.

Tumayo si Charlie at nagtungo sa harap ng counter, naging interesado sa usisa ni Angelov.

Nagbaba ako ng tingin at kunwaring may ite-text sa cellphone. Animo'y tinapunan ng yelo ang aking tiyan. "Nahulog ako galing sa kama."

Madilim siyang tumawa na parang may naungkat na lihim. "Bullshit. Sinasaktan ka ng mama mo."

Nilingon ko siya, hindi pinahalata ang aking kaba. Hindi iyon tanong kung 'di isang pahayag mismo. Hindi maaaring alam niya. Wala akong pinagsasabihan!

Ilang beses tinatapik ni Angelov ang mga daliri niya sa countertop bago umayos ng tayo at hinarap ako. Nakasandal ang baywang niya sa counter.

May panunuri at inis sa kanyang tingin. Halos hindi ko ito matagpo at nang bumaling kay Charlie ay ganoon din ang reaksyon niya katulad ng kay Angelov.

Mukhang ang laki ng kasalanan ko sa kanila kung makatingin naman sila nang ganyan.

"Kahit hindi mo sabihin, alam namin. Hindi kami bobo, Davina."

Ngayon ay hindi na talaga ako makatingin sa kanila nang diretso. They knew...they knew all along. Bayolente ang naging paghinga ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinaglalaruan ang keypad ng aking cellphone.

"Hinintay naming umamin ka, pero wala..." sabi ni Charlie. Mas malamyos ang tono niya kumpara sa marahas na pananalita ni Angelov.

"Ba't 'di mo layasan?" tanong ni Lov.

May pagod sa hangin na pinakawalan ko. "Mama ko siya, may responsibilidad pa rin ako sa kanya."

"Naging responsable ba siya sa 'yo?" sabat ni Charlie. "Hindi 'di ba? Mas pinag-aaral ka pa nga nung nagpapadala sa 'yo ng pera."

"Pero hindi naman ibig sabihin na dapat ko na siyang iwan. Ikaw nga hindi ka lumayas sa inyo, inaapi ka rin naman ng mga kapatid at madrasta mo."

"Atleast nandiyan si papa na kakampi ko. Sa'yo Davina, sinong kakampi mo sa bahay?" may paghahamon niyang tanong.

Doon na ako nanahimik. Wala akong maisagot dahil wala naman talaga akong nagiging kakampi sa tuwing ginagawa iyon ni mama. Sarili ko lang at tanging tagapagtanggol ko.

Pumalatak si Angelov at tamad na sumenyas. Hinila niya ang sarili sa pagkakasandal sa counter.

"Sige na, sige na...huwag na nating pilitin. Basta nandito lang kami. Tumawag ka lang." Isang beses niya akong tinapik sa balikat bago pumasok sa workroom niya.

Naiwan kami ni Charlie na may ngiwing tinitigan ang aking pasa. Umiling siya at mas ngumiwi pa bago umalis at nagtungo sa cr.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ngayong may alam na sila tungkol rito. Wala naman sigurong magbabago sa trato nila s a'kin dahil kung noon pa lang pala nila alam, noon ko pa mararamdamn na may iba sa tratuhan namin. Well I'm just glad that they understand kung bakit hindi ko sinabi sa kanila. Kung sila rin naman siguro sa sitwasiyon ko ay ganoon rin ang gagawin. Because I know people like us, we leave our problems at home.

But I can't let the whole world know. Pare-parehas lang naman ang sasabihin nila at mapapagod akong pakinggan ang sasabihin nilang iwan ko na si mama. Hindi mangyayari iyon.

Unless kung ako ang iwan niya, which she basically did already dahil parang ang layo na niya sa 'kin.

Kinagabihan ay umangkas ako sa likod ng motor ni Charlie. Nasa kabilang motor si Angelov na umaangkas sa isa sa mga miyembro ni Lemuel sa frat.

Wala ako masyadong alam sa pinagsamahan nila. Magkaibigan na kasi ang mga 'yan bago pa ako dumating. Ang alam ko lang, nasa frat si Lemuel at ni-recruit sina Angelov at Charlie ngunit tinanggihan nila. Nanatili pa rin naman silang magkaibigan sa kabila noon.

Payapa na ang kalsada ngayong magha-hatinggabi na. Mukhang uulan ulit dahil sa mga kulog at kapal ng ulap. Malamig ang hangin na sumusuot sa balat ko sa katamtamang pagpapatakbo ni Charlie ng motor.

"Tutuloy pa ba kayo? Uulan yata!" Sigaw ko sa gitna ng ingay ng mga makina.

Ang lakas magpatakbo ng inangkasan ni Angelov! Wala pa naman kami sa racing. Excited masyado si kuya, nag-warm up agad.

"Tuloy 'yan. Basta sila Lemuel hindi pwedeng ma-delay kahit lumindol pa!" sigaw pabalik ni Charlie.

Mabilis kaming nakarating sa bridge dahil tuloy-tuloy lang ang aming biyahe. Sinuklay ng mga daliri ko ang nagulo kong buhok nang bumaba sa motor. Marami nang nauna sa amin at pinarada ang mga motor nila sa gilid. May ngilan rin akong nakikitang mga lalakeng may nakalingkis na mga braso galing sa mga girlfriends nila, or...maybe flavor of the week.

Pumagilid ako at pinanood pag-parada ng maayos ni Charlie sa motor.

"Oy, Charlie! Kayo na?"

Tanong ng lalakeng papunta sa direksyon namin. Umaasa ang kanyang ngisi habang tinitignan kami pareho.

Humalakhak si Charlie. "Gago hindi! Umangkas lang sa 'kin, naging kami agad?"

Sumabay ako sa tawanan nila. Ilang beses na rin akong nakadalo sa mga ganito ngunit bilang manonood lamang. Hindi naman ako pinipilit nila Charlie, pinipigilan pa nga ako dahil may ibang mga narito na nakahithit, delikado raw. Hindi naman ako takot at ako pa ang nagpumilit sumama.

"Musta, Davina?"

Isang magaspang na boses ang bumulong sa tenga ko mula sa likod. It's Rex, naka-fling ko one time pero hiniwalayan ko rin. He's too touchy and I became uncomfortable.

"Ayos lang," balewala kong sabi.

Bumaling ako sa mga ilaw na nagkalat sa siyudad. Night lights from the southern part of Cebu then to the night lights from the northern part. Nagiging shortcut rin itong bridge papunta sa Mactan airport. Galing rito ay kita ko ang kakalipad pa lang na eroplano.

Seeing all of these brings a weird sense of nostalgia to me. Ganon yata siguro kapag madaling araw, o baka pakiramdam ko lang ito.

"Saan ka pagkatapos nito?" Mas dumikit pa si Rex sa 'kin. Amoy sigarliyo siya na hinaluan ng alak.

Bahagya akong umusog upang hindi niya mahalatang nilalayuan ko siya. He's sort of hot-tempered.

"Uuwi," maikling kong sabi.

"Uuwi?" Tumawa siya, like that idea is ridiculous to him. "Pwede namang mag-hang out."

I know what he meant by 'hang-out'. He's been insinuating for it but I never gave in.

Taas-kilay ko siyang nilingon. "Iba rin trip mo, e. Nakahithit ka yata."

Lumala ang tawa niya. Inabutan niya ako ng beer in can. Tinignan ko muna kung sarado ito, hindi ko tatanggapin kung nakabukas dahil baka may nilagay pa siyang gamot. The last thing I want to happen to me is to get roofied.

"Vin."

Nilingon ko ang pagtawag ni Charlie. Matalim ang tingin niya sa hawak kong beer. Inalog ko ito sabay iling upang ipaalam sa kanyang sarado ito at safe inumin.

Bumuntong hininga siya at tumango saka bumaling na sa kausap.

Inakbayan ako ni Rex at giniya sa kanyang Hi-lux. Sumandal kami roon habang tumutungga sa aming mga beers.

Nahagip ko ang tumatakbong babae sa direksyon ni Angelov at sumaklang agad rito. Angelov carried her and kissed her deeply. I could even hear the girl moan! Umani iyon ng hiyawan galing sa amin.

"Mamaya na 'yan!" May sumigaw galing sa kabila.

"Ang tinik talaga ng lalakeng 'to. Nakakababa ng self-esteem!"

Natawa ako sa isinigaw ni Charlie. Katabi niya si Lemuel na naka-brown leather jacket na ngisi ring pinagmamasdan ang lambingan ni Angelov at ng pang-isang linggong babae niya.

"Chicks, ganda ng binti. Ang puti," komento ni Rex sa tabi ko. Hinuhubaran na niya sa tingin ang babae habang iniikot-ikot ang kanyang beer in can.

Maganda naman talaga ang babae, si Angelov pa ba?

"Maybe your friend could loan her to me."

Bahagyang gulat kong nilingon si Rex. "Loan? Ilo-loan na pala ang mga babae ngayon."

Sa susunod ano? Isasanla na?

Gusto kong intindihin. I've been living with a lot of boys surrounding me and I hear their stories but I still could never get to the main point understanding their needs of these girls. Nabubusog ba sila kapag napupunan na ang tawag ng laman? Is it really their nature as a man? May iba namang lalake na hindi ganoon.

Nag-gather na ang mga kalahok sa race. Anim na mga motor ang nakahanay at isa na roon ang kay Lemuel. Dito sa side namin ay ang kampi sa kanya, sa kabila ay sa kalaban niya.

Kasali rito sina Angelov dahil pumusta sila. Mas malaki ang makukuha nila kung mananalo ulit sina Lemuel dahil rematch na ito. Iyon lang, baka maghamon na naman ng away ang kabila dahil hindi matanggap ang pagkatalo.

Hinding-hindi nga talaga tayo nakukuntento hangga't sa buhay tayo. We always crave for power. Pero ako, isa lang naman ang gusto ko. Ang makuntento sa kung anong meron ako. In that way, hindi na ako maghahangad nang sobra. Hindi na ako mababahala na hindi ko nakukuha ang gusto ko.

As long as I'm contented, I will never be anxious. But in my current state, the evidence presents otherwise.

For me, all we really want in this world is contentment. Kahit wala ang lahat sa 'yo basta kuntento ka lang, okay na. Kasi wala ka nang hinahanap.

Unlike me who is always anxious na pakiramdam ko kulang pa rin. Kahit pag-aari ko pa yata ang buong mundo pakiramdam ko ay may kulang. Hindi sapat ang mundo sa kung ano man ang bagay na hinahangad ko ngayon para lang makuntento.

Contentment. At iyong pakiramdam na hindi ka mababahala kinabukasan dahil, kuntento ka na. So what if there's no tomorrow? I'm happy. I'm content.

In contentment, there's happiness. But sometimes in happiness, there's no contentment. Because, see? We can always fake happiness.

Hindi agad nagsimula ang race. Kaya habang naghihintay ay panay rin ang abot sa akin ni Rex ng inumin. Nakailang beer na ako bago binaba ang flag ng isang babaeng halos gawin nang panty ang shorts.

Sabay ang matulin nilang pagpapatakbo ng motor animo'y mga bangaw na dumaan sa mukha ko. Hindi ko nahahalata kung sino ang nauna sa kanila.

Nagtungo ang karamihan sa gitna ng bridge upang tanawin ang mga lumalayong motor. Nanatili lamang ako rito sa gilid at umiinom. Medyo nahihilo na rin ako at nararamdaman na ang epekto ng alak sa aking sistema.

Tumunog ang cellphone sa aking bag. Nanghihina ko itong kinuha saka dinungaw ang text.

Where r u?

Malabo ang pagkakabasa ko. Dumidiin ang hilo kapag pinipilit kong basahin at intindihin ang ilan pang mga mensahe na parehas lang ang laman.

Inis kong hinampas ang aking phone sa tiyan ni Rex kaya nahinto ang kanyang pakikipagtawanan sa kaibigan. Muntik na niyang mabuga ang ininom dahil sa ginawa ko.

"Anong problema mo?" iritado niyang tanong. Umubo siya at nagpunas ng bibig.

"Ikaw na mag-reply, ang sakit sa mata basahin." Hinihila ko na ang aking mga salita sa pagiging tipsy ko.

Kinuha niya ang cellphone. "Sino ba 'to?"

"Ewan, replayan mo nalang." Tumungga muli ako ng beer habang tinatanaw ang bahagi ng barko na sumisilip sa kabilang side ng bridge.

Pabagsak akong umupo sa semento at sinandal ang aking ulo sa sasakyan, dinadama ang paglutang ng hilo sa aking ulo. Sa muli kong pagtungga ay ang pagragasa ng likido sa aking dugo ang dinadama ko habang nakikinig sa pagtitipa ni Rex.

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay roon ang aking phone. "Sabi ko nasa Cansaga bridge ka."

Tanging tango ang nagawa ko. Sunod kong namalayan ay ang mga hiyawan nila. I guess we won, dahil sa side namin ang may pinakamalakas na hiyaw.

"Whooh...!"

Ito ang sunod kong namalayan at mga halakhakan. Hindi ko alam kung paano nangyaring kinakarga na ako nina Charlie at Angelov. Nakatukod ang aking mga kamay sa balikat nila kaya nadadala nila ako sa kanilang pagtakbo.

Sa mga pinaglingkis nilang mga braso ako umupo at hindi tumatama ang paa ko sa lupa. I could smell beer from them kaya paniguradong nakainom din sila.

"Kabilin-bilinan ng lola! Huwag uminom ng serbesa! Ngunit ngayon ako'y matanda na, lola pahingi ng pantoma...!" kanta ko.

Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita kong kami na lang ang narito. Wala na ang mga motor pero may bakas pa rin ng kanina dahil sa mga nagkalat na basura.

"Sabi ng lasenggo sa amin, 'Pare! Shumat ka muna!'" sabay naming bulalas habang tumatakbo sila at dinadala nila ako.

Binagsak nila ako sa basurahan! Na-stuck ang pwet ko sa bunganga ng basurahan at hindi ako makaalis! Lumala ang tawanan namin.

"Diyan ka na, Vin? Bye! Una na kami!" panunuya ni Charlie.

"I-lock niyo ang pinto pagdating niyo ha?" sabi kong may kasamang hagikhik. I blame this on the alcohol.

"Ayaw talagang umalis," tawa ni Angelov.

Nakayuko na ako sa sobrang pagaan ng aking ulo. Humahagikhik, natutuwa sa nangyayaring pagkaka-stuck ko rito sa basurahan. Hindi ako makaalis! Tumatawa ako sa tuwing sinusubukan ko.

Napaigik ako nang may maramdaman. Parang kiti-kiti akong pilit inaalis ang sarili sa basurahan.

"Aray, may langgam! Kunin niyo na ako! Ang kati pinasok ang pwet ko!" sigaw ko.

Pilit kong inaabot sa kanila ang aking mga kamay na parang nagpapakarga. Ang kati talaga gusto ko nang kamutin!

Lutong na lutong ang tawa ni Charlemagne na nakahawak na sa kanyang tiyan. "Tanginaaa..."

Pumapalakpak si Angelov na nakahiga na sa daan at halos gumulong na sa kakatawa. Malaki siguro ang nakuha nila dahil sila ang panalo sa pustahan.

May beer bottle siyang katabi. Inabot ko ang isang kamay habang kinakawag ang aking mga paa. Kinuha ni Charlie ang bote at binigay sa 'kin. Tumalikod siya at bumalik sa pinagpwestuhan niya kanina.

What the— hindi man lang naisipang ibaba ako sa basurahan?

Ininom ko na lang ang beer ni Angelov. Napangiwi ako sa lamig at tapang. Iba ang lasa nito sa ininom ko kanina.

"Kunin mo na ako rito, Charlie, ang kati na talaga..."

Tawa ang isinagot ng dalawa. Umupo si Charlie sa tabi ni Angelov na nakahiga pa rin sa daan at mukhang tulog, nakatakip sa noo ang isa niyang braso.

"Hindi ka raw nagbayad sa jeep?" magaspang ang boses ni Angelov nang magtanong.

May kinapa siya sa gilid. Alisto siyang napaupo at tarantang hinanap ang beer niyang nasa mga kamay ko. Lihim akong humahagikhik habang tinatago ang bote sa loob ng aking shirt.

"Hindi. Hindi naman alam ng driver."

"Ang sama mong impluwensya," ani ni Charlie.

Pinandilatan ko siya. "Ba't ikaw? Bakit mo na-perfect ang quiz? Pinagyabang mo pa iyon!"

Hindi siya sumagot.

"Kasi, nangopya ka!" sabi ko sa kanya. Lalong hindi siya makapagsalita.

"Nasaan ang beer ko?"

Tuluyan nang tumayo si Angelov at inis na nagkamot sa buhok. Nagpaikot-ikot lang siya sa kinatatayaun niya, inaasahan yatang sa isang ikot niya ay magpakita bigla ang kanyang beer.

Kapwa kami nanahimik ni Charlie.

"Hoy Charliemagno, beer ko?" Kinalabit ni Lov ang ulo ni Charlie.

"Malay ko. Katabi mo lang iyon, a?" maang-maangan ng isa.

Tinukod ko ang mga braso sa aking hita. Unti-unti kong nilingon si Angelov na may pagdududa akong tinitigan. Mas dumilim ang mukha niya dahil may kalayuan kami sa mga streetlamps. Gulong-gulo ang buhok niya sa frustration.

"O? paano ko makukuha eh na-stuck ang pwet ko rito?" katwiran ko saka pumalumbaba.

"Puta, nasaan na 'yon?"

Pinagtawanan namin ang marahas niyang pagmumura. Si Charlie na ngayon ang humihiga sa daan at mukhang baby na kinikiliti.

Naputol ang panandalian naming kasiyahan sa pagdating ng isang pamilyar na puting kotse. Pumarada ito sa sidewalk na kinatatayuan ng malaking basurahang inuupuan ko.

Bumukas ang pinto at niluwa si Jaxon na nakadikit na ang pagtataka sa kanyang mukha.

Pero hindi maaalis doon na parang gusto niyang tumawa sa nakitang kinahihingatngan ko.

Iba na ang suot niya, wala nang mantsa ngunit isa pa rin itong Henley shirt sa kulay white. Ang hilig niya sa Henley shirts.

Sumipol si Angelov.

"O, mahal na prinsesa! Nandiyan na ang prinisipe mo sakay ang puting Tesla!"

"Jaxon!" masigla kong sigaw.

Gawa na rin ng pagiging tipsy sa alak, ang mga bagay na hindi ko magawa kapag normal ako ay nagagawa ko ngayon.

May pagmamadali sa kanyang paglalakad papunta rito sa basurahan. Hindi ko alam kung paano bigla na lang ako nilayasan ng hilo.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya nang huminto siya sa aking harapan.

Sa paraan ng pagtatanong niya, parang pilit niyang iniintindi kung paano nakakalakad ang mga isda. They can't walk, they swim!

Humagikhik ako, natutuwa sa kanyang reaksyon. Kinakawag ko ang aking mga paa at inabot ang mga kamay ko sa kanya. Tawang-tawa sina Charlie at Angelov sa kinikilos ko.

"Kunin mo na ako mahal na prinisipe at umalis na tayo rito! Ayaw nila akong alisin sa basurahan na ito!"

Parang hindi alam ni Jaxon kung pagtatawanan niya ako o magseseryoso. Kalauna'y gumapang ang ngisi niya habang kinakagat ang kanyang ibabang labi, pinipigilang matawa.

"Ang kati na nang pwet ko...nilalanggam..." paawa kong sabi.

Nilingon ko ang halos hindi na makahingang si Angelov. Naka-bend siya sa gilid ng bridge at nanginginig ang balikat sa labis na pagtawa habang hinahampas ang semento.

"Come on, Vin, I'll help you..." Natatawang sabi ni Jaxon, hindi na napigilan. Pero ang halong malamyos niyang boses ang nagpapalambot din sa puso ko.

Kinuha ko ang bote ng beer sa loob ng shirt ko saka pinulupot ang aking mga braso sa leeg niya. His scent is making its way into my olfactory nerves. Nilanghap ko ang kanyang bango at siniksik ang aking mukha sa kanyang shirt upang mas damhin pa ito. Umugong ang baritono niyang boses sa dibdib sa ginawang bahagya na pagtawa.

Nasa ilalim ng tuhod at likod ko ang kanyang mga kamay. Mabilis niya akong naalis sa basurahan. Masigla akong nagdiwang nang naramdaman ko na ang semento. Tumatalon pa ako at tinaas ang beer ni Angelov bago ito inubos.

Binalik ko ang bote sa kung saan ito kinuha ni Charlie. Tulog na siya.

"Bye! Uwi na kami!" paalam ko sa kanila habang inaalayan ako ni Jax. Bigla na lang kasi akong natutumba.

"Sige lang..." sagot ni Angelov, hindi ko na hinintay na makita niya ang beer niya at pumasok na ako sa kotse.

Dinarama ko ang ginhawa nang makasandal na ang aking likod sa backrest. Naamoy ko ang alak sa ginawa kong pagdighay. Ramdam ko rin ang halos paglabas muli ng laman ng tiyan ko sa aking lalamunan.

Pumalo ang aking hilo nang hinarap ko si Jaxon. Sa namumungay kong mga mata ay walang hiya ko siyang tinitigan.

"You always find me in my most embarrassing moments, Jax..." pumipikit-pikit kong sabi.

Nasalo ko ang pagsulyap niya sa 'kin. He's smiling down at me, naaaliw yata sa ka-tipsy-han ko.

"Paano mo alam na nandoon ako sa bridge?" tuluyan na akong pumikit, nanghihina at inaantok.

"I texted you..."

Inalala ko ang natanggap kong message kanina. That was more than one message with the same content. Siya pala iyon?

"Oh...Okay!" antok akong napahagikhik, nasiyahan sa nalaman.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro