Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EIGHT

Malakas ang buhos ng ulan sa labas. Tinitigan ko ang wiper ng kotse ni Jaxon na walang kapaguran sa paghawi ng mga patak. Tila rin nilulusob ang kotse ng temperatura ng ulan dahil sa kalamigan dito.

Nag-iingay ang wrapper ng chippy na kinakain ni Charlie pati na ang malutong niyang pag-nguya, hindi na niya natiis ang gutom. Abala naman si Angelov sa pagpuri sa sasakyan ni Jaxon lalo na sa stereo na pinapatugtog ang mga kanta ng paborito naming banda.

'Cause it's too cold

For you here and now

So let me hold

Both your hands in the holes of my sweater

"Magkano bili mo rito, bro?" 'Di pa tapos si Angelov sa pang-uusisa niya tungkol sa kotse.

"Huwag mo nang alamin. Malulula ka lang," sabi ni Charlie kasunod ang pagsubo ng chippy.

Nangangamoy chippy na tuloy ang buong kotse. Nakakahiya na kay Jaxon.

"Isang milyon ba?" patuloy ni Angelov.

Sumulyap si Jax sa rearview mirror. "Lagpas pa."

Hindi na ako nagtaka na afford niya. Binayaran ba naman niya ang tuition ko.

Hindi na naka-imik si Angelov. Nilingon ko siya at nakita ang kabiguan sa kanyang mukha habang nakatitig sa stereo, para bang nanlulumo siya sa dami ng kanyang utang.

" 'Yan! Tinanong mo pa. 'Edi na-dissappoint ka? Akala mo affordable sa 'yo noh?" sermon ni Charlie sa kanya.

Binalikan ko ang pagtingin sa labas ng bintana. Malapit na kami sa eskinita na papunta sa bahay namin. Inisip ko si mama kung nakauwi na ba siya o kung nakakain na.

At weird man pero naisip ko kung tapos na ba siyang humithit at kung sino ang kasama niyang nag-pot session ngayon.

We really can't help but think about the people that wronged us. Ano man ang nagawa nilang mali sa 'yo, hindi ko maintindihan kung bakit iniisip pa rin natin ang kapakanan nila. Bakit nalulungkot pa rin tayo kung may masamang nangyayari sa kanila?

Is this a part of myself compensating for the bad deeds I've done? Maybe so. Hindi naman natin nakokontrol ang mga ugali natin. But we can control our actions. We can manage our minds.

I don't get to often manage mine.

Naisip rin kaya ako ni mama? Pinagsisihan niya kaya ang mga nagawa niya sa 'kin? O nais pa ba niyang patuloy akong gawing kompetensiya niya at pagbintangan ako kung bakit wala si papa sa 'min ngayon.

Marami akong naiisip sa tuwing umuulan. It's like every raindrop is a thought that rains on my brain. Kaya sa pagbuhos ng ulan, bubuhos din ang mga iisipin ko.

But there's just something about the rain kung saan nakakaramdam ako ng kapayapaan. Nag-iiba ang mood ko. Nagiging kalmado ako. Maybe it's the comforting effect it brings. Huwag lang dalasan ang mga kulog at kidlat. It ruins the whole calming thing.

"Pwede ka namang bumili ng secondhand, less lang ang ihuhulog mo kada buwan," ani ni Jaxon.

Patuloy sila sa kanilang usapang kotse.

"Hmm, pero iba pa rin kapag sa kompanya ka bumili. Orig eh, astig." Dinadama ng mga kamay ni Angelov ang seat covering. "Ang gara talaga..."

Nilingon ko si Jaxon at nakita ang pagngiti niya. Hindi naman nagmamayabang na ngiti, I didn't take him as a brag. Mukha lang siyang naaaliw sa mga kasama ko.

Walang car freshner ang kotse niya, ngunit sumabog naman ito sa kanyang pabango. Kaya paglabas ko nito, amoy Jaxon ako.

Parang ayaw ko na tuloy labhan ang damit na suot ko ngayon. Ayaw ko na ring maligo.

Hinila ko paalis ang pagtitig sa kanya nang papasulyap siya sa 'kin. Kung bakit ba kasi ako nasa passenger's seat.

"Sa tattoo parlor ka matutulog, Vin? Lumagpas na tayo sa inyo," anunsiyo ni Charlie.

Tumanaw ako sa labas at nakumpirma ang sinabi niya. Lumagpas na kami sa palengke na may sakayan ng tricycle papunta sa 'min.

"Una ko kayong ihahatid, tapos siya." Si Jaxon na ang nag-deklara sa kanila bago pa ako makapag-isip ng sasabihin.

Ramdam ko ang mga paningin ng dalawa na tumutusok sa likod ng ulo ko.

"Ahh...okay! Mabuti iyan. Mabuti." May nahimigan akong pang-aasar sa likod ng tono ni Charlie.

Kung 'di ko lang 'to kaibigan kanina ko pa siya hinulog sa daan.

"Bayaran mo si Jaxon, Charliemagno. 'Yang kinain mong chippy siya ang nagbayad," strikta kong sabi, hindi inaalis ang tingin sa labas.

Mas lalo pa yatang lumakas ang ulan banda rito sa lugar namin.

"Huwag na. Okay lang," puno ng konsiderasyon ang tono ni Jaxon.

"Okay lang daw, Vin," parang batang sumbong sa 'kin ni Charlie.

Salubong ang kilay kong nilingon si Jax na nakaharap sa daan. Naramdaman niya ang tingin ko kaya lumingon siya. Marami akong gustong sabihin pero mamaya na kapag wala na ang dalawa.

Ngayon, umaayon na ako sa nais niyang ako ang huling ihatid. Pero kasi hindi naman magbubukas ng mga tanong at salita kung hindi niya ito ginagawa. Kaya sa huli ay binawi ko ang pagsang-ayon ko.

"Ikaw Lov, anong nakuha mo?" Kinuyumos na ni Charlie ang wrapper ng chippy at sinilid sa bag.

"Walong box ng condom."

Nabulunan si Charlemagne. Napaubo si Jaxon at kinuha ang tumbler niyang nasa gilid ng gear shift at uminom mula rito.

Napapikit ako't napasapo sa 'king mukha. Ako ang nahiya sa kanila! Guys, manners naman!

"Tangina. Aanhin mo naman 'yan, Lov!" halos paghihisterikal ni Charlie. "Ang daming tinda sa pharmacy, 'yan talaga kinuha mo? 'Di mo man lang naisipan na kumuha ng gamot para man lang sana sa mama mo!"

"Malamang! Ibebenta ko ulit para may pambili akong gamot."

Hindi ko mapigilan ang malutong kong paghagalpak. Sapo ko ang tiyan kong nangangalay na rin dahil sa gutom.

Nilingon ko ang dalawa. Nanginig ang balikat ni Charlie na tinatakpan ng dalawang kamay ang mukha. si Angelov ay nakatingin sa labas ng bintana, nakahalukiphip at nagpipigil ng tawa sa pag-kagat sa lip piercing niya.

Dinaanan ng paningin ko si Jaxon na nakanguso, pero halata ang paggapang ng ngiti sa labi nito, salungat sa pinapakita ng mga mata niyang sobrang focused sa daan.

Ganon nga talaga siguro dapat ka-metikuloso kapag nagda-drive. Siyempre, you'd be responsible for your passenger's safety. Kaya limitado lang ang mga salita ni Jaxon. It's more on the mind and motor skills.

Gusto ko pa man sanang matutong mag-drive, pero sa nakikita ko kay Jax ngayon, it needs a lot of focus, panay kasi ang tingin niya sa mga salamin. Seryoso ang mga mata niya. Panay pa ang kanyang kambyo.

Mukha namang madali lang mag-drive, o baka iyon lang ang sa tingin ko dahil pinagbabasehan ko ang pagmaneho sa bump car.

Unless gagawin kong bump car ang kotse niya. E 'di dagdag sa utang ko sa kanya kapag mabangga ko!

Kaya siguro bump car ang tawag dahil madali lang itong ibangga. Kaya iyon ang mas madaling imaneho.

In the end I concluded, hindi bagay sa 'kin ang mag-drive. I think a lot and over think a lot.

Tinuro ni Charlie ang natatanaw na naming subdivision nila. Unti-unting bumagal ang kotse hanggang sa tumapat ito sa harap ng tattoo parlor.

"Lamat bro!" isang beses tinapik ni Angelov ang balikat ni Jaxon bago bumaba. Tumango si Jax pati na sa pagpaalam ni Charlie.

Mukhang mas lumala pa yata ang pagbalot ng lamig sa pag-alis nila. O siguro, may kinalaman sa ilang na nararamdaman ko. Feel ko rin na nahahalata niya ang pag-iwas ko sa kanya.

Inadjust ko ang aircon upang ikumpirma kung ito nga ba ang nagpapalamig sa 'kin.

"Nilalamig ka ba?" May concern sa boses niya.

Imbes na manginig, mukhang natunaw pa yata ako. Ano ba, Davina! Kailan ka ba naging corny?

Hindi ako sumagot pero pinatay niya ang aircon. Niyayakap ko pa rin ang sarili ko. May lamig pa dala ng ulan sa labas.

Hinintay ni Jax na tumawid ang isang truck bago siya lumiko pabalik sa direksyon papunta sa 'min. Sa side mirror siya nakatingin kaya ginawa kong oportunidad ang pagsilip sa kanyang mukha na bumaba sa kanyang braso.

Nag-strain ang biceps niya na pilit kumakawala sa manggas ng kanyang white V-neck sa ginawang pagpapaikot sa steering wheel. The veins crawling on his attractive forearms are so blatant against the dim light.

Huminto ang tingin ko sa kamay niya na nahawakan ko na. I wish the steering wheel is my waist. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Gwyneth sa tuwing hinahawakan ni Jax ang baywang niya? O inaakbayan siya?

Makuntento ka nalang sa shake hands niyo, Davina.

"Galit ka ba sa 'kin?"

Umakyat muli ang paningin ko sa kanyang mukha. Animo'y may pumulupot na ahas sa tiyan ko sa naringgang lungkot sa boses niya. Para rin bang disappointed siya sa sarili.

Sinulyapan niya ako at marahil nakita ang nakaguhit na tanong sa mukha ko. Mabagal ang pagpapatakbo niya sa sasakyan.

"I thought we're friends. Kahapon lang ay okay tayo, a? Did I do something wrong?" dagdag tanong niya.

Ngayon lang ako nakaramdam ng guilt sa ginawa ko dahil sa tono ng pananalita ng kausap ko. Nagpapa-guilty yata 'tong si Jaxon, e.

Sinubukan kong pawiin ang bigat sa loob sa isang buntong hininga.

"Mali kasi 'to, Jax. Kung maging kayo man ni Gwyneth, tapos sasama-sama ka sa 'kin, ano sa tingin mo ang iisipin nila? Sa mata ng iba mali na ito. Kahit para sa 'tin ay pagkakaibigan lang, sa iba mali na ang klaseng pagkakaibigan na meron tayo. Bibigyan nila ng ibang kahulugan."

At marahil mabibigyan ko ng kahulugan ang pagiging mabait mo s a'kin lalo na't gusto kita.

"Hinahatid mo pa ako. O, anong iisipin ng iba? Na nilandi kita? Na may nililigawan kang iba? Okay lang sana kung magbarkada tayo."

Pero kahit magbarkada tayo hindi pa rin yata pwede. Same lang ang kinalalabasan.

"Why does this have to come into question, Vin? Do you care that much on what other people say?" ganting tanong niya.

"Hindi. Pero iba naman kasi 'to, Jax! Okay lang kung ako ang huhusgahan. Pero involve ka, so kasali ka sa mga paparatangan nila. Kakawaan nila si Gywneth. Masama ka sa paningin ng iba kahit hindi naman."

"I don't care about what they say. I can do whatever I want. And besides, nagpapahatid din naman si Gwyneth sa kaklase niyang lalake."

Nganga ko siyang nilingon, medyo nagulat sa nalaman.

"So ano pala ang meron sa inyo? Open relationship. Hay nako, ako ang nababaliw sa inyo." Frustrated kong hinawi ang aking buhok "Masasayang ang apat na taon na pagpupursige mo sa kanya. Ba't kasi hindi ka pa tumigil? 'Yon, pwede tayong maging magkaibigan kung wala ka lang nililigawan."

At okay lang sa kanyang nagpapahatid si Gywneth sa ibang lalake? Hindi siya nagseselos? Aba'y boyfriend material nga!

Pero para sa 'kin, mas gusto ko pa rin 'yong seloso.

"It's her call. Hindi naman niya ako pinapahinto sa panliligaw sa kanya."

Nainis ako bigla kay Gwyneth kahit hindi ko siya ganoon ka kilala.

"At siya pa ang magdedesisyon para sa 'yo? You make your decision, Jax. Kung ayaw mo na, bumitaw ka. Huwag mong pilitin. Huwag kang magpadikta sa iba. Buhay mo 'yan." Sinigurado kong nahihimigan niya ang iritasyon sa 'king tono.

Lumambot ang ekspresyon niya. "That's my decision. I'll keep on pursuing her."

Ouch. Ang sakit, a.

Kahit magkano ang ibayad niya sa mga pinupuslit ko sa pharmacy, hindi nito mapapagaan ang bigat sa loob ko. Hindi nadadaan sa pera ang kaligayahan ko. Walang bayad. My pain is priceless. And bottomless.

Ang bagal naman niyang magpatakbo. Gusto ko nang makawala sa sasakyang 'to!

" E 'di hindi tayo pwede maging magkaibigan," sabi ko.

But this issue is still a moot point.

May bahid nang inis ang pinakawalan niyang buntong hininga. Ginulo niya ang kanyang buhok dahilan upang nanayo ang ilang makapal nitong hibla.

"Vin, there's no need to think about a deeper logic or rationalization on why can't we be friends. Ewan ko pero, gusto kita maging kaibigan. 'Di pa pwedeng iyon lang ang rason?"

Hindi! Imposibleng walang rason! Lahat ng pangyayari may dahilan.

Kung ako man ang nasa posisiyon mo, desperada akong makikipagkaibigan sa 'yo dahil gusto kita. Kung wala ka lang talagang nililigawan, e.

"I feel like I could trust you. I mean, I never had a bestfriend, and for me you're a bestfriend material," dagdag niya sa mas mahinahong boses.

You're a boyfriend material.

Napabuntomg hininga ako.

A guy and a girl can never be just friends most especially if there's already an attachment of feelings. Like is a feeling. A shallow feeling. If I swim in farther, gradual akong malulunod. I'll go intractably deep into the feeling we call love.

And it struck a different kind of fear in me. I'm scared of love and that entails its notorious inseparable company.

Labas sina Charlie at Angelov. I like them as friends. I don't know but, maybe there's this weird part of our DNA that's already been hardwired to choose for us on who to like and love. Hindi ako ang pumipili kung sino ang gugustuhin, aawayin at mamahlin ko. My system chose my friends for me to like and that's it. Hanggang doon lang.

Or maybe it's fate who decides. It could be that God has something to do with having these feelings towards someone. Kasi bakit 'yong iba nagmamahal sa maling tao kung may nakalaan naman palang tama para sa kanila? Why do people hurt for the wrong person? Would Jaxon be the wrong guy for me that would lead me to the right one? Would I take the risk of loving the wrong person?

Why can't we just learn from hurting because of a physical wound? Bakit kailangan nating matuto sa pagmamahal sa maling tao? 'Di ba pwedeng sa sugat sa tuhod lang?

I've known those two boys quite long enough since stepping on that tattoo parlor. At never nangyaring may attachment of feelings sa kanila maliban sa pagkakaibigan.

But with Jaxon, I feel like he'd be the first person that I'll fall in love with.

Who could blame me? He's the kind of guy whom you wish to have your babies!

Sa sobrang lakas ng atraksyon mo sa isang tao, tila ba nahuhulaan mo nang mamahlin mo siya. At takot kang magmahal sa dami ng mga rason; committed ka, may asawa, bawal, takot...pero hindi iyon napipigilan kaya sa huli ay nagkakasala tayo. Magkakasala ako.

I mean, may kasalanan na ako, madadagdagan nga lang.

Kina Charlie at Lov, hindi ko nahulaan na mamahalin ko sila na sobra pa sa pagiging kaibigan dahil walang atraksyon na nangyari.

I know some of my strengths and weakness and Jax would be my most intense weakness to date. He's my incoming kryptonite.

"Vin...?"

Nilingon ko ang pagtawag pansin niya sa 'kin, marahil pinagtaka ang pananahimik ko.

Binalik niya ang paningin sa daan pagkatapos akong sulyapan. "Where did you go, Vin?"

"Ha?" pinagtaka ko ang tanong niya. Nandito lang naman ako sa kotse. Nawala ba ako?

"Where did you go? Where did your mind go? Did I lose you? You seem to be musing on something, so I think I lost you."

Nagpilit ako ng ngisi saka bumaling sa bintana. Nakakapagod din pa lang mag-isip lalo na kung malayo na ang narating mo. Parang paa lang na napapagod sa paglalakad.

"You have to put up a lot of crap if you're being friends with me, Jaxon," mahina kong sabi.

I have an awful lot in me that you have to sustain; my attraction to you that burns in my blood, my own set of baggage with extra mood swings, and weirdness. Walang happy meal. Sorry.

Pinahinaan niya ang stereo upang mas marinig ako.

"I have dramatitis," sabi ko.

"Ano iyon?" tahimik niyang tanong ngunit kuryoso.

"It's a rare illness, especially to the likes of me. Maraming drama sa buhay. Hence, dramatitis."

Bahagya siyang tumawa. See? Kahit tawa niya nakakaakit! It's a bit raspy and baritoned.

"I like your weirdness." May ngiti sa kanyang salita.

Please don't. Don't go there, Jax! Don't say something you like about me kahit gaano pa ka-platonic 'yan. Baka umasa ako.

Masakit ang umasa lalo na't 'di ka sigurado kung may aasahan ka. Minsan kasi naghahangad tayo ng sobra kahit meron namang 'sapat lang'.

Tinuro ko ang daan papaliko sa amin. Mga limang minuto bago makarating sa harap ng isang daan na kailangan ko pang bakasin bago mapunta sa harap ng bahay namin.

Sa daan lang ako nagpahinto, hindi ko na pinadiretso sa loob. Baka nasa bahay si mama at kung ano pa ang gawin kay Jax. Bumaba na kami ng sasakyan.

"Where's your house?" Naglakbay ang paningin niya sa paligid. Wala masyadong kabahayan rito kung 'di mga puno lang. Malayo sa kabihasnan.

"Wala akong bahay."

Hindi makapaniwala niya akong tinigan, para bang tinubuan ako ng pakpak sa tenga.

Tumawa ako.

"Papasok pa roon." Turo ko sa bahay sa tuktok ng dirt trail.

Matiyaga siyang nakatayo sa harap ko at sa gilid ng kotse sa passenger's side. Nasa bulsa ang isang kamay habang hawak ang susi ng isa.

Hinding-hindi maaaring mabalewala ang tikas ng kanyang tindig, lalo na't matangkad siya.

"Gumagamit ng droga ang mama ko. Mahirap lang kami. Itong make-up ko? Bigay lang ng kaibigan ko 'to na may negosyo sa ibang bansa. Nakapag-aral ako dahil sa benefactor kong hindi ko kilala. Hindi ko alam kung kailan kita mababayaran o kung mababayaran pa ba kita dahil baka namulubi na iyong nagpapadala sa 'kin ng pera. Hindi mo ako katulad, Jax."

Kung ang sabihin ang mga ito ang tanging paraan para tumigil na siya, then I'll chance my arm on saying it all.

Seryoso niya akong tinitigan. "Hindi iyan makakapigil sa 'kin, Vin. What's wrong with being friends with you?"

"Bakit ba kasi gusto mong makipagkaibigan sa 'kin? Dahil sa utang ko? Takot kang takasan kita? Don't worry, hindi mangyayari iyon. Babayaran kita, kahit hulog piso, magbabayad ako."

Mukha siyang nainsulto sa sinabi ko.

"It's not that, Davina. Iyan ba ang tingin mo sa 'kin? Wala naman akong hinihinging kapalit. That's friendship, right?"

The longer I'll keep a friendship with you, the more I'll invest feelings that I'm sure won't let itself be controlled.

Pagod akong nag-iwas ng tingin. Mariin kong tinatakip ang mga kamay ko sa 'king mukha.

"Why, Vinnie...?" mausisa niyang tanong, mahinahon at malambot ang boses. "Why is it wrong to keep a friendship with you?"

Vinnie? So now he has already given me a nickname. I thought calling me 'Vin' is the extent of my moniker to everyone.

Tumingala ako, iniorganisa ang mga salita at inaasahan kong tutulungan ako ng mga bituin sa langit na kinikislapan ako ngayon.

Kung sasabihin ko sa kanya ang rason ko, maybe he'll stay away. Ayaw naman siguro niyang magtaksil sooner or later, di ba? Kung puputulin ko ang nais niyang pagkakaibigan bago pa ito masimulan, it would save us both from the heartache.

Umayos ako bago siya hinarap.

"Ganito 'yon Jax." Tumikhim muna ako. "May nililigawan ka. Kung magiging magkaibigan tayo, what if magkagustuhan tayo? O isa sa'tin ang magkagusto, 'e di makakasira 'yon sa relasyon niyo ng nililigawan mo. Gets?"

Bumitaw siya sa bulsa at humalukiphip sabay chill na sumandal sa kanyang kotse. Pinagkrus ang mga paa.

Naningkit ang mga mata niya. "So you like me?"

"No!" agaran kong tanggi.

Liar, Davina! Go to hell!

"Then what's your point?" Tumagilid ang kanyang ulo, nalilito.

"What if nga magkagustuhan tayo? Try to put yourself in my boots."

Tinignan niya ang boots ko. Aba, literal!

Nagbalik-tingin siya sa 'kin na angat na ang isang sulok ng kanyang labi.

"What if lang naman 'yan, Vin. 'What if's' fuck our brains out," katwiran niya.

But I like you! Especially that I heard you cussing. I like cussing Jax,too!

"Ughh!" Pikit mata kong isinigaw ang aking inis. Kuyom ang aking mga kamao.

Umikot ako't pinapadyak ang mga paa habang sinisigaw ang aking inis at frustration. Hindi kita kinaya Jaxon! Bakit ba napaka-pursigido mo?!

Sa muling pag-ikot ay hinarap ko na siya. Hinihingal pa ako ngunit kinaya kong humila ng lakas ng loob.

"Okay fine! I like you. What if I like you, Jaxon?"

Isang kilay niya ang umangat, mukhang hindi apektado sa pagta-tantrums ko. Nakaawang ang kanyang bibig, mukhang hindi inasahan ang sinabi ko.

"What if na naman? Tsaka sinasabi mo lang 'yan para layuan kita."

"No! I really like you. Like at first sight!" deklara ko. Pag-amin ko. My confession.

Dadaanin ko na sa kapal ng mukha. Makapal naman talaga mukha ko. Make-up pa lang.

Hinahaplos niya ang kanyang chin habang malalim na nag-isiip akong tinitignan.

Yes, Jaxon. Think about it. You're into getting my point now?

"W-well...that's a problem..."

"Exactly!" bulalas ko.

Huminto siya sa pag-haplos sa kanyang baba at bumalik sa pagkakahalukiphip. Matagal niya akong sinuri bago nagsalita.

Bigla siyang ngumisi. "At akala mo naman naniniwala ako sa sinabi mo na gusto mo ako?"

Namilog ang mga mata ko, bumagsak ang aking panga. What...

"Pu-tang-ina." Malutong kong mura sabay ikot at sabunot sa buhok ko.

Umalingawngaw ang halakhak ni Jaxon. Sa muli kong mga padyak at sigaw ay mas lumala lamang ang aliw niya.

"That's enough, Vin. Huwag mo na akong piliting palayuin sa 'yo. This conversation's enough. I had fun. Really," natatawa niyang sabi.

Labis na simangot ang tinapon ko sa kanya. Nanginig ang kanyang balikat sa tahimik niyang pagtawa, naaaliw sa pagmamaktol ko.

Hinila niya ang sarili paalis sa pagkakasandal sa sasakyan. Umaaligid ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Goodnight, Vinnie..."

Ganon pa rin ang pinta ng mukha ko. Nanuyo ang aking lalamunan at medyo humahapdi dahil sa pag-sigaw. Parang usok na ang ibinuga ng aking ilong sa aking bahagyang paghingal.

Ngumuso si Jaxon, may pagtataka sa nakakunot niyang noo. "No 'Goodnight Jax'?"

Bumaling ako sa ibang direksyon at kinamot ang makati kong ilong. "Goodnight, Jaxon."

Pinagtawanan niya ang kahinaan ng boses ko. Doon ko siya binalikan ng tingin nang nahimigan ko na ang pag-ikot niya sa sasakyan saka pumasok.

Dalawang beses siyang bumusina bago nagbaba ng bintana. Ngiti siyang kumaway na bahagya kong sinuklian, ngunit hindi ito nakapigil sa kanyang mas ngumisi pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro