TWO
CHAPTER TWO
"I love you goodbye ang peg niyo, ganon?" komento ng pinsan kong si Lavinia. Inabutan niya ako ng panibagong tissue upang ipangpunas saking luha at sipon.
Naiiyak kong kinuwento sa kanya ang nangyari habang ginugupitan ako ng buhok ni Ate Marijo, isang parloristang kapitbahay nina Lavinia na may straight at blonde na buhok.
"Okay lang yan inday, maganda ka naman. Makakahanap ka rin ng iba and I'm sure hindi ka nila tatanggihan sa beauty mo." sabi ni Ate Marijo o Ate Jo habang nilalagyan niya ng clip ang mga hibla ng aking buhok sa gilid.
"Mahirap nang makahanap ng isang tulad ng boy-I mean ex boyfreind niya Ate Jo, nasa kanya na ang lahat eh; looks to brains to abs to attitude. Mailap nga lang sa girls kasi loyal siya kay Amber." sabi ng pinsan ko na namimili ng magasin at hawak hawak pa rin ang tissue box.
"Isipin mo nalang na mahal na mahal ka ng ex mo at kapakanan niyo ang kanyang inisip kung bakit niya nagawang makipag break sayo."
"Ako ang nakipag break ate." malungkot kong sabi. Hindi man lang lumiit kahit konti ang pamumugto ng mata ko.
Kaming tatlo lang ang tao dito sa parlor ni Ate Jo kaya hindi ako nagdalawang isip na ilabas ang luha ko. Weekends nagdadagsaan ang kanyang mga customers na karamihan ay nagpapa rebond. Since lunes naman ngayon at takipsilim na, kami lang ang natatanging customer ni ate Jo.
"Oo, dahil sinabi niya. Pero siya ang nag initiate. O diba english yun, nasasabayan ko na rin kayo." Natatawang sabi niya na sinabayan ng tawa ni Lavinia.
Inis kong tinignan ang sarili sa salamin. Mas lalong naningkit ang mata ko dahil sa pamumugto. Si Lavinia nalang ang pinagtutuunan ko ng atensyon na ngayo'y sinusuri ang hair color menu. "Ate, magkano pakulay ng buhok?" tanong niya.
"Anong kulay ba gusto mo?"
"Violet." sagot ni Lavinia.
"Pwede ba yan sa course niyo?"
"Hindi. Pagkagraduate ko nalang balik ulit ako."
"Two hundred lang inday." may arteng sagot ni ate Jo.
"Tsk." nagkamot siya ng ulo "gusto ko na tuloy ngayon magpakulay."
Nakikinig lamang ako sa pagmamaktol ni Lavinia upang iliko ang pag iisip ko palayo sa nangyari kanina. Wala kaming pasok, kaugalian na yan pagkatapos ipagdiwang ang Sinulog. Hindi ako nakatulog at iyak lang ako ng iyak.
Ngayon ko lang napagtanto na mas masakit kapag maghiwalay kayo kahit mahal niyo pa ang isa't isa, kasi nasasayangan ka sa mga pagkakataon na dapat magkasama kayo ngunit hindi pwede, kesa sa pinagtaksilan ka, mananaig ang galit kesa sa sakit.
"Lagyan kita ng bangs, gusto mo? Magmumukha kang koreana." Suhestiyon ni ate Jo habang hinihimas ang mga hibla sa ibabaw ng aking noo.
"Koreana naman talaga siya ate." nagsalita si Lavinia bago pa ako makapagsimulang magsalita ng isang letra.
"O? kaya pala. Pure?" usisa niya.
Umiling ako "Yung papa ko half-Korean."
"So magkapatid ang mga nanay niyo?" turo niya samin ni Lavinia gamit ang gunting.
Sabay kaming tumango ng aking pinsan.
"Marunong ka bang magsalita ng korean? Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi sa mga koreanovela?"
"Hindi po. Matagal na ditong naninirahan si papa simula nung kinasal sila ni mama. Hindi pa nga po ako nakapunta sa korea eh. Yung kuya ko lang. Pero may alam ako konti. Basic lang." ani ko.
Binabasa niya ang hiblang walang clip. Gamit ng suklay na may maliit na ngipin, sinuklay niya ang basang hibla saka ekspertong ginugupitan. Dahil malapit lang saking tenga, rinig ko ang pagkamalumanay ng paggupit.
"Gwapo ang kuya niya ate tsaka single, may maiireto ka ba?" singit ni Lavinia. Kahit malaki ang ngisi niya, walang pinagbago ang hugis ng maliit niyang mukha.
"ilang taon ba yan? Ka edad ko ba?" interesadong tanong ni ate Jo.
"Hindi ate Jo, magiging sugar mommy ang dating mo. Bente kwatro pa lang ang kuya niya!" histerikan na reaksyon ni Lavinia.
"Ay wala eh. Gaano pa kagwapo?"
Malakas na sinara ni Lavinia ang makapal na magazine "Mga babae ang nanliligaw at nagpaparamdam. Pero tinatanggi naman ni kuya Ansel. Humble eh."
Ewan ko dun kay kuya. Ayaw pang aminin na maraming nagkakandarapa sa kanya. Napag-alaman kasing single.
"Sabihin niyo kamo maghihintay ako sa kanya."
Kunot noong nag-angat ng tingin si Lavinia galing sa pagkuha ng panibagong magazine sa shelf "Bakit ate? Humihinto ba edad mo?"
Bumulabog kami ng tawa ni Ate Jo. Kahit sa maikling sandali lang ay nakalimutan ko ang kalungkutan.
"Pero alam mo, ayokong banggitin ang buong pangalan ng kuya ni Amber. Nakakagutom." dagdag niya.
Tumawa ako. Yan ang unang sinabi niya noong sinabi ko sa kanya ang buong pangalan ni kuya.
"Bakit, ano bang pangalan niya?"
"Ansel Reese. Yung Ansel kasi parang hansel na biskwit, tapos yung Reese ay pangalan ng imported na chocolate. Di ba nakakagutom?"
Napatigil si Ate jo sa paggupit upang tumawa. Parang wala lang si Lavinia na binalik ang pagbabasa sa Allure magazine.
Tumayo siya nang may dumating na babaeng naglalako ng turon. Binilhan niya kaming dalawa ni ate Jo. Hindi ko muna ito kinain dahil mainit pa.
Bob cut ang pinili kong hairstyle na dapat above the collar ng uniform namin. Ayos na rin ang ganito, para hindi na hassle sa paghe-hairnet. Katulad ito ng hairstyle ni Lavinia noong second year college kami. Nagpagupit siya ng buhok dahil na broken hearted sa ka MU niyang si Kier.
Nagpalagay ako ng side swept bangs. Mainit sa noo kapag full bangs. Bagay ang side swept sakin dahil lumiliit ang aking pisngi.
Pumipikit ako habang patuloy sa paggugupit si ate Jo. Dumilat lang ako nang marinig ang ingay ng blower. Muli akong napapikit sa antok dahil hindi nga ako nakatulog ng maayos. Kahit mainit sa pakiramdam ang hanging dala ng blower na pati anit ko ay nangangati sa init, ay wala itong panama sa antok ko at kagustuhang magpahinga.
Ang kulit kasi ni Lavinia. Nang malaman niya ang nangyari, kahit nag-intro palang ako sa pagkukuwento, ay bigla nalang niya akong hinila dito sa parlor at sinabihan si ate Jo na paikliin ang aking buhok. Hindi na ako nakatanggi.
Sinuklayan na ni ate Jo ang aking buhok pagkatapos i-blower. Tinanggal niya ang itim at magaan na tela na nakatakip sa buo kong upper body. Bahagya akong nakikiliti sa pagba-brush niya ng mga maliliit na buhok sa aking batok at mukha.
Ang dating hanggang baywang kong buhok ay ngayo'y sobrang ikli na. Wala naman akong pinagsisihan. Sa kabila ng negatibong nangyari, I wanted to experience a positive change.
Tumayo ako. Nakangiti akong pinagmasadan ni ate Jo sa salamin. Nilingon ko si Lavinia na nakangiti ring nakatingin sakin. "Gandaaa....magpinsan talaga tayo." Nagtaas baba siya ng kilay sabay ngising makulit.
Kinabukasan ay pinapaligiran ako ng aking mga kaibigan at nilalaro ang bago kong buhok.
"Wow girl...bagay sayo." haplos ni Lian sa'king buhok.
"Anong sabi ni Riley sa bago mong look?"usisa ni Noemi.
"Im sure napanganga yon. Patay na patay kaya siya sayo." sunod na komento ni Kelly.
Kumirot na naman ang aking puso pagkabanggit nila sa pangalan niya. Hindi ko ulit kayang ikuwento sa iba ang nangyari. Tama nang naikuwento ko ng isang beses.
Peke lamang akong ngumiti at bumalik sa pagrereview sa MedSurg quiz namin.
Kahit anong pilit kong pasok saking isip ng mga dapat tandaan tungkol sa pathophysiology ng congestive heart failure, mas matimbang ang sakit na nanunuot kesa sa kasipagan kong magreview. Nalusaw ang aking determinasyon na makapasa.
Hindi na ako magtataka na sa sobrang hinanakit ay magkakaroon na ako ng broken heart syndrome.
Hindi pa ako nakarating sa second paragraph ng aking binabasa nang dumating na si Ms. Delfin. Nangulekta na ang mga officers of the day ng one peso para sa pina xerox na test questions at answer sheets.
"Okay settle down." mando niya. Mabilis na nagsi-upuan ang mga palakad lakad at nakatayo kong mga kaklase. Naglikha ng ingay ang pag-uusog nila ng mga arm chairs. "Put your notes inside your bags. Bring out your black ballpens. Only your black ballpens." buong diin na ulit niya.
Naghalo ang ingay ng pagzi-zipper ng aming mga bag at paglalagay ng iba kong kaklase sa mabibigat na libro sa ilalam ng kanilang mga upuan.
Ako nama'y tamad na nilagay ang aking makapal na libro sa'king makulay na knapsack. Sarkastiko ang bag ko ngayon, salungat sa nararamdaman kong walang kakulay kulay at kabuhay buhay na araw.
Habang pinapasa ang mga test questions samin isa-isa ay may dumaang grupo ng mga freshmen students na naka PE uniform. May mga dalang arnis ang karamihan sa kanila.
"Please close the door." utos ni Ms. Delfin. Si Rowan--ang kaklase kong nakaupo sa pinakaunahan at pinakamalapit sa pintuan--ang nagsara ng pinto.
"You know what to do. You're third year students. Once I caught you cheating, alam niyo na ang mangayayari." strikta niyang pagpapaalala.
"YesMiss." sabay naming tugon.
"Ok. You may start."
Sinimulan ko na ang pagsusulat ng aking pangalan pagkatapos ay binasa na ang first question. Una palang napakamot na ako saking buhok na so I skipped to question number two.
Binilugan ko ang sigurado kong sagot kaya nagpatuloy ako sa ikatlong tanong. Fill in the blanks.
Sikreto akong napangisi sa tanong. Naingkwentro ko na to noong second year second semester. Hinulaan ko lang ang sagot kaya hinding hindi ko yun makakalimutan.
Sinulat ko na ang aking sagot nang may padabog na nagbukas ng pinto dahilan upang maguhitan ko ang aking sinulat. Ang ayos nito ay parang binura ko ang aking sagot sa pag scratch-out. Bawal pa naman ang erasures!
"O Mr. Nursing. You're late." pagbigay alam ni Ms. Delfin. Rinig ko ang mga tikhim ng mga babae at ingay ng pag-aayos nila ng upo.
"Sorry Ms." ani ng kakapasok lang na estudyante sa baritonong boses sanhi ng mga ngayo'y naghahagikhikan na mga babae.
"We've just started the quiz. Take your seat. Get your tardy slip later."
Hindi ako nag-angat ng aking ulo pero distracted ako sa pagsagot ng quiz dahil sa mga ingay nila. Bakit ba kasi siya nag paka-late? At bakit parang nangingisay ang ingay na naririnig ko ngayon? Ano ba kasing meron sa bagong pasok na estudyante? Feeling naman niya importante siya.
Napatigil ako sa pagbabasa ng question number seven nang humangin ang aking paligid pagkadaan niya dahilan upang kumalat ang pabango na inaakala kong si Riley lang ang meron. That perfume is part of his DNA!
At ang mas malala pa, matagalan kong maaamoy ang bango dahil ang late na lalakeng nagmamay -ari ng kaparehas ng pabango ni Riley ay umupo sa bakanteng upuan katabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro