TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY TWO
Panibagong mga ice bucket ang inilapag sa table na may lamang mga bote ng beer at samahan pa ng ibang liquors. Napasarap ang subo ko sa calamares at cheese sticks bilang pulutan kaya naparami rin ako ng inom.
"Kuya, may Jägermeister kayo?" tanong ko sa nagse-serve ng drinks sa mesa. Kinukuha niya ang mga walang lamang bote.
"Yes Ma'am."
"Isa please." ani ko.
"Sir Terrell's po?"
Tumango ako bilang pagkumpirma. Sasabihin ko nalang kay Terrell mamaya na umorder ako.
"Okay po Ma'am." aniya saka umalis dala ang mga ice bucket laman ang ubos na mga bote.
Mas naging hyper pa ang sayawan. Dumami at mas umingay. Hinatak ni Archer si Kelly at Lian sa dance floor habang si Noemi ay nanatili sa table at seryosong nagtetext.
"Jägermeister Amber? Nakakalasing yun. May problema ka ba?" biglang tanong ni Noemi na nilapag ang phone sa mesa.
"Wala naman. Na curious kasi ako sa ininom ni kuya doon sa bar niya sa Manila. Nakita ko sa picture. Try ko lang kung masarap." pagsisinungaling ko.
Although may kaunting katotahanan naman ang sinabi ko. Hindi ko alam pero gusto kong maranasan ang malasing. Atleast may naranasan akong kakaiba sa buhay ko. My life doesn't have that much adventure. Puro aral, bahay, at minsan lang ang nightlife, limited pa ang naiinom ko. Riley wouldn't make me go home inebriated.
"Ayaw mo?" lahad ko kay Noemi ng beer.
Ngumiwi siya saka tinuro ang baso ng juice sa harap niya. "Napapaitan ako. Ito lang sa'kin."
Tumango ako. Sakto namang dumating ang server at nilapag ang Jägermeister.
"Thanks kuya." ani ko.
Sumubo muna ako ng cheese stick bago uminom. Napangiwi ako sa panunuot ng tapang nito saking lalamunan. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking kalamnan. Napadighay ako.
Kinuha ko ang aking phone sa purse ni Lian, naisipan kong tawagan si mama upang ipaalam na maaabutan ako ng madaling araw o baka uumagahin na. Madali pa naman yun mag-alala.
Naniningkit ang mga mata ko sa matapang na ilaw pagbukas ko ng phone. Pikit mata ko itong dinikit saking tenga. Hindi ko mabilang kung pang-ilang ring bago sinagot ni mama ang tawag.
"Amber?" inaantok niyang pambungad. Inalis ko ang pagkadikit ng phone at dinungaw upang tignan ang oras. It's almost twelve.
"Ma." ani ko.
"Nasaan ka? bakit ang ingay diyan?"
"Birthday po ng classmate ko. Tsaka Ma, baka madaling araw na ako makakauwi. I just want to let you know."
"Oh, okay. Just be safe. Huwag kang magpakalasing and don't dare drive while you're drunk."
"Opo..." tumungga ako saking inumin. Mariin akong pumikit habang nilalasap ang pait.
"Who's with you? Are you with Lian?" tanong niya.
"Yes po, I'm with her and Kelly and Noemi."
"Sige sige. Mag-ingat ka nak. Don't get too tanked up. And please be responsible. You still have to graduate---"
"Ma, chill." natatawa akong umirap. "I know what I'm doing."
Malakas ang pakiramdam ko na na-trauma siya sa nangyari kay ate Mauryn kaya niya ito nasabi.
"Okay good. Be safe ha?" nahihimigan ko ang kanyang pag-aalala. Narinig ko ang paglangitngit ng pinto sa kabilang linya kasunod ang ingay ng palabas sa tv.
"Opo Ma. Bye."
Binalik ko ang phone sa purse ni Lian pagkatapos. Muli akong tumungga at dahil na rin siguro sa epekto ng mga nainom ko ay umarangkada ang kalakasan ng aking loob at kapilyahan.
Habang may kausap si Noemi sa gilid ay palihim kong nilalagyan ng Jägermeister ang kanyang juice. Pinagmasdan ko ang pagkuha niya ng baso na hindi manlang tinitignan ito.
Tinago ko ang ngiti sa kanyang pagngiwi. Binaling ko ang atensyon sa ibang direksyon bago ko pa makita ang nang-aakusa niyang tingin sakin. Sakto namang dumaan si Terrell kaya tinawag ko siya. Huminto siya sa harap ko.
"Hm Amber. Okay ka lang?" may pag-aalala niya akong tinignan nang muntik na akong matumba sa pagbaba ko sa silya. Hinawi ko ang paghawak niya sa braso ko tsaka ko siya hinawakan sa palapulsuhan at hinila sa sulok.
"Hindi na ba talaga ako papansinin ng kaibigan mo?" namanhid ang mga labi ko sa pagtatanong. Wala naman akong maitatago kay Terrell, at mas kilala niya ang kanyang kaibigan kaya siya ang una kong naisip na kausapin.
Naningkit ang mga mata niya. "May inamin ba siya sayo?"
Walang pag-aalinlangan akong tumango.
Nakakaloko siyang ngumiti, na parang may naungkat siyang sikreto. "I knew it."
Nilingon niya ang dance floor at parang may hinahanap. Nagtaka ako sa kanyang pagngisi. "Halika."
Kinuha niya ang aking palapulsuhan at hinatak ako patungo sa mga nagsasayawan, malapit pa sa malawak na stage kung saan nandoon ang foreigner at seksing babaeng DJ. Napapikit ako sa maliwanag na laser lights dagdagan ng panghihina ng aking mga tuhod. Mabuti nalang at maingat lang ang pagkakahila sakin ni Terrell kaya hindi ako tumumba.
Hinapit niya ako sa baywang saka nilapit ang kanyang bibig saking tenga. Hirap kaming magkarinigan dahil sa nakakabinging tugtugin. "Magaling kang sumayaw di ba?"
Nilapit ko rin sa tenga niya ang bibig ko. "Marunong ako, ewan ko lang sa magaling."
"Magaling ka sabi ni Lian. So show me your moves now Amber." Humalakhak siya.
Amoy beer na ang hininga ni Terrell pero hindi naman siya mukhang lasing. Kaya hindi ko makuha ang rason niya kung bakit niya ito ginagawa. Wala namang malisya sakin, may tiwala ako sa kanya kaya pinatulan ko ang sinabi niya. Tutal birthday niya naman, ito nalang silbi ang regalo ko.
Ngiti kong kinuha ang kanyang kamay. Nilayo ko ang sarili saka umikot palapit kay Terrell. Nakaikot ang mga kamay niya saking baywang saka kami sabay gumewang at sinabayan ang beat ng remix dance music.
Umalingawngaw ang tawa ni Terrell saking tenga, wala itong malisya, more like naaaliw lamang siya sa ginawa ko.
Kinuha niya ang kamay ko saka nilibot sa kanyang leeg habang nakatalikod pa rin ako sa kanya. Binalik niya ang kamay niya saking baywang, patuloy kaming umindayog. Sana lang hindi kami makita nito ni Lian. Our moves were sort of intimate.
Nilingon ko si Terrell at nilapit ang bibig ko sa kanyang tenga. "Wala bang magagalit?"
Ngumisi siya. "Meron."
Kumunot ang noo ko. Naisip ko si Lian.
Bibitaw na sana ako pero bago ko pa magawa ay pinaghiwalay na kaming dalawa. Hinila ako't pinapunta sa likod ng kung sino. Naka-sleeveless leather jacket ang lalakeng nakatalikod sa harap ko.
Mabilis ang pagtaas baba ng balikat ni Azriel. Naging mas matatag itong saking paningin. The muscles in his biceps strained as he created tight fists. Kahit hindi ko kita ang ekspresyon ng mukha niya, ramdam kong matalas ito.
Relax na tinaas ni Terrell ang kanyang kamay at nagkibit balikat. "It's my birthday."
Umabante ng isang hakbang si Azriel. "Pwede namang ibang babae ang isayaw mo!"
Hindi natinag si Terrell, parang hindi manlang natakot sa inasta ng kaibigan dahil tumawa lang ito at walang takot na tinapik ang balikat ni Azriel.
"Wala naman kasi siyang kasayaw kaya inaya ko na."
May ilan nang nakakasaksi sa nangyayari. Ayokong magkaroon ng kaguluhan dito kaya bago pa tuluyang mapuruhan ni Azriel si Terrell ay marahan ko siyang hinila, ngunit hindi manlang niya ako nilingon.
"Don't do it again." malamig na sabi ni Azriel.
Nanunudyong tumawa si Terrell. "Why? Wala namang masama di ba?"
Hindi nakaimik si Azriel. Hinawakan ko muli ang kanyang matigas at mainit na braso upang mahila siya. Bahagya na niya akong nilingon. Sa kanyang pag sideview ay mas pansin ang mahaba niyang pilik mata.
Tuluyan nang pumihit paharap sakin si Azriel. Hindi ko napaghandaan ang biglaan niyang paghapit saking baywang kaya napasinghap ako at napakapit sa kanyang balikat. Nanatili sa posisyon niya si Terrell na nagpipigil ng ngiti. Nang magtagpo ang tingin namin, kumindat siya.
"Thank you." I mouthed to him. Napagtanto ko na kung ano ang naging balak niya.
Sumaludo siya sakin bago nilisan ang dance floor.
Hinarap ko ang mukha ni Azriel.
"Kikibuin mo na ba ako?" nagpapaamo ko siyang tinignan. Bahagya siyang sumimangot. "Why can't we just be friends, Azriel?" suko akong bumuntong hininga.
Mabilis nagpalit ang timpla ng kanyang mukha. Kabiguan ang nababasa ko. "Why can't it just be us, Amber?"
Halos pabulong ang kanyang pagkakasabi, na para bang masakit sa kanya ang tanong na yun.
Hindi na kami nakasunod sa music. Mabilis ang mga galaw ng nagsasayawan, kami lang yata ni Azriel ang nag slo-slow dance.
Nilihis ko muna sa ibang direksyon ang aking paningin saka inadjust ang pagkakahawak sa kanyang balikat. Hindi mamamalayan ng mga taong nakapalibot samin ngayon ang pinag-uusapan naming dalawa.
Muli ko siyang tinignan. "Ganito ba talaga ang gusto mo? Ang hindi magpansinan?"
Mataman niya akong tinitigan. Nilunod ko ang sarili sa mga mata niya. "Kung patuloy kong ilalapit ang sarili ko sayo, mas mag-uumapaw ang nararamdaman ko. The more I give the affection, the more I get hurt. Do you prefer to hurt me, Amber?" malambing ang kanyang boses salungat sa masakit na salita.
"Date other girls then, while you're being friends with me."
"I don't want to, and I can't." matigas niyang sabi at determinado.
Nahinto kami sa pagsasayaw. Nanatiling matigas ang kanyang ekspresyon samantalang desperada ang sakin. Nawala ako sa mga mata niya sa puntong hindi ko na alam ang sasabihin dahil wala akong maisip. Hahayaan ko nalang siya ang unang magsalita o gumawa ng kilos.
Ngunit hindi ko ginusto ang pagkalas niya. Iginiya niya ako pabalik sa table. Ano, tapos na yung pag-uusap namin? Ganon nalang yon?
Nilapit niya ang kanyang mukha saking tenga. "Huwag mong ipapakita sakin na nakikipagsayaw ka sa ibang lalake. Yun lang ang pakiusap ko."
Hinawakan niya ako sa baywang at inangat upang makaupo sa silya.
"Okay na tayo pagkatapos?" umaasa kong tanong.
Kumunot ang noo niya. "Okay naman tayo ah."
"Pero hindi na tayo friends."
Sumeryoso ang kanyang mukha. "Like what I'd said, I want more than that for us."
Umalis na siya pagkatapos at naglaho sa nagsasayawang mga tao. Talagang paninindigan niya ang prinsipyo niya. Kung ito ang gusto niya, salungat sa gusto ko, may magagawa pa ba ako?
Ako nalang ang nasa table. Hinanap ko ang mga kaibigan ko sa kapal ng mga tao sa dance floor. Wala akong maaninag nikatiting na senyales nila kaya hihintayin ko nalang sila rito.
Sinikap kong maubos ang isang bote ng Jägermeister sa kabila ng hilo at pamamanhid ng ilang bahagi ng aking katawan. Halos hindi ko na madilat ang aking mga mata. Humalo rin ang nararamdaman kong antok. Pakiramdam ko wala na ako sa bar, parang may sariling mundo na ako.
Pagkatapos lasapin ang huling patak ay tumungo na ako, ginawang unan ang aking mga braso. Mabagal na gumapang ang panlalabo ng tugtugin sa'king pandinig.
"Hala si Amber! Malayo ang bahay nila. Hindi siya pwedeng umuwi ng ganyan. She's drunk!"
May yumugyog sakin pero tanging ungol ang naiganti ko. Maliit na pagkilos ang aking ginawa na nauwi lang din sa hindi pag-angat ng tingin.
Kumakalabog pa rin ang tugtugin at tantiya kong marami paring mga tao dahil sa mga halakhakan, hiyawan at tunog ng mga babasaging bote. Saglit akong nakatulog.
"Sa dorm niyo?" tanong ni Terrell.
"Ang liit ng room namin doon tapos apat kaming nagsisiksikan." rinig kong sagot ni Kelly.
"Ako na ang mag-uuwi sa kanya." kasunod ng boses na yun ang paglapit ng mainit na presensya saking likod, o epekto lang ba yun ng inumin ko?
"Hindi siya pwedeng umuwi ng ganyan AJ." nalito ako kung si Lian o Noemi ang umangal.
"Sa dorm namin siya matutulog." giit ng lalake sa likod ko.
"Ha? Saan mo siya patutulugin doon?"
"In my bed. Kasya kami."
"Kasya kami!" malakas kong pag-ulit. May narinig akong humagikhik.
Wala akong marinig na pagsang-ayon o pagtanggi.
"What? You don't trust me?" halos histerikal na tanong ni Azriel. Ayoko sa tonong yon na parang walang nagtitiwala sa kanya.
"I trust you." hindi ako sigurado kung narinig nila ang mahina kong pagkakasabi, o marahil parang ungol lang ito sa pandinig nila at mahirap maintindihan, ngunit gayunpaman, natahimik sila.
Mas naging mainit pa ang presensya sa likod ko, lalo na nang binuhat na niya ako. I knew it was him. Nanalaytay pa rin ang bango niyang hindi ko makalimutan. Napayakap ako sa kanyang leeg bilang suporta at hinilig ang aking ulo sa matigas niyang dibdib.
"She'll be in my place, then." narinig kong ani ni Azriel saka ko naramdaman ang kanyang paglalakad habang kinakarga ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro