TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY THREE
Kaagad akong dumapa nang mailapag na ako ni Azriel sa malambot niyang kama. Wala sa sariling kumapa ako sa pinakamalapit na unan upang ipangtakip saking mukha.
I heard Azriel hissed habang hinuhubad niya ang aking Mary Jane wedges. Binaba niya rin ang nakataas kong dress na tingin ko'y kita na ang aking binti dahil sa ikli ng damit ko. Binalewala ko ang ginagawa niya dahil sa inaantok na talaga ako dagdagan pa ng pagaan ng aking ulo.
Sa ilang segundo lang ng aking paghiga, ramdam kong parang may papalabas saking lalamunan kasunod ng nakakasakal na pakiramdam. Naluha ako at napangiwi kasabay ang matinding hilo. Medyo normal pa naman ang aking kamalayan kaya naisip ko pang hindi sukaan ang higaan ni Azriel.
Mabilis akong napaupo ngunit sa ginawa ko'y mas lalo lamang umikot ang aking pakiramdam. Nasapo ko ang aking ulo at mariing pumikit.
"How do you feel?" tanong ni Azriel. Malabo ko siyang naaaninag na nakatayo sa harap ko.
"Nasusuka ako." nanghihina kong sabi.
"C'mere." tinulungan niya akong tumayo at inalalayan patungo sa kanyang banyo. Hindi ko na tinignan ng maayos kung madumi o malinis pero amoy lemon ang naaamoy ko pagkapasok.
Dumuwal ako sa sink. Tinaas niya ang aking buhok saka hinagod ang aking likod. Ilang minuto ang lumipas ay niyakap ko na ang lababo sa panghihina. Ganito pala ang mga iniinom ni kuya sa kanyang bar. Sana hindi ko nalang sinubukan kung alam ko lang na ganito ang epekto nito. At sana hindi na ako na-curious sa pakiramdam na malasing. Now I know. It sucks big time.
"Don't sleep Amber. You have to let it out para less hangover kinabukasan."
Nilayo ako ni Azriel sa pagkakahalik sa sink. Nagsalo siya ng tubig sa gripo gamit ang kanyang kamay saka niya hinilamos saking mukha. Hindi muna ako dumilat dahil sa hapdi sa'king mga mata gawa ng eyeliner kong hindi pa natatanggal. Inulit niya ang paghilamos saking mukha hanggang sa nakayanan ko nang dumilat.
"Imumog mo." sinalo muli ng palad niya ang umaagos na tubig sa gripo. Nilapit niya ito saking bibig. Maka-ilang beses niya itong ginawa hanggang sa marami na ang naipon saking bibig. Ginawa ko ang sinabi niya. Inaantok na rin ang lakas kong magkaroon ng sariling desisyon.
Hiningal ako pagkatapos. Pinilit ko ang sariling sumuka ulit ngunit wala nang lumalabas, pero nanatili pa rin ang hilo dahil na rin siguro sa liwanag ng ilaw sa banyo.
"Wala na..." magaspang ang aking boses at nanghihina. Pikit mata akong sumandal sa kanyang balikat.
Binuhat niya ako patungo sa kama at hiniga. Bahagya kong minulat ang aking mga mata upang tignan ang ginagawa niya. Binuksan niya ang cabinet at kumuha ng puting tela saka pumasok sa banyo. Tumunog ang pagragasa ng tubig sa gripo. Sa kanyang pagbalik, tinupi tupi niya ang tela.
Inangat niya ako ng bahagya at inayos ang aking pagkakahiga. Banayad niyang pinunasan ang aking mukha at leeg. Napapikit ako sa sensasyon at umambag ito sa antok ko. Wala na akong namalayan pagkatapos.
Nagising ako sa pangpatay na tugtugin sa labas. Mabilis kong binalik sa isip ang mga nangyari bago ako nahantong sa lugar na di pamilyar.
Wala pala ako sa kwarto ko kaya ganito nalang ang mga naririnig kong ingay; Naghalo ang mga patugtog ng lumang kanta sa kapitbahayan kasabay ang tunog ng kampana sa di kalayuang simbahan. Linggo pala ngayon.
Dumungaw ako sa bintana sa gilid ng aking hinihigaan. Nakaparada ang isang itim na funeral car sa tapat.
"Gutom ka na ba?"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses ni Azriel. Napaawang ako saking isip. Malayo sa inaasahan ko ang marating ang pagkakataong ito. Ang makita ang hubad na pang-itaas ni Azriel. Alam kong hindi ko na kailangang mamangha dahil nasanay akong makita na ganito sina kuya at Trent na binabalandara ang katawan sa bahay. Pati nga si Riley ay nakita ko nang topless ngunit namangha pa rin ako. Sa sobrang busy ng schedule namin, paano pa niya nakuhang magpaganda ng katawan?
"Uhmm..." tumikhim ako, mauutal ako kapag mananatili siyang nandyan sa harap ko kasama ang mga alon sa kanyang tiyan at ang banat ng kanyang mga braso't dibdib. "B-bakit may funeral car sa bababa?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi sa pagka-utal sa huling salita. Nanginig pa talaga ang bibig ko, may hangover pa yata!
Napangisi siya. Bahagyang nawala ang kanyang mga mata dahil sa siya'y bagong gising din.
Nag-iwas ako ng tingin at binatukan ang sarili sa'king isip. Lamunin na sana ako ng kama niya!
"Asawa ng may-ari ng karenderia jan sa tapat ang driver niyan." aniya, sa pagpigil niyang ngumisi habang nagsasalita ay lumitaw ang kanyang dimples.
Dumungaw muli ako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga sasakyan at taong dumadaan. Nakaamoy ako ng sari't saring prito na putahe at amoy ng tinapay. Kung dito ang magiging bahay mo, palagi ka talagang busog.
"So anong gusto mong kainin? May naluto na yata si ate Janna."
Umupo siya sa kama. Pwede bang magsuot siya ng pang-itaas?! "Sanay akong mag gatas or choco drink sa umaga."
Ngumuso siya at napaisip habang nakatitig sakin. "How 'bout hot choco and bread? May malapit lang na bakery. Bibili ako."
Tumango ako. "Pwede na."
"K. hinatayin mo ako."
Naglakad siya papunta sa kanyang cabinet at kumuha ng puting sando. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng mga muscles sa kanyang braso sa pagbibihis niya. This isn't how I picture Azriel. His body isn't as mysterious looking as him dahil nagmamayabang ito! Inat na inat ang mga muscles niya! And I saw how that obvious skin line running from his pelvis meeting at something down there. Natatabunan naman kasi ng kanilang uniform kaya hindi niya maipalandakan. I haven't seen him during the Mr. Nursing competition last year. Now I know why he won.
Bumalik ako galing sa malayong pag-iisip nang marinig ang pagsara ng pinto. Nakalabas na pala siya! Dali dali akong dumungaw sa bintana upang abangan ang kanyang paglabas. May naramdaman akong lumukso sa kalooblooban ko nang magpakita ang bulto niya sa bukana. Binaba ko ang aking ulo nang lumingon siya dito sa taas. Dahan dahan ko muli itong tinaas.
Nakita ko na siyang naglalakad, pinagmamasdan ko lang ang kanyang likod. May nakita akong dalagang tindera sa tapat na dikit na dikit ang tingin kay Azriel. Hinatid siya sa bakery ng mga mata nito.
Humilata ako sa kama, sumalubong sa mata ko ang blue ceiling fan na binagay sa puting kisame at pader. Walang kaartehan 'tong si Azriel sa pananatili sa ganitong kwarto. Hindi kasi ito kalakihan, pero malinis naman at mabango pa.
Pinapansin niya yata ako ngayon? Nakalimutan niya kaya ang pag-uusap namin kagabi? Ayaw kong ipaalala sa kanya kung sakali.
Bigla kong naalala ang cellphone ko. Mabilis akong napatayo upang hanapin kung saan yun maaring nalagay. Kailangan kong itext si mama.
Madaling araw ang sinabi kong uwi ko pero umaga na! Naghanap ako ng orasan, naalala kong wala palang orasan si Azriel kaya palaging nale-late. Mas lalong kailangan mahanap ang aking cellphone.
Tinungo ko ang isang pinto na alam kong hindi ang banyo. Panibagong kwarto ang bumungad sakin at may kaliitan din. Isang couch at tv ang mga gamit saka may tribal na carpet sa ilalim ng kahoy na mesa. Tuluyan na akong lumabas upang makita ang kabuuan nito. May tatlong pinto na magkahiwalay. Parte pa ba ito ng dorm ni Azriel o baka ibang dorm na itong napasukan ko?
Babalik na sana ako sa kwarto ni Azriel bago pa ako makita ng may-ari nang may nagbukas ng pinto. Muli akong lumingon at niluwa nito si Azriel na may dalang plastic, naamoy ko kaagad ang bango ng tinapay na nagparamdam sa'kin ng gutom.
Maingat ang kanyang pagdala sa dalawang umuusok na mug na magkaiba ang kulay. Lumapit ako sa mesa kung saan niya nilapag ang mga dala.
"Di ako sigurado kung ano ang hilig mong tinapay. Do you like pandesal? Mainit kasi at bago kaya ito nalang yung binili ko. I hope it's okay." umupo siya sa tapat ko.
Nilapit niya sakin ang isang umuusok na mug. Pamilyar ang amoy nito sakin. Kumuha ako ng isang pandesal ngunit agad ding nabitawan dahil mainit nga. Mukhang bagong bake pa.
"Anong palaman ang gusto mo?" tanong ni Azriel. He stirred the spoon in his mug.
"Ayos lang kahit wala." ani ko habang sinunod niya ang pag-stir sa inumin ko. Parang may hinalong gatas doon dahil may lumabas na puti na nahalo sa chocolate drink.
"Parte pa rin ba 'to ng dorm niyo?" tanong ko. Ayaw kong maakusahan ng trespassing. Guminhawa ang loob ko nung tumango siya.
"Sala namin." tinuro niya ang pinto sa likod ko. May poster itong isang 90's rock band. "That's Terrell's room."
Kinuha ko na ang tinapay na pinagdiskitahan ko kanina. "Yung cellphone ko pala."
Nahinto siya sa pagnguya saka nagmadaling tumayo at tinungo ang kwarto ni Terrell. Ilang beses siyang kumatok bago siya pinagbuksan ng kaibigan. Mahina ang boses ni Azriel sa kung ano ang sinasabi niya kay Terrell pero narinig ko ang pangalan ko hudyat upang mawala si Terrell sandali at sa kanyang pagbalik, may inabot siya.
Nito ko lang napansin ang buhok ni Azriel. Nakataas at nag-ipon ang makapal na mga hibla kaya naglikha ng tulis sa dulo. Pinigilan ko ang matawa. Hawig ang stilo ng buhok niya ng logo ng isang LPG.
"Ganyan ba talaga buhok mo sa umaga?" tanong ko pagkaupo niya. Padulas niyang nilapit ang phone sa'king harapan.
"Kapag hindi pa nakakaligo. Parang sinadya noh?"bahagya siyang tumawa sabay gulo sa kanyang buhok kaya nawala na ang natural na stilo nito.
Tumawa na rin ako. Nacu-cutean ako sa stilo na yun kaso sinira na niya. Nagmistula siyang anime character o miyembro ng emo punk band.
Inihipan ko ang mainit na laman ng mug. Maingat kong nilapit ang aking bibig upang i-test ang init. Bahagya akong humigop.
"Ano to?" tanong pagkatapos lasapin ang inumin. Para siyang tinunaw na chocolate.
Pinagpag niya ang mga kamay bago kumuha ng panibagong piraso ng tinapay. "Sikwate. Gawa sa cacao. So choco drink pa rin."
Mangha akong nagtaas ng kilay. "Ganito pala yung lasa? Di ba pinapares to sa suman? Favorite kasi 'to ni---" napawi ang ngiti ko. Sasabihin ko sanang Riley pero naalala ko yung mga sinabi niya dati. Tumikhim ako't yumuko. "Favorite ng isang kaibigan ko."
Gumapang ang ilangan. Natutukso akong batukan ang sarili ko. Kahit naman kasi bawiin ko ang sinabi ko'y alam na naman yata niya. He's Azriel James!
"I'm not dumb Amber. You can say his name. He's not taboo." Kaswal niyang sabi, pero sa totoo lang nababahala ako sa emosyon sa likod ng kakaswalan ng kanyang tono. The truth is not always shown superficially. Kadalasan nakatago ang katotohanan, o sadyang tinatago. He's being good at that.
"Balik na ba tayo sa dati? Papansinin mo na ba ako ng ganito bukas?" pagpapalit ko ng usapan.
Gusto kong umatras sa pagsalubong ng kilay niya. It's either nag-iisip siya o nagagalit na. "Bakit namomroblema kang hindi kita papansinin?"
"Ayaw ko kasi na parang may kasamaan ako ng loob."
Bumagal ang kanyang pagnguya, para siyang nag-iisip. Sa kanyang paglunok, sumunod ang paggalaw ng maangulo niyang panga."I'm not mad at you."
Mahinahon ang boses niya. Umangat ang kanyang kamay. Pinunasan ng daliri niya ang labas ng aking itaas na labi. Napaawang ako at nanatili ang titig sa kanya samantalang sumasayaw ang maitim niyang mga mata.
May nakita rin akong mantsa sa itaas ng labi niya. Kumuha ako ng pandesal at pinunas yun sa labi niya saka isinubo ang buong tinapay sa kanya. Kumunot ang kanyang noo, hindi alam kung maiinis o matatawa sa ginawa ko. Lumobo ang pisngi niya habang ngumunguya kaya napatawa ako.
Sabay kaming napainom saming mug. Matalim ang tingin niya sakin pero hindi ako takot ngayon, pakiramdam ko lang ay natural na sa kanya ang ganyang mukha.
Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha siya ng tinapay sabay tayo, naalarma ako kaya tumayo na rin ako't tumakbo palayo sa kanya. Napatili ako sa paparating niyang mabibigat na hakbang.
Hinuli niya ako sa baywang at pilit na pinakain sakin ang pandesal. Hinila ko ang sarili palayo sa hawak niyang tinapay kaya napasandal ako sa kanyag dibdib. Mahigpit kong sinara ang aking bibig kahit gusto ko nang tumawa. Umalingawngaw sa tenga ko ang tawa niya. Pilit kong kumawala, pero sadyang mas malakas siya.
"Anong nangyayari‒‒‒."
Bumukas ang pinto ni Terrell.Mabilis nagpalit ang kanyang ekspresyon pagkakita niya samin ni Azriel. Galing sa parang naistorbo sa pagtulog ngayo'y parang namamangha.
Pagbaba ng tingin niya sa baywang ko kung saan nakapalupot ang isang braso ni Azriel, nagtaas siya ng kilay at tumango kasunod ang nakakolokong ngisi.
"May problema Terrell?" nagbabantang tanong ni Azriel.
Namilog ang mata niya at mabilis na umiling. "Wala naman." kaagad siyang nagsara ng pinto.
Nanatili ang mga paa namin sa pwesto. Walang bumibitaw, at parang walang humihinga. Nag-init ang pisngi ko sa pakiramdam ng mainit na braso ni Azriel kaya gumawa ako ng maliit na kilos upang kumawala. Hinigpitan niya lang ang pagkapulupot sakin.
"Eat this." pinilit niya muli ang tinapay sa bibig ko ngunit umiling ako.
Napahiwalay kami sa pagbukas ng isang pinto. I felt Azriel tensed pagkakita sa dalawang taong niluwa nito. Katulad ni Azriel ay may pagkamatapang din ang mukha nito, pati ang tindig. May kasama siyang lalake na kasing edad lang yata namin.
"Uncle." Malamig na ani ni Azriel, na mukhang ayaw sa presenya ng mga taong nasa harap namin.
Bumaling ang tinawag niyang Uncle sa'kin. Ito ba yung sinasabi ni Terrell na nagsusustento kay Azriel ngayon? Parang napupuyupos ako sa ginagawad niyang tingin. "Who is she? Akala ko dalawa lang kayo ng kabigan mong naninirahan dito sa dorm?"
Sumipol ang kasama niyang mas batang lalake na may nanunuyang ngisi. Malakas ang dating nito ngunit may pagkahambog. May kaunti siyang kaputian kesa kay Azriel.
"She's a friend."
Naningkit ang mata niya pagkabaling sa pamangkin. "Are you sure? Why is she dressed like that? Dito siya natulog? I assume dalawang kwarto lang ang meron dito."
Kumapal ang tensyon sa pagitan namin. Nakakatakot ang uncle niya, paano pa kaya ang ama ni Azriel? Their looks are harsh!
Bumukas ang pinto sa likod namin. Walang gumalaw sa pangyayaring yon pero sana sapat na ito upang pawiin ang nakakakabang tensyon.
Inakbayan ako ni Terrell. "Chill tito, kami ang magkatabing natulog. We were just having our humble breakfast." turo niya sa mga handa sa mesa.
Mabilis bumaling doon ang kanilang mga mata na agad din namang ibinalik kay Azriel.
"Your father called, hindi ka raw sumasagot. You have to call him back." Mababa at malamig ang boses niya.
Seryosong tumango si Azriel. Tinignan ko naman ang uncle niya na maigi akong tinitigan, na para bang hindi siya sang-ayon sa presensya ko ngayon. Para akong natutunaw sa takot. Anong klaseng pamilya meron sila at ang hilig nilang magseryoso?
"We have to go. I still have a flight to catch. Be reminded of your responsibilities AJ." Mas kalmado niyang sabi, pero ang mga mata nito'y parang may ibig ipagkahulugang banta.
"I am." Ani ni Azriel
Isang beses tumango ang uncle niya bago tumalikod. Mayabang naman siyang ningisihan ng mas batang lalake bago sumunod sa paglabas. Sa tingin ko'y ama niya yon dahil may pagkakahawig sila.
Malakas na bumuntong hininga si Terrell sabay bitaw sa pagkakaakbay. Ngayon ko lang din napagtantong kanina ko pa nahigit ang aking paghinga.
"You have to go home Amber. Baka hinahanap ka na sa inyo."
Sang-ayon ako sa sinabi ni Azriel kahit ayaw ko pang umuwi. Tumingin siya kay Terrell.
"Samahan mo siyang mag-abang ng taxi sa labas. I have to call dad." aniya saka tumalikod at pumasok sa kuwarto na hindi lumilingon.
Tahimik kaming bumaba ni Terrell. Nahirapan akong mag-organisa ng tanong tungkol sa inasta ng uncle niya kanina na para bang pinagbabawalan siya nitong makipagkaibigan.Bago paman ako makabuo ng tanong ay may humintong taxi sa harap. Pinagbuksan ako ni Terrell ng pinto.
"Salamat." Ani ko.
Tumango siya. "Ingat."
Bago ako tuluyang pumasok ay tumanaw ako sa bintana sa taas kung saan nakita ko si Azriel na nakadungaw. Saglit lang ang tingin namin sa isa't isa dahil kaagad siyang lumayo kasabay ang pag-angat niya ng cellphone sa kanyang tenga. Umasa akong dumungaw siya ulit, ngunit hindi na nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro