Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY SEVEN

CHAPTER TWENTY SEVEN

Dumaong ang barko sa pier ng Tagbilaran. Maingay ang pagsalubong ng ilang mga nagpaparenta ng van para sa mga tours. Malamig na hangin ang sumasabay sa aming paglalakad, hindi alam kung natural lang bang ganito ang klima dito sa Bohol kapag gabi o dahil ba sa malapit kami sa dagat.

Huminto kami sa harap ng puting van kung saan kinakausap na ni Lian ang driver. Niyakap ko ang sarili at mas kumapit sa'king cardigan sa pag ihip ng hangin pero nalalamigan din naman ang legs ko. Umupo ako't tinakpan ang aking binti ng cardigan.

"Lamiiig..."  ginawa nang jacket ni Carlo ang kanyang scarf. Nakapulupot pa rin sa leeg niya ang neck pillow.

Pinag-uusapan ng mga kasama ko sa likod ang kino-construct na building. Ako nama'y nagmamasid lang sa nakahilerang mga tricycle kaharap ang linya ng mga van na nasa side namin. Iba siya sa mga tricycle sa Cebu.

"Pasok na kayo guys!" deklara ni Lian.

Nauna kaming mga babae na pinili ang likurang bahagi ng van, ako sa pinakagilid katabi ng bintana. Sa harap ay nag-aagawan pa ang mga lalake kung saan nila gustong pumwesto. Nasa front seat si Lian para magbigay ng direksyon sa driver, tinabihan siya doon ni Terrell na nag-aadjust sa aircon na nakadirekta sa'min.

"Usog ka dun Kent! Magkakatabi kaming mga hot men." ani ni Brennan na pabirong hinila si Kent paalis sa upuan. Ginantihan niya ito ng mahinang sapak bago umusog.

"Nababakla ka lang kay AJ eh."

"Ay bakit hindi kami tabi ni Azriel? Dito ka baby, tabi tayo..." singit ni Carlo. Kasunod nito ang tawanan namin. Tinulak niya palayo si Camila nang akmang uupo ito sa tabi niya.

Hindi ko nakita ang reaksyon ni Azriel dahil nasa unahan siya't katabi rin ng bintana. Natatakpan siya ng ulo ni Carlo.

"Hoy Terrell! Para-paraan ka diyan sa front seat ha?" asar ni Archer.

"Inggit ka lang!" isa sa mga lalake ang nagsabi kasunod ang panibagong kantyaw.

Sa ingay namin,ewan ko nalang kung ano ang nararamdaman ngayon ni Azriel na nasa hanay niya ang isa sa pinakamaingay sa aming klase.

"Okay na kayo? Kumpleto na?" tanong ni Lian. Si Terrell naman ay para kaming binibilang dahil sa seryoso niyang pag tingin sa'min isa isa.

"Wala nang naiwan? Baka may gusto kayong balikan sa barko." sabat ni Kelly.

"Yung panty daw ni Carlo!"

"Bakit? kinuha mo?"

Lalo silang nag-ingay pagkalarga ng sasakyan na pinangungunahan nina Archer at Carlo. Panay naman ang tanong ng iba tungkol sa mga lugar na nadadaanan
namin. Wala nang masyadong taong nakikita sa daan, karamihan ay mga sasakyan.

"Mag aalas nuwebe palang pero bakit parang hatinggabi na? Ganito ba talaga dito Lian?"  pagtataka ni Archer.

Hindi lang pala ako ang nakakapansin na madalang ang mga tao sa labas. Pakiramdam ko may Martial Law sa kapayapaan ng daanan. Wala din kasing traffic, dire‒diretso ang biyahe namin at mabibilang nalang ang mga sasakyang nakakasalubong nang malayo na kami sa pier.

"Oo. Madalas mga eight thirty nasa kabahayan na ang mga tao rito. Wait 'till you reach our place."

"Bakit? anong meron?" rinig ko ang pagtatanong ni Terrell.

"Basta..."

"Malayo pa ang bahay niyo?" tanong ni Camila. Tahimik ang katabi niyang si Aria na kabarkada niya.

"More or less one hour ang biyahe."

"Ang layo nga." komento ni Brennan.

"Tiisin muna ang gutom. Nagpahanda naman ako sa bahay."

Otomatiko kaming nabunyi sa sinabi ni Lian. Kahit ano na ang binabanggit nilang pagkain na sa tingin nilang nakahanda na ngayon. Nakisali na rin ako sa pagsambit ng mga putahe kaya mas lalong humilab ang aking tiyan.

Sinandal ko ang aking ulo sa bahagyang tinted na bintana ng van habang pinapakinggan ang kaingayan ng aking mga kasama. Kasalukuyan nilang sinasabayan ang sikat na kanta na pinapatugtog sa stereo. Nilabas ni Archer ang kanyang phone at ginamit ang flashlight app upang gawing lights sa kunwaring disco dito sa loob.

"Epekto na'to ng gutom!"

"Hunger strike at it's best!"

Nahagip ng mga mata ko ang pag ilaw ng aking cellphone sa bulsa ng aking knapsack. Baka si mama na ito, mabilis yun mag-alala.

Yet, it wasn't her.

Tinanaw ko siya mula sa'king kinauupuan. Sa likot ng pagsasayaw ni Carlo ay nasilayan ko ang pag he-headbang ni Azriel, sinasabayan din ang beat ng music.

Azriel:
You hungry?

Mabilis akong nag-reply.

Me:
Oo...

Azriel:
Me too. Wala ka na ba talagang cookies?

Pinigilan ko ang pag-ngiti. Ini-imagine ko ang sad face na emoticon.

Me:
Tubig meron. At saka yung wrapper nasa'yo, amuyin mo nalang baka mabusog ka.

Azriel:
Nice try, Amber.

Bigo ako sa pagpigil ng tawa habang nagtipa ng reply.

Me:
Haha!

"Sinong katext mo?"

Napaigtad ako sa gulat sa boses ni Kelly at ang pagdungaw niya sa aking cellphone. Kaagad ko 'tong nilayo sa kanya. Nagmistula akong defensive, well hindi ko naman yun ipagkakaila.

"Huh? Wala. Si mama, kinamusta ang trip natin." pagsisinungaling ko. Maingat kong pinindot ang send.

Ningitian ko siya, sinukli niya sa'kin ang pagdududa sa kanyang mga mata.  Mabuti nalang at hindi siya si Lian na mabilis makutuban at parang binabasa ang isip at kilos mo. Kaya wala akong dapat ipag-alala.

Humigpit ang hawak ko sa cellphone nang mag vibrate ulit to. Nag kibit balikat si Kelly at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan saka pumikit. Sandali ko siyang tinignan bago binasa ang panibagong text.

Azriel:
You're making me your mother now, huh?

What? Nakinig siya? Narinig niya? ang talas naman ng kanyang hearing sense.

Tinignan ko muna ang aking katabi at si Noemi na palagay ko'y mas interesadong itulog ang gutom ngayon.

Me:
Gusto mo sabihin ko sa kanilang ikaw ang ka-text ko? You don't like the attention.

Azriel:
Except the attention that comes from you.

May kung anong gumalaw sa tiyan ko. Hindi ito pagkalam kaya paniguradong hindi dahil sa gutom. Ibang paggalaw na pamilyar sa'kin. At pakiramdam ko...parang gusto kong umihi.

Sa kabila ng aircon, parang binugahan naman ng apoy ang mukha ko sa panginginit nito.

Azriel:
Walang reply? Wala kang masabi? I told you mas magiging lantad ako sa'yo rito. Our four days deal, remember?

Inipit ko ang aking labi. Ramdam ko ang kanyang panunuya.

Me:
Fine, fine. Wala akong maisip na i-reply!

Muli ko siyang tinanaw. Mas nakikita ko na ang likod niya ngayon dahil sa pagtungo ni Carlo ng ulo niya sa likod ng upuan ni Azriel. Nakayuko siya, mukhang nagtitipa na ng reply.

Azriel:
Emoticons

Me:
I'm not fond of those.

Azriel:
I'll call you.

Me:
Baliw!

Hindi na muli siya nag-reply sa text pero tumawag naman. Gusto ko siyang puntahan sa kinauupuan niya para mabatukan. Nasa iisang van lang kami tatawag pa siya!

Me:
Bakit ka tumawag? Nag aaksaya ka lang ng load!

Azriel:
Naka-plan ako.

Me:
Ikaw na ang mayaman.

Azriel:
Ikaw din naman.

Me:
Hindi ako naka-plan.

Azriel:
Tayo, naka-plan ba?

Kumunot ang noo ko.

Me:
Huh?

Azriel:
Dense!

Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko ma-gets ang text niya.

Me:
Ewan ko sa'yo. Gutom ka lang!

Nakita ko siyang sinandal ang ulo sa headrest at hinilot ang pagitan ng kanyang kilay. Tinignan ko ang aking phone, wala siyang reply. Marahil katulad ko ay nahihilo na rin siya sa pagbabasa ng message sa phone.

Naging mas payapa ang tinatahak namin. Malubak na rin ang daanan. Tumuro si Noemi sa gilid at nakita ang sobrang kadiliman, walang ni kaunting sinag ng ilaw maliban sa headlights at taillights ng van. Ang kanina'y mga establishments na nakikita ay napapalitan na ng hilera ng mga puno at matataas na damo. Mas nakaramdam kami ng lamig.

"Eto na ba yung sinasabi mo Lian?" rinig kong pagtanong ni Terrell sa frontseat.

"Yep. Pero simula palang 'to."

"Hanggang sa bahay niyo ganito ang madadaanan?" di makapaniwalang tanong ni Archer. Tumango si Lian bilang sagot.

Panay ang tingin ni Kelly sa bawat gilid ng bintana. "Hindi ako makaka-survive kapag naiwan akong mag isa sa ganitong lugar tapos maglalakad pa."

Puro kadiliman lang ang nakikita namin na parang nilalamon kami nito. Pakiramdam ko nasa isa kaming horror movie.

"What if ganon nga. Masa-stranded ka dito mag isa tapos ganito kadilim. Wala pang sasakyang dumadaan." wika ni Aria sa harapan.

"Goodluck nalang." natatawang komento ni Camila.

Sinubukan kong isipin na mag isa ako sa ganitong lugar. Walang dumadaang sasakyan. Walang ibang ingay kundi mga huni ng insekto. Para kang nasa kalagitnaan ng kagubatan. Wala pang ilaw na kahit nakadilat ka, para kang nakapikit sa sobrang kadiliman.

Pinilig ko ang aking ulo sa posibilidad. Sa sobrang kagutuman kahit ano na ang nai-imagine ko.

Kinalabit ako ni Kelly saka tinuro ang likod namin. Sa natahak naming daan ay walang kailaw ilaw. Pinagkaitan ng poste. Hindi ko manlang matignan ito ng matagal dahil pakiramdam ko sa ilang segundo ay baka may biglang lilitaw na kung anong kababalaghan. 

"Guys tignan niyo sa likod. Super dilim."

"Shet."

"Tapos may biglang lulutang na babae."

"Okay lang basta maganda ang dibdib." ani ni Brennan.

Sinundan yun ng tawanan ng mga lalake sabay high five sa kanya maliban kay Azriel na napapailing pero ramdam ko ang pagtawa niya dahil sa pag-alog ng kanyang balikat.

"Nakahubad pa."

"Yun!"

"Noemi baka may lumulutang na diyan sa gilid mo." panakot ni Archer. "Ikaw din Amber. Hala..."

"Hindi mo matatakot si Noemi. She's a horror movie enthusiast." singit ni Lian na nakikisali na rin sa pananakot sa'min.

It's really downright scary na ultimo imaginin mo palang na naglalakad kang mag isa ay wala ka nang maisip na pwedeng gawin. Kaya hindi na ako makakapaghintay pang mag umaga.

Ilang minuto pa ang tinagal bago kami nakarating sa aming destinasyon. Dumungaw kami sa bintana nang bumagal ang takbo ng van hanggang sa huminto na ito. Bumaba si Lian upang buksan ang kanilang gate.

Bawat isa sa amin ay may isinatinig na pagmangha sa malaking bahay. Napupuno ito ng mga ilaw na moderno ang disenyo. Bawat kwarto yata ay inilawan sa liwanag na tinatamo nito. Parang sa gitna ng kadiliman, ito ang katangi-tanging masisilungan mo.

Malawak ang balkonahe sa taas at sa laki ng bahay, parang mapapantayan mo na ang katangkaran ng mga puno. Ang lawn sa harapan ay napapaligiran ng orchids at mga maliliit at makukulay na bulaklak. Kaunting hakbang sa hagdan ang tatahakin bago makapasok sa loob.

Nagsibabaan na kami pakatapos mai-park ang van. Napawi ang naramdamang pagod sa paglibot ng paningin sa tahimik na paligid. Kung wala lang ang ingay na galing sa palabas sa tv sa loob ng bahay, mga kuliglig ang tanging ingay na maririnig. Mas malamig na rin ang hangin ang nararamdaman dahil sa napapalibutan talaga kami ng mga puno.

"Parang mansyon 'tong bahay niyo. Pamilya niyo yata ang pinakamayaman dito sa Bohol." inaayos ni Noemi ang pagkakalagay ng kanyang eyeglasses at may pagmanghang tiningala ang bahay.

"Ito lang ang tanging bahay na nakita ko simula nung dumaan tayo sa creepy na daanan." maarteng wika ni Carlo. Wala na ang kanyang neck pillow, pumalit naman dito ang kanyang scarf na pinaglalaruan niya ang tassels ngayon.

"Oo nga. Wala akong nakikitang ibang bahay. Itong kina Lian lang." pumantay si Aria sa kung saan nakatayo sina Camila.

Lahat yata kami ay hindi pa maka move on sa bahay nina Lian. Pabalik balik kami sa pagtingin sa mga natignan na naming area na para bang may hinihintay kaming makita.

Naghahagikhikan sina Archer, Kent at Brennan. May tinuro sila sa malaking tambak ng lupa na parang konektado sa likod ng bahay. Lumakas ang hagikhikan nila sa paggaya ni Archer ng boses ng isang witch. Silang tatlo, ginawang pakpak ang mga kamay nila't nagkukunwaring lumilipad.

Nakisali na rin sa kanila si Terrell. Hinanap ko 'siya' sa gilid ng kaibigan pero wala siya. Hindi yun humihiwalay kay Terrell. Nasaan na yun?

"I'm here."

Kahit mahina ang kanyang boses, napaigtad pa rin ako nito dahil sa hangin na umihip sa'king buhok at batok galing sa kanyang paghinga.

Nakatingin na siya sa'kin. Tikom ang kanyang bibig pero parang ngumingiti naman ang suplado niyang mga mata. Nadepina ang itim nito pati na ang kapal ng kanyang kilay dahil sa maliwanag na ilaw galing sa bahay.

Nakasabit sa kanyang leeg ang earphone kong hiniram niya kanina sa'kin bago kami bumaba ng barko.

"Hindi kita hinanap." ngumuso ako.

"Tss...talaga?" dinig ko ang kanyang panunuya.

Nagdikit ang aming mga braso sanhi ng paglapit niya sa'kin. Bahagya akong lumayo. Lumapit ulit siya at ako'y lumayo ulit hanggang sa mabunggo ko si Kelly. Napakapit siya kay Noemi na nagtaka sa nangyari.

"Sorry Kels." sabi ko. Nilingon ko si Azriel, pinanliitan ko siya ng mata. Tinakpan ng kamao niya ang marahan niyang pagtawa. Sumilip na naman ang kanyang dimples.

"Tara sa loob." bumuntot muli kami kay Lian.

Naghubaran kami sa aming mga sapatos at sandals pagkakita sa malinis at makintab na kulay kremang marble tiles sa loob ng bahay. Galing din dito sa labas, naamoy ko na ang samo't saring mga ulam.

"Wala ba kayong kapitbahay Lian? Yung babuyan lang yata ang nakita kong pinakamalapit dito sa inyo." natawa kami sa pahayag ni Archer.

Pinagdidikit dikit namin ang mga hinubad na sapatos. Ang iba nama'y nilabas ang mga plastic laman ang mga tsinelas nila.

"Ganito talaga dito, hiwa-hiwalay ang mga bahay. Pasok kayo."

"Kainan na!"

Nagtulakan pa kami kung sino ang unang papasok. Karamihan si Archer ang tinutulak. Bahagya siyang yumuko at nagkamot sa batok.

"Nahiya ka pa Arch! Hindi bagay sa'yo." pang aasar ni Kent na sinundan ng tawa nina Brennan at Terrell.

Tuluyan na kaming nagsipasukan. Puno ng pagkamangha ang aming reaksyon pagkakita sa modernong sala. Nasa kanang bahagi ito at puro bago ang mga kagamitan. Magkaharap ang dalawang mahabang maroon velvet sofa na pinagigitnaan ng parisukat na mahogany table.

Magkatabi naman ang one seater sofas sa gilid ng bintana at sa isang gilid na kahanay ng pinto ay isang bench. Nilapag namin ang mga bag doon.

Sa gitna ng bahay ay ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag. At sa kaliwang bahagi ang kitchen at dining table.

"O! alam ko na ang unang hahanapin niyo. Wifi!" tamad na umupo si Archer sa sofa at nag inat. Tumabi ang dalawang hindi humihiwalay sa kanya.

"Outlet rin para sa charger." sabi ni Camila.

Lumapit sa kanya si Aria at may kinuhang charger sa bag ni Camila."Ako muna. Empty bat na ako eh."

Nag kanya kanya kaming upo at pinanood ang palabas sa kanilang flatscreen. Nahagip ko si Terrell na sinisilip ang kitchen kung saan may nagluluto pa. Hindi ko makuha ang tinanong niya kay Lian.

"Kain na tayo guys!" anunsyo ni Terrell. " then after akyat tayo sa taas para makapili ng kwarto."

"Bahay mo Terrell? Feel na feel a?" panunudyo ni Kelly.

Nagsitayuan na kami at lumapit sa dining table. 

Muling tinawag ni Camila ang tatlong nanatili sa sofa at naengganyo sa pinanood. Kahit sa paglalakad ay sa tv ang kanilang atensyon kaya nagkabungguan sila.

Nagsinghapan at naglaglagan ang aming mga panga pagkalapit namin sa dining. Parang may piyesta sa dami ng pagkaing nakahanda. Pang isang baranggay!

"Di mo naman kami masyadong pinaghanda noh, Lian?" natatawang sabi ni Brennan na nauna pa talagang umupo.

"Paminsan minsan lang 'to kaya samantalahin niyo na." ani ni Lian na naglapag ng dagdag na ulam. Mas lalo kaming natatakam.

Uminom nalang muna ako ng tubig habang matiyagang hinihintay ang iba na matapos sa paglalagay ng pagkain sa kani kanilang mga plato. Inisa isa ko ring tinignan ang mga ulam at nag‒isip kung alin sa mga ito ang kakainin ko.

"Pwedeng dito ako?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses ni Azriel. Nakatayo siya sa likod ng silya ni Kelly.

"Bakit?" may pagtataka sa boses ni Kelly.

"Tabi kami." tumango si Azriel sa aking direksyon.

Ilang kutsara ang naglaglagan sa kanilang mga plato kasunod ang nakakabinging katahimikan. Wala akong matignan sa kanila maliban kay Kelly na manghang nagpalipat lipat ng tingin sa'min ni Azriel.

"Please?" bumulong si Azriel. Sa katahimikan, imposibleng walang nakarinig.

Suminghap si Kelly. Hinanda ko na ang sarili sa lakas ng kanyang boses.

"Please? Nakikiusap ka sa'kin? Totoo ba'to? Azriel James begged on me?" madrama niyang wika.

Inis na inikot ni Azriel ang kanyang mga mata kasabay ang pamumula ng kanyang mukha. May narinig akong tumikhim, na sinundan ng isang tikhim, at sinundan pa ng dalawa. Parang alam ko na kung sino ang mga 'to.

"Makikita mo pa rin naman ang kaibigan ko kung doon ka sa tapat. Tabi kayo ni Terrell." panunuya ni Kelly.

Hindi ko na kinaya. Tinakpan ko na ang aking mukha. Sobra sobra ang pagkalabog ng puso ko dahil sa mga pinaghalong rason.

"Malikot sila eh." asik ni Azriel.

"Malikot ring kumain si Amber."

Inis na nagpakawala ng hangin si Azriel sabay irap. "Okay fine! Gusto ko siya katabi. Happy?"

Bumungingis si Kelly kasabay ang mga kantyaw at panunukso ng mga kasamahan ko sa dining table. Ayaw ko nang alamin kung gaano ako kapula. Tinutulak at sinusundot ako ni Noemi na nasa kaliwa ko nakaupo. Sa tingin ko nga pati katulong nina Lian ay nakisali na rin.

God Azriel! Grabe naman pala 'tong paglalantad mo!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro