Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY ONE

CHAPTER TWENTY ONE

Sa muli kong pagpasok sa duty ay sinigurado na ng magulang ko na-refill ang aking inhaler upang hindi maulit ang nangyari noong isang araw. Matagal na din kasi ako hindi inaatake kaya nabalewala kong isipin na mauubos ang gamot sa inhaler.

Inusisa ako ng mga kaibigan ko sa dahilan ng atake. Nagpanic daw sila sa text ni Lavinia, masyado daw exaggerated ito kesa sa naging pahayag ko. Muntik na nilang maitanong kung saang ospital ako inadmit.

"Sa susunod Amber mag-elevator na tayo. Bawal sayo ang hagdan." ani ni Lian na pinipicturan kami sa room gamit ang kanyang camera phone.

Kakatapos lang ng break at ngayo'y tumatambay kami sa stock room na ginagawa naming lalagyan ng mga gamit. Maraming mga sirang hospital beds at dito rin nilalagay ang mga linens. Kasalukuyan kong sinilid sa bag ang absent slip kong kakabigay lang ng instructor namin.

"Pagtutulungan ka nalang naming buhatin in case mahaba ang line sa elevator. Magaan ka lang naman." dagdag pahayag ni Archer na nanghiram ng compact mirror kay Camila upang makapanalamin.

"Oi by the way, napag usapan namin kahapon yung birthday ni Terrell. Sa Hyper Club Roof daw tayo ngayong Saturday."

"Oo nga Amber. You're invited" nagpakita si Terrell sa harap at umupo sa kabilang gilid ng bed na inuupuan ko.

Tinignan ko sila isa-isa na inaabala ang mga sarili habang hindi pa tapos ang lunchbreak. Humantong ako kay Azriel na nakasandal lang sa pader at nakahalukiphip, nag-iwas siya ng tingin sakin saka bumaling sa bintanang katabi niya.

Wala akong ibig ipagkahulugan sa kanyang pagtawag kagabi. Hindi ko siya natanong upang makumpirma kung siya nga yun. Pero malakas ang pakiramdam ko.

Mas malakas ang pagkumbinse ko sa sarili na hanggang ngayon, hindi pa kami okay. I mean okay kami, pero walang imikan. Parang balik sa dati. We're like being strangers to each other. Hinahalintulad na niya ako sa mga iniisnab niyang mga tao, mga pinipili niyang hindi pagkatiwalaan.

Magiging masikip ang isang lugar sa presenya naming dalawa. Ayaw kong may ka-ilangan sa isang lugar. Wala lang akong magawa ngayon dahil nasa iisang grupo kami, pero ngayong Saturday, magagawa kong umiwas.

Mapagpaumanhin akong tumingin kay Terrell. "Uhmm...kayo nalang. Sorry Terrell. Bigyan nalang kita ng gift."

Natahimik ang buong paligid sa pagdaan ni Azriel. Otomatikong sumikip ang pagdaloy ng hangin papunta sa baga ko. Lahat ng mga ulo ay nasa kanya sa kanyang paglabas. Sabay namang naglingunan sakin ang kanilang mga ulo pagkasara ng pinto.

"Dahil ba to kay AJ?" tanong ni Lian.

Mabuti nalang at hindi lahat ng mga kagrupo ko ang nandito. Apat lang kami kasama si Archer.

"Pasensya ka na. Sinubukan ko siyang tanungin but he's being Azriel." kibit balikat ni Terrell.

Tipid akong ngumiti. "Okay lang."

"Hindi ka ba talaga pwedeng sumama? You'll miss the fun. Pwede namang hindi kayo mag imikan. Nandoon naman sina Lian. Ininvite ko rin kasi sina Noemi at Kelly." dagdag ni Terrell.

"Sumama ka na Amber. Minsan lang tayo magparty together." pakiusap ni Lian.

"First time mo ring mag bar na single ka!" sabat ni Archer.

"Oo nga..." sabayang sabi nina Terrell at Lian.

"Hindi naman bawal sayo ang alcoholic drinks di ba?"

Umiling ako. Wala namang bawal sa'kin maliban sa kung saan ako allergic na pagkain. Okay lang ako sa mga inumin. Although hindi ko pa nasubukang malasing. Dati naman kasi kapag nagba-bar kami ay binabantayan ako ni Riley. Siya ang tagasalin sa'kin ng shot at siya rin ang nagli-limit.

"So payag ka na?" umaasang tanong ni Lian na nanlaki ang mga mata.

"Oo na yan..." kanta ni Archer.

Huli kong tinignan si Terrell dahil siya ang may birthday. Tinaas baba niya ang kanyang kilay. Pinausli niya ang kanyang ibabang labi saka pinagsiklop ang mga kamay na parang nakikiusap. Nagpapaawa ang kanyang mga mata.

Malalim akong huminga "Sige na nga." pagsuko ko.

"Yun!"

Sabay silang nagbunyi. Napangiti at iling nalang ako.

Hindi na muling pumasok si Azriel. Gusto kong isipin na nakikinig siya sa pagsang-ayon kong sumama pero ayaw ko namang umasa. Natukso rin akong tanungin si Terrell kung pupunta rin ba ang kaibigan niya.

Sa mga natirang mga araw ng duty ay abala kami para sa gagawing case presentation sa Biyernes. Nagsusulat lang ako ng visual-aid since hindi naman ako isa sa mga magre-report. Kumabog naman ang dibdib ko nang malamang isa si Azriel sa mga reporters at ang pinakamahirap na topic pa ang binigay sa kanya.

Sa kabutihang palad ay nakapasa naman kami sa presentation. Hindi ako isa sa mga natanong ng instructor kaya mas lalong guminhawa ang loob ko. Sa buong pagre-report ni Azriel, hindi niya ako dinaplisan ng sulyap. Pinaninindigan niya talagang layuan ako ng tuluyan. Hindi ba talaga pwedeng magkaibigan nalang kami?

Sabado ng gabi ay nasa dorm kami nina Noemi at Kelly para doon magbihis para sa birthday ni Terrell. Kasalukuyan kong sinusuot ang black midriff top at high waist fitted skirt. Sina Kelly at Noemi ay hanggang ngayo'y namimili pa rin ng masusuot.

"Yan Amber bagay sayo kasi maganda ang pagka-slim mo. Kurbada." ani ni Lian na ginuguhitan ang kanyang kilay. Nakaupo siya sa itaas na parte ng double deck na siyang higaan ni Noemi.

Nilingon ako ni Noemi at pinasidahan ako ng tingin. "Inggit ako sa braso mo, ang slim! Naglilifting ka ba?"

Ismid akong umiling."Ayokong magka muscles."

Minsan na akong isinama ni kuya sa gym na pagmamay-ari ni kuya Gunner. Si kuya Trent ang isinasama niya kapag nasa Manila ang dalawa niyang kaibigan. Nao-obserbahan ko ang mga babaeng naglilift ng 5-10 pounds weight, nagkakaroon sila ng mga muscles. I know mas nagiging toned ang braso kapag ganon but I'm satisfied with my slim arms.

"Palit tayo ng arms Amber. May flabs kasi yung sakin, sayo wala. Jealous me." pahayag ni Kelly na ngumungusong nakapameywang.

"Lakas mo kasing kumain." pang-aalaska sa kanya ni Lian kaya tinapunan niya ito ng kakahubad lang na tshirt.

"Yan si Lian ang pagandahin niyo hindi ako." umupo ako sa ibaba ng double deck at hinalughog ang aking purse laman ang mga make up.

"Oo nga..uee anong gift mo sa kanya?"

"Wala."

"Kiss daw."

"Hindi ah."

"Matamis niyang Oo."

"Hindi nga...magkaibigan lang kami." namumula at nahihiyang sabi ni Lian.

Nakisali ako sa kanilang pang-aasar. Pinagpasahan namin ang pagtapon ng yellow shirt ni Kelly hanggang sa umawat na si Noemi nang makapagdesisyon sa susuoting damit. Siya lang ang nakashorts habang naka skater skirts naman sina Kelly at Lian na parehong tiniternohan ng crisscross top.

Wala pa kami sa bunganga ng bar ay sumasayaw habang naglalakad na sina Kelly at Lian. Nahuli si Noemi dahil siya ang tumanggap ng sukli ng taxi kaya hinintay ko siya.

"Saan tayo? Ang dami nang tao." ani ni Noemi pagkapasok namin. Nakasunod kami sa dalawa habang magkahawak kamay para hindi magkahiwa-hiwalay. Marami na ngang tao dahil sabado.

Natagpuan namin ang pang-barkadang table kung saan nakaupo na ang ilan sa mga ka-batchmates namin. ang iba ay nasisigurado kong mga kaklase nila Terrell bago sila pinaghiwalay ng section. Si Kelly ang naunang lumapit sa kanila since siya ang pinakamaraming kakilala. Ngiti ang ginawad namin sa kanila.

"Wala pa ba sila?" rinig kong pagtanong ni Kelly.

"Papunta na raw. Nasa Mabolo na sila." sagot ng babaeng pinagtanungan niya. Pumutok sa pula ang labi nito at mahaba ang buntot ng kanyang eyeliner.

"Sino kasama? si AJ?"

Makahulugan akong tinignan ni Lian bago may sumagot. "Yep."

So pupunta pala siya. Akala ko hanggang dito iiwasan pa rin niya ako. Well magagawa pa rin naman niya yun sa hindi pagpansin sakin.

Habang tumatagal itong trato niya sa'kin unti unti akong nasasaktan. Hindi ako sanay na may kagalit o may hindi pinapansin. As much as possible, kung kakilala ko yung tao papansinin ko talaga. Pero paano ko yun magagawa kay Azriel, eh siya na itong mismong umiiwas sakin? I have already admitted to myself that I like him, pero para sakin hindi talaga pwede. Yun ang mahirap. Ang hindi pwede.

Ilang minuto ang aming hinintay bago kami makarinig ng mga hiwayan at pagbati. Lahat ng mga ulo ay nabaling sa likod namin at doon nakita namin ang ngiting ngiti na si Terrell na nakikipag high five sa mga lalake na panay bati sa kanya ng happy birthday.

Bilang may kaarawan, nakapulang button-down siya ngayon na may tupi sa manggas kaya kita ang puti at hubog ng kanyang braso. Nang-aasar kong tinignan si Lian na napatulala. Ganoon din sina Noemi at Kelly na panay kiliti sa kanya.

Napabaling ako sa kinikilig na hiyaw ng isang babae sa'ming table. Nilingon ko ang direksyon na pinagtuunan nila ng pansin at nakita ko si Azriel na tikas na tikas ang tindig sa kanyang nakabukas na sleeveless black leather jacket. Nadepina nito ang matatag niyang mga balikat at mapirming biceps. Pinalooban niya ito ng white sando na kapit na kapit sa kanyang katawan. May suot siyang dogtag bilang accessory. His hair is laid back, pero bumagay lang ito sa aura ng kanyang mukha na parang walang pakialam at hindi namamansin. Para bang masasabi mong he woke up like that. He woke up gorgeous like that.

May tinatanguan siyang mga kakilala habang naglalakad. Huminto siya nang bigyan ng isang bote ng beer ng isang lalake na hula ko'y kaklase niya dati. Tinapik niya ito sa balikat saka tinungga ang bote. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan. Napalunok ako sa ginawa niyang pag-inom.

Sumasayaw ang makukulay na ilaw sa kanyang kinatatayuan. Ewan ko kung bakit ko siya tinititigan. Naghalo ang mga rason ko. Dahil sa nakakahalina niyang porma na ngayon ko lang nakita o baka hinintay ko siyang tignan din ako.

Tipid siyang ngumiti sa kausap at kahit hanggang dito natatanaw ko ang lalim ng kanyang dimples.

Ano kayang pakiramdam na katawanan o kabiruan si Azriel? Kung tutuusin nagiging malapt na rin kami kaya nalilito ako kung ano ang dapat kong gawin. Ang makasundo siya ay kapalit naman ang isang bagay na hindi ko maaaring isukli sa kanya. Why can't he just accept friendship?

"Yo girls!  Salamat sa pagpunta!"

Napalingon kami kay Terrell na nakalapit na pala sa table. Binati namin siya ng happy birthday sabay high five at beso.

"May regalo pala daw si Lian sayo." ani ni Kelly dahilan upang binaha namin si Lian ng pang-aasar. Di makapaniwalang tinignan  ni Terrell si Lian na paniguradong pulang pula na ang mukha.

"Mamaya, nahihiya ako." nagtago siya sa likod ni Noemi. Mas lalo kaming naghiyawan.

Tumawa si Terrell. "Sige mamaya. For now, booze on me!"

Sinundan namin yun ng panibagong hiyaw.

Nagsidatingan na rin ang ilan saming mga kaklase na pinangunahan ni Archer. Binulabog niya ang buong bar sa sobrang lakas ng pagbati niya kay Terrell. Nagsalubong ang dalawa at pabirong nag-hip bump. Nakakatuwa na sa maikling panahon na nagkasama ay close na agad sila.

Maya maya lang ay lumikha kami ng malaking bilog saka pinalibutan si Terrell. Natatawa siya habang nagtataka sa aming ginagawa. Pati ako ay walang kaalam alam sa kung anong mangyayari. Di nagtagal may panibagong mga tao ang pumasok na may dala dalang cake na may nakasinding kandila. Di makapaniwalang humiyaw si Terrell at medyo nahihiya pang nagkamot sa kanyang ulo.

Kinantahan namin siya ng Happy Birthday, nilakasan namin ang pagkanta upang higitan ang malakas na tugtugin ng bar. Iba sa mga lalake ay ginawa ang tono na Ave Maria kaya pabiro silang minura ni Terrell.

Lumakas ang mga boses namin sa huling stanza ng kanta kasunod ang pagsabog ng confetti na di ko alam kung saan nanggaling. Sinabayan namin ng hiyaw ang panibagong dance music.

Nagsibalikan kami sa table samantalang ang iba'y nanatili sa dance floor lalo na't maganda ang tugtugin. Bahagya na rin akong napapasayaw kahit siksikan ang pagbalik ko sa table. Kahit sino na ang nakakabangga ko at naaapakan pa ang aking paa kaya napaaray ako. Ang sakit ng takong nung babae!

Hindi na ako umalma. Wala namang magagawa ang pagkumprunta ko, makakalikha lang ako ng gulo at ayaw kong sirain ang party na 'to ni Terrell.

Nagpatuloy ako sa pagsulong pabalik sa table na nakangiwi dahil sa kirot ng pagkatusok. Hirap akong nakapaglakad kaya hindi ko naibalanse ang sarili. Kinabahan ako nang mamalayang matutumba ako.

Laking pasasalamat ko sa sumalo sa'kin. Pumihit ako't magpapasalamat na sana sa taong nasa aking likuran ngunit nahinto sa ere ang aking mga salita.  Ang malalim at maitim na mga mata ni Azriel ang nagpahinto sa'kin. Umawang ang bibig niya pagkakitang ako ang sinalo niya.

Mabagal niya akong pinasidahan ng tingin bago nagtagpo muli ang aming mga mata. Lumunok siya't gumalaw ang kanyang maangulong panga. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya kung saan malinaw na nagrereplika ang makulay na lazer lights.

Unti unti niyang tinanggal ang mga kamay niya saking balikat saka nag-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng kakulangan sa ginawa niyang yun. Hinahanap hanap ko na kaagad ang bigat ng mga kamay niya sa balikat ko.

Tinalikuran na niya ako bago pa man ako makabuo ng isang salita. Hinatid siya ng mga mata ko patungo sa paglamon sa kanya ng mga nagsasayawan. May babaeng pumulupot sa kanyang braso at hinahayaan niya lamang ito. Akala ko ba ako lang ang pinapansin niyang babae?

Pairap akong umupo sa silya. Walang pagtatanong kong sinaklot ang isang bote ng beer at marahas ko itong tinungga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro