Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY NINE

CHAPTER TWENTY NINE
_______________________________________
"Rise up earthlings!"

Ginising kami ng palakpak ni Carlo na ipinagtaka ko ang pinanggalingan ng sigla. Naalala kong nauna kaming mga babae natulog kaya hindi ko alam kung anong oras na silang natapos.

Nag-iba ng posisyon si Noemi sa tabi ko. May narinig akong nag inat kasabay ang ingay ng keypad sa cellphone. Mga ingay naman ng pag-prito ang nasa baba at boses ng mga lalake na parang naghahabulan sa labas. Why are they up so early?

"Hindi natulog ang mga boys?" tanong ni Kelly sa inaantok na boses na napuna rin ang kaingayan ng mga lalake.

"Ang ingay nga nila hanggang kanina eh." ani ni Camila.

"Hindi rin kayo natulog?" tanong ni Noemi.

Ang kasama kong umakyat dito sa taas kagabi ay si Kelly lang. Kalaunan ay nagising ako sa paghiga ni Noemi. Malikot siyang matulog kaya pinapagitnaan namin ni Kelly.

Umupo na ako sa kama at nag inat sabay hikab.

Nakita ko ang pag-iling ni Aria yakap yakap ang unan. "Nilasing kasi nila si Carlo, kaya yun."

Tumingin ako sa labas ng bintana at bumungad sa'kin ang mga puno. Hindi na ako nagulat, inexpect kong ito talaga ang magiging tanawin sa umaga. Kapansin pansin ang hamog na bumabalot sa mga ito.

"I'm...gonna swim from the chandelier, from the chandelier..."

Bumaha ng tawanan hindi lang dito sa kwarto kundi pati rin sa baba nang naging sintunado ang pag-falsetto ni Carlo sa paghirit sa high note.

Kinusot ko ang aking mga mata dahil sa panlalabo nito. Kumatok si Lian sa pinto at pinababa na kami para mag-agahan.

Sa labas kami dumiretso pagkakitang nandoon ang karamihan. Bumungad sa'min ang mga pagkain na nilagay sa dahon ng saging. We're going to have a boodle fight for breakfast!

May arteng nilalagyan ni Carlo ng samo't saring ulam ang gilid ng nakahilerang kanin. Dumating si Kent na may dalang casserole laman ang iba pang uulamin.

Tinanaw ko ang ibang boys na nasa labas na nang bakod ng bahay at mas pinag-iinteresan pa ang pagsa-sight seeing kahit wala namang masyadong view. Nakapamaywang si Archer na parang isang Don na tinatanaw ang buong rancho. May tinuro naman na kung ano ang katabi niyang si Brennan.  Nagsitunguhan doon sina Camila at Aria at nagsi‒stretching.

"Si Archer parang wala lang pero kung makasuka kanina!" lumingon kami sa balcony kung nasaan ang tumatawang si Terrell. Halata ang bahagyang paniningkit ng kanyang mga mata dahil kinulang sa tulog.

Pumulot ng maliit na bato si Archer at natatawang binato kay Terrell na hindi naman natamaan.

Luminga ako sa ibang lugar, dumungaw pa ako sa loob ng bahay pero hindi ko siya makita. Is he still asleep? I almost forgot na palagi siyang nahuhuli sa klase dahil wala siyang alarm clock. Hindi man lang siya nagising sa ingay namin?

"Tone it down AJ. You're still a hunk, don't worry."

Muli akong lumingon sa balcony. Nakaharap na ngayon si Terrell sa nakapamaywang at humihingal na si Azriel. Kitang kita ko ang pamamasa ng kanyang grey sando sa chest part. Kumikinang ang pawis sa kanyang leeg at hulmadong biceps.

Saan siya galing? And why is sweating?

"Five days na akong hindi nakapag-gym eh." aniya saka siya dumapa at nagsimulang mag push-up.

Bawat pwersa niya sa paghila sa kanyang sarili ay kitang kita ang pagflex ng kanyang mga muscles sa braso. Lumitaw rin ang mga ugat na bumabakas sa kanyang forearms. Tinignan ko ang pag-igting ng kanyang matatag na panga sa bawat puwersang ginagawa niya. Damn. He's so hot in the morning! He's too hot to be a nursing student.

"Ang init! Whooh!"

Hindi ko pinansin si Carlo, marahil naiinitan lang talaga siya. Ako nama'y bahagyang pinagpapawisan sa ibang dahilan.

"30...31...32..." nakahalukiphip na nagbibilang si Terrell.

Mula rito kita ko ang pagbagsak ng isang butil ng pawis galing sa kanyang buhok at naglakbay sa gilid ng kanyang tenga. Nabingi ako sa lahat na nasa aking paligid. Namanhid ang mga kamay ko't ramdam na wala na akong hinahawakan. Hindi ko alintana ang pamamanhid ng paa ko sa matagal na pagkapako sa'king kinatatayuan.

"42...43...44..." nahaluan ng tawa ang pagbibilang ni Terrell.

Ganon nalang ang panginginit ng aking pisngi dahil nahuli niya ako. Mapang-asar siyang ngumisi sa'kin saka pabalik kay Azriel na ngayo'y dumadaing na.

Nag-iwas na ako ng tingin bago pang si Azriel ang makahuli sa'kin. Tinuloy ko ang pagtulong sa paghanda ng kakainin namin.

Pumasok ako sa kusina at kumuha ng litro ng softdrinks at pitchel ng tubig. Sumunod si Noemi na ganon din ang kinuha. Nilapag namin ang mga iyon sa isang table, seperate sa pinaglalagyan ng pagkain.

Maya maya lang ay tinawag na namin sila. Nakatayo lang kami habang pinapalibutan ang mahabang mesa. Nanatili ako sa pwesto ko kanina habang naghahanda pero umalis si Kelly kaya pinalitan siya ni Brennan na ngayong nasa kaliwa ko. Sa kabila ay si Carlo. Sinimulan namin sa pagdasal bago nag-boodle fight.

Nagsisubuan na sila gamit ang kamay habang ako'y namimili pa nang iuulam. May pink na di ko alam kung ano ang tawag, may egg din kaso allergic ako kaya hindi pwede.

"Ito Amber o, corned beef." nilagyan ni Brennan ang rice ko ng pink ulam na hindi ko alam kung ano ang tawag.

Nalukot ang aking mukha nang inamoy ko ito. "Corned beef 'to? Bakit pink? At saka iba ang amoy."

"Huwag kang maniwala diyan Amber! Hindi yan corned beef. Bagoong yan!" natatawang sabi ni Carlo. Siniko ko ang tumatawang si Brennan.

"Eto nalang." ilalagay niya sana ang pritong egg nang may marahas na humampas sa kanyang kamay.

"Huwag yan! She's allergic."

Natahimik kaming lahat.

"Oops."

Nagsalubong ang makapal ni kilay ni Azriel at inis na sumubo. Sumulyap siya sa'kin bago kumuha ng isang pirasong adobo at nilagay ito sa'king kanin.

"Say what?  It even took me a year and a half to know na may asthma siya at allergy tapos ikaw? Within Six months? Wow!" napailing si Lian.

"Her ex told me." malamig na sabi ni Azriel. Hindi ako makagalaw sa paraan ng pagkasabi niya. Parang labag sa kanyang loob ang emosyon sa kanyang tono.

"Oh...okay."

Palihim ko siyang tinignan. Ganado siya sa pag kain, mukhang nagutom dahil sa morning exercise niya. Pansin ko rin na hindi na yung grey sando ang suot niya kanina sa pagpu-push up kundi panibagong blue shirt.

"Nasan si Archer?" dumaan sa likod ko si Camila na nagsalin ng tubig sa baso.

"Nakita ko siyang pumunta sa taas. Nagbihis yata." Si Kent ang sumagot.

"Nanghiram din siya ng pentel pen. Anong gagawin niya dun?" inagaw ni Lian ang tubig ng katabi niyang si Terrell.

Pagkabanggit palang ng kanyang pangalan ay sinariwa ng mga boys ang mga nangyari kaninang madaling araw na kinunan pa ni Terrell ng video. Alas tres na raw silang natulog at hindi pa yun eksaktong alas tres dahil ani nina Camila at Aria, nagtatawanan pa sila sa kwarto pagkahatid nila doon kay Carlo.

Napalingon kami sa likod nang maghiyawan ang mga nasa harap namin. Naghagalpakan kami pagkakita kay Archer na walang pang itaas at nakaboxers lang. May drawing sa tiyan niyang six pack abs at dinagdagan ng v-line at kunwaring happy trail. Maganda ang pagkaguhit niya, kaya pala natagalang bumaba!

Sumingit siya sa pagitan nina Terrell at Azriel na namumula na sa pagtawa. Si Kent ay hawak hawak ang kanyang tiyan pagkatapos makipghigh five kay Archer. May ilan din sa'ming di na makakain ng maayos at tumatawa nalang. Kinuha ni Carlo ang kanyang phone at hagalpak na pinicturan si Archer.

"Wait! Kaming dalawa ni Azriel ang kunan mo." ani ni Archer bago pa mag click ang camera phone. Bumaling siya kay Azriel at tinaas ang dulo ng shirt nito. "Bro, tanggalin mo shirt mo para kita ang pagkakahawig ng abs natin."

Iling at ngiti lang si Azriel habang patuloy siyang inuudyok.

Sa huli ay pumayag na rin siya pero hindi niya hinubad ang kanyang shirt. Tinaas niya lang ang dulo nito hanggang dibdib. Nagtilian sila nang makita sa personal ang kanyang 'stubborn abs'. Pumagilid si Terrell upang hindi masali sa pagpicture ni Carlo.

"Wala na, busog na ako!" react ni Camila.

Inagaw ni Archer ang phone upang tignan ang kuha. Matinis ang boses niya sa paghagalpak.

"Kambal abs natin o." pagmamayabang niya't pinakita ang phone kay Azriel. Umiling lang ito at natawa.

Lumapit si Kelly sa kanila upang tignan ang picture. "Letse Archer! Hindi ko kinaya ang ambisyon mo!"

"Hanggang drawing ka lang dude! Pasensya na." humagalpak si Brennan.

"Mawawala din yan kapag nag-Panglao tayo mamaya." sabi ni Aria.

Umangal si Archer. "Waterproof 'to!"

Hindi mapawi pawi ang kanilang asaran at tawanan. Lumitaw bigla si ate Gwendolyn na tawang tawa rin sa 'abs' kuno ni Archer. Muli siyang pumasok sa loob at sa kanyang pagbalik ay may hawak na siyang DSLR saka kami kinunan lahat ng picture. Naka-ilang takes din kami, palipat lipat kasi ng pwesto ang iba.

Pang-ilang adobo na itong pinapak ko, hindi ako nakakuha ng kanin dahil natatapon lang kapag sinubukan kong kamayin. Ayoko namang gumamit ng kutsara dahil lahat sila nagkakamay, ayoko maging kj.

"Oi."

Napausog ako nang may biglang sumingit sa pagitan namin ni Brennan. Naaamoy ko ang panglalaking facial wash. Bumalik sa'kin ang ginawa niyang pagkanta kagabi. Malaki ang naging epekto nun sa'kin. Bigla ako naging conscious sa pag kain ngayon at sa itsura ko. Hindi pa ako nakapaghilamos at nakapagsuklay!

Hindi ko alam kung sino ang impit na tumili nang nilapit ni Azriel sa bibig ko ang kamay niyang may kanin. Tumikhim sina Archer at Brennan na nasa pwesto ni Azriel kanina.

Tinignan ko si Azriel, tinaasan niya lang ako ng kilay at nilapat ang kamay niyang may kanin sa'king bibig. Sinubo ko ang nilahad niya. May nadikit na butil sa gilid ng aking bibig kaya kinuha niya ito't sinubo din sa'kin.

Ikinalala ng kaba ko ang hindi niya pagtanggal ng kanyang hintuturo at thumb sa'king labi. Kabog na kabog ang puso ko. Parang binilad ako sa araw sa tanghaling tapat dahil sa nararamdamang panginginit ng buo kong mukha.

Nagkatitigan kami. Normal lang naman ang ekspresyon niya, kaso hindi ko mabasa. Wala itong  panunuya o panunuri. Napatitig ako sa mga mata niyang bahagyang naniningkit. Gumalaw ang labi niya na parang kinakagat niya ang loob nito habang marahang hinihimas ng mga daliri niya ang aking labi. Napakapit na ako sa mesa sa sobrang panghihina sa ginawa niya. Ni hindi ko na nakuhang ngumuya sa sinubo niya sa'king kanin.

Flash ng camera ang nagpahiwalay sa'min. Hinanap ko ang pinanggalingan at nakita ang naghahagikhikang sina Lian, Noemi at Kelly na tinignan ang kuha. Mapang-asar silang tumingin sa'min sabay bigay ng DSLR kina Terrell na gusto ring tumingin.

Yumuko nalang ako at sinubukang magkamay. Kaso sobrang konti lang talaga ang nadudukot ko kaya ulam nalang ulit ang aking kinain.

"Hindi ka marunong magkamay Amber?" puna ni Carlo na ningangatngat ang maliit na chicken wing.

"Slight. Natatapon kasi." at saka hindi ako nasanay.

Dati sinubukan ko pero palpak pa rin. Mas sanay talaga akong may spoon at fork dahil yun ang gusto ni dad. Mas marunong pa akong gumamit ng chopsticks kesa ang magkamay.

Inulit ni Azriel ang pagsubo sa'kin. Kahit nahihiya na ako ay hindi ko magawang tanggihan dahil pinipilit niya. 

"Pasubo rin bro." sumunod ang malanding tawa ni Carlo pagkatapos itong sabihin ni Archer. Tinapunan siya ni Azriel ng buto ng manok at tumama ito sa kanyang noo.

Umalis si Azriel at nagtungo sa table na pinaglalagyan ng mga drinks. Nagulat ako nang makita na may mga alak na doon. What the? Umagang umaga may Whiskey at Absolut na!

"Ba't may alak?"

"Reserve ang mga iyan para mamaya."

Naglapag ng baso ng tubig si Azriel sa harap ko. Mahinang 'thanks' ang sinabi ko bago uminom. Narinig ko sa'king gilid ang pabulong na pagtatanong ni Aria if nanliligaw si Azriel sa'kin.

"Ewan. Siguro. Itanong mo sa kanila." mahinang ani ni Camila.

Umiling ako sa muling pagsubo ni Azriel. Ayokong kumain ng marami dahil magsu-swim wear pa ako mamaya. Umalis na ako sa mesa at pumasok sa kitchen para maghugas ng kamay.

Tumulong kami sa pagliligpit ng pinagkainan pagkatapos. Kaunti lang naman ang natira karamihan mga buto nalang saka pinakain sa aso nila Lian. Namamahinga sa sala ang iba at nanonood ng tv samantalang may naglalakad lakad para daw mabilis matunawan.

Umakyat sina Noemi at Lian sa taas upang maghanda sa mga dadalhin nila. Tumambay ako sa dining area at iniisip ang susuotin ko. Inalala ko kung nagdala ako ng sunblock. Kalauna'y bumaba si Noemi na may nakasabit na tuwalya sa balikat at mga damit. Siya ang naunang naligo. Ang iba ayaw maligo dahil maliligo din naman daw sa Panglao.

"Paano tayo makakaligo kung may bagyo?" maktol ni Camila na nakikinood ng morning news.

Dumaan si Brennan sa likod na binabaeng tumatawa. "Hindi matutuloy ang bagyo kasi uulan."

Dinukot ko ang aking phone at nag scan sa mga pictures. Binura ko ang hindi na mahahalagang shots para may space para sa mga incoming na pipicturan ko mamaya at sa mga pupuntahan namin.

"Nanliligaw ba sa'yo si Azriel?"

Napaangat ako ng tingin pagkarinig ng tanong na yun. Nakakunot ang noo ni Kent habang nakatayo sa likod ng silya.

Umiling ako. "Hindi."

Naningkit ang mga mata niya sa pagdududa. "Sure?"

Tatango na sana ako ngunit nabaling lang kami sa padarag na paghila ng silya sa tabi ko.

"Bakit Kent? May balak ka sa kanya?" matigas na pagtanong ni Azriel. Hindi ko pinahalata ang gulat ko sa tono ng pananalita niya.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Kent. Palipat lipat ang tingin niya sa'min ni Azriel wari naghahanap ng ebidensya.

Huminto ang tingin niya sa'kin. "Oo. Di naman siguro masama."

"Iyan ay kung magpapaligaw si Amber." Panunuya ni Azriel.

Tinignan ko siya. Nakaangat ang isa niyang kilay at gilid ng kanyang labi habang nakahalukiphip na para bang hinahamon niya si Kent sa isang pustahan. Di nagtagal ay may pagtitimpi niyang kinagat ang ibaba niyang labi saka lumingon sa'kin.

"Okay lang naman Amber di ba? You're single." ani ni Kent. "Sisimulan ko na ba?"

Bago pa ako makasagot ay marahas na suminghap si Azriel kasabay ang paghila niya sa'kin patayo. Hindi ako makawala sa lakas niya. Malalaki ang hakbang niya at dumagundong ang ingay ng kanyang mga yapak sa hagdan. Nakuha kong marinig ang pang-uusisa ng mga nasa sala.

Dinala niya ako sa kwarto naming mga babae at sinara ang pinto. Inis na pinasidahan ng kamay niya ang kanyang buhok dahilan upang magulo ito. Sumalamin ang kilos niya sa kanyang ekspresyon nang hinarap niya ako.

Kabado akong pinagmasdan siya. Hiniling ko na sana hindi siya magwala at baka masira pa itong bakasyon namin. Kung ano man ang guso niyang pag usapan sana maging mahinahon lang siya.

"Kung magpapaligaw ka sa kanya, dapat payagan mo rin ako sa'yo!" iritado niyang bulong.

Napasandal ako sa pinto. "H-hindi naman ako magpapaligaw."

Malalaki ang paghakbang niya patungo sa'kin. "Kahit sa'kin?"

Halos hindi ako makabuo ng salita sa tinging ginagawad niya. Tumakas sa paraan ng kanyang tingin ang impresyon ng karamihan sa kanya. "Kung papayagan kita, papayagan ko rin siya."

"Shit." may pagtitmpi niyang pinikit ang kanyang mga mata. Mas naging mabigat ang pagtingin niya nang bumaling ulit sa'kin. "So kung hahalikan kita, magpapahalik ka rin sa kanya, ganon?"

"Wala akong sinabing---"

"But what if, Amber? Gusto mo ng fair di ba?" halos hindi ko na siya matignan sa pagiging marubdob ng kanyag tingin. Nakakapaso.

"Let's get Riley out of the picture here." dagdag niya.

Napaawang ako. "How can I get him out of the picture if he's the reason why I won't allow someone to pursue me?"

Mahigpit niyang naitikom ang kanyang bibig. Naging isang linya. Binalikan ko ang aking sinabi at napagtantong nasaktan ko siya doon. Nabigla lang ako kaya hindi ko nagawang piliin ang aking mga salita.

Umigting ang kanyang panga. Marahan kong naidulas ang aking likod sa pinto sa bigat ng tinging tinatapon niya sa'kin. Hindi ko kinaya ang bigat nito kaya napaiwas ako ng tingin ngunit pinigilan niya sa paghawak sa'king baba upang ilingon ako sa kanya.

"You want me to talk to you. So I offered you this agreement. Sana tanggapin mo rin kung ano ang gusto ko. Kahit dito lang Amber. Kahit sa mga natitirang tatlong araw lang, please. Pagkatapos nito wala na. Hindi na ako maghahangad ng kahit ano galing sa'yo kasi alam ko namang wala akong laban. Hiram lang 'tong atensyon mo sa'kin, hindi ako ang nagmamay-ari nito. I can only make you blush, but I can't make your heart beat."

Umihip ang hangin ng kanyang paghinga sa bawat pagsasalita niya. Hindi lang mukha ko ang hinaplos nito kundi pati puso ko.

Oh Azriel. You have no idea.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro