TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY FIVE
Kinumpleto ko noong sabado ang one day extension duty na pinataw saking pag-absent. Ngayon ay maaga akong nagpunta sa school para sa enrollment. Binalak ko talagang matapos na sa unang araw palang para wala na akong aalahanin this week.
Kakatanggap ko lang ng text nina Kelly at Noemi na bukas sila magpapa-enrol. Hinihintay ko si Lian na siyang makikisabay sa'kin ngayon. Paharap akong nakasandal sa ledge dito sa ground floor at pinagmamasdan ang mga nagkalat na enrollees. May ibang naka duty uniform. May nakita pa nga akong nagpapapirma ng clearance sa clinical instructor upang makahabol sa graduation nila mamaya.
Napabaling ako saking gilid pagkaamoy ko sa baby cologne na pabango ni Lian. Kakarating palang niya. Nilapag niya ang kanyang red folder sa ledge saka huminga ng malalim tanda ng kapaguran.
"Bakit daw bukas pa sila Noemi?" bungad kong tanong. Sinuot ko na ang aking shoulder bag saka kinuha ang aking folder.
"Ayun tinamad. Ang aga daw natin." aniya. Nagpunas siya ng kaunting pawis sa mukha at leeg. "Tara?"
Isang beses akong tumango saka namin tinungo ang unang step ng enrollment. Binigyan kami ng form pagkatapos ay umupo sa mga bakanteng silya upang mag fill-up.
"Six pm pala ang departure time natin ngayong Friday." Pahayag ni Lian, tinutukoy ang pag-alis namin papuntang Bohol.
Noong nagpaalam ako kay mama at dad last week, nag-alinlangan pa silang sumang-ayon. Napapayag ko sila sa pagbanggit ko na marami kaming pupunta at mga kaklase ko pa.
"Saan tayo magme-meet?" tanong ko.
"Pier uno. Kailangan nandoon na lahat by five pm para maaga tayo maka check-in."
Simangot akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Ang aga naman."
"Ganon talaga. Alam mo naman ang mga kaklase natin, kung sasabihan mong magpunta ng ten, darating na yan ng eleven. At kung magte-text na papunta na sila, ay nako nasa bahay pa pala! Dapat nga four thirty nandoon na lahat eh para sure na walang maiiwan ng barko." pahayag niya.
"Alam na ba nila?" tinakpan ko ang aking ballpen pagkatapos kong mag fill-up sa form.
"Magr-group message ako mamaya." aniya.
Babalik na sana kami sa table upang ibigay ang natapos naming forms nang makasalubong namin sina Terrell at Azriel. May dala silang red folder at blankong form.
"Oi tapos na kayo? Hintayin niyo kami, sabay na tayo." ani ni Terrell sabay upo sa plastic arm chair.
Tinignan ko si Azriel na hindi ako tinapunan ng tingin. Diretso siyang yumuko at nagsulat. Nakakalito talaga ang lalakeng 'to! di ko makuha ang takbo ng isip. Ewan ko kung sinasadya niya ang ganyang ugali o inborn na ba.
Hinintay namin ang dalawang matapos at habang ginagawa yun, nagsimulang magtipa ng mensahe si Lian na isesend niya sa lahat ng sasama sa Bohol.
Before lunch kami natapos sa enrollment. Di ko alam ang paglalagyan ng saya ko dahil nakaabot ako sa huling year level kasama ng mga kaibigan ko. I'm bracing myself for more complicated topics and stressful duties to come. Sana hindi magpapapansin ang asthma ko.
Sumingit ang pagka-ilang pagkatanaw ko kay Azriel na walang niisang salitang ginawad sakin sa buong magdamag na magkasama kaming apat. Si Terrell lang yata ang kinakausap niya, may pagkakataon ding tinanong niya si Lian tungkol sa group message niya kanina.
Atat akong basahin ang kung anong tumatakbo sa kanyang isip para alam ko naman kung kailan ako aasa o hindi aasa na kakausapin niya ako.
Naiintindihan ko naman siya. Dinidistansya niya ang sarili sakin dahil sa desisyon kong hindi tanggapin at suklian ang nararamdaman niya. I want that feeling to be a phase only to him. I don't want it to go deep dahil mahirap na. Ayokong dumating sa punto na masisi ko ang sarili ko sa sakit na idudulot ko sa kanya. He has been through enough suffering with his family, ayokong dumagdag.
Ngunit paano ko paninindigan ang desisyon kong ito kung ako mismo ayaw sa ginagawa niyang madalas na hindi pagpansin sakin? Naiinis na rin ako sa sarili kong makaramdam na para bang may kulang kung hindi ko siya nakakausap o nakikita. I keep on thinking that I'm only attracted to him. Nothing more. It's only a sheer attraction.
Biyernes ng umaga ako nagsimulang mag empake para sa apat na araw naming pamamalagi kina Lian. Dalawang jean shorts, crop tops at blouses, pantulog at pambahay ang dadalhin ko. May sinama rin akong swimwear dahil magpa-Panglao raw kami.
"Don't forget your inhaler, Nak. Baka atakihin doon."
Nilingon ko si mama na nakasandal sa pintuan. Wala yata siyang balak magpunta sa kompanya ngayon dahil nakapambahay lang siya. Kakagaling lang niya sa pagluto ng brunch.
"Yun po ang una kong nilagay sa bag." tinungo ko ang cabinet at naghanap ng paperbag na paglalagyan ng aking flip flops.
"Mag-iingat ka doon huh? Baka maligaw ka."
Natawa ako sa sinabi ni mama. "Hindi po ako hahayaang mawala ni Lian. Mas natataranta pa nga yun kapag hinihika ako."
"Is Kelly and Noemi with you?" tuluyan nang pumasok si mama sa kwarto ko at umupo sa dulo ng kama. Sinilip niya ang mga dadalhin kong gamit sa pink knapsack na bigay sakin ni kuya Ansel noong Christmas.
"Hindi lang po sila. Lampas sampu yata kaming sasama." ani ko.
"Kasya ba kayo sa bahay nina Lian doon?" muli niyang tanong.
"Malaki daw ang bahay eh, tsaka two storey. So maybe sobra pa sa kasya." pumasok ako sa banyo saka namili ng mga dadalhing toiletries.
"Anong oras ka aalis? Ilang araw kayo?"
"Four days po kami. At kailangan nasa Pier uno na ako by five."
Pinagmamasdan lang ni mama ang patuloy kong pag impake. Sandali ko siyang sinulyapan at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha na para bang sa susunod na segundo ay magbabago ang isip niyang payagan akong sumama. Napailing ako at huminto.
"Ma, walang mangyayari saking masama doon. Please don't change your mind. Si dad nga chill lang."
Pagod siyang bumuntong hininga. "Amber naman kasi, ang dami ko nang napapanood sa balita ngayon na naa-aksidente papunta sa mga barkada outing at mga field trips."
"It won't happen to us, Ma." tamad kong sabi at umiling. Inayos ko ang pagtupi ng mga damit na dadalhin ko.
"I hope so. I will pray for that. I'm sure kung nandito ang kuya mo hindi ka rin papayagan nun, especially after what happened to Mauryn."
"Huwag mo nalang ipaalam kay kuya. Okay lang naman siya sa Manila ngayon di ba?"
Wala na akong balita sa kanya mula nung umalis siya sa bahay. Sana naging distraction niya ang pamamahala sa bar at ang mga kalokohan nina kuya Euan at kuya Gunner.
"He said he's fine." ani ni mama na parang hindi sigurado. Hindi rin ako kumbinsido.
I think kuya's still in the moving on process. Hindi lang kasi paghihiwalay ang pinag-uusapan dito kundi ang pagkamatay mismo ng karelasyon. That's a heavier baggage to carry than a break-up.
Tinimbang ko sa sarili kong mga kamay ang bigat ng knapsack. Nag-insist si mama na luggage ang dalhin ko, baka daw kasi atakihin ako sa bigat ng bag. I assured her na tolerabe lang ang bigat. And I'm going to be away for just four days! Intimidating masyado kung magma-maleta ako, eh sa Bohol lang naman ang punta at hindi sa ibang bansa.
Lagpas alas singko ako nakarating sa Pier uno. Ani ni Lian sa text ay nasa loob sila ng terminal kaya pumasok ako't hinanap sila. Natagpuan ko silang nagsama sama sa parang foodcourt doon. Nakatayo ang mga lalake maliban kay Carlo na nakipagdaldalan kay Kelly.
"May kulang pa?" tanong ko pagkarating sa pwesto nila.
"Apat pa pero nagsabay sila papunta rito. Kakatext lang ni Terrell, nasa SM na daw sila." sagot ni Lian, inikot ikot niya ang kanyang cellphone sa kamay niya.
"Paupuin niyo si Amber, hikain yan."
Pabiro kong sinimangutan si Archer. "Healthy pa rin naman ako."
Umupo ako sa kandungan ni Lian.
"Kahit na. Hoy Carlo, tayo ka nga! Diyan si Amber. Saka ilang oras ba papuntang Bohol at nagdala ka pa ng neck pillow?"
Maarteng tumayo si Carlo na may nakapulupot ngang blue neck pillow sa leeg. "Feel ko lang magkaka-jetlag ako. Hashtag feeling turista."
"Bibisitahin mo lang naman ang mga kamag-anak mo doong tarsier."
"Tell that to yourself Archer. Baka nandoon ang mga long lost relatives mo. Ang kanuno-nunoan mo! Di ba may mga unggoy din doon? magpapakain tayo ng unggoy!"
"Estatwa ko lang ang nandoon. Isa ako sa sumali sa Blood compact."
"O? kaya pala wala ka nang dugo! Namumutla ka na oh!"
Patuloy ang bangayan ng dalawa na sinabayan din ng aming mga kaklase. Nagsimula na silang magtawanan at asaran. Pinagtitinginan na kami ng iba kabilang na ang mga turista dahil kami ang pinakamaingay ngayon sa loob ng terminal.
Mas lalong umingay nang dumating ang apat sa mga hinintay namin na sila pala Terrell. Pabirong nagtilian ang mga lalake pagkakita kay Azriel na simpleng naka faded grey V-neck pullover na nakatupi ang manggas hanggang siko at dark jeans. Ganon lang, pero kita pa rin ang hubog ng katawan nito.
Dumagdag sa kanyang nakakahalinang stilo ang itim niyang leather watch. Nakita ko na siyang nakapambahay but not in his casual attire na siyang porma niya ngayon.
Pansamantalang naputol ang pag-daldal ko kay Lian nang masilayan siya. Kung ang mga boys nga napapatili, paano pa kaya ang mga kasama kong babae?
Tipid na ngiti at iling ang ginawad ni Azriel na nakapamulsa. Ibang knapsack ang gamit niya, di tulad ng palagi niyang dala sa school. Umipon siya sa mga nag-iingay pa ring mga boys habang nagsitayuan na kaming mga babae.
"Kumpleto na tayo! Let's check in!" ani ni Lian. Tinaas niya ang aming mga tickets kalakip ang resibo ng terminal fee.
"Wait, may bibilhin muna ako." nagmadaling naglakad si Kelly papunta sa stall na nagtitinda ng hotdog sandwich.
Sumunod ang iba kasama ako sa pagbili ng snacks at makakain habang nasa biyahe. Bumili ako ng tubig at cookies. Pagkatapos bayaran ay sinilid ko na ang coin purse ko sa bag kasama ang pinamili ko.
"Amber."
Hindi pa ako nakalingon ay kilala ko na ang boses na tumawag sakin. Akala ko'y hallucination lang pero hindi. It's him!
"Rai?" Pagtataka ko. "bakit ka nandito? Saan ang punta mo?"
Casual lang din ang suot niya pero wala siyang dalang bag o bagahe.
"Sumama ako sa pagsundo kay dad galing Leyte. May tinignan kasi siyang lupa doon. Ikaw?" pinasidahan niya ako ng tingin.
Nagsalubong ang kilay niya pagkakitang naka shorts ako. Bumalik ang tingin niya saking pang-itaas na isang chiffon crop top na pinatungan ko ng manipis na cardigan. Ngumuso siya pagbalik ng tingin niya saking mukha.
"Punta kami kina Lian sa Bohol." sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya, Oh how I miss that expression. Eto ang paboritong ekspresyon ko sa kanya, kapag gulat siya. He looks so innocent. "What? Pinayagan ka? sinong kasama mo? are you sure you'll be safe? May dala ka bang inhaler? How 'bout gamot mo sa allergy? Baka may makain ka doong bawal sa'yo."
Napatanga ako sa pagkataranta niya. Nalito ako sa kung ano ang uunahin kong sagutin sa mga tinanong niya.
"She's with me. Iingatan ko siya." puso ko ang natataranta ngayon sa pag-akbay ni Azriel.
Pinakiramdaman ko pa kung nakaakbay nga ba talaga siya. Tinignan ko ang gilid ng aking balikat at nakita ang kanyang kamay at maliit na bahagi ng kanyang leather watch. Nakaakbay nga! My eyes shamelessly widened.
"Ikaw lang?"magkahalong inis at hindi makapaniwalang tanong ni Riley. Oh no. "Kayo lang dalawa?" palipat lipat ang tingin niya saming dalawa.
"Marami kami." si Azriel pa rin ang sumagot.
Tinuro niya ang mga kasama namin na ngayo'y kami nalang pala ang hinihintay. Nandoon na din si Kelly bitbit ang binili niyang hotdog sandwich.
Bumaling doon si Riley. Naningkit ang mga mata niyang sinuri ang mga kaklase ko. Mas naging kamukha niya ang kanyang ama sa ginawa niya. Kinawayan siya nina Lian, Kelly at Noemi na sinuklian naman niya ng tango at ngiti.
Napawi ito pagkabalik niya ng tingin sa'min. Matigas niyang tinitigan si Azriel. Nagtagis ang parehong maiitim nilang mga mata. Wala namang kailangan na i-assume si Riley, pero pakiramdam ko may kailangan akong ipaliwanag sa kanya o i-assure.
"Siguraduhin mong palagi siyang may dalang inhaler, asthmatic siya kaya huwag na huwag mo siyang patatakbuhin. Kung ihahanda mo siya ng pagkain, siguraduhin mong walang halong itlog at crabs dahil sa allergic siya sa mga ito. To make sure, magdala ng Epinephrine just in case of allergic reaction." Pahayag ni Riley na nanatili ang tingin sa katabi ko. Siya rin ang pinapayuhan nito.
Seryosong tumango si Azriel.
Bumuntong hininga si Riley. "And lastly, huwag mo siyang sasaktan. Ni galos o kahit anong klaseng sugat pa iyan."
"Noted." ani ni Azriel.
Sandali pang nanatili ang kanilang titigan bago ako binalingan ni Riley. Lumambot ang kanyang ekspresyon pagkatagpo ng aming mga mata.
"Take care, Amber." Malamyos niyang sabi.
Binuksan ko ang aking bibig upang sana'y magsalita ngunit hangin lang ang lumabas dito. Parang nakalimutan ko nang bumuo ng salita sa kabang tumatakip sa kakayahan kong mag-isip at magsalita. Parehong pinatunganga ako sa pag-akbay sa'kin ni Azriel at sa presensya ni Riley sa harap ko.
Tumango nalang ako bilang paggawad sa kanyang habilin.
"Let's go." dumulas ang kamay ni Azriel galing sa balikat na dumaan sa'king likod, tumawid sa kabila kong braso hanggang sa nahawakan na niya ang aking kamay.
Hindi nakalampas sakin ang pagdaan ng tingin ni Riley sa ginawa niya.
Tinitimbang ko ang aking gagawin. I wanted to pull my hand away from Azriel's grasp. Masakit sa'king makita ang bahid ng sakit sa ekspresyon ni Riley, but at the same time, gusto kong damhin ang pagkakahawak ng kamay ni Azriel.
God. I don't know what to choose! Masama na ba akong tao kung mas pinili kong panatilihin ang paghawak ni Azriel sa kamay ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro