Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY EIGHT

CHAPTER TWENTY EIGHT

"Ganito pala kalayo bahay niyo sa school, Lian? Umuuwi ka ng Bohol araw araw? My heart is crying out for you my friend." maarteng hinawakan ni Archer ang kanyang dibdib.

Kasalukuyan pa rin kaming nagdi dinner. Sa haba ng biyahe namin ay panay ang sandok nila ng kanin at ulam. Ilang beses na ring nagpabalik balik ang katulong nila Lian para dagdagan ang rice sa malaking plato. Mabuti nalang talaga't marami silang hinanda, parang kukulangin pa nga yata sila kung sakaling hindi.

Tahimik na kumakain si Azriel sa'king tabi. Hindi ko pinapahalata na pansin ko ang panay niyang pagsulyap sa plato ko na parang binabantayan ang mga nilalagay kong pagkain. Tatanungin ko na sana siya ngunit nagambala naman sa panibagong malakas na tawa ng tatlong maiingay sa tapat namin.

Pinag uusapan namin ang pagpa-Panglao bukas. Whole day kami doon then next day ay lilibutin namin ang mga spots sa Bohol.

Nalipat ang mga atensyon namin sa likuran sa biglang pag react ni Lian. Isang matangkad na babae ang may dalang umuusok na mangkok at nilapag ito sa nanatiling espasyo sa dining table. Tuluyan ko nang nakalimutan ang pagkain na nasa plato ko pagkakita sa umuusok na sinigang.

"Siya pala ang ate Gwendolyn ko." ani ni Lian. Sabay sabay kami sa pagbati kay ate Gwendolyn.

Nakita ko na siya noon sa family picture na nasa wallet ni Lian pero ngayon ko palang siya nakita sa personal. Hawig sila ng mga mata ni Lian na malalamlam. Magkatulad din ang kanilang kasimplehan.

"Uy Terrell, meet the family member na!" pang aasar namin kasunod ang pagbaha ng mga kantyaw. Nakisabay na rin si ate Gwendolyn at inusisa sina Lian at Terrell.

"Four days kayo rito?" tanong ni ate Gwen. Nakatayo siya sa likod ng inuupuan ni Noemi at may galak kaming pinagmamasdan. Mas palangiti siya kesa kay Lian.

"Opo..."

"Maiiwan daw si Terrell dito ate Gwen at pagsisilbihan ang kapatid niyo. Ipag-iigib siya nito ng tubig sa poso at ipagsisibak ng kahoy." madramang ani ni Archer.

"Papakainin din niya yung baboy sa babuyan na tanging kapitbahay niyo." dagdag ni Kelly.

"Huwag kayong ganyan, friends lang kami." nahihiyang sabi ni Terrell na halos nakayuko na habang sumusubo sa kanyang kutsara. Hindi nawala ang pagpula ng kanyang mukha.

Nalipat ang tingin ko kay Kelly na biglang nalang napa- ubo. "Friends? ilang buwan na tayong classmates friends pa rin kayo?"

"Sagutin mo na Yana, gwapo naman." panunuya ni ate Gwendolyn. Umingay muli kami.

Nahinto sa pag-kain si Lian at tinakpan ang mukha samantalang si Terrell ay ngising umiiling habang nagsasandok ng sabaw ng sinigang.

"Oooh...aprub na kay ate."

"Nakiki ate Gwen ka na sa'kin ha?" pabirong ani ni ate Gwendolyn kay Archer. Nag-peace sign siya sabay ngisi.

Nagpatuloy ang asaran at ingay sa hapag kainan dahil nakisali na rin sa'min ang ate ni Lian na madaling pakisamahan. Hindi ko na nagawa pang ubusin ang nasa plato ko. Nabusog talaga ako't naramadaman ang pagsikip ng aking jean shorts.

Nalaman din naming si ate Gwendolyn daw ang nagluto ng mga handa ngayon sa tulong ng dalawa nilang katulong. Ang iba'y hindi pa natapos sa pagkain dahil mas abala sa daldalan.

Naramdaman ko ang paglapit sa'kin ng mukha ni Azriel. Bahagya akong lumayo upang matignan siya. "Anong totoong pangalan ni Lian?"

Gumaan ang pakiramdam ko sa pagtatanong niya.

"Giuliana." sagot ko.

Tumango siya saka naghuling subo sa kanyang pagkain. Napansin ko kanina na kaunti lang ang kanyang rice at mas marami ang ulam. Is it part of his diet to maintain his lean and toned figure? O mahilig lang talaga siya sa fish? I assume he's not a pork guy. Pero parang mahilig siya sa sweets. Naalala kong marami siyang nakain na tasacakes noong engagement party ni kuya Ansel.

"Isa lang ang inulam mo? Try mo tikman ang sinigang, masarap." tinignan ko ang plato niyang tanging mga buto nalang ng isda ang laman.

Nilapag niya ang baso ng tubig saka sumandal. Tinakpan ng kamao niya ang kanyang bibig sa ginawang mahina na pagdighay. "Really?"

Tumango ako.

Ngumuso siya, parang pinadaan niya ang kanyang dila sa mga ngipin niya. Muli niyang kinuha ang baso ng tubig saka uminom. Bawat pagkilos niya ay may tikas. Parang si Riley lang din.

Napunta ang tingin ko sa kanyang buhok na natural talagang nakatayo. Tumatalbog ang bawat malambot at makinang na hibla nito. Parang yung nakikita ko sa mga shampoo commercial.

"Subuan mo ako." kalmado niyang ani pagkatapos uminom.

Kumunot ang noo ko. "Bakit pa? You have your hands."

Humalukiphip siya't nagkibit balikat . "Out of reach. Hindi ko abot."

Nilingon ko ang pinaglalagyan ng mangkok. Nasa kaliwa ito ni Noemi. Out of reach nga.

Ismid kong binalik ang tingin sa kanya. Nagpigil siyang ngumuso sa pagkagat ng ibabang labi habang ang mga mata niya'y nanunuya. Napawi ang misteryo sa likod ng mga matang iyon at nabahiran ng kislap. Umangat ang kaliwa niyang kilay.

Umirap ako't umismid saka kinuha ang tasa kong paglalagyan ng sabaw. Nilagyan ko rin ng meat para matikman niya saka gulay. Ewan ko kung mahilig siya sa gulay. I think he does. Makinis kasi ang mukha niyang mamula mula ang pisngi kahit hindi naman siya kaputian katulad ko.

"O, higupin mo yung sabaw." nilagay ko ang tasa sa tabi ng kanyang plato.

Bahagya siyang sumimangot. "Subuan mo ako. I want to taste the meat, too."

Sandali ko pa siyang tinitigan bago sinunod ang sinabi niya. Umiiling iling ako sa paglagay ng sabaw sa kutsara at pagsubo sa kanya. Sinunod ko ang pagpakain ng meat at gulay.

Nakatitig siya sa'kin habang ngumunguya na para bang pilit akong hinihila nito upang ipakita sa'kin ang magiging reaksyon niya. Dahan dahan siyang tumango sabay lunok.

"Isa pa." sumenyas siya gamit ang hintuturo habang nakahalukiphip pa rin. Pinanlakihan ko siya ng mata na ikinatawa niya.

"Oy guys, ako nalang ba rito ang walang ka love team? Tignan niyo yung dalawa oh, dumadagdag. Huwag niyo naman akong inggitin.Deym!"

Mabilis akong napaayos ng upo. Sa amin na tuloy ngayon ang atensyon pagkatapos yun sabihin ni Kelly. Pinaglalaruan ko ang hindi ko naubos na pork sa aking tinidor habang pinakikinggan ang kanilang pang aasar. Narinig ko sa gilid ang tikhim ni Noemi na sigurado akong nakangisi.

"Kayo ni AJ? Sayang, type ka pa naman daw ni Kent." nag angat ako ng tingin kay Archer bago bumaling kay Kent na ngayo'y binatukan ang katabi.

Anong type? Ako? Type ni Kent? Di ko alam yun ah? He's been a good classmate to me, though.

"Talaga, Kent?" binalingan ko si Azriel na sobra ang pagtaas ng kaliwang kilay. May halong panunuya ang kanyang ngisi sa katapat niyang si Kent.

Kinabahan ako sa maaari niyang gawin. Every little thing is a possibility so posibleng maghahamon siya ng away.

Hindi makatingin ang namumulang si Kent sa kanya na pinag interesan ang pagdurog sa butil ng kanin. "Crush lang naman. Walang masama sa crush."

Nakayukong sumipol si Brennan.

"Tama. Crush lang. Hanggang doon lang dapat."

"Azriel!" marahas kong bulong. Hindi napawi ang nanunuya niyang ngisi paglingon niya sa'kin.

Iiling iling siyang nagbalik ng tingin sa tensyonadong si Kent. "Peace, bro."

Tipid na ngumiti si Kent at isang beses na tumango. "Kapayapaan, bro."

Rinig na rinig ang bawat pagnguya, paglagok, paglunok at kahit ang mahihinang pagtama ng kutsara sa plato dahil sa pumaibabaw na katahimikan. Ngayon ko lang namalayan na nakabalik na pala si ate Gwendolyn sa kitchen dahil wala na ito sa likod ni Noemi.

Palihim akong nag angat ng tingin at nakitang lahat ng mga mata'y na kay Azriel na parang may hinihintay silang sabihin niya. Nakiisa na rin ako sa paghihintay na iyon.

Wala naman akong ibang magawa at isa pa, hiyang hiya na ako sa mga ginagawa ni Azriel. Hindi ganito ang inasahan ko. Akala ko sa akin lang siya maglalahad ng pagpapahiwatig pero hindi naman niya ako binalaan na publicized pala ang guso niya.

"Hindi naman kami." pahabol ni Azriel. "Hindi pa." rinig kong bulong niya.

Hiniling ko na sana ako lang ang nakarinig nun pero nang umabot sa pandinig ko ang mga impit na tili nina Noemi at Carlo, mahigpit kong inipit ang aking labi. Jusko Azriel!

Unti unti na kaming nababawasan sa hapag kainan. Ang iba'y dumiretso sa sala at pinagpatuloy ang panonood ng palabas sa cable. Ang mga natira sa dining ay ang mga hindi pa natatapos sa kwentuhan. Nagtungo ako sa kitchen upang manghingi ng tubig tapos ay sumunod na rin sa sala.

Ilang minuto rin kaming nanatili bago tinawag ni Lian upang magpunta sa taas. Kinuha namin ang aming mga bag at sabay nagsiakyatan.

"Ang taas ng hagdan! Pwede na tayong mag slide slide."

Bumungad sa dulo ng aming pag-akyat ang mas simpleng sala. May dalawang de-kahoy na upuan at mas maliit na tv kesa sa flatscreen na nasa baba. Konektado ang sala sa balkonahe sa labas na pinaghiwalay lamang ng dalawang sliding doors. Pumalibot ang malawak na paghihiwalay ng tatlong pintuan na paniguradong ay ang mga kwarto.

Dumiretso ang karamihan sa balcony at tinanaw ang paligid. Mas malamig ang hangin dito at mas kita ang dilim sa hindi nasisinagan ng ilaw ng bahay. Parang ang bahay lang nila Lian ang katangi tanging pag-asa sa gitna ng kawalan.

Maingay ang mga hakbang ng ibang kasamahan namin sa likod. Nanaig ang pag-agawan nina Camila at Carlo sa pinili nilang kwarto. Sa huli ay nakuha yun ni Camila dahil pinagtulungan nila ni Aria.

"Saan kayo girls?"

"Bakit? gagapangin mo kami?"

"Ang mga girls ang tinanong ko. Girl ka ba?" maarteng tanong ni Archer.

"Dito kami! Dito tayo!" anyaya ni Camila sa huling kwarto.

Pumasok kami sa kwartong siya mismo ang pumili para sa'min. Isa lang ang kama pero sapat naman upang magkasya kami. Dumungaw kami sa labas ng bintana na sigurado akong kinabukasan, mga puno lang din ang magiging tanawin.

"Kayong anim diyan?"

"Lima lang, sa isang kwarto si Lian kasama ang ate niya."

"Diyan nalang din si Carlo."

"Ang sama mo Bren!"

Nagkagulo na naman ang mga lalake na nasa kabilang kwarto. Pagkatapos ilapag ang bag sa sahig, gumapang ako sa kama at binaon ang mukha sa malambot na unan habang pinagplanuhan nila kung saang space sila matutulog.

"Diyan na si Amber, nakahiga na eh." natatawang ani ni Kelly.

"Sige dyan kayong tatlo, kami ni Aria dito sa baba."

"Malamig diyan. Kunin ko lang yung foam mattress---"

"Mamaya nalang, bababa pa tayo di ba?"

Nakikinig lamang ako sa kanila habang nararamdaman ang sariling unti unting nahuhulog sa pagtulog. Malabo sa aking pandinig ang mga boses nila at iba pang ingay. Masyado akong napagod kaya tinamad akong kumilos. Ni hindi ko nasagot ng maayos si Noemi sa tinanong niya sa'kin tungkol sa pagha-half bath.

Matagal na minuto ang lumipas nang ginising ako ni Kelly. Naniningkit ang mga mata ko sa pagdilat. Nakita kong sila Noemi nalang ang nasa loob at pareho na silang bagong ligo at nakabihis ng pambahay.

"Di ka talaga magfe-freshen up? Wala nang gumagamit ng cr." humiga si Noemi sa aking tabi, katapat ang cellphone sa kanyang mukha.

"Nakaligo na kayo lahat?" inaantok kong tanong saka humikab.

"Kanina pa. Tulog na tulog ka kasi." gumalaw ang kama sa pag upo ni Kelly na may nilalagay na kung anong astringent sa kanyang mukha.

May papalapit na mabigat na hakbang na nanggaling sa hagdan. Ang malakas na tawa ni Archer ang nanaig kasabay ang mga hagikhik nina Brennan at Terrell. Sumunod ang marahan na baritonong boses ni Azriel. Malabo sa'kin ang mga salita nila.

Lumingon kami sa pinto nang may kumatok. Lumutang ang ulo doon ni Archer na nakabihis na ng shirt at jersey shorts.

"Matutulog na kayo? Ang aga pa. Wala pang eleven." tinatapik tapik niya ang mga daliri sa pader.

"Two minutes to eleven palang!" sabat ni Brennan sa di kalayuan.

"Ang ki-kj niyo girls."

"Eto na nga! Bababa na nga kami!" ani ni Kelly na nagmamadaling nilagyan ng face cream ang mukha.

Ilang beses nagtapik si Archer sa pader bago umalis. "Sunod kayo ha?" pahabol niya habang bumababa ng hagdan.

Kahit pagod, inisip ko ang malagkit na pakiramdam galing sa biyahe na nag-udyok sa'king maligo at magsipilyo na rin. Sinimulan na nila ang pagka-karaoke habang ako'y naliligo. Starter ang pangsayaw na kanta ni Rihanna na binirit ng todo ni Carlo kaya napapasayaw na rin ako mag-isa rito sa banyo.

Umakyat ako pabalik sa kwarto pagkatapos. May nadagdag na mga unan at kumot sa kama, siguro dinala ni Lian. Nakalatag na rin sa sahig ang foam mattress na hihigaan nina Camila at Aria. Tinuyo ko ang aking buhok bago bumalik muli sa paghiga.

May malamyos na katok sa pinto. Sa pagkabanayad nito, aakalain mong sa kabilang kwarto nanggagaling ang pagkatok kaya hindi ko pinansin. Diniin ko ang pagkakatakip ng unan sa'king tenga upang takpan ang ingay galing sa baba.

Lumangitngit ang pinto. Doon na ako nagmulat at medyo nainis pa dahil papahimbing na ulit ako sa pagtulog pero naggambala pa. Kasabay ng pagpasok ng bango ng imported na body wash ay ang pagsulpot ni Azriel. May pag-aalinlangan pa sa paraan ng pagtingin niya sa'kin, na parang nahihiya siyang nakita akong naistorbo sa pagtulog.

Pinagmasdan ko ang pag-upo niya sa dulo ng kama. Hinintay ko siyang magsalita. Nawe-weirduhan ko siyang tinignan dahil nakatingin lang siya sa'kin at bahagyang nakanguso wari binabasa niya pa sa mukha ko ang kanyang sasabihin.

"Hindi ka bababa?" aniya sa wakas.

Iniwas ko na ang aking tingin. Namalayan kong nakatunganga na ako sa mukha niya. Hindi ko talaga maiwasang pakatitigan ang mga mata niyang nanghihila ng atensyon. Gustong gusto ko ang kaitiman nito. Limitado man ang kanyang mga ekspresyon, mga mata na niya mismo ang magsasabi sa'yo.

Muli kong hiniga ang aking ulo sa kama. Nahuhulog ang mga mata ko habang nakatitig sa kisame.

"Nasa sala kaming lahat. Ikaw lang ang wala doon." dagdag niya.

Hindi ko na nakuhang sumagot. Nasa bunganga na ako ng kaantukan at malapit nang malamon.

"May ice cream." hinawakan niya ang paa ko na nagpaigtad sa'kin. Hindi dahil sa sinabi niyang ice cream kundi sa kabang gumapang nang maramdaman ang init ng kanyang palad. Ayoko siyang bumitaw.

"Nag-toothbrush na ako." garalgal ang aking boses.

"Mag-toothbrush ka nalang ulit." rinig ko ang pag-ngisi niya.

Ewan ko kung paano ko pa kakayanin sa oras na makita ko na naman ang kanyang mga ngisi at tawa at ang kanyang dimples, kaya tinalikuran ko na siya't pinikit ang aking mga mata.

Alam ko ang pakiramdam na'to, I just don't want to entertain it. Pero di ba ginusto ko naman 'to? He has already warned me that for four days, he's going to do the things he want. Hindi ko hiniling pero ginusto ko, so dapat hindi ako mag iinarte ng ganito. If this would turn out badly, then I have to justifiably face the consequence. Kahit sino pa ang masasaktan. For sure, sarili ko ang sisisihin ko.s

Kiniliti niya ang aking paa. Pumapadyak ako para maiwasan ang mga daliri niya sa pagdapo pero nadakip niya ito't kiniliti ulit. Sinunod niya ang aking baywang kaya napaupo na ako saka hinagisan siya ng unan.

"Oo na bababa na ako!" natatawa kong sabi habang pinipigilan ang mga kamay niyang kikiliti ulit sa'kin. "Magbibihis lang muna ako."

"Bakit pa?" may bakas pa siyang kagagaling lang sa pagtawa. Hinawi niya ang hibla ng buhok kong dumikit sa'king mukha at nilagay ito sa likod ng aking tenga.

"Magsusuot ako ng bra."

Napawi ang ngisi niya. Bumaba ang kanyang tingin hanggang sa aking leeg bago siya lumunok. Namula siya pagtagpo ng tingin namin saka mabilis na inalis ang kamay niya. Inipit ko ang labi ko upang magpigil ng halakhak.

Walang sabi sabi siyang lumayas sa kama at lumabas. Nahabol ng pandinig ko ang kanyang imported na pagmumura bago niya sinara ang pinto. Tahimik akong tumatawa habang dinampot ang bra kong nasa ibabaw lang ng aking bag.

"Bakit mo pa ako hinintay. Hindi ako tatalon sa bintana." bungad ko pagkalabas ng kwarto.

Nakahalukiphip siyang sumasandal sa pader. Ngayon ko lang din namalayan ang pambahay niyang suot na boxers at plain white shirt.

"Hindi nga, pero baka tumalon ka sa balcony."

Nasangga niya ang akma kong pagsapak sana sa kanyang braso. Bumaba na kami ng hagdan. Halata ang nagkakasayahan sa baba dahil nanaig ang kanilang tawanan. May nag-aagawan pa ng pagkain.

Nabaling ang ilang atensyon sa pagdating namin sa sala. Ramdam na ramdam ni Kelly ang kinantang love song. May dalawang galon ng ice cream ngang nakalatag sa mesa at ilan pang mga desserts at samo't saring alcohic drinks.

"O! si AJ lang pala ang makapagpapababa sa'yo." panunudyo ni Terrell.

"Ba't kayo natagalan? Anong ginawa niyo sa taas?" pabirong pang-aakusa ni Kelly na ginamitan pa talaga ng microphone! Kantyaw tuloy ang inabot namin.

Umupo ako sa tabi ni Noemi na nasa mahabang sofa. Seryoso siyang naghahanap ng kanta sa songbook. Inabutan ako n Lian ng tasa na may scoop ng strawberry ice cream ngunit umiling ako at sinabing nag toothbrush na ako.

"Walang kj dito Amber." mas dinikit niya sa'kin ang tasa. Tinanggap ko nalang din at kumain.

Na-curious ako na bigla nalang tinawanan ni Brennan si Kelly pagkatapos nitong kumanta. Nahagip ko naman kung paano kinuha ni Archer ang microphone at binigay ito kay Azriel. Gulat ang rumehistro sa mukha niya kasunod ang marahas na pag-iling.

"AJ, huwag maging kj!" kantyaw ni Archer na sinabayan na rin ng mga lalake.

Tinulak na siya nina Terrell at Brennan at pinilit ng mga itong kunin ang microphone.

Nakaawang ang bibig niya nang lumingon siya sa'kin. Tinikom niya ito kalaunan saka ngumisi. Nagtatanong ang aking mukha sa kung ano ang ibig niyang pinagpakahulugan. Bago pa ako makapagtanong ng 'bakit' ay tumayo na siya sabay kuha ng mic. Lumakas ang hiyaw nila.

Lumapit siya kay Noemi upang kunin ang songbook. Nakangusong binuklat niya ang songbook sabay tingin sa'kin. Pabiro ko siyang sinimangutan nang bigla nalang siyang ngumiti.

Nilapag ko ang tasa pagkaubos ko ng ice cream. Nahagip ko ang bote ng wine katabi lang ng Smirnoff at dahil sa uhaw, ito na ang ginawa kong inumin. Sinalin ko ito sa wineglass na nakahanda rin sa mesa.

Tumugtog ang introduction ng sobrang alam ko na kanta. Oo. Alam na alam ko! Tumindi ang kantyaw na sinapit ko o namin, nadagdagan pa ng hiyawan at pagtili nina Carlo, Kelly at Lian. Tumayo naman sila Aria at Camila upang sabayan ng sayaw ang reggae na kanta. Panay ang yugyog sa'kin ni Noemi. Wala namang kapitbahay sina Lian kaya malaya silang nakakapag-ingay.

"Parang alam ko na kung para kanino iyan. Nafe-feel niyo ba guys?" pang-asar na ani ni Carlo.

"Title palang eh."

Brainstorm,take me away from the norm
I got to tell you something
this phenomenon
I had to put it in a song
and it goes like

Whoa, amber is the color of your energy
whoa, shades of gold displayed naturally
you ought to know what brings me here
you glide through my head blind to fear
and I know why
whoa, amber is the color of your energy
whoa, shades of gold displayed naturally

What? He can sing. He can really sing! Kahit walang vibrato ang boses niya, buo naman ito at malamig. Yung tipong gusto mong humablot ng jacket sa lamig. Ewan ko kung paano nangyari ang pinaghalong lamig at init na nararamdamn ko.

Nanindig ang balahibo ko lalo na't hindi niya inaalis ang tingin sa'kin habang nakatayo siyang kumakanta. Bahaya siyang nag-sway, marahil nadadala sa beat. Nakaawang lang ako habang nagkatitigan kami.

So ito ang binalak niya? Damn it Azriel! Hindi ako palamura pero napapamura ako sa'yo!

"Wait, kayo na ba? Kailan pa?"

"Trending na'to. Azriel is undeniably smitten!"

Sa tindi ng kaba ko'y parang sinusuntok ako sa dibdib sa weirdong paraan. Kasi di ba ang suntok masakit? Pero ang suntok na nararamdam ko ngayo'y maganda sa pakiramdam. Parang pinapaalala ako nitong buhay ako, at ayaw ko munang matapos ang apat na araw, na sana bukas ay ngayon ulit. Paulit-ulit. Kahit imposible. At pinapaalahanan ako nitong may bukas pa kung saan madadagdagan ang mga ganitong pangyayari, itong ginagawa niya sa'kin.

Naging ibang tao ako. Parang naglaho ang dating ako. It's crazy!

Ewan ko kung may mga taong katulad ko na nagugustuhan ang hindi maintindihan na pakiramdam. Because weird as it is, I like the way it feels. It may frustrate the others, but it somehow spawned an opposite effect on me.

Whoa, amber is the color of your energy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro