Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY

CHAPTER TWENTY

Kakauwi lang namin galing sa memorial park kung saan ginanap ang libing ni ate Mauryn. Everyone was silent. Walang nagsasalita, tanging ingay ng mga galaw namin ang namamayagpag. We mourned for kuya's devastated state too.

Hanggang ngayon ay hindi namin siya makausap ng maayos. Mga non-verbal cues lang ang tinutugon niya at minsan wala siyang reaksyon. My parents were sort of seeking a therapist for him for he might have a mild depression. Ngayon ay dumiretso siya sa kanyang  kwarto at nagkulong.

I think I have to agree with my parents.

Somehow I felt like we lost him. We mourned for his loss and at the same time for our loss. Pinagpalagay ko nalang na nagbabakasyon si kuya sa isang miserableng lugar. I just hope he finds his way back to us sooner or later. O kahit ibang tao na makakapagpabalik sa dating sigla niya. Sana hindi malayong mangyari yun. But it's understandable that it would take a long shot for him to heal from the accidental wounds.

I also mourned for another reason. Pero hindi kasingtindi ng nararamdaman ni kuya. It's just that I was saddened by the fact na parang namatay ang pagkakaibigan namin ni Azriel just because I was still attached to Riley. We have just started getting into the deep friendship and suddenly it just withered.

Kakabati pa nga lang namin. It's nobody's fault but I feel like there is someone to blame. Kasi hindi matatapos ang isang bagay nang walang salarin. There's always the one who initiates the ending. Maybe he's blaming himself same as how I feel like blaming myself too.

But then maybe hindi pa tapos ang lahat. Kaya nga kailangan naming mag-usap pero ayaw niya naman. He's been the one giving me a wide berth. Sinubukan ko siyang i-text let alone called him. But he's being my first impression of Azriel James.

Lunes ng hapon pagkatapos ng duty sa ospital ay nagtungo ako sa university upang hanapin si Sir Alivio. Hindi ko pa kasi napapirmahan sa kanya ang kaso ko noon sa operating room dahil inuna namin ang pagpapapirma sa nurses.

Saktong malapit na ako sa faculty room nang mamataan ko si Azriel na kakahakbang sa huling baitang ng hagdan. Seryoso at nagsusuplado na naman ang mukha niya.

Minsan naisip ko kung sinisisi niya ba ang kanyang itsura dahil palagi siyang nakakakuha ng atensyon sa simpleng paglalakad lang. Kasi sa tingin ko sinasadya niyang magsungit sa iba para ma-turn off sila sa kanya at para lubayan na siya.

But it's the other way around. Mas nahumaling pa sila sa kanya because that's where Azriel looks best. Ganon naman talaga, nagugustuhan natin ang mga taong hindi tayo gusto. Swerte swerte lang kung gusto ka rin ng taong kinahuhumalingan mo.

Huminto ako sa tapat ng faculty room upang hintayin siya. Bahala na kung ako ang mukhang naghahabol pero gusto ko lang namang magkaayos kami. Masaklap gumising sa umaga na may taong hindi ka kinakausap sa ilang mga kadahilanan.

Kesa naman wala akong gawin upang magkaayos kami, kakalimutan ko na ang kahihiyan ko. It pains me to have a relationship ending. But it also pains me to be avoided by a friend.

Nakita niya ako dahilan upang mapahinto siya, but not before he reached near the door. Nag-iwas siya ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na niya ako tinapunan ulit ng tingin.

Tumabi ako sa pag-abot ni Azriel sa door knob. Una siyang pumasok. He didn't even talk to me! Kahit maikling 'excuse me' lang ay wala siyang sinabi! I must have hurt him so bad. Maybe seeing me is a torture to him. Lilipat na ba ako ng school para hindi na niya ako makita araw-araw?

Bigo akong bumuntong hininga bago pumasok sa faculty room. Sinundan ko ang tinahak niyang daan patungo sa table ni Sir Alivio na nakaharap sa kanyang laptop. Ganon din ang ginagawa ng ibang clinical instructors habang ang iba nama'y naghahanda na sa pag-uwi.

Tahimik akong tumabi kay Azriel na nakalatag na ang papipirmahan niyang mga case forms. Kinuha ko sa divider folder ang mga forms ko saka nilagay na rin sa table.

Sinulyapan ko si Azriel habang sinusuri ni Sir ang form niya. Seryoso siyang nakatitig sa ginagawa ni Sir, na para bang hinihipnotismo niya itong pirmahan agad ang kanyang forms upang makaalis na siya at malayo sa presensya ko. Lumamukot ang puso ko sa naisip na posibilidad, na atat siyang iwasan ako.

Mas bumigat ang aking loob nang matapos si Sir sa kanya kaya pwede na siyang makaalis. Kung pwede lang sabihan si Sir na madaliin ang pagpirma upang mahabol ko si Azriel. Bawat segundo ay mas tumitindi ang pagkataranta ko na pati pantog ko ay hindi nagpahuli. Naiihi ako sa kaba!

Minadali ko ang pagsilid ng mga papel sa divider folder pagkatapos pumirma ni Sir Alivio. I made a beeline for the door, hindi ko nga naisara ng maayos ang pinto ng faculty pagkalabas ko. Una kong tinignan ang hagdan at doon nakita ko si Azriel na nagmamadaling bumababa.

Sinikap kong maabutan siya at nang mangyari yun, hindi ko na pinag-isipan ng mabuti ang ginawa ko't hinila ko siya pabalik ng fifth floor. Mahigpit kong hinawakan ang pirmi niyang braso.

Since maraming estudyante sa palapag ay umakyat ako habang hila hila siya. Wala siyang angal at basta nalang nagpatianod. Bahagya itong ikinagaan ng aking loob. Siguro ayaw niya lang gumawa ng gulo dahil sabi ko nga, ayaw niyang makaagaw ng atensyon.

Nahila ko siya papasok sa bakanteng room sa eight floor. Naghalo na ang dahilan ng paghingal ko nang pinaharap ko siya sa'kin. Sa pagod at frustration. Tumitingin siya sa ibang direksyon maliban sakin. Why can't he look at me? Sobra ba talaga ang nagawa ko sa damdamin niya? I feel like hurting myself for hurting another person, for upsetting him!

Tikom na tikom ang kanyang bibig at madilim ang kanyang mga mata. Wala talaga siyang balak gawaran ako ng panandaliang sulyap.

"Ganito nalang ba? Am I being a stranger to you all over again? Akala ko ba gusto mo ako? But you're acting the other way around." desperada ang aking tono.

Hindi ko siya nilubayan ng tingin hanggang sa pinagtagpo niya ang aming mga mata. Malamig ang tingin niya. It's as cold as his enigmatic obsidian pools.

"You're still into him. So if I can't be with you, might as well forget about what I said that night." sumasalamin sa kalamigan ng kanyang mukha ang kanyang boses.

"Pero pwede naman tayo maging magkaibigan di ba? pwede namang walang magbago. You tutor me, sumasama kayo samin kapag lunchbreak...we can still do that." pangungumbinse ko.

Binibigyan ako ng pag-asa ng mga sinasabi ko. Sana maisip niya na pwede pa rin, that I didn't totally reject him. I will accept him as my friend. Pinapangako kong hindi kami magiging awkward sa isa't isa. I'll make him feel comfortable.

Ngunit bumagsak ang pag-asang yun sa pananatili ng kanyang ekspresyon. Tinitigan niya ako ng maigi na para bang may pinulupot siyang mahigpit na kadena na nag-uugnay sa mga tingin namin saka tinapon ang susi sa isang tagong lugar. Hinuhukay ang kaluluwa ko ng pagtitig niya.

"Sorry. I don't accept friendship, Amber. I want more than that from you. I want more than that for us." mariin niyang sabi. Nagtiim ang kanyang panga na mas nakakagpagdiin pa ng epekto ng kanyang sinabi sakin.

Kung ganon, it's either get the whole of me or walk away with nothing.

Naghahanap pa ako ng karagdagang paliwanag sa mga mata niya. Ngunit malamig na tingin lamang ang sinukli nito. Hindi ko alam ang isasagot ko. He's not asking but I know he needs an answer. I need an answer myself.

Nagsalubong ang makapal niyang kilay at may pagdududa akong tinignan. Isang beses siyang humakbang palapit sakin. "It's too much to ask, right? And I won't accept half of what I ask for."

Nanatili akong walang imik. Hindi ko masabi ang nilalaman ng utak ko. It's not too much to ask for Azriel, ayaw ko lang talagang gawin dahil may gusto akong panghawakan na pangako. It's hard to choose but I have to make a choice.

Pinatagal niya pa ang pagtitig bago niya ako nilagpasan at lumabas na siya ng classroom.

Nasasaktan ako sa sarili kong gawain dahil hindi ko masuklian kung ano mang hinihiling niya. He's got trust issues, he has entrusted his feelings to me pero ano ang ginawa ko? I failed him. I hurt him.

Kahit walang kasalanan ang taong gusto mo na ayaw sayo , pakiramdam mo ay siya dapat ang pagbintangan kung bakit ka nasasaktan. I mean who can blame our uncontrollable feelings? He or she effortlessly hurt you and that's what I was doing to him.

At hindi ko sasabihing hindi ko sinasadya dahil sinadya kong hindi suklian kung ano mang pagkagusto niya. He's got deep feelings for me, I have a shallow one for him and I mean to keep it that way. Hindi nagtama ang mga linya naming dalawa.

Nanikip ang dibdib  ko sa pinag-iisip dahilan kung bakit ako napaupo sa pinakamalapit na silya. Kaagad kong hinalughog ang aking inhaler na sa kabutihang palad ay hindi ko iniwan sa locker.

Maagap akong huminga mula rito, dinaramdam ang pagpupuno ng hangin sa'king baga ngunit saglit lamang iyon. Taka kong tinignan ang inhaler at inalog ito. Mukhang wala nang laman. Lalo akong nabahala.

"Amber?"

Lumingon ako sa labas at nakita ang nagtatakang si Lavinia. Lumipat ang tingin niya sa ubos kong inhaler. Binalik niya ang tingin sakin na humihingal. Nagmadali niya akong nilapitan.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka nandito?" pagtataka niya.

Hindi ako makasagot. Halos nauubusan na ako ng hangin. I need a damn air to breath! Sinubukan kong magsalita pero nabubulunan ako sa pag subok. Kinakapa ko ang braso ni Lavinia. 

"Oh my God! You need a refill!" taranta niyang sabi saka dinukot ang kanyang phone. Mabilis ang pagtipa niya. Nagsimula siyang nagpalakad lakad habang nakapameywang. Dinikit niya ang phone sa kanyang tenga.

"Hello Shannen! Nasa baba ka pa?" tanong niya sa kausap. May pag-aalala niya akong nilingon. "Di ba may rescue inhaler kang hindi ginagamit? Dala mo ba? Emergency lang please!" kabado siya at natataranta. Mabilis rin ang kanyang pagsasalita "Sige bilisan mo."

Nilapitan niya ulit ako pagkatapos ng tawag.  Namamanhid na ang mga braso't tuhod ko. Pakiramdam ko nawawalan na rin ako ng dugo. Kinakapa ko ang aking dibdib kahit hindi naman ito nakakatulong upang bigyan ako ng sapat na hangin.

"Ano ba kasi ang  ginawa mo? tumakbo ka na naman sa hagdan? May elevator naman Amber." nag-aalala niyang sermon habang hinahagod ang aking likod.

Bumitaw siya't may kinukuha sa bag. Naglabas siya ng paperbag na may tatak ng isang fastfood chain. Nilabas niya ang burger at walang lamang lalagyan ng fries. Inayos niya ang paperbag bago tinapat sa'king bibig.

Pikit mata akong huminga. Nahihilo ako at nanlalabo na rin ang aking paningin. Nanatili akong humihinga sa paperbag hanggang sa dumating ang kaibigan ni Lavinia.

"Late ka ng isang minuto. Ubos na ang hangin ng pinsan ko." pagtataray ni Lav.  Naririnig ko ang pagbubukas ng zipper ng bag. Dumilat ako.

"Grabe ka naman." ani ng babaeng may maikling buhok, mas maikli sa buhok ko at balingkinitan rin katulad ni Lavinia. Nagmadali nilang pinagamt sakin ang bagong inhaler. Katulad ito ng stilo sakin ngunit iba ang kulay.

"Huwag mong sabihin kina mama please." pakiusap ko sa pinsan sa gitna ng mga paghinga.

Mas mag-aalala lang sila. They have had enough this week because of ate Mauryn's passing.

Tumango si Lavinia. Tipid akong ningitian ng babeng nagngangalang Shannen. Ilang minuto ang lupias pagkatapos kong kumalma, pinagpahinga muna ako bago kami umuwi.

Nakaabsent ako kinabukasan sa duty. Inatake na naman kasi ako kaninang umaga kaya nalaman tuloy nina mama ang nangyari kahapon dahil di napigilan ni Lavinia ang magsumbong at pati na rin sa interrogation ng family doctor namin.

Nakahiga lang ako sa kama. Pagod at nanghihina. Tinext ni Lavinia ang tatlo kong kaibigan sa pagkakaabsent ko. Ngayon ang ikinabahala ko ay ang pagkakaroon ng duty extension dahil sa pag-absent.

Pumasok si mama sa kwarto saka humiga sa gilid ng kama. May pag-aalala niyang hinahaplos ang buhok ko. Sa kanya ko nga namana ang soft features ng aking mukha maliban sa mga mata na kay papa ko nakuha.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Natatandaan mo ang sabi ng doktor kanina? dumagdag sa attack ang stress mo. Mag shift ka nalang kaya, nak?" malamyos niyang suhestiyon.

Pagod akong dumaing. "Ma, magfo-fourth year na ako. Ngayon pa ako magshi-shift?"

"But nursing has been stressful for you." giit niya.

"Lahat naman ng course nakaka-stress. So technically, aatakihin pa rin ako kahit anong course ang kukunin ko." pangangatwiran ko.

Tatapusin ko kung ano ang aking sinimulan. Nandito na eh. Pinili ko ito. Malapit na ako sa panghuling taon then gagraduate na ako next year. Wala rin akong ibang maisip na kukuning course.

May pag-unawang bumuntong hininga si mama. Magaan niyang tinapik ang aking braso. "Okay then. Just rest. I'll talk to the school admin na hindi ka bibigyan ng three days extension. I think one day is enough dahil emergency naman ang reason mo."

Tumango ako saka pumikit. Isang beses pa akong tinapik ni mama bago siya tumayo pero bago pa siya makapagtungo sa pinto ay dumilat ako nang may maalala.

"Si kuya nga pala Ma kamusta?" tanong ko.

"He's thinking of going to Manila. Mas mabuti na rin na abalahin niya ang sarili sa pag-handle ng bar with his friends."

"So no need for him to go into therapy or debriefing?" usisa ko.

Umiling siya. "Your kuya's fine I guess. Nag-aadjust lang siya sa pagkawala ni Mauryn."

Muli akong tumango. Pinagmasdan ko ang paglabas niya sa kwarto at ang mahina niyang pagsara ng pinto. Nagpalit ako ng posisyon at tumihaya.

Inisip ko ang extension duty. Sana talaga valid para sa kanila ang reason ko. Tinignan ko ang pink na wallclock sa ibabaw ng dresser. Hindi rin ako pwedeng pumasok ng half-day lang dahil good as absent na ako; Late ako ng apat na oras.

Kinakapa ko ang nagri-ring kong cellphone na nahihigaan ko lang.

"Hello?" sagot ko na hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Inaasahan kong isa sa kanila ni Lian.

Pero walang sumasagot kaya sinulyapan ko ang pangalan sa phone ngunit numero lang ang naka-register.

"Hello sino to?" tumikhim ako dahil sa lasing at nahihilo kong boses.

Tinignan ko ulit ang cellphone upang alamin kung nag-end call ang caller. Baka na wrong number, ngunit on-going pa rin ang tawag.

"Hello."  hindi na  patanong. Wala paring boses sa kabilang linya kundi malalim na paghinga lamang.

Kumunot ang noo ko sa naisip na taong maaaring nasa kabilang linya. Pero bakit iba ang number? Kaninong cellphone ang gamit niya?

"Hello Azriel?" ani ko. Sumikip ang dibdib ko sa kaba.

Buntong hininga muli ang isinagot niya bago pinutol ang tawag. Siya nga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro