Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWELVE

CHAPTER TWELVE
______________________________________
Nauna akong umuwi pagkatapos ng half-day class namin. Gagala pa raw silang apat at si Azriel naman daw ay magji-gym. Nung sinabi niya yun, pinasidahan ko siya ng tingin. Otomatiko akong napa-imagine sa hubog ng kanyang katawan sa likod ng kanyang uniform. Kaagad kong pinilig ang aking ulo at tinulak paalis ang nasa aking utak.

Naghihintay na ang puting Ford sa harap ng university. Didiretso kami sa Shang-ri la kung saan gaganapin ang engagement party. Nauna na sila kuya at ate Mauryn doon kaninang umaga upang tignan na rin ang pagkakaayos ng venue.

Nakatulog ako sa biyahe patungong Mactan. Ginising ako ni mama nang magbabaan na sa kotse. Umupo ako sa isang bakanteng sofa sa entrance lounge habang nakikipag usap si mama at dad sa receptionist. Inofferan ako ng isang babaeng employee ng mango juice bilang isa sa welcome privileges nila haag naghihintay.

Nahinto ako sa pagbabasa sa'king cellphone sa naramdamang pagwisik ng tubig sa'king gawi. Naglalaro ang magkamukhang bata na galing pa yata sa pagligo dahil pareho silang basa at naka swimming attires pa. Sinita sila ng kanilang ina.

"Sorry." ani ng batang babae sa pamilyar na accent. Naalala ko si Azriel sa paraan ng kanyang pagsasalita.

"It's okay." sabi ko. Gusto kong kurutin ang namumula niyang pisngi. Nahihiya siyang nagtago sa likod ng kamukha niyang lalake na nakasuot ng swimming trunks na goggles sa kanyang ulo.

Tumayo na ako pagkatawag sa'kin ni mama. Pinunasan ko ang nabasa kong binti sa paglalaro ng mga bata kanina. Nakatingin ako sa mga displays sa paligid habang nakasunod kina mama at dad. Pumasok kami sa elevator. Pinindot ni dad ang third floor button.

"Ano po ang isusuot ko ma? Hindi ako nakapaghanda kagabi." sabi ko habang tinignan ang sarili sa salamin na pader ng elevator. Sinusuklay ko ang aking sideswept bangs.

"Si tita Sherry mo ang pumili ng susuotin. You know how she loves to dress doll you and Lavinia."

"Si Lav hindi po hahabol? Ang alam ko six ang dismissal nila ngayon."

"Hindi kayo nagkita sa school?" tanong ni mama.

"Hindi po."

"Your friends are coming Amber?" si papa ang nagtanong. Sa kanya ko nakuha ang bahagyang pagkasingkit ng aking mga mata pati na rin ang kanyang kutis. Mama's slight morena skin ay pinamana niya kay kuya.

"Yes dad. Si Halmeoni po? Hindi po siya pupunta?"

Umalis siya sa pagkakasandal sa pader nang magbukas ang elevator. Magkahanay kaming naglakad. May tatak na Ocean Wing ang pader na bahagi ng hallway na pinasukan namin. "Sa kasal na ng kuya mo sila pupunta together with some of your cousins in Korea. Hopefully in winter para hindi sila magdusa sa lamig doon. Wala pa kasing exact date ang kasal."

"I thought two months from now?" pagtataka ko. Kay mama ko lang din ito nalaman. Hindi na kasi kami nakapag usap ni kuya sinmula nung sinundo niya ako sa school. He has been busy with the engagement party preparations.

"There are some changes. But they're making sure that the wedding will take place this year."

Lumikha ng pag-click ang pinto ng room 3006 pagka-swipe ni mama sa card. Hindi pa kami nakapasok ay rinig na namin galing sa labas ang mga boses nina kuya Trent at Kilmer pati na ang programa sa tv. Mas umingay sila nang makita ako.

"Annyeong hasseo!" pang-asar sa'kin ni kuya Trent. Sinamahan ko sila sa sofa. Tinaas ng magkapatid ang kanilang mga kamay upang makipag-highfive na hindi ko naman tinanggihan.

"Hahabol si Lavinia?" tanong ko sa kanila. Umusog si Kilmer palapit kay kuya Trent upang ako'y makaupo.

"Oo daw. Ewan ko dun, sinigawan na naman ako sa phone." nakangusong sagot ni Kilmer sabay gulo sa kanyang maitim sa buhok. Magkahawig sila ng mata ni Lav.

Tinawanan namin siya ni kuya Trent. Bully si Lavinia sa nakakabata niyang kapatid. Si kuya Trent ay hindi tinatablan ng pang-aaway sa kanya ni Lav.

"You're such a pussy Kil. Lumaban ka kasi. Stop being a girl." natatawang pagpayo sa kanya ni kuya Trent.

"I was not being a girl! I just respect girls. Of course ate ko siya." ani ni Kilmer na nakatutok sa panonood ng music video sa tv.

Nagtaas ng kilay si Trent. "So magpapaapi ka?"

"Hindi. I was just doing the right thing." walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"Ahww..." I cooed sabay yakap sa kanyang braso. Pa-cute siyang ngumisi at sinandal ang ulo sa'king ulo. Ginulo ni Trent ang buhok ng kapatid.

"Aray kuya!"

"Ahww..." panggagaya ni Trent na yumakap din sa braso ni Kilmer. Pinatong niya ang isa niyang binti sa kandungan ni Kilmer na humalakhak dahil sa kiliti.

Naghagikhikan kami at naabutan kami ng ganoon ni tita Sherry. Nilabas niya ang kanyang iphone upang kuhanan kami ng picture.

Tinawag ni tita ang iba naming mga pinsan na nasa kabilang room. Nagsiksikan kami sa sofa at ang iba'y nasa carpet na pumwesto. Pagkatapos ng tatlong shots ay lumabas kami sa balcony kung saan kitang kita ang dagat at ibang parte ng resort. Nagpakuha din kami doon ng picture.

"Mamaya naman ang iba. Wala si Lav at kuya Ansel niyo." ani ni tita Sherry na hindi man lang nilipasan ng ganda at magandang pigura.

Lavinia inherited her pulchritude from Tita Sherry na mapahanggang ngayo'y isang modelo pa rin. Although hindi na katulad noong kapanahunan niya bilang ramp model. Paminsan minsan ay kinukuha siya sa mga magazine photoshoots.

Nagsibalikan na ang iba sa kanilang mga rooms. Karamihan sa iba naming mga pinsan ay mas bata sa amin. Kami lang apat nina Lav, Trent at Kilmer ang nagkakasundo dahil magkakalapit ang aming mga edad. Pinakamatanda si kuya Ansel.

Nagpahatid si dad ng pagkain dahil hindi pa ako nakapag-lunch. Sinabayan ako nina Trent at Kilmer. Sila ang nakaubos ng dessert. Isang subo lang ang nakain ko.

Naghahanda na kami bandang kinalaliman ng hapon. Tinext ko sila Lian na malapit nana magstart ang party. Wala pang nagrereply sa kanila miski si Azriel. Hinintay ko muna si tita Sherry na nasa balcony at may kausap sa cellphone, marahil si tito Fabian.

Frustrated na nakaharap si Kilmer sa salamin na nahihirapang tupiin ang kanyang sleeves. Di nagtagal nagpatulong na siya sa'kin. Si Trent ay tamad na nakatutok sa tv na may palabas na nagsasabugang mga kotse.

"Kuya, papagilatan ka ni mommy di ka pa nagbibihis!" sermon sa kanya ni Kilmer na bumalik sa pananalamin. Sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kamay.

Tumayo si Trent at nag-inat bago naglakad sa kwarto. Sakto naman ang pagpasok ni tita Sherry galing sa balcony.

"Tita, ano po isusuot ko?" lumundag ako pagkaupo sa malambot na kama.

Lumapit siya kay Trent na nilahad sa kanya ang kanyang dress shirt. "Hindi ba naibigay ng mama mo?" umiling ako. " Haay...ito talagang si Arianne."

Pumasok siya sa walk-in closet. Pagkalabas niya'y may hawak na siyang high low champagne cocktail dress na heart-shaped ang collar. Excited ko itong kinuha."Thanks tita."

"Saan ba ang mama mo?" tanong niya.

"Bumaba sila ni papa, kausap ang parents ni ate Mauryn."

Pumasok ako sa walk-in closet at nagbihis. Ewan ko kung paano nalaman ni tita Sherry ang size ko. Kasyang kasya sa'kin ang dress. Maikli siya sa harap at abot sa sahig ang dulo ng dress sa likuran. Mabuti nalang ay ang nude pumps ang dinala ko dahil bumagay ito sa kulay ng aking kasuotan.

"Sabi ko na nga ba't babagay ya sa'yo."  palakpak ni tita Sherry pagkalabas ko. Marahan niya akong hinila at pinaupo sa kama. "C'mon dear."

Kinuha niya ang kulay pink na make up box sa isang mesa na may salamin saka ako binalikan.

"Light lang po tita. Ayoko ko po ng heavy make up." sabi ko.

"Sure sure. Arianne said na ako na daw ang bahala sayo since mas may alam ako sa ganito. And also to---hey Trent! itext mo si Lavinia sabihin mo malapit nang magsimula ang party!"

"Si Kilmer nalang po. Mas magkasundo sila." ani ni Trent na nasa sala, sinundan niya ito ng tawa.

"Kilmer, text your ate."

Pumalatak si Kilmer at nagkamot ng kilay. Kanina pa siya nagpaikot ikot sa buong kwarto na parang may hinahanap. "Sisigawan lang ulit ako nun, ma. Si kuya nalang."

"Ikaw na nga lang Amber." kaswal na sabi ni tita. Nilahad niya sa'kin ang kanyang phone. Tinext ko si Lav habang nilalagyan na ako ng bb cream.

"Much better." sabi ni Kilmer. Pagod siyang umupo sa kama, bumubulong bulong habang inis na kinakamot ang kanyang tenga.

"What is it?" tanong ni tita.

"Yung perfume ko." bigo niyang sabi.

"Ask your brother."

"Hindi niya raw alam."

"Baka naiwan mo sa bahay."

Tumayo si Kilmer at pumalatak, naglakad pabalik sa sala. Hindi ko makuha ang pinaguusapan nila ng kapatid pero rinig ko ang mga boses nila mula sa kwarto.

Sinabayan ni tita Sherry ang bagong kantang pinatugtog sa baba.Bagets na bagets pa talaga ang feeling niya. Nilalagyan na niya ako ng lipstick. Siya na rin ang nag-ayos ng aking buhok.

"Magsa-start na yata." sabi ko.

"Hindi pa. Ibang event ang nasa baba. Sa Ballroom four ang venue ng party." Paglinaw ni tita Sherry. Nilalagyan na niya ako ng lipstick.

Nagsibabaan na kami pagkatapos mag-ayos. Pagkapasok namin sa Ballroom four, unang mapapansin ang eleganteng pagkakaayos ng buong hall mula sa makintab at brown na sahig hanggang sa naglalakihang mga chandeliers. Gosh kuya! how much more kung kasal mo na?

Marami nang mga bisita at karamihan nga'y mga kasosyo nina papa. Nandito na rin halos lahat ng mga kamag-anakan. Nasa iisang table ang mga magulang ko at ang parents ni ate Mauryn. Sumenyas ako kay papa na siyang unang nakapansin sa aming pagdating na sa table nina tita Sherry ako makikisalo. Tumango siya at nag-thumbs up.

"Nasan si papa, ma?" tanong ni Kilmer.

"Isasabay niya si Lav papunta rito."

Tinignan ko ang aking phone at nakita ang reply ng mga tinext ko. Maliban kay Terrell na wala akong number.

Kelly:
Nagbibihis na.

Noemi:
Nasa dorm pa kami ni Kelly.

Lian:
Nag-aayos na. Sabay kaming lima jan with Terrell's car.

Azriel:
What to wear?

Si Azriel ang una kong nireplayan, baka kasi mainis kapag matagal akong makareply. Bago palang ang message niya. Sunod akong nagtipa ng message sa tatlo na puro 'okay' lang ang laman.

Me:
Formal or semi-formal.

Mabilis siyang nagreply.

Azriel:
OK

Binalik ko na ang phone saking clutch purse na kasing kulay ng aking dress. May sinasabi ang emcee, somewhat pagwe-welcome sa mga bisita ngayong gabi. Inuna muna ang dinner bago iintroduce sina kuya. Pinunatahan ko sila sa likod ng makeshift stage.

Kuya looks incredibly handsome and dashing kahit simple lamang ang pananamit niya. He's in his black buttonless suit na pinaloooban ng white button down polo. He's so blooming and so as ate Mauryn na gandang ganda sa kanyang white one shoulder fitted dress. Her hair is in semi waves at nakalagay sa isang balikat na may strap ng damit.

"Hey sis!" bati sa'kin ni kuya.  Niyakap ko silang pareho ni ate Mauryn.

"Congrats in advance. Wala sina kuya Euan at kuya Gunner?"

"They're here actually." sumilip siya sa labas. "Ayun! Nasa pinakalikod  kasama ng classmates namin noong college."

Naningkit ang mga mata ko sa paghahanap. Malapit lang ang table nila sa speaker sa likod. Binati ko sila ulit bago ako lumisan sa backstage. Pupuntahan ko na sana sila ngunit tinawag ako ni mama. Kausap nila ni dad ang papa ni Riley. Tinamaan ako ng kaba.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila. Is Riley here? Bakit ko nakalimutang nasa iisang mundo lang sila ng business?

Luminga ako sa paligid upang maghanap ng senyales niya. I couldn't smell a scent of him so probably wala siya rito.

"Glad you made it Mr. Montero. Kayo lang ba ng asawa mo? Where's your son, Riley? I'm sure hinahanap siya ni Amber." inakbayan ako ni papa. Wala akong tinitignan sa kanila.

"You're daughter hasn't told you yet?" natunugan ko ang pagtataka doon ni Mr. Montero.

"About what?" ramdam ko ang mga mata nilang inaapoy ako ng tingin.

Mahinang tumawa ang dad ni Riley. "You know I won't allow mediocre dreams for my only son. At naisip kong magiging sagabal ang pakikipagrelasyon sa pag-aaral niya. I want him to be the best."

Ang katahimikan nila ang pinakikinggan ko kesa sa mga pag-uusap ng mga bisita. Napakagat ako sa'king labi. Pinaglalaruan ko ang diamond saking clutch dahil sa tensyon. I expected at the same time did not expect that they would be here. At sa ganitong paraan pa malalaman nila mama ang paghihiwalay namin ni Riley. They like him eminently for me.

"You mean..." gulat na lumingon si mama sa'kin. Hindi ko pinatagal ang pagtagpo ng aming mga mata't yumuko ulit ako.

"I'm sorry dear. I may like you for Riley, but now is not the right time. I hope you understand." mahinahong sabi ni Mr. Montero.

Tumango ako. "Yes sir."

Kinabig ako ni dad, parang inaalo ako dahil sa nalaman. Or maybe nagpapaumanhin dahil wala sa kanilang kaalaman ang paghihiwalay namin pero inimbita nila ang kanyang pamilya. Si mama ay hinahaplos ang aking buhok.

"How about we'll have them arranged?"

Napaangat ako ng tingin kay dad. I was beyond shocked! Dumagdag pa sa kaba ko ang makitang parang wala manlang siyang pinagsisihan sa sinabi niya.

Pero ako, hindi ko alam kung masisiyahan o hindi. A part of me wants the arrangement, the other half of me is perturbed, and I hate feeling the latter.

Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Mr. Montero.

"That would be a great idea. But perhaps I'll keep this a secret to my son. Baka mas lalong hindi yun makapag-concentrate sa pag-aaral at bigla nalang pakasalan ang anak niyo." tumawa siya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman at ano ang dapat isipin. Should I be happy dahil kami pa rin ni Riley sa huli? Or should I be bothered? The question is why? Why should I be bothered? And Why am I bothering right now?

"Amber. Promise us you won't speak a single thing to Riley. Let's keep this behind close doors." Tinignan ko si mama na siyang nagsalita. Her expression was expecting me to say something that can add up to this celebration. Hindi lang siya, silang tatlo.

Ayoko silang biguin. Hindi ko rin naman siguro bibiguin ang sarili ko kapag pumayag ako.

"O-opo."

Sabay naglakihan ang kanilang mga ngiti. Tinapik nina mama at dad ang aking balikat. Tinaas ni Mr. Montero ang kanyang wineglass. Dumating si Mrs. Montero at inaalam ang kanilang pinag-usapan.

Nilisan ko na ang kanilang grupo na punong puno ng pagkalito ang aking utak. I literally slap my forehead dahil bigla kong pinagsisihan ang hindi ko pagpalag! And I hate what's happening to me. I just hated what I did.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro