CHAPTER THIRTY TWO
Sa lapit ng kamay ko sa dibdib niya ay damang dama ko ang mabilis na pag arangkada ng kanyang puso. Humigpit ang hawak niya sa'kin saka kinagat kagat na naman ang loob ng kanyang ibabang labi dahil sa paggalaw nito. Pansin kong ganito siya kapag nagkakatitigan kami, at marahil ganito siya kapag may malalim na iniisip.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Hindi ko kinaya ang paraan ng pagkakatingin niya. Para itong nanghihipnotismo. Paulit ulit kong binabanggit ang pangalan ni Riley sa isip upang ilayo ako sa mga posibilidad kay Azriel. I can't break Riley's heart like this. Not like this.
"What did I say about getting Riley out of the picture just for a while."
Nabasa niya ang iniisip ko. Bigo niyang ekspresyon ang bumungad sa'kin sa pagbukas ko sa'king mga mata.
"The remaining days are not 'for a while' for me."
Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay at mahigpit na tinikom ang kanyang bibig, na para bang pinipigilan niyang ipakita sa'kin ang sakit na nararamdaman niya. Pero huli na.
Muli akong pumikit. Ayaw kong makita ang sakit sa magaganda niyang mga mata. At ayaw kong matunghayan na ako ang dahilan ng sakit at kabiguang 'yon.
Inangat ko ang isa kong kamay upang hawakan ang mga kamay niya't dinala ang mga ito sa'king labi.
I kissed his hands as a sign of my apology.
Naabot ng alon ang aking mga paa ngunit wala akong ginawang pagkilos lalo na nang bumitaw si Azriel sa mga kamay ko't nilipat sa aking pisngi. Pinatong ko ang mga kamay ko sa kamay niya't diniin ang kanyang pagkakahawak. Ayokong dumilat. Ayaw ko pa. Maiiyak lamang ako kapag makikita ang kanyang kabiguan.
Gusto kong saktan ang sarili ko dahil nakasakit ako ng ibang tao. Naghahanap ako ng paraan kung paano ko maaaring pagbayaran ang nagawa ko. Sadya itong ginawa ko sa kanya, so I think somehow I deserve a hell lot of punishment.
"Ito na ang panghuli kong pagpapaala sa'yo Amberlyn." halos pabulong niyang ani. "Kahit sa mga natitirang araw lang, ipahiram mo muna sa'kin ang puso mo. At ang buong atensyon mo."
Kumunot ang noo ko. "You're asking me to pretend?"
Pinadaan niya ang kanyang daliri sa aking talukap. Dumilat ako. Bahagya akong nagulat dahil halos hindi na makadaan ang hangin sa lapit ng aming mga mukha. Sa kaunting kilos na ginawa niya, at sa tangos ng kanyang ilong ay naglapat ang aming mga ilong.
Iniisip ko ang maaaring maging reaksyon ng ibang taong nakakakita sa'min. Kahit wala naman kaming ginagawang masama, may mga makikitid ang isip na maaaring pag-isipan kami ng malisya.
Nakabahid ang pinaghalong kabiguan at pagsusumamo sa kanyang mga mata. Sinubukan ko ulit pumikit ngunit pinigilan niya sa kanyang pag iling at pag-angat ng aking talukap. Matatawa na sana ako sa ginawa niya kung hindi lang seryoso ang sitwasyon namin ngayon.
"I'm asking you to think about 'just us' and only us. Pagbigyan mo ako. Ngayon lang 'to. Kahit masakit sa bandang huli, then okay , let's say you pretend to reciprocate my feelings. Sa pagbalik natin ng Cebu, you can get your devotion back to him and forget everything that might happen here. You can even forget about me for all you want. Is it too hard for you, Amber? Masama bang hihilingin ko yun mula sa'yo?"
Oh my God Azriel. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. I'm hurting for him, for Riley and for myself. Madali lang ang pinapagawa niya pero mahirap pakitunguhan ang mangyayari pagkatapos at ang emosyong kalakip nito.
Kasi baka hindi na ako makakabalik. Baka hindi ko na magawa pang kalimutan ang lahat na mga alaala dito kasama siya. Baka ayaw ko na siyang makalimutan at tuluyan ko nang mababalewala ang pangako ko sa sarili ko na si Riley lamang.
Bakit kasi ako pa Azriel? Sana iba nalang. Yung walang babalikan. Yung kayang suklian ng buo ang damdamin mo. Yung kayang iwanan lahat para sa'yo na walang pag aalinlangan. Hindi ang katulad ko.
Malalim siyang bumuntong hininga sa pag-aakalang wala siyang makukuhang sagot mula sa'kin. "Sorry for being pushy."
Mabilis akong umiling at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Pinasidahan niya ang bakas ng aking luha. Mukha siyang nahihirapan sa nakita. Never had I imagined seeing him hurt like this until now.
Binasa niya ang kanyang labi at kinagat kagat ang loob nito. "If it's too much for you, then..."
"Gagawin ko." putol ko sa kanya. "At makakaasa kang panghuli mo na 'tong pagpapaalala sa'kin."
Sinusubukan lang ang nararamdaman ko kay Riley. Papatunayan kong siya pa rin kahit anong mangyari. Kaya gagawin ko 'to.
"Thank you." bulong niya. Nahawaan niya ako sa kanyang pagngiti.
Panandalian lang 'to Amber. Nothing will change once I'll do what he asks.
"Hey lovebirds!" sabay kaming napalingon sa tumawag ng aming atensyon. Nakasando na ang kaninang naka topless na si Brennan. Naninigkit ang mga mata niya dahil sa pagkasilaw sa init ng araw. Sumenyas siya sa'ming bumalik na sa cottage. "Kanina pa namin kayo hinahanap!"
Tumayo na kami ni Azriel. Pinagpag ko ang nadikit na buhangin sa'king balat at bikini. Tinignan ko siya upang sabihin sanang babalik na kami ngunit umatras ang dila ko pagkakitang pinasidahan niya ako ng tingin at nahinto sa'king baywang. Ngumuso siya. What's with my waist Azriel?
Umakyat ang tingin niya sa'king mukha. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Twenty four." pigil ngiti niyang sabi. Inikutan ko siya ng mata saka umuna na sa paglakad pabalik sa cottage.
Kumpleto silang lahat at parang kami nalang yata ang hinihintay. Ang mga wala kanina na sina Archer ay basang basa, halatang galing sa pagsisid. Naabutan namin silang pinag-uusapan ang pagpunta nila sa Bohol Beach Club.
"Babalik pa sana si Brennan para kunin ang phone niya. Kukunan daw yung nakatopless na babaeng foreigner." sumbong ni Camila.
"Totoo?"
"Pero ang ganda dun. Kaunti lang tao pero karamihan foreigners."
Nagdalawang tingin si Terrell sa'kin nang kinuha ko galing sa kanya ang pitchel ng tubig. Ngayon palang yata niya namalayang nasa cottage na ako.
"Akala namin naghanap na kayo ni AJ ng private room. Cottage lang meron dito." sa sinabi niya ay natuon tuloy sa'min ang atensyon. Hindi ko matignan ang tatlo kong kaibigan. Nahiya pa rin ako sa nangyari kanina.
"Mamaya Lian, doon na kayo matulog ni ate Gwen sa room ng girls tapos silang dalawa sa kwarto niyo." kaswal na ani ni Archer.
Humiyaw sila sa pagsang-ayon. Pinitik ko siya sa tenga dahil hiyang hiya na ako! Inasahan kong may gagawin si Azriel na pagsuway pero nakaangat ang isang gilid ng labi nito't napailing lang.
"Hindi na washboard ang abs mo. Wash nalang!" pang–aasar ko kay Archer nang mapansing nanlalabo na ang drawing sa kanyang tiyan. Hind naman mataba si Archer, sakto lang, walang abs pero flat ang tiyan.
"Burado e. Waterproof pala ha." kantyaw sa kanya ni Kelly sabay sapak nito sa tiyan.
"Tignan niyo kay pareng Azriel o, Iyan ang stubborn. Natural ang hindi pagpawi. Tigas na tigas. Di ba pare?" malokong nagtas baba ng kilay si Carlo at akmang hahawakan si Azriel ngunit nakalayo na ito na lumulobo ang pisngi sa pagpigil ng tawa.
Pilit pa rin siyang hinahabol ni Carlo habang siya'y kahit anong mura na ang binabanggit. Humantong sila sa paghahabulan sa dagat kaya nakisali na rin kami't sumugod doon. Pinagpipiyestahan ng mga boys si Azriel habang nakikitawa lang kaming mga babae. Pinagtitinginan kami ng ibang naliligo dahil sa kaingayan namin.
"Picture kayo guys!" tawag ni ate Gwendolyn na ngayo'y nakahawak na nang DSLR.
Huminto ang mga boys at nagsilapitan sa'ming direksyon na natatawa pa. Kaniya kaniya silang pili ng pwesto.
"Mimi sa harap ka!" tinulak ni Kelly si Noemi sa harap.
Simangot na nagtungo si Noemi sa harap. "Huwag mo namang ipangalandakang ako ang pinakamaliit sa'tin!"
"You're not alone Mi." tinabihan siya ni Aria.
Nagtatalo pa silang lumipat kami dahil sa init. Wala na silang nagawa nang tumunog ang shutter kaya nag pose nalang kami.
Papalit palit kami ng pwesto, gustong makatabi si ganito, si ganyan, dito ka para ganito pose natin. Si Carlo na nasa harap din ay kahit anong mga exhibition ang ginagawa dagdagan pa ni Archer.
Lumingon ako sa kaliwa dahil sa pagpulupot ng isang matipunong braso sa baywang ko. His arm touched my bare waist. Nakatingin sa harap si Azriel na naniningkit ang mata dahil sa sikat ng araw. Alam kong nakangiti siya dahil sa paglitaw ng kanyang dimples. Wala akong nagawa kundi ang akbayan siya. Na conscious tuloy ako bigla sa'king tiyan kaya pansamantala akong hindi huminga.
Hindi ko pinawi ang aking ngiti sa pagharap sa camera kahit hinapit ako ni Azriel. Natahimik ang reklamo nila sa init nang nag–countdown na si ate Gwen saka tumunog ulit ang shutter.
"Mabuti naman at nakikihalubilo ka na sa iba." ani ko sa kanya. Nag–unahan na sila sa pagtungo sa mas malalim na bahagi ng dagat.
"You want me to mingle?"
Tumango ako. Tinignan ko ang paglabo ng tubig sa paghakbang namin. "Ang panget kaya na ina-isolate mo ang sarili mo. Socialize din paminsan minsan."
"I don't have to kung nandyan ka naman."
Mas lalo akong nainitan sa sinabi niya dagdagan na nasa tapat kami ng araw. Hinilamos ko ang tubig dagat sa mukha ko saka ko siya sinabuyan. Walang magagawa ang pagtakbo ko palayo dahil babagal talaga ang kilos kapag nasa dagat kaya nasabuyan niya ako pabalik.
Sinabayan na namin sila na ngayo'y lumilikha na nga bilog. Dahil kami ni Azriel ang nahuli sa pagdating, kami ang naglaban kung sino ang magiging taya.
"Ano ba ang lalaruin?" tanong ko.
"Doktor kwak kwak." anila.
"Ang tanda na natin iyan ang lalaruin?" natatawa kong angal.
"Walang age limit 'to."
Kailangan pagbuhol buholin ang mga paa't mga braso sa isa't isa, kung sino ang taya, siya ang magkakalas sa mga buhol which is ang mahirap na parte.
Nag bato bato pick kami ni Azriel. Sa huli ay siya ang unang naka five points kaya ako ang talo. Nang aasar niya akong ningisihan.
"Di tayo bati." banta ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako saka siya sumali sa bilog.
"Si Amber taya!" deklara ni Kelly.
Nakapamaywang ko silang hinarap.
Biglang nagtaas ng kamay si Lian. "Wait! Paano kung hindi niya magawang kalasin tayo?"
"Kapag tatlong beses ay hindi mo pa kami nakalas, may consequence."
Sumang ayon sila sa sinabi ni Camila. Pinatalikod na nila ako upang mabuhol na nila ang isa't isa. Nagtataka ako sa hagikhik nina Archer at Brennan at ang hagalpak ni Carlo. May narinig pa akong nagsapakan.
"Yung paa mo Bren!"
"Ilagay mo sa ilalim ang kamay mo!"
"Aray!"
"Ang kati ng puson ko! May kumagat!"
"'Wag mong dalhin libog mo dito Archer!!" halakhak ni Brennan.
"Guys, okay lang kayo?" tanong ko sa kanila.
"Ok na! ok na!"
Natawa ako pagkaharap sa kanila. Pansin ko ang paghihirap ni Kelly na nasa likod ang kamay at inaabot ang nakatalikod sa kanyang si Noemi. Para silang mga first time contortionists.
Hindi ko sila nagawang kalasin noong una at pangalawa. Sa pangatlo ay naging madali na sa'kin dahil naubusan na sila ng tactic kaya hindi ko nagawa ang consequence.
Takipsilim namin napagdesisyunang umuwi. Tahimik kami sa biyahe dahil sa pagod kaya karamihan sa'min ay nakatulog sa van. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso sa pagdapa sa sofa si Archer na hindi manlang tinanggal ang bag pati na rin si Brennan. Nagpahinga sa kwarto ang iba at may mga naligo para pawiin ang alat ng dagat.
Naligo na rin ako kinagabihan upang maibsan ang kaunting lagkit at alat sa'king balat at buhok. Bumaba ako sa sala pagkatapos magbihis dahil naroon sila para mag movie marathon. Nasa hagdan palang ako ay narinig ko na ang pagbubukas ng chichirya at ang pagtatalo nila kung ano ang panonoorin.
"Anong height mo Amber?" tanong ni Aria pagkalapit ko. Pinausog ko si Kelly para ako ang maupo malapit sa armrest ng sofa.
"5'6. Bakit?"
"Oi guys! May pambato na tayong miss Nursing ngayong fourth year! Si Amber!" nagulat ako sa biglang deklara niya.
"Oo nga si Amberlyn!"
Marahas akong umiling. "Huwag niyo ako isali!"
Hindi ako mahilig sa mga ganoon. May mga nago-offer na sa'kin dati pero ayaw ko talaga. Inaya pa nga ako ni Tita Sherry na magsama kami ni Lavinia sa isang photoshoot pero tumanggi ako. Dahil nahiya ako sa pagtanggi, sinuggest ko si Nikolina na ngayo'y nasa Manila na.
"Sa Mr. Nursing si Terrell." deklara ni Kelly pagkalapit ni Terrell dala ang mga drinks. Nakasunod sa kanya si Kent dala ang mga baso.
"No way!" madramang angal ni Terrell. Nilapag na niya ang mga inumin sa mesa.
"Nakakasawa na kasi si Ellis eh hindi naman nakakapasa. Hanggang initial screening lang siya. Maganda yung may bago tayong pambato." nakangusong pahayag ni Aria.
"Di ba sasali daw siya ng Miss Cebu?" usisa ni Noemi.
"Next year. Hindi siya nakaabot sa screening nung nakaraan eh."
"Si Lian ang isali niyo para partner sila ni Terrell." deklara ko nang makita si Lian na kakagaling lang sa pagsaksak ng usb na puno ng movies.
Umangal siya sabay lapit sa'kin upang pabiro akong sabunutan at kilitiin samantalang si Terrell ay pinanliitan ako ng mata habang nagpipigil siya ng ngiti. Lumapit na rin siya upang tulungan si Lian.
"O diba pati sa pagkiliti sa'kin partners kayo?" natatawa kong panunudyo. Napatili ako sa ginawa nilang dalawa. Tumigil sila dahil halos malagutan na ako ng hininga, malamang, takot silang atakihin ako ng asthma.
Kinuha ni Brennan ang remote control. Papapalit palit sila ng choice ng movie dahil may ibang nakapanood na sa gusto namin. Sa huli ay suspense thriller ang napili, yung maraming gore.
"Maraming spg iyan!" pahayag ni Archer nang magsimula na ang opening credits. Bumaling kami sa kanya.
"Napanood mo na?" tanong ni Brennan.
"Hindi. Pero violence, di ba spg yun?" painosente niyang sabi. Pinagmumura namin siya na humahalakhak lang.
Bumaba si Azriel na halatang kakagaling lang sa pagkakabangon. Kinusot niya ang kanyang mga mata at nakatayo na naman ang kanyang buhok. Hindi ko talaga mapigilang matawa kapag nakikita ko ang kanyang bagong gising hairstyle na parang logo ng isang LPG brand.
"Ang tagal mong bumaba." puna ni Terrell.
"Nakatulog ako."
Nang matignan ko na siya ng malapitan, kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa init kanina. Bumagay ang pamumula sa kanya.
Walang pahintulot siyang pumagitna sa'min ni Kelly at hiniga ang ulo sa hita ko. Kahit alam kong magagawa niya 'to, nagulat pa rin ako. Hindi ko naman inasahan na sa harap pa ng mga kasama namin.
"Palagi naman. Kailan pa ba hindi? Magtabi nalang din kaya kayo sa kama!" madramang parinig ni Kelly habang umuusog.
"Pwede rin. Why not?" pikit matang sabi ni Azriel. Hinampas ko siya sa dibdib kasabay ang hiyawan nila, nakalimutan na pansamantala ang palabas.
Dumilat siya at painosente akong tinignan. "Uhm...joke?"
"Nag joke si Azriel! Palakpakan natin guys." Umunang pumalakpak si Archer saka sinundan nila sabay tawanan. Hindi ko na sila pinansin at tinuon ang tingin sa movie. Sobra na ang pagkapahiya ko sa araw na'to!
Sinulyapan ko si Azriel na nakangising nakatingn sa'kin. Tiniis ko ang kiliti sa'king binti dahil sa kanyang buhok. Hinawi ko ang kamay niyang akmang pipisilin ang pisngi o ilong ko. Natatawa niya itong binalik at inadjust ang kanyang ulo sa pagkakahiga sa'king kandungan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro