THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY SEVEN
Binalikan ko ang inakto ko sa harap ni Azriel. Base sa naibulalas ko, I'm sure it gave him an idea of something. And I expect him not to confront me, mas pipiliin nun ang isarili ang mga tanong na nais niyang isaboses sa'kin. I think I've known him enough like that.
I'll let him be. We'll both benefit from that action. Makakaiwas siya sa'kin, makakaiwas ako sa kanya, dahil hindi ako handang sagutin kung ano man ang itatanong niya.
Wala pang August pero may nakatakda nang theme ang nursing gathering. Nakapost ang memo sa bulletin board. Vintage theme. At ngayon palang nag search na ako sa Google images ng mga vintage-themed costumes.
Naisip kong magpaka Audrey Hepburn since may bangs pa naman ako at medyo humahaba na rin ang aking buhok kaya mapupusod ko ito ala Audrey style. Pinaghandaan din 'to lalo na sa'ming mga seniors, dahil last year na namin 'tong a-attend ng gathering.
Pero bago pa man mangyari ang isa sa mga inaabangang okasyon sa nursing department, pinaalala ng mga kaibigan ko ang isa pang okasyon bago magtapos ang buwan.
"Amber! Anong gagawin natin sa birthday mo?" umaasang tanong ni Kelly.
Lunch break namin pero sa ibang carenderia kami kumain. Puno kina ate Janna, dumami na kasi ang populasyon ng mga estudyante ngayon sa university dahil sa mga new enrollees at bagong batch ng freshmen.
"Anong araw ba ngayon?" tamad kong tanong. Paunt unti akong sumusubo sa mainit na sabaw ng noodles.
"July 25, two days nalang twenty ka na!" nag-ingay sa pagsang-ayon sina Noemi at Lian.
Nagkibit balikat "Matutulog ako."
Usually after class kapag birthday ko kumakain kami sa labas nina mama, papa at kuya kung nandito siya sa Cebu. Binabati niya lang ako sa phone kapag nasa Manila siya.
"May pasok kaya niyan. Saturday natin i-celebrate." suhestiyon ni Noemi.
"Matulog nalang tayo." nakanguso kong sabi. Napaawang sila.
"What's eating you? Depress ka ba?"
Inusog ko ang aking upuan palapit sa mesa sa pagdaan ng isang customer."Hindi."
"Bar tayo, you like?" nagtaas baba ng kilay si Kelly.
"Ililibre ko nalang kayo. Hang out, watch a movie, eat ice cream...all the expenses on me." ani ko. Ganon naman talaga ang ginagawa namin tuwing birthday ko. I'm not really into big parties.
Tumuro si Kelly sa kawalan. "Sa hapon 'yan, pero sa gabi...Partehh!"
Tipid lamang akong ngumiti habang pinag-iisipan ang plano. Ayos lang naman na mag bar kami, pero parang wala ako sa mood mag-nightlife. I'm not even sure kung may gana pa akong gumala. My energy has been draining for days.
Napaangal si Kelly sa pananahimik ko."C'mon! We're not getting any younger. Let's enjoy life while being single."
"Tayo lang? invite natin sina Terrell." Sabi ni Lian. Sumunod ang panunudyo namin. Siniko siya ng katabi niyang si Noemi.
"Sasabihin ko ikaw ang nag invite sa kanya."
"Hindi..."natatawang tanggi ni Lian. "Kasi di ba part na rin siya ng circle of friends natin? Ano bah! Panghuli ko na 'tong sasabihin. Magkaibigan lang kami. We're always be friends."
Sumingasing si Kelly. "Walang improvement? Ano ba yan."
"Panghuli mo na iyang sabi ngayon na magkaibigan lang kayo dahil bukas, hindi na kayo friends. In a relationship na kayo to each other!" pang-aasar ko na umani ng pagsang-ayon sa dalawa.
"Tomaahh!"
Hinawi ni Lian ang mga nakangisi naming pagmumukha. "Huwag kayong change topic. Birthday ni Amber ang pinag-uusapan natin dito."
"Seriously guys, manglilibre lang talaga ako. That's it. You know I prefer smaller hang outs."
"Where's the fun in that? Come on Amber. Treat yourself a dose of fun. You're going to be twenty years OLD. Take note, Ooold..." natawa ako sa animated na ekspresyon ni Kelly.
"Inemphasize ang OLD?"
"Sige na kasi Ember..." may arte niyang maktol.
Sa totoo lang ayaw ko talaga. But who knows ? I'll give that plan a chance. Baka sakaling bigla akong tubuan ng mood mag-nightlife.
"Pag-iisipan ko." sabi ko.
Kahit wala pa akong huling desisyon, kumalat ang pagbati sa'kin sa classroom pagkalipas ng dalawang araw. Kaninang eksaktong alas dose ng hatinggabi, binaha ako ng text greetings nina Kelly, Lian at Noemi. Even Nikolina greeted me. Sayang wala siya dito ngayon sa Cebu. Apat na taon na naming ritwal na batiin ang birthday ng isa't isa sa ganoong paraan.
Nadatnan ko ang armchair kong may dalawang paperbag, isang parihabang hugis na binalutan ng plain thread cloth pink wrapper na may ribbon sa tuktok at tatlong iba't ibang kulay ng balloons na nakatali ang string sa'king upuan.
Hinanap ko silang tatlo. Ilang minuto ang lumipas ay sabay silang pumasok sa classroom na may dalang mga tubig at biscuit.
"Birthday girl!"
Bahagya silang tumakbo sa direksyon ko.
"Thank you dito guys. Buksan ko 'to mamaya." Ngiting sabi ko. Hinayaan ko ang ballooon na ma-expose sa armchair ko. Wala rin naman akong ibang paglalagyan.
"Ay! Ngayon mo na buksan yung gift ko." kinuha ni Lian at tanging regalong hindi naka-paperbag.
"Bakit? Anong laman?" kunot noo kong tanong habang nakangiti.
"Basta..." nilahad niya sa'kin ang regalo niya.
Maingat kong kinalas ang ribbon. Kapag may ganitong kagandang wrapper ay hindi ko magawang itapon. Nang makalas, bumungad sa'kin ang pamilyar na lalagyan. Binuksan ko ito upang silipin ang laman.
Lindt Lindor truffles chocolates!. Impit akong napasigaw. Malaki ang ngisi ko pagkaharap kay Lian. Nawala ang mata niya sa pagkangiti sa naging reaksyon ko.
"Thank you!" napayakap ako sa kanya. Inusisa nina Kelly at Noemi ang regalo.
"Wow! Pahingi."
Binigyan ko sila ng ilang piraso since marami ang laman ng box. Palihim lang, baka makihingi yung iba, maubusan pa ako.
Bumalik sila sa kanilang mga upuan upang makikopya ng rationale ng iba naming ire-return demo. Inayos ko ang pagkakalagay ng mga regalo nila sa bag kong kaunti lang ang laman.
"Happy candle cakes Amber!"
Napatuwid ako ng upo sa pagsulpot ni Terrell. He looked fresh and blooming today. Sumuot sa ilong ko ang pinaghalong bango ng bodywash at men's perfume.
Sinalubong ko ang kamay niyang nakikipag high five sa'kin. "Thank you."
Umupo siya sa bakenteng upuan sa tabi ko. Wala pa kasi ang bago kong seatmate.
"Lian told me 'bout your birthday celebration this Saturday. Can I bring AJ along?" bahagyang nanlaki ang maamo niyang mga mata sa paghihintay ng sagot ko.
"Wala pa akong final decision tungkol ngayong Saturday." ani ko. Hindi ko nga nagawang mag-effort na isipin kung papayag ba ako. I still don't feel like partying this weekend.
Dumekwatro siya at nilagay ang isang braso sa sandalan ng upuan. "In case na matuloy, do you mind if I bring him?"
"Ok lang." walang emosyon kong sinubo ang Lindt chocolate na regalo ni Lian.
Nilingon ko siya dahil sa kanyang pananahimik. Normal niya lang akong tinitigan, parang pinag-iisipian niya ang sasabihin sa'kin.
"Hindi niya pa alam na birthday mo. He hasn't arrived yet." aniya.
"I didn't expect for him to know."
May aliw ang kanyang pagngisi. "You should. You know how he feels about you."
"Kailangan ko bang ipaalam sa kanya?" we don't even talk anymore. We haven't been talking casually.
"It's up to you. You call the shots."
"No, I won't tell him." binigyan ko siya ng isang piraso ng chocolate. Agad niya itong binuksan pagkatapos tanggapin.
Pinagmasdan ko ang nakanguso niyang pagnguya. Katulad ko, parang naaliw rin siya sa paglasap sa malambot na gitnang laman ng chocolate. "He asked me if you're mad at him."
Basta talaga si Terrell ang kausap ko, palaging si Azriel ang topic namin.
"Bakit naman ako magagalit? At bakit ikaw ang tinanong niya?"
He shrugged. "I dunno. And I don't know why he asked. He just did."
Kumunot ang noo niya at walang pahintulot na dumukot ng chocolate sa box ko. Huli na bago ko pa 'to mailayo sa kanya.
"Ano na naman bang nangyari? Bumalik na naman kayo sa dati. Kailangan ba palagi tayong mag out of the city vacation para lang lagi ko kayong nakikitang maayos? Our vacay in Bohol brought rainbows and nonstop smiles into his face. Tapos ngayon..."
Buo kong padabog na sinubo ang bilog na milk chocolate. "I'm sure Ellis makes him shit rainbows in his pants."
"Whoah! Ikaw ba 'yan Amber? Bago sa pandinig ko ang pagmumura mo." mangha niyang ani.
"Minsan lang 'to, kaya i-appreciate mo na."
"Oohkay...ang gulo niyo!" nilamukos niya ang wrapper saka sinilid sa bulsa. Tumayo siya habang pinaglalaruan ang bilog na chocolate sa loob ng kanyang bibig. "Happy birthday na nga lang. Can I give you my hug as a present?"
He gestured open arms.
Tumayo ako. "Go ahead. Mapilit ka e."
Tumawa siya saka ako niyakap.
"Happy birthday. Give my friend a chance. He's a great guy. Sumpungin nga lang minsan." aniya habang tinatapik tapik ang likod ko.
Saktong pumasok si Azriel. Napatigil siya sa paglalakad sa pagtama ng mga tingin namin habang nakayakap pa rin kay Terrell. Hindi ko nakuha pang alamin ang reaksyon niya dahil ako ang unang nag-iwas sa pagbitaw ni Terrell sa yakap.
Tinapik niya ang ulo ko bago siya bumalik sa kanyang upuan. Ilang sandali lang ay pumasok ang aming guro.
"Haaappy..." kabado akong napalingon kay Kelly nang sinimulan niya ang tono ng birthday song. Sa lakas ng boses niya, rinig yun sa buong klase.
"Sinong may birthday?" tanong ng guro namin na papaupo palang sa silya. Tinuro ako ng karamihan.
"Jaaang!"
"Ohh...Happy birthday Miss Jang." ani ni Mr.Dy. "Sige, kantahan niyo na bago tayo magstart sa lecture."
Sa buong magdamag nila akong kinantahan, nanatili akong nakayuko at nakatakip sa'king mukha. Ganito palagi sa tuwing may nagbibirthday sa klase namin, depende kung mata-timing sa lecture week.
"Saan ang handa Miss Jang?" biro ni Sir pagkatapos nilang kumanta. Napailing nalang ako saka siya tumalikod at nagsulat sa whiteboard.
Lumingon ako sa pagkalabit ng katabi kong si Aria sabay pakita ng isang malaking tupperware. "May tinda akong munchkins Amber, since birthday mo bilhin mo nalang 'tong tinda ko."
Ewan ko kung nagbibiro siya o gusto niya lang talaga magtinda ngayong magsisimula palang ang lecture. Usually kasi tuwing break niya kami binibentahan.
Hindi lang munckins ang tinitinda niya kundi yema at Stick-o. Mas mabenta nga lang ang munchkins sa klase namin.
"Sige, bilhin ko na lahat. Ibigay mo sa classmates natin." sabi ko sabay kuha ng wallet ko sa bag.
Malaki ang ngisi siyang nagpasalamat saka umanunsiyo."O libre ni Amberlyn 'tong munchkins! Tig tatlo kayong lahat!"
Narinig kong tumawa si Mr.Dy kasabay ang pag-iingay ng mga classmates ko na mukhang hindi pa nakapag-agahan. Sumunod ang mga tapik nila sa'kin at saludo sabay 'thank you'.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Kuya as usual, when he's out in the city kapag birthday ko, dropped several deposits in my debit card. Minsan the day before my birthday.
"O, Aria. Bilhin ko na rin yung Stick-O." ani ko sabay abot ng bayad.
Napasinghap siya. "Oh my..really? Thank you talaga!" impit siyang tumili saka humarap ulit sa klase. "Oi guys! May stick-O pa! Libre ulit ni Amber!"
Lumakas ang hiyaw nila. Mabuti nalang at mabait si Sir Dy at hindi kami sinita.
"Sana birthday mo palagi Amber! Ikaw lang pala ang sagot sa gutom ko." napahalakhak ako sa pahayag ni Archer.
Naging magaan ang daloy ng mga lectures namin ngayon. Walang quizzes, pero may mga group activities. At sa tuwing oras na ni Azriel sa pagsagot sa whiteboard, yumuyuko ako, o binabaling ang tingin sa ibang direksyon. Kahit likod pa niya ang nakikita ko, si Azriel pa rin 'yan.
I have to veer my mind off from any thoughts of him. Bago pa ako malunod, pipilitin kong lumutang hanggang sa masalba ang nararamdaman ko para kay Riley.
Pagkadismiss sa'min ng huling subject, bumaba ako sa basement upang bumili ng mga libro. Malapit lang ang pagbibilhan sa locker kaya doon ako dumiretso pagkatapos para mailagay ko doon ang mga nabili.
Pagbukas ko ng locker, bumungad sa'kin ang tatlong red roses. Sumibol ang kaba sa dibdib ko. Masayang uri ng pagtibok ng puso ang bumabalot sa'kin ngayon.
He didn't forget. Of course he won't. Wala sa bokabularyo niya ang lumimot ng espesyal na okasyon. And every special occasion for him will always be a priority, kahit weeksary pa 'yan.
Napangiti ako at pinigilan ang maiyak sa saya. Ayoko namang may makahuli sa'king umiiyak, at birthday ko pa.
"Kahit wala na tayo, nasanay akong bigyan ka ng regalo. I think it's a habit that's hard to get rid of. Okay lang ba?"
The warmth that enveloped me thickens as I stare at those midnight eyes. It's been months. Kahit may pagkastrikto ang mga mata niya'y nakangiti ito. Na miss kong pagmasdan ang makapal niyang piluka at ang minsanang pagbahid ng panunudyo sa kanyang tingin dahil alam niyang miss ko na siya.
Tumango ako. Napayakap ako sa mga rosas.
Ngumiti siya sabay sinuot ang mga kamay sa kanyang bulsa, isang senyales na nahihiya siya at nag-aalinlangan. Binasa niya ang kanyang labi.
"Salamat dito." pinakita ko sa kanya ang mga roses at niyakap ulit, dahil kapag ginawa ko ito, maybe I'll find something to hold on to from him. Ngayong nakikita ko na siya ulit, natatakot akong sabihin na may nag-iba talaga.
Kumunot ang noo niya at bahagyang tumagilid ang kanyang ulo.
"I didn't give you roses." aniya.
Ako naman ang nagtaka. Kung hindi siya, wala akong maisip na ibang magbibigay nito sa'kin. My friends won't give me roses, they prefer to give me balloons.
For a second, I thought of Azriel. But we're not in talking terms right now.
"Pupunta ako sa bahay niyo mamaya. Doon ko palang ibibigay ang regalo ko. Maybe those are from one of your admirers."
There's longing in his stare. Napansin ko ang pag-iiba ng kanyang katawan simula nung huli naming pagkikita. Hindi siya naka-uniform ngayon kundi green and black flannel long sleeves na as usual ay nakatupi ang manggas hanggang siko. Nakapaloob ang itim na shirt. Has he been working out too much? O baka dahil sa tagal ng hindi namin pagkikita ay nababaguhan ako sa kanya ngayon?
Matagal ko siyang tinitigan. Hinihintay ang grabidad na humihila sa 'kin sa kanya. Kahit sa kaninong santo na ako humihiling, at sa Diyos na ibalik ang dating pakiramdam. He'll always be my Riley. Walang nagbago sa kanya maliban sa mas lalo siyang naging magandang lalake sa'king paningin.
Heart. Please beat. Dumagundong ka katulad ng lagi mong ginagawa kahit noong naging kami ni Riley. Please beat. Yung mabibingi ako sa lakas ng tibok. Yung parang hindi ako makahinga. Yung parang sinasakal ako sa matinding pagkabog.
Pero wala...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro