Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY ONE

CHAPTER THIRTY ONE
_______________________________________
Hinintay naming maparada ng maayos ang van bago kami nagsibabaan. Nilapag ko ang nakatuping jogging pants ni Azriel sa aking upuan bago ako lumabas.

Inasahan ko na ang pagsalubong ng simangot ni Azriel. Kahit suot niya ang kanyang sunglasses, nahahalata ko naman sa kanyang pamamaywang, paggalaw ng kanyang panga, ang direksyon ng mukha niya sa'kin at mahigpit na pagdikit ng kanyang labi ang inis at disappointment. Mas nakapagpastrikto ng tindig niya ang katatagan ng kanyang balikat.

Nakangiti ko siyang nilapitan. Sinundan ng mukha niya ang direksyon ko kaya marahil, nakatingin siya sa'kin.

"Beach 'to. Kalma." ani ko sa kanya. Walang pinagbago sa kanyang ekspresyon. Para siyang striktong ama na mahigpit na pinagbabawalan ang anak niyang huminga.

Pinagtutulungan naming dalhin ang mga baon na pagkain. Ang mga boys dala ang mga mabibigat. Napailing ako pagkakita kay Azriel na galon ng 3 liters mineral water lang ang dala habang sina Terrell at Archer ay hirap na pinagtulungang dalhin ang malaking kaldero. Sina Brennan at Kent sa case ng softdrinks at sa case ng alak ay sina Kelly at Camila.

Dalawang cottage ang inokupahan namin. Pagkalapag ng mga dala ay lumapit ako sa dalampasigan at pinagmasdan ang mga naliligo. Marami ang mga dumadayo ngayon. Sa kabilang bakod na sa tingin ko'y ibang resort, may maiingay na grupo ang nagge‒games. Parang may team building or company outing sila dahil sa kanilang kulay green na tshirt uniform na may tatak ng isang kompanya.

Pino at maputi ang buhangin dito. May mga sailing boats na nagsilutangan sa di kalayuan. Dahil sa ganda ng panahon, nakakaakit tignan ang paghahambing ng asul na kalangitan at ang pagkahati ng kulay ng dagat galing sa light green na naging dark blue sa dulo.

Sa kaliwang bahagi ng dalampasigan, nagtataka ako na walang katao katao. Bakante ang mga cottage na kubo, siguro ay isang private resort. Gusto kong tumungo doon at mag standby dahil payapa at malaki ang puno na pwedeng pagsilungan.

Bumalik ako sa cottage dahil sa pagtawag ni Lian. Naabutan ko ang iba na kumakain na naman. Magtatanghali na rin kasi.

"Kakain ka na naman Kelly?" asar ni Brennan nang maghubad ito ng shirt at jersey shorts naiwan ang swimming shorts niya.

"Kayo nga kanina nag fries!" lumolobo ang pisngi ni Kelly sa pagnguya. Kinamay nito ang 'puso' o hanging rice at biniling lechon manok kanina.

Naghiyawan kami nang mayabang na hinubad ni Archer ang kanyang shirt. Nandoon pa rin ang drawing niyang 'six pack abs'. Seryoso niyang tinaas ng bahagya ang mga kamay at umikot wari rumarampa sa fashion show ng isang sikat na local clothing brand. Pinalakpakan namin siya. Nakitingin at tawa rin ang mga nasa ibang cottage.

"Hinahamon kita Fontaneza." may angas siyang lumapit kay Azriel.  Naka chest out at 'abs' in.

Si Azriel na may ipagmamayabang naman ay maangas na dinilaan ang ibabang labi bago tumayo. Hinila niya ang sa may batok na parte ng kanyang sando. Umingay muli kami nang tuluyan na siyang nakahubad.

May nagtilian sa kabilang cottage na karamihan ay mga kabataan din. Nangingisay na lumapit sa'min si Carlo at nagtatalon kasama ang nagtitilian ding sina Aria at Camila.

"Oh my God ! Nung Mr. Nursing ay hindi naman siya gumanyan. Shet!" manghang deklara ni Carlo na nakahawak sa kanyang pisngi habang titig na titig kay Azriel.

Nag‒chest bump si Archer kay Azriel na natatawa na rin. Pinicturan sila ni Lian. Pagkaflash ng camera ay humarap ulit sila upang ma‒picture‒an muli. Whole body naman ngayon.

"Huwag ka nang magkaila Archer. Gusto mo lang talagang mahipo ang abs ni AJ." humalakhak si Brennan.

"Hay naku ang sarap mong ulamin Fontaneza." ngumunguyang ani ni Kelly.

Dumapo ang tingin ni Azrel sa'kin. I was caught in the act. Huling huli akong siya ang tinitignan. Ang hirap naman kasing iiwas ng tingin sa kanya kung may ganyan siyang kagandang katawan.

Nagkatitigan kami. Hindi ko makuhang bilangin ang segundo ng tinagal nun. Who cares about the time when you're staring at that kind of beauty? Hinding hindi mo ito pagsasawaan. Kahit araw arawin mo pa yata ang pagtitig sa kanya ay hindi ka mababagot.

Pero nang ngumisi na siya na may halong kapilyuhan, doon na ako umiwas ng tingin at binaling sa paghalughog sa bag. Mabilis kong naisip na gawing dahilan ang paghahanap sa aking sunblock lotion. Malalim akong huminga upang pawiin ang kaba. Ang init! Whooh!

"Kita ko iyon." nakatatak ang panunudyo ni Noemi sa kanyang tono.

"Ang alin?" maang‒maangan ko.

Naalala ko talaga kung saan ko nilagay ang sunblock, pero tinakpan ng alaala ko ang imahe ni Azriel na hinuhukay ang aking kaluluwa ng pagtitig niya. Nanginginig ang kamay ko sa paghalughog. Mabuti nalang at nakaupo ako para hindi halatang nanghihina na rin ang aking tuhod.

"Duh? Tinatanong pa ba 'yon?"

Nagkibit balikt ako. "Edi nakita mo."

Natagpuan ko sa pinakailalam ang lotion. Nagpisil ako at nilagyan ang aking binti at braso.

Tinulak ako ni Noemi sa balikat sabay tawa. "Ang ganda talaga ng kaibigan ko!"

Nagpisil muli ako't pabirong nilagyan ang mukha niya. Natatawa akong lumayo nang akmang hahampasin niya ako.

Maingay na nagsitakbuhan ang mga lalake upang maligo kasama sina Aria at Camila. Tiling tili si Carlo nang binuhat nila ito't binagsak sa dagat. Sumunod ang kanilang mga tawanan. May nakita pa akong tinuturo si Archer dahil sa abs drawing sa kanyang tiyan. Kinawayan niya ang mga ito.

"Parang tanga 'tong si Archer." natatawang komento ni Kelly.

Hinubad ko na ang aking shorts at crop top saka sinilid sa bag. Inayos ko ang pagkakalagay ng bikini top at highwaist bikini bottom ko bago tinuloy ang pagpahid ng sunblock. Nagpahid ako ng kaunti sa'king mukha.

"Wow! Para kang pin‒up model!" puri ni Noemi. Naka one piece bikini siya na sinuotan niya ng short.

"Pin‒up bikini? Saan mo nabili?" nagsuot rin ng short si Lian na binagay niya sa kanyang yellow bikini top.

"Regalo ni Lav noong birthday ko last year."

Ewan ko kung bakit ito ang naisip na iregalo sa'kin ni Lavinia. Ayos lang naman sa'kin dahil nagustuhan ko. Hindi naman ako mapili sa regalo.

Tumayo ako nang makitang nahihirapan si Kelly sa pagtanggal ng short niya kaya siya ang pinaupo ko sa pwesto ko. Natatawa namin siyang tinulungan nina Lian at Noemi.

"Ang lakas mo kasing lumamon! 'yan tuloy!" nagtawanan kami habang gigil na hinila pababa ang shorts ni Kelly.

"Whooh!" ginhawa siyang nagpakawala ng hininga nang mahubad na namin ang kanyang shorts.

Inabot ko ang plastic cup na nasa gitna ng mesa saka nagsalin ng tubig at uninom. Ininom ni Lian ang hindi ko naubos. Nahagip ko ang hindi masyadong napahid na sunblock sa'king braso kaya kinalat ko ito.

"Pahingi."

Napaharap ako sa kung sinong bigla nalang humablot sa lotion. Pinasidahan ni Azriel gamit ang kamay ang basa niyang buhok saka siya nagkamot sa tenga. Sinubukan kong hindi ibaba ang aking mga mata at panatalihin ang tingin sa kanyang mukha.

"Kinuha mo na e." sarkastiko kong ani.

Ngumisi siya. Ang signature ngisi niyang pabaluktot. Pagkabalik niya sa'king lotion ay kinurot niya na naman ang aking binti. Sinimangutan ko siya. May salin pa ng hapdi sa binti ko dahil sa pagkurot niya kanina. Hindi siya natinag at pisngi ko naman ang kanyang pinisil.

"Ang ganda ng kaibigan namin noh Azriel?" awang akong napalingon kay Kelly. Sina Lian at Noemi ay parehong nakakalokong ngumiti.

Isang beses nagtaas baba ng kilay ang pigil ngiting si Azriel kina Kelly. Sumeryoso ang mukha niya pagkabaling muli sa'kin.

"Sobra." magaspang ang boses niyang sabi.

Nabingi ako sa tili ng tatlo. Kung may ikapula pa ang kulay pula, marahil yun na ang kulay ng pisngi ko. May narinig akong pagbagsak na kung ano at humantong lahat ng yun sa'king tiyan. Mas humataw pa sa pag-disco ang mga insekto.

Shoot! Gusto kong sumigaw ng mura! Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong tumili at isigaw ang hindi ko maintindihan na emosyon. Naghalo na lahat. Hindi ako nakabalot pero pinagpapawisan ako ng todo!

Hinablot ko ang hawak ni Lian na plastic cup at muling uminom ng tubig. Nagtaka ako kung saan nanggaling ang dehydration na'to basta ayaw kong tumigil sa pag inom. Hindi napawi ang aking kaba kaya umalis na ako sa cottage at nagtungo sa dalampasigan. Patuloy pa rin ang pang-aasar ng tatlo.

Hinanap ko sila Archer at natagpuan silang naglalakad sa dalampasigan palayo sa resort na pinatilihan namin. Masyadong malayo kung susundan ko pa sila kaya kumaliwa ako't nagpunta sa isang bahagi ng resort na walang katao tao.

Malaking bahagi ng dalampasigan ang nasisilungan ng puno. Umupo ako sa buhanginan. Walang naliligo sa parteng 'to. Walang tumatambay. Ang sarap maglatag ng banig o di kaya'y maglagay ng duyan.

Lumingon ako sa likod, may foreigner na namamahinga sa isang outdoor lounge chair at nagbabasa ng libro. Siguro siya ang may ari nitong private resort. Hindi naman siguro niya ako sisitahin dahil sa trespassing. Mamaya na ako aalis kung papaaalisin niya ako.

Sinundan ako ng pangyayari kanina. Lumikha ng bola ang kaba at takot saka pinalamon sa'kin. Hindi lang binato kundi pinalamon mismo at nilunok ko naman ito ng buong buo.

Alam ko itong nararamdaman ko ngunit pilit kong nilalabanan dahil sa huli, ayaw kong masaktan si Riley. Hindi ko masasabing gagawin ko ito upang walang masaktan kasi ngayon palang, may nasasaktan na dahil mas pinili kong isalba ang mararamdaman ng isa. Hindi ko rin masasabing nagpapakamakasarili ako. God knows how I try to fight this!

Siguro naging mali ako sa pagpilit kay Azriel na pansinin ako dahil ngayon, ako naman ang nahihirapan. I got the taste of my own medicine. Ako ang napasubo. Tinamaan ako ng bala na ako mismo ang nagpakawala. Kaso nandito na e. Nangyari na. Ginagawa niya ang gusto niya na ako ang nag‒initiate sa kanya noong una. Eh malay ko ba na ganito ang mangyayari. Kasalanan ko ba? O sinadya ng pagkakataon na ganito ang mararamdaman ko?

I am officially at war with my heart. At wala manlang akong panangga. How could I ever not prepare for this?

Nilingon ko ang narinig na papalapit na hakbang. Kalmado ang mukha ni Azriel habang nakapamulsang naglalakad. Medyo natuyo na siya galing sa pagkakaligo kanina.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil kinikindatan na naman ako ng abs niya. Sinisiksik ko sa isip ang drawing na 'abs' ni Archer upang makalimutan ko ang pagkahulma ng kay Azriel. Para talaga siyang binuhay na sculpture at isang tanyag na iskulptor ang naglikha sa kanya. He is very well carved. He isn't even twenty one yet.

Tumabi siya sa'kin. Hindi ko siya matignan ng maayos. Naalala ko ang tingin niya sa'kin kanina. Kulang nalang nakikita ko ang porma ng mukha niya sa mga cloud formations.

Tinuon ko ang atensyon ko sa dagat upang pakalmahin ang sarili. Nakaka‒relax ang tanawin sabayan pa sariwang pagdaloy ng hangin. Kung si Azriel ang tanawin mo, ewan ko nalang kung kailan ka makakalma.

Nakaramdam ako ng kuryente nang pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.

"Can I?" nahihimigan ko ang kanyang pag‒aalinlangan.  Tinignan ko ang mga kamay namin. Tumango ako.

Why Amber? Akala ko ba gusto mong makalma? I'm far from being calm now as a matter of fact. Pero kahit ano naman ang mangyari basta't katabi ko siya, hindi magbabago ang hindi ko pagkalma. My heart always goes erratic everytime he's near around me.

"Amber." mahina niyang sambit.

"Ano? Kukurutin mo na naman binti ko?" kaswal kong ani.

Mahina siyang tumawa at nauwi sa pagnguso sabay iling. 

"Bakit?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya saka nag angat ng tingin sa'kin. Naningkit ang mga mata niya na parang pinag-iisipan ang kanyang sasabihin.

Hinintay ko siyang magsalita sa dumaang katahimikan. Naalala ko ang sinabi ni Terrell noon na samahan siya kung sakaling hindi siya magsasalita. Ito ang ginagawa ko. I let him linger with the silence. Ang malayang kamay ko ay dinadama ang pinong buhangin habang pinagmamasdan ko lang ang kamay niyang nilalaro ang mga daliri ko na para bang doon siya makakahuha ng kasagutan. 

"Ganoon ba talaga ang uncle mo?"

Ayaw ko lang ituon ang aking atensyon sa nararamdamn ko dahil sa pagkakahawak niya sa'king kamay. Gusto kong balewalain ang kung ano mang nagwawala sa dibdib ko kaya ito ang naisip kong diversion.

Kesa sa manatili kaming tahimik, mas mararamdaman ko ang nararamdaman ko ngayon. It may feel right and good but this isn't good. At all.

"Anong ganoon?" tamad niyang tanong.

"Parang ayaw ka niyang makipagkaibigan."

Nanahimik ulit siya, kasabay ang paghinto niya sa paglalaro sa'king daliri. Malakas ang pakiramdam kong pinag-iisipan niya kung sasabihin niya sa'kin ang isang bagay na wala siyang balak ipaalam sa iba, o baka ayos lang sa kanyang malaman ng iba, wala lang talagang nagtangkang umalam nito. Because let's face it, I think they're more interested in Azriel because of what they've seen in him superficially, so they didn't bother get to know him in a much deeper sense.

"Ayaw niya lang masayang ang ginagastos niya sa pagpapa‒aral sa'kin. As much as possible, I have to get pass to any distractions. " mahina niyang ani.

"Hindi ang papa mo ang nagpapa‒aral sa'yo?" maang-maangan ko.

Kung hindi ako magtatanong, mahahalata niyang may alam ako. Baka makaapekto pa 'to sa pagkakaibigan nila ni Terrell.

Iling ang sinagot niya sa tanong ko.

"Bakit Nursing?"

Humiga siya sa buhanginan na hawak pa rin ang kamay ko. Nilagay niya ito sa pagitan ng kanyang dibdib at 'abs' saka pinaglaruan ulit. Doon lang siya nakatingin.

"Si uncle ang pumili. I want to take the business course. Ganon din ang gusto ni dad para ako ang papalit sa kanya sa pamamahala ng business namin. But then gusto kong pumunta rito. He won't pay for me unless I stay there. He doesn't want to be here anymore. He doesn't want any of us to be here."

Maliit ang mundo. Ayaw ng dad niya dito dahil sa posibilidad na magkita sila ng mama niya na iniwan sila. Pero bakit galit ang pamilya ng mama niya sa dad niya? Gusto ko 'tong itanong pero magtataka naman siya kung bakit ko alam ang tungkol doon.

"Ayaw ng uncle mo na mag‒take ka ng business?"

Umiling siya. "My dad is his strong rival. They have been competing ever since. Kung magbi‒business ad ako, mauusungan namin ang pamilya niya. Alam nilang ako ang aatasan ni dad na magpatakbo sa business namin and uncle knows my dad at the back of his hand na magaling ang dad ko. So in that case pinag‒nursing niya ako, ang anak niya ang pinag‒business ad niya."

"Siya ba yung kasama niya nung nagpunta sila sa dorm niyo?" tanong ko.

Tumango siya.

"Hindi kayo close noh?" sinamahan ko ng tipid na ngiti ang aking pang uuyam.

Ngumiwi siya. "Never."

Gumaan ang loob ko sa kanyang pag open up tungkol sa ganitong usapan na hindi niya nagawa kay Terrell. Somehow he trusted me, and this is one of the things that I don't want to change even after this vacation ends. Pero sa tingin ko'y hanggang dito lang 'to.

Humiga na rin ako sa buhanginan. Nakaharap ako sa kanya. Sandali niya akong sinulyapan saka binalik ulit ang tingin sa'ming mga kamay.

"Saan pala ang papa mo?" tanong ko. Ayokong mantaili kaming tahimik sa buong magdamag.

"Australia."

"Bakit ikaw lang ang nandito?"

Nag iba siya ng posisyon at humarap sa'kin. Nasa dibdib na niya ang kamay kong hindi pa niya binibitawan. Walang naging epekto ang diversion kong panatalihin ang pakikipag-usap sa kanya. This feeling is overflowing and is hard to deal with.

"Ayaw ko na doon. Family issues. I can't stand being with his other family." mahina niyang sabi, at walang emosyon.

"Sinasaktan ka ba nila?" tanong ko.

Umiling siya. "I just think I don't belong there."

"You think you belong here, then?"

Sa pagkakataong ito, hindi na siya nagbitaw ng tingin.  Tinitigan na niya ako ng matagal mata sa mata at sa paraan ng kanyang tingin ay parang may gusto siyang ipahiwatig.

"Yes. I do."

Muling lumitaw ang nalikhang kaba at nilamon ako. Dahil ramdam na ramdam ko, may ibang ibig sabihin ang kanyang sagot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro