Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY NINE

CHAPTER THIRTY NINE

Suot ko ang pulang skater dress na niregalo sa'kin ni Lavinia. Ang sinabi niyang pinaghirapan niya 'tong regalo ay nakipag-agawan pala siya sa isang customer na gusto ring kunin ang dress since this is the last pair. Tawa lang ako ng tawa habang kinukwento niya ang buong pangyayari. I always find it amusing sa tuwing may tino-talk shit siya, sayang hindi ko 'yon nasaksihan.

Inimbita ko siya sa nightlife namin ngayon, pero hanggang gabi ang schedule niya sa kanilang OJT so she couldn't make it. Nagkaroon naman daw kami ng mini celebration nung araw ng birthday ko kaya ayos lang sa kanyang hindi makapunta.

"Nasaan ka na? nandito na kaming lahat!" tawag ni Kelly sa kabilang linya. Malabo sa pandinig ang kanyang boses dahil sa malakas na tugtugin at putol putol ang kanyang pagsasalita.

Pinutol ko ang tawag at tinext nalang siya.

Me:
Choppy ka. Malapit na ako.

Day off ng driver namin ngayon na si mang Cesar kaya nagtaxi ako. Sa unahan mismo ng bar ako nagpababa dahil kumpulan ang mga tao sa entrance. Lumabas na ako pagkatapos magbayad at tinext ulit si Kelly, tinanong ang pwesto nila.

Kelly:
VIP ;D

Bago ko pa siya mareplyan ay dumisplay ang pangalan ni kuya Ansel sa screen. Ba't ang late naman yata niyang tumawag?

"Kuya!" tinakpan ko ang isa kong tenga. Lumayo ako sa ingay ng bar upang magkarinigan kami.

"Musta?" walang bahid ng pagod sa boses niya.

"I'm good. Ikaw? Late na a. It's almost twelve."

Rinig ko siyang humikab at tunog ng pag-ungot ng swivel chair. "Sorry. Euan is still in Cebu while Gunner's with his girlfriend, kaya ako ang nagma-manage ngayon. Did I wake you up?"

Sumilip ako sa bar,"Hindi naman. So... kailan ka uuwi? I miss your arrogance."

Humalakhak siya. "Busy pa dito sa bar eh. Especially sa gabi, nightlife is on the rage these days. Barflies are in every corner. " Sandali siyang nanahimik," Hmm...I saw pictures of you sa facebook. You went to Bohol? You were with that walking guy."

He must be talking about Azriel. Misteryo pa rin sa'min ang paglalakad nila noong nakita namin sila ni Terrell kasama yung isang allied student.

"Yeah. Pumunta kami kina Lian."

"May picture pa kayong dalawa." panunudyo niya.

Napairap ako. "That was nothing. Inaasar lang nila kami."

And now that he has mentioned it, I wonder kung nasa loob siya ng bar. Napilit kaya siya ni Terrell na pumunta? Did he even want to come here in the first place?

Tinawanan ni kuya ang pagkainis ko.

"Nagkita na ba kayo nina mama at dad?" tanong ko. Napasandal ako sa pader nang may dumaang babaeng lasing na inaalalayan ng bf niya yata.

"Hindi pa, but they'll be meeting me tomorrow. They're too old to come here in the bar so sa condo ko sila pinapapunta. Anyways, belated happy birthday! You're twenty. Anong ginawa mo nung bday mo? At ba't ang ingay diyan? Where are you?" nakikita ko ang pagkukunot noo niya.

"I'm in my late birthday party with friends. And speaking of, miss ka na nila. Perhaps you give one of them a chance?" tumawa ako.

Palagi ko siyang inaasar about hooking up sa kahit sino sa kanilang tatlo. Iling at tawa lang ang sinasagot niya.

"They're going to be great girlfriends but...you know I'm not into the younger generation."

"Eh anong gusto mo? yung mga ka edad ni mama? O yung mga matatandang madaling mamatay?"

Kuya Ansel laughed hard. Bigla itong naputol kasunod ang nag-uusap na mga boses. Hindi ko makuha ang kanilang pinag-uusapan. I can only tell that it's about the bar o baka may complaining customer.

Nagsara ang pinto sa kabilang linya.

"I'll hang up now." ani ni kuya.

"Is everything okay?"

Sumingasing siya. "Just a light slip up from our new bartender."

"Oohkay..."

"Sige, bye. Enjoy your night!"

Nagmartsa na ako pabalik sa bar pagkatapos ng tawag. Bumungad sa'kin ang usok at laser lights. The whole scenario is filled with fluidly dancing bodies.

Ang mga nasa bar counter at nagso-solo flight ay tinatanaw lang ang nagsasayawan habang hawak ang kanilang mga inumin, probably drowning their sorrows. The usual bar scene.

Sinuyod ko ang paningin sa mga VIP lounges, unang nakita ko si Kelly na nakatapak na sa sofa habang wild na sumasayaw. But I know her, as much as possible she will never get herself drunk. She just wants to have fun and act crazy.

Hinanap ko ang hagdan patungo sa VIP. Matagal bago ko ito nahanap dahil natatakpan ng mga tao. Punong puno ang bar ngayon.

Si Noemi ang unang nakakita sa'kin at agad akong kinawayan. Habang papalapit ako sa kanila, naaninag ko ang iba pang naroon. Lumawak ang ngiti ko nang makita si Archer. This night's never gonna be boring.

Pero kasabay nito ang pakiramdam na parang may pagbagsak na nangyayari sa tiyan ko pagkakitang walang niisang senyales niya. I haven't even seen Terrell. Because honestly, I expected Azriel to come.

Ewan ko kung tama bang isipin na mabuti na ring wala siya rito kahit gusto ko siyang maparito. Maybe this is my chance to forget about him just for once in a while.

"What took you so long? Akala tuloy namin sa ibang bar ka napunta." aniya.

"Kausap ko pa kasi si kuya." nilapag ko ang sling bag ko sa sofa.

Papaayos palang ako ng tayo nang bigla akong yakapin ni Kelly sa leeg. Bahagya akong napaatras. Naamoy ko ang whiskey sa kanyang paghagikhik.

"We've been waiting for you. Tara sa dance floor!" bumaba siya sa sofa at hinanap ang kanyang wedges.

"Wait! Let me have a shot muna!"

Pinakitaan ako ni Lian ng dalawang bote. "Choose. Whiskey or Vodka?"

Tinuro ko ang vodka. Sinalinan niya ako ng shot. I thought of having one too many. Nasabihan ko naman si manang Terry na hindi ako sure na makakauwi ako para hindi na siya mag-alala.

"Whooo!"

Naghiyawan kami ni Kelly pagkarating namin sa dance floor. Lian ad Noemi chose to stay sa sofa, doon nalang daw sila para mabantayan nila kami dito mula sa taas.

Tinaas ko ang mga kamay ko saka ginulo ang aking buhok. Nagawa ko na 'to noon, at kumpara sa usok na bumabalot ngayon, mas makapal yung sa isang bar na napuntahan namin noong second year kami. So I don't worry for an incoming asthma attack. That medical condition will never ever stop me from having my dose of fun.

Gulat akong napaharap nang may biglang yumakap ng mga braso sa'king baywang. Mas nagulat ako pagkakitang si Azriel ito. Namumungay ang mga mata niya, naniningkit na parang sinusuri kung may katotohanan ang nakikita niya ngayon, o dahil ba sa nakakasilaw na laser lights. Nakaawang ang kanyang bibig kaya nalanghap ko ang amoy whiskey niyang hininga.

"Please tell me I'm not drunk enough to assume that you're just a figment of my imagination."

Nakatunganga lang ako sa kanya. Matagal nanatili ang pagkagulat ko. Gulat, surpresa, mangha. God he's here! And he's holding me tightly, like I'm some world treasure that he doesn't want to let go or hand me in any museum.

"I hope you won't fade if I blink once, twice or more..." lasing niyang sabi habang pinipilit na hindi mapapikit.

Hinawakan ko ang mga balikat niya, bahagya ko siyang pinalayo sa'kin upang matignan siyang mabuti. Naduduling ako sa lapit ng distansya namin.

"You're slightly drunk, but I'm not your imagination." sabi ko.

Mangha niya akong tinitigan. May kasabikan niyang kinuwadro ang aking pisngi, na para bang isang dekada kaming hindi nagkita. He got me by his drunk stare. "Hindi ka ibang babae? Hindi ka ibang babae at nakikita ko lang siya sa'yo?"

Has he mistaken other girls as me? I could never imagine kung ano ang mga ginagawa nila sa lalakeng kaharap ko.

Inosente akong umiling. If he's not drunk, I wonder if he would get close to me like this. I wonder kung gagawin niya 'to, na kulang nalang mahahalikan na niya ako.

At ngayon ko napagtanto, na hinahanap ko ang pagkakahawak niya sa'kin ng ganito, just like our last night in Bohol.

Galak siyang ngumiti na nahantong sa pagtawang nahaluan ng hagikhik. Naweweirduhan ko siyang tinignan. He sounded cute with that giggle but weird.

Namumula ang mukha niya sa epekto ng kanyang ininom."You're real? You're my Amberlyn?"

"I'm Amberlyn, but I'm not yours."

Not yet.

He still giggled saka pabagsak akong niyakap. Si Azriel ba 'to? I'd never heard him giggled before.

Sa kalasingan niya, kailangan kong pasanin ang kanyang bigat. Binaon niya ang kanyang ulo sa'king leeg habang parang unan niya akong niyakap ng mahigpit.

Inikot ko kaming dalawa para maharap ko ang VIP lounge na kinaroroonan nila Lian.

"Lasing na." I mouthed to them, tinuro ko ang nakayakap sa'king si Azriel habang inuugoy ugoy akong sinayaw.

Nagtawanan lang sila. Nandoon na si Terrell at binigyan ako ng thumbs up. Like what? His best friend here is weirdly drunk at wala lang sa kanya 'yon?

Hinanap ko si Kelly. Kasayawan na niya ngayon si Brennan kasama ang isa pang babae na hindi ko kilala. Kami lang yata ni Azriel ang hindi wild na nagsasayaw ngayon, but our distance can be considered as intimate.

"Please don't be a dream. I miss you so much." bulong niya sa tenga ko.

"I'm not a dream." kalmado kong sabi. Nagtatalunan na ang mga taong nakapaligid sa'min, pero kami, nagslo-slow dance lang.

"You're like a mental disorder personified." patuloy niyang wika.

He has been talking nonsense. Yung iba hindi ko maintindihan. They're more like murmurs or sweet nothings. Natatawa nalang ako.

"Shut up. You're drunk."

He chuckled. "I'm drunk on you."

Nagpigil ako ng ngiti at tinago ang mukha ko sa kanyang dibdib. We're slow dancing to the rhythm na kami lang ang lumilikha at kami lang ang nakakarinig. The loud dance music was muffled in our own world.

"I'm sorry." bahagya siyang kumalas. May takot akong nakikitaan sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. "Are you mad at me? Wala lang kami ni Ellis, okay? I didn't fuck her. God! I would never do that! Please baby...ako nalang...ako nalang...." marahan niyang inaalog ang balikat ko, nagmamakaawa.

"I'm not mad." mahigpit kong sabi.

"But you seem mad nung huli tayong mag-usap. When I held your hand..." pikit siyang umiling. "You didn't even let it last long."

Hindi ako nakaimik. Sa mga pinaghalo-halong nararamdaman, hindi ko alam kung alin ang unang isaboses. Gusto kong may masabi ako sa kanya, kasi parang sasabog na ang puso ko kaya nais kong bawasan ang napupunong damdamin na nanatiling nakakulong. They demanded for freedom. They demanded to be said outloud!

Nilagay niya ang isa niyang kamay sa likod ng aking leeg. Nanatili ang isa sa'king baywang.

"I was just trying to be nice to her, baka kasi makalimutan kita. Dahil sa pagkakaalam ko, you want to forget me because you're so in love with your ex boyfriend. Pakiramdam ko wala akong laban. I was just trying to look for someone who can reciprocate my affection. But she's not you."

"Bakit mo yan sinasabi? I'm not jealous okay?" pahayag ko. Mas kinumbise ko ang aking sarili, but the conviction's weak.

Pinaningkitan niya ako ng mata kasabay ang pagtataas niya sa'kin ng kilay. Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo. "I didn't ask if you were jealous. I just asked if you're mad."

"Pero ganon na rin ang pinapamukha mo sa'kin, na nagseselos ako. Because you were explaining to me when you didn't even have to."

Umangat ang isang gilid ng kanyang labi. Naglakad siya patalikod. Nagtataka ako sa ginagawa niya.

Bago pa siya malamon ng mga nagsasayawang tao, may bigla siyang hinilang babae na hindi manlang ito tinitignan. Nagulat ang babae nung una ngunit nang makaharap si Azriel, wala pang segundo niya itong ningitian at mas lumapit pa.

Binulungan siya ni Azriel, at kita ko ang pagkagat niya sa tenga ng babae na ngayo'y humahagikhik at hinahaplos ang matipuno niyang dibdib.

Sinubukan kong maipakita ang pagiging kalmado ng aking mukha. Nagawa ko naman pero hindi ang pagpapakalma ko sa nagwawala kong puso. Hindi ko alam na may kakayahan pala akong manakit ng tao kahit sa isipan ko manlang at imahinasyon. Bago ko pa yun maisakatotohanan, nagmadali akong nagmartsa palabas ng bar.

Mabilis ang paghinga ko. Sa sakit, takot, mga napagtanto, lahat na yata ng klaseng emosyon ay dala ko na. Pinasan ko na lahat. Pati ang mga pinakamahirap na desisyon ay binabaliw na rin ako.

Ayaw ko lang namang makasakit, pero bakit doon pa rin ang patutunguhan ko? I can sacrifice my own heart for the benefit of the other, but I lost my control. Hindi ko napigilan.

May marahas na humila sa'kin at dinala ako sa parking lot. Sa panghihina ko, sa nagbabadyang luha, hindi ko nakuha pang lumaban at nagpahila nalang.

Naaninag ko ang pamilyar na sasakyan ni Terrell at doon ako sinandal ni Azriel. Hinawakn niya ang magkabila kong balikat, hinahabol ang aking tingin.

"C'mon Amber. Itatanggi mo pa ba sa'kin? Anong makukuha mo kung hindi mo aaminin? Kasi ako Amber inaamin kong nagseselos ako sa tuwing may lumalapit na ibang lalake sayo. I won't deny it. I'm not even close into denying it!"

Wala na siyang bahid ng kalasingan. Was he even drunk? O napagkamalan ko lang ba siyang lasing kanina?

"Hindi...hindi pwede..."

"Anong hindi pwede?" halong pagsusumamo at frustration ang nahihimigan ko sa kanyang boses.

"Riley...Si Riley...No..." panay ang aking iling.

Nakatingin lang ako sa lupa. Kung titignan ko si Azriel baka bibigay na ako, baka tuluyan na akong matalo sa pinaglalaban ko.

Lumamyos ang kanyang ekpresyon. "Do you still have feelings for him? Kakayanin kong walain 'yon. Be with me."

"Hindi pwede! Masasaktan siya. Magkakabalikan pa kami!"

"But do you still love him? Hindi na di ba?" naninigurado niyang tanong. Pero sa kanyang tono, parang sigurado siya sa sinabi niya.

Napatitig ako sa kanya. Napatanga. Hindi ako makasagot. The question was meant to confirm my feelings.

Kinuwadro niya ang aking mukha saka pinadulas ang mga kamay sa'king buhok. He cradled my head. May pagintindi niya akong tinignan. "Siya ang nakipaghiwalay, so he has no right to stop you from loving someone else." Nilapit niya ang mukha niya sa'kin. Maigi niya akong tinitigan sa itim niyang mga mata. "Do you love me now, Amber?"

"Ayoko siyang saktan. Ayoko..." wala sa sarili kong sabi. Winala niya ako sa mga mata niya.

"Ayaw mo?" panunuya niya. "Pero wala ka nang magagawa. Mahal mo na ako, di ba?"

Mahigit kong hinawakan ang harap ng kanyang shirt. "How can you be so sure?"

Gumalaw ang kanyang panga. Naging matalim ang paraan ng titig niya. What did I do? Kinakabahan ako. "Wag mo akong pigilan Amber."

"Huwag pigilan na ano? Eto?" hila ko sa kanyang shirt kaya mas napalapit pa siya sa'kin. "O ang kung anong gusto mong gawin?"

"The latter." bulong niya. Magtatanong pa sana ako ngunit nalamon na niya ang distansya namin.

Nakaawang na ako kaya madali lang sa kanyang mahalikan ako. He did an open mouth caress, pero mas tinuon niya ang paghalik sa itaas na bahagi ng aking labi. May sarili ang labi kong suklian ang bawat paghagod niya.

Nadagdagan ang kaba ko na humantong sa panghihina ng aking tuhod. Nadagdagan ang dahilan ng pagsabog ng puso ko at hinigop nito lahat ng aking lakas.

Sa pagdama ko sa malambot niyang labi, mariin akong napapikit at napaluha. Napahigpit ang pagkuyom ko sa kanyang shirt, bumaba ang mga kamay niya sa'king baywang at mas diniin pa niya ako sa sasakyan. Tuluyan na akong napaiyak habang hinahalikan siya.

"Amber?" nag-aalala niyang sambit pagkabitaw namin.

Hindi ko na siya hinayaang punasan ang luha ko. Mabilis akong lumayo sa kanya. Hinubad ko ang aking heels upang mas makatakbo ako ng maayos palayo.

"Amber!"

Hindi ako lumingon, at wala akong balak. Nakapara ako ng taxi at kaagad na sumakay. Sinabi ko lang ang address ng subdivision namin. Buong biyahe akong tahimik na lumuha upang hindi mapansin ng driver.

Napahawak ako sa'king labi. I kissed him back. At ramdam na ramdam ko pa ang init ng halik niya. Mas lalong nagbagsakan ang mga luha ko.

Bumaba ako sa harap ng bahay nina Riley. Ilang ulit kong pinindot ang doorbell. Wala akong pakialam kung magigising ko ang parents niya. Hindi ko na alam ang mga pinag-iisip ko. I have to keep my mind straight pero baluktot na 'to ngayon.

Bumukas ang pinto at ang taong gusto kong makita ang humarap sa'kin. Kinukusot niya ang inaantok niyang mga mata at pinasidahan ang magulo niyang buhok.

Ilang beses siyang kumurap bago gulat akong tinignan. "Amber? It's late. Mag-uumaga na."

Sa kanyang paglapit, nalipat sa pagtataka ang kanyang ekspresyon. I could feel my mascara smearing my face.

"What happened?"

Tuluyan akong bumagsak sa kinatatayuan at tinakpan ang aking mukha

"I'm in love with him Riley...I'm in love with him, I'm sorry..." humagulhol ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro