THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FOUR
_____________________________________
Maaga kaming umalis kinabukasan dahil sa dami ng pupuntahan namin. Hindi pa na full charge ang phone ko ay nilisan na namin ang bahay nina Lian kaya paniguradong mae-empty battery na ako bago pa man kami makabalik.
Wala pa kami sa aming destinasyon ay nadaanan namin ang Chocolate hills. Dulot ng nagdaang lindol, may ibang nahati na mga burol .
Pansamantalang huminto ang van para mas matignan namin ang mga ito ng maayos pero hindi kami bumaba. Sina Archer at Brennan ay aliw na aliw sa pagpicture sa dalawang magkatabing burol na mistulang dibdib ng babae.
Dumating kami sa Sagbayan Peak Park. Sumalubong sa amin ang isang life size T-rex dinosaur at mga higanteng disney characters. Inabot namin kina Lian at ate Gwen ang aming bayad para sa entrance.
Sinuot ko ang aking sunglasses saka inayos ang crop longsleeve top at denim shorts pagkababa ng sasakyan. Hindi nasita ni Azriel ang suot ko ngayon dahil nauna akong pumasok sa van kanina. Gusto pa sana niyang tumabi sa'kin pero naunahan siya ni Kelly.
Nilingon ko ang aking kanan nang maamoy ang kanyang pabango. Hinubad niya ang kanyang puting cap at sinuot ito sa'kin.
"Ayoko, may shades naman ako." hinubad ko ang cap ngunit pilit niyang binalik. Salubong na naman ang kanyang kilay.
"Takpan mo mukha mo." utos niya.
"Huh?" naguguluhan ko siyang tinignan. "Bakit?" ano na namang problema niya?
Pumalatak siya't iriatadong kinamot ang kanyang buhok. "Ang ganda mo kasi. Kainis!"
Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa estatwa ng nakangangang dinosaur. Paano matatakpan ng cap ang mukha ko eh takip yun sa ulo? Hindi sa mukha!
Inismiran ko nalang siya't umuna sa paakyat na pathway patungo sa pavillion. Doon ako mahinang tumawa. Naramdaman ko ang kanyang pagsunod dahil sa malutong na tunog ng maliliit na batong naaapakan niya.
Parang buong Bohol ang nakikita pagkarating namin sa view deck. Maganda siguro dito kapag gabi dahil sa mga citylights. Pinag-aagawan naming gamitin ang hindi na gumaganang telescope.
Galing sa pavillion, may daan na pinagigiliran ng mistulang mga pine trees. Nagpakuha ako ng picture doon kay Azriel dahil siya ang mas malapit, ang iba kasi ay may kanya kanya nang pagpapapicture katulad nina Archer at Brennan na nakahawak ang mga kamay sa boobs ng estatwa ng sexyng babae. Kinunan sila ng litrato ng natatawang si Kent.
"Ang mamanyak niyo!" halakhak ni Kelly, pababa sila sa hagdan karugtong ang panibagong daan na papaakyat tungo sa mas malaking view deck kung saan mas matatanaw ang Chocolate hills.
"Inggit ka lang kasi hindi ko hinawakan ang sa'yo!" tudyo ni Brennan.
"Gago!" binato siya ni Kelly ng kanyang sapatos na may mga studs. Natamaan si Brennan sa braso. Kinuha niya ang sapatos ni Kelly saka sila naghabulan. Sinundan yun ng pang aasar namin.
"Ikaw naman, picturan ko." nilapitan ko si Azriel at nilahad ang kamay ko upang ibigay niya sa'kin ang aking cellphone.
Ngiti siyang umiling at nilayo ang phone ko. "I prefer taking pictures of you."
Sandali ko siyang tinignan, pinigilan kong hindi mailang. Do I have to get used to him being like this? Kasi kapag tapos na ang kasunduan namin, baka hahanap-hanapin ko na ito. Ngayon pa nga lang ayaw ko nang matapos 'tong bakasyon.
"Sinabi mo iyan ha?" tinuro ko siya saka ako humakbang paatras.
Hindi natanggal ang kanyang ngiti at naaaliw niyang mga mata habang umaabanteng nakasunod sa'kin. Nahagip ko ang playgroubnd sa gilid saka doon tumakbo.
"O dito, kunan mo ako." umupo ako sa swing. Inuugoy-ugoy ko ang swing sabay picture niya sa'kin.
Muli kaming naglakad at naghanap ng magandang spot na pagpicturan. Karamihan sa mga natatanaw ko ay color green. Isang araw o one week after nito paniguradong halos lahat kami gagawing primary picture ang mga kuha namin dito.
Sumakay ako sa likod ng higanteng estatwa ng giraffe. Si Azriel ay mukhang nagsimula na namang mainis dahil palagi siyang nasa ilalaim ng mainit na sikat ng araw. Panay ang punas niya sa kanyang pawis, buti nalang nagdala siya ng panyo.
"Dito!Dito kunan mo ako bilis!" masigla akong tumakbo papunta sa isa pang estatwa ng hayop. Sa nguso ng elepante.
"Inaalipin mo ba ako?"
Gusto kong matawa sa kanyang pagsimangot.
Umalis ako sa pagkakaupo sa nguso ng elepante. "O, akala ko ba mas gusto mong kunan ako ng picture?"
Inalis niya ang kanyang Ray Bans at pinunasan ang paligid ng kanyang mata.
"Tsk. Kulit!" rinig kong bubulong bulong niya. Muli niyang sinuot ang sunglasses habang nilalapitan ako.
Hinila niya ako sa ilalim ng puno kung saan hindi na mainit. Iyan kasi, pinasuot niya sa'kin ang kanyang cap kaya siya ang naiinitan.
Saglit siyang may pinindot sa'king phone bago niya ito itinapat sa'ming dalawa. Inakbayan niya ako. Simpleng ngiti lang ang pose ko. Sunod ay inalis niya ang mga sunglasses namin saka nag-picture ulit.
"Ayaw mo ng solo shot?" tanong ko habang tinignan namin ang mga kuha. Gusto ko yung wala kaming sunglasses dahil kita ang mga mata namin. Maganda ang mga mata niya, ngumingiti rin.
Iling ang sagot niya sa tanong ko.
"May selfie ka?" tanong ko ulit.
Umismid siya, parang nandidiri. "Wala."
"Stolen, marami noh?"
Tamad siyang nagkibit balikat siya. "Ewan."
Tinulak ko siya patagilid gamit ang balakang ko. "Hmm...pa-humble."
Natatawa niyang piningot ang ilong ko saka kami humakbang paalis sa puno. Nilingon namin ang paparating na ingay ng iba. Sila lang naman kasi ang nag-iingay dito.
"Hoy kayo!" turo ni Kelly sa'min. Nakasabit sa leeg niya ag DSLR ni Lian. "Picturan ko kayo! Akala niyo ha?"
Umatras kami pabalik sa puno.
"Hindi diyan! Doon sa may parang mga pine trees!"
"Mamaya na pagbalik natin doon." sabi ko.
Sandali lang ang tinagal nila sa Kids town---kung saan may mga life size superheroes at playhouses---bago kami bumalik sa pavillion. Nagpakuha kaming sama sama lahat sa may pine trees kay ate Gwendolyn. Sa pangunguna na naman ni Archer ay nagsuggest siyang kunan silang lahat ng boys kasali si Carlo. Kanya kanya silang pwesto sa magkabilang puno na parang mga unggoy. Sumunod ang madramang pose kung saan seryoso silang lahat. Bumaba na kami upang puntahan ang mga tarsier.
"Tara Carlo, bisitahin natin ang mga kamag anak mo sa baba." Inakbayan ni Archer si Carlo.
"Baka kapatid mo."
"Mata palang, mana na sa'yo." turo ni Brennan sa picture ng tarsier.
Pumasok kami sa mistulang maliit na dome. Liblib ang paligid, puro halaman. Panay ang tingala ko upang hanapin ang tarsier. Madali lang naman siguro silang ma-identify dahil green ang mga halaman samantalang kulay brown sila. Naglikha ng tunog si Carlo na para siyang magpapakain ng manok.
"Ayun!" lumapit ako kay Kelly pagkadeklara niya nun.
Mahina siyang hinampas ni Noemi. "Huwag mong gulatin."
"Paki-off lang po ng flash ng cameras niyo po." ani ng isang tagabantay bago pa man mapindot ni Kelly ang button. Inalis niya ito sa kanyang mata upang i-adjust ang settings.
"Nabubulag po ba sila sa flash?" tanong ko sa tagabantay na nasa likod lang namin.
Muli akong tumingala sa sanga kung saan nagtatago ang inosenteng tarsier. Ang laki nga ng mga mata nila! Akala ko photoshop lang sa picture.
Tumango siya. "At mabilis po silang ma-stress. Tendency, baka mag-commit sila ng suicide."
Napanganga ako sa nalaman. Eksaheradang nag-react si Kelly na nagulat rin.
"Ang emo pala nila." komento ni Carlo sa di kalayuan. Nasa isang gilid siya at parang may nakita ring tarsier.
"Bakit tatlo lang ang nakikita ko? Nasaan ang iba?" biglang sulpot ni Azriel. Hindi na siya nakasuot ng sunglasses.
May kung anong pinaliwanag ang tagabantay. Ang pinakamalinaw doon ay ang 'endangered'. Sayang, cute pa naman sila.
Kaya siguro palagi silang nagtatago at parang takot, mga anti-social sila at suicidal. Nangangagat kaya sila? Hindi ko nga alam kung may ngipin sila dahil parating nakatikom ang kanilang bibig. Mata lang nila ang nakabukas. Pero ang cute nila kapag nakapikit, gusto ko sila gawing keychain.
Sunod kaming nagpunta sa Shiphaus, pangalan palang maiisip mo na ang bahay na hugis barko. Marami rin kaming kuha doon lalo na sa bar nila at ang pagsusuot ng Captain hat.
Sa Carmen ang sunod naming destinasyon. Dito maraming mga tao dahil kitang kita ang buong Chocolate hills. Kailangan lang akyatin ang 213 steps na hagdan para makarating sa observation deck para sa mga dayo na gustong matanaw ang view. Pati yata Cebu makikita galing rito.
Hindi ako umakyat, baka atakihin pa ako ng hika. Nanatili ako sa baba habang naghihintay sa kanila.
Umupo ako sa pipe fence at dinama ang sariwang hangin. May nakikita rin naman ako ditong ibang mga burol, pero mas maganda talaga kapag nasa pinakatuktok. Nakaharap ako kay Kelly na nagpapa-massage sa isang bulag sa halagang fifty pesos. Hindi rin siya umakyat dahil tinamad.
Naningkit ang mga mata ko sa papalapit na si Azriel. May dala siyang dalawang plastic bottle. Maputlang yellow ang laman ng isa at ang hawak niya sa isang kamay ay parang chocolate flavoured. Akala ko sumama siya sa kanila sa taas?
Naka white v-neck at dark pants lang siya ngayon. Lumakas ang dating niya dahil sa kanyang Ray Bans at sa paraan ng kanyang paglalakad na may tikas dagdagan ng makapal niyang buhok na nililipad ng hangin. Diretso lang ang tingin niya at di manlang nag atubiling lumingon sa ibang direksyon.
"Ano yan?" tanong ko pagkahinto niya sa'king harapan.
"Pili ka." aniya
Tinuro ko yung maputlang yellow. Binigay niya ito sa'kin saka siya umupo sa tabi ko. Inayos niya ang pagkakalagay ng cap sa'king ulo.
Binuksan ko ang bote at uminom. Mango shake. Masarap siya.
"Ba't di ka umakyat? Nakapunta ka na rito?" tanong ko. Ang sarap ng shake kaya panay ang tungga ko.
"Wala ka kasi dun."
Nag iwas ako ng tingin sa kanya at uminom muli ng shake. Ang malaya kong kamay ay kumapit sa fence bago pa ako mahulog mula rito.
Napaigtad ako nang maramdaman ang pagtapon ng maliit na bato sa'king paa.
"Respeto naman sa'kin dito. Single pa ako utang na loob!" sabat ni Kelly na napapakit sa paghilot sa kanya sa balikat.
"Huwag po malikot mam." mahinahong sita sa kanya ng taga-masahe.
Kumain kami ng lunch sa Logarita Springs, maaga na namang nakapagluto ang katulong nila Lian. Sa Magsaysay Park kami nagpunta pagkatapos. Magpapakain kami ng mga unggoy!
Patakbo kaming nagtungo sa isang malaking cage kung saan nag-aakyat baba ang mga unggoy. May nagtatanggal pa ng kuto sa isa at nagkakarga sa kanyang baby monkey. Natawa ako nang makita ang isang unggoy na tinulak ang nang-agaw sa kanya ng pagkain.
"Welcome home Carlo!" taas kamay na sigaw ni Archer.
"Ba't ba palagi nalang ako ang inaasar mo? Ang dami natin dito ako lang ang napapansin mo!"
Nagtawanan kami habang kumukuha ng malilit na hiwa ng saging sa plastik na nilahad sa amin. Pinagmasdan ko muna ang walang takot na si Kelly. Sa dami ng nilahad niyang mga saging sa kanyang palad, kinuha yun lahat ng isang unggoy lang kaya nagkahulog hulog ang mga ito pagkabalik niya sa cage dahilan ng tawanan namin.
"Pinakyaw lahat?" manghang wika niya.
"Dapat isa isa lang po para hindi madaling maubos." ani ng isa sa mga tagapamahala.
Nagtaka ako dahil hindi sila nakakulong. Ang daming mga nasa taas sa cage at ang iba'y lumalambitin sa puno. Hindi ba sila tumatakas? At saka isa pa, ang iingay pala nila. Akala ko shy type sila. Kung magkalahi sila ng mga tarsier, I wonder if they're also suicidal.
Sinubukan kong magpakain. Natakot ako nung una baka kasi kagatin ako. Pabiro akong tinulak ni Lian kaya mabilis akong umatras.
"Hindi ka niyan kakagatin Amber!" palubang loob ng mga boys.
"Baka kamay ko ang kunin niya, hindi yung saging!" taranta kong sabi.
Nilingon ko ang humagalpak na si Azriel at relax lang na nakapamaywang.
"Ikaw kaya magpakain!" pinandilatan ko siya. Bahagya siyang huminahon saka tumikhim.
"Ikaw lang papakainin ko." pigil siyang ngumiti.
Pinaloob ko ang aking labi saka inikutan siya ng mata kasabay ng pang aasar ng mga nakarinig.
Nagtagumpay ako sa pagpapakain. At hindi ako kinagat. Mailap yung unggoy na lumapit, yung saging lang naman ang pinunta niya tapos ay kaagad siyang tumakbo pabalik sa cage.
Ilang minuto ang tinagal namin. Nagtungo kami sa daan, malayo sa cage at sinubukan silang tawagin. Nag-aalinlangan silang lumapit sa'min, parang takot makidnap. Ang iba ay sa puno dumaan.
"Hindi ba nila susundan itong van kapag umalis na tayo?" tanong ko nang may makita pa ring nagkalat na mga unggoy.
Tawa lang ang sinagot ng pinagtanungan ko. Nagsipasukan na kami sa van.
"Oh Carlo, ba't ka sumama? Akala ko mananatili ka rito sa mundong kinagisnan mo?"
"Letse ka talaga Archer!"
Bahagyang dumilim at lumamig ang paligid pagkarating namin sa Man-Made forest. Paniguradong makapal ang hamog dito tuwing umaga. Feeling ko nasa isa akong vampire movie. Mistulang naging kisame na ang magkadugtong na mga sanga't dahon sa bawat magkatapat na puno. Gloomy ang dating at nostalgic lalo na't umaambon.
Nagkanya kanya kaming pwesto sa gitna ng daan upang magpakuha ng picture. Ngunit nang makarinig ng silbato ng paparating na sasakyan ay tumitili kaming nagsitakbuhan pabalik sa gilid ng daan. Nahati pa kami dahil sa pagkataranta Nasundan yun ng tawanan namin dahil sa kakaibang thrill. Ang laki nung trak na dumaan!
Ganoon lang ang eksena namin, tilian kapag may paparating na sasakyan hanggang sa wakas ay nakapicture rin kami mapa-solo o group shots.
Nasiyahan ako sa Butterfly Sanctuary. Inuyog nung tour guide namin ang isang puno kaya samo't saring mga paro-paro ang nagsiliparan. Kinunan yun ng picture sa DSLR ni Lian na hawak na ngayon ni Terrell.
Kinuha ni Azriel ang isang nananahimik na itim na paro-paro. Nilagay niya ito sa kamay ko. Hawak niya pa rin ang aking cellphone.
"Hindi pa ba low bat?" tanong ko.
Binaba niya ang phone at tinignan. Umiling siya. "Fifty one percent."
"Okay. Kaya pa iyan."
Nag-pose na ako kasali ang butterfly sa kamay ko. Tiniming niya ang kuha sa pagbuka ng pakpak ng paro-paro.
"Maganda?" nilapitan ko siya upang tignan ang shot.
"Kailan pa ba hindi?"
Kahit naiilang ay tinignan ko pa rin siya. "Yung picture ang ibig kong sabihin."
Ngumiti lang siya at nagkamot sa kanyang batok. Tinignan ko ang mga kuha niya, in fairness magaling siya.
"Ikaw, ayaw mo talaga?" kanina pa siya picture ng picture, niisa wala siyang solo shot. "kahit pang profile pic lang."
"Wala akong FB."
Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso? Eh Instagram?"
Umiling siya. Matagal ko siyang tinitigan upang hintayin ang kanyang pagtawa at pagsabi na nagbibiro lang siya, pero wala. Inosente niya lang akong tinitigan. Ganyang ka-modernong tao walang niisang social media account?
"Tao ka ba?"
Bahagya siyang napaatras at pigil tawa akong tinignan. "Pick up line ba 'yan?"
"Hindi. Seryoso, tao ka ba? niisang account wala ka?"
Nakanguso siyang umiling.
"Kahit Skype? Paano ka nakapag-communicate sa iba mong kamag-anak?"
"Overseas call." kaswal niyang sabi.
Sinundan namin ang aming mga kasama papasok sa maraming halaman at malalaking bulaklak.
"Mas makakalibre ka kung may Skype saka Viber din. Pero kailangan may internet connection." sabi ko. Pumantay siya sa'kin sa paglalakad.
"Wala din ako nun."
Napahinto ako. "Wala kang Viber o internet?"
Walang pahintulot siyang pumitas ng bulaklak sa isang halaman sa paso at sinuot ito sa'king tenga. "Both."
Nanatili ang kamay niya sa dulo ng aking buhok.
Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ng pinag-uusapan namin sa paraan ng kanyang pagtingin ngayon na parang sinasaulo niya lahat ng detalye ng mukha ko. Nasa collar ng aking longsleeve shirt ang aking sunglasses at natukso akong suotin ito pero huli na. Nagkatitigan kami.
Tinaas niya muli ang aking cellphone at kinunan ako. Hindi ako prepared kaya paniguradong ang tanga kong tignan sa picture na 'yon!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro