Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY

CHAPTER THIRTY
______________________________________
Hindi natinag ang aming titigan sa mga yapak sa hagdan at sigaw ni Brennan na maghanda na kami para sa pag alis.

Hinaplos niya ang aking pisngi bago siya tahimik na lumabas ng kwarto. Nagkagulatan pa kami ni Noemi na pakatok palang sa pinto. Nakabihis na siya hawak ang kanyang damit kanina at nakapulupot ang towel sa kanyang ulo. Palipat lipat ang tingin niya sa'min ni Azriel.

"We just talked." ani ni Azriel sa mababang boses saka diretsong pumasok sa kabilang kwarto.

Kinuha ko ang aking bag at umupo sa kama. Nilabas ko ang aking mga damit upang mamili ng susuotin at dadalhin.

"You okay?" maingat na tanong ni Noemi na naupo rin sa kama at naga‒
apply ng lotion sa kanyang maputing binti. Naka floral shorts siya ngayon at puting loose shirt.

Tipid ko siyang ningitian saka tumango. Kinuha ko ang bikini pair ko at hiniwalay sa mga hindi dadalhin at susuotin ngayong araw.

"I know you've been troubled Amber. You can talk to us. "

Bumuntong hininga ako at nahinto sa ginagawa. "Halata ba?"

Wala naman akong nabanggit sa kanila tungkol sa issue na 'to. Kung meron man, hindi ko naalala.

Tinanggal ni Noemi ang pagkakabuhol ng towel sa kanyang ulo saka kinusot ito sa kanyang buhok. Kumalat ang pinaghalong amoy ng kanyang shampoo at lotion. "Si Lian ang unang nakapansin. Alam mo naman si Psychic Queen."

Hindi na ako magtataka kay Lian. Palagi naman siya ang unang nakakapansin.

Dalawang tao ang hinintay ko bago ako nakaligo. Sa loob ng cr na rin ako nagbihis dahil nakakahiyang magta‒towel lang ako palabas lalo na't nakatambay ang mga boys sa sala.

Sinuot ko muna ang swimwear ko saka sinapawan ng jean shorts at deep red na ruffle crop top. Sinadya kong hindi magdala ng pants dahil naiinitan ako. At saka hindi ko feel mag pants kapag nagbabakasyon lalo na kapag pupunta sa beach.

Rinig ko ang pagdating ng van na sasakyan namin at ang ginamit namin noong first day. Pagkatapos kong mag ayos at sinuri ang mga dadalhin ay nagtungo ako sa balcony. Nagtulungan ang mga boys sa paglagay ng mga pagkain sa likod ng van at cooler laman ang mga drinks. Sinabay na rin nila ang pagpi‒picture. Si Terrell ang may hawak ng DSLR. Hindi ko alam kung sa kanya iyon o kay Lian.

Hinila ni Carlo sina Azriel at Terrell upang magpapicture. Binigay ni Terrell ang camera kay Brennan. Nagmumukhang fan lang si Carlo sa gitna ng dalawang matatangkad at matitipunong lalake. Labas gilagid ang ngisi nito. Naka wacky si Terrell at peace sign akbay akbay si Carlo. Nakaakbay din si Azriel na arogante ang ngiti sabayan ng kumikindat niyang dimples.

Sumunod sina Aria at Camila na pinagigitnaan din ng dalawa. Sa labas sila ng bakod nagpapicture kung saan background ang mga puno.

"Ano nalang ba ako rito? bakit sa kanilang dalawa lang kayo nagpapa‒picture?" maktol ni Archer na nakaupo sa harap ng van at nagtatapon ng mga bato.

Tinayo siya ng mga nagtatawanang sina Kent at Brennan. Pinagmamasdan ko silang nagkukulitan at natawa na rin sa mga kalokohan ng tatlo. Nag suggest si Camila na kunan ang lahat ng boys na magkakasama na sinang ayunan naman nila.

"Tara Amber, baba na tayo." tawag ni Kelly.

Naglingunan sila pagkalabas namin. Ngising sumipol si Brennan na kumita ng batok galing kay Azriel na masamang nakatingin sa'kin. Kumunot ang noo ko sa ekspresyon niya. Ano na naman ang ginawa ko?

Sumunod sa aming paglabas sina Lian at ate Gwendolyn. Kasama din namin ang dalawa nilang katulong.

Mas lalo kong naramdaman ang pag-aapoy ng titig ni Azriel pagkalapit ko sa van. Nagtatanong ang aking mukha. Disappointed siyang umiling bago sinuot ang kanyang Ray Bans clubmaster sabay pasok sa loob ng sasakyan. Binalikan ko ang pag--uusap namin sa kwarto kanina. Maayos naman namin yung tinapos. So...what's his problem?

Katulad noong first day ang seating arrangement namin ngayon maliban kay Terrell na katabi si Azriel. Katabi ni Lian si ate Gwendolyn sa front seat. Ang dalawang katulong nina Lian ay nasa likod kasama namin nina Noemi at Kelly.

Binuksan namin ang mga bintana saka pinatay ang aircon para fresh air ang malalanghap. Nagsimula na silang mag‒ingay pagkaalis ng sasakyan.

Me:
What's with the face?

Sinandal ko ang aking ulo pagkatapos ko yung i‒send. Nakatutok ako sa kanyang likod at sa makintab at itim niyang buhok. Umusbong ang pag‒asa nang yumuko siya, sana tinignan niya ang text ko.

Lumingon siya sa labas ng bintana. Pinaglalaruan niya ang kanyang labi. Sa suot niyang sunglasses, nadepina ang tangos ng kanyang ilong at ang angular features ng kanyang mukha.

Me:
Ano bang ginawa ko? I thought we're okay? Are you doing this for me to think of you all the time? Countdown check: 3 days more.

Binalik ko ang phone ko sa bag. Hindi na ako nag expect na magre‒reply siya. Ni hindi nga niya tsineck ang text ko!

Ang tinahak naming daanan na creepy sa gabi ay mga taniman pala ang nakapaligid at ilang mga kubo. Malamig ang hangin dahil sa dami ng puno. Pagkarating namin sa nakasementong daan, marami na akong nakikitang ibang establishments. Hindi ko maalala if dumaan kami dito pagkagaling sa pier dahil sobrang dilim ng gabing iyon.

Nag‒stop over kami sa parang market nila. Pumarada ang van sa terminal ng mga bus na bumabyahe sa ibang karatig probinsya. Pumalibot ang samo't saring mga tinda sa malawak na parking space.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Kelly.

"May kukunin yata sina Lian."

"Naiihi ako." bulong ni Noemi.

"May mall doon." turo ni Kelly sa mall na natatakpan ng ibang tindahan.

"Ang layo kung lalakarin. Ang init pa." sabi ko.

"Matatagalan ba sila? gusto kong tumingin sa mga ukay ukay." ani ni Aria.

"Tara tingin tayo!"

Lumabas sila ni Camila. Sumunod sina Archer, Brennan at Kent na tinahak ang direksyon patungo sa mall. Si Archer lang ang naka‒cap sa kanila. Baligtad ang pagkakasuot niya nito.

Lumabas na rin ako dahil sumakit ang likod at pwet ko sa mahabang minutong pagkaka‒upo. Nahagip ko sina Camila at Aria na tumitingin sa mga tindang ripped shorts. Nagtungo ako doon para sumilong saka pinagkainteresan na rin ang pagtingin sa mga tinda.

"Bakit 'yan ang suot mo?"

Nilingon ko si Azriel na masama na namang nakatingin sa'kin. Nakasabit ang kanyang clubmaster sa collar ng kanyang puting sando. His annoyed stare wasn't able to keep me from admiring him for too long. Nagpakita sa isip ko ang pagpu‒push up niya kanina. Not to mention his glistening sweat. Alam kong masyado pang maaga pero pakiramdam ko nagdi‒disco ang mga paro‒paro sa tiyan ko.

"Wala ka bang pants? May jogging pants ako sa bag yun ang suotin mo." utos niya.

Umirap ako. "Ang init kaya."

"So gusto mong ipangalandakan 'yang binti mo? At saka ba't ang ikli niyang pang itaas mo? Sumisilip na ang pusod mo! Bakit ka ba kasi lumabas? Atat na atat na akong dukutin ang mga mata ng mga nakatitig sa'yo. Bakit ba kasi ang puti mo?" naiinis niyang bulong.

Tinago ko sa kanya ang pagpigil kong tumawa sa galit niyang mukha. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ngang may nakatingin sa'kin at sa binti ko, ang iba ay sa'min ni Azriel.

Alinlangan akong nagbalik ng tingin sa kanya. Nahuli ko siyang pinasidahan ako. Napaismid ako. "Dukutin mo ang sarili mong mata! Nakatitig ka rin kaya sa'kin."

Mabilis umakyat ang tingin niya sa mukha ko. Kahit hindi niya ipahalatang kinabahan siya sa paghuli ko sa kanya, hindi niya ito maitatago sa paglunok niya't pagtiim bagang.

May mga tumatawag sa'ming atensyon upang tignan ang mga mura nilang paninda. Ngunit walang nag alis ng tingin sa'min ni Azriel na para bang tahimik naming pinagkakasunduan na kung sino ang unang mag-iiwas ng tingin ay talo.

Sa sobrang liwanag ng sikat ng araw, makikitang wala talagang pagpapalit ng kulay ang kanyang mga mata. Kung sa iba ay ang brown nagiging dark, minsan ay nagiging light brown kapag natapat sa liwanag, sa kanya ay purong itim lamang. It felt destructive for me. Parang tinitignan nito hindi lang ang panlabas na anyo, pati yata loob ng utak ko nakikita na niya.

Tutok na tutok, nakakapanghina, mapapasunod ka nito sa kung ano ang gusto niyang ipagawa sa'yo at wari sa tingin niya palang ay wawasakin ka na nito na parang babasaging baso. In some ways, he and Riley have similarities but Riley's stare isn't as destructive as Azriel's. Riley's are gentler.

Lumihis ang tingin niya't nalipat sa paglibot sa mga tinda sa ukay‒ukay. Sinundan ko ang pinaghintuan ng kanyang mata. Bago ko pa siya matignan ulit ay nahablot na niya ang braso ko't hinila ako sa nagtitinda ng pants at long sleeves.

Kunot ang noo niya sa paghawi sa mga naka‒hanger na pantalon. Sinulyapan ko ang dalawang dalagang tindera na titig na titig kay Azriel. Nahulog pa ng isa ang kanyang cellphone at huli na bago niya ito masalo. Wasak na wasak ito.

"Ano waistline mo?" tanong ni Azriel, nanatili ang pagsuri sa mga pantalon.

"Twenty four."

Napatigil siya. Taas kilay niya akong nilingon. Nilakbay niya ang tingin sa'kin at huminto sa'king baywang, parang sinusukat niya sa mata ang waistline ko. Pambihirang mga mata 'yan, ang daming nagagawa!

Ngumuso siya "Sure ka?"

Parang hindi siya naniniwala. Gusto niya ikuha ko pa siya ng measuring tape para siya ang magsukat sa baywang ko? Simple akong tumango.

Binitawan niya ang isang pantalon at walang pag-aalinlangang lumapit sa likod ko. Ganon nalang ang panlalaki ng aking mga mata nang hinawakan niya ang aking baywang at pinatili doon ang kanyang mga kamay.

Kung may karera lang kami ng puso ko siguradong talo na ako. Kahit wala man akong asthma, matatalo pa rin ako.

Nag‒iwas ng tingin ang dalawang tindera nang tinignan ko sila. Impit ang tili na nagtago ang isa sa likod ng kasama niya na pinaglalamayan ang wasak niyang cellphone.

Dinaramdam ko ang paghigit ng aking hininga. Sa kanyang pagbuntong hininga, kumalat ang hangin sa aking batok at nag standing ovation ang aking balahibo. Humataw na nang husto ang mga paro‒paro sa'king tiyan. Naki‒party na rin ang ibang mga insekto!

Makakalikha yata ako ng balloon sa isang hingaan lang nang bumitaw na siya. Bumalik siya sa nakahanger na mga pantalon.

"Ate, magkano 'to?" pinakita niya ang nakuhang pants.

"350 ser." tumikhim ang isang tindera at parang di alam kung ngingiti o tutunganga kay Azriel. Sino ba namang hindi?

"Tawad ako. Two hundred nalang."

"Ayoko ngang mag pants!" napapadyak ako sa pag-angal.

"O sige magpanty ka nalang! Iyan naman ang gusto mo di ba? Maikli? O, hubarin mo na yang shorts mo." hinatak niya ang dulo ng aking shorts. Sinapak ko ang kamay niya saka lumayo. What the? Dito niya pa plano akong paghubarin?

"Ikaw kaya maging babae! Siguradong gugustuhin mo ring mag‒shorts."

"Pero hindi ganyan ka-ikli!" nanggagalaiti niyang asik.

Napaikot ko ang aking mga mata. "Kaya nga shorts di ba? May shorts bang long? Try mong ipauso yun."

Padabog niyang binalik ang nakahanger na pantalon sa lalagyan saka ako hinatak palayo sa ukay ukay lane. Dinala niya ako sa likod ng van. Hindi ko na nagawang hintayin kung ano ang sasabihin o gagawin niya dahil bigla nalang niyang pinagkukurot ang binti ko! Ang sakit niyang mangurot! Ewan ko kung matatawa ako dahil may kaunting kiliti rin yun o maiinis dahil nanaig ang hapdi at sakit. Nagtatatalon ako na parang kinagat ng libo-libong mga langgam.

"Ano ba Azriel!" pinapalis ko ang kamay niyang panay sa pagkurot. Natukso akong kamutin ang braso niya pero hindi ko matuloy tuloy. Ayoko namang magalusan ang hulmado niyang biceps.

Halata ang gigil niya dahil sa kanyang pagkagat labi. Namumula at nagmamarka na ang bawat kurot na ginagawa niya.

"Stop it Azriel ang sakit na!" tumakbo na ako palayo pero nahabol niya pa rin ako't kinurot ulit. Palagay ko'y pinagtitinginan na kami dahil sa kami lang ang naglilikot sa gitna ng malawak na espasyo.

"Gusto mong diinan ko pa?" mayabang siyang ngumisi.

Pumadyak ulit ako. Lalo akong nainis dahil nasa ilalim ako ng sinag ng araw. "Hindi na nga! Magto-two piece naman ako mamaya eh."

Nagmadali akong bumalik sa van. Nahagip ko ang papalapit na ring sina Archer na may dalang paperbag galing sa isang fastfood chain. Nagsalo silang tatlo sa french fries. Kakakain lang namin a?

"Amber." may pagbabanta sa kanyang tono.

Nilabas ko ang aking dila saka siya inirapan bago ako pumasok sa van. Ang hapdi ng binti ko! Grabe mangurot ang supladong yun! Kasing suplado ng mukha niya ang kamay niya.

"O? Ilang lamok ang kumagat sayo?" nagtatakang tinignan ni Noemi ang binti ko habang nagtungo ako sa aking upuan sa likod. Dumungaw si Kelly at nakitingin rin.

"Itanong mo diyan!" tumuro ako kay Azriel na sumunod sa pagpasok sa van.

Hinihimas ko ang aking binti upang pawiin ang panghahapdi nito. Mukhang sinali pa nga yata ni Azriel ang kuko niya dahil may nakita akong sobrang pula na pantal. Sana talaga kinalmot ko nalang ang biceps niya.

Di nagtagal ay lumabas na sina Lian at ate Gwendolyn sa isang tindahan na puno ng mga paninda, parang bilihan ng mga may sari‒sari store. May pinagtulungan silang dalhin na isang case ng softdrinks at isang case ng alak.

Bumaba si Terrell upang tulungan sila. Sinalubong niya muna sina Archer na ang tagal makarating sa van. May sinabi siya sa tatlo upang silang apat ang tumulong kina Lian.

Sinakay ang mga case sa likod. Inis akong napabaling sa harap nang may naghagis ng kung ano sa'kin at sumapol yun sa ulo ko!

Pinaghalong amoy ng liquid detergent at panglalaking pabango ang hinagis sa'kin. Jogging pants namin sa P.E.

Pinanliitan ko ng mata ang nakatalikod nang si Azriel. "Nasa loob tayo ng van. Walang makakakita sa'king iba rito!" parinig ko sa kanya.

Napalingon sila sa'kin maliban sa kanya.

"Isuot mo kapag lalabas ka na ng van!" aniya nang hindi ako hinaharap.

"Territorial..." may narinig akong nagsalita sa harap, kahanay lamang nina Azriel.

Tinignan ko ang jogging pants at ininat. Stretchable naman siya kaso panglalake ang size kaya feel ko maluwang sa'kin. Magmumukha lang akong trying hard rapper kapag isusuot ko 'to.

"Pahiramin mo na rin kaya ako ng P.E shirt para kumpleto ang outfit ko. At saka rubber shoes na rin." sarkastiko kong sabi sa kanya. Mahinang napatawa si Noemi.

Tinaas ni Azriel ang kanyang mga kamay saka sumenyas ng 'wala'.

Bakit ba siya nagdala nito? Mukhang wala na naman kasing laman ang dala niyang bag ngayon kaya imposibleng magsusuot siya ng jogging pants kung may dala naman siyang mga cargo shorts. He doesn't need an extra. Hindi nga siya nagdadala ng libro, extra damit pa kaya? Ano 'to? Pampalobo ng bag niya?

Tinupi ko ang jogging pants. Bahala ka Azriel, hindi ko 'to isusuot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro