SIXTEEN
CHAPTER SIXTEEN
______________________________________
Isang kaso ulit ang kinuha namin kinabukasan. Sa mga sumunod na araw ay mas priority ang mga may kaunting nakuha na cases at pagbandang Friday ay nag quiz kami saka nagpasa ng mga requirements.
Hindi ko tinanong si Azriel tungkol doon sa nakita ko. Sino ba naman ako upang magtanong? Pati si Terrell ay di ko na inusisa, parang wala siyang alam dahil hindi naman niya nakita. Pero kung sino man yung kausap niya, I should not care. Wala naman akong dapat panghimasukan. It's his life after all.
"AJ, sino pala yung kausap mong girl nung Monday?" usisa ni Camila. Kakatapos lang naming mag quiz. Inaayos ko ang aking mga gamit sa bag habang ang iba'y nakatanga lamang. Lumabas si Sir Alivio upang kausapin ang kakilalang nurse.
"Kausap? Sino?" pagtataka ni Terrell na natigil sa pagsusulat.
"Friend lang." kaswal na sagot ni Azriel.
Ewan ko kung ano ang sumanib sa'kin at sinadya kong bagalan ang aking kilos. Pinilit kong matuon ang atensyon sa ginagawa ngunit malakas ang hatak sakin ng kanilang usapan. Nauuhaw ako sa mga sagot ni Azriel.
"Friend o girlfriend?" panunudyo ni Camila.
"Hindi yan, hindi naman sila sweet." sumabat ang isa sa mga kagrupo kong kabarkada ni Camila.
"Just a friend. Highschool."
Kumabog ang puso ko sa sinagot niya. Parang maginhawang pagkabog. A relieving beat I could say.
"Ganoong klase ng babae ba ang type mo? Maputi at mahaba ang buhok?" si Camila muli ang nagtanong. Naghagikhikan silang magkakaibigan. Inasar sila ni Archer.
Napatalon ako nang may bumagsak na purple binder folder sa'king paanan. Nilingon ko si Lian nang pinulot niya ito. Nagtaka ako sa nakalukot niyang mukha. Anong problema ng kaibigan ko?
"Okay lang din kapag maikli ang buhok." rinig kong sabi ni Azriel.
Natahimik ang buong students lounge. Parang huminto ang lahat ng tao, ang mundo kung baga.
Nilingon ako ni Lian na dahan dahang ngumiti ng nakakaloko. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya't pinagpatuloy ko ang pagsiksik ng aking scrubsuit sa loob ng bag. Sa matinding pagkabog ng puso ko ay halos makalimutan ko na kung paano isara ang zipper ng bag ko.
Ito lang ang ingay na naghari ngayon maliban sa mga dumadaang tao sa labas. Kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko ang mga mata nilang inaapoy ako ng tingin.
"Hey." bahagya akong tinulak ni Azriel sa balikat.
"Huh?" naiilang kong reaksyon, hindi ako makatingin sa kanya lalo na't may ideya ako kung ano ang nasa isip ng mga kasamahan kong nakatingin samin ni Azriel.
Umupo siya sa tabi ko "Lunch tayo?"
Sa sobrang tindi ng katahimikan, kahit sa pinakamahinang boses niya ay rinig na rinig nila ang kanyang sinabi. Pagkabaling ko sa kanilang lahat ay mabilis at sabay silang nagsi-iwas ng tingin at nagpanggap na abala.
Tumikhim si Terrell at nagkamot ng batok. Biglang nag-hum ng kanta si Lian na biglang pinag-interesan ang kanyang ballpen.
Binalikan ko si Azriel. "Tapos na ako." mahina kong sabi.
"Hindi ka naman kumain." rinig kong bulong ni Lian. Mariin akong napapikit. Kailangan talaga lakasan ang pagbulong? Bulong nga di ba? Mahina ang bulong!
"Samahan mo ako."
Nagtataka kong tiningala si Azriel. Bakit kailangan pa niyang magpasama? At sa akin pa? Nandyan naman si Terrell. O di kaya'y si Archer.
Pansin niya ang paparating kong pagtanggi kaya iniba niya ang pinta ng kanyang mukha; Ekspresyon niya kapag matiyagang naghihintay ng sagot.
"Please?" pagsumamo niya. Naging malumanay ang lilom ng maitim niyang mga mata.
Pinakalma ko ang pagkalabog ng puso ko sa mabagal na paghinga ng malalim. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong iwasan na hindi. Ngunit kahit alin sa dalawa ang gagawin ko ay hindi ako panatag. Parang parehong mali.
And this, me being in between, hindi naman habang buhay akong mananatiling ganito. I have to choose between left and right, positive and negative. Ignoring and avoiding are not the permanent ways of escape. Panandalian lamang ito.
"Please Amberlyn..."
Napatayo na ako sa pakiusap ni Azriel. His beg convinced me. Hindi naman sa napipilitan ako. I will do this dahil may gusto akong harapin. Nagulo kasi ang isip ko noong Monday at matagal kong napagdesisyunan na gawin ito. I didn't want to have the intention of finding the problem dahil ayaw kong tanggapin kung ano man itong nangyayari sakin.
Nagpaalam kami kay Sir Alivio na magla-lunch sa canteen. Hindi pala ako nakasama kina Lian kanina kaya hindi pa ako nakapagtanghalian. And I thought Azriel was with them kaya inakala kong tapos na siyang mag-lunch.
Pagkarating ng canteen, umuna siyang nagtungo sa balcony. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago siya tumungo sa mesang may dalawang upuan. Nilapag niya ang kanyang mineral water doon.
"Wait for me here." aniya saka muling pumasok upang bumili ng pagkain.
Tamad akong umupo sa silyang gawa sa asero. Nasa tapat ko ang building kung saan nakahanay ang mga private rooms. Kinuha ko ang mineral water bottle ni Azriel at pinaglaruan.
Bakit nga ba siya nagpasama sakin? Hindi sa ayaw ko, nagtataka lang. And I think it won't take long before I would be able to confront my feelings. Natatakot ako at nasasaktan. Hindi para sakin kundi para kay Riley. Bigla ko nalang siyang na-miss sa pagkakataong ito.
Gusto ko siyang puntahan at makasama ngunit alam kong hindi na pwede. At kahit nasa iisang subdivision lang kami ay hindi ko manlang siya nasisilayan kahit sinadya ko pang daanan ang bahay nila ng makailang beses.
Sumandal ako sa upuan pagkalapag ni Azriel ng tray na may apat na plato; Dalawang may rice, dalawang may ulam. Napatingin ako sa kanya.
"Binilhan na kita. Alam kong hindi ka pa nag lunch." aniya. Nilapag niya sa'king harap ang platong may rice at sweet and sour chicken. Binilhan niya rin ako ng tubig.
"Hinintay mo ba ako?" tanong ko, kalahati sakin ang pinagsisihan ang tanong ko. Ang assuming ko pakinggan.
"Oo." aniya saka siya umupo.
Tumahimik na ako. Pinilit kong hindi masiyahan ngunit masaya ako sa naging sagot niya. Siniksik ko sa utak ko si Riley. Alaala niya ang makakatulong sa'kin ngayon.
"Bakit ang tahimik mo nitong mga nakaraang araw?"
Ang inasahan kong itatanong niya ay ang tungkol sa pag-iwas ko. Pero ang pagiging tahimik ko? O baka ito lang ang version niya sa salitang iwas, ang pagiging tahimik.
"Pagod lang." naco-conscious kong sinubo ang pagkain. Nakakailang ang pagtitig niya lalo na ang paniningkit ng kanyang mga mata.
"Saan? Wala naman tayo masyadong ginawa. Sa students lounge lang tayo."
Nagkibit balikat ako. "Ewan."
"You have a problem?" he sounded concern. Na-guilty ako sa inasta ko.
Umiling ako. "Wala..."
Nanatili sa pagkain ang aking mga mata. Natutukso man akong titigan siya ay pinigilan ko ang sarili. Nandoon kasi ang ilang at takot. Na baka kapag nasiguro ko na kung ano man itong nakapagpakabagabag sakin ay may masasaktan ako. He's the last person that I want to hurt. And hurting is the last thing that I want to do to him.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Azriel; nilipat niya ang kanyang upuan sa'king tabi at umupo. Hinila niya ang kanyang mga plato katabi ng mga plato ko. Nawaksi ang pagpipigil ko't natignan ko siyang seryoso ang mukha.
"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka umaamin. Is there a problem?" determinado niyang tanong. Bigla akong naturukan ng pampakaba. He's shit-scaring me.
Malaki ang ginawa kong pagngiti. "Wala."
Hindi siya kumbinsido. Nanatili ang kanyang ekspresyon. "May nagawa ba ako? Did I do something na ayaw mo? We were okay last Monday."
Parang binagsakan ng malaking bato ang puso ko sa tono niya. He sounded sad and upset with himself. Naalala ko bigla ang kinuwento sakin ni Terrell. He needs a company, someone he can trust. At marahil nahimigan ni Terrell na pinili ako ni Azriel bilang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya.
I should be grateful! Dahil pinagkakatiwalaan niya ako. Hindi siya ganito sa iba. I should feel lucky na ang isang Azriel James Fontaneza na ilap sa iba ay pinapansin ako, na nalulungkot dahil iniiwasan ko siya, na nababahala sa pag-aakalang may nagawa siyang ayaw ko.
Sinampal ko ang sarili ko sa utak. How in the world was I not able to realize that earlier?
Bahagya akong tumawa. Pabiro ko siyang tinulak sa balikat. "Wala nga. Paranoid ka Azriel."
"Are you sure?" duda niyang tanong.
Tumango ako. "Mm."
Naramdaman ko ang kanyang pagkalma dahil naging ganado na siya sa pag-kain. Hindi siya bumalik sa pwesto niya kanina, nanatili kaming magkatabi. Sandali kaming tumambay pagkatapos kumain at nagkuwentuhan bago kami bumalik sa students lounge.
Sa sumunod na linggo ay sa special area ulit kami na-assign. Ngayon palang ay ganado na kaming kumuha ng mga kaso para kaunti nalang ang poproblemahin namin pagdating ng fourth year. Ganoon pa rin ang pairings katulad last week. At hindi ko na muli pang iniwasan si Azriel. Mabilis makahalata ang loko.
Balik ulit kami sa lecture week. At dahil may hangover pa kami sa duty week namin ay nagbagsakan kami sa pre-test. Nabibilang lang ang nakapasa. Kahit di ko na tanungin si Azriel ay expected nang isa na siya sa mga nakapasa.
"Nakapapirma na ba kayo sa mga nurses niyo?" tanong ni Lian. Nasa iisang table lang kami sa library upang magsagawa ng research para sa'ming thesis.
"Last week. Mabuti nalang considerate ang nurses namin, hindi na kami tinanong tungkol sa case." sabi ko. Tamad akong naglipat ng pahina sa librong di ako pamilyar. Hinintay ko pa si Azriel dahil siya ang nagtanong kay Camila kung ano ang dapat naming i-research.
"Ang sungit ng sa'min. Pina-explain pa naman ang tungkol sa diagnosis ng patient? hindi niya pipirmahan kapag hindi siya kumbinsido sa explanation." maktol ni Lian.
Nilingon ko ang librarian na abala sa mga estudyanteng nanghihiram ng libro sa Filipiniana section bago ako nagsalita.
"Nakapa-sign ka?" tanong ko.
"Oo. Si Terrell nag-explain eh. Buti nalang nakapagbasa siya."
Nang-aasar ko siyang ningitian. Pigil ngiti siyang nag-iwas ng tingin bago pakunwaring nagbabasa ng libro. Ngunit baligtad naman ang librong binabasa niya.
Dumating sina Terrell at Azriel na parehong ngumunguya ng bubblegum. Galing ba sila sa pagtatanong kay Camila o galing canteen?
"Anong sabi?" tanong ko pagkaupo nila.
Nagpunas pa ng pawis si Azriel kaya si Terrell na ang sumagot, kinuha niya ang librong binabasa ni Lian.
"Kailangan ng revision yung isang part ng thesis natin. Maghanap pa daw tayo na mas convincing na fact para sa Literature Review." paliwanag niya.
"Hanapin muna natin ang classification bago tayo maghanap sa shelves." Tumayo si Azriel kaya sumunod na ako.
"Dito kami maghahanap." Turo ni Lian sa gabundok na mga libro sa mesa namin.
Nagtungo kami ni Azriel sa OPAC upang maghanap ng libro na tugma sa topic ng aming research. Siya ang nag-click at nag-type. Tatlong results ang lumabas. Ang dalawa'y sa parehang classification nabibilang. Sa ikaapat na shelf ako naghanap habang nasa ikawalo siya.
Maigi kong sinuri ang mga titles. May ibang nalito ako dahil nabura na ang mga letra dahil sa kalumaan. Nang matapos sa taas na shelf ay tumitingin ako sa ibaba. Kumukurap kurap ako dahil tumapat sa'kin ang malamig na pag-ihip ng aircon.
"Amber, nahanap ko na ang isa."
Tumuwid ako ng tayo paglapit ni Azriel. Bahagya akong nag-inat dahil sa pangangalay ng aking likod. Sabay naming binuklat ang libro.
"Di ko pa makita ang isa." sumbong ko. Kinuha ko ang mga hindi nakahilerang libro basta nalang nakalapag sa espasyo. Iniisa isa kong binasa ang mga titles nila ngunit wala pa rin ang hinahanap namin.
"I'll help you." aniya.
Hindi ko na pinaalam na tapos na akong maghanap sa kung saan siya tumitingin ngayon. Siguro hindi lang nahagip ng mga mata ko kaya inaasahan kong si Azriel ang makakakita.
Nanatili ako sa baba. Halos nakaupo na ako sa sahig upang mas makita ang mga librong nasa pinakailalim ng shelf.
Tatayo na sana ako ngunit napaupo ulit nang matamaan ang ulo ko ng kanyang siko.
"Aray." sinapo ko ang aking ulo.
Mabilis niya akong dinaluhan.
"Sorry." natatawa niyang sabi kaya pabiro ko siyang sinimangutan habang tinulungan niya akong makatayo.
"Sinadya mo yata eh." nakanguso kong bintang. Natuon ang mga mata ko sa malalim niyang dimples sa gilid ng kanyang labi.
"I did not." Natatawa niyang pagtanggi. Hinahaplos niya ang ulo kong natamaan. Nilingon na kami ng isang allied student sa nakitang tagpo. Hinawakan ni Azriel ang kamay ko upang alisin saking ulo.
"Excuse me."
Sabay naming nilingon ang nagsalita. Parehas kaming nagulat nang magtagpo ang aming mga mata. Nabingi ako sa pagdagundong ng puso ko. I miss him. I miss him so much. Halos maluha ako nang matitigan ang mga mata niya. How I've been longing to get lost at those midnight eyes again.
Hindi niya natuloy ang pag-abot sa libro sa pinakamataas na bahagi ng shelf. Dahan dahang bumaba ang mga kamay niya nang malipat ang kanyang tingin sa magkahawak na kamay namin ni Azriel. Otomatikong reaksyon ko ay ang hilain ang aking kamay ngunit hinigpitan ni Azriel ang pagkakahawak niya! Hindi ko maintindihan. I was frustrated at him!
Nanatili doon ang mga mata ni Riley bago siya bigong nagbaba ng tingin at nilagpasan kami. Naiiyak ako. It's not like that Riley! Bumalik ka! Yakapin mo ako and tell me you didn't believe what you just saw!
Nakalimutan ko na ang sadya namin sa library. Inipon ko ang aking lakaks na hablutin ang aking kamay sa pagkakahawak ni Azriel. Mabilis kong tinahak ang dinaanan ni Riley kanina but then again, pinigilan na naman ako ni Azriel!
Ano bang problema niya?! Gusto ko siyang sigawan ngunit ayaw ko namang mageskandalo dito sa loob.
"Anong gagawin mo?" matigas niyang pagtanong.
Pilit kong inalis ang mga kamay niya sa braso but he's Azriel. He's a regular in the gym! "Susundan ko siya. Mali ang iniisip niya!"
Nagsalubong ang kanyang kilay. "How do you know na ganoon nga ang iniisip niya? And why bother? Hiwalay na kayo!"
Umiling lang ako. I don't care. I just want to let him know na mali ang iniisip niya! I saw the look in his eyes. Nasasaktan siya! Kahit noon, kahit sinong makakahawak sa kamay ko kaibigan pa yan o hindi ay pagseselosan niya!
Hindi niya pa rin ako binitawan kaya mas malakas na pagpuwersa ang ginawa ko. We were like playing a tug of war. Nag-iinit na ang braso kong mahigpit niyang hinahawakan.
"Don't Amber." mariin at matigas niyang pagpigil.
"Bakit ba kasi?!" naiinis na ako. Pinigilan ko ang pagsigaw sa kanya.
Lumambot ang pinta ng kanyang mukha sa nakikitang pagkainis ko.
"Just...don't. Please." pabulong ang desperado niyang pakiusap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro