Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ONE

CHAPTER ONE

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Riley sa Ayala kung saan hindi mahulugang karayom ang mall sa dami ng tao hindi lang dito sa loob kundi sa kahit saang pasikot sikot sa labas.

Ipinagdiriwang ngayon sa buong Cebu ang Sinulog festival kaya ganito nalang ang klase ng araw na madadatnan ngayon; halos lahat ng nakikita kong babae--95% maybe--ay puro nakashorts at sleeveless tops at kabilang ako sa porsyentong yon, magbabarkada ang karamihan sa mga magkakasama, may mga mantsa ng post paints ang mga tshirts ng iba pati mga mukha nila'y may mga iba't ibang kulay ng post paints, may mga costume dancers na sumasayaw sa gitna, mga parang nagfa-fashion show sa kanilang mga kasuotan, at marami pang mga kakaibang pakulo.

Naaninag ko ang mga pinsan ni Riley sa tapat ng National Bookstore. Agad silang nag high five pagkalapit namin sa kanila. Tinanguan naman nila ako, pati si Gwyneth na girlfriend ng isa sa mga pinsan ni Riley na si Jax.

Minsan na kaming nagkakasiyahan ng mga pinsan niya sa iisang okasyon. Ang hindi ko makakalimutan ay noong pinakilala niya ako sa kanyang mga kamag-anak. His cousins included. They open heartedly accepted me lalo na ang kanyang ina who's very warm at malambing. Sa kanya nag mana si Riley sa pagiging sweet. His small strict eyes ay namana niya sa kanyang ama. He's superiorly intimidating pero wala naman naging problema. That night was a lot of fun and full of belongingness.

"Saan tayo?" tanong ni Jax na nakaakbay kay Gwyneth. May mga henna silang dalawa. Naka muscle shirt si Jax kaya kita ang kanyang tribal designed henna habang butterfly naman ang kay Gywneth na nakaukit sa kanyang binti.

"Punta nalang kaya tayong Alcho ngayon? For sure mamaya mahihirapan na tayo sa pagpasok doon katulad last year, pinigilan kami ng bouncer dahil wala ng space sa loob." sabi ni Denver.

"Pwede rin. Kayo? What do you think?" bumaling si Jax samin. Kinabig ako ni Riley kaya napalingon ako sa kanya. He's looking at me.

"Saan mo gusto?" tanong ni Riley. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. He asks for my opinion first bago siya magdesisyon. If he thinks it's a good idea, then sasang-ayon siya sakin but if it is against him, he'll defy me but in a good way.

At kada ginagawa niya yon, tinititigan ko talaga siya sa mata not caring about anything else around us. His look is always tender at puno ng emosyon. Nararamdaman ko at nakikita ko. He's easy to read like that.

"Gusto ko manood ng fireworks. Okay lang sayo?" mahina kong sabi. I could feel his cousins' eyes on us.

Nahagip ng paningin ko ang nang-aasar na ngiti ni Evan na nakapamulsang nakasandal sa glass window ng NBS at tinatakpan ang display ng mga libro ni John Green.

Matamis na ngumiti si Riley saka tumango. He extended his stare for a few seconds bago muling binalingan ang mga pinsan. "Manonood kami ng fireworks. Mauna nalang kayo sa Alcho, susunod kami." pahayag niya.

"O'right! leggo!" naunang naglakad si Denver sabay ayos ng kanyang puting snapback. Para siyang miyembro ng isang sikat na kpop group ngayon dahil sa ayos niya. Hawig sila ng mata ni Riley, small but deep set and with long lashes.

Jax on the other hand has downturned eyes na nagmumukha siyang inosenteng bata. Ito yata ang nagustuhan ni Gwyneth sa kanya. Gywneth's are upturned and she has high cheekbones.

"CR muna tayo. Puno na ng kape itong pantog ko." pigil ni Jax kay Denver na naglalakad na patungo sa escalator.

"Yan! Mag grande size Starbucks ka pa! Alam mo namang mahaba ang pila ngayon sa mga banyo." sermon ni Gwyneth.

Nagkamot ng ulo si Jax at parang maamong tuta na tinignan ang girlfriend. Sumakay na kami sa escalator paakyat ng third floor.

"Kanina pa ba sila dito?" tanong ko kay Riley. Nakaakbay siya sakin ngayon at ako'y nakahawak sa kanyang baywang.

Tumango siya "Mhm. Nanood sila ng Mardi Gras kaninang hapon."

Pumasok sila ng cr maliban saming dalawa. Nakasandal kami sa railing katabi ang stall ng perfume. Nasa harap si Gwyneth ng stall na inaamoy ang mga perfume samples.

Pinaglalaruan ni Riley ang aking mga daliri. Nilakbay ko naman ang tingin sa ayos niya ngayon. Naka jeans at plaid na blue long sleeve shirt na nakatupi ang manggas hanggang siko. Pinalooban ito ng white sando na hinahagkan ang kanyang katawan. Wala man lang siyang flabs sa tiyan. Then naalala kong nag wowork out nga pala siya every weekend kasabay ng kanyang pinsan.

Nag-angat siya ng tingin sakin habang kinukutiltil pa rin ang aking kamay. Nagsalubong ang kanyang kilay "Bakit pula ang lipstick mo?"

Ngumuso ako. "Minsan lang naman akong nagli-lipstick."

"Yeah, pero bakit red? You're seducing me?" tumawa siya.

"Assuming!" hampas ko sa kanyang braso "di na kita kailangang i-seduce. Alam ko namang matagal na kitang nabighani sa alindog ko."

Lumakas ang kanyang tawa. Mas lalo niya akong hinapit. Maya maya lang ay lumabas na ang mga pinsan niya. Humakbang na kami paalis ngunit pinigilan kami ni Denver.

"Nandon pa si Evan." turo niya kay Evan kausap ang isang babaeng may pulang buhok na nakasandal sa pader.

"Kilala mo siya?" tanong ko kay Riley. Marahan siyang tumawa. Nagtaka ako kung salin ba ito sa biruan namin kanina o patungkol sa pinsan niya. Nasa gawi kasi nila ang kanyang atensyon.

"Maybe that's Scarlet." ngiti niyang ani "Minsan nung hiniram ko ang phone niya napunta ako sa kanyang messages na puro Scarlet ang nakalagay na pangalan. Then napa-browse ako sa kanyang photos and I saw several shots of her. It's just that, her hair wasn't red."

Namumula ang mukha ni Evan habang naglakad papunta saming pwesto. Naghahagikhikan sina Denver at Jax.

"Who's that red haired chick?" namamanghang reaksyon ni Denver sabay kiliti sa kanya. Tinignan niya pabalik ang babaeng may pulang buhok.

"Bagong manliligaw mo?" dagdag ni Jax.

"No. I guess it's the other way around." nahihiyang sagot ni Evan. Binalot siya ng kantiyaw, tulak at pabirong pangingiliti galing sa kanila. Natatawa ko silang pinagmamasdan.

Lalong namula si Evan. Halos kakulay na niya ang pulang shirt na suot niya ngayon.

"Mauna na kayo. Sasama ako sa kanila." gamit ng kanyang hinlalaki tumuro siya sa likod.

Umakbay si Denver sa kanya. "Suuureee...finally. Our dear beloved cousin is whipped at last!"

"Keep it up! May love life ka na rin. You'll get to experience how it feels like to be cheesy. Right Rai?" nilingon ni Jax si Riley na tumugon ng thumbs up.

"Experts here. Kung may problema, isang tawag lang kami." sumingasing ako sa sinabi ni Riley.

"I can handle. Sige, sibat na ako." nagpahabol pa sila ng tapik bago tumalikod si Evan at binalikan si Scarlet.

Humiwalay kami sa mga pinsan niya pagkarating namin sa labas. Sumulong sila at sumisiksik sa mga tao habang kami ay nanatili sa gilid ng barricade malapit sa isang kino-construct na extension ng mall. Dito kami nagtungo ni Riley pagkakitang dito nanggaling ang pagputok ng firework ng isang beses. Maybe it's for testing purposes.

Yumakap siya sakin patalikod. Dinantay niya ang kanyang baba saking balikat. "Di ka ba nagugutom? Bilhan kita, may mga food stalls naman dito sa labas."

"Kumain ako bago umalis. Ikaw? Ayos lang naman sakin na bumalik sa loob."

Sa kabila ng kadiliman na hinaluan ng kaunting liwanag galing sa mga karatig na gusali, kita ko ang kanyang pag-ismid "Kakapagod bumalik. Sisiksik na naman tayo. At saka ayokong mapalitan sa pwesto natin."

"May dala akong candy, gusto mo?" sabi ko.

"No, I'm good." nakapikit niyang ani.

Ramdam ko ang kanyang paghinga saking leeg. Mas naamoy ko rin ang kanyang pabango na walang pinagbago. The scent is like a part of his DNA dahil wala itong katulad. Tinanong ko siya kung ano ang brand ng pabango, kaya naman pala unique dahil mamahalin. It's a french brand of perfume.

Napausog kami sa gilid nang may mga nagdadaanan at siksikan. Mas napasandal na kami sa barricade pero hindi pa rin bumibitaw ng yakap si Riley.

Sa damuhan na nasa aming gilid at hinaharangan ng barricade, maraming mga tao ang naglalatag ng mga banig, kumot at karton para upuan at higaan. Hinihintay din ang highlight ng gabing ito. Mga magkasintahan, magbabarkada at buong pamilya ang mga magkakasama. May mga dala silang pagkain at inumin.

Karamihan sa mga bata ay may mga hinahagis sa ere na umiilaw at kumikidlap na kulay neon na pula at asul. May mga nagpapatakbo rin ng mga laruang sisiw at mga headband na may devil's horn at bunny ears.

Sa mga teenagers at kolehiyala naman, ay may mga henna at mga makukulay na guhit sa kanilang mukha.

Mga ilang minuto ang lumipas at nagsimula na ang fireworks. Mga malilikhain ang disenyo katulad ng puso na pinapalooban ng smiley. Meron ding nagmistulang mga cute na lamok na kulay berde at dilaw. Sa kada magandang disenyo na pinapakita sa ere ay iisang namamanghang reaksyon ng mga tao ang nanaig.

Nilingon ko si Riley. Bahagya pa akong nagulat dahil nakatingin ito sakin. Nagrereplika ang iba't ibang kulay at ilaw ng fireworks sa kanyang mukha.

"Bakit?" pagtataka ko.

Ngumiti siya saka umiling. Muli siyang nag-angat ng tingin sa langit at hinigpitan ang naluluwang niyang pagpulupot sa'king baywang.

Pagkatapos ng fireworks display ay dumiretso na kami sa Mango kung saan nauna na ang kanyang mga pinsan. Pahirapan ang pagsulong sa nagsisiksikang mga tao. Nalagyan pa ng post paint ang aking puting sleeveless top. Si Riley ay sa mukha napuruhan ng kulay pink na pintura.

May kasayawan nang mga babae si Denver pagkarating namin sa loob ng Alchology. Siya agad ang napansin namin dahil pinapalibutan siya. Nasisiyahan naman ang mokong. Hindi man lang nagreklamo na halos hinuhubaran na siya ng dalawang foreigner na babae.

Sina Jax at Gwyneth ay nag-iinom lang sa high table. Si Jax ay isa ring magandang lalake kaya di imposibleng matulad siya sa kinahihingatnan ni Denver ngayon.

"Buti nakarating kayo rito ng buhay!" bungad ni Jax. Agad siyang sinapak ni Gwyneth at sinimangutan. Kamot ulo siyang tumahimik at nag-angat ng inumin samin.

"Halos hindi na nga kami makahinga. Grabe ang siksikan." kinuha ni Riley ang shot na inabot ni Jax.

"Saan kayo dumaan?" tanong ni Gwyneth

"Sa Juana Osmeña street."

"Wala kayo sa baseline! Nasabuyan kami ng beer!" inamoy ni Jax ang sarili.

"Whoah!" dumating si Denver na nakaputing sando na. Parang tubig lang niyang tinungga ang bote ng vodka na nakahain sa table. Bumulwak kami ng tawa sa naging itsura ng kanyang mukha. Para siyang nilunod sa asul na post paint.

"Oi Den! Na recruit ka ba bilang smurf?" halakhak ni Jax.

"Anong ginawa sayo ng mga babae mo?" dagdag ni Riley.

"Pinapaliguan lang naman nila ako ng post paint." inis siyang umiling sabay salin ng vodka sa baso at uminom "I was supposed to do a revenge and put those blue fucking thing on their boobs. Eh anak ng mayor ang isa sa kanila dun so I changed my mind. Makasuhan pa ako ng harassment edi patay ako kay daddy. "

Malalakas na tawa namin ang sumasabay sa ingay ng musika. Nanatili ang inis na anyo ni Denver at dinaan ito sa pagtagay.

"Yung isang babaeng foreigner, damn! Kuya niya nasa Navy! Kaya hindi talaga ako makaganti! " yumuko siya at tinignan ang mga mantsa ng kanyang sando. Puno rin ito ng blue post paints. "paano ko ito ipapaliwanag kay mommy?"

Mas lalo kaming nagtawanan. Si Jax ang pinaka-naaliw na hirap na sa paghinga. Nakahawak na siya sa kanyang tiyan. Kung hindi lang madilim, siguro kita na ang kanyang pamumula.

"Dude you're fucking twenty!" komento ni Riley.

"Oi Den Den...what happened to your shirt?" tawang tawa na pang-aasar ni Jax na ginagaya ang paglalambing na boses babae.

Hinubad ni Denver ang kanyang sando at hinagis ito sapul sa mukha ni Jax. Halos natapon ni Gwyneth ang kanyang inumin upang humalakhak sa sinapit ng kanyang boyfriend.

Ang mga babae at ang kabarkada nitong mga bakla na nasa katabing table naming ay nagsitilian sa ginawa ni Denver. Isa rin 'to sa mga mahilig mag work out at kitang kita ang resulta sa kanyang katawan.

Nilapit ni Riley ang kanyang bibig saking tenga "Gusto mong sumayaw?" malakas niyang pagtatanong. Hirap kaming magkarinigan sa nakakabinging tugtugin.

"Dito nalang." sagot ko. Tumayo kami at nakisali kina Jax at Gwyneth.

Nasa baywang ko ang mga kamay niya. I cupped Riley's face at pinunasan ang mga mantsa ng post paints sa kanyang mukha ngunit mas lalo lang itong kumalat. Pinagtawanan ko ang naging resulta na siyang pinagtaka niya.

"Bakit?"

Natatawa akong umiling "Wala...ayaw kasing matanggal."

Maya maya lang ay may mga nagsidatingang mga babae na may lantad na cleavage at malilit na baywang. Paniguradong si Denver ang sadya ng mga ito at di nga ako nagkamali. Magkabilaan niyang inakbayan ang dalawa. Ang isang babae ay nasa gilid ng nasa kanan ni Denver.Napailing si Riley sa pinsan.

"Want some drinks?" preskong pag-aalok ni Denver. Humagikhik ang tatlo and I'm sure nagustuhan nila ang kanilang pinupugaran --sa topless na katawan ni Denver.

"No...may favor sana kami sayo." maarteng sabi ng babaeng may pulang lipstick.

"Sure. Anything."

"Can you introduce us to your cousin?" sabi ng may pink na highlights sa buhok.

"Sino sa kanila?" Tinuro niya sina Riley at Jax. At ang mga taken talaga ang pinupunterya? Tinignan ko si Gwyneth na todo kapit na ngayon kay Jax at parang atat nang kumagat ng tao.

"No, si Evan. I heard kasi that he's single. Might as well introduce him to us, baka may matipuhan siya sa isa samin. "

"Evan?..." he lingered at nilibot ang paningin sa club. Tinignan ko ang pinaghintuan ng kanyang mga mata "he's actually dancing with a girl which makes me doubt his status."

He is. Sweet na sweet sila ni Scarlet.

"I think it's not his girlfriend naman. I saw his facebook at walang pinagbago sa relationship status niya." giit ng ikatlong babae.

"He's still single." red lipstick girl followed.

"Okay...I'll try." Naglakad si Denver papunta sa pwesto nila Evan. Natigil sila sa pagsasayaw. Tumingin muli ako kay Riley na nagkibit balikat lang.

"May gustong makipagkilala sayo. "

Pagkatapos nilang banggitin ang kanilang mga pangalan, sinundan nila ito ng mga compliments sabay hawak sa braso at pisngi ni Evan. Binalik ko ang mga mata sa kinatatayuan ni Scarlet kanina ngunit wala na siya doon.

Di nagtagal ay may dumating na singkit at mestizong bakla. May binulong it okay Evan.

"Dude sorry mauna na ako sa inyo." madali niyang pagpapaalam. Bakas din ang pagkakataranta nito.

"Bakit?" tanong ni Jax.

"Basta I have to go."

"Come on Evan, the night is still young." maarteng maktol ng isang babae.

"Di ko pa nakukuha ang number mo." dagdag ng isa.

"Sorry girls but, I'm taken." nagmadali siyang bumaba at mas nauna pang naglakad sa baklang bumulong sa kanya kanina.

Tumawa ako at nagtago sa dibdib ni Riley. Parang binuhusan ng malamig na tubig at binigyan ng mag-asawang sampal ang tatlong babae pagkatapos yun sabihin ni Evan. Serves them right.

"Okay ka lang?" hinalikan ni Riley ang aking buhok.

"Natawa lang ako." ani ko.

Kaunti lang ang ininom ni Riley na alcoholic beverage. Kapag nilaharan siya ni Jax o ni Denver ay tinatanggihan niya. Siya ang nagsasalin ng kanyang sariling inumin.

Ako nama'y hindi man lang umaabot sa kalahati ang binibigay niya saking shots. Nasa ikalimang baso na ako nang pinigilan niya ako sa pagtungga.

Salungat kay Denver na lasing na lasing na ngayon. Kahit sino na ang pinapahiran niya ng post paints na kinuha niya galing sa kanyang mukha. Wala siyang humpay sa pagtawa at sinabayan pa ni Jax.

Bandang mag-aaluna na ng madaling araw ay napagdesisyuann na naming umuwi. Gusto pang manatili ng tatlo kaya nauna na kami ni Riley. Sa parehong subdivision sa Talisay kami nakatira. Hindi magkapitbahay ngunit magkasubdivision lang.

Pinara ni Riley ang taxi sa tapat ng bahay namin. Nagtaka ako nang bumaba rin siya kasama ko.

Tinanaw niya ang taxi na papalabas na ng guard house. When it faded into view, nilingon niya ako pagkatapos ay hinila palapit sa kanya at hinalikan. Binuka ko ang aking bibig upang suklian ang halik niya. His lips are warm and vodka-scented.

Siyang ang unang bumitaw upang yumakap sakin ng sobrang higpit. Halos hindi ako makahinga dahil nahihingal pa ako galing sa halikan namin. "I love you, Amber."

He's a great kisser and at the same time an everyday kisser pero minsan lang siyang nagsasabi ng I love you o mahal kita. He's not vocal about his feelings but he's sincere and honest. He shows his affection more on actions and less in words.

"I know...I do too." halos pabulong kong sabi. Ayaw kong makabulabog ng kapitbahay kaya hininaan ko ang aking boses.

"Pero kailangan muna nating tapusin ang relasyong ito."

Nanigas ako saking pwesto. Did I hear him right? "Come again?"sana nabingi lang ako o nagha-hallucinate.

Malalim siyang huminga "Let's stop this. Pero ayokong ako ang magsabi sayo."

Bumitaw ako sa pagkakayakap. Tinignan ko siya na parang tinubuan siya ng pink na buhok "Malayo pa ang April Riley. January pa lang ngayon. Napaaga yata ang April fools mo."

He stayed emotionless. Walang pagpapahiwatig na nangingiti siya. I hope he's just acting. "I'm not joking."

"What? Hindi ko maintindihan...bakit...
ano..." wala akong mahagilap na salita upang ilarawan ang nangyayari ngayon. Hindi ito ang tipo ng pagkakataon na hahayaan ni Riley na mangyari. Hindi ito ang uri ng bagay na gagawin niya sakin.

He's been a great boyfriend to me for almost a year. He never made me feel neglected. He treats me like a princess. Kung ano siya noong nanliligaw palang ay walang pinagbago hanggang sa naging kami. He is still the same Riley since the course of courtship. He never broke my heart. Not even once. He never cheated on me. Mailap siya sa ibang babae. Many girls even throw me envious looks everytime na magkasama kami. Isa siya sa mga pinagpapantasyahan sa buong university.

Masasabi kong masuwerte ako sa kanya. He's the best boyfriend that I could ask for. I don't want any guy to be mine but him.

Not just because of his physical attributes. Given na maa-attract talaga tayo sa pisikal na kaanyuhan. I've liked him already the first time I laid my eyes on him. Despite of his formal preppy look, maayos niya pa ring nadadala ang kanyang sarili.

He's unpredictable. Minsan makulit, minsan tahimik lang. But he's the sweetest guy I've ever met, and have. Matalino siya. He never settles for mediocracy. He's just...
everything.

Ngayon hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito.

"May nagawa ba ako? You found someone else better than me?" namumuo na ang luha saking mga mata.

"Hindi wala akong iba."

"Bakit ka nakikipaghiwalay? Anong wala sa'kin na meron sa iba? O anong meron ako na ayaw mo?" di ko mapigilang magtaas ng boses dahilan upang tahulan kami ng aso sa kabilang bahay.

Naluluha na rin siya. He shook his head at hinawakan ako sa balikat "No, you're the greatest girl ever. Wala akong ibang babaeng hinahangad na makasama kundi ikaw lang."

"Eh anong problema?" I said, sounding frustrated.

"Mawawalan na ako ng oras sa'yo. Magiging busy na ako sa mga klase namin. Ayoko namang paasahin ka sa isang bagay na kunwari may lakad tayo pero hindi rin naman ako makakarating. Masasaktan ka lang ng paulit ulit at yon ang iniiwasan ko."

"Maiintindihan ko naman yon. Hindi ako magdedemand ng oras sa'yo kung yan ang gusto mo."

Umiling siya at mataman akong tinitigan. Sa ilaw gawa ng lamp post sa harap ng aming bahay, naaninag ko ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. "No, please listen. Siguro sa puntong ito mas pipiliin ko muna ang sarili ko kesa sa'yo at sa relasyon natin. Kilala mo naman si dad di ba? He doesn't accept failures. Kung babagsak ako sa course na 'to o kung makakagraduate nga ako but not as a suma o magna cum laude, baka itakwil niya pa ako. I know I am being selfish pero sana maintindihan mo."

"A lot of people made it through! May mga gumraduate with Latin honors kahit nasa relasyon sila! "

I know a lot of people na ganoon. May kapitbahay pa nga kami na parehas pa sila ng boyfriend niya na gumraduate with honors.

I know Riley can make it without having to do this. He's smart!

Malalim siyang huminga at napahilamos ng mukha. Batid kong nahihirapan siya't parang may ayaw sabihin pero dapat.

But I want to know. Gusto kong may ipapaintindi pa siya sakin. I understand his reason pero mas gusto kong marinig ang bagay na mahirap maintindihan na dapat niyang ipaintindi para matanggap ko ang desisyon niya.

"To tell you honestly, my dad wanted me to break up with you." he finally said "He thought you're a distraction. He found out about my grades and he was disappointed. Pasado naman lahat but he's not satisfied. He wants me to be more than what I am now."

I get it. Riley's the only son. Only child. Hindi ko na mababago ang ugali ng papa niya na hindi alam ang salitang pagkatalo at number two. He always wants beyond the best.

Pero hindi ba niya naisip na mas madi-distract ang anak niya dahil sa paghihiwalay namin? A break-up and a broken heart are worst distractions!

"I won't be a distraction. Hindi ako mangungulit sa'yo kung study hour mo. Pwede namang panatalihin natin ang relasyon natin pero hindi kita papansinin para hindi ako makasagabal sa'yo. That's an alternative way di ba?" desperada na ako. I don't care kung ako ang nagmamakaawa ngayon. I know how Riley loves me at hindi rin niya ginusto ang nangyayari ngayon. He's just being manipulated.

"No...no hindi mo naiintindihan."

"Naintindihan ko, but we don't have to break up!" di ko mapigilang magtaas ng boses.

Mahigpit niya akong hinawakan sa braso. Pinilit niya maging seryoso at matatag pero hindi nakalampas sakin ang salungat na ekspresyon ng kanyang mukha. "We have to. Break up with me. Please. I don't want to hurt your ego kung ako ang magsasabi sa'yo kaya please. Say it Amberlyn. Break up with me."

Iyak akong umiling "No...ayoko."

Hindi ko kaya. Kahit ako pa ang magsasabi ng pagwawakas namin ay masakit pa rin. It won't make the pain less. Kahit saan tignan, kahit anong paraan ay iisa lang ang patutunguhan, iisa lang ang hangganan. Pain.

"Amber please. You know my father. Baka pag-initan ka pa niya kapag hindi natin gagawin ito. Kung ikaw ang nasa posisyon ko you'd do the same." masakit sakin ang pagmamakaawa niya. He's begging for our end! How could he say that this isn't painful for me? Hindi lang ego ko ang nasaktan, buong ako!

"I won't do it! Mahal kita kaya hindi ko iyon magagawa."

"Mas masasaktan ka."

"Maiintindihan ko! I will understand kung wala ka nang magiging time sakin!" hindi ko pinansin ang pagbubukas ng ilaw sa katapat na bahay dahil sa lakas ng boses ko. Sa tingin ko nga kahit sina mama nagising.

"But I don't want to hurt you more. This is for the best. Please, trust me."

"What if may mahanap kang iba?" basag na ang boses ko. Paano nga ba kung may iba na siya? Hindi ko siya ma-imagine na may ibang kasama maliban sakin.

Determinado niya akong tinitigan "It won't happen. Mahal kita, but we have to end this."

"Sa ngayon ako lang ang mahal mo pero hindi natin alam ang mangyayari. We didn't even see this coming di ba? What if makahanap ka ng iba na mamahalin?" I'm close to being hysterical.

Sandali siyang nanahimik. Nakatitig lang siya sa'king mga mata na naiilawan ng kaunting liwanag galing sa lamp post. Kalauna'y lumunok siya at nagsalita."You'd be the first to know and hopefully, sa panahon na yon, iba na rin ang mahal mo. It would be less painful, perhaps. "

Panibagong tubig ang naglandas galing saking mga mata.Hindi ko inasahan na ito ang sasabihin niya. Akala ko'y mananatili siyang tahimik dahil hindi niya magawang gunigunihin na may mga iba na kami.

Ako nga hindi ma-imagine, mabanggit pa kaya? Pero siya kinaya niya!

"Hanggang kailan ba ito? magkakabalikan pa ba tayo?" umaasa kong tanong.

"Maybe after graduation. Let's just survive with this. Okay?" hinawakan niya ang aking pisngi at hinalikan ako sa noo. Sumiksik ang kaunting pag-asa sa napupuno kong kabiguan.

Sa buong buhay ko, kaunti lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko. Riley is one of those few people. I began to trust his principles and him himself since I'd proven that he's right. He's always right. May mga nagawa man siyang pagkakamali but he'd never let me down.

Ito ang isa sa mga pagkakataon kung saan ko siya dapat pagkatiwalaan. Kahit masakit but I have to trust him with this. He's a man of his words. He's maybe hurting me today, alam kong hindi na ito masusundan.

Hikbi ko siyang hinalikan. Masaya ako sa paggawad niya ng halik. Deep and lingering kisses at parehas kaming ayaw bumitaw. I wanted to fast forward the time on his or my college graduation para hindi na ako makaramdam ng pangungulila sa kanya. Missing him is suicide!

The kiss took long. Tantiya kong umabot ito ng lagpas sa segundo o minuto. We mutually ended it nung parehas na kaming nangangapa ng hangin.

Pinagdikit ko ang aming noo. Hindi ako makatingin sa kanya. Narinig ko siyang suminghot. I don't have to state that he's indeed crying, too.

"I-I'm breaking up with you..." nahihirapan kong wika "Let's break up."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro