NINETEEN
CHAPTER NINETEEN
______________________________________
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay. Parang nilipad ko lang ang pag-uwi galing school.Tulala lang ako buong magdamag simula nung pag-uusap namin ni Azriel kanina. Ni wala akong ganang kumain hindi dahil sa lungkot at naweweirduhan ako sa ganoong pakiramdam. At hanggang ngayon para parin akong nakalutang.
Tinawag ako ni manang Terry upang maghapunan ngunit mas pinili kong manatili sa sarili kong mundo't pagmasdan ang kisame habang inalala ang kanina.
Ano nalang ang mangyayari bukas? Babalik na naman sa ilangan? Well I admit I'm attracted to him in some ways pero wala akong aaminin sa kanya o sa kahit kanino. I wanted them to believe that I remain loyal to Riley so as to make myself believe, too.
Sa patuloy kong pagkumbinse sa aking sarili ay maiiwasan kong laliman ang pagkagusto kay Azriel. A deep attraction towards him will ruin my promise. I don't want to disappoint Riley let alone hurt him. The first one who falls out of love will surely wreck the other one who has held on. I choose neither.
Tamad akong bumangon at nag bihis bago bumaba sa sala. Sinamahan ko nalang si manang na kumakain dahil nakakalungkot kumain mag-isa. Tinanong ko siya tungkol kina mama. Nasa funeral home silang tatlo para sa lamay ni ate Mauryn.
"Hindi po ba sila umuwi? Si kuya?" tanong ko. Kumuha ako ng tinidor at tinusok ang ulam na adobong manok.
"Si Ansel lang ang hindi umuwi. Dinalhan nalang ng mama mo ng damit." ani ni manang.
"Ano pong update sa nakabangga ng kotse ni ate Mauryn?"
Tumayo si manang at nagpunta sa sink, inipon at hinugasan ang mga pinagkainan. "Yun nga ang mas kinalungkot ng kuya mo sabi ni Sir. Tumakas yung suspek. Iniwan ang kasama sa kotse na namatay din naman."
"Wala po bang lead?" usisa ko. Ayoko namang maging isang unsolved case ang nangyari. Sana tubuan ng konsensya kung sino man siya.
"Wala eh. Halos maghahatinggabi daw kasi nangyari ang banggaan kaya wala silang mahanap na maaaring naging witness."
Bumagal ang aking pagnguya. Pinaglalaruan ng bibig ko ang tinidor habang iniisip si kuya. He might prefer to be alone for now. Matagal bago ko makikita ang dating sigla niya.
So I mustn't complain with the problems I have right dahil may mga taong mas matindi ang problema kesa sakin. Kuya's one of them. Mine was just a simple dilemma, an inner turmoil, not that depressing unlike an emotional baggage due to loss of a love one.
Dumatal ang panibagong buwan at sa mga nagdaang araw ay hindi normal sakin ang pakikitungo namin sa isa't isa. We're like going back to square one. Even a head-nod kind of acquaintance is devoid. Walang imikan kahit magkatabi lang.
Naisip niya rin sigurong wag na akong pansinin. Was he mad? Did he lose his trust on me? Kasi inaakala kong malaki ang tiwala niya sakin kaya hinayaan niya kaming maging malapit sa isa't isa, and now that I think he felt that I rejected his feelings, I don't think he wants to get acquainted with me anymore.
I was thinking that it's better off this way but this doesn't even feel good and right for me.
Sa panibagong duty namin ay hindi niya ako nilalapitan. Hindi na siya nagpapasama saking kumain kapag lunch. Pansin ng mga kagrupo namin ang nagbago at inusisa rin kami ng apat pero walang nagsalita saming dalawa. Parang showbiz lang. No comment.
Hinampas ni Lian ang mesa sa kinainan naming fastfood chain malapit sa ospital na pinagdudutyhan namin na parehas din kina Kelly at Noemi. Ibang station nga lang sila.
"Let's get to the nitty-gritty and tell us kung anong nangyari sa inyo."
"It's like you're being ghosts to each other!" dagdag ni Noemi
"LQ?" usisa ni Kelly.
Lagpas kabilang tenga ang mga tinatanong nila sa'kin. Nakafocus ako saking kinakain at wala akong tinitignan sa kanila. Kami ang huling batch na pinagbreak. Ang iba ay nauna na kanina kabilang sina Azriel at Terrell.
"Alam mo ang dami nang lumalandi sa kanya simula nung hindi na kayo naging close." ani ni Noemi.
"Bakit hinayan mong makawala? Alam mo marami kaming kadena sa bahay baka gusto mong hingin?" ngumunguyang sabi ni Kelly na binawasan ang fries na nasa tray ko.
"Kung makapagpayo naman kayo eh hindi naman naging kami. Wala okay? Classmates lang kami. Friends." tamad kong sabi.
"Friends?" tumaas ang boses ni Lian. "Dati siya ang palaging lumalapit sayo. Bakit ngayon para kayong napapaso sa isa't isa na hindi manlang umaabot ng kalahating pulgada ang distansya niyo? Ano? Pinaghiwalay kayo ng orbit?"
Natawa ako. Ayaw ko pa rin aminin sa kanila. Mas manunudyo lang kasi sila kapag ibulgar ko ang huling pag-uusap namin ni Azriel. Friends' teases sometimes can lead one thing to another.
Mas humilig si Noemi sa mesa, may pag-aalala akong tinignan. "May ginawa ba siya? o ikaw?"
Suko akong napabuntong hininga. "Wala nga...hindi lang pwede okay?"
Inis na hinampas ni Kelly ang mesa. "Sinong nagsabing hindi pwede? Single kayong dalawa."
Sumingasing si Lian. "Single nga, pero pakiramdam ng isa in a relationship pa siya."
Maingay siyang sumipsip sa straw habang tinataasan ako ng kilay, na para bang napatunayan niyang tama ang kanyang sinabi. Tama naman talaga. I still feel like I'm attached to Riley.
"Amber, Azriel is a big catch! Kung sumanib lang itong kaluluwa ko sayo o di kaya'y sumanib yang mukha mo sakin, ay nako! Papakasalan ko na siya!" pahayag ni Kelly.
"Ang problema iba ang sumanib sa'yo. Patay gutom." si Noemi ang nagsabi kasunod ang paglipad ng fries na tumama sa kanyang salamin. Nauwi sila ni Kelly sa pagbabatuhan, mas lamang nga lang si Kelly dahil bully siya kay Noemi.
Nanahimik na ako. Ayoko muna yung isipin kahit ginagambala ako nito ng pagkabog saking dibdib sa bawat pag iwas sakin ni Azriel. Hindi ko naman siya masisi. Kung ako ire-reject, siguro hindi ko na rin papansinin maliban nalang kung desperada na talaga ako.
Mahina akong siniko ni Lian sa tagiliran.
"Alam mo, hindi ko alam ang ipapayo ko sa'yo maliban sa huwag mong pigilan ang hindi naman bawal. You meant to feel it Amber, so might as well embrace it."
Napatitig ako sa kanya. The last words got me into pondering. Sandali siyang lumingon sa'kin, her smile was fleeting saka sumubo sa kanyang caramel sundae.
Minsan alinlangan akong magpakita ng ekspresyon kay Lian dahil mukhang nababasa niya ang utak at damdamin mo. Katulad nalang ngayon, parang alam niya kung ano ang saloobin ko but she acted like she didn't know anything.
Bumalik na kami sa loob at inasikaso ang pag vital signs para sa six to ten data. Normal lang ang hina-handle kong patient ngayon at sa katunayan ay madi-discharge na siya bukas.
Mahina kong sinarado ang pinto pagkalabas ko sa room ng pasyente. Inadjust ko ang lumuwang na pagkakapit ng aking cap bago bumalik sa nurses station para sa charting.
Hindi pa ako naka isang hakbang ay napahinto na ako pagkakita sa taong nakapamulsa at nakasandal sa pader. Nakatupi ang isa niyang tuhod habang nakatuwid ang isa. Katabi niya ang pinto na katapat lang ng kwartong pinasukan ko. He's in his blue button down shirt habang nakasabit sa balikat niya ang kanyang black suit. He's in his uniform.
"Riley?"
Nag-angat siya ng tingin at napaayos ng tayo.
"Amber." di makapaniwala niyang sambit.
Nagmistulang droga sakin ang malamyos at bahagyang baritono niyang boses.
"Anong ginagawa mo rito? May binibisita ka?" tanong ko. Sinubukan kong hindi mautal.
Nag-aalinlangan akong lumapit sa kanya. Sa mag-iisang buwan naming paghihiwalay, di ko na alam ang ikikilos kapag kaharap siya. Kailangan ko pang paaalahanan ang sarili kong wala na kami, kaya dapat lagyan ko ng distansya ang pagitan naming dalawa.
"Scarlet." bahagya niyang tinuro ang katabing pinto. Pagod siyang bumuntong hininga. "It's a sensitive case."
Napaawang ako habang iniisip ang ilang mga posibilidad sa kinahingatnan niya. "Saan ang pinsan mo? Where's Evan? Does he know?"
Tamad niyang ninguso ang pinsan sa dulo ng corridor. Nakayuko at mukhang pagod. Gulong gulo ang kanyang buhok at parang wala manlang nakikitang ibang tao na nakatitig sa isang sulok. Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya.
"Ba't siya nandyan? Bakit di siya pumasok?" pagtataka ko.
"He hasn't been talking. Kanina pa siya ganyan." May pag-aalala sa kanyag tono. Riley's very close to Evan. They're like brothers, halos magkamukha na nga sila. Whoever's close to one of them is also close to the other. Isa na si Scarlet and that's why Riley's here.
Muli akong bumaling kay Riley. "Kamusta na siya?"
Muli niyang sinilid ang mga kamay sa kanyang bulsa. "Hindi pa siya gumigising."
Mabagal akong tumango. Hindi ko sila nakita kanina so paniguradong kaka-admit palang niya.
Tinanaw ko ang nurses station kung saan nagkumpulan na ang iba saking mga kagrupo para manghiram ng chart. Ngayong pagkakataon lang marahil ang meron ako at sasabihin na kay Riley ang matagal ko nang gustong linawin sa kanya.
"Rai...kung ano man yung nakita mo-"
"I told you it's okay Amber." may pag-unawa niyang sabi.
Mabilis akong umiling sa pagprotesta. "Gusto kong sabihin sayo ng personal. Wala lang talaga yun. Please huwag mong isipin na may namagitan samin."
Lumambot ang kanyang ekspresyon, at pansin ko ang pag gaan ng kanyang mukha."I didn't."
"But you were hurt."
Tipid siyang ngumiti. Sa paraan ng pagtingin niya sakin ay para siyang may inaalala. "I just miss holding your hand."
Pinawi ko ang aking ngiti at mariin na kinagat ang aking labi. Pinigilan kong maluha kaya yumuko ako, tinignan ang mga sapatos namin.
"You know I'm still holding on Rai." basag ang aking boses.
"Me too, Amber." mahina niyang sabi.
I want him to embrace me after he said that. But at the same time ayaw kong gawin niya dahil baka mas maiiyak lang ako. I really miss him. His clean cut hair na ngayo'y bahagya nang tumutubo, those quick-witted slit midnight eyes...I miss our everything.
Nagdiwang ang puso ko sa nararamdaman. I'm happy. Really happy he said that. So happy to hear that like me, he's holding on too. Balewala sakin ang sinabi ni Azriel na makakahanap siya ng iba because I know Riley is a man of his words. He won't let me down. My doubts were being thrown out in the window.
What if I'll tell him I miss him? Ganoon din kaya ang gusto niyang sabihin? What if he's holding back saying it like me? Kasi parang may pumipigil sa'king isatinig yun. Maybe I'd just let him see it through my eyes that is full of longing.
Parehas naming nilingon ang langitngit ng pinto sa room ni Scarlet. Ganon nalang ang paghigit ko ng aking hininga nang niluwa nito si Azriel. Dirediretso ang kanyang pag-alis at walang ginawang paglingon katulad nalang ng inaasta niya nitong nakaraan. Ni tignan ako ay iniiwasan niya. Narinig niya ba kami ni Riley?
"That's him." ani ni Riley "Classmate?"
Pinagmasdan ko si Azriel na lumiko at maglaho bago ako sumagot. "Yeah." Lumunok ako, pinawi ang kung anong pait sa'king dila. "Classmate."
Nanatili pa ang tingin ko sa bakanteng corridor, tinatahak ang kanyang dinaanan. Pakiramdam ko may mali akong ginawa sa kanya, na malaki ang naging kasalanan ko. I want to talk to him about it. Ilang araw na rin, umabot pa nga ng linggo.
Kakasimula palang ng maganda naming samahan pero sa isang iglap ay naglaho na. Kung tuluyan man itong matatapos, ayoko sa ganitong paraan.
Natanaw ko ang aming clinical instructor hudyat upang ako'y bumalik sa'king gawain. Alinlangan kong nilingon si Riley na nakatingin na sa'kin. Sa kanyang pagngiti, mas lalong ayaw kong magpaalam.
"Balik ka na, pagalitan ka pa ng instructor niyo." aniya. Sumandal siya ulit sa pader.
"Magtatagal ba kayo rito?" umaasa kong tanong.
"Uuwi na rin ako maya maya lang. Samahan ko pa si Evan." nilingon niya ang pinsan na nanatiling nakatulala. "hintayin ko muna siyang magsalita."
Masama na ba akong tao kung hihilingin kong huwag munang magsalita ang pinsan niya?
"Sige, balik na ako." hindi sumang-ayon ang loob ko saking sinabi.
Tipid na ngiti ang sinagot ni Riley.
Pumihit na ako't may pagmamadaling tinahak ang daan papunta sa counter ng nurses station. Hiniram ko ang chart ng pasyente upang makapagcharting.
Sa buong oras ay wala sa ginagawa ko ang aking isip kundi sa kagustuhang makausap si Azriel. We can't just stay like this for the rest of our lives. We badly need to talk.
Naging kabado ako pagpatak ng uwian. Siya ang una kong hinanap matapos isilid ang aking mga gamit sa bag. Hindi ko na nga narinig ang inanunsyong paperwork na kailangan naming ipasa dahil sa nakakabinging kaba ko.
Sumiksik ako sa mabagal na paglalakad ng aking mga kagrupo palabas ng students lounge ng ospital. Hinanap ko si Azriel ngunit hindi ko siya nakita kaya si Terrell ang pinuntahan ko kausap si Archer.
"Terrell."
Lumingon silang dalawa at napahinto sa pagtawag ko. Tumaas ang dalawang kilay niyang mapagtanong.
"Si Azriel?" agaran kong tanong.
"Ayun oh, may kasama." Si Archer ang nagsalita sabay turo sa dalawang taong nauna nang naglalakad palabas ng hospital building.
Kasabay niya sa paglalakad ang balingkinitang babae na hinahagkan ng maliit niyang baywang ang kaparehas naming duty uniform. Nakangiti si Azriel habang nagkukuwento ang babae na madulas ang mga kilos galing sa paglalakad hanggang sa kumpas ng kanyang mga kamay habang nagsasalita. Hindi ko maaninag ang buong itsura dahil sa silaw ng ilaw galing sa labas.
"Sino yang kasama niya?" naging matalim ang aking boses na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Si Darlene, classmate namin siya noon bago na-dissolve ang section namin." sagot ni Terrell.
Hindi ako nakaimik. Hindi ako nakagalaw. Dumikit ang sapatos ko sa sahig habang nagsimula nang humakbang sina Archer at Terrell.
Pinakatitigan ko ang takbo ng pag-uusap ni Azriel at ng nagngangalang Darlene. Tumawa si Azriel. Akala ko sa'kin lang siya ganyan pero sa iba rin pala. Akala ko ako lang ang kinakausap niyang babae pero meron din palang iba. Akala ko sa'kin lang siya iba...Akala ko ako...pero bakit ganito?
At isa lang ang masasabi ko, ayaw ko mang aminin at tanggapin ngunit malakas ang tama nito sa'kin. Natatakot akong sabihin na hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro