NINE
CHAPTER NINE
Sa pagbiyahe pauwi, hindi ko pa rin matanggal sa aking isip ang sinabi ni Azriel kanina. Mas malakas ang epekto ng utak ko kesa sa impact ng boses ni Lavinia na sinasabayan ang electro-pop na kanta sa stereo ng kanyang kotse.
Nakamasaid ako sa labas ng bintana. Nadaanan namin ang kalye kung saan ko sila naabutang naglakad noong isang araw. Umaasa akong makikita ko siyang naglalakad ulit ngayon at marahil sa pagkakataong ito, baka pasasakayin ko na siya o sila ni Terrell. Depende kay Lavinia na mukhang good mood.
Kinumbinse ko ang sarili na hindi tungkol sa sinabi niya ako nadapuan ng kaba kundi sa titig na ginawad niya sa'kin. Tinatanong ko sa sarili kung natural lang ba na ganoon ang paraan ng kanyang titig o may iba pang kahulugan.
Inabot ko ang rearview mirror at inadjust. Tinignan kong mabuti ang mga mata ko. Tinanggal ko ang mga clip sa aking bangs at iniling upang matuyo kasabay ang pagsuklay gamit ang kamay, dinama ang bahagyang pamamasa. Medyo wavy siya ngayon dahil kakagaling lang sa pagkakaipit.
"Lav." sambit ko sa pinsan.
Huminto siya sa pagkanta. "Yes?"
"Bilog ba ang mata ko?" alinlangan kong tanong. Huminto ang kotse pagkalipat sa red traffic light.
"Hindi." mataray niyang sagot. "Ano bang ini-expect mo? Jang ka! Walang may malaking mata sa pamilya mo. Kahit nga si tita na hindi korean hindi bilog ang mata."
"Pero hindi naman ako singkit di ba?"
Sumimangot siya at weirdo akong tinignan. "Hindi rin. Pero chinita ka. Ay ewan! Basta hindi ka singkit. Halata lang na may lahi kang lahi mo."
Natawa ako ng bahagya. Kahit may pagkaprangka si Lavinia kadalasan weirdo ang mga sagot niya.
Lumipat na sa green ang traffic light. Nag-switch gear na si Lavinia at muling pinatakbo ang kotse.
"Bakit?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala."
Bakit ko nga ba yun tinanong? Wala naman akong dapat asahan sa sinabi ni Azriel kanina. Hindi na nga siya namansin ulit pagkatapos. But his eyes though. Parang pinapaaktibo nito ang lahat ng emosyon mo.
Pagkarating namin sa subdivision, una akong bumaba ng kotse. Ang bahay nina Lavinia ay katabi lang ng sa'min kaya minsan sa bahay namin siya nakikikain. Ayaw niya kasi sa luto ng mama niya dahil puro gulay ang pinapakain sa kanya.
Nadatnan ko si mama na nagluluto sa kusina kasama ni manang Terry, katulong namin ng limang taon. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umupo sa silya upang hintaying matapos ang niluluto niya. I'm sure mapapasugod dito si Lavinia.
"Si dad po?" tanong ko. Pansin ko sa labas na wala ang Enclave ni kuya pero nakaparada ang Ford which is ang palaging dinadala ni daddy.
Pinagmasdan ko si mama na kumuha ng bowl sa shelf ng mga plato at tinidor. "He's with your kuya Ansel. I can't believe your kuya's getting married."
"Wala po bang engagement party?"
"This Saturday.Yun ang isinikaso nila ngayon. They went to the hotel para tignan ang magiging venue. Hindi na ako sumama. I want to surprise myself kung ano ang kalalabasan ngayong sabado. Anyway, paano ka nakauwi? You smell like a car freshener."
"Dinala ni Lav ang kotse niya." simple kong sagot.
"I see." Sa paghahalo ni mama ng sauce sa casserole ay mas lalong kumalam ang tiyan ko. "Kakagaling nga lang dito ng tita Sherry mo. She told me about Lav's sweet spoiled brat schemes kaya napapayag nilang dalhin niya ang kotse. How about you? You don't want a car? I'm sure your dad and Ansel can give you one."
Ngumiwi ako. "Di ako marunong mag drive ma."
I prefer na ipag-drive ako. I get terrified when driving. Minsan na akong tinuruan ni kuya at muntik na akong mabangga sa poste. Simula noon, I never tried practicing again kahit nag insist si kuya Ansel. Mas feel ko ang safety kapag may driver. I don't trust my skills in handling the steering wheel.
"You should learn. Pero sa ngayon priotize your studies muna. Hindi naman mawawala ang driving lessons kapag nakagraduate ka na. And your kuya is always willing to teach you." aniya.
"I know." tumayo ako at naglakad kung saan nagluluto si mama. Dumungaw ako sa laman ng casserole. "Tapos na po ba? Gutom na ako."
"Here." Binigay niya sa'kin ang sandok "Tell me kung tama na ang timpla."
Nanatili sa gilid ko si mama at pinagmasdan ako habang tinitikman ang sauce. Tumango ako at nag thumbs up. It tastes good as always basta si mama ang nagluluto.
"I knew it!"
Sabay kaming napalingon sa bagong dating. Nakabihis na ng pambahay si Lavinia na agad tinakbo ang kusina. Minsan nagtataka ako sa katakawan niya pero nanatili siyang slim, parang si Kelly lang din.
"Saan ka ba pinaglihi ng mama mo't ang hilig mong kumain?" natatawa tanong ni mama habang naglalagay na ng plato sa mesa.
Pinaglalaruan ni Lav ang tinidor. "Baka sa gulay na naman. Alam niyo ulam namin? Ako hindi ko alam pero ang daming pechay! At saka you know our dessert? That Julius Caesar salad na naman!" pinaikot niya ang kanyang bilugang mata "Ba't ba ang hilig sa gulay ni mama tita?? Is she always like that noon pa?"
Naiiling ako sa pagrereklamo niya. I know karamihan sa first impression ng mga tao sa kanya ay maldita, spoiled, candid at maarte, pero ako na palagi niyang nakakasama, kaedad at ka vibes na rin, naiintindihan ang kanyang ugali dahil nag-iisa siyang babae sa kanilang magkakapatid. Yes she is mean, pero nilalagay naman niya sa lugar. Saka may tinatago siyang sweetness. She's just being misunderstood.
"You know your mom is a model, pinapanatili ang figure." sabi ni mama.
"May treadmill naman kami. Palagi nga kaming nag wo-workout. Life's too short to eat grass!"
Pinauna ko na si Lav sa pagkuha ng pasta sa malaking bowl. Ako nama'y sauce ang inunang inihain sa'king plato.
"Kaya ka pala sexy. You always run in treadmills?" tanong ko. Kumuha ako ng cheese sa ref at grater sa isang shelf.
"Yeah. After nito tatakbo ako. Tapos gugutumin na naman. Ugh!" gigil niyang ekspresyon saka inikot muli ang mga mata.
Napawi ang ngiti ko nang maalala na naman ang pagkaayaw ni Azriel sa mga may bilugang mata katulad ni Lavinia. But he told me she's beautiful.
"Huy! May naalala ako." nilunok niya muna ang kinain bago nagsalita. Tinuro niya ako gamit ang tinidor. "Ang gwapo nung classmate mo, yung nasa labas kanina? sa kanya ko kasi tinanong kung nasaan ka. Halos mapatanga nga ako eh."
Unang lumitaw sa isip ko si Azriel na nakasandal sa ledge at hindi ako pinansin.
"Dahil sa kagwapuhan niya?" pang-aasar ko. Kung alam lang nito na sinabihan siyang maganda.
Kunot noo siyang umiling. "Hindi. Pero striking ang kagwapuhan niya. Kaya lang napatanga ako kasi hindi ko gets ang sinabi niya. Parang slang. Ano ba siya? May lahi?"
Si Azriel nga. Pinigilan ko ang matawa.
"Ano bang sinabi niya?"
Tinuhog niya ang isang maliit na slice ng cheese saka sinubo."I asked kung kilala ba niya si Amberlyn Jang. Tumango siya. Tapos nagtanong ulit ako kung nasaan ka. Nagkibit balikat siya sabay sabi 'I dew noye'. Akala ko nga ibang language. Tapos trinanslate nung katabi niyang may spike ang buhok. 'I don't know' daw yung sinabi, slang lang."
Hindi ko na napigilan at tumawa ako. Siguro ay hindi ako ang naging unang biktima ng pagka-slang niya.
"Kaso mukhang suplado. Pero ang hot niya. Parang may abs." sabi niya, sabay taas baba ng kanyang kilay.
"Hindi yun masyadong namamansin." ani ko. Never ko pa siya nakitang nakipag-usap sa babae. Non-verbal lang ang sinasagot niya tulad ng pagtango, iling at kibit balikat. Kung hindi ko lang siya narinig na unang nagsalita, iisipin kong deaf-mute siya.
Sumingasing siya at umismid. "Obvious naman. Di tumalab sa kanya ang kagandahan ko. Tinalikuran ba naman ako pagkatapos. O baka nahiya sa'kin. "
Bumagal ang pagnguya ko at inisip na posible ang sinasabi ni Lavinia. Nung sinabi niyang ayaw niya sa may bilugang mata at kulot na buhok, maybe it's the opposite para hindi ko iisiping may gusto siya sa pinsan ko dahil nahihiya siya. Dahil kung wala siyang gusto, bakit tinignan niya ito nung naglakad na siya palayo? Tapos tinalikuran niya pa umano si Lav kanina. That's it maybe. He's shy!
Nagtagal pa si Lav ng mga thirty minutes sa'min. Pinagdala siya ni mama ng spaghetti para kina Kilmer na nakababata niyang kapatid na lalake at kuya Trent na dalawang taon ang tanda sa'min.
Kinagabihan ay nakahiga ako sa kama't tinignan ang reminders sa'king notes kung may mga dapat bang dalhin bukas o di kaya'y quiz. Nakasulat lang ang dapat naming i-research sa libro sa library para sa thesis namin. Sinara ko na ang notebook at tinabi sa'kin sa kama. Tinamad akong ibalik ito sa bag.
Kakapikit ko palang nang mag vibrate ang aking celllphone. Hinagilap ko ito sa ilalim ng aking unan at binasa ang message, sa taas ay isang numero lamang. Pinadulas ko ang aking hinlalaki pakanan upang i-unlock ang screen.
Sorry for my behavior a while ago.
May ideya ako kung kanino galing ang mensahe, pero ayaw ko namang mag-assume.
Me:
Sino 'to?
Mabilis siyang nag-reply.
You know who
So hindi nga ako nag-assume.
Me:
Azriel?
Nagtagal ng limang minuto, hindi siya nagreply. Nagtype muli ako ng message.
Me:
How did you have my number?
Segundo lamang ang lumipas. Kumunot ang noo ko. Bakit kanina hindi siya nagreply agad?
Terrell
How ang tinanong ko hindi Who or Where.
Paano nakuha ni Terrell?
Wala pang sampung segundo...
Lian
Ang sipag niyang magtext! At saka Paano ang tinanong ko which is tagalog lang ng How. Name ulit ang nireply niya. Haaay naku Azriel!
Me:
Okay lang.
Wala lang naman talaga sa'kin ang inasal niya kanina. I just wanted to know kung bakit siya ganoon.
No it's not. I'm sorry.
Naririnig ko ang accent niya sa pagsabi nito.
Me:
Ako ang dapat magsorry. Hindi ko talaga ginustong iikot ang syringe kanina. I panicked.
Bahagya kong inangat ang sarili at kinuha ang malaking unan na nasa dulo na ng kama. Dinantay ko ang aking binti rito. Nag-vibrate ulit ang aking phone.
Forgiven. Forgive, me too.
Napangiti ako. Para namang ang laking kasalanan ang ginawa niya.
Me:
I didn't get mad at you. Nainis lang ako. You possessed a girl's mood swing. Oopss...no offense.
Mabilis ang pagreply niya.
:D
Tss. Kaya naman pala.
Binalik ko ang phone sa ilalim ng unan. Pumikit na ako at simulan na ang pagtulog. Five pa akong gigising bukas para sa seven thirty class namin. Muling nag vibrate ang aking phone. Kunot noo ko itong kinuha.
Naningkit ang mga mata kong binasa ang mensahe.
Goodnight Amberlyn Rose
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro