FOURTEEN
CHAPTER FOURTEEN
Nakakailang ang paglalakad namin ni Azriel pabalik sa reception pagkatapos niyang makapagbihis. Naintindihan ko naman ang sinabi niya, pero ayaw kong paniwalaan kung may pinapahiwatig man siya. Kung meron man, iiwasan ko na ito dahil hindi maaari. Hanggang dito lang kami sa pagiging magkaibigan. I'm content with what we have right now.
"Do you need another shot of wine? Ikaw yata ang tahimik ngayon. Am I still scaring you?" nababahala niyang wika.
Medyo madilim sa parteng dinadaanan namin dahil sa naglalakihang mga puno na kaunti lang ang binibigay na liwanag ng ilaw. Ibig niya muna daw na maglakad lakad. Bahagya ko siyang nilingon. Tama ako, bagay sa kanya ang dark blue. Sa kaliwa niyang kamay bitbit niya ang paperbag laman ang namantsang damit.
"Hindi naman. Okay lang ako." mahina kong sabi. Wala lang talaga akong masabi. The effect of wine has worn off already kaya hindi ako madaldal.
"Dahil ba sa sinabi ko?" tanong niya. Bumagal ang paglalakad namin.
Hindi ako nakaimik. Mas nag-react ang puso ko kesa sa bibig ko. Kung may bibig lang ang puso ko, marami na itong tinatalak. Hindi lang ito basta magwawala, magsisisigaw pa!
"I meant what I said."
Napahinto ako. Dumaan ang malamig na pag-ihip ng hangin pero walang wala ito sa pag-iinit ng aking pisngi. Ilang segundo nalang ay pagpapawisan na ako.
"Are you mad?" malambing niyang tanong.
Kaagad akong umiling. "Hindi. Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?" pumeke ako ng tawa upang takpan ang aking kaba.
"I don't know. Baka ayaw mo sa sinabi ko. Don't you want me to be honest?" bahagya siyang yumuko at nakataas ang dalawang kilay, ganito siya kapag matiyagang naghihintay ng sagot. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi sa kaba. You have no right to be nervous! Ako ang kinakabahan dito!
"Hindi naman sa ganon. Ano lang kasi..."
"Hindi ko na babawiin ang sinabi ko. I meant it Amberlyn." seryoso niyang saad.
Napatitig ako sa kanya. Kasing dilim ng gabi ang kanyang mga mata. But he's still a beauty in the night. And as mysterious-looking as the moon.
"Thank you." napamura ako sa'king isip. Thank you? Talaga lang Amber?
Kaagad nagpalit ang kanyang kaseryosohan at bumalik sa malambot na ekspresyon. "Don't get mad."
"Hindi nga ako galit." Yumuko ako. "Nahihiya lang ako."
Malakas siyang tumawa kaya mas lalo kong iniwas ang sarili sa kanya. Ano bang meron sa sinabi ko?
Hindi pa rin siya tumigil kaya nauna na akong naglakad. Binilisan ko ang aking paghakbang. Ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin dahil siya mismo'y hinahabol ako na walang tigil sa pagtawa. Hinayaan ko na siya hanggang sa nakabalik na kami sa ballroom four.
"Oi! Saan kayo galing?" sumulpot si Kelly na ngumunguya ng cookies. Nakapulupot ang braso niya kay Lian kasama si Terrell.
Sinabi ko sa kanila ang nangyari hanggang sa dumating si Noemi. Tinignan nila ang bagong bihis na si Azriel na ngayo'y humihikab na.
Unti unti nang nagsiuwian ang mga bisita. It's almost eleven in the evening. Sa hotel ako mananatili kasama nila mama, bukas pa kami uuwi sa bahay. Sinamahan ko ang mga kaibigan kong naghihintay sa labas ng entrance habang kinukuha ni Terrell ang sasakyan.
Nagbeso kami nina Kelly, Lian at Noemi. Nagpasalamat sila at ako din sa kanila sa pagpunta nila. Kumaway sila bago pumasok sa itim na Fortuner. Sumaludo sa'kin si Terrell galing sa driver's seat at tipid na kaway ang binigay ni Azriel na nasa passenger's seat.
Sa pagganti ko ng kaway namalayan kong nasa'kin pa ang keycard. Hindi ko pala nasauli kay Trent kaya paniguradong hinahanap nila ako. Bumalik ako sa loob pagkaliko na ng sasakyan.
Naghihintay sa labas sina Trent at Lavinia na nakasandal sa magkatapat na haligi, pinapagitnaan ang pinto. Unang lumingon si Trent na halata ang antok sa mga mata.
"Finally!" pagod na bumuntong hininga ni Lavinia.
Ako ang nagswipe ng keycard at sa pagpasok namin, muntik na akong matumba sa biglang pagsakay ni Lav sa likod ko.
"Lav madadapa tayo naka-pumps pa ako!" natatawa kong sabi.
Maingat akong naglakad habang naka piggy back siya sa'kin. Pagod siyang umungol. Nakiliti ako sa buhok niyang nagkalat sa balikat at braso ko.
"Ihagis mo nga sa balcony Amber, paniguradong magiging straight na ang buhok ng kulot na yan."
Tamad na umupo si kuya Trent sa sofa sa sala at tinanggal ang unang dalawang butones ng kanyang dress shirt.
"Eat shit kuya Trenton." Inaantok na ani ni Lav.
Lumakad na ako sa kwarto at nilapag ang keycard sa table na may salamin. Kasunod ang paglapag ko kay Lavinia sa kama. Nilikot niya ang kanyang paa upang matanggal ang kanyang sandals ngunit may strp ito kaya ako na ang nagtanggal.
"Thanks Am." aniya saka gumulong sa gilid at dumapa.
Nagtungo ako sa walk in closet at hinanap ang dalang bag kanina ni mama. Nandoon ang pantulog ko. Sa pagkahagip ko sa isang cabinet, sumariwa sakin ang nangyari kanina na parang segundo lamang ang naging agwat nito. Iniwas ko ang tingin doon kasabay ang pag-iwas kong mapalapit sa cabinet na yon.
Nahanap ko ang bag sa ilalm ng isang cabinet. Sa cr ako nagbihis at naghilamos na rin. Sinilip ko si kuya Trent na nakatulog na sa sofa habang nakaupo.
"Kuya, huwag ka dyan. May isang bed pa dito." sabi ko.
"Hihintayin ko pa sila. Ako magbubukas ng pinto. Just sleep." inaantok niyang ani.
"Okay."
Humiga na ako katabi sa nakadapang si Lavinia. Binalikan ko ang mga nangyari kanina hanggang sa dinalaw na rin ako ng antok. Hindi ko na namalayan ang pagdating nila mama at ang iba pang kasamahan namin dito sa suite room.
Linggo ng hapon kami nag check-out sa hotel. Humabol pa ng pagligo si kuya Trent sa pool kasama si Kilmer. Kami ni Lavinia ay nagpipicture sa mga magandang halaman at view ngunit hindi rin yun nagtagal nang malamang may free breakfast buffet kaya mabilis niya akong hinila papunta sa restaurant.
Pikit mata kong pinatay ang alarm sa aking cellphone. Alas kuwatro palang ng madaling araw. Pilit kong siniksik sa utak kong may duty kami ngayon at kailangan thirty minutes before six ay nandoon na kami sa area para sa morning circle.
Tiniis ko ang lamig ng tubig sa shower. Mabilis lang akong natapos sa paliligo dahil sa panginginig ko. Dali dali akong nagbihis tapos ay bumaba na upang mag-agahan dala ang aking bag at binder laman ang mga case forms.
Nagbuhos ako ng cereal sa bowl. Matatagalan lamang ako kapag magpapaluto pa ako ng agahan. Bumukas ang ilaw sa kitchen. Naniningkit ang mga ni mama sa antok kasabay ang kanyang pagtataka.
"You didn't tell me na may duty ka pala ngayon. Sana napagluto kita ng breakfast." matamlay niyang ani dahil sa antok.
"Okay lang ma," ngumunguya kong sabi.
"Anong oras ba ang duty mo? magpahatid ka na kay mang Cesar. Tulog pa kasi ang dad mo."
"Six to two." sagot ko.
Muli siyang umakyat sa taas at sa kanyang pagbalik, binigyan niya ako ng pera, allowance ko for one week para hindi na ako palaging manghihingi. Sa ganitong paraan natutunan kong mag-ipon at mag-budget ng pera. Ganito rin sila kay kuya dati.
Humalik ako sa kanya sa pisngi bago sumakay sa kotse. Nawala ang antok ko sa pagmasid sa tahimik na daanan at kung paano ito unti unting nagigising sa bawat minuto. May nakikita akong schoolmate sa university na magduduty rin ngayon at nakikipag-agawan ng pwesto sa jeep.
"Salamat manong." sabi ko pagkababa ng kotse. Sa likod ng ospital ako dumaan kung nasaan ang employees at students' entrance.
Sa cr ako dumiretso upang tignan ang aking ayos. Marami kaming nagsisiksikan doon na magduduty rin, karamihan sa ward kaya panay ang hingian nila ng hairclip para ma-attach ang kanilang mga cap. Nilagay ko ang aking mga gamit sa isang espasyo sa sink. Nag-clip lang ako sa'king bangs. Hindi ko na kailangan mag hairnet dahil maikli ang buhok ko.
Tsineck ko ang aking mukha sa salamin. Hindi na ako naglipstick ngayon dahil matatabunan rin naman ng mask kapag nasa loob na kami ng operating room. Umalis na ako pagkatapos at nagtungo sa student's lounge na nasa third floor.
Apat sa mga kaklase ko ang natutulog, si Archer lang ang nagising sa aking pagpasok. Na-okupa na nila ang mga mahabang silya kaya sa sahig ko nilapag ang aking mga gamit. Dito na rin ako umupo.
"Kayo palang?" tanong ko habang kinukuha ang aking ballpen at jutdown notebook sa bag.
"Nasa holding area sila, namimili ng kaso." ani niya.
"Nagpunta na kayo doon?"
Umiling si Archer. "Sila ang pina priority namin, mga wala pang kaso eh."
"Si Sir Alivio nandito na?" tanong ko. Kinuha ko na rin ang aking scrubsuit dahil balak kong magpunta sa holding area ng OR.
"Oo, kararating lang." sabi ni Archer.
Tumango ako't tumayo. Pinagpag ko muna ang alikabok sa'king uniform bago ako lumabas. Pumasok ako sa OR at maingat na humakbang papasok sa students locker. Kailangan kasi hindi maaapakan ang linya na nagsisilbing guide kung hanggang saan lang makakapasok ang mga hindi naka scrubsuit. Nakita ko si Terrell na kakatapos lang magbihis.
"Ang aga mo talaga palagi." sabi ko sa kanya.
"Naghahabol ng case eh." Nangingiti niyang sabi habang tinutupi ang kanyang scrubsuit.
"Maraming cases ngayon?" tanong ko.
"Yep. Yung iba nga sabay sabay."
Lumabas na siya pagkatapos sa kaalamang magbibihis na ako. Sinilid ko sa paperbag ang aking mga gamit upang paniguradong hindi mawawala. May iba kasing estudyante na nawawalan na dito ng uniform, ang iba ay slip-ons kaya nilalagyan namin ng pangalan ang aming mga uniforms sa likod ng manggas.
Pagkarating ko, kaagad kong tinignan ang white board kung saan nakasulat ang mga cases ngayong umaga. Ayaw kong kumuha ng case na lalagpas ng eight hours dahil lagpas na yun sa schedule namin.
Si Camila ang may hawak ng papel kung saan nakasaad ang mga kinuha naming kaso.
"Cam, yung Myomectomy ang kukunin namin." pagpapaalam ko sa kanya.
"Partner?" hindi siya nag-angat ng tingin, seryoso siya sa kanyang sinusulat.
"Fontaneza." ani ko.
Napahinto siya. Doon na niya ako binalingan. "Weh? Pumayag siya? baka niloloko mo lang ako."
Halos matawa pa siya. Parang hindi siya makapaniwalang si Azriel ang partner ko. Ano bang problema dun?
"Itanong mo pa sa kanya." mahinahon kong sabi.
Balewala siyang nagbalik sa pagsusulat, ngunit hindi pangalan namin ang sinulat niya. "Wala pa siya eh."
Simangot akong naghintay kung may susunod siyang sasabihin. Baka kasi binibiro niya lang ako. Minsan may topak din kasi 'tong si Camila.
"Kami nga ang partners, Cam. Isulat mo na. Baka maunahan pa kami sa case." mahinahaon kong pamimilit sa kanya.
Napaiwas ako sa counter dahil sa malakas na pag ring ng phone.
Tumingin si Camila sa whiteboard saka may sinulat ulit. Hindi na naman kami ang sinulat niya. Hindi na ako mapakali.
"Mahirap pakiusapan si Fontaneza kaya wag kang mag-joke joke sa'kin."
Napairap ako sa ere at marahas na bumuga ng hangin. Kung ayaw niyang maniwala edi wag! Kapag talaga dumating si Azriel humanda siya. Mapapanganga siya sa gulat.
Bagsak ang balikat akong sumandal sa pader na katabi ng pintuan ng holding area kung saan unang dinadala ang mga ooperahan na mula sa mga ward at private rooms. Pinagmamasdan ko ang mga kagrupo kong lumalapit kay Camila upang ipasulat sa kanya ang mga kasong kukunin nila kasama ng pangalan ng kanilang mga partners. Pinapakiusapan ko silang huwag kunin ang napili kong case.
"Yan nalang Myomectomy ang kunin mo." narinig ko ang boses ni Camila sa may counter kausap si Archer. Lumapit ako doon upang pumalag. Hindi niya pwedeng ibigay yung napili kong case!
"Eh kay Amber daw yan eh." Kamot ulong ani ni Archer.
"Hindi ko pa naman nailista dito kaya pwede mo pang kunin."
"Camila naman..." protesta ko. Gusto ko nang makakuha ng kaso ngayong first day palang!
"Bakit?" naiinis niyang daing.
Bahagya akong nagdabog. "Si Fontaneza kasi ang partner ko bakit ba ayaw mong maniwala?" halos naiiyak kong sabi.
Tinignan ko ang listahan niyang nakalapag sa counter. Tatlong cases nalang ang hindi naisulat at kasama na doon ang napili ko!
"Ang feeler mo Camila. Parang yun lang di mo na nilista si Amber." singit ni Archer.
"Mahirap naman talagang paniwalaan." taas kilay niyang sabi.
"Eh sino sa tingin mo ang gustong ipartner ni Fontaneza, ikaw? Mangarap ka uy! Hindi ka nga pinapansin nun." pansin ko ang inis sa tono ni Archer. Hindi na ako nag-react. Hinihintay kong mapuno si Camila sa pang-aasar hangga't sa wala na siyang magawa kundi ilista ang pangalan namin ni Azriel.
Nang-aasar siyang ngumiti sa'kin at kay Archer. "Nahihiya siya sa'kin."
"Feeler." ani Archer bago nilisan ang holding area.
Bumalik na rin ako sa sinandalan kong pader kanina.
Dinungaw ko ang wallclock. Malapit nang mag six. Problemado akong tumitingin tingin sa paligid. Pinaghahanda na sina Terrell at Lian na siyang unang papasok sa operating room. Yumuko ako't pinagmasdan ang aking scrub shoes. Humikab ako habang hinuhubad ang sapatos upang ipunas ang naka-stockings kong paa sa alikabok na nasa scrub shoes ko.
"Hey."
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Azriel na inaayos ang tali ng kanyang bonnet. Pinasidahan ko siya ng tingin. Ang gwapo niyang tignan kapag naka scrubsuit. Tumitig ako sa mga mata niya bago nag-iwas ng tingin.
"Nagpalista ka na?" tanong niya.
Walang gana akong umiling. "Ayaw kasi maniwala ni Camila na tayo ang partners."
"Anong pinili mong case?" tanong niya.
"Myomectomy." Sabi ko.
Sinundan ko siyang naglakad papunta kay Camila na nagsusulat pa rin. Kausap niya ang isang kagrupo. Pagkalapit namin ay pumagilid siya na di inaalis ang tingin sa whiteboard.
"Myomectomy, Fontaneza and Jang." dire-diretsong sabi ni Azriel. Nakahilig pa siya sa counter pati na ang kanyang mga braso saka tinatapik tapik ang mga daliri. Nakanguso niyang pinagmasdan ang whiteboard.
Huminto sa pagsusulat si Camila. Naniningkit ang mga matang niya habang nagpalipat lipat ang tingin niya sa'min ni Azriel.
"Napilit mo siya?" taas kilay siyang nagtanong sa'kin at ninguso ang katabi ko.
"Ako ang pumilit sa kanya. I asked her to be my partner." seryosong sabi ni Azriel, sa tonong magpapakaba sa'yo, magpapatunaw ng mga buto mo sa katawan at magpapatayo ng mga balahibo mo.
Nag-iba ang pinta ng mukha ni Camila na mukhang nagulantang. Tumitig siya sa'kin na para bang nagtataka kung ano ang meron sa'kin. Ningitian ko lang siya. Muli siyang nagpabalik balik ng tingin sa amin ni Azriel.
Umirap siya't ngumiwi. "Okay. Edi kayo na ang partners." mapait niyang sabi.
Sumingasing si Azriel. "Kami talaga." At saka niya ako nilingon at ningitian.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro