Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY TWO

CHAPTER FORTY TWO
_____________________________

Nagmamadaling nagsitakbuhan paalis ang mga lalakeng nakaharap ni Azriel. Hindi na niya nagawa pang habulin ang mga ito. Nasalo niya ako bago pa ako tuluyang bumagsak sa lupa.

"Amber..." taranta niyang sambit. Nasuportahan niya ang pagtayo ko sa paghawak sa likod ng aking ulo at ibabang likod.

Nahihirapan akong makabuo ng salita. Panay ang aking pagsinghap at mabilis na paghinga. Ang tanging nagawa ko ay ang lumikha ng parang nabubulunan na tunog.

Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hangin sa sakit ng likod ko. Kung ano man 'yong bagay na hinampas sa'kin, parang nakakabali 'yon ng buto. 

Maingat niya akong sinikop. Dahil gabi na, at ang lalakas ng mga volume ng tv sa kabahayan ay wala man lang nakarinig na may nangyayari nang kung ano sa labas ng paligid nila.

Nanginginig kong nilibot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Gusto kong itanong kung sino yung mga kumausap sa kanya at bakit nais siya nitong saktan. Mukha lang namang palaaway si Azriel pero hindi siya bulakbol.

"Not...h-hospital..." nahihirapan kong ani. Napangiwi ako at sumukot sa kalooblooban.

Sasabihin ko sanang huwag niya akong dalhin sa ospital, pero 'yon lang ang nakayanan ko. Ayaw kong malaman 'to nila mama at dad. They're going to freak out for sure.

"But I have to bring you there!" nagmura siya pagkatapos at kahit ano na ang mga binubulong.

Umiling ako. Binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hinigpitan ko ang pagkapit ko sa kanya. "Please..."

Hindi na niya ako kinontra. Nagmura lang ulit siya tanda ng pagsuko. Nakikinig ako sa mabilis niyang paglalakad at ilang mga taong nag-tatanong tungkol sa nakikita nila ngayon pero binalewala lang sila ni Azriel sa hindi pagsasalita nito.

Dumating kami sa kanyang dorm. Patagilid niya akong hiniga sa kanyang kama, nakatalikod ako sa kanya. Tinanggal niya ang aking sapatos at lumikha ng pagkalabog ang paglapag niya nito sa sahig.

Dahan dahan niyang inangat ang aking blouse upang matignan ang likod ko. Napasingasing siya at muling nagmura.

Limitado lang ang aking paggalaw kaya di ko manlang magawang masulyapan ang naging pasa ko sa likod. Hindi magre-react ng ganoon si Azriel kung wala. Tahimik akong nakikinig sa paglabas niya sa kwarto at ang pagkatok niya sa kabilang pinto. I laid here in fetal postion.

Paano kung si Azriel ang tinamaan? At sa pagkakaalala ko, tatamaan siya nung lalake sa ulo. Kung hindi pa ako humarang, mas grabe ang matatamo niya. Mas kritikal kesa sa sinapit ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na may kayang saktan siya ng ganon.

"Anong nangyari?"

Bahagya kong nilingon ang aking ulo upang tignan ang pagpasok ni Terrell kasunod si Azriel.

"She found me talking to those fucktards. I think that guy was supposed to hit me pero humarang siya. She got hit instead."

Lumuhod si Terrell sa gilid. Humarap muli ako sa kabila.

"Tignan ko Amber, ha?" paghingi niya ng pahintulot. Tumango ako.

Katulad ng ginawa ni Azriel kanina, maingat niyang inangat ang aking blouse. Nakaramdam ako ng hiya dahil basa ang damit ko sa pawis.

"Tsk." suminghap siya. "This looks bad." Napangiwi ako at napaigtad nang haplusin niya ang parte ng likod kong nahampas. "Sorry." aniya.

"Ayaw niyang pumunta sa ospital." malamig na pahayag ni Azriel.

"Just put ice on her back." ani ni Terrell.

"Wala tayong ref."

Ilang yapak ang narinig ko bago ang pag-ikot sa door knob at paglangitngit ng pinto. "Manghihingi ako ng ice kay ate Janna sa baba."

Pagkasara ng pinto, nanaig ang katahimikan sa kwarto. Inaakala kong ako lang ang mag-isang naiwan. Nangangalay na rin ako sa aking posisiyon kaya dahan dahan akong umikot, maingat na hindi madiin ang pasa ko.

Mabilis nakalapit si Azriel upang tulungan ako sa pagkilos. Hinawakan niya ang aking ibabang likod para maiwasang madiin ang likod ko sa kama. Tinulungan niya ako sa paghiga ng padapa.

Wala akong nakikitaang ekspresyon sa mukha niya. May slight na salubong lang ng kilay. Seryoso ang maiilarawan ko sa kanya ngayon. Galit ba siya sa'kin? Kung oo man, saan? sa kahapon, sa kanina o sa dalawa?

Nagtungo siya sa kanyang dresser at kumuha ng gray shirt. Agad kumalat ang mabangong amoy ng liquid detergent na parang kagagaling palang ng damit niya sa sampayan.

"Do you want me to help you change? O kaya mong magbihis mag-isa?" pati tono ng pananalita niya'y walang kaemo-emosyon.

You're hurting me with that tone of yours, Azriel. Please soften up.

"Wag na—"

"You have to change. Basa ka ng pawis." putol niya sa'kin. He really seemed mad.

Sa'kin kaya o sa ibang bagay? Pero mas kinumbinse kong sa akin siya galit.

"Paano ka?" pinasidahan ko siya, naghahanap ng abnormalities. He's in his blue sando and gym shorts. His sweat glistened in the fluorescent light. Guminhawa ang pakiramdam ko dahil wala siyang niisang pasa sa katawan o bahid ng dugo sa kanyang damit.

"I'm fine." halos hindi bumukas ang kanyang bibig. Na parang mapait sa kanyang panlasa ang katotohanang maayos siya.

He doesn't have to feel guilty. It's not even his fault. Biktima siya ng kung sino mang mga lalakeng 'yon.

"Kaya kong magbihis mag-isa." sabi ko. Marahan ang kanyang pagtango saka inabot sa'kin ang kanyang gray shirt.

Kinuha niya ang puting tuwalya na nakasabit sa sandalan ng silya saka siya pumasok sa banyo. Pagkarinig ko sa agos ng tubig sa gripo, dahan dahan kong inangat ang sarili at umupo. Sinimulan ko ang pagbibihis. Tiniis ko ang sakit sa'king likod at kaliwang bahagi ng aking balikat.

Hinagilap ko ang aking bag pagkatapos magbihis. Natagpuan ko ito sa ibaba ng kama. Tinukod ko ang aking isang kamay sa gilid ng kama at ang isa'y inabot ang bag.

Saktong bumukas ang pintuan at niluwa nito si Terrell dala ang ice bag at isang plastic. Nagmadali niya akong pinuntahan at siya na ang kumuha sa bag ko.

"Sorry medyo natagalan. Bumili pa kasi ako ng ointment para sa pasa sa likod mo." nilagay niya ang plastic sa silya ni Azriel.

"Thanks."

"You need anything else?" tanong niya. Kinuha ko ang ice bag na inabot niya sa'kin. Nilipat lipat ko ang paghawak nito sa'king mga kamay dahil sa kalamigan.

Umiling ako. "Salamat."

Pinasidahan niya ako,  tumaas ang kilay niya sa shirt na suot ko saka siya tumango. Sa narinig kong pagbuhos ng tubig ni Azriel sa sarili niya, nai-imagine ko ang kanyang pagligo. Pinilig ko ang aking ulo. What the heck, Amber?

"Ako na." sandaling tinuro ni Terrell ang ice bag na nasa aking kamay. Binigay ko ito sa kanya. Tinulungan niya ako sa pagdapa upang mas maayos ang paglapat ng ice bag sa likod ko.

Pinasok niya ang kanyang kamay sa ilalim ng shirt at nilagay doon ang ice bag. Kaagad niyang inalis ang kanyang kamay.

"Baka may magalit." aniya saka mahinang tumawa.

Kinuha niya ang plastic na nilagay niya sa table ni Azriel at nilabas ang laman doong ointment. Pinakita niya sa'kin 'yon. Tumango ako, senyales na alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Terrell, huwag mo nalang sabihin kina Lian." ani ko, sa likod nun ay isang pakiusap.

Napaisip siya nung una. Di nagtagal ay lumuwang ang kanyang mukha saka tumango. May pag-intindi niya akong ningitian bago siya bumalik sa kanyang kwarto.

Inabot ko ang bag ko na nasa kabilang gilid. Hinagilap ko ang phone upang silipin kung may text at kung anong oras na. Iti-text ko rin si manang Terry. Di ako sure kung makakauwi ako. Pero kung hindi ako uuwi, ibig sabihin dito ako matutulog?

Lumabas si Azriel sa banyo na nakatapis ang tuwalya sa kanyang baywang. Ginugulo niya ang buhok niya na naging flat dahil sa pamamasa. Kumikinang ang mga patak ng tubig sa kanyang katawan. Nasulyapan ko ang kanyang mga tan lines na nakuha niya sa pagbibilad namin sa Panglao.

Pinigilan kong hindi mapanganga. Dude! Kakagaling niya lang sa pagji-gym!

Naramdaman niya yata ang pagtitig ko sa kanya kaya siya napatigil sa paghagilap ng kung ano sa cabinet. Siguro naghahanap ng boxers or briefs. At ano Amber? Papanoorin mo siyang magsuot ng underwear? Damn!

Nang papalingon na siya sa'kin ay hinarap ko ang aking mukha sa kabilang gilid, sa harap ng pader at kaagad sinimulan ang pagte-text kay Manang. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagtitipa ng mensahe. Di ko nga alam kung ano ang tinat-type ko kaya binasa ko ulit.

Me:
Hindi ako uuwi may abs siya manang, 6 pack ata.

Bwiset! Muntik ko nang ma-send! Inalog ko ang kamay ko upang tumigil sa panginginig bago ko pinalitan ang mensahe. Ito ba epekto ng napalo sa likod?

Pinikit ko ang mga mata ko pagkatapos ma-send ang text. Matutulog ba akong ganito? For how long? Hindi ako sanay sa ganitong posisyon, si Lavinia lang. Usually nakatagilid ako o nakatihaya. Not prone position, masakit sa leeg.

Lumikha ng ingay ang paghila ng silya. Hinarap ko muli ang aking mukha doon. Nakaupo si Azriel sa kanyang silya habang pinapaso ako ng kanyang titig. Nakatukod ang siko niya sa kanyang mga binti at nakasiklop ang mga kamay.

Hindi ko pa rin mabasa ang ekpresyon niya, o kung ano ang iniisip niya. Parang anytime ay papauwiin na niya ako.

"Sino 'yong mga lalake?" basag ko sa katahimikan naming dalawa.

Iyak ng bata sa kabilang bahay ang tanging maingay sa buong kalye ngayon pati na ang madalang na pagdaan ng mga sasakyan. May mga ngilan ding kumakain pa sa mga carenderia kabilang na sa baba, kina ate Janna.

"Why did you do that? Paano kung ulo mo ang nahampas?" mahigpit at malamig ang boses niya.

"Ikaw ang tatamaan—"

"You should've let it that way!" napatayo siya. Galit na galit ang kanyang ekpresyon. Pinigilan ng takot at kaba ko ang aking kakayahang makapagsalita.

Akala ko magkakaayos kami ngayon pero nagalit pa siya sa ginawa ko. I guess I can't blame him. Baka iba ang rason niya. Baka dahil pa rin ito sa ginawa kong pagtakbo palayo kaninang madaling araw.

"A-am I a burden?" takot akong kausapin siya.

"No! Of course not." marahas siyang umiling. Makikita ang frustration sa kanyang mukha. "Napahamak ka!  I can put my life at risk for you! I'm even more than willing to catch a bullet for you! Ayaw ko sa ginawa mo hindi dahil sa magiging pabigat ka! Ayaw kong mapahamak ka, Amber. But..." marahas siyang nagpakawala ng hangin saka umikot at sinabunutan ang sariling buhok.

Suko siyang napaupo sa gilid ng kama. Hinilamos ng kamay niya ang kanyang mukha. "You wouldn't even let me bring you to the hospital."

Nag-aalala siya. He's not mad but mad worried.

Kagaya niya, naisip ko rin ang mga what-ifs. What if sa ulo ako hinampas? Palagay ko nga tubo ang ginamit nung lalake, hindi kahoy. Pero mas takot ako sa 'what-if' siya ang hinampas! I saw it! Sa ulo talaga ang target nung lalake. That could have been worse!

"Hindi ako nagsisi sa ginawa ko." ani ko.

Binaba niya ang kanyang mga kamay. Nilingon niya ako. Pinaghalong gulat at kalituhan ang nakapinta sa mukha niya. Matagal ang pagtitig niya sa'kin na hindi nag iba ang kanyang ekpresyon, parang naglo-loading pa sa kanya ang sinabi ko.

Kalaunay bumuntong hininga siya't nag-iwas. Umiling siya habang nakatitig sa kawalan. Pinapaypayan ng mabibigat niyang piluka ang kanyang pisngi sa bawat pagkurap. What's on your mind now Azriel? Ang hirap mong basahin.

Nalipat ang tingin niya sa kanyang study table. Kinuha niya doon ang ointment na binili ni Terrell. Binasa niya muna ang nakasulat sa lalagyan bago niya ito binuksan.

Inangat niya ang shirt niyang suot ko.  Kinuha niya ang ice bag at nilagay sa table. Pinunasan niya muna ang basa kong likod ng tuyong face towel.

Ayaw ko nang isipin ang pagkailang na nakikita niya ang bra ko. Mabuti nga naka-bra ako, kesa wala akong suot, mas nakakahiya 'yon.

Dahan dahan at banayad niyang kinalat ang ointment sa partikular na parte ng pasa ko. Malamig nung una hanggang sa naramdaman ko ang panunuot ng init sa'king likod. Sa itsura ni Azriel ngayon, para siyang doktor na seryoso sa pag-oopera sa'kin.

Sandali niya akong sinulyapan bago nilapag ang ointment sa table.

Naisip ko ang mga nakaranas ng hazing. Mas matindi ang paghampas na natamo nila pero may nabuhay pa rin, kaya hindi ako nag-aalala sa sarili ko ngayon.

Hinila ko ang sarili upang umupo. Tuluyan ko nang tinanggal ang hairnet na nakalawit na sa buhok ko. Naisipan kong magpagupit ulit katulad ng dati kong hairstyle. Nakakapagod magpusod sa buhok.

Sinilid ko ang hairnet sa bag saka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay. Namamasa pa ang dulo nito. Pagkalingon ko kay Azriel ay nakatingin na siya sa'kin.

Muntik ko nang makalimutan ang sadya ko. I was supposed to talk to him pero ito nga ang nangyari. Well I can talk to him right now. Nasa harap ko na siya, at ang lapit lapit niya. He's within an arm reach.

Kaso iba ang nagawa ko. May sariling buhay ang kamay kong umangat at humaplos sa mukha niya. This is the guy that I kept on pushing away. Pero kada tulak ko sa kanya, nahihila niya ako. This is the guy that I had sacrificed. Pero sa nangyari kanina, parang sinakripsiyo ko na rin ang buhay ko mailigtas lang siya.

Binakas ng mga daliri ko ang bahagyang nagsalubong niyang kilay. Sinunod ko ang matangos niyang ilong saka ang namumula niyang pisngi na natural na sa kutis niya kapag matagal siyang nabibilad sa araw.

Napaawang siya nang dumako ang mga daliri ko sa kanyang labi. Mas mapintog ang ibaba niyang labi kesa sa itaas. Doon ko pinatili ang pagdama. Sabay na nagbagsakan sa utak ko ang alaala ng paghaplos din niya ng ganito sa labi ko noong nasa bakasyon kami, at ang paghalik niya sa'kin sa parking lot ng bar kanina.

"What are you thinking, Amber?" halos pabulong niyang sabi na may kasamang pamamaos ng boses. Namumungay ang mga mata niya.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa'kin upang makadama ako ng ganito. Wala ka namang ibang ginawa kundi ang titigan lang ako. Pero bakit? Paano mo nagawang bawasan ang pagmamahal ko kay Riley at pinalitan mo ng nararamdaman ko ngayon sa'yo?"

Inangat ko ang aking paningin, ngunit ang mga mata niya'y nakatuon sa labi ko. Ginawa ko yung pagkakataon upang magawa ang bagay na hindi ko manlang pinag-isipan.

I kissed him. I kissed him first this time. And this kiss is a foregone conclusion.

Unang gumalaw ang kanyang labi. His lips are soft. Velvety soft. Nalipat ang kamay niya sa pagitan ng aking buhok at likod ng aking leeg at diniin ang mukha niya sa'kin. Ang isang kamay niya'y nasa aking baywang.

Tuluyan ko nang nakalimutan ang nangyari kanina. Walang wala na sa'kin ang pagkakahampas. Limot na limot ko na ang sakit sa likod ko.

Napakapit ako sa kanyang shirt, sa bandang dibdib. He's kissing the hell out of me. I'm here without my inhibitions. Tuluyan ko na silang tinapon sa lahat ng mga pinto at bintana. Tinumbasan ko siya ng buong buo.

Naging magaan ang paghila niya sa'kin papalapit sa kanya na parang nakukulangan pa siya sa distansya namin. Parang ayaw niyang padaanin ang hangin sa pagitan naming dalawa.

Sa panay niyang paghila sa'kin, napahiga siya at—

Lumikha ng kalabog ang pagkahulog namin sa sahig mula sa kama. Napadaing si Azriel sa malakas na pagbagsak niya. Nakadagan pa ako sa kanya.

May kumatok sa pinto. Tinawag ni Terrell ang mga pangalan namin.

"Okay lang kayo? Anyare?"

"We're fine!" tugon ni Azriel. Ngumiwi siya at hinawakan ang kanyang likod.

Inangat ko ang aking sarili paalis at umupo nalang sa kama. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang pagtawa. Ayokong tawanan ang sinapit niya ngayon pero, hindi ko mapigilan.

"Ang sakit pala..." nakangiwi niyang ani habang dahan dahang umupo. Nakahawak pa siya sa likod niyang napuruhan. "Now I know how you feel."

"Quits na tayo. Parehas na tayong may sakit sa likod bukas sa klase."

Ngayon ko lang napagtanto ang ginawa ko at ang sinapit namin. Oh my God!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro