Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY SEVEN

CHAPTER FORTY SEVEN

Halos gabi na nang makauwi ako sa bahay. Nakaparada ang Ford sa garage na palaging ginagamit ni daddy. Nasasabi kong nakauwi na siya o di kaya'y hindi siya umalis ngayong araw.

Dumiretso ako sa kwarto upang makaligo at makapagbihis. Kahit panahon ng tag-ulan ay hindi talaga mapawi pawi ang init sa lugar na'to. Walang araw na hindi ako naliligo sa tuwing uuwi galing school.

Sa pagbuhos ng tubig sa shower, parang gusto kong takpan ang labi ko upang hindi maalis ang bakas ng halik ni Azriel. That was our longest and most intense kiss yet. Kung hindi pa siya tumigil, I can only imagine what could have happened next. Nalusaw ang kontrol ko kanina. Just when I thought I could handle, I proved myself wrong.

"Amber iha." kumatok si manang Terry sa kwarto habang nagpapatuyo ako sa'king buhok.

"Po?"

"Pinapababa ka na ng dad mo. Kakain na." aniya.

"Lalabas na po."

Kinuha ko ang unang shirt at pambahay shorts na nahagip ko sa mga bagong tuping damit na nakalapag sa kama. Si manang siguro ang naglapag ng mga 'yan. Si mama kasi, nilalagay niya diretso sa cabinet.

Nadatnan ko silang may pinag-uusapan pagkarating ko sa dining. Pero hindi pa nila sinisimulan ang pag kain. Kailangan talaga sabay sabay kami. Na-miss ko lalo si kuya. Ang tahimik na kasi ng bahay ngayong wala siya.

"Yeah, me and Frederick had talked bago sila umalis ng bansa." ani ni dad. Sa tapat niya ako umupo.

"When are they coming back?" tanong ni mama.

Maingat akong sumubo sa kanin at ulam na manok habang nakikinig sa kanila. Are they talking about the Montero's? Tito Frederick is Riley's father.

"Three days from now. We'll try to settle it." nilingon ako ni dad. Tikom bibig siyang ngumunguya at seryoso akong tinignan. I guess nasabi na ni mama sa kanya.

Nagbaba ako ng tingin, mas pinagtuunan ang pag kain. I'm bracing myself sa kung ano man ang sasabihin niya.

"You're seeing another guy, Amber?" mahinahon niyang pagtanong. Pero ramdam ko ang hindi niya pagsang ayon doon.

Walang imik akong tumango. Ni hindi ako makanguya ng maayos, makapagsalita pa kaya?

"I still want Riley for you." aniya.

"Hindi niyo pa nga siya nakikilaa, Dad." depensa ko.

Kahit wala pa akong masyadong nalulunok na pag kain, napainom na ako ng tubig at hindi manlang nagulat na naubos ko ito. I must have been terribly thirsty. Nakakauhaw pala ang interrogation.

"Where are his parents?" tanong muli niya.

"Nasa Australia ang daddy niya. He doesn't know where his mom is."

Sinabi ko lang ang nalaman ko mula kay Terrell. I should've asked Azriel about his family kanina. Hindi ko naman kasi alam na ngayon pala ako tatanungin ng ganito. I could have had prepared.

"Bakit hindi niya alam kung saan ang mama niya?"

Tumikhim ako. "She left them when he was young."

"Who's with his father in Australia?"

Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba. Wala akong ka ide-ideya. Wala akong matinong maisasagot. Nasa kwarto ang cellphone ko upang matext ko si Azriel. Ngayon lang yata ako humiling sa tanang buhay ko na humaba ang aking braso upang makuha ko ang aking cellpone sa taas.

Azriel has mentioned about his father's other family. Meaning...ibang pamilya? Second wife? May mga kapatid siya sa labas? or half-siblings? I think so...

"Probably...second family." may pag-aalinangan kong sagot. And it sounds like I was lying when the truth is, hindi ako sigurado sa sagot ko.

"Hmm...you know what they say about children who came from broken families..."

His tone is ominous. Parang sa ilang sandali lang ay magsasabi na siya ng ilang mga pagbabawal.

"Huwag mong lahatin, Dad. He's a good man." sabi ko.

Nasasaktan ako na hinahatulan na niya si Azriel na hindi pa niya ito kinikilala. Hindi pa nga niya ito nakikita. I wanted to collect all the optimism in this world for me to have that positive belief to change his mind.

"Invite him to dine with us. Gusto mong kilalanin ko siya, di ba?"

Tinignan ko si mama. She gave me a comforting smile. She loves dad so much na hindi niya ito makontra sa kahit na anong desisiyon nito. For her, dad is always right. Dad always knows what's for the best. But we make bad decisions, too.

Haven't they done that? Has dad hadn't made bad choices before? We learn from them. So imposibleng wala pa siyang nagagawang kamalian. Kung hindi man tama 'tong pinili kong tao para sa'kin, then they should just let me commit this mistake because I know that I will learn from this. Because life is a learning process.

And I'd be committing a mistake, not a sin.

"Bakit kay kuya hindi mo kinikilatis ang mga naging girlfriends niya?" parang nagtatampo kong tanong.

"Hinahayaan ko siya sa gusto niya, dahil napagbigyan niya ako sa kahilingan ko. This is your consequence, Amber."

"Because I took Nursing?" pinigilan kong idaing ang pag-angal. "Dad naman...ang babaw lang ng rason niyo eh. We're not like this before."

Nawalan na ako ng ganang kumain. Ang sarap pa naman ng niluto ni manang Terry. Alam ko namang sa simula palang ayaw na ni dad na mag Nursing ako. Why? They're all aware that nursing is a noble profession, pero aalipinin lang daw ako.

So what? We're all servants. Kahit mga businessmen ay may mga pinagsisilbihan din naman sila. They serve other tycoons that are way richer than them. They serve the society to produce more products.

"So kailan mo siya dadalhin dito?" hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Busy kami sa school. I'll just inform you kung kailan." walang gana kong sabi.

I just hope makalimutan niya. But knowing dad? Imposible. He' got a sharp memory.

Wala kaming Saturday class ngayong semester pero nagkikita pa rin naman kami ng mga classmates ko para sa Thesis. In my case, wala ako sa meeting kundi nasa dance practice.

Tatlo silang nagtuturo ng sayaw at isa na doon si Carlo na siyang president ng dance troupe. Mabuti nga siguro na ngayong maaga palang, nagpa-practice na kami dahil mahirap ang mga dance steps at ang daming stunts at back flips na kailangang i-master. I only do cartwheels, split and a front walkover. I thanked my ballet lesson experience at gymnastics summer class noong bata pa ako.

"Okay...sa part na 'to, by partner. Ipe-pair ko kayo base sa mga heights niyo." ani ni Carlo.

Hingal na hingal naming pinagmamasdan ang tatlong leaders sa harap. Ang iba sa'min ay nakikinig kay Carlo habang sinasayaw ang ibang steps para mas ma-memorize ang sayaw.

Pinagtabi ang mga pinagpares. Sinusuri kaming mga wala pa. Dinaanan ako ng tingin ni Carlo saka ako nilapitan at tinabi kay Kyler.

"Mas gumanda ka yata Amber. Inspired?" aniya.

Tipid ko siyang ningitian at nagkibit balikat. Naiilang ako sa kanya dahil isa siya sa mga nanligaw sa'kin noon. He's mestizo, saka matangkad din. Kaya siguro kami ang pinagpares.

"I heard wala na kayo nung boyfriend mo ." sinuot niya ang kanyang kamay sa harap na bulsa ng kanyang hoodie.

"Mm. Nung January lang."

"Water break muna!" anunsyo ng kasamahang leader ni Carlo. Bago yata siyang member dahil ngayon ko lang siya nakita.

Nasa tabi ng pinto ang pinaglalagyan ko ng aking gamit. Inubos ko ang kakarampot na laman ng mineral water kaya hindi napawi ang aking uhaw. Kinuha ko ang face towel saka pinunasan ang aking pawis.

Tumabi sa'kin si Kyler. Wala naman akong issue sa kanya. Mabait siya at friendly. It's just that...si Riley talaga ang napili ko noon. He has even grown taller now at mukhang nagwo-work out siya dahil hindi na siya payat.

"Ang tagal na pala. I'm sure lumilitaw na naman ang mga suitors mo." panunukso niya.

Mahina akong tumawa. "Wala."

"You're dating someone?" tanong niya.

"Amber."

Hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ni Kyler dahil sa malamig na boses na tumawag sa'kin. Nagsusuplado na naman ang mukha ni Azriel. His dark eyes directed to Kyler.

"Partner ko siya dito." ani ni Kyler, mukhang natakot sa ekspresyon ni Azriel. Who wouldn't? Miski ako kinabahan. Bad mood na naman siguro 'to.

"Dito lang. Sa sayaw lang." Azriel stated, but there was like a hidden warning to his statement.

Kyler chuckled. "Chill pare. She's your girl?"

"Yes."

Isang beses na pumalakpak si Kyler saka tumayo. "Cool. We're cool."

Tinanguan niya ako bago nagpunta sa kabilang upuan at tinabihan ang kaklase niyang miyembro din ng DT. Pumalit si Azriel sa inupuan ni Kyler.

"Tinakot mo 'yung tao." sabi ko sa kanya.

"Hindi naman. We're talking." maang-maangan niya.

"Inaway mo siya." akusa ko.

Painosente niyang nilakihan ang kanyang mga mata. "I did?"

"Oo kaya!"

Nagkibit balikat siya't ngumiti. Edi umamin din!

Kinuha niya ang ubos na bote ng mineral water.

Kita sa labas ng glass window sa tapat namin ang papalubog na araw na sumisilaw sa loob ng classroom ngayon. Sa mga hallways naman ay nag-iingay na ang mga kaka dismiss lang na mga estudyante.

"Tapos na kayo?" tanong ni Azriel. Tinatapik tapik niya ang mga paa kasabay ng kantang sasayawin namin na paulit ulit na pinapatugtog.

"Hindi pa."

"Carlo!" tawag ni Azriel. Naputol ang usapan ni Carlo at ng isang miyembro ng DT. Lumapad ang ngiti niya pagkakitang si Azriel ang tumawag.

"Fonta baby!" kumakaway siyang lumapit sa'ming upuan.

"Anong oras kayo matatapos?" tanong ni Azriel.

"7 or 8."

Lumingon sa'kin si Azriel. "I'll wait."

"Sa dorm?"

Umiling siya. "Hindi. Dito. Manonood ako."

Babantayan mo lang naman siguro ako eh.

"Huwag na! Walang thrill. Sa contest ka nalang manood." sabi ko.

Bahagya siyang sumimangot. "Ang layo pa ng Intrams. I wanna see you dance."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Aawayin mo na naman si Kyler."

Natigilan siya na ipinagtaka ko. Tinitigan niya ako na parang may nakalap siyang impormasyon sa'king mga mata.

"May intimate dance step ba?" pigil inis niyang tanong.

I shrugged "Ewan. Siguro."

Wala pa naman kasi kami sa part na 'yon. First day of practice pa kaya namin 'to.

Nanahimik si Azriel. Seryoso niyang tinignan ang direksyon kung nasaan si Kyler na aliwng nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niyang DT. Maingay ang pagkuyom niya sa ubos na mineral water bottle ko. Marahil sa isip nito kinukulam na niya ang kawawang nilalang na wala manlang kamalay malay.

Natatawa kong sinundot ang kanyang pisngi. "Sumali ka nalang kasi para tayo partner."

Iritado niya akong nilingon. "I told you, I don't dance."

"Guys!" pumalakpak si ate Glen, isa sa mga DT leader.

Nagsitayuan na kami at pumwesto sa gitna. Binalik namin ang prinaktis kanina pagkatapos ay sinimulan ang pagtuturo ng choreography sa by partner na part. Wala namang masyadong intimate step. Hawak lang sa baywang at bubuhatin ng lalake ang babae.

Hindi ko tinignan si Azriel sa buong magdamag na pagpractice namin dahil baka mawala ako sa concentration. Gayunpaman, I could feel his stare directed towards us. Or me.

Natapos ang practice ng lagpas eight ng gabi. Gutom na gutom ako kaya paniguradong marami akong makakain mamaya. Tumayo ang matiyagang naghihintay na si Azriel pagkalapit ko sa upuan.

Hinawi niya ang basa kong bangs na dumidikit sa'king noo. Dinampi niya ang face towel sa'king mukha. May narinig akong nagtikhiman, hindi ko sila nilingon dahil mga nang-aasar lang 'yon. Marahil sina Carlo.

Nahirapan na akong lumunok dahil sa uhaw.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang tali ko sa buhok na naka pulseras sa'king palapulsuhan.

"I told you, I'll wait." aniya.

Sinikop niya ang buhok ko. Pinunasan niya muna ang pawis sa'king batok bago niya pinusod ang aking buhok. Seryoso siya sa kanyang ginagawa pero wala namang bahid na hindi niya nagustuhan ang ginagawa. I never thought marunong siyang magtali ng buhok ng babae.

"Thanks." pinigilan ko ang mangiti.

Naglahad siya ng Gatorade. Agad ko itong kinuha at ininom dahil kanina pa nag-uumapaw ang uhaw ko. Napangiwi ako dahil sa lamig.

"A-ayaw mo ba sa flavor? Papalitan ko nalang. What do you like? Blue? Orange...just name it."

Taka ko siyang tinignan. Bakit niya yan nasabi? Para pa siyang natataranta at nahihirapang makatingin sa'kin. Para bang papagilatan ko siya sa kung ano mang nagawa niyang mali. Gutom na siguro.

"Okay ka lang? Ayos lang naman 'tong red."

Bahagya siyang tumungo. "Sure? Para kasing ayaw mo sa flavor."

Tumawa ako. Kukunin ko na sana ang bag ko pero nakuha na niya ito bago ko pa mahawakan. Lumabas na kami ng classroom.

"Malamig kasi. Nakailang kape ka ba at ganyan ka ka-nerbyos?"

"No!" tumaas ang boses niya. Siya ang nagulat, napagtanto ang pagtataas niya ng boses. Tumikhim siya. "No. I'm not nervous." mas mahinahon niyang ani.

Yumuko siya, napapaisip habang pinaglalaruan ang face towel. Kalaunay nag-angat siya ng tingin sa'kin at pinagmasdan ang mukha ko. Muli niya akong pinunasan.

"Hindi ka ba magpapalit ng damit? Baka matuyuan ka ng pawis." sabi niya.

Bumaba na kami sa hagdan kasama ng ibang mga kasama ko sa practice. Kanya kanya kaming 'bye' sa isa't isa at mga 'see you on Monday!' greetings. Wala kaming review class schedule ngayon. After pa ng nursing gathering namin.

"Mamaya. Gutom na ako eh." tamad kong sabi.

"You have to change now bago pa matuyo."

Banyo sa ground floor ako nakapagpalit dahil yun nalang ang tanging banyo na bukas sa ganitong oras. Kina ate Janna kami kumain ng hapunan, hindi rin naman masyadong puno dahil Saturday, kaunti lang ang mga estudyante.

"Hindi ka magji-gym?" tanong ko. Tinignan ko ang pagsubo ni Azriel ng ampalaya.

Nalalasahan ko ang pait kahit hindi naman ako ang kumakain ng ulam niya. Pansin kong ang hilig niya sa gulay.

"Bukas siguro." uminom siya ng tubig saka inubos na ang natitira sa kanyang plato.

"Nag-gym ka nalang sana habang hinihintay kaming matapos."

Nagpa-order pa ako ng additional na ulam.

"Nah, It's fine. Sabi ko sa'yo, I wanna see you dance." aniya

Ngumuso ako. "Practice palang naman yun."

"Okay lang. Ayaw mo bang pinapanood kita?"

"Okay lang." hindi ako makatingin sa kanya.

"Yes or no?" nanunuya niyang sabi.

"Or." sabi ko.

Tumawa siya. Hindi ako nakaiwas sa pagkurot niya sa pisngi ko. "Akala ko mahinhin ka. But you're crazy."

"Akala ko tahimik ka. Pero ang daldal mo pala." panggagaya ko.

Lalo siyang natawa. "I'm just happy."

"Hindi halata." tawa ko.

Pinagmamasdan niya ang pagtapos ko sa kinakain. Siya ang tagalagay ng sabaw sa kanin ko at ulam sa'king plato. Sinubukan ko siyang subuan para matulungan ako sa pag ubos ng pagkain. Umiling siya at ningitian lang ako.

Bigla niyang binuksan ang bag kong nasa kandungan niya na may pagmamadali. Kinuha niya ang aking cellphone at tinignan ang screen nito.

"Your father's calling." Inabot niya sa'kin ang cellphone.

Mabilis akong uminom ng tubig bago sinagot ang tawag.

"Dad?"

"Where are you?"

"Sa school po." nakatitig ako kay Azriel . He was staring back at me habang nakapalumbaba siya.

"Umuwi ka na. Let's have dinner together." aniya

Binaba ko ang aking tingin sa halos ubos ko nang plato. Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay daddy. I'm almost done eating, at nakadalawang rice pa ako.

"Are you with that boy?" may pagdududa sa kanyang tono.

"Y-yes po."

Naghihintay lang ako habang nanahimik siya. I looked back at Azriel, parang sumasali rin siya sa pakikinig ko sa katahimikan ni dad.

Kalaunay rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Go home." utos niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro