FORTY ONE
CHAPTER FORTY ONE
______________________________
Hapon na ako nagising kinabukasan. Sobra ang pamamaga ng mga mata ko kaya nagmukha akong singkit. Sa aking paghilamos, hindi ito naibsan. Nagmumog muna ako sa mouthwash sa banyo ni Riley sa kanyang kwarto bago ako bumaba.
Nadatnan ko siya sa kanilang kusina, nagsasalin ng tubig sa baso. He's in his white sando and sweatpants, usual niyang pantulog.
"Nasaan sila Tito at Tita?" tanong ko.
Napaigtad siya. Ngayon niya lang namalayan na nasa harap niya ako. "Maaga sila umalis."
Hinintay ko siyang matapos sa pag-inom. Sumandal ako sa pader ng kitchen. "Alam nilang nandito ako?"
"No. Deep sleeper sila, lalo na si dad."
Binalik niya ang pitcher sa loob ng ref saka ako hinarap. Tinitignan namin ang isa't isa. When I'm with Riley, wala kaming ilangan. Kahit ngayon, although sa parte ko, nanaig lamang ang guilt. Especially that I'm staring at his bloodshot eyes.
"Are you going home? Kumain ka muna."
"Sa bahay nalang." paos ang boses kong sabi. Naiiyak na naman ako.
"Ihahatid na kita."
Umiling ako. Sa patuloy na pagmamahal niya sa'kin, na nawala naman sa puso ko na para sa kanya, sa tingin ko hindi na niya kailangang gawin lahat ng 'to, mga katangiang nagustuhan ko sa kanya at napamahal sa'kin. Para kasing...hindi na ako karapatdapat pang pakitaan ng kabutihan niya. Those chivalries and the gentlemanliness...
He has done enough goodness and love to me, sobra pa nga. While I did a beyond repair damage to his heart. Mas lalo akong nagi-guilty.
Lumapit ako sa kanya. Sa tangkad niya'y kailangan ko pang tumukod upang mas mayakap siya. Tinumbasan niya ito ng higpit na halos mabuhat na niya ako. He doesn't want to let go, and I know he doesn't want me to. I don't want to, too.
"Be happy with him Amber." kalmado niyang ani. Pero sa likod nun, nakadikit ang sakit.
"Paano mo alam na siya ang tinutukoy ko?"
"It's the Fontaneza guy, right?" tumango ako. "You'd never been with other guys before except me. I've been secretely watching you Amber, you're always with him. He's quite popular."
"Talaga bang papalayain mo na ako? Palayin mo rin ang sarili mo sa'kin Rai..."
Simunhap siya't hinigpitan ang pagyakap. "Sorry, naitapon ko na 'yong susi ng lock ng kadena mo sa'kin eh. Hindi ko mahanap. Wala rin akong spare key, hindi ako nakapagpagawa."
Bahagya akong natawa, pero tumulo na naman ang luha ko. Mahina ring napatawa si Riley but I know deep inside, sinusubukan niyang maging masaya para sa'kin. God! Why does heartbreak mostly happen to good people? Why does it happen to the ones who don't even deserve it?
Pinunasan niya ang luha ko saka tinapik ang aking ulo. Namumula ang ilong niya. He can cry all he want pero pinipigilan niya.
"Bye..." mahina kong sabi. Pero parang iba ang ibig iparating nito.
"It's never goodbye. Come back when you can..."
Ngumiti ako at mabilis na tumalikod. Could I even go back? At babalik ba ako kung sakali? I am more than willing to go back pero iba na kasi...iba na. At hindi imposibleng kapag babalik man ako sa kanya sa di ko malaman kung kailan, siya naman 'tong may iba.
Gamit ng natitira kong lakas, binilisan ko ang paglalakad pauwi. Patuloy lang akong mumultuhin ng sakit na dinulot ko kapag mas magtatagal ako doon. Kahit nasa iisang subdivision lang kami, isang liko lang at isang hanay ng kabayahan ang namamagitan sa aming mga tirahan, siguro nga'y masusunduan pa rin ako ng pagmumultong 'yon.
Mas lalo akong napatakbo nang maramdaman ang ilang patak ng ambon. Nakarating ako sa amin bago pa bumagsak ang malakas na ulan.
Palabas sa cable ang ingay na nadtanan ko sumunod ang mukha ni Lian. Nahagip ko sa glass table ang naiwan kong bag.
Lumingon siya sa direksyon ko nang mamalayan ang aking presensya. Tahimik niya akong pinagmasdan sa kanyang tusong mga mata.
"Ano na ang nabasa mo sa'kin?" panimula ko. Tumabi ako sa kanya at pagod na hinilig ang aking ulo sa sandalan.
"You cried." hindi niya tinanong. She stated instead. "Bakit na kina Riley ka?"
"Paano mo alam na kasama ko siya?"
Tumikhim siya. "Call her ex-boyfriend, maybe she went to him."
Naguguluhan ko siyang tinignan. Hindi ko gets.
Malalim siyang huminga at ginaya ang posisyon ko. "Si Azriel ang nagsabi niyan nung hinanap ka namin. Hindi mo manlang naisip ang bag mo bago ka sumakay ng taxi. Paano ka nakabayad?"
"Riley." mahina kong sabi. hindi ko siya natanong kung magkano ang nabayad niya. Sa pagmamadali ko, hindi ko rin nagawang basahin ang taxi meter. Nagkautang pa tuloy ako.
Sa pagbanggit ng pangalan ni Azriel, bumalik sa'kin ang nangyari kaninang madaling araw. Parang pelikulang naglalaro ang bawat eksena sa isip ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin bukas. Iko-confront kaya niya ako sa ginawa kong pagtakbo palayo sa kanya? Don't be stupid Amber! Malamang hindi!
"So ano, ikukuwento mo ba sa'kin? or do you need time muna? I can wait naman. Or prefer mong sabihan kaming tatlo ng sabay para isang kwentuhan nalang. At para rin hindi unfair na nauna mong sabihan ang isa kesa sa isa."
Hindi ko masagot ang tanong niya. "Bakit ikaw lang ang nandito? Akala ko si Kelly o kayong tatlo ang pupunta."
"Mas malapit ako dito sa Talisay kaya ako ang nagkusang dalhin ang sling bag mo. And of course, to talk to you."
Wala akong naihandang salitang pambungad sa sasabihin ko. Diretsuhin ko nalang kaya para wala nang paligoy ligoy.
"You're a mess." maarte niyang hinawi ang magulo kong buhok.
Nakapaghilamos lang ako at mumog, pero hindi ang nakapagsuklay. Kung hindi pa ako naghilamos at nakita niya ang mantsa ng mascara ko sa mukha, mapagkamalan akong baliw o namamalimos.
"In fairness bagay sa'yo ang singkit look. Picturan kaya kita?."
Tumawa siya. Hinawi ko ang cellphone niyang akma akong pipicturan.
"Maligo ka kaya muna? at saka parang...hindi ka pa kumakain. Ako nabusog na sa niluto ni manang Terry, parang ako tuloy ang anak ng parents mo." aniya.
Inamoy ko ang sarili. I still smell like cigarette smoke and booze. I gagged. "Maliligo muna ako."
Hinanap ko muna si manang at natagpuan siyang nagsasampay ng labahan sa labas. Umakyat na ako sa kwarto't dumiretso sa banyo. Sa pagtama ng shower, sumuot sa'king balat ang malamig na tubig dahil sa maulan na panahon.
Nagbihis lang ako pagkatapos. Hindi na ako nag atubiling magsuklay o maglagay ng kahit ano sa katawan since nasa bahay lang naman ako. Narinig ko ang ngiyaw Dozer, ito ang napili kong pangalan niya. Sinikop ko siya at dinala sa baba.
Sa kusina ako tumungo pagkababa upang kumuha ng baso ng tubig bago binalikan si Lian sa sala.
"Anong oras na kayo nakauwi?" tanong ko pagkaupo.
"Umaga na. Mga six yata." tamad siyang nagpindot sa remote upang patayin ang tv.
"Sorry I ditched you."
Dinaramdam ko ang malambot na fur ni Dozer, hinihintay ang sasabihin ni Lian. Kinuha niya ang pusa ko at dinala sa kanyang kandungan.
"Saan galing? Ang taba, pero cute." aniya.
Pinagmasdan ko ang pag-pet niya kay Dozer. Hindi siya kagaya ng ibang pusa na ilap sa ibang tao. Gusto niya nilalambing din siya, hinahaplos. Kaya siguro siya mataba dahil panay ang kanyang kain at tulog. Wala siyang active exercise. Naisipan ko siyang bilhan ng toy yarn.
"Gift ni Rai nung birthday ko." mahina kong sabi.
Naramdaman ko na naman ang ilang patalim na bumaon sa dibdib ko tuwing naaalala ko ang luhaan niyang mga mata. At patuloy ko siyang maaalala kada kita ko kay Dozer. Parang kasama ko na rin siya dito sa bahay.
"You know...Azriel was on the piss. Pinagtulungan siya nina Terrell at Brennan na buhatin pauwi sa dorm."
Naalarma ako. "How drunk was he?"
Mapanuri niya akong tinignan. "Beyond measure."
Sobra na ang parusang gusto kong ipataw sa sarili ko. I've just shattered two hearts. And I both wreck them at deep dawn.
"Halos gumawa na siya ng eskandalo sa bar."
Kabado ko muling natignan si Lian. "Anong ginawa niya?"
Huwag lang sana siyang makulong. But Azriel's too smart to put his ass on a sling!
"He was pissed drunk, kahit sinong babae na ang napagkakamalan niyang ikaw. Yung iba nga'y may mga boyfriend. He had almost socked this guy na akala niyang kasayaw mo, kahit hindi naman ikaw yung babae. Buti nalang napigilan nina Terrell bago pa niya mapuruhan yung lalake."
Nagulat ako sa sinabi ni Lian. Magagawa ba talaga niya 'yon? Well he already did because he was tanked! Hindi ko kayang imaginin kung ano pa ang iba niyang ginawa na halos humantong sa pag-eeskandalo.
"Was he hurt?" pag-aalala ko.
"Nope. Asa ka pang masasaktan 'yon physically. But emotionally...who knows." nagkibit balikat siya saka tumingin sa'kin, na parang pinapaalala niya sa'kin na ako ang mas dapat nakakaalam nun.
Dahil panigurado, nakita niya kami na lumabas sa bar, at bumalik si Azriel na wala ako. So she assumed na may nangyari.
I know it so much. And the guilt is eating me alive.
"You don't have to tell me now Amber---"
"I told Riley that I'm in love with him." hindi ko siya pinatapos. Diniretso ko na siya.
"Him? Riley knows your feelings already---"
"Azriel." seryoso kong sabi.
"What?" napahinto siya, parang nilinaw sa kanyang isip ang narinig. Napagtanto kong nakuha na niya ang ibig kong sabihin dahil sa dahan dahang pagrehistro ng gulat sa kanyang mukha. Napatakip siya sa kanyang bibig.
"And?" naghihintay niyang tanong.
Inubos ko ang tubig sa baso saka nilapag sa glass table. Pagod akong sumandal sa sofa.
"I hurt him Yan...pinalaya niya ako. But he doesn't want to let himself go from me." frustrated ko siyang nilingon, hinihiling na sana may alam siya kung paano ako makakatakas sa pagkakakulong ko. "Is that even possible? Sure he can find a better one than me pero ayaw niya! Sa higpit ng pagkakatali niya sa kanyang sarili sa'kin, nahatak niya ako."
"Nagpapahatak ka kasi. Pinalaya ka na niya di ba? and Riley being a good guy, I'm sure magiging masaya siya para sa'yo. Siya na mismo ang nagbigay sa'yo ng permiso. He always wants to keep you happy."
Iyan din ang sinabi niya. He wants me to be happy pero paano ako magiging masaya kung may nasasaktan naman akong iba? At kahit anong gawin ko, ganon pa rin ang mangyayari. Parehas lang ang labasan ko kahit saan sa dalawang pintuan ako papasok.
"Ang ganda mo kasi!" mapaglaro niya akong siniko.
"Tsk. Singkit na nga ako eh." hinipo ko ang namamaga ko pa ring mga mata. Nabawasan na ang panghahapdi nito.
Natatawa niya akong hinampas. "Ganyan ang mga type ni AJ! Alam mo bang karamihan sa mga hinila niya sa bar kaninang madaling araw ay mga chinita? Akalain mo? Sa kadiliman ng bar, nakikita niya?"
"I'm not chinita! Hindi ako chinese!" angal ko. Sumimangot ako at pinisil ang aking mata. Dinama ko ang pagkirot nito.
"I know! Pero ganon ang mga hinahablot niya. May hawig mo nga ng mata at katawan, naka dress tapos maikli buhok. Tatawa na sana ako kaso...he was seriously desperate-looking. Si Kelly lang ang humagalpak."
What could have happened if I was there? Siguro hindi siya maglalasing. Siguro hindi siya manghihila ng ibang babae.
Narinig ko ang pagpasok ni manang Terry sa backdoor na parte ng kusina kasunod ang pagbutingting niya sa mga kubyertos. Tumalon si Dozer mula sa kandungan ni Lian. Pinagmasdan ko siyang mabagal na rumampa papuntang kitchen. Sigurado akong nabibigatan siya sa katawan niya.
"Seryoso Amber, he's abysmally in heart with you. Give him a chance. Give yourselves a chance. Maging kayo man o hindi, nothing's going to change. May masasaktan, you're in love with each other...the world can move with that." aniya. Hindi ko maipagkakailang tama siya.
"Kayo ni Terrell kamusta?"
Napangisi ako ako nang inikutan niya ako ng mata."Bakit sa'kin napunta ang topic? We're not yet done with you."
"We're done. I've decided." pinal kong sabi.
"Na...magiging kayo na?" nang-aasar niya akong tinulak ng marahan. Nagtaas baba siya ng kilay.
"In an instant? We're not freaking noodles!"
Ilang sandali pang nanatili si Lian. Sa amin siya naghapunan bago siya umuwi. Sa dami na namang niluto ni manang ay pinagdala namin si Lian ng ulam. Hinatid ko siya hanggang sa guard house at habang nag-aabang ng taxi, pinagpatuloy namin ang kwentuhan.
Naglakad na ako pabalik sa bahay pagkatapos ko siyang pasakayin ng taxi. Pero bago ako makarami ng hakbang, tinanaw ko muna ang direksyon ng bahay nila Riley. Natatabunan 'yon ng ibang kabahayan.
Ayos lang ba talaga sa'yo Riley? Mas gusto ko pang isipin ang ibang tao kesa sa sarili ko, kaya hindi sa'kin madaling gawin 'to. At alam kong mas hindi madali ito sa'yo, kahit mabilis mo lang akong pinalaya.
Buong magdamag akong hindi mapakali sa klase kinabukasan. Iniisip ko ang maaaring mangyari mamaya sa oras na kakausapin ko na si Azriel. Sa minsanang unpredictable niyang temper, hindi ko alam kung papakinggan niya ba ako o babalewalain. Buong araw nga niya akong hindi kinakausap.
Eh ano bang inaasahan ko? Tinakbuhan ko siya, asa pa akong mabigyan niya ni katiting ng kanyang atensyon!
Kaya naduduwag ako, pero hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.
Gabi na kami dinismiss. Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko diretso sa bag, wala na akong ginawang pag-oorganize.
Nagsilabasan ang mga kaklase ko. May mga pagbubunyi na sa wakas, makakakain na sila, o di kaya'y makakauwi na. Ako naman ay kinabahan dahil sa partikular na bagay.
Tatayo na sana ako upang mahabol si Azriel na mabilis nakalabas ng classroom nang may humawak sa'king braso.
"Pasuyo naman ako Amber," ani ni Camila. Sa likod siya ni Aria nakaupo na seatmate ko kaya ako ang pinakamalapit sa kanyang group member.
"Saan?"
"Pa photocopy naman ako nito. Sa Thesis natin 'to." may inabot siyang mga papel.
"Ha? Wala na bang ibang makakagawa niyan?" taas ang boses kong tanong.
"Wala na eh."
Ginala ko ang paningin sa paligid, may tatlo akong kagrupo na natira sa classroom."Eh nandyan naman si Lian, Syd at Elwyn."
"May naiutos na kasi ako sa kanila. Sila ang gagawa ng ibang manuscript. Ikaw, itong pagphotocopy lang."
Parang pinagbagsakan ako ng malalaking bato sapol sa dibdib ko. "O...sige. Ilan ba?"
Bakit ngayon pa siya nag-utos? May time kaninang lunch at recess hindi niya ako nagawang utusan. Ngayon pang nagmamadali ako!
"Two copies each. Bayaran mo muna, babayaran kita bukas kung magkano ang nabayad mo. Kita tayo sa ground floor. "
Dahil sa inis ko, tinalikuran ko na siya. Madaming tao sa elevator kapag ganitong oras kaya naghagdan ako. Wala na sa isip ko kung ano ang maaaring mangyari kung aatakihin man ako ng asthma.
Sa kasamaang palad, hanggang alas singko lang ang Copy Center na siyang karugtong lang ng school building. Kaya kailangan ko pang tumawid papuntang Countrymall. May internet cafe doon na may xerox machine. Naghagdan na naman ako paakyat sa Skywalk.
Mag-iisang oras akong naghintay sa dami ng nagpapa-xerox. Ang sinundan kong estudyante ay 100 pages ang pinapa-photocopy. Mas lalo akong nainis.
Panay ang tapik ko sa'king paa habang inip na naghihintay. Natarayan ko pa ang nagphotocopy dahil kahit nagtanong na siya kanina, pinaulit pa niya sa'kin ang sagot kung ilang copies. Sa naramdaman kong pagsisisi, binigay ko nalang sa kanya ang sukli.
Walang paligoy ligoy akong nagmartsa paalis sa school pagkatapos kong ibigay ang mga papel kay Camila. Tinakbo ko ang distansya papuntan sa dorm nina Azriel. Kung nag-gym man siya, siguro tapos na at nasa dorm na siya ngayon.
Patay ang ilaw sa kwarto niya nang tinanaw ko ito mula rito sa harap ng carenderia ni ate Janna. Nakatayo lang ako, naghihintay sa kanyang matunugan ang presensya ko at babain niya ako.
"Wala siya sa taas, nandun!" nakita ako ni ate Janna. Tinuro niya ang direksyon papunta sa isang compound na malapit sa sementeryo.
"Saan po?" nakaramdam ako ng pag-asa.
"Galing siyang gym. Dumiretso siya doon, di ko alam kung saan basta doon."
Sinubukan ko 'yong tanawin, pero walang senyales niya. Hahanapin ko nalang.
"Thank you po." tinanguan ko siya saka ako umibis.
Palinga linga ako sa mga gilid habang naglalakad. Sinubukan ko rin siyang hanapin sa bawat carenderia, baka kumakain siya pagkatapos mag-gym.
Narating ko ang bakery pero wala siya. Hindi naman maaaring nagkasalisi kami. Makakasalubong ko sana siya kung pabalik man siya sa dorm. Nagpatuloy ako sa paglalakad at paghahanap hanggang narating ko na ang madilim na entrance ng compound.
Sa bahay na katapat ng kinatatayuan ko, may daan sa gilid papasok sa isang baranggay. Naningkit ang mga mata ko sa bultong nakatalikod. Madilim sa parteng 'yon, naaninag ko lang sa liwanag ng buwan. Sa matitikas niyang likod at may alon na hulma ng kanyang braso, kilala ko na ang nakatalikod na 'yon.
Tumawid ako at mabilis siyang pinuntahan. Sa paglapit ko, naaninag ko ang mga nasa harap niya. Tatlong hindi ko kilalang mga lalake. Kakilala niya ba ang mga ito?
"Azriel." tawag ko.
Humarap siya sa'kin. Sumalubong sa'kin ang kanyang pagtataka. Ngunit ako, napalitan ang pag-asa kong magkausap kami ng gulat at takot dahil sa napagtanto kong gagawin ng isa sa mga lalakeng nasa likod niya.
"Huwag!" mabilis kong tinakbo ang distansya't walang pagdadalawang isip kong niyakap si Azriel saka inikot upang maiharap siya sa kabilang direksyon.
Sunod ko nalang naramdaman ay ang malakas at masakit na pagkakahampas ng isang matigas na bagay sa likod ko kasunod ang pagtakas ng lahat ng hangin sa'king baga. Napasinghap ako.
"Amber!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro