Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY FOUR


CHAPTER FORTY FOUR

Unang hakbang ko palang papasok sa bahay, tawag ni mama ang sumalubong sa'kin. Nagtungo ako sa kitchen kung saan nanggaling ang boses niya pero bago pa ako makarating lumabas na siya galing doon bitbit si Dozer.

"Where did you get this fat cat?" tanong ni mama, manghang mangha sa katabaan ng pusa.

"His name is Dozer, Ma. And don't insult him, sensitive siya."

Pagkasabi ko nun, nagpumiglas na si Dozer. Binaba siya ni mama at inilang hakbang ang aking paa. Doon siya dumikit at ngumiyaw.

"See? Don't call him fat." natatawa kong sabi sabay sikop sa kanya.

Mahinang tumawa si mama. "He's cute. You bought him?"

Umiling ako. "Birthday gift ni Riley."

"Oh..."

Tinignan niya ako habang tumatango tango. Parang may gusto siyang sabihin ngunit mas pinili nalang na manahimik.

Nakapagdesisyon ako na ngayon na ang tamang oras upang kausapin siya tungkol sa gusto kong sabihin na takot akong sabihin kay dad.

"Ma.."

"Hm?" tumigilid ang ulo niya. Parang kanina pa niya hinihintay ang pagsasalita ko. Siguro natunugan niyang may nais akong sabihin, And she's right.

"Can I talk to you about something?"

"Tungkol saan?"

Lumingon ako sa paligd, naghahanap ng senyales ni dad. "Nasaan si daddy?"

"Mamaya pa ang uwi nun. He's having dinner with his investor friends from Japan. Sana mag-take out siya ng Japanese food." Nagtungo siya sa sofa at umupo.

"What d'you want to talk about, nak?" tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. Umupo ako doon.

"Pwede bang ihinto ninyo ang arrangement?" diretso kong ani.

"What arrangement?"

"Yung pag-arrange niyo sa'min ni Riley." sandali ko siyang sinulyapan bago binalik ang tingin kay Dozer sa'king kandungan na halos mahimbing na sa pagkakahaplos ko.

"Why? You're so into him. And he's a good man." aniya, hindi makapaniwala.

I was so into him. We were so into each other. But that 'was' then. He's still a good man, though.

Nag-iisip ako ng magandang paliwanag kung bakit ko ito hiningi. Should I tell her about Azriel? I know I should, but how? Hindi naman kami. I mean...I'm not sure kung ano kami ngayon. Dapat sinigurado ko muna bago ko ito sinabi.

"Are you into someone else?" usisa ni mama.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I can't nod nor say yes. Nagbaba ako ng tingin at napakagat sa'king labi.

"Who is it? You can tell me."

"Classmate." mahina kong sabi.

"Kayo na ba?" tanong niya.

Umiling ako. Hindi kami, but we kissed. Maybe M.U? May ganon pa ba?

"Does he like you?"

Matagal bago ako tumango. Ang awkward lang na ganitong topic ang pinag-uusapan namin. Kuya won't even talk about his love life to any one of us in this family. Magugulat nalang kami na dinadala na niya dito sa bahay ang babae.

"Should we invite him to dinner?"

Mabilis ko siyang nilingon. "Bakit?"

"Para makilala namin siya. Para malaman namin kung bakit mo siya nagustuhan." aniya. There's no hint of disapproval in her tone and expression.

Okay lang naman si mama sa lahat. She always supports each and every one's decisions basta nakakabuti sa'min at nakikita niyang masaya kami, opposite from dad's slightly authoritative and manipulative ways.

Ayos sana kung si mama lang ang makakasama namin sa dinner, but this is family. Family is very important to us. We preserve the close ties we have. Nasanay kami sa tradisyong nakasanayan ni daddy sa pamilya niya. So hindi maaaring wala si dad sa okasyon na 'yon.

Parang pinagsisihan ko ang ginawa ko. Dapat nilihim ko nalang muna, kundi si kuya nalang sana ang una kong sinabihan. He's my partner in crime to almost everything.

"Kailangan ba 'yon?" nahaluan ang tono ko ng hindi pagsang-ayon.

Inakbayan ako ni mama at hinila ako sa kanya. Tinapik niya ako sa balikat.

"I'm sure your dad will agree with me. But I'm not sure how your father would react once na malaman niya 'to. He's always been a Riley supporter. Kung sa boxing pa, doon siya sa manok niya. Doon na siya nakapusta."

"But this is not boxing! This is my life." marahan kong angal.

Pagod akong sumandal sa balikat ni mama. Hinaplos niya ang buhok ko. I'm sure by now iniisip din niya ang maaaring ire-react ni daddy. Every plan that we have in mind, our father should always have the last say. Ganoon ang patakaran dito. Nainggit nga ako kay kuya. He can conquer his decisions all to himself without the superior's opinion.

Mababaguhan pa siguro sila sa ngayon dahil sa tanang buhay ko, si Riley palang ang lalakeng dinala ko rito sa bahay. Maliban sa malapit lang ang bahay nila, our parents are very close at siya lang talaga ang naging boyfriend ko. First and only.

"We'll wait for your father's verdict." 'yon ang huling sabi ni mama.

That's her decision. She's the next one to the king. And so I have to wait for my father's go-signal, too.

Nagsunod sunod na ang mga quizzes namin dahil sa palapit na midterms. Dagdagan pa ng review classes para board exam kada Sabado at Linggo. Kulang nalang na kaming lahat ng fourth year ay sa school na tumira. Umuuwi lang kami sa bahay
para maligo at magbihis ng uniform at magpahinga tapos balik na naman sa school.

Pinagbreak kami ng fifteen minutes ng aming instructor. Galing siya sa isa sa mga prestigious universities sa Manila at naimbitahan na maging lecturer ngayon sa review class namin.

"Magdo-dorm na talaga ako. Nakakapagod bumiyahe galing Minglanilla papunta ditong Banilad!" reklamo ni Lian. Naghila siya ng silya upang doon ipatong ang kanyang mga paa.

"Oo nga, tabi kayo ni Terrell. Sobrang lapit ng dorm nila e." kalmadong ani ni Kelly. Nakatanggap siya ng hampas ng papel.

"Wala nang space ang dorm niyo? Hanggang seventh floor din 'yong building a?" tanong ko.

"Puno e. Ang dami na kasing mga bagong estudyante ngayon. Yung kaka-graduate nga na roomate namin dati, may pumalit agad na first year." binuksan ni Noemi ang baon niyang junk food. Agad 'yong sinunggaban ni Kelly.

"Ikaw Amber? Di ka magdo-dorm? Malayo rin ang biyahe mo eh." tanong ni Lian.

Ngumisi si Kelly. "Kina AJ lang 'yan."

Napaismid ako sa ideya. Parang wala rin naman akong oras maghanap ng dorm space. At saka isa pa, gusto kong umuuwi sa bahay. Nasanay na yata kasi ako sa araw araw na pagbiyahe. Hindi rin ako sanay na may kasama ako sa room na hindi ko masyadong kakilala.

"Ngayon pa ako magdo-dorm na last year na natin? Sayang pera."

"Afford mo 'yan, mayaman naman kayo." nilaharan ako ni Noemi ng junk food. Kumuha ako ng isang pirasong chip.

"O di kaya, si AJ ang magbabayad. Sa dorm ka nila mag-dorm."

Masama kong natignan si Kelly. Kung makapag-suggest ay parang inuutasan lang akong magpa-print ng assignment sa internet cafe.

"Parang gusto niyo kaming mag live-in ha?"

"Ayaw mo?" panunudyo nila.

Ewan ko kung bakit matagal akong nakasagot. Tinignan ko nalang ang reviewer ko at binasa ang isang question na hindi ko naman maintindihan dahil ang atensyon ko ay nasa hagikhikan nila at kung ano anong binubulong.

"Ano, Amber? Ayaw mo? Kasi ako gusto ko."

Sabay kaming napalingon sa boses na 'yon. Nakaangat ang labi ni Azriel at aliw na aliw sa reaksyon ko. Nasa likod niya ang nakangisi ring si Terrell na nagbalik ang spike na buhok.

Nagtilian ang tatlo. Ang iba sa mga kaklase naming nanatili dito sa loob ng nursing lab ay sumali rin sa pang-aasar. Nakita ko si Ellis na hindi maipinta ang mukha.

Napakamot ako sa'king kilay.

"Hindi ako makapag review sa inyo!" inayos ko ang mga papel ko't lesson plan notebook. Balak kong lumipat ng pwesto.

"As if naman gusto mong mag-review. Tinutulugan mo lang naman ang lecture ni Sir."

Hinarap ko si Kelly at pabiro siyang sinugod. "Ako? Baka ikaw?"

Ninguso nguso niya ang kung sino mang nasa likod ko sabay taas baba ng kilay.

"Ano Amber, hindi mo pa sinasagot ang tanong nila." ani Azriel. Hinarap ko siya.

"Saan kayo dumaan?" tanong ko.

"Pinto." pilosopo niyang sabi.

Umirap ako. Malamang sa pinto.

Binalewala ko ang pagtatawanan nila. Iniwan ko sila doon saka lumipat sa hanay ng mga beds kung saan madalas sinasagawa ang mga return demonstrations. Naghila ako ng upuan at ginawang table ang isang bed.

Kakabuklat ko palang sa notebook ko ay may ingay ng tamad na paghila ng silya sa likod ko. Tumabi sa'kin si Azriel. Pinagmasdan niya akong nagbabasa at ilang minutong katahimikan ang pinalampas niya bago siya nagsalita.

"Labas tayo." anyaya niya.

"Magre-review ako." hindi ako nag-angat ng tingin.

"Maglelecture din naman si Sir."

"Para sa midterm 'to." nilabas ko ang aking yellow green highlighter upang guhitan ang isang importanteng salita.

"Punta ka sa dorm, doon tayo mag-review. I can even tutor you."

Napakunot noo ako. "Yoko nga."

"Bakit?"

Tipid akong umiling.

"Bakit nga?" sinundot niya ang aking tagiliran. "Natatakot ka? Kung oo, anong kinakatakot mo?" nanunukso ang kanyang tono.

"Wala."

Muli niya akong kiniliti sa baywang. Inis ko siyang nilingon.

Nagpapaawa ang mukha niya, parang tuta na hinihintay akong bigyan siya ng buto. "Punta kang dorm."

"Yoko."

"Please..." sumamo niya.

"Bakit ba kasi?"

"Doon tayo magre-review." malambing niyang sagot.

"Ang dorm tulugan, ang school paaralan, kaya dito tayo magre-review." pinal kong sabi.

Bakit kasi pinipilit niya sa dorm?

Hindi na siya umimik. Nang tignan ko siya muli ay wala ng emosyon ang mukha niya. Matagal niya akong tinitigan ng ganon habang namamahinga ang mga kamay niya sa kanyang binti.

Inirapan niya ako saka tumayo't naglakad pabalik sa upuan niya malapit sa pinagpwestuhan nina Kelly ngayon. Napaawang ako. Seriously?

Binalikan ko ang aking binabasa. Bahala siya, basta dito ako mag-aaral. Babawi ako sa nakuha kong 2.8 sa Retdem ko noong nakaraan. Hindi ako pwedeng bumagsak ngayon. This is a critical year for us! Ayos lang yan si Azriel dahil matalino naman siya. Isang basa lang yata niya ng sentence sa libro memoryado na niya.

"Azriel, pwedeng magtanong?"

Napatigil ako pagkarinig sa boses ni Ellis. Di ko magawang lumingon pero nakikinig lang ako. Dumagundong ang yapak niya sa paghakbang sa carpeted aisle.

"Ahm...alam mo 'to? Di ko maintindihan eh. Ang bilis kasi mag-explain ni Sir di ko mahabol."

Matinis ang ingay sa pag-scan ng mga papel. May iba pang sinasabi si Ellis na hindi niya raw maintindihan. Sana nagtaas siya ng kamay kanina para makapagtanong kay Sir.

"Sige." ani ni Azriel.

Suminghap si Ellis. "Really? Now na?"

"Mamaya nalang. Sa dorm."

Nabitawan ko ang aking highlighter. Natahimik ang buong nursing lab sa alingawngaw ng pagbagsak nito sa puting marbled floor. Nanginginig ang mga kamay ko itong kinuha.

Parang pinaringgan ako ni Ellis sa tawa niya pagkabalik sa kanyang upuan. Mga kaibigan ko ay nanatiling tahimik, sa tingin ko nga nakatingin sila sa'kin dahil ramdam ko ang mga titig nila sa'king likod.

"What's that all about?" naringgan ko ng pagka-inis ang tono ni Terrell.

"I'll tutor her. Masama?" pagsusuplado ni Azriel.

Walang masama. Edi doon sila magreview! Sana hindi sila makapasa. No! Scratch that. Sana hindi sila makabayad sa tuition para hindi sila maka-take ng exam!

Nag-buzz ang cellphone sa bulsa ng uniform top ko. Nilingon ko si Terrell na siyang nagtext sa'kin. Kagat labi siyang nagtitipa sa kanyang phone.

Terrell:
What's with him?

Me:
Ewan. Tanong mo sa kanya.

Terrell:
Anong pinag usapan niyo?

Inis akong nag-reply.

Me:
Sa dorm niya gusto kaming mag-review. Hindi ako pumayag. Seriously? Parang yun lang?

Terrell:
You won't stop him from bringing Ellis?

Me:
No. I'll just pray for them not to pass sa lahat ng exam lalo na sa board exam!

Umalingawngaw ang tawa ni Terrell. Nasita siya ni Kelly at Lian. Inusisa naman siya ni Noemi.

"Yun lang naman pala Amber. Siyempre sasamahan kita!"

Naguguluhan kong nilingon si Terrell. Anong pinagsasabi niya?

Ngumisi lang siya't kinindatan ako. "Anong oras mamaya?"

Naguguluhan pa rin ako. Hindi ko siya maintindihan!

"Okay na ako after sa review class." binalingan niya sina Lian at madramang hinampas ang mesa. "Sayang hindi kayo makakasama, bakit ba kasi kayo busy ngayon? Ikaw rin AJ, magtu-tutor ka pa kay Ellis, kami nalang tuloy ni Amber ang pupunta."

Pinigilan kong matawa nang mapagtanto ko ang ginagawa niya. Ang obvious niyang makapagparinig.

"Sige after review. Huwag na tayong magbihis. Diretso nalang tayo doon." sabi ko.

Lumaki ang ngisi ni Terrell. "Okay sure."

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Lian.

"Gusto niya kasing pumunta ng Italianni's sa Ayala. Kakain kami doon. Nag-crave siya ng pasta e." ani ni Terrell.

Naisip ko kung saan ang Italianni's sa Ayala. Ang alam ko meron pero nakalimutan ko kung nasa Terraces ba o sa New Wing.

"Kayong dalawa lang?" malamig ang tono ni Azriel. Nakaramdam ako ng kilabot.

"Oo, masama?" ganti ni Terrell.

Tumikhim ako upang takpan ang pagtawa. Nakatalikod ako sa kanila kaya di nila makikita ang katuwaan ko.

"Sayang, hindi ako makakasama. Magpicture kayong dalawa ha tapos ipost niyo sa FB. Tag niyo kami." sabi ni Lian na mukhang nakuha agad ang pag-arte ni Terrell.

Nagsibalikan na kami sa aming mga upuan pagkapsok ng review lecturer. Pinagpatuloy niya ang pagdi-discuss at panay ang sulat ko sa mga sinasabi niyang maaaring lalabas sa board exam.

Iba ang style ng classroom dito sa nursing lab. Bleacher-type seating at crescent shape ang mahabang mesa, katulad ng ibang mga classrooms sa States. Sa harap ay may magkakadikit na mga rooms na kunwari private rooms, at sa gilid naman ay mga beds na nahihiwalay ng curtains kaya nagmistulang ward.

Nasa kalagitnaan ako ng pagte-take down notes nang kinalabit ako ng kaklase ko sa likod. May inabot siya sa'king papel. Kunot noo kong binuksan ang pagkakatupi nito.

DON'T GO

Muli kong tinupi ang papel at sinilid sa bulsa. Hindi niya ako papaalisin? Tapos ano? Ipapanood niya sa'kin ang pagtu-tutor niya kay Ellis sa dorm? No way!

Muli akong kinalabit ng aking kaklase. Hindi ako lumingon, nilahad ko lang ang kamay ko.

PLEASE...

Sinadya niya ang all caps. Muli ko itong sinilid sa bulsa. Mamaya ko na 'to iisipin. Ayaw kong may ma-miss na lecture at baka hindi pa ako makapasa.

"Bakit ayaw mo kasi sa dorm nila?" bulong sa'kin ni Lian. Nakaharap kami sa whiteboard upang hindi kami mahalata ng lecturer.

"Bakit kasi doon pa? Pwede namang dito." ganting bulong ko.

"Pwede din namang doon. What's wrong with that?"

Wala. Nothing's wrong. Ang huling punta ko doon ay di ko napigilan ang sarili ko't hinalikan siya kaya bumagsak kami sa sahig. Baka maulit yon. Hindi sa ayaw kong maulit kaya lang...basta! Ewan! Parang kwarto na 'yon ng kahihiyan para sa'kin. Ang awkward lang.

Gabi na kami dinismiss. Humihikab ako habang sinisilid ang kaisa-isa kong notebook sa bag. Sa buong buhay ko, sa eskwelahan ko lang napatunayan na nakakapagod din pala ang umupo.

"Tara Amber!" masiglang bumaba si Terrell sa aisle kasabay ng ibang atat ng umuwi. Nakaipit ang binder notebook niya sa kanyang kilikili.

Itutuloy niya talaga ang Italianni's?

Sabay sabay sana kaming bababa pero pinauna kami ng tatlo na nag-c-cr, at since kunwari hindi sila makakasama sa'min dahil busy sila sa ibang bagay. Kaya kaming tatlo nina Terrell at Azriel ang sabay bumaba.

Nasa likod ko silang dalawa. Ewan ko pero parang nagbubulungan sila.

"Pakikuha ng gym shorts ko saka sando sa dorm. Didiretso nalang akong gym." ani ni Azriel nang narating na namin ang ground floor.

Kami nalang yatang mga nursing students ang tanging tao rito sa university saka yung guard. Hindi na naka-operate ang elevator at wala nang ilaw ang mga hallways sa bawat palapag.

"Bakit hindi ikaw ang kumuha?" tanong ni Terrell.

"May pupuntahan pa ako sa Countrymall. Sige na, pasuyo lang."

Tinabihan ako ni Terrell sa paglalakad.

"Ahm...Amber, Mauna ka nalang kaya? Okay lang?" kunwaring apologetic ang mukha niya. Ang galing talagang umarte nito.

"Sure."

Tinapik niya ako sa likod saka bahagyang tumakbo palabas. Hindi naman siguro namin itutuloy ang pagpunta doon. Naguguluhan pa rin ako kung ano ba talaga ang balak niya. Siya naman pasimuno nito, sinasakyan ko lang.

Papaakyat na ako sa skywalk para makatawid sa Countrymall kung saan ako makakasakay ng jeep o taxi pauwi. Basa ang sementong daan at may naramdaman akong kaunting patak ng ambon.

Kaunti lang ang mga sasakyang nagsidaanan kaya naisipan kong tumawid nalang sa kalsada kasama ng iba pang mga estudyanteng doon rin tumatawid ngayon. Sobra na ang pakikihalubilo ko sa hagdan ngayong araw na 'to.

"Akala ko ba magre-review ka?"

Natigil ako sa akmang pagtawid sa kalamigan ng kanyang boses. Tumabi sa'kin si Azriel sa sidewalk kung saan handa na sana akong tumawid kaso may dumaang malaking trak.

"Tapos na kanina." walang gana kong sabi, hindi siya nililingon.

Nang wala nang paparating na sasakyan, humakbang ako upang tumawid ngunit pinigilan niya ako sa braso.

"Don't go."

"Sa Ayala lang ako pupunta, hindi sa ibang bansa." sabi ko.

Humigpit ang kapit niya sa braso ko't hinila ako sa kanya. Kasabay nito ang mahigpit na tingin niya sa'kin.

"Kaya nga, don't go. Don't go with him." giit niya.

"Terrell's your friend."

"Kahit na!" inis niyang pinadyak ang isang paa. "Lalake pa rin siya! Both of you are going to eat together. It would look like you're dating!"

Inirapan ko siya. Pinigilan kong matawa. Mangyayari lang yang sinasabi mo Azriel kung totohanin yun ng kabigan mo. But I don't think so. He's enjoying tormenting you. Siguro ganti na rin niya yun sa pagsuntok mo sa kanya.

"Amber..." nagmamakaawa niyang sambit. My God ang hirap tanggihan ng taong 'to!

Tamad ko siyang nilingon. Humakbang pa siya papalapit sa'kin na hindi binibitawan ang aking braso.

"Ako nalang ang sasama. Sasamahan kita. We'll eat there." malamyos niyang sabi

"Akala ko ba itu-tutor mo pa si Ellis?" masungit kong tanong.

"I'll cancel it." agaran niyang sabi.

Humalukiphip ako.

"So may balak ka pang ituloy? You're gonna cancel today pero itu-tutor mo pa rin siya sa DORM anytime this week?"

Napatanga siya sa sinabi ko. Natahamik ka Azriel? 'Cause it's true?

Tinalikuran ko na siya. Hindi naman talaga ako pupuntang Ayala. Pero madadaanan ko pa rin yun sa pag-uwi.

Sasabay sana ako sa mag-inang tatawid sa kalsada pero naudlot muli ang balak ko dahil sa pagbuhat sa'kin ni Azriel sa balikat niya. Pinigilan ko ang pagtili dahil baka kung ano pa ang iisipin ng mga tao. Kuyugin pa nila si Azriel sa pag-aakalang kinikidnap niya ako.

"Ano ba Azriel!" hinampas ko ang likod niya.

"You're not going anywhere with him." ma-otoridad niyang utos.

"Bakit ka ba nangingialam? Pinigilan ba kita sa pagtu-tutor mo kay Ellis?" naiinis kong asik.

"Hindi ko na nga siya itu-tutor!" asik niya. Pinagtitinginan na kami ng mga taong nadadaanan namin.

"Eh yun naman pala e! Ibaba mo na ako!" inabot ko ang buhok niya't sinubunot ito. Nagmura siya.

"You're staying with me. In my dorm. Tonight."

Nahihilo na ako sa posisyon ko at sa bilis ng kanyang mga hakbang. Tumatalbog talbog ang ulo ko sa likod niya.

May mga ilang kaklase kaming nadaanan at tinawag ang mga pangalan namin ni Azriel. Karamihan sa kanila ay nang-aasar at naaliw pa sa sinapit ko ngayon. Saan ba sina Kelly at Noemi? Dapat dito sila dumadaan!

"Uuwi na ako!"

"Oo! Uuwi ka sa'kin!" tumbas niya sa sigaw ko.

Muling kong sinabunot ang buhok niya. Napasingasing siya sa sakit.

"Si Ellis ang iuwi mo! Magre-review pa kayo di ba?" sarkastiko kong asik.

Marahas siyang nagpakawala ng hangin na parang nawawalan na siya ng pasensya. Inasahan kong ibababa na niya ako dahil doon pero hindi niya ginawa. Mas binilsan lang niya ang paglalakad.

"Ang taong gusto ko ang dinadala ko sa dorm." kalmado niyang sabi, nagpipigil ng inis.

"O? eh di ba may balak kang itutor si Ellis? Di ba dadalhin mo rin siya sa dorm?"

Hinampas niya ang pwet ko. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya! May bumara sa lalamunan ko upang mahadlangan ang pagtili ko sa inis. Pero sa totoo lang, gustong gusto ko na siyang mabingi sa sigaw ko. Did he really just do that?!

"Bakit ba si Ellis ang pinag-uusapan natin? Ikaw nga ang dadalhin ko sa dorm!"

Inadjust niya ang pagkakabuhat sa'kin pagkaakyat sa hagdan papasok sa dorm nila. Lupaypay akong nakalambitin sa kanyang balikat. Wala na akong nagawa dahil hilong hilo na talaga ako.

"O? Akala ko—"

"You're not going! Not with her!" bulalas ni Azriel. Nasulyapan ko si Terrell na dala ang gym bag yata ni Azriel.

Pumasok kami sa kwarto niya't padabog niyang sinara ang pinto saka ni-lock.

Binaba niya ako sa kama.

"Stay." utos niya, tinuro pa ang forefinger niya sa'kin.

"You study here." May kinuha siyang mga books sa study table habang ang isang kamay niya'y tinatanggal ang butones ng kanyang polo uniform.

"Gagawin mong review center 'tong dorm niyo? Bakit hindi mo nalang din tawagan si Ellis at para sabay na kami sa pagre-review—"

Tatlong malalaking hakbang ang ginawa niya papunta sa'kin. Tinanim niya ang kanyang labi sa labi ko. He's not fond of starting it shallow, gusto niya malalim agad kaya halos maubusan ako ng hininga. Mamamalangke na naman ako nito ng oxygen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro