FORTY FIVE
CHAPTER FORTY FIVE
Diniin niya ang labi niya bago siya bumitaw. Nakaawang kami pareho at kapwa humihingal. Nahagip ng paningin ko ang nakabukas na niyang polo at sumisilip doon ang batak niyang dibdib na produkto ng regular na pagji-gym. Mabilis kong binalik ang paningin sa namumungay niyang mga mata.
“First kiss mo ba si Riley?” seryoso niyang tanong. Nakatukod pa rin ang mga kamay niya sa gilid ng aking mga hita at pinatili ang lebel ng aming mukha.
“Gusto mo ba talagang malaman?”
Tumango siya.
Matagal kaming nagtitigan. Ewan ko kung bakit niya ito biglang naitanong. Seryoso at matagal niyang hinihintay ang sagot ko.
“Oo.”
Nagpakawala siya ng hangin at bahagyang ngumuso.“So he taught you how to kiss. And he has taught you very well.”
Hinaplos ng thumb niya ang labi ko. Nangilabot ako sa ginagawa niya. Hindi ko manlang siya magawang pigilan dahil parang nagustuhan ko ang pangingilabot na epekto nito sa’kin, at nanghihina ako.
Posible palang magustuhan mo ang pakiramdam na nanghihina. Hindi sa lahat ng oras ay gusto mong maging malakas.
Pinadulas niya ang kamay niya galing sa labi ko patungo sa likod ng aking leeg hanggang sa nahagip niya ang naka-hairnet kong buhok. Tinanggal niya yun at sinusuklay suklay ng kanyang mga daliri.
Anong bang trip mo Azriel? I thought mag-aaral ako dito pero inaakit mo naman ako. Nakakainis!
“Hindi ako uuwi?” tanong ko habang patuloy niyang pinagdidiskitahan ang aking buhok.
Tumingin siya sa’kin.
“Nakauwi ka na. Nandito ka na. Sa’kin.” aniya na parang obvious yun na sagot at hindi na kailangang itanong pa.
Napairap ako. “Sa bahay namin.”
“Sunday bukas.” sabi niya.
“May review class tayo.”
Binitawan na niya ang buhok ko saka umayos ng tayo. bBinaon niya ang mga kamay sa kanyang bulsa. Naka half-open ang butones ng kanyang polo uniform kaya nakita ko na naman ang dibdib niya.
Malalim siyang humugot ng hangin, may malalim siyang iniisip habang tinitigan ako.
“Gusto mo bang umuwi sa inyo? Ayaw mo dito?”
Parang may mga pangil na kumakagat sa puso ko sa nahihimigang lungkot sa tono niya. His expression is chap-fallen.
Napabuntong hininga ako’t kinuha ang aking cellphone. Tinext ko si mama. Hindi nagbabasa ng text si daddy, gusto kasi nun tawag agad.
Hinintay ko ang kanyang reply. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko. Kapwa kami napatingin ni Azriel sa cellphone kong nag-buzz.
Mama:
Okay
Nagtaka ako dahil hindi manlang siya nagtanong kung bakit hindi ako makakauwi. At the same time, masaya ako na hindi na siya nagtanong. Wala kasi akong maisip na alibi.
Pagkatapos ibalik ang phone sa bag, hinarap ko muli si Azriel na ganon pa rin ang ekspresyon.
“I’ll stay.” sabi ko.
Gumuhit ang malaking ngiti sa nakasarado niyang labi. His dimple winked at me, mistula itong sumang-ayon sa naging desisyon ko. Ang sarap niyang kunan ng picture sa ganoong ngiti, tapos ilalagay ko sa frame. Gulo gulo pa rin ang buhok niya dahil sa pagsabunot ko kanina.
Tuluyan na niyang hinubad ang kanyang polo uniform. Sinunod niya ang pagkalas sa butones ng kanyang pants. Nanlaki ang mga mata ko’t napaiwas ng tingin. Nagmadali kong hinalughog ang notebook ko sa bag.
Ganon ba talaga siya? He wouldn’t mind undressing infront of other people? Sa harap ko pa! Australia has probably made him liberated.
Pumasok siya sa banyo. Pagkakabit niya ng lock ay napatakip ako ng notebook sa’king mukha at maginhawang huminga.
Bakit nga ba ako nakapag-decide na mag overnight dito sa dorm? It’s not like my first time . May rason naman kasi ang nangyari noong huli kong tulog dito, but tonight? I don’t know. I really don’t know. Siguro dahil gusto ko rin siyang makasama. Not maybe. Gusto ko talaga siyang makasama. Kesa naman hayaan ko siyang mag tutor kay Ellis.
Nagscan ako sa notebook ko’t inalala ang huling binasa. Medyo makirot pa rin ang likod at balikat ko dahil sa pagkakahampas pero tolerable na, nakakatulog na ako ng patihaya.
Hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi sa’kin ni Azriel kung sino yung mga lalake. Palagi niyang sagot ay wala lang sila. Paano magiging wala yun eh gusto siyang saktan ng mga ito? Ayaw nga niyang mag report sa mga pulis na mas lalo kong ipinagtaka. Palagi kong nakakalimutan na tanungin si Terrell. Baka may alam siya.
Kinamot ko ang nangangati kong tiyan kaya nagtignan ko ang aking blouse. Napatigil ako. Bigla akong napabalikwas nang may mapagtanto. Sakto namang nagbukas ang pinto sa cr at lumabas si Azriel na nakatapis ang tuwalya sa baywang.
“Wala akong uniform para bukas.” kabado kong pahayag.
“Ibalik mo nalang yang suot mo.” mahinahaong ani ni Azriel.
Nagkamot siya sa kanyang tenga habang tinungo ang kanyang cabinet.
Simangot akong umiling. Inamoy ko ang bandang kilikili at collar ng aking uniform top. Okay pa ang amoy pero paano bukas? Saka pati medyas ko ay susuotin ko rin pabalik?
Mahinang tumawa si Azriel habang binukadkad ang nakatupi niyang boxers. Pinagtatawanan niya ba ako?
Tinanggal niya ang tuwalya niya sa kanyang baywang saka kinusot ito sa kanyang basang buhok. Lumapit siya sa’kin habang ginagawa ‘yon. Sininghot niya ang aking leeg, manggas ng aking uniform, tinaas niya ang aking kamay at inamoy ang kilikili ko, ganon din ang ginawa niya sa isa.
Aliw siyang napatingin sa’kin, nagpipigil ng tawa.
“Mabango naman. Hindi nila mahahalata.”
Bumagsak ang balikat ko. Ayaw ko pa rin!
“C’mon...just shower.” sinusuklay suklay ng mga daliri niya ang buhok ko. “I’ll lend you my shirt and shorts tonight.”
Eh? How ‘bout underwear? I’m sure wala siyang maipapahiram sa’king bra at panty.
Di bale, lalabhan ko na nga lang ngayon. Bahala nang wala akong suot na undies, papahiramin naman daw niya ako ng shorts. Hindi naman siguro niya yun mahahalata.
Tumayo na ako kasabay ng pagkuha niya ng mga damit at bagong towel sa cabinet. Inabot niya ang mga ito sa’kin saka ako pumasok sa banyo. Nanatili ang amoy ng kanyang bodywash. Hinanap ko ‘yon at nakita sa isang built-in shelf sa taas ng sink sa gilid ng salamin. Power Stick shower gel pala ang gamit niya.
Kumatok si Azriel sa pinto.
“Anong gusto mong kainin? I’ll buy our food downstairs.” aniya.
Sinampay ko ang mga nahubad kong damit. “Same nalang tayo. Hindi ako mapili, basta walang egg at crabs.”
“Ok.”
Sumara ang pinto sa kwarto niya. Dipper at balde ang panligo ni Azriel. Not shower. I wonder kung mayaman ba sila sa Australia. I think oo, at kung mayaman nga sila doon, nakakamangha na wala siyang reklamo sa ganitong buhay.
Siguro wala lang siyang choice kaya tinatanggap niya nalang. Miski ako, kung wala na akong magagawa, edi wala. That’s life. We just have to accept thing that we can’t control.
Nilabhan ko ang underwear ko. Nakakahiya talaga, sana hindi ‘to mapansin ni Azriel. Ngayon palang namumula na ako sa oras na makita niya itong nakasampay dito sa banyo.
Tinuyo ko ang aking katawan at buhok pagkatapos. Nagbihis na ako saka kinuha ang aking uniform. Pagkalabas ng banyo, naghahanda na si Azriel sa mga pagkain sa study table niya. Beefsteak at gulay ang ulam na kanyang binili.
Nilakbay niya ang tingin sa’kin habang pinulupot ko ang tuwalya sa’king ulo. Nagtatanong ang mukha ko. Sumilay ang nanunuyang ngiti sa kanyang labi saka umiling at hinila ang silya.
“You used my shower gel?” tanong niya sa’kin pagkaupo ko. Naglagay na ako ng rice at ulam sa plato.
“Ok lang? Wala kasing sabon eh.”
Napaigtad ako nang inamoy niya ang aking leeg. What is he doing?
“I like it. We smell alike now.” bulong niya. Tumagal ang kanyang pagsinghap saka ako ningitian.
Pinaningkitan ko siya ng mata. What are you trying to play this time Azriel? A seducer?
Napailing nalang ako at kumain na kami.
Walang natira sa pagkain, halatang gutom kami. Hinatid ni Azriel sa baba ang mga plato. Kina ate Janna naman daw ‘yon.
“Wala akong toothbrush.” sabi ko pagkabalik niya.
“I have extra. Hindi pa nagagamit.”
Tumango ako. “Papalitan ko nalang.”
“No, it’s fine.” May kinuha siya sa isang puting plastic sa ibabaw ng cabinet niya. Inabot niya sa’kin ang hindi pa nabubuksan na toothbrush. “Sa’yo nalang.”
Hindi na ako umangal at pumasok ako sa banyo. Sabay kaming nag-toothbrush. Hindi ko alam kung saan ako titingin, sa bumubula kong bibig o kay Azriel na panay ang tingin sa’kin sa salamin. Natatawa ako kaya nagmumog nalang ako bago ko pa malamon ang bula ng toothpaste.
“You have slim arms.”
Tinaas niya ang isa kong braso. Naangat ang manggas ng maluwang niyang shirt hanggang balikat ko. Share kami ng unan niya ngayon habang pahiga kaming nagbabasa sa aming mga reviewers.
Napatingin na rin ako sa braso ko. Pangit ba? Gusto nga nila Kelly ‘to eh.
“Ang payat. Malakas ka namang kumain.” dagdag niyang komento. Sinimangutan niya ang braso ko na parang kasalanan nito ang pagiging slim ko.
Hinampas ko siya sa dibdib. “Hindi kaya. Mas matakaw ang pinsan ko!”
“Yung kulot?”
“Oo.”
“Malakas kumain ‘yon?” gulat niyag tanong. “Hindi halata.”
“Mukhang mahinhin noh? Pero maingay yun. Crush ng bayan pa rin naman siya. Parehas kayo.” sabi ko.
Naningkit ang mga mata niya. “Ikaw din kaya. I saw your picture in the facebook page of that campus crush thingy.”
“Paano ka naka-view eh wala kang facebook?” pagtataka ko.
“Terrell’s.”
Tinawanan ko siya. “Nakiki-facebook ka lang kay Terrell? Kawawa ka naman.”
Piningot niya ang ilong ko.“Bully.
”
Ginantihan ko siya ng pagpingot sa ilong. Natatawa niyang hinawi ang kamay ko sabay kiliti sa’kin.
“Gumawa ka na kasi ng account. Anong silbi ng laptop mo?” sabi ko.
“Research.”
Research? Ang boring naman. Wala siyang games?
“Hindi ka nanonood ng porn?”
Napaawang siya sa tanong ko. What? Di ba nanonood ang mga boys ng ganon? I heard Archer and Brennan talking about porn sites noong third year kami.
Mas lalo akong napatawa sa reaksyon niya. Namumula siya’t parang hindi makapaniwala sa tinanong ko. Tuluyan ko nanag nakalimutan na nagre-review pala kami.
“What? You don’t watch it?” panunudyo ko.
“You have watched it?” kumunot ang noo niya, naiinis.
“No. Pero ikaw ang tinatanong ko. You don’t watch it?”
Nag-iwas siya ng tingin at ngumuso. Tumingala siya sa kisame at pinagka-interesang titigan ang blue na ceiling fan.
“I tried.” mahina niyang sabi.
Humagalpak ako. Nahiya pa siya!
“Once.” giit niya.
“Weh?”
“I swear!” kumbinse niya sa’kin. Hindi pa rin ako tumigil.
Nanahimik ang pulang pulang si Azriel sa tabi ko’t tinatakpan ang mukha ng test paper. I wonder kung out of curiosity ang panonood niya o naimpluwensyahan lang ng kung sino. Kanino naman? Kay Terrell? Well...who knows.
“Bakit once lang? Ang weak mo.” sinundot ko ang pisngi niya.
“What?!” di makapaniwala niyang bulalas. “Hindi batayan ng lakas ang panonood ng ganon.”
Panay ang iling ko’t tinatakpan ang aking tenga.
“Weak. Weak. Weak...” paulit ulit kong sambit.
Napatili ako nang bigla niya akong kilitiin . Gigil na gigil siyang nagpabalik balik sa leeg at baywang ko. Natatawa akong namimilipit. Hindi ako makaganti sa kanya dahil sa lakas niya. Muntik na akong mahulog sa sahig buti nalang nahila niya ako pabalik sa gilid niya na hindi humihinto sa pagkiliti.
“Time first!” nahihirapan na akong huminga. Bahagya na rin akong pinagpapawisan.
Biglang tumigil si Azriel at napabalikwas. May takot niya akong tinignan.
“Are you okay? I’m sorry I almost forgot. Do you need your inhaler?” natataranta niyang tanong.
“H-hindi...okay lang ako.” hingal kong sabi.
Tumayo siya at may pinindot sa katabi ng switch ng ilaw. Tumunog ang ceiling fan at nagsimula nang nagpaikot ikot.
Bumalik si Azriel sa kama at inunan ang ulo ko sa braso niya. Inihipan niya ang mukha ko at pinaypay sa’kin ang test paper reviewer. Sandali kaming nanahimik upang mag-ipon ng hangin.
Naka-on ang tv sa sala. Si Terrell lang ba ang palaging nanonood doon? Hindi ko pa nakikita si Azriel na tumatambay sa sala.
Napadilat ako nang hinalikan niya ang aking ilong. Nakatingin siya sa’kin. Di ko mapigilan ang pag-ngiti.
“Is Riley your first boyfriend?” tanong niya.
Tumango ako.
“May nanligaw sa’yo?”
“Bakit mo tinatanong?”
Nagkibit balikat siya. “I’m curious. Baka kailangan mo pang maligawan.”
Inadjust ko ang pagkakahiga ko sa kanyang braso. Tumagilid ako habang siya’y nakatihaya.
“Riley’s traditional kaya niligawan niya ako. Actually..,lima sila nun, then siya ang sinagot ko.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Five guys courted you at the same time?”
Tumango ako. Noong second year. Kaso hindi sila sabay nagsimulang manligaw. Huli yata si Riley pero siya naman ang sinagot ko.
“Sino sino ang mga ‘yon?” parang naghahamon niyang tanong. Pinigilan ko ang matawa.
Sa bintana ako nakatingin habang inalala ang panahong ‘yon. “Pinsan ni Kelly, isang taga dorm nila, then kasama ni Carlo sa dance troupe, taga ibang university na nakilala namin sa bar, then si Riley. Pero tumigil na sila nung nalaman nilang kami na.”
Parang naiilang akong pagusapan ‘to. Siya ba hindi naiilang? Hindi nga ako kumportable na pagusapan ang lovelife niya noon kaya hindi na ako nagtanong.
Sandali siyang napaisip. “Magiging anim yun kung sumali ako.”
Pinaningkitan ko siya ng mata. Nagtaas baba siya sa kanyang kilay.
“Si Kent?” tanong niya.
“Hindi siya nanligaw.” sabi ko
“But he likes you.”
“Yeah, nireto ko siya kay Noemi.”
Pero hindi ko pa siya nakitang lumalapit sa kaibigan ko. I hope he’ll give it a try.
Sa panibagong katahimikan, pumasok sa isip ko ang sinabi ko kay mama at kung ano ang maaaring maging reaksyon ni daddy. Sa oras na’to sa tingin ko nabanggit na ni mama sa kanya.
Marami pa akong walang alam kay Azriel. May ibang tinatanong ko, hindi niya sinasagot, pero hindi ako tumitigil sa pagtanong hangga’t may sinasagot siya.
“Bakit hindi ka nagsumbong sa papa mo na ibang course ang pinakuha sayo ng uncle mo?”
“I’ll just receive a bunch of I told you so’s.” walang gana niyang sagot.
“But you don’t like this course.”
Tumitig siya sa’kin.
“I like it now.”
Ngumuso ako. Gusto kong ngumiti na hindi.
Binaba ko ang tingin ko sa panga niya. I can’t look at him directly. Pinakatitigan ko ang three days na yatang stubble na hindi pa naaahitan. Will he allow me to shave that?
“Kung dadalhin kitang Australia, sasama ka?”
Nasurpresa ako sa tanong niya.
“Ha? Bakit mo naman ako dadalhin ‘dun?”
“Wala. Pasyal lang.”
“Pasyal lang?” halos mabulunan ako sa sarili kong laway. “Ang yaman mo ha?”
Ningitian lang niya ako. “Or date.”
Doon na ako napahalakhak. “Date? Sa Australia? Sosyal! Ang layo ng date natin! Okay na nga lang ako kina ate Janna dyan sa baba. Makakatipid pa tayo.”
“I’ll pay.” aniya.
“All expense?”
He gave an emphatic nod.
Napakunot ako sa ilong. Gusto ko. Gustong gusto ko! Kaso...
“Baka hindi ako payagan.”
Ngayon palang iniisip ko na ang irereact nina mama at dad. Lalo na si mama! Australia? Land down under? Noong sa Bohol pa nga lang halos pigilan na niya ako!
“Ako naman ang kasama mo. Tsaka hindi pa naman ngayon. Soon...next year maybe or...sembreak, Christmas...But wait—A-are we...official?” bahagyang tumungo ang ulo niya.
“Ayaw mo? I can’t see why not.” sabi ko.
Napasinghap siya at umawang. Pinaglalaruan ng dila niya ang loob ng kanyang pisngi habang nakatitig sa’kin. Sunod ay kinakagat kagat niya ang kanyang ibabang labi.
Pumikit siya, parang may iniisip. Pinagmamasdan ko lang siya at sinubukang basahin ang ibig sabihin ng kanyang mga kinikilos. Narinig ko ang kanyang paglunok habang nilalapit niya ang noo niya upang idikit sa noo ko.
“Well then...if it takes not to see the reason why we can be, then I’d rather not see it at all.” aniya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro