FORTY
CHAPTER FORTY
Maingat niyang tinanggal ang kamay kong tumatakip sa'king mukha. Hinawakan niya ang pisngi ko upang matignan siya ngunit umiling ako at yumuko.
Patuloy ako sa pag-iyak. Naisip kong ilang sandali lang at bababa na ang mom at dad niya, at bahala na kung ano man ang iisipin nila sa'kin ngayon.
Pilit niya akong pinatingin sa kanya, panay rin ang aking pag-iwas.
"Look at me Amber."
"Ayoko." I can't look at him now pagkatapos ng sinabi ko. Mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako, paratangan ng kahit ano at palayasin na sa buhay niya but Riley's not that kind of person. He always understands. At kahit hindi niya naiintindihan, pipilitin niyang intindihin. Kaya masakit sa'king saktan siya.
"It's okay...tignan mo ako." malamyos ang kanyang boses, kaya umasa akong maayos lang siya at nakangiti.
But there was pain in his eyes and tear stains his cheeks. Hindi ko na kinaya. Mas humagulhol pa ako. Pinagpira-piraso ang puso ko. I hurt him. And I am also hurting for him.
"I'm sorry...hindi ko sinasadya..." iyak ko.
Mahigpit niya akong niyakap, enveloping me with his strong and ripped arms. I'm looking for my love for him that was lost somewhere. Baka na-misplace ko lang, o naitago sa isang lugar.
Pinahigpit ko ang yakap na 'yon, hoping that I'll gradually find it again, at walang sabi sabi ko itong sisikupin sa kamay ko't ibabalik sa puso ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking balikat.
Napailing ako at kumalas. I kissed him. Sana sa gagawin ko madali lang maibalik ang lahat. Ayaw kong mawala ang nararamdaman ko sa kanya. Nanatili pa rin ang pagmamahal niya sa'kin and it is unfair for his part that I don't do the same anymore.
"Amber..." nilayo niya ang mukha niya sa'kin. Nilapit ko ulit ito't akma ulit siyang hahalikan pero umiling siya't pinigilan ako.
"Please Riley...I want to love you again." desperada kong ani. "Ayokong maging katotohanan na hindi naging malakas ang pagmamahal ko sa'yo upang magmahal ako ng iba ngayon."
Muli siyang umiling at dinikit ang mga noo namin. Pumikit ako. Ayokong makita ang luha niya. Pero sa bawat pagsinghot niya'y parang may bawat apak rin akong nararamdaman sa puso ko. Pasakit ng pasakit. Pahina ng pahina.
"Hindi nga ba Amber? We can't control the truth. If anyting, then maybe your love wasn't that strong for me."
Nahila ko ang sarili, hindi makapaniwala. "No! Riley ramdam kong sobra sobra ang naramdaman ko sa'yo! I want it to be the truth Rai. And I want you to remind me! Ipaalala mo sa'kin ang pagmamahal ko sa'yo sa puntong hindi ko kayang magmahal ng iba. Tulungan mo akong ibalik 'yon...I don't want it to be too late."
"But it is." nakita ko ang pagtulo ng luha niya. Nahawaan ang mga mata ko't muli akong napaiyak. Lumakas 'yon nang hilain niya ako sa kanyang dibdib.
"As much as how I don't want to allow you to be in love with someone else, hindi ko kontrolado ang nararamdaman mo. You have a right, I have no control. But I can change all of that, in time. Hopefully you'll allow me to change that."
Mabilis akong napatango sa sinabi niya. Kinuwadro niya ang mukha ko't hinahaplos ng daliri niya ang aking pisngi.
"But as for now, I love you still. Kaya gawin mo akong takbuhan mo sa tuwing may problema ka sa kanya. Kung sasaktan ka niya, I'd be more than willing to punch him for you. I'll spread my arms wide open once you find your way back to me. If ever I get lost, I will always find my way back to you, Amber."
Muli akong umiyak. Ang sakit sakit na. "Ayokong masaktan ka."
"At ayaw ko ring masaktan ka. Kung mahal mo siya, then go, love him. If it makes you happy, love him. Atleast kahit wala na tayo napapasaya pa rin kita sa pagbibigay ko sa'yo ng kalayaang magmahal ng iba. Wala akong karapatang magalit. But if you feel like going back to me? Tatanggapin pa rin kita. And it would be so much in whole and whole-souled than the last time. "
Pinakalma ko ang sarili ko at pinigilan ang pag-hikbi "You're not dating anyone?"
"Do you want me to?" malambing niyang tanong.
"Ayokong idepende mo ang gagawin mo sa sinasabi ko. Do you want to date other women?"
"No."agaran niyang sagot. "Wala rin namang mangyayari kung magkagusto ako sa iba."
"Let me stay with you, please." pabuong kong pakiusap sa kanya.
Tumango siya at maingat akong binuhat. Nanatili akong nakapikit. Nanghihina kong sinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib.
"Sir." tawag ng di pamilyar na boses.
"Hindi pa po siya nakabayad sa taxi."
Napadilat ako at lumingon sa pintuan. Kamot ulong nakatingin sa'min ang driver ng taxi na sinakyan ko. Naiwan ko pala ang purse ko sa bar at nandoon lahat ng gamit ko kabilang na ang cellphone.
Nahihiya akong tumingin kay Riley. Nagpigil siya ng ngiti sa kabila ng iyakan namin kanina.
"Iaakyat ko muna siya sa taas."
"Sige po Sir."
Natatawa akong hinalikan ni Riley sa noo sa pagtungo niya sa kanyang kwarto. Hiniga niya ako sa kanyang kama at kinumutan. Pinagmasdan ko siyang binuksan ang kanyang dresser. Nakasabit doon ang kanyang jeans. Dumukot siya ng pera sa bulsa nito saka bumalik sa baba.
Tinututukan ko lang ang orasan na nasa nightstand ni Riley. Pagod ako upang makapag-isip pa ng mga bagay bagay. Pinakikinggan ko nalang ang paligid. Nakaalis na ang taxi. Nagsara ang pinto sa baba at rinig ko ang papalapit na hakbang ni Riley paakyat dito.
Tinabihan niya ako. Agad akong sumuksok sa kanyang gilid. Inamoy niya ang buhok ko, napaismid ako dahil paniguradong hindi niya nagugustuhan ang amoy nun. I just came from the bar that's filled with cigarette smoke and whatnots.
"Hindi ba tayo papagalitan ng daddy mo?" nagtaka pa rin akong hindi nila kami narinig kanina.
"He's too happy to keelhaul me." aniya.
"Bakit?"
"I'm on the Dean's list. And probably, in running for Cum laude."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Congrats. I know you'll make it."
Tipid siyang ngumiti at muli akong pinahiga sa braso niya. Hinihele niya ako sa paghaplos niya sa buhok ko. Napapikit na ako sa antok pero ako 'tong ayaw pang matulog.
Tumunog ang cellphone ni Riley kasabay ang pag-vibrate nito sa nightstand. Tinignan niya ang caller, saka kunot noong bumaling sa'kin.
"Kelly's calling."
Sumalamin ang reaksyon ko sa ekspresyon niya. Ang galing nilang mag-isip at isa talaga si Riley sa mga naisipan nilang tawagan.
"Tell them tulog na ako." muli akong humiga sa dibdib niya. I feel sorry for ditching them. Sana maintindihan nila.
May pag-intindi akong tinignan ni Riley, at nanatili lang ang tingin niya sa'kin habang kausap si Kelly sa phone.
"Kels..." ngumiti siya sa'kin at hinaplos ang buhok ko. Naririnig ko ang boses ni Kelly pero hindi ko makuha ang sinasabi niya. "Yeah...tulog na siya e..." ngumuso siya at naningkit ang mga mata, parang may malalim na iniisip. "Hmm...I guess it's best if sa kanya manggaling...Okay, I'll tell her once she wakes up. Sige, bye."
Nilapag niya ang kanyang cellphone sa nighstand.
"Why won't you talk to them?" mahinahon niyang tanong.
"Saka nalang kapag magkita kami."
"Ihanda mo na ang sarili mo dahil pupunta sila sa inyo bukas. They'll bring your bag."
Tumango ako saka pumikit. Kung bukas sila pupunta, bukas ko nalang din iisipin ang sasabihin ko. My eyes are so tired and so as my mind.
"Do you wanna go home? Ihahatid kita. Baka hinahanap ka na sa inyo."
Marahas akong umiling. Ayoko. Parang pinapakawalan ko na rin siya kapag aalis ako sa kanyang tabi.
Pagkatapos ng pag-amin ko, parang binabalewala ko nalang ang nararamdaman niya, at hayaan siyang mag-isa ngayon. Parang tinatanggap ko na rin sa sarili kong wala na. Wala na akong babalikan, wala na kaming pag asa. Na hanggang dito nalang kami.
Katulad lang din 'to sa mga umaasang mamahalin pa sila ng mga taong hinahangad nilang mahalin sila pabalik, pero sa kaso ko, umaasa akong mahal ko pa rin siya.
But no. Because this time around, my love for Azriel is stronger than my feelings for Riley. At ngayong katabi ko siya, ayokong kumawala. Mahigpit ko siyang niyakap.
How can I not let go of the person that I have a less affection to? Di ba dapat ang hindi papakawalan ay ang mga taong mahal natin? Pero hindi ko yun magawa kay Riley.
Maybe I was just bound by the thought of my feelings for him. Maybe, maybe not. Or bound with the hope that someday, babalik yung nararamdaman ko sa kanya. Na siguro nasanay lang ako kay Azriel. Pero kung nasanay lang ako then why did I kiss him back? That's not because of getting used to the person anymore. Mas napatunayan ko lang ang feelings ko sa ginawa ko.
"You didn't promise me anything Riley. Siguro hindi kita nabitawan. You should've tied me up." ani ko.
"Huwag mong sabihin 'yan kung ang ibig mo lang ay hindi ako masaktan. Matagal na akong nasasaktan, Amber. Simula nung naghiwalay tayo, palagi kong dinadala ang sakit na 'yon."
"As much as how I want to stay in love with you...I fell for him. Pakiramdam ko hindi tama." nanlulumo kong sabi.
"Why do you want to stay in love?"
"Dahil alam kong maghihintay ka, ngayon dumating ang araw na ikaw nalang ang naghihintay. You don't deserve it."
"You can never escape the fact that we can hurt. It is as inevitable as death. Don't think about me, Amber. Maging masaya ka."
"Paano ka?" I want him to date other women, para makalimutan na niya ako. Para pantay na kami.
"I'll wait until it's gone. Hanggang sa magmahal ako ng iba."
"Paano kung ako pa rin?"
"Then so be it." pabulong niyang sabi.
That thought alone scares me. He can't just revolve his world around me for the rest of his life! Sana makatagpo siya ng iba. Ayoko siyang mag-isa. I'm so guilt-stricken right now.
Gumalaw siya't pinatingin ako sa kanya. Inalis niya ang mantsa ng mascara sa pisngi ko at pati na ang bakas ng aking mga luha. His warm expression is about to tear me up again.
"I want you to remember this, Amber. Kahit anong gawin mo, kahit sino pa ang magugustuhan mo, mananatali pa rin ako sa'yo. Kahit sino pa ang makakatuluyan mo, magiging masaya ako habang patuloy kitang mamahalin. Kahit hindi na ako , maging masaya ka lang. If letting go of me is all that it takes, I will let you, but I won't ever let myself go from you, Amber. Tinali ko na ang sarili ko sa'yo. But please don't feel guilty about it. Hindi mo naman ako pinilit, kusa ko itong ginagawa. I choose to feel this way."
Parang may sariling buhay ang mga luha kong nagbalik ulit sa pagbuhos. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at humikbi. "Tama na please..."
Niyakap na niya ang isang braso sa'kin. Rinig ko ang malakas niyang paglunok at ang kanyang pagsinghot.
"Kung hindi kita napanindigan sa desisiyon ng ama ko, paninindigan ko ang pagmamahal ko sa'yo. And that is to always stay faithful to you. No other girls, no affairs, no dating, no flings or even girl friends. It's always going to be you. I will always stay devoted to you, Amber."
Iyon ang huli kong narinig mula sa kanya bago ako nakatulog. I cried myself to sleep. We cried ourselves to sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro