FIFTY TWO
CHAPTER FIFTY TWO
______________________________________________________________________________
"We'll go to the review center together and take the board exam together." sabi ko.
"We'll look at the results together." ani ni Azriel.
"And we'll be nurses together at the same hospital."
Napaisip siya habang nakangiti. "I like that."
"I love it." sabi ko.
"I love it, too."
"I love it more."
"I love you."
"I lo—" hindi ko natuloy ang dapat kong sabihin nang may mapagtanto. Gulat akong napalingon sa kanya na pigil na pigil ang ngiti.
Hinapit niya ako. Nanunuya ang kanyang tingin.
"Go on. Say it." masigla niyang ani na wari ini-encourage ako sa sinasalihan kong contest.
Namamahinga kami dito sa kwarto ng kanilang dorm. Kakatapos lang naming makumpleto ang pagpa-sign ng clearance. Ilang buwan din ang nagdaan at ngayon, nalalapit na ang aming graduation. Wala na kaming inaalala pa kundi ang board exam.
Our relationship has been going on for more than six months. Habang lumalalim ang relasyon namin ni Azriel, lumalayo naman ang loob ko kay daddy. But that doesn't stop us. Pinapaniwala namin ang aming mga sarili na eventually, matatanggap din ni daddy.
Kasi ganoon naman talaga, it is never easy in the beginning.
Naging advance masyado ang pag-iisip ko dahil iniimagine ko na kung ano ang mangyayari one or two years later. Siguro sa mga taong 'yon, doon palang namin makukuha ang approval ni dad.
"You're being shy again Amber..." nanunuya niyang ani habang hinahaplos ng likod ng kanyang mga daliri ang aking pisngi.
"May iniisip lang."
"Ako ba 'yan?"
Mahina akong tumawa. "Tayo."
Kumilos siya't nag-iba ng posisyon. Tinukod niya ang kanyang siko sa kama at patagilid akong hinarap. Antok niya akong ningitian.
"Anong iniisip mo tungkol sa'tin?" tanong niya. Sinandal niya ang kanyang ulo sa kamay niya habang nakahawak sa baywang ko ang isa.
"One or two years from now." sabi ko.
Pataas niyang pinadulas ang kanyang kamay papunta sa tiyan ko. "May baby na ba tayo sa iniisip mo?"
Malakas akong napatawa. Nasa pagitan ng kapilyuhan at kaseryosohan ang kanyang tono."Gusto mo nang magkaanak?"
He shrugged. "I like kids."
Nagulat ako sa sinabi niya. Isa 'yon sa mga bagay na ngayon ko lang nalaman. He has never mentioned this to me before. He likes kids?
I stared at him unbelievably.
"Sa sungit mong 'yan?"
Inikutan niya ako ng mata. "So ano? Anong name ng baby natin?"
Bumalik ako sa paghalakhak. Binaon ko na ang mukha ko sa kilikili niya dahil sa labis na katuwaan. Para bang sa ilang sandali lang ay maiinis na siya kapag hindi ko sasagutin ang kanyang tanong.
"C'mon...ano na?" naiinip niyang sabi. Kinabig niya ako.
"Wala akong maisip." natatakpan ang boses ko ng pagkakabaon ko sa kanyang sando.
"How 'bout...Adler?" aniya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakadungaw na siya sa'kin. Nakataas ang makapal niyang kilay, hinihintay ang opinyon ko.
Saan naman niya nakuha ang pangalang 'yan? I haven't heard of that name before. Nagre-research na kaya siya dati pa ng mga baby names? If so, why? Hind pa naman siguro siya nagbabalak magkaanak. It's too soon.
"Maganda. Astrid or Aleah kung babae." sabi ko.
Kung hindi lang nawala si ate Mauryn, marahil nasa dalawang pangalan na 'yon ang isa-suggest kong pangalan ng magiging baby nila kuya. Sumang-ayon si kuya Ansel na ako ang magpangalan ng kanilang anak kahit hindi pa sila nakakasal ni ate. But the wreck happened.
"Aleah's nice." nakangiti siyang tumatango. "kambal sila ni Adler."
Naweweirduhan ko siyang tinignan. "As if naman ikaw ang makakapagdecide kung magiging kambal ang anak mo."
"May alam akong paraan para maging kambal ang baby." Nilapit niya ang kanyang mukha sa'kin. "I know a certain position actually." pilyo niyang bulong.
Napasinghap ako sabay sapak sa kanya. "Ewan ko sa'yo Azriel! Uuwi na ako!"
Umalingawngaw ang tawa niya sa buong kwarto. Bumaba ako sa kama saka kinuha ang bag ko sa silya. Nagmadali akong lumabas ng kwarto dahil sa pangingilabot na naramdaman ko sa sinabi niya. Napapaypay ako sa sarili ko!
Naabutan ko si Terrell na nanonood ng tv sa sala. Nakasunod si Azriel sa'kin sa paglabas na tawang tawa pa rin kasabay ang ingay ng padulas na yapak ng tsinelas animo'y tinatamad siyang maglakad.
"Anyare diyan?" ninguso niya si Azriel na nasa likod ko.
Sinusuot ko ang aking sapatos. "Tanong mo sa kanya. Uuwi na ako."
Inakbayan ako ni Azriel nang umayos ako ng tayo. "I was just kidding Amber come on!" tawa niya.
Marahan kong hinawi ang kanyang kamay. "Uwi na ako."
"I really don't know anything about it, I swear. Nagbibiro lang ako." Napawi ang tawa niya't bigla nalang nagpapaawa. "Please don't get mad."
Nagkatitigan kami. Ganoon pa rin ang ekspresyon niya, hindi rin nag-iba ang sa'kin. Hinila niya ako sa braso upang pabalikin sa kwarto ngunit hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Panay ang paghila niya. Panay rin ang pagmamatigas ko. Para lang kaming naglalaro ng ibang version ng tug of war.
I wasn't mad at him for mentioning that particular topic. Alam ko namang nagbibiro lang siya dahil nakikita ko 'yon sa pilyo niyang ngisi at mata. Inaasar lang niya ako. I just wanted to avoid him dahil naiilang ako. If I were given a one whole day today to avoid, siguro kinabukasan ay mawawala na ang ilang. Ngayon lang talaga 'yon.
Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Hindi ka na virgin noh?" mahina kong tanong, iniwasang marinig ni Terrell.
Kinagat ko ang dila ko upang pigilan ang pagsilay ng ngiti dahil sa gulat na nakarehistro sa kanyang mukha.
"Please don't ask me. Let's not talk about that." mahigpit niyang ani.
"Hindi ako magagalit."sabi ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Maiinis lang."
I chuckled. "Hindi rin."
Nag-iwas siya ng tingin saka maingay na nagpakawala ng hangin. Pakiramdam ko mas nahihirapan pa siyang sagutin ang tanong ko kesa sa pagsagot sa mock board exam namin noong nakaraang buwan.
"Bakit gusto mong malaman?" kinakamot niya ang kanyang buhok. Hindi siya makatingin sa'kin.
I shrugged. "Curious."
"Alam mo na ang sagot." hindi pa rin siya makatingin sa'kin. Nakatuon ang mga mata niya sa noontime show na pinapanood ni Terrell sa tv.
Nanunuya akong lumapit sa kanya.
"So hindi na?" nilakasan ko ang boses ko. Narinig ni Terrell 'yon.
Sinimangutan ako ni Azriel.
"Kailan? How old were you?" patuloy kong pagtanong, pinipigilang matawa sa pamumula niya.
"Stop." may pagbabanta niyang ani.
Tinakpan ko ang bibig ko upang itago ang malaking ngisi. Ngunit naging halata ang hagikhik ko sa pag-alog ng aking balikat.
"What's funny?" naiinis niyang tanong.
Tinanggal ko na ang pagkakatakip sa'king bibig at sinubukang hindi ipakita ang bakas ng pagtawa. Nakasimangot pa rin si Azriel. 'Yan ba ang mahilig sa mga bata?
"La lang. Tara, hatid mo na ako." hinila ko ang kamay niya upang samahan akong maghintay ng taxi sa baba.
Padulas pa rin ang kanyang mga yapak. Ako ang umabot ng doorknob upang buksan ang pinto.
"Seventeen!" sigaw ni Terrell.
Sabay namin siyang nilingon. Nagmaangmaangan siya habang pakunwaring nakatuon sa pinapanood. Laglag panga akong nagbalik ng tingin kay Azriel na sobrang talim ng tingin kay Terrell. So seventeen, huh?
Bakit alam ni Terrell? Has Azriel accidentally mentioned o naikuwento niya? Bakit naman niya ikukuwento ang bagay na 'yon? So probably accidental. O baka lasing siya nung nabanggit niya. I think habit na ni Terrell ang mag-interrogate ng lasing. That's a really nice way to extract the truth.
"What the hell?!" bulalas ni Azriel. Marahil siya hindi makapaniwalang ibubulgar siya ng kaibigan niya.
"I know, right?" nakangising sabi ni Terrell sabay tawa.
Hinubad ni Azriel ang isa niyang tsinelas at binato ito kay Terrell. Tawang tawa siyang umiwas. Umiling si Azriel sabay talikod at hila sa'kin palabas ng dorm. Balak ko pa sana siyang asarin, pero mamaya nalang kapag hindi na siya bad mood.
"Dito kayo maganda ang background!"
Tinuro ni tita Sherry ang halamang maraming bulaklak habang nakasabit sa kanyang leeg ang DSLR. Kinukunan niya kami ni mama at papa ng picture bago kami magtungo sa Mariner's Court kung saan gaganapin ang graduation.
Kahit magkatabi kami ni papa, hindi kami nag-iimikan. Gagraduate na ako sa course na hindi niya gusto para sa'kin. At hanggang ngayon ay kami pa rin ng lalakeng ayaw niya para sa'kin.
Hinahayaan ko nalang. Atleast hindi siya tumangging magpapicture kasama ako. We're still a family after all. 'Yon nalang ang pinanghahawakan ko sa sitwasyon namin.
I really don't mind not receiving a graduation gift. Basta payag lang siya sa naging desisyon ko, okay na ako. That's all I could ask for and it's not too much. Simple lang naman ang hiling ko na 'to. I expect that this time, nakapag-isip na siya at aaprubahan na niya kami ni Azriel.
"Congrats insan!" niyakap ako ni Lavinia na naka-uniform pa. May OJT daw sila ngayon.
Hindi ko na nakikitang nakalugay ang kulot niyang buhok dahil pinapapusod daw ito sa tuwing nagluluto sila. Palagi na siyang naka high bun at tiniternohan ng bow bandana headband.
"Thanks."
Siniko niya ako. "Paki congrats din ako sa boyfie mo."
"Makakarating."
Pahirapan na ang pagpasok sa venue dahil sa dami ng tao. Kahit dalawa lang naman ang dapat bisita sa bawat graduate, nakapagpa-traffic ang dami ng private cars at taxi. Pagkarating namin ay sinimulan na ang pila.
Giniya ko muna sila mama sa taas kung saan sila dapat pumwesto kasama ang iba pang mga parents. Bumaba na ako pagkatapos upang pumila. Alphabetical ang line kaya pinagigitnaan ako ng dalawang babaeng taga ibang section. Malayo sa'kin si Lian, lalo naman sina Kelly at Noemi.
"Hey..."
Napapihit ako sa pagtawag ng bahagyang baritono at mababa na boses sa'king atensyon. Pinadulas niya ang mga kamay sa'king baywang. Halos tumalon ako sa pagyakap kay Azriel. He looks so damn hot by just wearing a toga!
"Bakit ka nandito? Doon ang line mo." turo ko sa linya ng mga boys.
Mas nilapit niya ako sa kanya. Kinuha niya ang bitbit kong graduation cap at sinuot ito sa akin. "Wala lang."
Kumunot ang noo niya at ginala ang paningin sa paligid bago binalik ang tingin sa'kin. "Nandito ba 'yong nag make-up sa'yo? Gusto ko lang pasalamatan. You look beautiful."
Tinakip ko ang tassel ng cap sa mukha ko kahit hindi naman ito sapat upang itago ang nahihiya kong ngiti. "Graduation gift mo ba 'yan sa'kin? ang pagpuri sa ganda ko?"
Pinausli niya ang kanyang ibabang labi saka swabeng nagkibit balikat. "If that's the case, then araw araw pala kitang binibigyan ng gift."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sapat na ang panginginit ng aking pisngi upang makumpirma ang aking nararamdaman. Saying he looks handsome today won't do justice. Sobra pa kasi doon. He looked blooming. Blooming is even an understatement. Wala akong mahanap na salita upang ilarawan siya. I don't think handsome will do 'cause he's more than that.
"May ipapakilala ako sa'yo. C'mon."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa dulo ng linya. Nilagpasan na namin ang linya kung saan dapat siya nakapila. Maraming mga babaeng bumabati sa kanya ng 'congratulations'. I guess yung mga classmates niya dati bago siya nilipat sa section namin.
Tinanguan niya ang mga ito at ningitian. Para siyang hari na dumadaan sa gitna ng kumpol ng mga tao dahil sa paghawi nila at sa pag alon ng dulo ng kanyang toga. Korona nalang ang kulang.
Napawi naman ang mga ngiti nila nang makitang nakahawak si Azriel sa kamay ko. Sumunod ang kanilang mga bulungan. Ngayon lang ba nila alam na ako ang girlfriend ng kinahuhumalingan nila? Tinago ko nalang ang ismid ko.
Tinungo namin ang direksyon sa pinagparkingan ng itim na FJ Cruiser. May nakasandal doon na matangkad na lalakeng naka- plaid blue and black flannel long sleeves. Habang papalapit kami, mas pansin ko ang suot niyang black rider biker pants na bumagay sa kanyang combat boots. Seryoso siyang nagtitipa sa kanyang iphone habang nasa bulsa naman ang isa niyang kamay. Tangos palang ng ilong niya, parang alam ko na kung sino siya.
Nilingon niya kami sabay silid ng phone sa kanyang bulsa. Naka bukas ang plaid flannel niya kaya kita ang nakapaloob na black shirt. Naitago ko ang aking pagsinghap nang napunta ang tingin ko sa kanyang mga mata. Hindi lang pala sa ilong ang pagkakahawig nila. From his black heavy lashes, hooded eyes to the depth of their eyes...those are very Azriel. Even their thick eyebrows were identical, only that the younger one's eyes were more on the hazel side than ink black.
Seryoso. Kung kapatid sila sa ina, ganyan ba talaga ang mata ng mama nila? Deep and intense? Gusto ko tuloy makita ang kanilang ina para mapatunayan ang theory ko.
Ningitian kami ng lalake. He's quite an inch taller than Azriel. At iba rin ang kulay ng buhok niya. If Azriel's is shiny jetblack , nagtatalo naman sa black at brown ang buhok niya. Para bang nagsabay ang dalawang diyos sa pagsaboy ng kulay sa kanyang buhok.
"Atticus." nakatihaya ang kamay ni Azriel sa pagturo sa kapatid.
Lumawak ang ngiti ng lalake. He has dimples, too!
Nilahad niya ang kanyang kamay na agad kong tinanggap. Nag-shake hands kami.
"Congrats." aniya.
"Thanks."
Tinignan niya si Azriel na mukhang proud na proud sa kapatid. "So," saglit niya akong tinuro gamit ang kanyang ulo. "She's Amber."
"Ate Amber." pagtatama ni Azriel.
Atticus rolled his eyes.
"Nice to have finally meet you 'ate Amber'." diin niya sa huling dalawang salita.
Napangiti ako sa nahinuang pagkakaiba ng ugali nilang dalawa. Mga ibang parte sa mukha lang ang pagkakahawig nila, the rest are differences.
"He's your brother." I stated.
"Unfortunately." sarkastikong ani Azriel.
"Tss." Inirapan ni Atticus ang kapatid tapos ay umiling. Sa sandaling pagtagilid niya ng kanyang ulo, napansin ko ang tatlong magkasunod na piercings sa kanyang kaliwang tenga. Dalawang silver at isang black. Parang studs ang dalawa na isang helix type ng piercing at outer lobe naman ang black.
"Where's your kind uncle by the way?"
Inipit ko ang labi ko upang pigilan ang pagtawa sa pagiging sarkastiko ni Atticus.
Inakbayan ako ni Azriel. Ngumuso si Atticus nang makita niya ang kamay ni Azriel na nasa balikat ko, nagpipigil ng ngiti.
"Di na ako nag-expect na pupunta sila, kahit si dad. So thanks for coming to my graduation." Tinapik niya ang balikat ng kapatid.
Atticus shrugged. "Brotherly duties."
Hindi siya nakangiti. Pero nakikita ko sa mga mata niya ang pagkaaliw. He's really cool! Sa palagay ko magkakasundo sila ni Terrell. Maybe that's why he's the closest to Azriel.
"Ang cute niyo, picturan ko nga kayo." natatawa kong sabi.
"The both of you first." binuksan ni Atticus ang pinto sa driver's side at may kinuha sa loob. Nilabas niya ang puting DSLR.
Hindi tinanggal ni Azriel ang pagkakaabay sa'kin habang pumwesto kami para sa pagpicture. Humawak ako sa baywang niya.
"Ang gwapo ng kapatid mo." sabi ko sa kanya.
"She likes me kuya!" malakas na ani ni Atticus na nakangisi sa likod ng camera.
"Shut up. Find your own girl!"
Tinawanan lang namin siya. Hinapit niya ako saka tumuro sa harap. "Smile."
"You're the older brother?" ngayon ko lang napagtanto pagkatapos kong tanungin 'yon na may nabanggit nga pala si Terrell na may mas nakababata siyang kapatid.
"I know, right? We get that a lot just because he's taller." ani ni Azriel.
Sila ang kinunan ko pagkatapos. Hindi matanggal tanggal ang ngiti ko habang pinipicturan ko silang dalawa. Magkaakbay at pawang tipid ang kanilang mga ngiti. Balak kong ipakita ang picture kay tita Sherry, paniguradong kukunin agad silang model.
Halfday ang aming graduation pero bandang alas dos na ito natapos. Kumain kami sa isang buffet restaurant kasama sina kuya Trent, Kilmer at tita Sherry.
Tinext ko si Azriel kung saan sila ngayon. Gusto ko sanang kasama namin sila dito. But then, nandito si daddy na paniguradong ayaw mangayri ang gusto ko.
Sobra sobra ang pasasalamat ko kay Atticus. Kung wala siya, walang makaka-tunghay sa tagumpay ni Azriel ngayon. Masasaktan ako kung walang pupunta para tunghayan ang kanyang graduation. Minsan lang ding mangyari na isang half-sibling ang dadalo sa isang importanteng okasyon. Parang naiinis tuloy ako sa daddy niya at sa kanyang tito.
Azriel:
Canvas in Ayala with my brother J
Me:
:D
Azriel:
Let's meet later. Is it okay?
Me:
Saan? Nasa SM kami.
Azriel:
I'll go there after.
Me:
Bonding muna kayo ni Atticus.
Azriel:
We already are. And by the way, he added you on facebook.
Tinakpan ko ang bibig ko upang itago ang aking tawa. Nasa harap ko pa naman si daddy na seryosong nakikipag-usap kay mama. Siniko ako ni kuya Trent na nahalata ang aking paghagikhik.
Nagtext ng congratulations sa'kin si kuya Ansel. Simula nung umalis siya sa'min ay hindi pa siya nakabalik ulit. Siguro busy pa rin sa bar.
Nagkanya kanya kaming gala pagkatapos. Sila mama ay nagpasya nang umuwi pero nagpaiwan ako upang hintayin si Azriel. Sumama nalang ako kina kuya Trent habang wala pa si Azriel.
Nakapagdesisyon kaming manood nalang ng sine. Ako ang nanglibre since ako daw ang celebrant ika nila Kilmer. Action movie ang napili naming panoorin. Maganda rin siya, hindi boring. Ilang minuto ang nagdaan pagkatapos ng palabas, nagtext si Azriel na nasa NorthWing siya ng SM. Pinuntahan ko siya doon.
Nahagip ko siyang nakaupo sa isa sa mga cube chairs habang pinapanood ang nagpa-piano sa maliit na carpeted circular stage. Nakadekwatro siya't hawak hawak ang kanyang cellphone. He's in his jeans and grey v-neck pullover, 'yung sinuot niya noong papunta kaming Bohol. SIguro pinadala niya kay Atticus ang kanyang toga at gala uniform.
Pansin kong ang pagkamangha niya sa nagpi-piano kaya hindi na niya ako napansing nakatayo sa kanyang likod. Sinuklay ng isa niyang kamay ang kanyang buhok kaya medyo gumulo ito.
"Excuse me sir..." iniba ko ang aking boses.
Ang namamangha niyang ekspresyon ay napalitan ng gulat nang makitang ako ang nagsalita. Napatawa siya't umiiling iling. Umusog siya saka tinapik ang espasyo ng cube chair. Tumabi ako sa kanya.
Pinasidahan niya ang suot kong gala uniform. Sumakit na nga ang paa ko dahil sa white two heeled shoes ko. Umangat ang isang bahagi ng kanyang labi nang umkyat ang kanyang paningin at nahinto sa'king mukha.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi ka nagpalit?" inakbayan niya ako. Mas lumapit ako sa kanya.
"Wala akong dalang damit. Okay lang naman, marami nga akong nakikitang nakaganito pa rin eh."
Pumalakpak kami nang matapos sa pagtugtog ang nagpi-pinao hanggang sa tumugtog ulit siya. Isang sikat na love song ang pina-piano niya ngayon.
Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang magring ang phone ni Azriel. Agad niya itong nilapat sa kanyang tenga.
"Hello Rel." aniya. Nagtaka ako kung bakit napatawag si Terrell.
"Sino daw?" nagsalubong ang kanyang kilay. Nakadikit sa mga mata ko ang kanyang paningin habang pinapakinggan si Terrell. "Papunta na kami diyan. Tell her to wait."
Hindi nagbago ang ekspresyon niya pagka-end ng tawag. Nakatitig lang siya sa naka-lock nang screen ng kanyang cellphone, mukhang malalim ang iniisip.
"Anong sabi?" nag-aalala kong tanong.
Mukha siyang bothered pagkalingon sa'kin. "May naghahanap daw sa'king babae. May dalang bata."
Isa lang ang pumasok sa isip ko.
"Baka mommy mo." sabi ko.
"I think so, too."
"Anong sasabihin mo sa kanya?" tanong ko.
Umigting ang kanyang panga. Tumigas ang kanyang ekspresyon. Lumalim ang pagsalubong ng kanyang kilay.
"I don't know." halos pabulong niyang sabi. "I guess the very first thing that I'd do is to ask her why she left us."
Wala kaming imik sa biyahe papuntang dorm. Mabuti nalang at magaganda ang mga kanta sa stereo ng taxi na sinasakyan namin para hindi mas lumala ang pagkasira ng mood ni Azriel.
Kung mama man niya ang naghihintay sa kanya ngayon, it's a good thing na pinuntahan niya ang kanyang anak sa araw ng graduation nito kahit kanina pa tapos ang event. Pero bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa siya magpapakita na sira na ang pamilya nila? If she's here to fix it, I'm afraid to say that it's too late. May ibang pamilya na ang asawa niya. But there's nothing wrong in trying. Pwede pa rin naman silang maayos kahit iba na ang sitwasyon. They can still allow peace to reign in there hearts. Azriel will not have to hate her mother anymore.
Hindi kaagad kami pumasok pagkababa namin sa taxi. Nanatiling nakatayo si Azriel, nakatingala sa pinaglalagyan ng dorm sa taas ng carenderia ni ate Janna. Masasabi kong hinahanda niya ang sarili sa kung ano man ang madadatnan niya sa loob at kung ano ang dapat niyang iakto. Marahil hindi pa siya nakapagdesisiyon kung ano ang sasabihin. If I were in his shoes, I would have done and felt the same.
Hinawakan ko ang kamay niya bago pa magbago ang kanyang isip. He is not ready for this but he has to face her. That's the only way.
Dinala niya ang kamay ko sa kayang labi at hinalikan habang tumatango. Nababasa niya sa mukha ko kung ano ang gusto kong gawin niya. I'm here. I'm just here for him.
Tinahak namin ang hagdan papunta sa kanyang dorm. Sa tahimik naming mga hakbang, naririnig ko naman ang pagkalabog ng puso ni Azriel. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.
Una kong napansin si Terrell pagkapasok namin dahil siya ay nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto; Nakahalukiphip habang titig na titig sa bisitang nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Parang pinaghalong pagtataka at gulat.
"Penelope?"
Wala pa akong naririnig na anak na tinatawag ang mama niya sa pangalan nito. So maybe she's not her mother. Titignan ko sanang mabuti ang babae pero nadestino ang paningin ko sa batang nakakandong sa kanya.
May sariling buhay ang kamay kong tumakip sa'king bibig. Parang nilagay ang gulat sa isang malaking bato at idinagan ito sa'kin. Akala ko si Azriel lang ang hindi magiging handa rito pero ako rin pala. Kasabay ng pag-usbong ng kaba ko ay ang pagbaha ng samo't saring posibilidad sa isip ko pero niisa doon ay wala akong gustong maging katotohanan.
Nakikita ko si Azriel na bumata ng labing anim na taon. Mas kamukha pa niya ang batang 'to kesa kay Atticus. Parag pinagbiyak lang na bunga. Parang kakambal niya na late lang pinanganak. Galing sa kilay, maitim na mata, mabibigat na piluka, ilong, labi....maliban lang sa buhok niyang parang hinaluan ng abo ang kulay ng kahoy.
Who is this kid? At sino ang babaeng 'to? I was able to pick up her name is Penelope pero sino siya sa buhay ni Azriel?
For sure she's not his mother. Mukhang kasing edad lang naman namin siya. At hindi ko rin masasabing anak niya ang batang bersyon ng batang Azriel. She has a tan skin with some freckles near her button-nose and a few on her shoulders.
"Why are you here?" malamig pa sa yelo ang boses ni Azriel. Hindi rin niya inasahan na mali ang iniisip naming tao na naghahanap sa kanya.
Nilagay ni Penelope ang bata sa tabi niya bago siya tumayo. She's quite tall. Beautiful and doe-eyed. Mas malinaw sa akin ang balingkinitan niyang pangangatawan sa kanyang pagtayo.
Pinatayo niya ang bata at hinawakan ang kamay nito saka inayos ang mahabang bangs na humaharang sa kanyang mata.
"I chuck a sickie today and travelled all the way here just to bring to you the part of your DNA."
Hindi ko alam kung alin ang mas nakapagpalaglag ng panga ko. Sa Australian accent niyang nakasanayan ko na ring marinig kay Azriel o sa huling walong salitang sinabi niya. What does she mean with part of Azriel's DNA?
Muling bumaba ang tingin ko sa bata. Nakatuon siya sa tv at walang kamalay malay na magiging sentro na siya ng usapan namin.
I'm bracing myself for the truth. Paulit ulit akong sumasambit ng dasal na sana hindi. Sana mali ang iniisip ko. At nararamdaman kong pati si Azriel ay napagtanto na rin ito. Kitang kita ko ang kaba sa reaksyon niya. There's this sense of awareness and confusion all at the same time.
"He's your son, AJ."
Everything has just turned into a deadlock. Lahat galing sa kung paano gumana ang mga parte ng katawan ko. Sa kalaliman ng buto ko'y parang tinurukan ng kung ano upang hindi ako makagalaw. I think my lungs just went into a standstill, hindi ako sigurado kung humihinga pa ba ako.
At kahit alam kong maririnig ko ang posibilidad na ito, hindi ko mapigilang maramdaman na pati ang mundo ko ay huminto sa narinig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro