FIFTY THREE
CHAPTER FIFTY THREE
_______________________________________________________________________________
Azriel laughed in much less humor, na para bang isang baliw na babae ang kausap niya. Hindi makapaniwala niyang tinignan si Penelope bago binalik ang tingin sa bata saka niya mariing sinabunot ang kanyang buhok. Napailing siya, na para bang sobrang imposible nitong mangyari.
Hindi rin ako sigurado kung dapat ko rin ba itong paniwalaan. O baka sa kalooblooban ko, alam kong ito ang totoo pero tinatanggi ko lang sa sarili ko dahil ayaw kong maging katotohanan ang narinig ko.
But the evidence has taken form in itself like an apparition. Nasa harap na namin, walang kamalay malay, umiinom ng chocolate drink habang seryosong nanonood ng tv. At hindi ko maipagkakailang kahit anong ekspresyon niya, si Azriel ang nakikita ko. At paniguradong sa kanyang paglaki, magiging kahawig niya siya.
"H-how...?" halos hindi niya mabuo ang mga salita. Katulad ko'y mistula ring huminto ang mundo niya sa sinabi ni Penelope.
Kinarga ni Penelope ang bata. Wala manlang itong angal. I'll take that kid as an obedient one. Tahimik lang at mukhang masunurin. Inabot niya ito kay Terrell na gulat na gulat sa ginawa ng babae. Tinignan niya kami, tapos ay si Penelope.
"Take him inside ya room. He might hear the expletives I'm about to throw at ye' flat mate."
May attitude din 'tong babaeng 'to. Halata naman. Well I don't want to judge right away. Base sa pag-alaga niya sa bata, I could see that she's already fond of him so maybe she's not that all time bad.
Maingat na kinarga ni Terrell ang bata. "Come here kiddo'"
Pinulupot niya ang isang braso nito sa leeg ni Terrell habang hawak hawak ng isa ang kanyang chocolate drink na may straw. Pagkasara ng pinto, hinarap muli kami ni Penelope. Humakbang siya papalayo sa kwarto ni Terrell at papalapit sa'min.
Nagtaas siya ng isang kilay saka humalukiphip. She smirked. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin na para bang wala ako dito sa dorm at hindi hawak ni Azriel ang kamay ko.
"D'you want us to talk about this over a cuppa? 'Cause I'd rather blab the shortcut version. You rooted my sisteh when you were both seventeen, then voila! She went up the duff! While you flew your ass back here in your country. You didn't even have the bloody balls of callin' her or makin' sure if she's fine." halos paghihisterikal niya.
"Then why are you here? Why not Phoebe? Where is she? She was supposed to be the one who has to show up here infront of me and tell it right straight to my face that that kid is my son!" nagtaas na rin ng boses ni Azriel.
Napatunganga ako sa sagutan nila. Para bang matagal na silang magkaaway at sanay na silang ganito.
Nag-iba ang pinta ng mukha ni Penelope. Her scowl towards Azriel smoothened. Nag-iwas siya ng tingin. Sa paglingon niya sa kabilang direksyon, pinunasan niya ang kanyang pisngi saka suminghot.
"She died after givin' birth to 'your' son. Bloody blood loss." nanginginig ang boses niyang sabi.
Nabitawan ni Azriel ang pagkakahawak niya sa kamay ko dahil sa panghihina. Isang kawalan sa'kin ang pagbitaw niya pero wala akong dapat ikabahala dahil wala lang ito sa kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Hindi ko man kilala kung sino ang pinag-uusapan nila, nalungkot pa rin ako sa sinapit niya. Her death is the birth of her son. Their son.
Parang tanga akong nakatayo habang pinagmamasdan ang pagtakip ni Azriel sa kanyang mukha. Maybe at some point, he used to love her and now she's gone. Although she left him a living reminder of the things they shared.
Marami akong hindi alam ngayon. Hindi ko alam kung saan ako nalulungkot, saan ako nagdadalamhati. To whom or to where am I mourning to? Azriel's first love who happens to be the sister of the cussing chick infront of us? The death of Azriel's ex-girlfriend and mother of his kid? Or Azriel having a son who didn't come from my womb?
Or the possibility of our end? Hindi naman siguro ito makakaapekto sa kung anong meron kami ngayon.
Nagbalik ako sa realidad. Azriel ran his hands to his face in frustration saka muling sinabunot ang kanyang buhok. He's mad and resentful.
I may not feel what he is feeling right now as much as how I want to steal half of that misery and feel it myself, I just want to let him know that I'm not mad at him for having a son. And this won't ruin what we have. Never. I will never let it. I hope he'll do the same.
"Why are you telling this to me just now?" nahihimigan ko ang paghihirap sa kanyang boses. Nasa baywang niya ang isang kamay habang ang isa'y minamasahe ang kanyang sentido.
Umupo si Penelope sa sofa kasabay ang papagpatay niya ng tv gamit ang remote na para bang pagmamay-ari niya ang buong dorm. Ngayon ko lang napansin ang black at red na luggage bag sa gilid niya nang binaba niya ang handle nito.
"Your father told me so. He didn't want you to get distracted so he decided on lettin' you know about Maddox today. On your twenty second birthday. So...here we are. Happy Birthday!" walang kaemo-emosyon niyang pahayag.
Gulat akong bumaling kay Azriel. Sa lagpas anim na buwan naming relasyon hindi ko pala natanong kung kalian ang birthday niya. At sa ganitong paraan ko pa malalaman.
Pero iba ang ikinalaglag ng panga ni Azriel. Hindi dahil sa nagulat siyang nalaman kong ngayon ang kaarawan niya. Naghalo ang gulat, inis, pagkalito at hindi makapaniwalang ekspresyon. Ewan ko kung paano nangyari 'yon pero yun ang nakikita ko.
"And my father knew?"
Penelope shrugged. "All along. Foh four years."
Muling napatakip si Azriel sa kanyang mukha. Hindi lang mukha niya ang kanyang tinatakpan kundi ang kanyang pagsigaw. Naglitawan ang mga ugat sa kanyang leeg dahil sa panggigigil. Ilang mura rin ang narinig ko mula sa kanya.
Nag-aalinlangan akong hawakan siya. Pakiramdam ko mapapaso ako sa galit na dumadaloy sa kanya ngayon. Gayunpaman, sinubukan ko siyang damhin na may pag-aalinlangan. Napaigtad pa siya sa ginawa ko. Sinambit ko ang kanyang pangalan upang iparinig sa kanya ang boses ko, n asana hindi niya maibunton sa'kin ang galit.
Giniya ko siya sa sofa upang umupo. Labis pa sa inaasahan namin ang lahat ng mga sinasabi ni Penelope. Si Azriel ang mas apektado. Apat na taong itinago sa kanya na may anak siya. Wala siyang kaalam alam. Pero kung sakaling dati pa pinaalam sa kanya, siguro mapapabalik siya sa Australia.
'Yon naman ang gusto ng ama niya, ang manatili siya doon pero bakit hindi niya pinaalam ang tungkol sa kanyang anak? Mas pinili pa niyang hindi ito ma-distract sa pag-aaral ng kursong ayaw naman niya para kay Azriel.
I don't get his father's logic at all. Nagbago na ba ang isip niya't mas ginustong nandito si Azriel, pinapaaral ng Nursing ng kakumpetensya niyang kapatid? Marami pa akong walang maintindihan.
Azriel hasn't been telling me any of his family's deepest secrets at wala rin naman ako masyadong tinatanong sa kanya. In that way , I have thought that I was respecting his privacy not to ask further about his private life. Pinipili rin niya ang kanyang mga sinasagot sa tanong ko.
Nag-iwas ng tingin sa'kin si Penelope nang nahuli ko siyang pinagmamasdan akong hinahagod si Azriel. Mukha siyang insensitive, walang pakialam sa pakiramdam ng ibang tao pero hindi ko naman ito nakikita sa kung paano niya tratuhin ang kanyang pamangkin.
Tumayo siya't tinungo ang kwarto ni Terrell. Kumatok siya sa pinto. Lumabas ang nakangiting si Terrell karga karga si Maddox na todo kapit sa leeg niya. Mukhang nagkakasundo ang dalawa.
He extended his arms to Penelope and leaned his whole body to her. Napangiti ako. Kahit sino yatang nakikita niyang tao ay nagpapakarga siya.
"Is he my dada, aunt Penny?" bumilis ang tibok ng puso ko sa saya nang marinig ang maliit at inosente niyang boses. Naririnig ko ang Australian accent sa pananalita niya.
I have never felt this happy before just because of a kid. Kahit anak siya ni Azriel, I have this urge of taking the kid home and treat him like my own son. Nakakagigil ang kacute-an niya!
"Yes sweetie." malayo sa nagmamalditang boses ni Penelope kanina ang paraan ng pakikipag-usap niya ngayon sa pamangkin.
Sa kanilang paglapit sa aming pwesto, nilingon ko si Azriel at mahina siyang tinawag. Matagal bago niya tinanggal ang pagkakatakip sa kanyang mukha. Parang hinaplos ang puso ko sa pamumula ng kanyang mga mata at pamamasa ng kanyang piluka.
Tinango ko ang ulo ko sa anak niyang binaba na ni Penelope.
"Go to your Dada." aniya. Kinuha niya ang bitbit nitong choco drink saka nilapag sa mesa.
Bahagya niyang tinakbo ang distansya papunta kay Azriel at pumagitna sa mga hita nito. Nahawa ako sa pagkagulat ni Azriel dahil sa ginawa ni Maddox. It was like he's already acquainted to his father. Nanigas ang mga kamay niyang nasa kanyang binti. He blinked several times staring at Maddox who is leaning comfortably at him.
Pinasidahan niya ang anak, na parang imposible para sa kanya na nabubuhay ang ganoong nilalang dito sa mundo. Tinakpan niya ang bibig niya upang pigilan ang pagtakas ng hikbi.
Hindi naman nakatakas sa'kin ang pangingilid ng kanyang luha. Hinawi niya ang bangs ng anak niya. Kung noong una'y hirap akong paniwalaan, ngayon, walang kaduda duda. It's his son.
He cupped his face, ginala niya ang paningin sa bawat parte ng kanyang mukha. Kahit ngayon palang niya nakita si Maddox, ramdam ko ang pagmamahal niya sa bata sa paraan palang ng tingin niya.
"He's already in pre-school. Really a smart kid. He always has five star stamp on his hand every time he goes home from school. You should be proud of him." pahayag ni Penelope. "He loves the deep-fried chook in Maccas, always asking for it. So feed him with a lot of chook."
Nanibago ako sa kanyang pagngiti na parang totoo niya itong anak. Dahil na rin siguro siya ang nag-alaga sa bata at habang tumatagal napamahal na rin siya rito.
"What is his real name?" pumiyok ang boses ni Azriel kasunod ang kanyang pagsinghot.
"Maddox Everard Fontaneza. Phoebe wanted him to have your surname."
Malalim na nagpakawala ng hangin si Azriel saka sumandal sa sofa. Nakapikit siyang tumingala. Panay ang kanyang iling. "I still don't want to believe this."
"Ya fuckwit!" nagulat kami sa pag bulalas ni Penelope.. "Both of you have been away from each other foh four long years so start being a father now! Take a goddamn look at him. He looks exactly like you! He didn't even get anything from Phoebe but her ash brown streak. And he has always been asking for his father. He has always been asking for you!"
Napatawa si Azriel habang umiiling. Binasa niya ang kanyang labi kung saan marahil nalasahan niya ang kanyang luha na hindi niya napigilang lumandas. Muli niyang tinignan si Maddox.
"What's the first word he spoke?"
"Dada" ani ni Penelope.
Yumuko si Azriel. Nakita ko ang pagpunas niya sa kanyang mata at pisngi. Ramdam kong nakaramdam siya ng pagsisisi na hindi manlang niya natunghayan ang pangyayaring 'yon kahit wala naman siyang dapat pagsisihan.
"Did you take the full responsibility of taking care of him?"
Buntong hiningang umupo si Penelope sa gilid ng mesang kahoy.
"What d'ya think? Our father's dead, Momma went to a mental asylum after knowing Phoebe's passing. So the responsibility's all on me. I talked to yeh father, ran some DNA, then he initiated on paying for Maddox's support. He's fond of him, prolly reminds him of yeh."
Hindi na matanggal ang tingin ni Azriel kay Maddox animo'y takot siyang maglaho ito na parang bula sa kanyang paningin. Pinaglalaruan lang ni Maddox ang butones ng kanyang white polo shirt kahit sa pag-angat niya ng kanyang tingin kay Azriel.
Nagkatitigan silang mag-ama. I could cry at this moment. I don't understand why I'm feeling so emotional right now. Pati si Terrell ay napansin kong naluluha rin.
Nang mapansing nakatingin ako sa kanya, mabilis siyang tumalikod at pumasok sa kanyang kwarto pero bago 'yon, nakita ko ang pagpunas niya sa kanyang mata.
"I'll leave you with ye' Dada now, sweetie. This is what ye've been wishing for, right?" nilingon ni Maddox si Penelope saka tumango. Binalik niya ang pagyuko at pagtuon ng atensyon sa kanyang butones. Hinalikan siya ni Penelope sa buhok.
Binalingan niya si Azriel. "I hope you like my birthday present."
Tumayo na siya at ako naman ang tinignan. Ningitian niya ako ng ibang klaseng ngiti. It's more of like a smirk.
"Had Azriel met yeh first, you could have been the one that he impregnated instead of my sister. Sorry if shit happens. I don't know if yeh still want to carry on a relationship with a guy who has a son from another woman. Who is already dead, by the way."
"Shut up, Penny." malamig na ani ni Azriel.
Hindi ako nakaimik. I don't even know what to think. Naguguluhan ako kung sadyang magaspang ba talaga ang ugali niya o prangka lang talaga siya. Ganito din kaya ang ugali ng kapatid niya? Hindi naman siguro magkakagusto si Azriel sa may ganoong ugali. He wouldn't have liked me in the first place o siguro nag iba lang ang taste niya sa mga babae.
Mahinang tumawa si Penelope.
"Put him to sleep now. He's pretty knackered from an eight hour plane ride. His things are here..." tinapik niya ang handle ng luggage.
Kinuha niya ang kanyang pulang bag at naglakad patungo sa pinto. Nilingon niya kami bago pa man siya humakbang palabas. "Happy to see you didn't push him away. You're not a fair dinkum deadshit I had expected you to be after all."
Pagkalabas niya ay siya namang paglabas din ni Terrell sa kanyang kwarto. I-deny niya man, halata talagang naluha siya kanina.
"Holy fudging hell dude!" aniya, hindi makapaniwalang tinignan ang kaibigan at si Maddox. "You have a son."
"Yeah." Nakangiti niyang pinagmasdan si Maddox na nagpapakarga na naman. Kinandong niya ito. Humilig si Maddox sa kanyang dibdib at binalik ang paglalaro sa butones ng kanyang damit.
"May mga bagay lang talagang hindi ko maintindihan sa mga sinasabi nung Penny. What the hell is a chook? Tapos yung makus?" tanong ni Terrell.
"It's Maccas. It's Mcdonalds in Australia." sagot ni Azriel. "Chook is chicken."
"Damn." bulong ni Terrell. Isang beses siyang umiling at muling pumasok sa kanyang kwarto. Pagkalabas niya'y nagsusuot siya ng tshirt habang tinutungo ang pinto . "I'll buy your son a chook."
Naghari ang katahimikan pagkalabas ni Terrell. Inaamoy amoy ni Azriel ang buhok ni Maddox. Napangiti ako sa kahit ganoong kilos lang na ginagawa niya. Mahirap ang hindi manggigil sa bata eh.
"Your son is going to break hearts once he turns into a man." sabi ko, hindi matanggal ang tingin kay Maddox. How I wish I could take him home. Tipid akong ningitian ni Azriel.
"How old are you?" tanong ko.
Nilingon ako ni Maddox. Nahihiya siyang nag iwas ng tingin sa'kin. Yumuko siya't pinagpatuloy ang pagtuon ng atensyon sa butones ng kanyang white polo shirt.
"Four." nahihiya niyang ani. Tumingin muli siya sa'kin saka mabilis na namang nag-iwas ng tingin. Nakangiti siya. Napahagikhik ako at pinisil ang kanyang pinkish na pisngi. He even got Azriel's deep dimples. Ang hirap magtanggal ng tingin sa batang 'to!
"You got your mom's rosy cheeks." nakangiting pinisil ni Azriel ang pisngi ni Maddox.
Tiningala niya si Azriel at ningitian. Napabuntong hininga ako. I think it'll take long for me to get used to addressing Azriel as the father of his son.
Inangat ni Maddox ang kanyang mga braso kay Azriel upang magpakarga. Natatawa siyang binuhat ni Azriel. Kinuha niya ang remote upang buhayin ang tv. Nilipat niya ito sa cartoon na palabas. Muling umupo si Maddox sa kandungan ni Azriel at humilig sa dibdib niya.
Nagbukas ang pinto at pumasok si Terrell na may dalang puting plastic. Sa amoy palang, alam ko na ang laman nito.
"Chook!" masiglang tinuro ni Maddox si Terrell.
Tinaas ni Terrell ang plastic."Yeah I brought you a chook! Do you eat rice?"
"Naww...just potatoes oh pasta." ani ni Maddox, medyo nabubulol pa siya. It's okay since he's just four.
"Try to eat rice since we don't have potatoes here. Is it okay? Are you cool with that?"
Tumango si Maddox. "Yeh." ginaya niya ang pag-thumbs up sa kanya ni Terrell at sinamahan niyang ngiti. I take that they have bonded pretty well.
"Hindi niya minana ang ugali mo AJ. Yung mukha mo ang namana niya. Ikaw na ikaw eh." tawa ni Terrell habang nilalapag ang binili at ang mga plato't kutsara.
"I'll leave you with tito Terrell for a moment. I'll be back, I promise." ani ni Azriel kay Maddox.
"Ehrkay..."
Pinaupo niya sa pagitan namin si Maddox saka niya hinawakan ang aking kamay at tumayo. "Rel..."
Nag angat ng tingin si Terrell. Tinginan palang nila, nagkakaintindihan na sila. Isang beses siyang tumango.
"Sure."
Nagtataka man ay nagpahila ako kay Azriel. Pumasok kami sa kanyang kwarto.
Tinignan niya ako na para bang may nagawa siyang kasalanan at inaasahan niyang magagalit ako sa kanya. Kinakagat kagat niya ang kanyang labi, pinipigilan ang sariling magsalita kahit gustong gusto na niyang may sinasabi pero hindi naman alam ang sasabihin.
"Amber—"
Agad kong kinuwadro ang kanyang pisngi, giving him an assuring smile. Hindi ako sigurado kung nakikita niya ang ekspresyon ko dahil sa mahinang ilaw galling sa poste sa kabilang bahay.
"Kung iniisip mong galit ako..." umiling ako. "I'm not."
Pumikit siya't pinatong ang mga kamay sa kamay ko. Binagsak niya ang kanyang noo sa'kin. He sighed in relief, na parang may nabawas na mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.
Nagtagal kami sa ganoong ayos, nag-iisip ng susunod na sasabihin. Sinisiyasat ang pakiramdam dahil sa rebelasyong hindi namin inasahan pareho. Narinig namin galling dito ang tawa ni Maddox na ikinangiti naming pareho ni Azriel.
"Kasing gwapo mo ang anak mo." sabi ko.
Lumunok siya. "He needs a haircut though."
Mahina kaming tumawa. Sa pagpawi nito ay hindi naman nagtagal ang pag ulit ng katahimikan sa bigla niyang sinabi.
"I have to talk to my father."
Naatras ko ang aking mukha upang tignan kung seryoso siya. I mean palagi naman siyang seryoso, so it's hard for me to tell kung kailan siya nagbibiro.
"Pupunta kang Australia?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
Tumango siya. Nalukot ko ang mukha ko.
"Bakit pa? Alam mo na namang nilihim niya sa'yo ang tungkol sa anak mo."
Umiling siya't lumayo sa'kin. He turned until his back is facing me. "I still have to talk to him. I don't know but I feel like we need to talk."
"How 'bout Maddox?"
Nilagay niya ang mga kamay sa kanyang baywang. His head feel between his shoulders. "Babalik din naman ako agad. And I know Terrell will take care of him."
"Pwede namang sa akin mo ihabilin. I don't mind."
"But your dad will." Mapagpaumanhin niya akong nilingon. "I don't want to offend you but, ayokong maranasan ng anak ko na tinatakwil siya. It will be a possibility with your father."
'Anak ko'. Doon ako natahimik. He has finally laying his claim to this part of his DNA. Hindi naman talaga maipagkakaila.
Hindi ko alam kung nasasaktan ako pero kakaibang kaba ang ibinigay nito sa'kin. Parang hindi ako mapakali. Parang may pumipigil sa'king huminga at may mga matitibay na brasong iniipit ang tiyan ko. All I know is that I accept this whole father and son thing. At totoo ang sinabi kong hindi ako galit. He was seventeen, hindi pa kami magkakakilala noon. So it would be unreasonable for me to go into hysterics.
"I understand."
Binuksan niya ang kanyang dresser at kinuha ang kanyang acid wash na Herschel Mochila bag na ginamit niya noong nag-Bohol kami. Nagsilid siya ng ilang mga damit. Binuksan niya ang isang drawer doon at may hinahalughog. Nahagip ko ang pagkakahanap niya ng kanyang passport at visa. Ngayon na ba siya aalis?
"Will this change something, Azriel?" ramdam ko ang bawat pagtibok ng aking pulso sa naging tanong ko. I'm not sure where did that came from, basta bigla ko nalang naisipang itanong without thinking na baka pagisisihan kong ginawa ko pa 'yon.
"I don't know."
And in that simple answer alone, I could hear my heart shattering to the floor.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro