FIFTY SIX
CHAPTER FIFTY SIX
__________________________________________________________________________
Mga sampung minuto na yata ang lumipas ay hindi pa nakabalik si Azriel. Inisip ko kung ano ang pinag-uusapan ng magkapatid at natagalan sila. Inaaliw ko nalang ang sarili sa pagmamasid kay Maddox. Yumari siya ng lego fence para sa daanan ng kanyang mga toy cars. Naglikha siya ng ingay ng pagsabog ng sasakyang sinadya niyang pagbanggain.
Kalaunay tumigil siya't niligpit ang mga laruan. Natutuwa akong makita na sa murang edad ay natuto na siyang maging responsable. Dinala niya ang kahon laman ang mga laruan sa sofa na inuupuan ko. Muli niya itong binuksan at kumuha ng isang toy car saka pinatakbo sa sandalan ng sofa.
"Hi" ani ko.
SandalI siyang sumulyap kasabay ang pagbaba niya sa toy car.
"Hello..."
Napangiti ako sa nahihiya niyang boses at sa kanyang accent. At first I was able to say I can't believe Azriel has a son. Pero isang tingin palang kay Maddox, nasasabi kong I believe this is his son.
"I'm tita Amber." pakilala ko.
"Tita Amber..." pag-uulit niya sa mahinang boses habang pinapatakbo ang kanyang toy car.
Hindi ko alam ang sasabihin sa isang apat na taong gulang na bata. Ayoko rin siyang guluhin sa kanyang paglalaro. Kumuha siya ng panibagong toy car at pinagkarera ang dalawang laruan.
"Can I play with you?" tanong ko.
Tumango siya. Kumuha siya ng toy car sa kahon at binigay sa'kin. Umalis ako sa pagkakaupo upang lumipat sa sahig katabi ni Maddox. Nagsimula kaming magkarera, siya ang lumilikha ng ingay ng mga sasakyan. Sinadya kong mabangga ang toy car sa sandalan at lumikha ng tunog ng pagbaligtad ng sasakyan. Tumawa si Maddox.
"Do it again." nakangisi siyang humarap sa'kin.
"The what?"
"That sound...the toink toink." aniya.
Inulit ko ang ginawa ko kanina. Umalingawngaw ang kanyang hagikhik sa kada paglikha ko ng ganoong tunog na pinapaulit ulit niya sa'kin. Ginaya niya ang tunog at napapatawa siya rito.
Namanhid ang mga binti ko kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa. Nahagip ko si Azriel na nakasandal na sa may pinto at nakahalukiphip kaming pinapanood. Nakaukit ang ngiti niyang pinagmamasdan ang mga pagtawa ni Maddox. Sa pagbaling ng kanyang tingin sa'kin, napawi ang ngiting 'yon na siyang ipinagtaka at ikinabahala ko.
May pag-aalinlangan at takot akong nababasa sa kanyang mga mata. Binalik ko ang laruan sa kahon saka tumayo na hindi tinatanggal ang tingin kay Azriel.
Nagbago na ba ang isip niya't ayaw na niyang dito ako magpalipas ng gabi? Kung ganoon man ay naiintindihan ko. Bilang respeto na rin sa kanila ng anak niya.
Umayos siya ng tayo saka tinungo ang kinatatayuan ko. Nandoon pa rin ang dalawang magkahalong emosyon sa kanyang mga mata. His obsidian orbs turned glassy. Mas mukha siyang pagod ngayon kesa kanina at malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ito sa kung ano man ang pinag-usapan nila ni Atticus.
Pinasidahan niya ang kanyang buhok saka pinanatay ang sarili kay Maddox.
"Hey kiddo..." Hinarap siya ang anak na hindi binibitawan ang laruan. I couldn't get over with their resemblance. "Will you be okay here? I'll just talk to your tita Amber for a while. Or I can call your tito Terrell to play with you."
Tumango si Maddox saka pinulupot ang mga braso sa leeg ni Azriel. Pagkatayo niya ay kinuha niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nakasuporta sa pagkarga kay Maddox. Ako ang kumatok sa pinto ni Terrell. Rinig galing dito sa labas ng kwarto na may kausap siya. Hindi ko lang alam kung sa cellphone o sa video chat.
May padarag na hakbang ng tsinelas saka nagbukas ang pinto, Nakahawak si Terrell sa kanyang cellphone. "Yes?"
"Do you mind?" tanong ni Azriel at ninguso si Maddox.
Ngumisi ng malaki si Terrell at siya na ang naglahad ng mga kamay niya. Kaagad namang lumipat sa kanya si Maddox.
Pumasok kami sa kwarto ni Azriel. Agad akong nagungulila sa pagbitaw ng kamay niya kaya kinuha ko ito ulit at hinawakan ko rin ang isa niyang kamay. Nakayuko siya, na parang nahihirapan siyang tignan ako.
Tahimik akong naghihintay sa pagbasag niya sa katahimikan. Pinaikot ikot ko ang pad ng aking hinlalaki sa likod ng kanyang kamay. Bahagya ko siyang nahila sa pag-atras ko upang sumandal sa pinto.
"You have to go home Amber." hindi pa rin siya nakatingin sa'kin.
Hindi na ako nabigla sa sinabi niya. Ngunit naguguluhan ako.
"Ano bang pinag-usapan niyo ni Atticus at bigla nalang nagbago ang isip mo?" halos walang emosyon kong tanong. "Siya ba talaga ang kausap mo? Or was it someone else?"
Umiling lang siya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Mas hinila ko siya papalapit sa'kin. Bumitaw ako sa isang kamay upang ilipat ang hawak sa kanyang pisngi. Pinatingin ko siya sa'kin. Malabo para sa'kin ang kanyang ekspresyon dahil nakapatay ang ilaw dito sa kwarto. Nakadepende lang ang kaunting liwanag galing sa poste sa labas.
Nalanghap ko ang mainit niyang hininga. He's breathing rapidly na para bang kinakabahan o may kinakatakot siya. Nabibingi ako hindi lang sa katahimikan kundi pati sa sariling tibok ng puso ko.
Sinubukan kong abutin ang switch ng ilaw sa gilid ngunit pinigilan niya ako. Binalik niya ang kamay ko sa kanyang pisngi at nilipat ang pagkakahawak ng isa sa kabila niyang pisngi.
"Apat na taon. Sa isang bagsak lang at napasubo ako sa isang responsibilidad. This is a three hundred sixty degree turning point of my life." suminghot siya.
Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Iniisip ko nalang na kailangan niya ng kausap at paglabasan ng kung ano mang hinanakit niya.
"Naintindihan ko. But I'm here Azriel. I'm here with you. I'll be here with you and Maddox."
Marahas siyang umiling. "I have a child from another woman. You deserve a whole family, at hindi ako ang makakagawa nun. I could never be that man Amber. I could never be that man for you. I'm choosing my son over you."
Marami ako gustong sabihin katulad ng pagkumbinse sa kanya na hindi niya kailangang pumili. He can have the both of us! Why can't he have the both of us?
Nilapit ko ang mukha niya sa'kin upang masigasig ko siyang matignan sa mata. "I can love your son like mothers do."
Mariin siyang pumikit at tinanggal ang mga kamay ko sa kanyang pisngi. Tumalikod siya't sinabunot ang kanyang buhok. "I can never love you the same anymore, Amber."
Napaawang ako sa sinabi niya. Nanigas ako sa kinatatayuan. No, I don't think that's true. He's not thinking straight tonight kaya ganyan ang lumalabas sa bibig niya. He's doing this to push me away! But for what?
Maingay akong nagpakawala ng hangin.
"You know what? I don't care! Who gives a damn if you have a son? I can be a mother to Maddox! So what kung hindi ko siya anak? The situation won't make us less of a family! Kahit hindi magkadugo, maituturing pa ring pamilya. At ngayon palang pamilya na ang turing ko sa anak mo, Azriel."
Hinintay ko siyang harapin muli ako ngunit hindi niya ginawa. Nasa batok niya ang isang kamay habang nasa baywang ang isa. Nakatingala siya. Nanatili siyang tahimik habang pinapakalma ko ang sarili ko.
"Nabigla ka lang." mas mahinahon kong ani. "This is all new to you kaya ganyan ang mindset mo. I understand. I'll wait 'till you come up with a fixed decision."
"Don't wait for me anymore. I have already decided." mababa ang boses niyang sabi.
"So you're going to give us up?" hindi makapaniwala kong tanong. Ganito nalang? Papauwiin niya ako then tapos na kami?
Mapakla akong tumawa.
"Dati lumalayo ka dahil hindi mo maipaglaban ang pagkagusto mo sa'kin. Then now, you won't let me be the mother to your son just because he didn't came from me, and do you think ending what we have is enough of a solution? Simple lang naman 'to Azriel, bakit pinapahirap mo? I can be Maddox's mother. I don't care if he's not my real son. I don't care if she came from your dead ex-girlfriend. She's dead anyway. Why make things complicated?"
Hinarap na niya ako. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya ngunit para sa'kin nanaig ang inis. "I'm just making this easier for the both of us. Ayaw sa'kin ng ama mo, yun palang kumplikado na."
There! I knew it! Halos dumugo na ang ibabang labi ko sa higpit na pagkagat ko rito dahil sa napagtanto.
"So you weren't talking to Atticus. Si dad ang kausap mo kanina." I stated. Naghahamon ko siyang nilapitan. "Tell me, anong sinabi niya? Did he threaten you?"
Umiling lang siya na nakatingin sa kahit saang direskyon maliban sa'kin. Bakit ba ayaw niya akong tignan?
May pagdududa ko siyang tinitigan. "Imposible. You wouldn't have thought of backing out if he had not talked you out of this."
Why do these people decide based from what others had told them? Noong una si Riley dahil sa sinabi ng ama niya, tapos ngayon si Azriel dahil sa sinabi sa kanya ni dad. Why can't they make their own decision? Why can't they stand up for themselves? Why can't they fight for me? Ganon nalang ba talaga ako kadaling isuko?
Nangilid ang luha ko sa sariling mga tanong.
"Why do all of you always give up on me? Am I not worth fighting for? Am I not worth the fight" pumiyok ang boses ko.
Taranta niya akong nilapitan at hinawakan sa balikat. "You are Amber, I'm just not the man who's strong enough to fight for you."
Sumakit ang ilong at lalamunan ko sa pagpigil ng luha. "You said you can catch a bullet for me, pero ang ipaglaban ako hindi mo nga kaya. You're being unfair Azriel. "
Nagbaba siya ng tingin. "I know—"
Muli kong kinuwadro ang pisngi niya't tinitigan siya. He stared back. I tried to make up his expression sa kabila ng mahinang ilaw na pumapasok dito sa kanyang kwarto. Sa nanlalabo kong paningin dahil sa nagbabadyang luha, pansin ko ang mas kumapal niyang piluka dahil sa pamamasa. Pinadaan ko ang aking mga hinlalaki sa ibaba ng kanyang mga mata at naramdamang basa rin ito.
My heart's breaking for him and his tears. Mas nasasaktan ako para sa kanya kesa sa'kin dahil alam kong siya ang mas nahihirapan.
Pinagdikit ko ang mga noo namin pero una kong naramdaman ang matangos niyang ilong. He sniffed once again.
"Naguguluhan ka lang di ba?" umaasa kong tanong. "I'll give you time to make up your mind. Maghihintay ako."
"What if I won't make you wait for me?"
Doon na tumakas ang luha ko.
"Maghihintay pa rin ako. Until you make up your mind." malalim akong huminga sa halos pagtakas ng hikbi ko.
"I told you I have already made up my mind." ramdam ko ang sakit sa boses niya. He's whispering the words dahil nahihirapan siyang isaboses ang kanyang desisiyon.
"Azriel—"
"Listen Amber—"
"No! Listen to me!" lumayo ako sa kanya at galit siyang tinignan.
"We can't go on anymore--"
Tinakpan ko ang tenga ko. Panay ang aking iling.
"Amber please." pagsumamo niya. Umatras ako sa paglapit niya sa'kin.
"No Azriel!" hinampas ko siya sa dibdib. "Please! Fight for me! Ipaglaban mo naman ako! Ipaglaban mo ako sa ama ko! Decide on your own for us! Fight for me! Fight for us please!"
Tuluyan na akong napaiyak. Hinila niya ako sa kanya saka niyakap. Tinakpan ko ang aking iyak sa kanyang dibdib upang maiwasang marinig ng mga kapitbahay at lalo na sa kabilang kwarto pero sa tingin ko huli na. I shouted those words at him kaya imposibleng nakatakas yun sa pandinig nila.
"I'm sorry but I'm not strong enough for this, Amber. I'm not strong enough for us. I'm just not strong enough..." he rocked me back and forth like a baby. But it still didn't make me feel better.
"Ano bang sinabi ni dad sa'yo? What did he say that made you decide this?" panay ang mahihina kong suntok sa kanyang dibdib. Pinilit kong kumawala but he won't let me.
Ramdam ko ang kanyang pag-iling. "All I know is tama siya."
"Paano nagiging tama 'to kung nasasaktan tayo?" gigil kong tanong. Muli ko siyang hinampas. Tinanggap niya lang 'yon at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa'kin.
"Piliin mo ang pamilya mo, huwag ako." aniya.
"Wala naman akong pinipili Azriel eh. At wala ka ring dapat piliin. You can have me and Maddox."
Hinila niya ang sarili sapat upang ako'y maharap. Bahagya siyang yumuko upang pantayan ang aking tingin. "You can't lose your father because of me. At ayaw ko ring ipagtabuyan nila ang anak ko. Ayaw kong ibigay sa kanya ang buhay na naranasan ko. Kung ipagpapatuloy natin 'to, ngayon palang natatakot na ako para sa anak ko."
Naiintindihan ko siya. At oo may punto siya, tama ang kanyang sinabi pero hindi pa rin ito sapat upang pumayag ako sa desisyon niya. At dahil wala akong maisip na panangga sa sinabi niya kasi nga tama siya.
"Ang duwag mo. Ang duwag duwag mo!" hindi ko na tinigilan ang pagbugbog sa kanyang dibdib.
Hinuli ni Azriel ang mga kamay ko at hinila ako sa kanya. Mas lalo lamang akong umiyak dahil sa narinig kong paghikbi niya.
Naluluha niya akong tinitigan. Binasa niya ang kanyang labi saka suminghot. Nahagip ko ang pamumula ng kanyang ilong sa pagtama ng mahinang ilaw sa kanyang mukha.
"Inaamin ko naman 'yon. Simula palang naging duwag na ako. Kasi kung naging matapang lang ako, edi sana nilapitan na kita, siguro nga naunahan ko si Riley sa'yo. Isa na rin siguro ako sa mga nanligaw sa'yo pero hindi ko ginawa kasi naging duwag ako." may panggigil niyang ani.
"Can't you decide on your own? Dapat ba galing sa ibang tao ang epekto ng mga ginagawa mo?" halos paghihisterikal ko.
"This is my own decision, Amber."
"Yeah." sarkastiko akong tumango. "Your decision influenced by my father. I have known you better than that Azriel. Sa tingin mo may magandang patutunguhan 'tong desisiyon mong naimpluwensyahan ng ama ko?"
Walang emosyon niya akong tinitigan. "Yes."
"A life without me, Azriel?" pinigilan ko ang muling paghikbi.
"Yes." mahina niyang sabi.
"Anong pwede kong gawin para magbago ang isip mo?"
Matagal niya akong tinitigan. Parang tinakasan ng emosyon ang mga mata niya. His obsidian eyes turned glassy once again. I could feel him hurting, o baka sarili ko lang 'yong nararamdaman kong nasasaktan.
Kitang kita ko ang pagtakas at paglandas ng luha sa kaliwa niyang mata na sinundan ng sa kanan nang hindi kumukurap.
"None...wala" malaming niyang ani.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro