Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTY SEVEN

CHAPTER FIFTY SEVEN

____________________________________________________________________________

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng dorm nang hindi nadadapa. Hinang hina ang tuhod ko na halos hindi ko maramdaman ang aking inaapakan. Pinuwersa kong hindi mapahagulhol para maiwasang makakuha ang atensyon.

Naglalakad ako na nakalapat ang kamao sa'king dibdib habang ang isa'y nakayakap sa'king sarili. Inasahan kong susundan ako ni Azriel upang pigilan. Ginuguni guni kong pinipigilan niya ako sa braso. Masakit na isipin lang, dahil hanggang doon na lamang ako.

Kinumbinse ko ang sarili na hindi ito totoo lahat. Na sana magising na ako kung panaginip man ito. Sinusuntok ko ang aking didib para magising pero walang nangyari. Nanatili akong nakatayo sa realidad.

Sinubukan kong makisama sa normal na gabi. Sumasabay sa mga tumatawid sa daan. Ngunit sa pakikisama ko, hindi ibang tao ang nararamdaman kong sumasabay kundi ang sakit. Dumidikit. Ayaw kumawala. Kinukulong ako nito imbes na ako ang magkulong nito.

Nahigop na ng sakit ang init ko sa katawan kaya ako nanlalamig. Lalong sumasakit ang lalamunan ko sa pagpigil ng hikbi. Hindi ko matignan ng diretso ang mga tao. Hindi ako ang nauna sa pila para sa pagsakay ng taxi pero nagawa kong mang-agaw. Wala sa'kin ang inis at galit ng babaeng inunahan ko.

Walang emosyon kong sinabi sa driver ang subdivision namin. Panay ang punas ko sa luhang naglandas at pinapanatili ko 'yong tahimik. Hindi na ako makapaghintay pang makarating sa kuwarto ko upang doon iiyak lahat.

Pagkaparada ng taxi sa tapat ng bahay, binigay ko na ang bayad saka diretsong lumabas. Hindi ko na hinintay ang sukli. Nagmadali akong umakyat sa kwarto. Nihindi ko pinansin ang pagtawag sa'kin nina Mama at Manang Terry. Padabog kong sinara ang pinto saka ni-lock.

Panay ang katok nila sa pinto at panay rin ang aking pagbalewala. Nakatitig ako sa blanko at puting kisame. Bawat katok ay kulang sa luhang binuhos ko habang nakahiga. I'm letting my pain consume me. I'm letting my tears drown me.

"Amber anak...talk to me please...buksan mo ang pinto." sambit ng nag-aalalang si mama.

Mas napaiyak ako sa pagtawag niya. It's hard to ignore my mother's plea but I have to. Hindi ko pa kayang makipag usap sa iba. I'll let everything to settle first bago ko sila harapin.

Kalaunay tumigil na rin si mama. Pinakikinggan ko ang mga yapak nilang lumalayo. May isang pares na tinahak ang hagdan at ang isa—si mama—ay pumasok sa kwarto nila ni dad.

"Kasalanan mo 'to Rikko! Kung hindi ka lang nakialam hindi magkakaganyan ang anak natin!"

Wala akong narinig galing kay dad. It's either wala siyang sinabi o mahina ang boses niya. Sunod ko nalang narinig ay ang pagbasag ng mga kagamitan at ang baritonong pagsita ni dad kay mama.

"Kapag nakialam ka pa sa desisiyon ng mga anak mo, hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" sigaw ni mama. Sumunod ang padabog na pagsara ng pinto.

Bumukas ulit ang pinto sa kanilang kwarto. May pagmamadali ang mga yapak ni dad na sinusundan si mama. Pinakikinggan ko ang sagutan nila sa baba. Nadagdagan ng kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko pa narinig na sumigaw ng ganoon si mama.

Hinila ako pabalik sa pag-iisip kay Azriel. Gusto kong bumalik sa dorm at kumbinsihin ulit siya. We can go to Australia kasama si Maddox. Kaagad kong kinuha ang aking cellphone at tinext siya.

Me:

You can still change your mind. Let's go to Australia. Dad can't stop us there.

Mahigpit kong sinapo sa aking dibdib ang cellphone habang hinihintay ang kanyang reply. Kita ko ang bawat pagtaas baba ng aking kamao sa bawat malakas na pagtibok ng aking puso. Tumitibok habang umaasa. Kinakain na ako ng kaba.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata nang tumunog ang cellphone. Halos hindi na ako makahinga habang binubuksan ang mensahe.

Azriel:

I'm sorry...

Nakulangan ako sa sagot niya. Pero sapat na ito bilang konklusyon sa kanyang desisyon. Ayaw ko na siyang pilitin kung ito man ang gusto niya. Dahil ayaw ko rin namang pinipilit kung ayaw ko talaga. He has decided for us because of my father.

Nagpunas ako ng luha sabay hanap ng pangalan ni kuya Ansel. Pinindot ko ang call button. Matagal bago niya sinagot.

"Amber! What's up?" masiglang ani niya. Parang kakagaling lang niya sa tawanan. Malakas na dagundong ang ingay sa kabilang linya.

"Okay ka na ba?" tanong ko.

Marahan siyang tumawa. "Oo naman. Bakit mo naitanong?"

May nagsalita sa kabilang linya na kinahantungan ulit ng kanilang tawanan.

"Kuya..."

Tumikhim siya. "Yes Amber? Something's wrong?"

"Take me to Halmeoni's in Korea." diretsahan kong ani.

Natahimik siya. May sinabi siya sa kaniyang mga kasamahan. Unti unting lumalayo ang ingay na naririnig ko. Lumangitngit ang pinto at sumara.

"Are you okay? Anong nangyari?" seryoso niyang tanong.

"J-just..." hindi ko napigilang ang paghikbi. "Just book the earliest flight. Wala akong mapagkakatiwalaan dito. Kung meron man, I'm sure hindi nila ako papayagang umalis."

"Tell me what's wrong first. Or...uuwi ako diyan." umungot ang upuan niya kasunod ang tunog ng pagbukas ng laptop at intro ng Microsoft.

"Punta nalang ako diyan sa Manila. Sunduin mo ako. I'll tell you everything." suminghot ako.

"Okay... I'll send to you your itinerary." mabilis ang pagta-type niya sa keyboard.

"I want to go today. Kung maaari mamayang madaling araw aalis ako."

"What?" gulat niyang ani. "Delikado Amber."

"Marami namang taxi na dumadaan dito."

"Kahit na! I'll find the earliest morning flight—wait, may nahanap ako. Is seven o'clock okay for you?"

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Gising na sila sa oras na 'yan. Gusto kong umalis nang hindi nila namamalayan. I don't want them to know."

"Ano ba talagang nangyari? Bakit atat ka nang makaalis diyan?" halos naiinis niyang tanong.

"Just do it kuya please!"

Suko siyang bumuntong hininga siya. "Okay. Two o'clock am. Is that fine for you?"

"Better. Thanks." mahinahon kong sabi.

"You better tell me what happened Amber." seryoso niyang sabi.

"I promise. Pagdating ko diyan."

Kaagad kong binuksan ang laptop ko pagkatapos ng tawag. Ilang minuto lang ang tinagal bago ko natanggap ang itinerary na sinend ni kuya sa email. Diretso ang pagprint ko nito saka ako nag-impake.

Hindi na ako natulog. Alas onse ay naghila ako ng sweatshirt at skinny jeans sa dresser. Pagtingin ko sa aking sarili sa salamin, namamaga pa rin ang mga mata ko at namumula pa ang aking ilong. Hindi na ako masyadong nag ayos. Inisang suklay ko nalang ang maikli kong buhok gamit ng aking kamay.

Hinintay kong mag alas dose ng madaling araw bago ako dahan dahang lumabas ng bahay. Naka knapsack lamang ako kaya hindi ako makakalikha ng ingay hindi tulad ng luggage. Hindi muna ako nagsuot ng sapatos lalo na't mabilis ma-detect ang mga hakbang sa hagdan.

Tagumpay akong nakalabas nang hindi nahuhuli. Sinuot ko ang aking red Tom's saka nagmadaling naglakad palabas ng subdivision. Ilang minuto ang tinagal bago ako nakapara ng bakanteng taxi.

"Mactan Airport." ani ko sa driver.

Yakap yakap ko ang aking knapsack sa buong biyahe. Hindi ko na inisip ang mga maiiwan ko. Hindi nga ako sigurado kung gugustuhin ko pang bumalik. Dala lang siguro 'to ng sakit at pagod kaya ganito ako mag-isip ngayon. Hanggang sa makasakay ako ng eroplano, nagpakain ako sa katahimikan sa kabila ng nag-iingay na pagod kong isip. Sa eroplano na ako nakaidlip.

Nagising ako sa pag-anunsyong nasa NAIA na kami. Nang nagsibabaan na ang mga pasahero, binuhay ko ang aking cellphone upang itext si kuya. Nagreply siyang naghihintay na siya sa labas. Mabilis akong nakalabas sa arrival area since wala naman akong ike-claim na baggage.

Naningkit ang mga mata ko sa paghahanap sa hanay ng mga sundo. May nahagip akong kumaway. Halos hindi ko makilala si kuya Ansel kahit isang taon lang kaming hindi nagkita. Kakagaling lang yata niya sa bar dahil sa suot nitong buttonless suit at faded jeans. Tinakbo ko ang distansya namin at napayakap ako sa kanya. Gusto kong umiyak ulit.

"Hey..." hinagod niya ang likod ko. Hinila niya ang sarili upang ako'y matignan. Pinasidahan niya ako. Nagsalubong ang kilay niya. "Pumayat ka ha? You're eating right, right?"

Hindi ako makangiti ng maayos. "I'm tired kuya..."

Nanatili ang pagkunot noo niya, ngunit napalitan ng pag-aalala ang bahagyang singkit niyang mga mata. He nodded in understanding. Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nagdala. Pinasok niya 'yon sa kanyang Escalade na nabili niya rito. Iba naman ang iniwan niya sa Cebu.

I'm not familiar with the outskirts of Manila. Buong buhay ko sa Cebu lamang ako unlike kuya na marami nang napuntahan. Sa nababalitaan kong traffic palagi rito, hindi ko naranasan yun ngayon dahil madaling araw palang. Sa kumikinang na mga ilaw, hindi napawi ang kagandahan ng citylights ang lungkot ko ngayon. I hate how I'm feeling.

I don't know kung saan na 'tong condo ni kuya. I'm guessing between Makati or Taguig. I didn't bother asking. Tahimik akong nakasunod sa kanya.

"Bukas nalang tayo mag-usap. Magpahinga ka muna. You look like a mess so I assume hindi basta basta ang nangyayari sa'yo." aniya pagkapasok namin sa isang kuwarto.

Mukhang walang umuukopa dito dahil sa kalinisan. All the lights are incandescent kahit sa banyo. Hindi naman playboy si kuya so I assume he doesn't just bring any girls here.

"Nandito naman yata lahat ng kailangan mo. I know you're not maarte but if you need anything, just knock in my room." turo niya sa kanan kung saan ang kwarto niya.

"Thanks kuya." matamlay kong sabi saka umupo sa malambot na kama.

Matagal niya akong tinitigan, parang hinuhulaan niya sa ekspresyon ko kung ano ba talaga ang nangyayari. He sighed at ginulo ang buhok ko saka siya lumabas ng kwarto. Mahina niyang sinara ang pinto.

Hindi ko na nagawa pang humiwalay sa kama. Diretso higa ako at di na nag atubili pang magbihis o maghilamos. Dahil sa sobrang pagod, nakatulog ako.

Pagkagising ko kinabukasan hindi ako bumangon agad. I tried to gather my bearings. Nasa condo nga pala ako ni kuya. Isang palatandaan na nangyari ang kahapon. Na nagawa kong bumyahe mag-isa papunta rito sa Manila. Hindi na naman ako inaantok, sa tingin ko nga nasobraan ang tulog ko. Pero pagod pa rin ang pakiramdam ko.

Dumaloy hanggang dito sa kuwarto ang amoy ng niluto ni kuya. Wala akong maramdamang gutom. Ganito rin yung naramdaman ko noong unang araw matapos naming maghiwalay ni Riley. Nilayasan ako ng lahat ng positibong pakiramdam.

Sinubukan kong timbangin kung alin ang mas masakit. Pero parehas lang eh. At sa halos magkatulad na paraan. Magkatulad rin sila ng desisiyon. Parehong naimpluwensyahan sa desisyon ng iba.

Naudlot ang pagtunganga ko sa pagkatok ni kuya. "Breakfast, Amber."

Ayaw ko man, bumangon nalang ako. Ewan ko kung saan nanggaling ang sakit sa'king katawan kahit wala naman akong ginawang physical activity. Niwala akong ganang magbihis. Paghilamos nga ay tinamad ako.

Nadatanan ko si kuya na may kausap sa cellphone habang nilalagyan ng pancake ang bawat plato.

"Punta ka nalang dito, k? My sister's here. I want you to meet her." malambing na ani niya sa kausap. Naningkit ang mga mata ko.

Kung girlfriend niya man ang kausap, ipinagkibit balikat ko nalang. Hindi ako nangingialam sa lovelife niya. Alam ko naman kasing matino siyang pumili ng babae.

Nag-angat siya ng tingin pagkaupo ko. Pinasidahan niya ako. Kumunot na naman ang kanyang noo.

"Okay, see you." nilapag niya ang phone sa mesa katabi ng kanyang plato.

Ganoon pa rin ang ekspresyon niya. Nakaawang nga lang ngayon, pinaglalaruan ng dila niya ang kanyang ibabang ngipin habang naguguluhan akong tinitigan.

"Talk Amber. You tell me everything while we're eating." seryoso niyang sabi.

Tinignan ko muna ang bangs niyang halos matakpan na ang kanyang mga mata. Ganito pala ang buhok niya kapag hindi inaayusan. Kaninang madaling araw kasi naka-pushed back. Mas mapagkakamalan siyang koreano sa ganyang ayos. Minsan nga artista pa.

He didn't interrupt while I was telling him everything. Kilala na naman niya kung sino ang lalaking tinutukoy ko. I also told him about his son. Tinapos ko ang kuwento sa nangyari kahapon.

Panay ang spread ko ng Maple syrup sa pancake na isang kagat lang ang bawas. Tahimik akong pinagmamasdan ni kuya habang ganado siyang kumakain. Hinihintay ko lang siyang magsalita pagkatapos kong sabihin sa kanya lahat.

Uminom siya ng freshmilk na nakalagay sa baso. Kumunot ang ilong ko. He's always like that in the morning.

Tumkhim siya. Tinuro niya ako gamit ng kanyang tinidor. "Kung sa tingin mo pinapaboran ako ni dad, you're wrong. May mga inaayawan din siyang naging girlfriends ko. Si Mauryn lang ang nagustuhan niya para sa'kin. Kaso nawala rin naman."

Parang normal na para sa kanyang banggitin ang pagkawala ni ate Mauryn. He has finally accepted it.

"May bago ka?" usisa ko. Imposibleng magkamali ako sa hinala ko.

Bumagal ang pagnguya niya. "Well...I like someone...but I don't think magugusthan siya ni dad."

"Hindi mayaman noh? Walang business? Tss...bullshit." napairap ako.

Nagulat ako sa pagpitik niya sa bibig ko. Inis niya akong tinignan. "Kailan ka pa natutong magmura? You don't speak bad words Amber."

Tinikom ko ang bibig ko't hindi na siya sinagot. Napakuyumos ako sa kinauupuan habang hinihimas ang hapdi ng pagkakapitik niya. Hiniwa hiwa ko ang pancake gamit ang tinidor ngunit hindi ko ito isinubo.

Inusog ni kuya ang kanyang silya. "Anyways...this Azriel guy...mabait siya huh. Wala nga namang masama na may anak na siya, hindi pa kayo magkakakilala noon. Pero tama rin siya Amber. Magiging kawawa ang bata kung maging kayo man."

"Kaya nga doon na kami sa Australia di ba? Anywhere malayo kay dad!" asik ko.

Sumandal siya sa upuan at humalukphip. Sa ginawa niya, napansin ko ang pagyabong ng kanyang biceps. Mas yumabong pa kesa noong nasa Cebu pa siya.

"You can't just leave our family. Alam mong importante ang pamilya sa atin. And how about mama? Iiwan mo siya?" napailing siya. "Alam mo nung baby ka pa? ni madapuan ka ng lamok natataranta na yun. Kaunting hikbi mo hinihele ka na. Hindi nga niya ako pinapabantay sa'yo, ayaw niyang iba ang magbantay. Kung natagpuan ka niya na wala sa kwarto mo, I couldn't imagine what would be her reaction."

Naisip ko rin naman 'yon. Pero ngayon mas interesado ako sa paglalaro sa pancake. Miski ang mag-alala sa iba ay parang nawalan na rin ako ng gana.

"We will always go back to our family Amber." mas huminahon ang boses niya. "Kahit may mga kanya kanya na tayong pamilya, sa kanila pa rin tayo babalik. Sa kanila tayo nagsimula e. We can't just run away from them."

"Paano yung babaeng gusto mo? Kung aayawan yun ni daddy? Anong gagawin mo?" hamon ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bubuntisin ko na para walang makaangal."

Tumawa ako. Sa unang pagkakataon simula nung umalis ako sa bahay ngayon lamang ako nakatawa. Kuya smiled. Nilapit niya sa'kin ang baso ng freshmilk.

"Inumin mo nalang 'to kung ayaw mong kumain. Kinabahan ako sa pangangayayat mo e." aniya.

Sinunod ko ang sinabi niya. Nakalimutan ko na kung kailan ako huling kumain. Bago ko pa makalimutan, tinanong ko si kuya tungkol sa pagpunta ko sa Korea. Maliban sa mapalayo rito, gusto ko ring bisitahin ang mga kamag anak ko doon na niminsan hindi ko pa na-meet.

"I'll go with you. May nahanap akong flight mamayang hapon." aniya. Kinuha niya ang plato ko at siya na ang umubos ng pancake. "Gusto mo bang ipaalam 'to kina dad?"

"No." agaran kong sabi.

"Amber—"

"No." putol ko sa kanya. "Kung magtanong sila, sabihin mo hindi mo alam."

"Kahit kay mama nalang natin sabihin."

Umiling ako. "Mahahalata ni dad kung may alam si mama."

Sumuko na si kuya sa pagpilit sa'kin. Tumulong ako sa pagligpit ng kinainan nang may nag doorbell. Si kuya ang nagbukas ng pinto.

"May naghahanap yata sa kapatid mo." ani ng boses ng babae. Napatigil ako sa ginagawa.

Humarap ako sa bukana ng dining room at dinikit ang sarili sa counter sink. Lumitaw si kuya na nakahawak ang kamay sa bagong dating na babae. Hindi ko na siya nagawang suriin pa dahil sa kaba ko. Tinignan nila ako pareho.

Marahas akong umiling. "Kung si dad 'yan sabihin niyo wala ako."

"It's Riley." ani ni kuya.

Naibsan ang kaba ko't napalitan ng pagtataka. Paano nalaman ni Riley? Kakarating ko lang kaninang madaling araw a? Tinanaw ko ang oras sa wallclock sa sala. Magte-ten thirty palang.

Tinignan ko si kuya. Tinango niya ang ulo niya sa direksyon ng pinto. Tipid kong ningitian ang bisita ni kuya habang nagtutungo ako doon.

Nakasandal si Riley sa saradong pinto. Pinapasok na pala ni kuya. Nagliwanag ang mata niya nang magtagpo ang aming tingin. Hindi pa ako nakapag-sorry sa kanya sa inasal ko noong huli naming pag-uusap.

Umayos siya ng tayo at isang beses humakbang.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko.

He gave me a knowing smile. Nag-angat ang isang bahagi ng kanyang labi. "Maliban sa'kin at sa mga kaibigan mo, kuya mo ang takbuhan mo."

I wasn't even aware of that. Pero siya ay napansin niya.

"Nalaman ko ang nangyari dahil hinanap ka sa'kin ng parents mo. I guess you need a hug?" dagdag niya.

He made a tight lipped smile. Umaasa ang kanyang mga mata. He opened his arms wideopen, expecting me to embrace him.

Bawat hakbang ko papalapit sa kanya ay unti unting ko ring naramdaman ang pagtakas ng aking luha.Hindi ko alam kung saan nanggaling ang emosyon ko ngayon basta't atat akong umiyak ulit. Bumagsak ang luha ko sa pagsalubong namin. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon humagulhol.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro