Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTY NINE

CHAPTER FIFTY NINE

_____________________________________________________________________________
Binaha ng mga bagong imahe ang aking isip sa tinatanaw kong siyudad ng Seoul.  Pinawi ng bagong mundo na inaapakan ko ang mga negatibong nangyari pagkatapos ng apat na oras na biyahe. Hindi ko alam kung dahil naaaliw ako sa citylights at sa mga shops na nakikita ko lang dati sa tv, o sa otomatikong pader na nabuo upang tuluyan akong ilayo sa siyudad na nilisan ko.

Halos kada taon daw nagpupunta rito si kuya, kaya hindi na ako magtataka na kabisado niya ang ilang mga lugar lalo na ang patungo kina Halmeoni. Natatakpan ang ilang araw kong lungkot ng masayang uri ng kaba habang papunta kami doon.

Huminto ang taxi sa tapat ng mataas na brickstone wall fence.  Unang pumasok sa isip ko ang Great wall of China ngunit naalala kong nasa Korea pala kami. Bumaba na kami ni kuya pagkatapos mabayaran ang driver. Inakbayan niya ako habang tinutungo ang gate na gawa sa matibay na kahoy.

Nilingon ko ang paligid dito sa labas bago kami pumasok. Walang gaanong kabayahan, palibhasa malayo sa crowded na parte ng siyudad sa baba. Halos nasa tuktok na kasi ng mataas na parte ng Seoul ang bahay, at may kalamigan dito.

Malawak na lawn ang bumungad sa'kin. Nasa dulo ang bahay na may dalawang palapag at napupuno ng ilaw sa baba. Isang kwarto naman ang tanging may ilaw sa taas. Sobrang secluded ng bahay na sa tingin ko kahit magnanakaw ay hindi maakyat ang bakod sa kataasan. Hindi na nag-doorbell pa si kuya't kaagad na niyang hinawi ang double glass door.

Malawak at malinis ang loob ng bahay. Karamihan sa nakikita kong kulay ay white, cream at gold. Moderno ang mga muwebles.  Ang tanging Korean touch lang na nakikita ko ay ang mga pictures na nasa isang bahagi ng pader. Nakakabit doon ang college graduation picture ni dad at ilang mga naka-frame na pictures ng mga kamag-anak ko sa father's side.

May narinig akong parang nag-aaway kasabay ang pagpalit ng palabas sa tv. Natatakpan kami galing sa sala kaya hindi nila kami namalayan maliban sa batang lalake na sumulpot galing doon. May pagtatanong sa kanyang ekspresyon.

Biglang lumiwanag ang kanyang mukha. "Hyeong!"

Malawak niyang binuksan ang mga braso habang tumatakbong nagtungo sa direskyon ni kuya.

"Sunjin!" binuhat siya ni kuya at hinagis sa ere na ikinatuwa ng bata. Tantya kong nasa anim na taon ito. Bagsak na bagsak ang itim niyang buhok na halos tumatakip na sa maamo at singkit niyang mga mata.

Sumunod na nagsulputan ang dalawang babae. May katangkaran ang isa at maputi. Mas payat kesa sa'kin.  Dito palang sa kinatatayuan ko, kita na ang kinis ng kanyang mukha at may katarayan niyang mga mata. Katabi niya ang batang babae na sa tingin ko'y kanyang kapatid dahil sa kanilang pagkakahawig.

Bumalik ang tingin ko kay kuya karga ang nakangising si Sunjin. Nagsasalita sila ng Korean at since wala akong maintindihan, binaling ko ang atensyon ko sa isang kwarto kung saan may kakalabas palang na matandang naka-wheelchair. Nakatulak dito ang koreanang nurse.

"Halmeoni..." tawag ni kuya. Binaba niya si Sunjin saka nilapitan si Halmeoni. Sumunod ako sa kanya. Habang papalapit, unti unti kong nakikita ang ilang pagkakahawig niya ni dad.

Nagsalita ulit ng Korean si kuya at sa tingin ko'y binanggit niya ako dahil sa pagdungaw sa'kin si Halmeoni. Lumapad ang kanyang ngisi saka binuksan ang mga braso. Lumapit ako, nag-aalinlangan kung yuyukod ako o magmamano pero wala akong nagawa dahil sa pagyakap niya sa'kin.

"Ohh...beautiful..."

"She's my younger sister Amber." ani ni kuya.

"Ember..." ganoon ang pagbigkas ni Halmeoni sa pangalan ko.

Magaan ang mga kamay niyang kumwadro sa'king pisngi. Nakangiti niyang sinuri ang aking mukha na para bang hinahanapan ako ng pimples dahil sa kinis ng mukha niya. Bawal yata may pimples sa pamilyang 'to.

"Kuya, hindi ako marunong ng Korean." ani ko.

"Marunong silang mag-english, so you'll get by."

May inutos si Halmeoni sa isang maid na isa sa mga naghahanda ngayon sa hapag kainan. Kinuha niya ang mga bag namin ni kuya at inakyat sa taas. Bahagya akong napayuko bilang senyales ng pasasalamat dahil kahit basic Korean ay hindi ako marunong.

Biglang niyakap ni Sunjin ang mga binti ni kuya habang tinungo nito ang likod ng wheelchair ni Halmeoni. Siya ang nagtulak papunta sa dining room. Natatawa si kuya at hinayaan nalang ang bata.

"Unnie?"

Nilingon ko ang sumasabay sa'king pinsan ko. Ito yung halos kaedaran ko lang yata base sa kilos at sa halos pareho naming katangkaran. Ngayong malapitan kong natatanaw ang kanyang mukha, masasabi kong bawal nga siguro sa pamilya na'to ang may pimples. Si kuya nga ay hindi ko pa nakitaan yang nagkaroon kahit kalian.

"Annyeong." ani ko. Yun lang alam ko eh. Tinawanan ako ni kuya. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit mabilis siyang nakabaling sa harap.

"How old are you?" tanong niya na diretso ang ingles.

"Twenty." sabi ko.

"Omo!" di ko mapigilang mapangiti sa pagbilog ng mga mata niya. "I'm nineteen!" hinila niya ako at niyakap. "I did a friend request to you on facebook. Thanks for accepting it."

Sa dami ng mga ina-accept ko hindi ko na maalala kung sino siya doon.

"You are..."

"Yuna. That's my younger sister, Hyemi..." tinuro niya ang batang babaeng nauna na sa'min. "and my other sister Eunji. Though she's still in her training that's why she's not here..." nagkibit balikat siya.

Tumatango ako at tipid siyang ningitian. Pagkatapak ko sa tapat ng hapag kainan, halos mahilo ako sa dami ng pagkain. Sa pagkakaalam ko wala silang ideya na dadating kami ni kuya. Puno ang mahabang mesa ng ilang mga korea foods at may iba naman na ibang cuisine.

"Ganito pa talaga dito kuya? Bakit hindi manlang sila tumataba kung parating puno ang mesa?" bulong ko sa kanya na katabi ko.

"Ngayon lang 'yan dahil nandito sila." turo niya sa tapat kung saan nakaupo ang mga pinsan ko. "umatend daw kasi ng conference sa Europe sina uncle kaya hindi makakauwi ng isang linggo."

"Bakit marunong silang mag-english?" tanong ko ulit.

May kinuha siyang gulay gamit ang chopstick. Hindi niya muna ito isinubo. "English tutor. Tsaka sinanay."

Yung ramen lang ang kinain ko since hanggang ngayon hindi pa rin ako ganado. Hindi na ako nababaguhan sa asal nila sa hapag kainan dahil ganito kami sa bahay. Tahimik at pormal. Maliban nalang kina Yuna at sa kapatid niya na kanina pa nagbabangayan.

"Nasan ang iba nating mga pinsan?" tanong ko.

"Nasa ibang siyudad. Madalang lang silang bumibisita. Tuwing may okasyon lang like Christmas o birthday ni Halmeoni."

"Me and Unnie are gonna share a room, right?" tanong ni Yuna.

"How 'bout meee...?" angal ni Hyemi.

"Share with Sunjin! You're in the same age."

"Nooo..." nagsimula nang umiyak si Hyemi.

Mahinahon silang sinita ni Halmeoni. Sa tingin ko lang ay sinita niya dahil bigla nalang inalo ni Yuna ang kapatid niya upang patahanin ito.

"We'd be sharing a room, there's nothing wrong with that. I'm with Hyeong, too." ngumisi si Sunjin kay kuya.

"But I want Unnie's room!" nagtatantrums na si Hyemi.

"I have a bigger room because I'm your Unnie, and you have a smaller room because you're younger." paliwanag ni Yuna.  Mas lalo lamang umiyak si Hyemi.

Napairap si Yuna at para bang labag sa loob niya ang pag alo sa kapatid. May sinabi siyang hindi ko masyadong narinig upang unti unting tumahan si Hyemi. Napailing nalang si Yuna at nagpatuloy sa pag kain.

Natapos nalang kaming maghapunan ay hindi parin humihiwalay si Sunjin kay kuya. Nagtataka ako kung saan hinugot ang bonding nila. Napag alaman kong nag iisang anak lang si Sunjin sa uncle ko na bunsong kapatid nila dad. Si kuya naman, marahil nangungulila ng kapatid na lalake.

Nasa labas kaming tatlo nila kuya at Halmeoni at pinag usapan ang dahilan ng pagpunta ko rito. Pinagigitnan namin siya ni kuya. Marunong namang magsalita ng ingles si Halmeoni ngunit hindi nga lang kasing fluent nina Yuna.

She was actually disappointed sa nalaman, at ipinangako niyang hindi siya magsusumbong kay dad. I'm not running away to punish him, malaki lang talaga ang pinaglagyan ng tampo ko sa kanya dahilan upang magawa ko ang bagay na 'to.

Hinawakan ni Halmeoni ang kamay kong namahinga sa kanyang nakabalot na binti. May sinabi siyang Korean na hindi ko maintindihan. Tinignan ko si kuya upang magpa-translate.

"Hanggang kailan ka raw rito? Sana magtagal ka pa raw dahil ngayon ka lang nakabisita at baka matagal bago ka makabalik." ani ni kuya.

Ningitian siya ni Halmeoni bago bumaling sa'kin.

"I don't know how long, but while I'm here, I'm going to be your nurse." sabi ko sa kanya.

"Oh...you're both very good kids, too far from your father's demeanors." Napailing siya at may sinabi tungkol kay dad na hindi ko na naman maintindihan. Nagtaka ako sa pagtawa ni kuya.

"Si dad daw ang pinaka brat sa kanila kahit noong bata pa. He always gets what he wants."

"You're going to stay longer, too?" tanong ni Halmeoni kay kuya.

"I'd be only here for three days. But I'm going to visit you, don't worry." ani ni kuya.

Sa mga araw ng unang buwan ko sa Seoul, gumala kami ni Yuna sa mga siyudad kada natatapos ang kanyang klase. Pinuntahan din namin ang building kung saan nagte-training si Eunjin, ang kapatid niya. Akala ko noong una ay nag-training siya sa opisina pero sa isang entertainment network pala. Isang beses ko pa lang siyang nakikita noong bumisita siya kina Halmeoni.

Ngayon ko lang nagawang bumalik sa paggamit ng internet. Bigla kong naisip ang naiwan kong mga kaibigan sa Pilipinas. Hanggang ngayon wala akong pinagsabihan sa kanila kung nasaan ako. Hindi ko rin nagawang mag-reply sa mga messages nila sa'kin. Maiintindihan ko naman kung magtatampo sila sa hindi ko pag-reach out.

Nag-scroll ako ng mga newsfeeds nang tumunog ang video call tune ng Skype. Di ako makadecide kung sasagutin ko ba o hindi. Si Lavinia naman ang tumatawag pero naisip ko na baka ginagamit nila siya para makausap ako.

Huminto ang ring, sumunod ang isang mensahe.

Si Lav 'to, I'm in my friend's house so please sagutin mo.

Isa sa mga katangian ni Lavinia ay hindi siya nagsisinungaling. Kaya sinagot ko na agad ang video call a muli niyang pagtawag. Ang bagong gising niyang mukha ang bumungad sa'kin. Naka messy bun ang buhok niya. Kunot noo niyang inaadjust ang laptop, parang naghahanap ng magandang anggulo.

Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon pagkakita niya sa'kin sa screen. Halata pa ang antok sa kanyang mga mata. Bakit siya natutulog sa bahay ng kaibigan? At saka mukhang hindi bahay ang tinutulugan niya.

Hoy ganda! Tang-ina bakit ka naglayas?" panimula niya.

Tumawa ako't pinitik ang screen. "Bunganga mo Lavinia."

Ngumuso siya at dinutdot ang screen. "Miss na kita ganda. Alam mo nagulat ako nung araw na malaman nilang wala ka sa bahay, hindi pa ako nakapagsuot ng bra at panty umiiyak na ang mama mo sa labas ng bahay namin. Iniwan mo pa ang pusa mo!"

"Mas concern ka pa sa pusa?" natatawa kong sabi.

Nawala ang mukha niya sa screen pero kita ang likod niya, may kinuha yata sa ilalim ng kanyang inuupuan. Sunod na bumungad ay ang tamad na pagmumukha ni Dozer na ngayo'y hinahalikan ni Lav.

"Pinalamon ko." aniya. "Pusa mo lang yata ang nasarapan sa luto ko eh."

"Catfood ipapakain kay Dozer ha? Hindi buto ng isda."

Labis ang kanyang pagsinghap."Hala! Pinakain ko ng paa ng alimango! Patay!"

Humalakhak ako. "Babaeng bakla ka talaga kulot!"

Mariin siyang pumikit at hata ang inis sa paghamps niya sa mesa. "Ughh! Don't remind me of my pubic hair! Please!"

Hindi humupa ang tawa ako. Minsan kapag  bad trip ako'y marinig ko lang ang pagdakdak ni Lav ay good vibes na ulit. May mga tao talagang kahit hindi nagjo-joke, kahit nagsasalita lang sila'y mapapatawa ka na.

Nilagay niya si Dozer sa tapat ng laptop niya. Hinahaplos haplos niya ito. Biglang nagbago ang ekspresyon ni Lavinia na minsan ko lang nakikita. Umusbong ang kaba sa dibdib ko. Sana walang kinalaman kina mama at dad ang pagbabago ng pinta ng kanyang mukha.

"Alam mo...nakita ko sa mall yung ex mo kasama ang anak niya. Hawig niya. Anak niya talaga. Pinagkaguluhan nga ng mga kaibigan mo eh. Ang ingay nung chubby."

Maluluha na sana ako sa mga sinabi niya ngunit umatras ang luha ko pagkabanggit niya sa huling salita.

"Chubby?" pagtataka ko.

"Yung maingay? Kelly yata pangalan nun."

Mas kumunot ang noo ko. "Hindi chubby si Kelly."

Malakas lang kumain pero sa pagkakatanda ko hindi pa 'yon nadagdagan ng timbang.

"Eh chubby siya nung nakita ko." ani ni Lav.

Isang buwan palang ang lumipas ha? Baka naman tumaba si Kelly hindi ko lang namamalayan dahil palagi kaming magkasama.

"Nilapitan ako ng ex mo. Kinamusta ka niya. Na-miss ka niya ganda. Hinanap ka nga daw nung anak niya eh."

Tumingala ako upang magpigil ng luha. Hindi ko pa rin mapigilang maiyak. Hindi ko alam kung dahil sa pagbanggit niya tungkol kay Azriel o sa pahayag niyang kinakamusta pala ako nito.

"Oi! huwag kang umiyak joke lang."

"Lav!"

Humalakhak siya saka biglang nagseryoso "Totoo pramis. Kinamusta ka nga niya sa'kin. Nabanggit ka raw ng anak niya, hindi ka na raw nagpapakita sa kanya para makipaglaro ng toy cars.  Sa'kin siya nagkukuwento kahit hindi naman kami close. Pero okay lang, nakinig ako kasi ang lungkot niya lalo na nung sinabi kong hindi namin alam kung nasaan ka. Naawa ako."

Kung sa ibang pagkakataon ay binibiro ko na si Lav. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi pa siya nagpapakita ng awa. Ngunit sa sinabi niya, mas lalo akong naluha. Hindi ko maisip ang mukha ni Azriel na nalulungkot. My last memory of him was his bloodshot eyes and tear-stained face.

"Nasan ka ba talaga Amber? Umabot na sa pulis ang pagpapahanap nila sa'yo. Dinumog nga ako ng mga kaibigan mo, nakikibalita. Eh wala akong maisagot kasi miski ako hindi ko alam. Si kuya Ansel naman sabi niya hayaan ka nalang." Mas nilapt niya ang kanyang mukha sa screen at may pagdududa akong tinignan. "Alam niya kung nasan ka noh?"

Natatawa akong nagpunas ng luha dahil sa animated niyang ekspresyon. "Basta safe ako, yun lang. Huwag mo nalang banggitin sa iba na nag-usap tayo."

"Safe ka nga, pero okay ka ba?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Okay lang naman talaga ako. Yuna entertained me a lot, may pagka-Lavinia kasi siya kaya hindi ako nahirapan sa pakikipaghalubilo. Madalas na kinaaabalahan ko rito ay ang pagbabantay kay Halmeoni. Pero walang araw na hindi sumisingit sa isip ko ang huling alaala ko kay Azriel.

"Babalik na silang Australia. Kaya nga daw nag-hang out sila nun sa mall, parang farewell hang out ng barkada. Ikaw nga lang kulang."

Mabilis nagbalik ang mga mata ko sa screen. Walang bahid ng pagbibiro sa mukha ni Lav so that just means she's serious.

So they're going back to Australia. He's going without me. Kahit gaano pa man natin gustong ayawan ang desisyon ng iba, kung hindi na talaga magbabago ang isip niya ay hindi mo na 'yon mababago. Hindi ko na mababago. I have to lay off incessantly hoping to change things.

Alam kong kaya niya naman eh. Gusto rin niya, but he has decided for himself and for his son. Masakit mang aminin na hindi ako kasali sa dahilan ng kanyang desisyon, I have to sacrifice my selfishness and be selfless instead. Sila ang mahihirapan kung masusunod ang gusto ko.

Yes, I have already thought about that. At hindi ako galit. I have already realized things. And I'm here to have my peace of mind for a while. Kung for a while ba na balak kong manatili rito ng lagpas taon.

Kasalukuyan akong nagpapainom ng gamot kay Halmeoni nang biglang nagsara ang pinto kasunod ang mga tili ni Yuna. Siya palagi ang mas mukhang excited kapag darating ang mga pinapadala ni Riley. Siya pa ang nauunang kukuha nito galing sa mailman. It's been six months, at walang buwan na hindi siya nagpapadala.

Dinala ko muna si Halmeoni sa labas upang magpahangin. Sometimes she likes the solitude and the tranquility. Tinatawag niya ako kapag nais na niyang pumasok sa bahay.

Binuksan ko ang laptop at nag log in sa Skype. Online si Riley so I ringed him for a video call.

Nakangiti na siya nang sinagot ang tawag. Nagkakamot siya sa kanyang tenga kaya nahalata ko ang bagong stilo ng kanyang buhok. It's clean cut kaya mas nadepina ang maanggulo niyang mukha. It even highlighted his midnight eyes. And he looks fresh. His white v-neck shirt made me noticed his newly developed muscles. I don't know kung totoo ba 'tong nakikita ko o effect lang ba ng camera.

"How's Korea so far?" bungad niyang tanong. Pumalumbaba siya na hindi natatanggal ang ngiti. Alam kong nasa kwarto niya siya dahil sa background niyang ivory-colored wall ng kwarto.

Dinala ko ang laptop sa pag upo ko sa tabi ng bintana. "I feel like a kpop star."

Bahagya siyang tumawa saka pabirong pinaliit ang mga mata. "Huwag mo akong ipagpapalit sa mga koreano jan ha?"

"Nasa bahay nga lang ako. Kapag gumagala naman ay palagi kong kasama si Yuna, pinsan ko."

Tumaas ang isang kilay niya't nanunuya ang kanyang tingin. "So hindi mo ako ipagpapalit?"

"Nanliligaw ka pa lang Riley..." kinuha ko ang kurtinang panay ang paghawi saka inipit ito sa pagitan ng aking likod at sa pader na sinasandalan ko.

"I know..." he trailed off.  Maingat niya akong tinitigan. He's always been so sensitive with my feelings. "Are you healing yet?"

Ningitian ko siya. "Ang alam ko okay ako."

Tumatango siya habang binabasa ang kanyang labi. "That's good to hear."

He crossed his arms on the table. Bahagya niyang nilapit ang mukha sa screen na may malapad na ngiti. Kahit sa screen lang kami magkaharap, parang tumatagos pa rin ang tingin niya sa mata ko. It's like we're facing each other in the flesh. He's always been a direct looker.

"Ang saya mo ha? What gives?" tanong ko.

"I'm just happy to see you. Kahit isang beses palang tayong nakapag chat simula nung nagpunta ka diyan. Pero pwede naman siguro 'yon di ba? Liligawan kita through chat?"

Bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa si Yuna. Mabibilang ko lang yata ang mga araw na hindi ko siya nakikitang naka eyeliner at nilalagyan pa niya ng buntot. Lumapit siya sa'kin at dumungaw sa laptop.

"Is that him? Hello oppa!" kumaway siya saka tinakip ang kamay sa bibig. "Omo! He's very handsome! Does he have a brother?"

Inakbayan ko si Yuna at hinilig sa'kin upang mas makita siya sa screen. "Si Yuna, pinsan ko. Ang gwapo mo raw, she asked if you have a brother."

Humalakahak si Riley sabay kaway kay Yuna na manghang mangha. "I'm an only child. But I have cousins though...they're taken."

Ngumuso si Yuna. Sandali lamang yun dahil bigla siyang nagpa-cute kay Riley. Did she just bat her eyelashes at him?

Nagflying kiss siya na ikinatawa namin pareho ni Riley. Tinapik niya ako at tinuro ang labas. Tumango ako saka binalik ang tingin sa screen.

"Si Denver, taken na?" tanong ko.

"Playboy yun, baka lokohin lang ang pinsan mo. Ganyan mga type na i-fling nun eh, payatin."

"Ikaw? Dating someone?"

He playfully squinted. Mas nangitim ang kanyang mga mata sa ginawa. "I'm courting you, remember?"

My eyes cut to the flowers and the the box he sent containing the letters. Noong una nagtaka ako kung bakit mukhang mga bagong pitas ang mga bulaklak kung galing pa ang mga 'yon sa Pilipinas. Turns out, may kaibigan siya rito sa Korea na inuutusan niyang magpadala. But the letters were all originally from Riley. All written by him at palagi niyang pinapadala sa araw nung sinagot ko siya.

"Rai...you don't have to send me those every month. Well, to be honest I love them. Pero jusko nasa Pilipinas ka!  The farther the distance, the more expensive ang babayaraan mo sa pagpapadala." nanghihinayang kong ani.

Hinaplos ng kanyang mga daliri ang screen, na para bang kung kaharap ko siya sa personal, ay kinuwadro na niya ang mukha ko. Naging malamlam ang kanyang mga mata.

"Distance is never a hindrance when it comes to you, Amber. You know that. Tsaka pambawi 'yan dahil hindi pa kita nabibisita. Hopefully I'de be able to next month." Bumuntong hininga siya. "Di bale next year, baka every month na kitang pupuntahan diyan."

"Rai!" sita ko. Na-mention ko ba dati na may pagka OA siya minsan?

Napapunas ako sa noo ko kahit wala namang pawis. Lumalamig na rin kasi dito sa Korea dahil malapit na ang winter.

Pinagtawanan niya pa ang pag freak out ko.

"Baka maubos ang pera ng kompaya niyo."

Kampante siyang nagkibit balikat. "Well...we've just debuted two new branches."

Sa pagbanggit niya ng mga bagong bukas nilang branches, doon na nabaling ang aming usapan na nalipat sa panibagong topic hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro