Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTY FOUR

CHAPTER FIFTY FOUR

___________________________________________________________________________

I went home with my restless and defenseless self. I get that he doesn't know if the truth would change things. Ang kinasakit ng loob ko ay ang tono niya na para bang wala lang sa kanya kung may magbago sa'min.

I don't blame Maddox. How can I ever hate that adorable charming kid? Kahit yata magiging anak pa siya ng asawa ko sa kabit niya'y hindi magiging sapat ito upang magalit ako sa bata. Let alone with Azriel. He was seventeen then. Hindi pa kami magkakakilala noon. Kaya hindi ko dapat ikagalit ang pagkakaroon niya ng anak. May sarili din siyang pinagdadaanan at isa na ang paglihim ng pamilya niya tungkol dito sa loob ng apat na taon.

Napuno ang utak ko sa dami ng mga iniisip, pakiramdam ko tuloy bumibigat ang ulo ko. Hindi na nga nagkasya sa isip ko ang pag-alala na birthday ni Azriel ngayon. Tinext ko nalang ang pagbati ko, at hindi ako umaasang magre-reply siya. Maybe by now tapos na siya sa pag-iimpake, o baka papunta na siya sa airport.

Binakas ko ang hagdan paakyat sa kwarto. Nasa kalagitnan ako ng hagdan nang tinawag ako ni daddy. Nakatayo siya sa bukana ng dining room.

"Po?"

"Let's talk. Here." mariin niyang ani. Gamit ng ulo niya, bahagya niyang tinuro ang loob ng dining.

Wala akong maramdaman habang nagtungo doon. Sa ilang buwang hindi namin pagkikibuan ni daddy, nasanay na akong hindi siya nakakahalubilo, isa na ang dahilan sa hindi na siya masyadong nagpipirmi dito sa bahay maliban sa rason na ayaw ko siyang kausapin simula nung pumunta rito si Azriel.

Nakapirmi ang tingin niya sa'kin hanggang sa naupo ako sa tapat niya. Bilang pinuno sa mga business meetings, gesture na niyang pormal na pagsiklupin ang mga kamay sa mesa, kahit anak niya pa ang kaharap.

Sa tingin ko, simula nung umalis si kuya, parang hindi na namin kilala ni dad ang isa't isa. Hindi ko alam kung sino ang may pananagutan. But all I know, we've been distant to each other.

"I had changed my mind regarding you and that boy." panimula niya.

Hindi ko alam pero nainis ako na hindi niya mabanggit banggit ang pangalan ni Azriel. Nakalimutan ba niya o nandidiri siyang bigkasin ito? Eitherway, I'm still pissed.

"Azriel ang pangalan niya." sinubukan kong hindi iparamdam ang inis. He's still my father.

Walang emosyon niya lang akong tinitigan. Parang wala siyang narinig at wala manlang pakialam sa sinabi ko. Masama man kahit ang isipin ito pero gusto kong mag-walk out at gawin ang bagay na ginawa niya noong nag dinner kami noon kasama si Azriel.

"I was supposed to be okay with your relationship with him."

Napaayos ako ng tayo sa sinabi niya. He's okay with us? Tanggap na niya kami? Yet I could hear an incoming 'but' in his tone. Binalikan ko ang sinabi niya. He said 'was'.

Nabasa niya ang pagkalito ko sa pagtaas niya ng kanyang dalawang kilay sa'kin. Tumango siya, mistula bang sumang ayon siya sa napagtanto ko.

"I did my own research. I found one of his father's company in Melbourne. We talked, I told him you and his son are dating. And he told me something. Turns out, the boy hasn't known about the thing his father had told me yet. I've been waiting for this day to talk to you about it."

"I know." malamig kong sabi.

Tumagilid ng bahagya ang kanyang ulo sa pagtataka.

"He has a son." sabi ko.

His confusion smoothened. Napalitan ng pagkasurpresa. Baka nga gumaan ang loob niya dahil alam ko ang tungkol sa bagay na 'yon at umaasa siyang maghihiwalay na kami ni Azriel. If that's what he was thinking, I should probably apologize to him for he was wrong.

"When?"

"Kanina lang." ani ko.

Sandal siyang napaisip bago tumango. "Good. Then that made me change my mind again. You can't date that boy with a son."

Pagod akong bumuntong hininga. "Sasabihin mo ba ulit sa'king si Riley nalang? Are you in a rush for me to settle down?"

"Tama ka sa una mong sinabi. But no, I'm not in a rush for you to settle down and put down roots somewhere with him. Though, that's what I want to happen." aniya.

'What I want to happen', and obviously in anyone's point of view that means what he wants to happen.

Suko akong napasandal habang walang emosyon na pinaglalaruan ang mga daliri ko. Ngayong nalaman niya ang isang bagay na makakabawas sa tsansa na sang-ayunan niya kami ni Azriel. Wala na akong maisip gawin na makakapagpabago ng isip niya maliban sa isa. Ang sundin ang gusto niya. I'm willing to do everything. Buwis buhay man iyan. Come hell or high water, I'd risk them all. Kahit ano huwag lang ang ibigay ako sa iba.

"Ano bang dapat kong gawin para tanggapin mo si Azriel, dad?"

Masigasig niya akong tinitigan. "There is nothing that needs to be done. And there will never be."

Hudyat ang mga salitang 'yon upang mamuo ang galit sa sistema ko. Hindi kay dad kundi sa katotohanang wala na nga siguro akong magagawa. Pwede kong suwayin si dad at ipaglaban si Azriel. I know it's not a good-daughter thing to do but who cares about that anymore? What's good in being good if it doesn't make you happy? Minsan kailangan din nating sumuway sa mga kautusan para maging masaya. Kung pagsisisihan man natin, atleast may matututunan naman tayo.

That's what I am doing. I'm going with the flow. Sumusunod ako sa alon ng nararamdaman ko at handa akong magsisi kung magkamali man ako. Handa rin akong matuto sa mga pagkakamali ko. No one shall dictate us what to do. There is nobody who can dictate us how to live but ourselves.

"What's with the Montero's?" nababahiran ng inis kong tanong. "Dahil sa yaman nila? You want me to marry Riley for money? Pera na naman, dad? Bakit hindi mo nalang akong utusang huthutan sila kung pera lang naman pala ang gusto mo."

I sort of regretted for sounding rude to him. But I couldn't contain that anger to myself any longer. I wanted to burst!

"My choice has nothing to do with that reason, Amber. Opinyon ko lang."

"My feelings won't change just because of other people's godforsaken opinion." I retorted.

I could her him growl in his sigh. Nahagip ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Doon nanatili ang tingin ko habang sa kanya'y nakapirmi sa aking mukha. "I'm not 'other' people. I'm your father. And don't use that tone against me, Amber. Pati ba naman ugali mo ay minantsahan na ng lalakeng 'yon? That damn boy... "

"What will you do? Wala rin namang magbabago. You still won't like him for me." sabi ko.

Marahas siyang nagpakawala ng hangin. I am bracing myself. Alam kong kaunting pagsagot ko pa'y mawawalan na siya ng pasensya. Hindi ako makagalaw sa paghahanda sa sarili ko.

"Palagi kitang pinagbibigyan sa lahat ng gusto mo. You wanted to take nursing, I had let you instead of majoring a business course. Pati ba naman 'to? I tell you Amber, that man is no good for you. At may anak siya!"

Nag-angat ako ng tingin, inaasahan na kapag natitigan niya ako sa mata, makikita niya ang katotohanan at emosyon sa mga sasabihin ko. In that case, baka mabago ko ang isip niya. Kung kailangan ay magpapaawa o magmamakaawa ako. "Wala na ang ina ng bata. She passed away after giving birth! Walang masama doon. I can be a mother to his son!"

"You want to take care of another woman's kid?" hindi makapaniwala niyang sabi, na para bang umamin ako sa ginawang krimen. "This isn't the life that I want for you Amber. Hindi kita pinalaki upang mag alaga ng anak ng iba. Anak na hindi naman galing sa'yo!"

"He is a great man. He had Maddox when he was seventeen. Hindi pa namin kilala ang isa't isa noon. Ngayon palang niya nalaman na may anak siya."

Kahit ano na ang mga pinagsasabi ko na pambawe sa mga ayaw niya kay Azriel. Mga konsiderasyon na inaasahan kong makapagpabago ng isip niya.

Umiling si dad. "Whatever you say. The point here is you can't be with him, let alone take care of his son that didn't even come from your womb! Anong susunod? Magpapakasal kayo just so you can live together and start your own family with that bastard?"

Sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya. "Don't say that against him. Wala siyang ginagawang masama sa'yo."

Napaigtad ako sa marahas na pag-atras ng kanyang upuan. Padabog siyang tumayo kasabay ang paghampas sa mesa na siyang ikinapikit ko sa gulat. He has lost it. "You're disobeying me because of him! And that is enough for me not to like him for you! Even his kid!"

Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang pagtakas ng hikbi. Nanatili akong nakapikit upang maiwasan ang paglandas ng luha. Kuyom ang kamao ko na nasa aking binti at ang gusto ko nalang gawin ay ang tumakbo malayo dito upang takasan lahat sa kabila ng nais kong ipaglaban ang kagustuhan ko.

"Let's say nalaman mo ngayong may anak din pala si Riley. Would you still have liked him for me?" nanginginig ang boses kong tanong.

"Huwag mong ibahin ang usapan."

"Hindi ko iniiba." dumilat ako't nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi niya alintana ang pamamasa ng mga mata ko. "We're still talking about me and this arrange marriage thing and not liking the other guy for me that didn't reach your standards like being filthy rich, a tycoon's son, a childless man, and a guy whose parents are your dear friends and business associate."

"Why can't you just let your daughter be, Rikko? Hayaan mo siyang maging masaya."

Nahinto kami sa pagpasok ni mama na mahigpit na tinitignan si daddy.

"Hindi pa ba sapat itong binibigay natin sa kanya?" aniya.

Lumapit si mama at nagtungo sa likod ko. Gumalaw ng bahagya ang upuan sa paglagay niya ng kanyang mga kamay sa sandalan.

"Amber's a grown up already. Let her make her own decisions. Hindi na siya yung batang dapat nang pagsabihan."

Muling umupo si dad. "Ang buhay, hindi lang puro saya. I want her to be aware of that and not to linger on the unrealistic thought."

"So ipagkakait mo sa kanya ang kasiyahan niya?" halos histerikal na ani ni mama. "She's happy with that boy and I could see he is too with our daughter. Huwag ka nang manghimasok sa relasyon ng mga bata. You'll make her life miserable kung ipipilit mo ang gusto mo."

"She won't be miserable with Riley. She loves him." tinuro ako ni dad habang nakatingin kay mama.

"Sa tingin mo makikipagrelasyon ang anak mo sa iba kung mahal pa niya 'yung manok mo? Para kang bata na nagmamaktol dahil hindi nagkatuluyan ang gusto mong love team. Your ship is sinking Rikko, so get over it!"

Minsan lang magtaas si mama ng boses kay dad at sa mga pagkakataong nangyayari ang ganoon, si dad ang nagpapakumbaba. So I am praying this time na ganoon din ang gagawin niya. That he'll surrender. He'll give up. It's the two of us against him.

But he won't let his ship sink, unlike what's happening to my hopes that are slowly drowning.

Nakayuko siyang umiling. "You can't change my mind anymore." seryoso at determinado niya akong tinignan. "Kung hindi kita madidiktahan, may paraan pa rin ako kung paano masusunod ang gusto ko. I have the upperhand this time, Amber."

Tumayo siya't lumabas ng dining room. Walang sabi sabing sinundan siya ni mama.

"For God's sake hayaan mo na ang anak natin! What's wrong with you?...." natatabunan ang boses niya ng malulutong nilang mga yapak sa hagdan.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. I could hear their muffled argument behind the door. Sandali akong nanatili bago ako lumabas at umalis ng bahay.

Mabilis ang mga hakbang kong tinungo ang isang lugar na palagi kong pinupuntahan noon. Diretso ang pagtitig ko sa bakanteng sidewalk sa pinakadulo ng subdivision na madadaanan bago lumiko sa panibagong daan. Kahit gabi na, sa anino ng puno pa rin ako sumilong.

Sinandal ko ang baba ko sa pagitan ng aking mga tuhod habang pinaglalaruan ang mga maliliit na bato malapit sa'king paa. Binabalikbalikan ng isip ko ang mga sinabi ni dad. Mas binigyan lang ako ng rason nitong gumawa ng mga bagay salungat sa kanyang kagustuhan.

Alam kong hindi solusyon ang pagtakas. Paniguradong hindi rin papayag si Azriel. Kanina palang, sa ilang ulit na pinapaalala sa'kin ni dad ang hindi niya pagsang ayon, ay siyang paulit ulit ko ring iniisip na mag-impake at umalis na sa bahay.

But I'd considered the fact na maiiwan ko si mama. Kasi si dad lang naman ang lalayuan ko. Mama is emotional, so I won't get close into breaking her heart.

Nag-angat ako ng tingin sa narinig na langutngot ng mga bato. Seeing Riley was least in my expectations. He's in his sweatpants and grey hoodie na bahagyang humahapit sa kanyang katawan. Sa pagkakaalala ko maluwang 'yan sa kanya dati. It's either he owns another pair o lumaki lang ang katawan niya due to working out.

Kalmado siyang nakatingin sa'kin. He's striding smoothly at wala manlang bahid ng gulat na madadatnan niya ako ngayon dito. It's like he's expecting me to be here.

Muli akong tumungo. Umupo siya sa tabi ko kasabay ang pag-ugoy ng hangin. Hindi ako nakaramdam ng lamig dahil naka gala uniform pa ako at naka-stockings pa.

"Congratulations." panimula niya.

"Thanks." mahina kong tugon.

I don't care na wala akong masabing iba. I'm comfortable enough not to be able to say anything or to initiate a talk. Nandito lang naman ako upang lumayo sa bahay. If he's here to talk to me, that would be much appreciated. Though, that's not what I need tonight.

"This is your medidating place. Ito ang palagi mong pinupuntahan sa tuwing may tampuhan tayo. I knew I could find you here." aniya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"I always go here. Dito tayo palaging nagbabati. Palagi kong inaalala yon. Those memories are my anti-stressors."

Isa si Riley sa ayaw kong pagbuntungan ng inis ko. He doesn't deserve that. Pero pakiramdam ko kasi ngayon the whole world is against me. Kahit si dad lang ang ayaw pero kasi walang nag-aambag ng mga dapat kong gawin. It's like the world has a deep secret on how to unlock the solution to my problem, tapos pinagkakait nila sa'kin dahil kampi sila kay dad. And when I mean the whole world, that includes all the people except mama and Azriel, Maddox and my friends.

"You know what? Dad likes you for me. Ayaw niya kay Azriel." sumbong ko. I don't know what made me say that.

"Do you hate me for that matter? I can hate my existence if that will make you feel better." mahina ang boses niya. "But I had already done that a long time ago. I guess I have been, ever since."

Inaamin kong nasaktan ako sa sinabi niya. Of course he is hurting at lumala 'yon dahil sa sinabi ko. I'm stating an idea for him to hate himself more. Pero wala na akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang saktan sila. I wanted to hurt everybody.

"Do you want to marry me Rai? 'Yon naman ang gusto niyong mangyari di ba? Kayo na ang masunod. Kayo na rin ang magdikta ng magiging gender ng baby natin. Kung babae, hindi niyo tatanggapin dahil gusto niyo lalake. Ganon di ba?" sarkastiko kong sabi.

Napailing ako at mapait na tumawa. "Good for me? Hindi naman lahat ng nakakabuti sa'tin ay nakakapagpasaya."

Para lang akong nakikipag usap sa hangin dahil sa pananahimik ni Riley. He's letting me vent all I want. All those pent-up anger and frustrations, I'm freeing them.

Nilingon ko siya. Malungkot siyang nakatingin sa'kin na animo'y siya ang pumasan ng sa problema ko. Sa mahinang ilaw ng buwan, kita ko ang pangingilid ng kanyang mga mata.

"Maybe you were good for me, pero siguro hindi kita ganoon napasaya." aniya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Sorry. That's not what I meant."

I think I've just went overboard.

Kumilos siya't ginaya ang aking posisyon. "Had you not fell for somebody, we could have had been back together."

Siguro nga. Lalo na ngayong parehas na kaming naka-graduate. But it's not my fault. I don't know who is to blame basta ang alam ko hindi ako.

"You were the first who fell out of love" dugtong niya.

"You were the first one who let go. Can you blame me?" sabi ko.

"No. I shouldn't."

Dahil sa inis ko, pumulot ako ng maliit na bato saka ibinato sa pusang dumaan. "Babalikan mo na ako? Hindi na kailangan Rai. Sayong sa'yo na ako dahil yun ang gusto niya. May magagawa pa ba ako?"

"Kaya kong suwayin ang daddy mo. Kung gusto niya ako para sa'yo kahit ayaw mo naman, aayaw ako. I won't marry you."

Naguguluhan ko siyang nilingon. Is he serious? Isa siya sa mga pinakamasunuring taong kilala ko.

Nahalata niya ang aking pagkalito. Malungkot siyang ngumiti. "Ikaw pa rin talaga Amber."

I'm starting to hate loyalty now. Why can't he just fall for somebody else katulad ng ginawa ko? "Stop. Stop it. Wala na akong maibabalik sa'yo. Can't you see? I'm hurting for him and not for you anymore!"

"I know." pabulong niyang sabi.

Tumayo ako't pinagpag ang alikabok sa'king damit. Hindi ko alam kung saan mapupunta ang aming usapan kapag mananatili pa ako rito. I don't want to talk about today or whatever things that could have happened and things that should happen. In other words, I don't want to talk about everything.

Humakbang na ako pabalik sa bahay. Iniwan ko si Riley doon dahil hindi ako mabait ngayon. And I hate myself for it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro