FIFTY EIGHT
CHAPTER FIFTY EIGHT
_______________________________________________________________________________
Tinagilid ko ang mukha ko upang makahinga ng mabuti. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at panay ang hagod sa'kin ni Riley.
"Ssshh...nandito pa ako...I'm still here." mahinahon niyang ani.
Nilagay niya ang ilang hiblang tumatakip sa mukha ko sa likod ng aking tenga saka nilapit ang kanyang bibig doon. "Alam nating madali lang saking sabihin 'to dahil wala ako sa posisyon niya but in any ways, ipaglalaban kita. You know I'll do everything for you, Amber. Kung gusto mong ipaglaban kita, gagawin ko. I'll fight for you. Kung gusto mong suwayin ko ang dad mo, susuwayin ko. Pero kung sasabihan mo akong sumuko sayo, yun ang hindi ko magagawa. Kahit sino pa ang lumuhod sa harap ko't magmakaawa hindi ako susuko. And I have never given up Amber. Not just yet. Never will be."
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ng harap ng aking sweatshirt saka siya tiningala. "Hindi mo sinuway ang dad mo kaya naghiwalay tayo ayon sa gusto niya."
Mariin siyang pumikit, na para bang mapait sa kanyang alalahanin 'yon. Umiling siya.
Kinuwadro niya ang aking pisngi at mariin akong tinitigan sa mapaghanap niyang mga mata. "To hell with everything if I can't have you back again! Because I'm done! I'm done with the job for my father. I'm done being the obedient son. This time, ako naman ang masusunod."
Nanatili kaming ganoon. Wala akong masabi sa mga pahayag niya. Hindi ko nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Matutuwa? Magi-guilty? Malulungkot? Wala akong mahanap na pakiramdam.
Binasa niya ang kanyang labi saka sumingkot. Sinuklay ng mga daliri niya ang buhok kong tumakip sa'king mukha. "I'm done with them. Natupad ko na ang pangarap nila. Ngayon pangarap ko naman ang tutuparin ko. Pangarap natin dati. Still remember?"
Nagbaba ako ng tingin saka tumango. Isa 'yon sa mga pinanghahawakan ko sa kanya dati. Hindi na ako sigurado kung kaya ko pa yung tuparin kasama siya.
Matamlay siyang tumawa. "Pasensya na, pero ikaw pa rin talaga eh. Sinubukan ko namang magkagusto sa iba pero..."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi niya inaalis ang pagkuwadro sa mukha ko. Nakatingala siya't panay ang pagkurap. Mariin ang pagpapaloob niya sa kanyang labi. Riley is a neat guy pero iba ang nakikita ko ngayon. Ilang araw nang walang ahit ang stubble niya. Tinatanong ko sa sarili kung sinadya niya ba ang ganyang ayos o wala lang siyang mahanp na oras upang mag ahit. Ngunit bumagay pa rin naman sa kanya.
"Rai..."
Dinungaw niya ako sa likod ng namamasa niyang piluka.
"Walang ibang gustong gawin 'to kundi ang maghintay sayo." turo niya sa kaliwa niyang dibdib. "Titiisin ko Amber, at alam mong kakayanin ko. Alam mong hindi kita susukuan. Kahit mapunta ka man sa iba, hinahayaan ko, kasi mas malakas ang paniniwala kong sa akin pa rin ang bagsak mo. Na sa akin ka pa rin babalik."
Nainis na ako sa sarili ko sa hindi maubos ubos kong luha. Naghalo ang saya at lungkot ko sa sinabi niya. Nagtatalo naman ang bigat at gaan ng aking loob, na parang may nagsasagawa ng pagtitimbang sa kalooban ko at wala pang pinal na desisyon kung alin ang mas nanaig.
Hinaplos ng hinlalaki niya ang bakas ng nagdaang luha sa'king pisngi. "I'd rather live a life alone than to spend it with someone who is not you. What good is this heart if it's not loving you, Amber."
"Pero aalis na ako." pumiyok ang boses ko.
"Hindi naman mahirap sa'kin ang bisitahin ka." aniya, hindi manlang nagulat sa sinabi ko.
"Korea ang punta ko Riley, hindi lang lugar sa loob ng Pilipinas."
"Ano naman ngayon kung sa Korea ka pupunta? Sa tingin mo hindi kita mapupuntahan doon? Kahit gaano pa yan kalayo, Amber." determinado niyang sabi.
Umaasa niya akong tinitigan."Meron pa di ba? Meron pa akong puwang sa'yo, Amber? Kahit kaunti lang? Less than twenty or more than ten percent?"
Meron pa nga ba? Kahit naman magmahal ako ng iba hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Riley, sa ibang paraan nga lang. Pinakiramdaman kong mabuti ang sarili habang matiyaga siyang naghihintay sa sagot ko.
Wala pa akong maisasagot sa ngayon dahil nasasaktan pa ako. At ayaw kong magsalita ng tapos. Ayaw ko siyang paasahin, ayaw ko rin siyang biguin. Dinidipende ko ang sagot ko sa nahanap kong katiting na porsyentong nararamdaman ko sa kanya bilang espesyal na kaibigan. Tipid akong tumango.
He sighed in relief, at nakikitaan ko ng pag-asa ang pag-ngiti niya. "That not less than ten percent of what you feel for me is enough for me to hope."
Nanatili si Riley sa condo ni kuya. Nag-uusap sila sa sala habang nasa kuwarto ako't naligo at nagbihis para sa pag-alis namin ngayong hapon. Kaunti lang ang nagawa ko dahil nasa knapsack ko na naman ang lahat ng dadalhin ko.
Kumain muna kami bago umalis. Yung babaeng bisita ni kuya ang nagluto. Ewan ko kung masasabi kong girlfriend siya ni kuya. Hindi sila masyadong sweet pero close sila. O baka hindi lang clingy ang babae.
Ngayon ko siya natitigang mabuti habang naghahanda ng pagkain. Maputi siya, maganda at maamo ang mukha. Balingkinitan siya at makurba ang beywang kesa kay ate Mauryn na malaman. Bagsak ang itim niyang buhok hanggang balikat. Her doe-like eyes are lined with thick and long lashes. Nakadagdag sa kanyang ganda at kaamuan ang natural na makapal niyang kilay. Sa suot niyang skinny jeans at pink na peplum top, masasabi kong wala siyang arte sa katawan ngunit hindi na rin naman kailangan dahil sa natural na niyang ganda.
Nahalata ko ang peklat na bumabakas sa kanyang kaliwang braso. Mukhang mahaba pa ito na umabot sa kanyang balikat, natatabunan lang ng hanggang siko na sleeves ng top niya. Naningkit ang mga mata ko.
Tinagpo niya ang tingin ko. Tinumbasan ko ang tipid niyang ngiti.
Pumasok sina Riley at kuya na pinag-uusapan ang naitayo niyang mga negosyo. Parang nagpapatulong si Riley kay kuya since kakagraduate lang niya, doon siya nagpapa mentor sa may experience na.
"O, hindi ko pala naipakilala sa'yo." Tumayo si kuya sa likod ng inuupuan ko. Palad niya ang ginamit sa pagturo sa bisita niya. "Si Zee. Zee, kapatid ko si Amberlyn. Then..." tinapik niya si Riley sa balikat at hinila ito sa tabi niya. "Riley here, ex slash friend ni Amber."
Masama kong tinignan si kuya. Ngumisi lang siya't kinindatan ako. Nagtaas baba naman siya ng kilay kay Zee. Alam ko ang galaw niyang 'yan. He's flirting with her.
Napailing si Zee, or shall I say ate Zee.
"Umupo ka na nga't ihahatid pa namin kayo sa airport." aniya.
Masarap ang luto ni ate Zee, kaso kaunti pa rin ang nakayanan ng gana ko ngayon. Improvement na rin dahil atleast nakatatlong subo ako kesa kanina na isang kalabit lang ang nilamon ko, hindi ko pa naubos ang freshmilk na pinainom sa'kin ni kuya.
Tahimik kaming mga babae, shy type yata si ate Zee. Nahihimigan ko rin ang pagka-mysterious niya. Si kuya lang ang nag-iingay, tipid naman ang mga salita ni Riley. Pinag-uusapan nila 'yung Escalade na bagong bili niya at may balak pa siyang bumili ng bagong modelo ng sasakyan ngayong taon.
Nagsipilyo na ako pagkatapos at nag-ayos ng kaunti. Binuhay ko ang phone kong kahapon pa naka-off nung bumyahe na kami ni kuya papunta rito sa condo niya. Bumaha ang hindi ko mabilang na mga mensahe at missed calls. Kaninang umaga ang unang text na galing kay mama at Riley.
Matindi ang pagkabog sa'king dibdib habang nagso-scroll sa mga nagtetext. Nilagpasan ko ang mga pangalan ng kaibigan ko upang hanapin ang pangalang gusto kong makita. Nanginginit ang mga mata ko dahil wala ang pangalan niya. Kahit sa missed call log ay wala.
Hina akong napaupo sa kama. Dinilete ko lahat ng mensahe. Parehas lang naman ang mga tanong nila at 'yon ay ang kinaroroonan ko.
Halos sumabog ang puso ko sa pagtunog ng aking phone. Tawag galing kay Terrell.
"Hello?"
"Amber! Nasaan ka?" pinaghalong kaba at ginhawa ang tono niya.
"Bakit?" malamig kong tanong.
Pinakiramdaman ko ang ibang ingay sa kabilang linya, nagbabakasakaling marinig ko ang boses niya o di kaya'y kay Maddox.
"Hinanap ka ng parents mo dito sa dorm. Naglayas ka raw?" binulong niya ang huling tatlong salita.
"Did dad threaten you? Him?"
"Wala. Hindi naman kasi namin alam kung nasaan ka."
"Saan sila?" tanong ko.
"Umalis na. They believed us nung sinabi ni Azriel na....nagbreak kayo. He's damn worried, too Amber. Atleast let us know that you're okay para matigil na 'tong kaibigan ko sa pag-aalala. Halos mabitawan na niya si Maddox dahil palaging nakatunganga. Ako nalang tuloy ang nagpakain sa inaanak ko."
Bumagsak ang luha ko sa pagbanggit niya kay Azriel at Maddox. He's worried pero wala naman siyang ginawa. He's totally giving up and I hate it.
"I'm fine. Bye." nilayo ko na ang cellphone sa'king tenga.
"Wait—"
Pinatay ko na ang cellphone at isinilid sa pinakailalim na bahagi ng bag ko.
Tatlong beses kumatok si kuya. "Amber let's go! Baka maabutan pa tayo ng traffic."
Pinunasan ko ang aking luha saka sinuot ang aking knapsack. Sinusuri akong tinitigan ni Riley sa paglabas ko ng kwarto, na para bang alam niya kung ano ang nangyari sa loob. I'm such an open book to him.
Si kuya ang nag-drive papunta sa airport. Ako pa sana ang pauupuin ni ate Zee sa front seat pero tumanggi ako at sinabing siya nalang doon. Sa buong biyahe, nakahawak lang si Riley sa kamay ko. Sinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat saka hinalikan ang aking buhok. Nakatulog ako sa ganoong posisyon.
Mas maaga kami ng thirty minutes bago ang aming check in time. Madali lang naman kaming makakapasok dahil wala kaming baggage.
"O Rai, alagaan mo sasakyan ko pagbalik niyo ha?" pabirong bilin ni kuya.
"Opo." natatawang ani ni Riley.
"Zee..." lumapit si kuya sa kanya saka siya inakbayan. Pinisil niya ang pisngi nito. "Three days lang ako doon, ihahatid ko kapatid ko then balik na ako rito."
Tinaasan siya ng kilay ni ate Zee. "Nagtanong ba ako? Alangan namang hindi ka babalik eh nandito bar mo."
"Bar ko lang?" nanunuyang ani ni kuya. Napairap ako sa ere at napailing.
Nakatanggap siya ng hampas sa braso kay ate Zee. "Pumasok na nga kayo, maiwan pa kayo ng eroplano."
Dumungaw si kuya sa kanyang relo. "Mamaya na."
Habang nag-uusap sina ate Zee at kuya, binalingan ko si Riley na nakatingin na sa'kin. I used to miss those longing look in his face, na para bang babagsak ang mundo niya kapag nawala ako sa kanyang paningin. Dati naiiyak pa ako sa tuwing naaalala ko 'yon.
"Sana huwag mo na 'tong banggitin kina daddy." habilin ko.
Inangat niya ng kanyang kamay upang haplusin ang pisngi ko. He's staring at me with adoration. "You know I'll do everything for you, Amber."
Tahimik akong sumang-ayon sa kanya. I know he'll do that.
"I'll remain hopeful and faithful. You're worth it Amber. Kahit ilang taon pa akong manligaw hanggang sa bumalik ka sa'kin. I'll put up with those years. I'll try and try kahit ikamatay ko pa. I'm so hell bent into having you back. I just want to pull those feelings that you have for him out from your heart and replace them with the affection that you used to have for me. I won't just give up on the first rejection, or for the following rejections to come. I won't give up even though you'd tell me to stop. As long as I'll have you back again."
"Rai..." iyon lang ang tangi kong nasabi.
"I'll court you again." dagdag niya.
Bumukas ang bibig ko upang magsalita ngunit hinaplos ng daliri niya ang labi ko dahilan upang hindi ko matuloy ang aking sasabihin.
"You don't have to say anything. I don't need your approval. I don't need someone else's approval anymore. Ang sa akin lang ay sana hayaan mo ako. But I'll let you heal for a while. I'll wait 'cause I know it takes time."
Niwala akong ginawang pagtango o pag-iling. Hindi pa ako handa ngayon. Pero napanatag ang loob ko na naiintindihan 'yon ni Riley. Isang bahagi ng isip ko ang nagsasabing dapat ko siyang layuan dahil siya ang gusto ni dad para sa'kin, pero emosyon ko na mismo ang nagdikta na hindi ko 'yon magagawa. Wala siyang ginagawang masama. Nadamay lang siya sa kagustuhan ni dad.
Tinawag na ako ni kuya upang makapag check in na kami. Ningitian ko si Riley bago ako pumasok. Alam kong umaasa siya sa'kin, at ako'y umaasa naman sa ibang bagay katulad ng sana, mawala na 'tong nararamdaman kong sakit. Hindi na ako umaasa pang magbago ang isip ni Azriel. Pinal na ang desisyon niya at dapat kong respetuhin 'yon.
Nakapamulsa si Riley katabi ang kumakaway na si ate Zee. His smile is hopeful, at kumikinang sa pag-asa ang kanyang mga mata. Inakbayan ako ni kuya habang kumakaway pabalik sa kanila. I waved at them saka ako tumalikod. Hindi na ako humarap ulit sa kanila pagkatapos ma-check ang aking bag.
"You sure about this?" tanong ni kuya na pumantay sa'king paglalakad.
Tumango ako at hindi na nagsalita pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro