Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FIFTY

                  

 

CHAPTER FIFTY

_________________________________________________________________________________

 

Maingay kaming lumabas ng Coliseum. Nakasuot na ng sando ang nakaakbay sa'king si Azriel  dahil ayaw ko siyang basta basta nalang magta-topless dito sa labas. Ayaw niya rin namang ipatanggal ang jersey shirt na pinasuot niya sa'kin.

Panay ang pagmamayabang ni Archer sa ginawang pag-shoot kanina. Binaha siya ng kantyaw nina Brennan at Terrell dahil sa naging foul nung second quarter.

"Shit talaga! Ten points sana naging lamang natin kung di lang ako sinangga nung Roberto. Foul tuloy, di ko pa napasok." umiiling niyang maktol.

"Di ka raw pang one pointer eh." komento ni Brennan.

"Oo nga. Pang three points lang." pagmamayabang niya. Nakatanggap ulit siya ng kantyaw galing sa'min. Conceited much?

"Huwag ka nga! Yabang mo!" sinupalpal ni Kelly ang mukha ni Archer. "Si Azriel nagpanalo sa inyo!"

"Eh ako naman ang nagpasa ng bola sa kanya. So kasali rin ako sa nagpanalo sa'min." he retorted.

"Touché." ngiwi ni Kelly.

Tumawid kami sa daan at pumasok sa JY Square mall na katapat lang ng Coliseum. Napagkasunduan naming magpalamig muna sa loob bago kami bumalik sa school para sa awarding. Isasabay na rin namin ang pag kain ng late lunch.

"Ba't huli na kayo dumating?" tanong ni Archer habang nakasakay kami sa escalator. Umupo siya sa hagdanan.

"Nanood pa kami ng dance contest! Sumayaw kaya sina Amber at Carlo." ani ni Lian.

"May video kami! Ang galing nila." deklara ni Noemi. Tinapik niya si Kelly at pinakuha nito ang cellphone na ginamit sa pag-video kanina.

"Patingin."

Naghanap muna kami ng upuan sa foodcourt. Maraming tao, karamihan ay inokupahan ng mga estudyanteng nanood ng game sa coliseum. Pumwesto kami sa harap ng nagbebenta ng barbecue at ibang sari't saring pagkain, malapit sa stall ng Waffletime. Pinanood muna nila ang video bago nag order ng pagkain.

"Ang galing mo pala Amber." komento ni Brennan. "sayang wala si Kent, di niya 'to napanood."

Katapat namin ang mga boys maliban kay Azriel na katabi ko. Silang tatlo ang nanood ng video. Malakas ang volume ng phone kaya rinig ko ang mga hiyawan mula rito.

"Saan pala siya?" tanong ni Carlo habang nagta-type sa cellphone.

"Extension duty sa Sotto." sagot ni Terrell.

Tumayo na sina Kelly upang mamili ng pagkain. Tumingin sila sa'kin, naghihintay na sumunod ako sa kanila.

Nilingon ako ni Azriel. Presko na ang mukha niya galing sa pagkakapawis kanina. "Anong kakainin mo?"

"Magdi-dinner naman tayo sa bahay. Tinext ko na si mama."

"Hindi ka nag-lunch, so you have to eat something." aniya.

Tinanaw ko ang tinda ng mga pagkain sa likod niya. Kumalam ang tiyan ko sa mga nakahilerang ulam. Tiyan na mismo ang nagkumbinse sa'king kailangan ko ngang kumain. Malayo pa naman ang dinner.

"Tara." Isang beses akong tumango hudyat upang dumulas siya paalis sa upuan upang makaalis ako.

"Diyan kayo?" turo ni Lian sa napili naming pagbilhan. Sunod niyang tinuro ang may nakadisplay na umuusok na sisig. "Doon kami."

Tumango ako saka sila tumalikod. Kasama nila si Carlo.

"Barbecue saka half rice." sabi ko pagkatapos kumuha ni Azriel ng tray.

"Ayaw mo nung sabaw? I wanna try it." aniya, tinuro ang sabaw na may repolyo at pork.

"Bilhin mo, titikim nalang ako."

Sinabi niya ang mga order namin. Kaunti lang ang balak kong kainin ngayon dahil paniguradong maraming ihahanda si mama sa bahay.

Nauna kaming bumalik sa upuan. Inaninag ko sina Kelly na namimili pa rin ng kakainin hanggang ngayon. Matiyaga silang hinintay ni Noemi na napuno na ang tray sa kanyang order.

"Magaling, magaling." Tumatangong ani ni Archer saka nilagay ang phone ni Kelly sa table. Kakatapos lang nilang panoorin ang dance video. Tumayo na silang tatlo upang makabili ng pagkain. 

Kinuha ni Azriel ang cellphone at siya na ngayon ang nanood. Nauna na akong kumain. Dumudungaw ako sa phone sa tuwing lumalakas ang mga hiyaw.

"How did you do this?" tanong ni Azriel. Tinignan ko ang pinanood niya at nakitang nasa hand tutting part na siya.

Ginawa ko ang hand tutting. Pinanguso ng mga daliri niya ang kanyang labi habang hinahabol ng kanyang mga mata ang mabilis kong paggalaw. Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya tsaka siya napailing.

Pinaulit ako ni Azriel, sakto namang bumalik na sina Lian.

"Ang hirap." pinadulas ni Kelly ang sarili sa pag-upo. "Sinong nagturo?"

"Kyler."

Kumunot ang noo ni Azriel. "Your suitor?"

"Dati." nagkibit balikat ako.

Nakabalik na sina Terrell na may tigdalawang rice sa kada tray. May dessert pa si Archer. Leche flan. Halo-halo naman kina Brennan at Terrell. Kaya pala ang tatangkad nila dahil ang dami rin ng kinakain. Pati nga si Azriel ay dalawang rice. Hindi rin ba sila nag-lunch?

"Nanligaw ba siya ulit?"

Napabaling ako kay Kelly dahil sa tanong niya. Pigil ngiti niyang sinulyapan si Azriel bago ako muling tinignan.

Binalik ni Azriel ang cellphone ni Kelly. Sinimulan na niya ang tahimik na pag-kain.

"Di ba nagpapadala pa yun ng chocolates at bouquet sa'yo?" sabat ni Carlo. "Patay na patay yun sa'yo eh. Baka nga hanggang ngayon kasi wala akong nabalitaang may nililigawan siyang iba."

Tumatango tango sina Kelly, Lian at Noemi. Naghagikhikan sila habang nakatingin sa nakasimangot na ngayong si Azriel.

"Grabe naman yung bouquet. Isang rose lang." sabi ko. Bakit ba namin pinaguusapan 'to? Katabi ko po boyfriend ko.

"Well I gave you three large roses."

Natahimik ang buong mesa. Humina ang pagnguya ng tatlong lalake sa tapat ko. Nilingon ko si Ariel at tinitigan siya, hindi ko alam ang sasabihin o ire-react.

"Nung birthday mo." pagpatuloy niya. Swabe siyang uminom ng tubig at sumandal. Nilagay niya ang isang braso sa likod kong nakasandal rin.

"Alam ko. Sinabi nga ni Terrell eh." nagkatitigan kami ni Terrell. Nagpipigil siya ng ngiti sa pagpapaloob ng kanyang labi.

Bahagyang yumuko si Azriel at humigop ng sabaw sa kanyang kutsara. "You shouldn't have known."

"Eh ano naman kung malaman ko?"

"La lang." nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "I'm not good at courting." bulong niya. Suminghap muna siya bago nilayo ang kanyang mukha. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi saka hinigpitan ang pag akbay sa'kin. He squeezed my arm.

Gosh! Kung hindi pa naman nakakaakit yun, ay ewan ko nalang! Nanlambot ang mga tuhod ko, mabuti nalang at nakaupo kami. At amoy na amoy ko ang deodorant niya. His after sweat scent is so addictive.

"Ehem." Sabay na pumeke ng ubo ang tatlong ugok sa harap ko.

Napalingon kami kay Carlo nang bigla nalang itong tumili at nagtatatalon sa kanyang upuan. Hawak niya ang kanyang cellphone at muling binasa ang text na animo'y hindi makapamiwala.

"Panalo tayo! Nagtext si ate Glen! Panalo tayo sa dance contest!" deklara niya sabay tili at yugyog sa katabi niyang si Brennan.

"Yeay!"

Maingay ang ibang mga tables lalo na sa arcade corner kaya hindi masyadong naririnig ang mga hiyawan at pagsasaya namin. Pero may napapatingin rin sa'ming pwesto sa nilikha naming ingay.

"Double celebration tayo ngayon! O sinong bibili ng cake? Chip-in kaming tatlo sa ice cream." ani ni Archer.

"As if naman aambag ka! Makikikain ka lang naman." tawa ni Terrell.

"Aambag ako uy! Rich kid yata ako ngayon."

"O eh ikaw nalang bumili." ani ni Kelly.

Nagtatalo na sila kung sino ang dapat bumili sabay asaran. Di namin mapigilang matawa kay Archer sa pang aalaska sa kanya nina Terrell at Brennan. Dagdagan pa ni Carlo na malakas mang-insulto.

"Ako na."

Otomatiko kaming natahimik sa pagsasalita ni Azriel. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Siya na raw ang bibili? As in?  It's not a normal Azriel thing to do.

"Ba't bigla kang nag volunteer? Kuripot ka, AJ. Hindi lang sa salita, pati rin sa pera." halakhak ni Terrell.

"Celebrate." kibit balikat niya. Binalik niya ang pagkakaakbay sa'kin. "Hindi ko pa kayo nalibre nung naging kami ni Amber."

Muli silang naghiyawan. Bago ko naibaon ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa pamumula, nahagip ko ang tumitiling si Kelly na niyuyogyog ang nagtilian ring sina Noemi at Lian.

"Oh my gosh ang sweet mo Fonta baby!"

"Totoo ba 'to? Kayo na talaga? Hindi joke joke lang?" hindi makapaniwalang react ni Noemi.

"Congrats pare."

Bahagya akong sumilip. Nakipag-high five ang tatlong ugok kay Azriel.

"And wish me good luck. I'm going to face her parents tonight." aniya.

Suminghap si Kelly. "Meet the parents agad? Tapos ano? Pakasal na?"

"Hindi na nga nanligaw eh, mag-propose pa kaya? Kaya idiretso na 'yan sa simbahan." dagdag ni Terrell.

"Ibili mo na rin ng singsing si Amber. Kahit yung tig fifty peso lang. Doon sa Colon, lalakarin mo lang."

Tinapatan namin ang ingay ng arcade corner sa lakas ng tawanan namin dahil sa sinabi ni Archer. Hinapit ako ni Azriel na tawang tawa rin. Ang saya niya ngayon, well lahat naman kami masaya. Kung may gumagala lang na photographer dito, hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa kanyang kuhanan ng litrato ang eksenang 'to.

"Tapos diretso kayo sa Basilica de Sto. Niño, pakasal kayo. Lalakarin niyo lang din 'yon." sabi ni Brennan na sinusundot na ang ice ng kanyang halo-halo gamit ang kutsarita.

"Di ba malapit lang din yung City hall? Lakarin niyo na rin doon ang mga papeles. Dala niyo ba ang mga birth certificates niyo?" maarteng turo sa'min ni Carlo.

"Oo nga no? O, ano na? Game?" tumuwid ng upo si Terrell at pormal na pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. "Ako witness—Bestman pala. Mag-isip na kayo kung sino gagawin niyong maid of honor."

Naghagikhikan sila.

Nilingon naman ako ni Azriel na may nakakalokong ngiti. Ano naman kaya ang ngiting 'yan? Kinakagat kagat niya ang kanyang  lower lip habang napapaisip akong tinitigan. Isang beses siyang tumungo.

"Tara? Game!" taas kilay siyang ngumisi. Madrama niyang dinungaw ang kanyang relo "May oras pa tayo."

Tinulak ko ang mukha niya.

"Mga buang kayo." sabi ko kasunod ang tawanan nila.

Pagkatapos pagpiyestahan ang cake at ice cream, bumalik na kami sa school. Kailangan ang presence doon lalo na ng mga participants at players. Hindi naubos ang cake, malaki kasi ang binili ni Azriel kaya balak naming i-share 'yun sa mga kaklase naming nasa school ngayon. Ang ice cream naman, parang hinawi ng tsunami sa bilis ng pagkaubos.

Nakakabinging tambol sabayan ng malakas na boom ng malalaking speakers, paulan ng confetti at hiyawan namin pagka-anunsyong Nursing ang champion ngayong taon. Runner up ang business ad, course ni Riley, masaya din ako dahil doon.

Hinanap ko siya upang i-congratulate sana kaso hindi ko siya mahagilap. Bumalik sa isip ko ang nangyari kanina, kaya mas mabuti na rin sigurong hindi muna kami magtagpo. Kung makikita ko man siyang masaya, gagaan talaga ang loob ko.

Nagpapahiran ng icing galing sa cake na dala namin ang mga kaklase ko. Nasa isang room kasi kami sa third floor para sa attendance. May iba sa'ming hindi tinanggal ang mga pinahid sa kanila. Ginawa pang balbas o di kaya'y stubble ng mga lalake. 

Tumakbo ako palayo kay Azriel nang nakita ko siyang sumungkit ng icing. Buong akala ko ay tinatakot niya lang ako kaya inasahan kong hindi niya ako hahabulin. Ang pagkakakilala ko sa kanya sa loob ng ilang mga buwan ay hindi talaga naghahabol.

Akala ko lang pala yon dahil pagkalingon ko, nakangisi niya akong sinusundan. Tuluyan na akong lumabas upang mas malawak ang tatakbuhan ko.

"C'mere Amber...come to papa..." panunuya niya.

Lumingon ako at nakita ang paghawi ng mga estudyante sa pagdaan niya. Parang hari lang? Tinaas niya ang dalawang kamay at pinakita sa'kin ang icing na nasa kanyang mga daliri. Ito ang ginamit niya sa pagsenyas sa'king lumapit.

Umiling ako saka pumasok sa girls cr.

Sumandal ako sa sink countertop at inabangan ang pagdating niya. Ganoon pa rin ang ngiti niyang nanunuya nang bumungad siya sa'king paningin. Akmang papasok siya pero tinaas ko ang kamay ko.

"Huwag kang pumasok, girls cr 'to." pigil ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "So?"

Dahan dahan siyang humakbang palapit sa'kin. Kinabahan ako sa ginagawa niya. Baka may bigla nalang papasok at mahuli pa kami, baka magreport pa sa dean. Marami pa namang mga students dito sa third floor. Mas malakas pa yata ang pagkabog ng puso ko kesa sa ingay ng mga estudyate sa katabing classroom.

Tuluyan nang nakapasok si Azriel. Sinara niya ang pinto sa likod niya gamit ng kanyang paa at na-lock niya ito habang nakatalikod siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ano bang binabalak niya? Last year na namin 'to tapos gumagawa pa siya ng gawaing makapagpahamak sa'min. Baka hindi kami maka-graduate!

"What—"

Naputol ko ang nais kong sabihin sa mabilis niyang paglapit. Hinawakan niya ako sa braso, hinila tsaka giniya sa pader sa unang cubicle upang ako'y isandal. Nakaawang lang ako, gulat pa rin sa kinikilos niya lalo na nang ako'y kanyang hinalikan.

Yun lang pala? Akala ko lalagyan niya ako ng icing. Edi sana hindi na ako tumakbo.

His lips taste sweet. Dahil na rin siguro sa mga matatamis na kinain namin kanina. His kisses were slow, deep and gentle, at hindi ko napigilang suklian ito. I guess this is the right time for me to say...to hell with detention. Bahala na kung may makahuli sa'min dito!

"I just wanna say congratulations to you, too. Sayang di kita nakitang sumayaw kanina. You did great." nakangiti niyang sabi. His words seem to make my lips breathe dahil sa lapit pa rin ng distansya namin.

"Napanood mo naman ang video." nakapuluot ang kamay ko leeg niya.

"Pero gusto ko personal kong makita. It would feel like you were dancing for me. Because a while ago, I know you have arrived and has watched me did the winning three point shot. So I played it for you. I won it for you."

Napapikit ako sa sinabi niya. I could breathe in those words. Naramdaman ko ang pagsandal ng kanyang noo sa noo ko. This would have been more romantic kung wala lang kami sa cr. Kulang nalang ay background music. Bakit naman kasi dito ko pa naisipang magtungo? What was I thinking?

And this would have been more romantic kung hindi lang niya pinagtripang pahiran ng icing ang magkabilang pisngi ko. He has just ruined the moment! Ughh!

"Azriel!" nag-echo ang sigaw ko dito sa cr.

Nakalabas na siya bago ko pa siya maabutan. Mabilis akong naghilamos saka siya sinundan.

Umalingawngaw ang halakhak niya sa buong hallway ng third floor. Tumakbo ako pero mas mabilis siya at isa pa, ang layo na niya! Hinabol ko pa rin siya pagkarating namin sa room kaso hindi ko na siya nalagyan ng icing kasi inubos na nila.

Hingal siyang tumatawa sa sulok. Nagtataka ang ibang mga kaklase namin sa laro naming dalawa.

"Break na tayo!" sabi ko.

Dumagsa ang mga reaksyon at komento nila.

"Halaa....AJ.."

"Saklap!"

Kinuha ko ang bag ko. Nagpaalam na ko kina Lian na uuwi na ako. Natatawa lang sila ni Kelly at Noemi.

Hinabol ako ni Azriel nang nasa hagdan na ako. Kaka-receive ko lang ng text ni mang Cesar na nasa parking lot na siya. Tahimik na nakasunod sa'kin si Azriel hanggang sa nakasakay kami sa kotse.

"Naghanda na po sina mama?" tanong ko kay mang Cesar. Umusog ako upang mas makaupo si Azriel.

"Opo. Nandoon na rin ang daddy mo."

Pinaandar na ni mang Cesar ang kotse. Pa chill lang ako kanina at ang lakas pa ng mga tawa ko pero kinain na ang lahat ng iyon ng kaba at pagkabahala sa maaaring sasabihin ni daddy.

Azriel has had experienced rejection, and I had added being the one who has given him that treatment before. If so, sana hindi 'yon ipaparanas sa kanya ni dad. I hope that he will act as a father that I've known him growing up. He's a good man, I know. Sana lang hindi aatake ang pagka-Hitler niya.

Ten minutes yata ang nagdaan bago umimik si Azriel. Kanina ko pa pansin na hindi siya mapakali. Panay ang sulyap niya sa'kin, parang hinihintay niyang matignan ko siya pabalik.

"You're not serious about the break up thing, right?" mahina niyang tanong, at may pag-aalinlangan.

"Tingin mo?" sa labas ng bintana ako nakatingin.

"N-no?"

Nagkibit balikat ako. "Edi no."

Nahihimigan ko ang frustration sa kanyang buntong hininga. Rinig ko rin ang marahas niyang pagkamot sa kanyang buhok. I pressed my lips to suppress my smile.

"Amber..." pagmamakaawa niyang sambit. Marahan niyang tinulak ang balikat ko saka ako kinalabit.

"Hindi nga. Papayag  ba akong sumakay ka dito kung oo?"

Napasandal ako sa bintana sa paglapit ng mukha niya sa'kin. "Tayo pa rin?"

Nagtaas ako ng kilay. "Ayaw mo?"

Tumawa siya at gigil akong niyakap patagilid. Panay ang pisil niya sa pisngi ko habang kagat ang labi niya. Nahihiya akong tignan si Mang Cesar na marahil naririnig at nakikita kami. At hindi nga ako nagkamali. Nakita ko sa rearview mirror ang pagngiti niya.

Papalapit palang kami sa bahay ay nahagip ko na si mama na nakaabang sa labas na siyang ipinagtaka ko. Nasaan kaya si dad? Is this a sign na ayaw talaga niya sa dinner na 'to? Siya nga ang nag-initiate nito di ba?

Hindi pa kami nakababa sa kotse ay nakangiti na si mama. Lumawak ang ngiting 'yon pagkakita sa'ming dalawa ni Azriel.

"Si Azriel po, Ma." pakilala ko.

Hindi kami nakapagpractice kung paano niya dapat pakitunguhan ang parents ko but I think instinct na niya ang nagsabi na lapitan si Mama at magmano. Wow! He's got a polite streak in him. I didn't expect that.

Hinawakan siya ni mama sa balikat. She was smiling up at him saka tumingin sa'kin na parang may ipinapahiwatig. Though it's not bad. Parang sinasabi ng mga mata niyang magaan ang loob niya kay Azriel.

"Ang gwapo mo iho, kaya ka siguro nagustuhan ng bunso ko."

"Ma!" sita ko sa kanya.

Tumawa lang siya. Nakangiti akong nilingon ni Azriel saka kinindatan.

"And you're tall! You're taller than me." dagdag komento ni mama. Yumukong nag-thank you si Azriel. Siguro nahihiya? I mean..I kinda' forgot that he's capable of being shy.

"Siya ang nagpanalo sa basketball championship kanina. Three-point shot!" pagmamayabang ko.

"Oh..." tumatangong ani ni mama. Pinasidahan niya ako at tumaas ang kilay niya na parang may napagtanto. Tinignan ko ang suot ko. I'm wearing Azriel's number eight jersey shirt kung saan nakalagay ang apelido niya sa ibabaw ng 08.

"Fontaneza..." basa ni mama.

"Azriel James Fontaneza po." ani ni Azriel.

Nang-aasar niya kaming ningitiang dalawa. Kung nandito lang si Tita Sherry, mas malala pa siguro ang ire-react niya. Mas bagets kaya 'yun mag-isip.

"Tita! Nag-MOMOL sila kanina sa gitna ng Cebu Coliseum!"

Nanlamig ako sa pahayag na 'yon. Pero kahit nanlamig ako'y salungat naman ang pakiramdam ng aking mukha na ginapangan ng init. Salubong ang kilay akong bumaling sa taas ng kabilang bahay kung nasaan ang kwarto ni Lavinia. Alam kong siya 'yong sumigaw! Gumagalaw pa ang kurtina niya at may narinig akong hagikhik.

"Shut up Lav!" sigaw ko pabalik.

Halos hindi ko na matignan si mama. Sana hindi niya alam ibig sabihin ng MOMOL. Ano nalang kaya ang ire-react niya?

Bahagya lang ang pagtataka niya. Pinilig niya ang kanyang ulo at muli kaming ningitian.

"Pasok na kayo. Me and Terry cooked your favourite, Amber." Bumaling siya kay Azriel. "You like pasta Azriel?"

"I'm good with anything po."

"Mas mahilig ka kaya sa gulay." ani ko.

Aliwng tumawa si mama at muli kaming hinarap. "Don't worry, may hinanda rin akong vegetable dish."

"Thank you po, ma'am."

"Call me tita Arianne."

"Ang galang mo naman masyado." pang-aasar ko sa kanya. Ningitian niya lang ako at piningot ang aking ilong.

Nilagay namin ang mga bag sa sofa sa sala bago kami nagtungo sa dining. Bago pa kami makarating doon, nakarinig ako ng mga yapak sa hagdan. Sabay kaming nagsilingunan doon.

Dad's intimidating aura striked again. He's in his formal attire, kakagaling niya nga lang siguro sa office. I had only been there twice.

Hindi ko mabasa ang reaksyon niya ngayong nakatingin siya sa aming tatlo. Panalo sa karera ang tibok ng puso ko kesa sa mga hakbang niya pababa. Please be good to him, dad.

Huminto siya sa aming harapan. I didn't have to tell Azriel what to do.

"Good evening, Sir." aniya, yumuko siya bilang pagbati. Maybe he has studied the Korean tradition. Ano kaya magiging reaction ni dad kung  sakaling nag 'Annyeong hasseo' si Azriel? Oh gosh, ano na ba 'tong pinag-iisip ko? Hindi naman ako nag kulang sa pag kain ngayong araw.

Kabado kaming hinintay ang sagot ni daddy.

"Good evening." maikli niyang tugon.

Umayos ng tayo si Azriel pagkatapos yun sabihin ni daddy. Does he need a back massage?

"Let's have our dinner." dagdag niya saka kami nilagpasan.

Nagkatinginan kami ni Azriel. I couldn't afford to give him an assuring smile, salungat sa ngiti niya sa'king nagpapahiwatig na magiging okay lang ang lahat.

Well, I really do hope so.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro